EsP Grade 10-Q1-Wk2 PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Junior High School

Baitang 10

Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)

GABAY SA EsP
Unang Kwarter - Ikalawang Linggo

Ang Mataas na Gamit at Tunguhin

ng Isip at Kilos-loob

Baitang 10-Edukasyon sa Pagpapakatao

Baitang 10-Edukasyon
Kompetensi: sa Pagpapakatao
1. Napatutunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng
Kompetensi:
katotohanan1.atNapatutunayan na ang isip at kilos-loob
sa paglilingkod/pagmamahal ay ginagamit
(EsP10MP-Ib-1.3) para lamang
2. Nakagagawa ngsamga
paghahanap
angkop nang katotohanan at sa
paglilingkod/pagmamahal
kilos upang maipakita ang (EsP10MP-Ib-1.3)
kakayahang mahanap2. Nakagagawa ng mgaatangkop
ang katotohanan na kilos
maglingkod upang maipakita ang kakayahang
at magmahal.
mahanap ang katotohanan at maglingkod at magmahal. (EsP10MP-Ib-1.4)
(EsP10MP-Ib-1.4)
Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 10
Gabay sa EsP
Pagpapaunlad ng mga Hilig
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang Gabay sa EsP o anumang bahagi nito ay inilathala upang gamitin ng

mga paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan ng
Iloilo.

Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o

ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot mula sa Kagawaran ng
Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na
ipinagbabawal.

Development Team of GABAY sa EsP

Writer: Emmylou B. Angeles

Illustrators: Armand Glenn S. Lapor

Layout Artists: Lilibeth E. Larupay, Armand Glenn S. Lapor

Emmylou B. Angeles

Division Quality Assurance Team: Lilibeth E. Larupay, Atty. Fevi Fanco,EdD.

Percy M. Borro, Dr. Ruth Isabel B. Quiñon
Armand Glenn S. Lapor, Ma. Raycell F. Herezo
Dr. Luda G. Ahumada, Ralph F. Perez

Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Nordy D. Siason, Jr.

Dr. Lilibeth T. Estoque, Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay
Percy M. Borro, Dr. Ruth Isabel B. Quiňon

Baitang 10-Edukasyon sa Pagpapakatao

Kompetensi: 1. Napatutunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng katotohanan at sa
paglilingkod/pagmamahal (EsP10MP-Ib-1.3) 2. Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang
mahanap ang katotohanan at maglingkod at magmahal. (EsP10MP-Ib-1.4)
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao,
Baitang 10.

Ang Gabay sa EsP ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang at sinuri ng

mga edukador mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng
Iloilo. Ginawa ito upang gabayan ka, at ang mga gurong tagapagdaloy na
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum
ng K to 12.

Layunin ng Gabay sa EsP na mapatnubayan ang mag-aaral sa malayang

pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din
itong matulungan ang mag-aaral upang malinang at makamit ang panghabambuhay
na mga kasanayan habang isinasaalang-alang din ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Para sa gurong tagapagdaloy:

Ang Gabay sa EsP ay ginawa upang matugunan ang kasalukuyang

pangangailangan ng mga mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro,
tiyaking maging malinaw sa mga bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan
o sasagutan ang mga gawain sa materyal na ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Gabay sa EsP ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.

Pangunahing layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong pag-aaral habang wala ka
sa loob ng silid-aralan. Sa paraang ito magkakaroon kayo ng kalayaan na pag-
aralan ang nakakaaliw na mga gawaing napapaloob sa material na ito. Basahin at
unawain upang masundan ang mga panuto.

Hinihiling na ang mga sagot sa gawain ay isulat sa hiwalay na papel

(activity sheet/worksheet).

Baitang 10-Edukasyon sa Pagpapakatao

Kompetensi: 1. Napatutunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng katotohanan at sa
paglilingkod/pagmamahal (EsP10MP-Ib-1.3) 2. Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang
mahanap ang katotohanan at maglingkod at magmahal. (EsP10MP-Ib-1.4)
SIMULAN MO

Ang pag-aaral ay isang susi sa paglinang ng isip upang matuklasan ang

katotohanang kailangan ng tao sa paglinang ng kaniyang pagka-sino.

Mga Tanong:

1. Sang-ayon ka ba sa pahayag na ito? Pangatwiranan.

2. Ano pa kaya ang ibang paraan upang matuklasan ang katotohanan?

3. Kung ang tao ay may kakayahang matuklasan ang katotohanan, paano niya
ito gagamitin sa paglinang ng kaniyang pagka-sino?

4. Paano ipinapakita ng pagkasino ng tao ang maglingkod at magmahal sa

kaniyang kapuwa?

