Bangkang Papel

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Pangkat I: BSED III - FILIPINO

Caberto, Jan Lemuel


Azul, Ashley Mae
De Chavez, Marianne Kaye

PAGSUSURI: Bangkang Papel ni Genoveva Edroza Matute


Tauhan:
Ang batang lalaki - pangunahing tauhan
Ina ng batang lalaki
Ama ng batang lalaki

Miling - kapatid ng batang lalaki


Aling Ading - kapitbahay nila
Mang Pedring - kapitbahay nila
Feli - kapitbahay nila
Turing - kapitbahay nila
Pepe - kapitbahay nila

Tagpuan:
Sa bahay ng batang lalaki
Banghay:
Simula: Naalala ng tagapagsalaysay ang isang batanglalaki na gumawa
ngtatlong bagkang papel na hindi napalutang sa tubig kailanman. Ikinuwento niya
kung paanong ang batang ito ay patulog na sa isang barung-barong isang
gabi kasama angkanyang ina at kapatid na si Miling. Naririnig at mararamdaman
sa kanilang tahananang dagundong ng sagupaan ng mga kawal at mga taong bayan.
Gitna: Pagkatapos ng isang gabing pagsusungit ng panahon. Nagkaroon ng
balitang ang kanilang kababayan ay nasawi laban sa mga kawal. Kabilang sa
nasawi ang ama ng batang lalaki. Inilikas sila ng kanilang Kapitan Sidro paalis ng
kanilang baryo dahil sa pagsapit ng umaga ay bababa na ang kawal at sila naman
ang isusunod.
Wakas: Nakalikas na ng baryo ang mga magkakabaryo. Kasama rito ang
pamilya ng batang lalaki. Hanggang sa makaalis sila ng kanilang bahay ay
tinatanong parin ng kaniyang pamilya kung bakit pinaslang ng mga kawal ang mga
tao kabilang ang kaniyang ama.
Paksang Diwa:
Pagkasira ng pamilya
Isyung panlipunan (GIYERA)
Bisa:

Bisa sa pandamdamin: Ang maikling kwento na ito ay makapagdamdamin dahil sa


musmos na bata na ito ay nawalan na sya ng ama. Isang batang lalaking gumawa
ng tatlongmalalakingbangkang papel nahindi niya napalutangkailanman. Ang mga
bangkang papel na itoang nagsilbing mga pangarap nya. Simula sa pangyayaring
iyon ay alam niya na hindi na ito muli matutupad, ang mga bangakang papel na ito
ay hindi na muling mapalulutang.

Bisang pangkaisipan: Natutunan namin sa maikling kwentong ito na maging bukas


ang ating mga kaisipan sa lahat ng posible at maaaring mangyari sa hinaharap.
May mga bagay talaga na bigla na lang mawawala sa atin ng hindi natin inaasahan.
Maging matatag, matapang at magpursigi tayo sa sa ating mga pangarap dahil may
mga tao o bagay na nakapaligid sa atin ang hahadlang at mga maaaring pumawi
nito.

You might also like