Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

PETSA: NOVEMBER 12, 2018 IMME: Instructional Management Monitoring Evaluation

ORAS: 8:00 – 9:00 AM GURO: RANIE MAY V. PIÑERO

SICAYAB NATIONAL HIGH SCHOOL


Sicayab, Dipolog City

Di – Masusing Banghay – Aralin


sa Edukasyon sa Pagpapakatao
Grade 9 - Section Acacia

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (Content Standard): Naipamamalas ng magaaral ang


kahalagahan ng kagalingan sa paggawa.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP (Performance Standard): Nakatatapos ang mag-aaral ng isang
gawain o produkto na mayroong kalidad o kagalingan sa paggawa.
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO ( Learning Competencies) :
1. Natutukoy ang mga indikasyon na may kalidad o kagalingan sa paggawa ang
isang gawain o produkto. (EsP9KPIIIg-10.1)
2. Nakabubuo ng mga hakbang upang magkaroon ng kalidad o kagalingan sa
paggawa ang isang gawain o produkto. (EsP9KPIIIg-10.2)

I. Layunin: Pagkatapos ng sesyon, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. natutukoy ang mga angkop na katangian na nagpapakita ng kagalingan sa paggawa,
2. naipaliliwanag ang batayang konsepto ng aralin.

II. Paksang - Aralin: Modyul 10: Kagalingan sa Paggawa


LM: 1-16
TG: 1-8
LC Code: EsP9KPIIIg-10.1 - 10.2
Mga kagamitan: projector, laptop, kartolina, pentel pen, manila paper
III. Pamamaraan sa Pagtuturo
A. Panalangin
B. Pagtala sa mga lumiban sa klase
C. Pagpapahayag sa mga layunin
D. Pagtuklas ng dating kaalaman

Gawain: Narito ang mga larawan ng iba’t ibang matagumpay na tao. Huhulaan ng
mga mag-aaral kung sinu sino ito at sasagutin ang mga tanong ng guro.

RYZA MAE – EAT BULAGA MARK ZUCKERBERG - FACEBOOK PIA WURTZBACH – MS. UNIVERSE 2016

BILL GATES – FOUNDER HENRY SY – RICHEST MAN MANNY PACQUIAO


MICROSOFT IN THE PHILIPPINES PAMBANSANG KAMAO –
WORLD BOXING CHAMPION

1
PETSA: NOVEMBER 12, 2018 IMME: Instructional Management Monitoring Evaluation
ORAS: 8:00 – 9:00 AM GURO: RANIE MAY V. PIÑERO

E. Pagproseso ng Gawain
May pangarap ka rin bang magtagumpay katulad nila?
Paano kaya maisasakatuparan ang mithiin na ito?
Ano nga ba ang katangiang taglay nila upang magtagumpay at makilala?
Sapat na ba ang pagiging matalino at magaling upang mabilis na maabot
ang kanilang mga pangarap?

F. Pagpapalalim
 Ang paggawa - ay ang gawain ng mga tao na may layuning bumuo ng
produkto o magbigay ng serbisyo. Maaaring tumukoy ang paggawa sa lahat
ng aspeto ng mga tao na may layong bumuo ng isang bagay o pangyayari.

 “Ang paggawa ay mabuti sa tao, dahil sa pamamagitan nito naisasakatuparan


nito ang kanyang responsibilidad sa sarili, kapwa at sa Diyos” Pope John Paul II

 Ang kagustuhang maisabuhay ang layuning ito ang nagtutulak sa tao upang
magkaroon nang “Kagalingan sa Paggawa”.

 Ang kagalingan sa paggawa ay naisasabuhay kung tataglayin mo ang mga


sumusunod:
1. nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga,
2. pagtataglay ng positibong kakayahan, at
3. nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos.

 Ang mga Angkop na Katangian upang maisasabuhay ang kagalingan sa


paggawa:

a. Kasipagan - Ito ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain


nang walang pagmamadali at buong pagpapaubaya.
b. Tiyaga - Ito ay ang pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa
kanyang paligid
c. Masigasig - Ito ay ang pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto at siglang
nararamdaman sa paggawa ng gawain o produkto.
d. Malikhain - Ang produkto o gawaing lilikhain ay hindi bunga nang panggagaya ito
ay likha ng mayamang pag-iisip. Orihinal at bago ang produkto, bunga
ito nang ideyang maging iba at kakaiba.

e. Disiplina sa Sarili - Ang taong may disiplina ay nalalaman ang hangganan ng kanyang
ginagawa at mayroon siyang paggalang sa ibang tao. Maari niyang
ipagwalang bahala ang pansariling kaligayahan para sa kapakanan ng
ibang tao.