Baitang 10-Edukasyon sa Pagpapakatao 1

Kompetensi: 1. Napatutunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng katotohanan
at sa paglilingkod/pagmamahal (EsP10MP-Ib-1.3) 2. Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang
kakayahang mahanap ang katotohanan at maglingkod at magmahal. (EsP10MP-Ib-1.4)
SURIIN MO

Naunawaan mo sa aralin sa Baitang 7 na ang isip ay may kakayahang mag-

isip, alamin ang diwa at buod ng isang bagay. Ito ay may kapangyarihang
maghusga, mangatwiran, magsuri, mag-alala, at umunawa ng kahulugan ng mga
bagay. Higit sa lahat, may kakayahan itong matuklasan ang katotohanan.
Ang katotohanan ayon kay Fr. Roque Ferriols, ay ang “tahanan ng mga
katoto.” (Dy, 2012). Ibig sabihin, may kasama ako na nakakita o may katoto ako na
nakakita sa katotohanan. Ano ang katotohanan na dapat makita? Ito ay ang
mayroon o ang nandiyan na kailangang lumabas sa pagkakakubli at lumilitaw dahil
sa pagiging bukas ng isip ng taong naghahanap nito.

Ang katotohanan ay sumasakasaysayan (historical) dahil hindi hiwalay ang

katotohanan sa tao, sa mga katoto na nakaalam nito. Dagdag pa rito, ang tao ay
sumasakasaysayan din – sumasakop sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap. Sa
mga natuklasang katotohanan, lalo lamang naliwanagan, lumawak at umunlad ang
kaalaman at ito ang kontribusyon ng tao ngayon. Nadagdagan natin ang kaalaman
noon. Kaya’t ang paghahanap ng isip sa katotohanan ay hindi nagtatapos; ang
katotohahan ang siyang tunguhin ng isip.

Tunghayan ang isang halimbawang sitwasyon:

“Isang mag-asawang kapitbahay ang lumabas upang tumulong nang makita

nila ang isang ina na lumipat sa maliit na tahanan sa kabilang pintuan. Wala siyang
kasama maliban sa dalawang maliit na anak. Wala siyang katulong. Humantong
sila sa paggugol ng buong Sabado sa pagbubuhat ng mga kahon, paglilinis ng
sahig, at pag-aliw sa dalawang batang anak na babae. Nang matapos ang trabaho,
inanyayahan ng ina ang bago niyang mga kapitbahay sa hapunan nang sumunod
na linggo upang ipakita ang kaniyang pasasalamat. Noong una, tumanggi sila dahil
kitang-kita naman na sapat lang ang pera ng babae. Ngunit iginiit ito ng babae na
may luha sa kaniyang mga mata. Natanto ng mag-asawa na ang pagtanggap sa
kaniyang paanyaya ay magbubunga ng higit na pagkakaibigan at paggalang kaysa
sa tanggihan ito dahil sa kaniyang sitwasyon.”

Kapag pinaglingkuran natin ang iba, napaalalahanan tayo na walang

anumang bagay sa buhay na ito ang nagtatagal maliban sa ugnayang nabuo natin
sa ibang tao. Walang mas mabuting paraan para makaugnayan natin ang iba kundi
sa pagtutulungan lamang para sa kabutihang panlahat. Tinatawag tayo ng Diyos na
tumulong sa kapwa upang ipadama natin ang pagmamahal sa kanila.

Ang pagmamahal, ayon kay Scheler, ay ang pinakapangunahing kilos

sapagkat dito nakabatay ang iba’t ibang pagkilos ng tao. Ang pagmamahal ay
maipapakita sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapwa na siyang pinagmumulan ng
tunay na kaligayahan na hinahanap ng tao sa kaniyang sarili.

Baitang 10-Edukasyon sa Pagpapakatao 2

Kompetensi: 1. Napatutunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng katotohanan
at sa paglilingkod/pagmamahal (EsP10MP-Ib-1.3) 2. Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang
kakayahang mahanap ang katotohanan at maglingkod at magmahal. (EsP10MP-Ib-1.4)
PAG-ISIPAN MO

Sagutin ang mga Tanong:

1. Ano ang ibig sabihin na ang tao ay hindi tapos? Ipaliwanag.

2. Ano ang taglay ng tao upang makaya niyag buuin ang kaniyang pagkatao?
Ipaliwanag.

3. Anong bagong katuturan ng katotohanan ang iyong natuklasan mula sa

babasahin?

4. Paano nagkakaugnay ang isip at kilos-loob sa katangian ng pagkatao ng tao?

5. Ayon kay Scheler ang pagmamahal ay ang pinakapangunahing kilos ng tao.

Para sa iyo ano ang ibig sabihin nito?

SANAYIN MO

Gawain 1
Panuto: Palawakin ang iyong pag-unawa sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng
mga magkaugnay na mga salita.