 Ang kagalingan sa paggawa ay bunga ng pagmamahal at pagkagustong gawin ito


ng buong husay at pagmamahal.
 Ang likha ng taong may kagalingan sa paggawa ay bunga ng inspirasyon, turo at
gabay na kanyang nakukukuha sa ibang tao.

2
PETSA: NOVEMBER 12, 2018 IMME: Instructional Management Monitoring Evaluation
ORAS: 8:00 – 9:00 AM GURO: RANIE MAY V. PIÑERO

G. Paghinuha at Pagtaya ng Pag-unawa


Tanong: Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto sa iyong pag-unlad bilang tao?
Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng angkop na katangian upang
maging magaling sa paggawa?

H. Pagsasabuhay ng mg Pagkatuto (Differentiated Learning - 15 MINUTE ACTIVITY)

Gawain: Ipakita sa pamamagitan ng isang tula, poster, talk show, awit at pagbabalita ang
angkop na katangian upang maisasabuhay ang kagalingan sa paggawa. Bibigyan
ang mga mag-aaral ng kalayaan na pumili sa kung anong groupo gusto niyang
mapabilang.

GROUP 1. Ipakita sa pamamagitan ng isang TULA ang batayang konsepto ng aralin.

GROUP 2. Ipakita sa pamamagitan ng isang POSTER ang batayang konsepto ng aralin.

GROUP 3. Ipakita sa pamamagitan ng isang TALK SHOW ang batayang konsepto ng


aralin.

GROUP 4. Ipakita sa pamamagitan ng isang AWIT ang batayang konsepto ng


aralin.

GROUP 5. Ipakita sa pamamagitan ng isang PAGBABALITA ang batayang konsepto ng


aralin.

Rubric sa Pagsasabuhay ng Pagkatuto


Kraytirya/Puntos 15 10 5

Naipaliwanag ang Nakapagpapaliwanag ng Nakapagpapaliwanag ng Hindi nakapagpapaliwanag


konsepto tungkol sa maayos at may kulang sa kahusayan at sa konsepto tungkol sa
kagalingan sa kahusayan sa konsepto ayos sa konsepto tungkol kagalingan sa
paggawa tungkol sa kagalingan sa sa kagalingan sa paggawa
paggawa paggawa
Naipakita ang Naipakita nang maayos Hindi masyadong maayos Hindi naipakita ang
kaukulang at at makabuluhan ang at makabuluhan katangian tungo sa
makabuluhang katangian tungo sa katangian tungo sa kagalingan sa paggawa
katangian tungo sa kagalingan sa paggawa kagalingan sa paggawa
kagalingan sa
paggawa
Naisakatuparan ang Mahusay ang Hindi masyadong Hindi naisakatuparan ang
gawain na pagsasagawa ng gawain mahusay ang gawain nang maayos at
angkop na katangian na angkop na katangian pagsasagawa ng gawain walang nakitang
upang maisasabuhay upang maisasabuhay ang at hindi lahat ay kooperasyon sa lahat ng mga
ang kagalingan sa kagalingan sa paggawa at tumulong sa gawain kasapi sa pangkat
paggawa ang lahat ay may
kooperasyon

3
PETSA: NOVEMBER 12, 2018 IMME: Instructional Management Monitoring Evaluation
ORAS: 8:00 – 9:00 AM GURO: RANIE MAY V. PIÑERO
IV. Ebalwasyon. I. Panuto: Kumuha ng ¼ sheet of paper.
Basahing mabuti ang bawat sitwasyon / pangungusap at unawain ang tanong.
Piiin ang pinakaangkop na sagot at isulat lamang ang titik sa tamang sagot.

________ 1. Maganda ang pagkakagawa ng mga bag na yari sa tetra pack ng juice ng pamilya nina
Suzanne. Mabenta ang mga ito lalo na yung mga bag na may iba’t ibang kulay at disenyo.
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasabuhay o nagpapakita sa kagalingan ng tao sa
paggawa?
A. Nagiging malikhain ang tao sa paggamit ng kanyang mga kakayahan
B. Nakagagawa ng paraan ang tao upang iangat ang kanyang pamumuhay
C. Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama-sam sa mithiin ng lipunan
D. Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao upang mabuhay

_________ 2. Hindi natapos ni Baldo ang kanyang kolehiyo dahil sa hirap ng buhay. Sa kabila nito siya ay
matagumpay dahil sa negosyong kanyang itinayo at pinaunlad. Naging madali ito para sa
kanya dahil ito ay ayon sa kanyang gusto at hilig. Ano ang katangian ang mayroon si Baldo?
A. Masipag, madiskarte at matalino
B. May pananampalataya, malikhain, may disiplina sa sarili
C. Maganda ang relasyon niya sa Diyos, may pagpapahalaga sa sarili, kapwa at bansa
D. May angking kasipagan, pagpupunyagi at tiwala sa sarili