Baitang 10-Edukasyon sa Pagpapakatao 3

Kompetensi: 1. Napatutunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng katotohanan
at sa paglilingkod/pagmamahal (EsP10MP-Ib-1.3) 2. Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang
kakayahang mahanap ang katotohanan at maglingkod at magmahal. (EsP10MP-Ib-1.4)
ISAPUSO MO

Ipinanganak man ang taong hindi TAPOS, nilikha naman siyang kawangis ng
Diyos na may isip at kilos-loob upang tuklasin ang katotohanan at buuin ang
kaniyang pagkatao sa pamamagitan ng pagmamahal at paglilingkod sa kaniyang
kapwa. Magagawa ng taong magpakatao at linangin ang mga katangian ng kaniyang
pagkatao dahil sa kaniyang isip at kilos-loob. Nagkakaroon ng kabuluhan ang buhay
ng tao kung inilalaan ito sa pagsasabuhay ng katotohanan, sa pagmamahal, at sa
paglilingkod sa kapwa.

ISAGAWA MO

Gawain 2
Panuto: Batay sa tatlong sitwasyon, tukuyin kung ano ang ginagamitan ng iyong isip
at kilos-loob. Punan ang tsart sa susunod na pahina.

Sitwasyon 1

Magkasama kayo ng kaklase mo na kumakain sa kantina. Masaya kayong

nagkukuwentuhan nang biglang napunta ang usapan tungkol kay Liza, isa rin
sa inyong kaklase. Wala siya sa grupo ninyo nang oras na iyon. Ayon sa isa
ninyong kasama, nakikipagrelasyon ito sa isang lalaking may asawa.
Kapitbahay ninyo si Liza.

Sitwasyon 2

May inirekomendang pelikula ang matalik mong kaibigan na dapat mo raw

panoorin dahil maganda ito ayon sa kaniya. Mag-isa kang nanonod nito sa
inyong bahay ngunit sa kalagitnaan ng pelikula, may isiningit pala na
malaswang eksena (pornograpiya).

Sitwasyon 3

Sinisiraan ka ng iyong kaibigan sa crush mo. Natuklasan mo na kaya niya

ginawa ito ay dahil crush din pala niya ang crush mo.

Baitang 10-Edukasyon sa Pagpapakatao 4

Kompetensi: 1. Napatutunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng katotohanan
at sa paglilingkod/pagmamahal (EsP10MP-Ib-1.3) 2. Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang
kakayahang mahanap ang katotohanan at maglingkod at magmahal. (EsP10MP-Ib-1.4)
Para Saan Ginagamit ang Pinakaangkop na
Sitwasyon Isip Kilos-loob Kilos na Gagawin

1.

2.

3.

Panuto: Suriing mabuti ang larawan at ibigay ang iyong pagkaunawa sa konsepto
nito.

___________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
__________________________________________________________ .

Sanggunian:
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 10 Modyul para sa Mag-aaral

Baitang 10-Edukasyon sa Pagpapakatao 5

Kompetensi: 1. Napatutunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng katotohanan
at sa paglilingkod/pagmamahal (EsP10MP-Ib-1.3) 2. Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang
kakayahang mahanap ang katotohanan at maglingkod at magmahal. (EsP10MP-Ib-1.4)
SUSI SA PAGWAWASTO

SIMULAN MO
Ang mga kasagutan ay batay sa opinion/ideya ng mag-aaral.

PAG-ISIPAN MO
Ang mga kasagutan ay batay sa opinion/ideya ng mag-aaral.

SANAYIN MO
Ang mga kasagutan ay batay sa opinion/ideya ng mag-aaral.

ISAGAWA MO
Ang mga kasagutan ay batay sa opinion/ideya ng mag-aaral.

SUBUKIN MO
Ang mga kasagutan ay batay sa opinion/ideya ng mag-aaral.

Baitang 10-Edukasyon sa Pagpapakatao 6

Kompetensi: 1. Napatutunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng katotohanan
at sa paglilingkod/pagmamahal (EsP10MP-Ib-1.3) 2. Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang
kakayahang mahanap ang katotohanan at maglingkod at magmahal. (EsP10MP-Ib-1.4)
PAG-ISIPAN MO
Sitwasyon 1
Ang sagot ay sanaysay at ito ay batay sa pagkaunawa ng mag-aaral.
Sitwasyon 2
Ang sagot ay sanaysay at ito ay batay sa pagkaunawa ng mag-aaral.
Sitwasyon 3
Ang sagot ay sanaysay at ito ay batay sa pagka-unawa ng mag-aaral.

SANAYIN MO
Ang mga kasagutan sa Reaksiyon ay batay sa opinyon ng mag-aaral.
Ang sagot sa Mga Tanong ay batay sa pagkaunawa ng mag-aaral sa
kaniyang binasa.

ISAGAWA MO

Ang mga sagot ng mag-aaral ay batay sa kanilang sariling dahilan.

SUBUKIN MO
1. B 4. A 7. B 10. A
2. B 5. D 8. A
3. B 6. B 9. C

Baitang 10-Edukasyon sa Pagpapakatao 7

Kompetensi: 1. Napatutunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng katotohanan
at sa paglilingkod/pagmamahal (EsP10MP-Ib-1.3) 2. Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang
kakayahang mahanap ang katotohanan at maglingkod at magmahal. (EsP10MP-Ib-1.4)
Baitang 10-Edukasyon sa Pagpapakatao 8