__________ 3. Bata pa lang si Juan Daniel pinangarap na niyang maging isang guro tulad ng kanyang mga
magulang. Alin sa mga sumusunod ang dapat niyang isaalang-alang upang maging madali
sa kanya na upang maabot ang pangrap at sa huli’y magkaroon ng kagalingan sa paggawa?
A. Maging masipag, magpunyagi at magkaroon ng disiplina sa sarili
B. Magkaroon ng sapat na kaalaman sa paghawak ng pera at paraan ng paggastos
C. Maging matalino, marunong magdala ng damit, magaling makipag-usap
D. Magkaroon ng kakayahang kontrolin ang sarili sa lahat ng pagkakataon

_________ 4. Malapit na ang pasko, abala na ang mga gumagawa ng mga palamuti dekorasyong
siguradong mabenta. Ano ang magandang motibasyon na dapat isaalangalang nang
gumagawa ng mga ito?
A. materyal na bagay at pagkilala ng lipunan
B. personal na kaligayan na makukuha mula dito
C. pag-unlad ng sarili, kapwa at bansa
D. kaloob at kagustuhan ng Diyos

___________ 5. Laging pagod si Katrina sa trabaho niya bilang tagaluto at tagahugas ng plato sa
pinapasukang karinderya pero hindi ito nagrereklamo at nagpapabaya sa kanyang
tungkulin. Paano isinasabuhay ni Katrina ang kagalingan niya sa paggawa?
A. Ginagawa niya nang may kahusayan ang kanyang tungkulin
B. May pagmamahal at pagtatangi siya sa kanyang trabaho
C. Ang kaganapan nang kanyang pagiging mabuting manggagawa ay kaganapan ng kanyang
pangarap
D. Ang pagnanais na magkaroon ng karagdagang benepisyo sa trabahong ginagawa

4
PETSA: NOVEMBER 12, 2018 IMME: Instructional Management Monitoring Evaluation
ORAS: 8:00 – 9:00 AM GURO: RANIE MAY V. PIÑERO

II. Sagutin ng Tama o Mali ang sumusunod ng mga pangungusap. Isulat ang sagot sa papel.

__________ 6. Ang kagalingan sa paggawa ay bunga ng pagmamahal at pagkagustong gawin


ito ng buong husay at pagmamahal.

___________ 7. Ang likha ng taong may kagalingan sa paggawa ay bunga ng inspirasyon, turo
at gabay na kanyang nakukukuha sa ibang tao.

___________ 8. Ang damdaming di nakararamdam ng pagod at pagkabagot sa anumang gawain


ay resulta ng kagalingan sa paggawa.

___________ 9. Magaling ang produkto o ang gawain kung ito ay hindi tinatangkilik ng tao.

___________ 10. Ang kagalingan ng produkto at gawain ay sa ikabubuti ng lahat.

V. Takdang-Aralin
Magdala ng mga tetra pack ng juice at empty bottles of softdrink.
Maghanda sa gagawing produkto gamit ang mga ito.

Prepared by:

Ranie May Villanos-Piñero


Secondary School Teacher III

Observed by:

________________________

________________________

_____________
Date

5
PETSA: NOVEMBER 12, 2018 IMME: Instructional Management Monitoring Evaluation
ORAS: 8:00 – 9:00 AM GURO: RANIE MAY V. PIÑERO
1. Ano ang tawag sa pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto at siglang nararamdaman sa
paggawa ng gawain o produkto?
A. Malikhain B. Tiyaga C. Masigasig D. Kasipagan
2. Alin sa mga sumusunod na katagian ang tumutukoy sa orihinal at bagong produkto na bunga
nang ideyang maging iba at kakaiba?
A. Kasipagan B. Masigasig C. Tiyaga D. Malikhain
3. Ano tawag sa kaugalian na pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa kanyang paligid?
A. Tiyaga B. Disiplina sa Sarili C. Malihkain D. Masigasig
4. Alin sa mga sumusunod na katangian ang nagpapakita ng pagsisikap sa gawain nang
walang pagmamadali at buong pagpapaubaya?
A. Masigasig B. Kasipagan C. Disiplina sa Sarili D. Tiyaga
5. Kung ang tao ay kayang ipagwalang bahala ang pansariling kaligayan para sa kapakanan
ng ibang tao, ano ang taglay niyang katangian?
A. Kasipagan B. Tiyaga C. Malikhain D. Disiplina sa Sarili

You might also like