Professional Documents
Culture Documents
Gabay - Sa - Mag Aaral - Q1 W1 8 F12 AKADEMIK
Gabay - Sa - Mag Aaral - Q1 W1 8 F12 AKADEMIK
Piling Larang-Akademik
Learning Activity Sheets
Quarter 1: Week 1-8
DIVISION OF ANGELES
1
FILIPINO 12 (AKADEMIK)
PILING LARANG
UNANG MARKAHAN
Pangkalahatang Panuto:
Ø Basahing mabuti ang buong aralin
Ø Isulat ang iyong mga kasagutan sa bawat gawain sa yellow paper
ISAISIP
Susing Konsepto
Ang isang pangmalawakang depinisyon para sa akademikong pagsulat ay anumang
pagsulat na isinasagawa upang makatupad sa isang pangangailangan sa pag-aaral. Sa
madaling sabi, kinapapalooban ito ng ano mang itinatakdang gawaing pasulatsa isang setting
na akademiko. Ginagamit din ang akademikong pagsulat para sa mga publikasyong
binabasa ng mga guro at mananaliksik o inilalahad sa mg komperensiya. Mabibigyang-
kahulugan din ang akademikong pagsulat bilang anumang akdang tuluyan o prosa na nasa
uring ekspositori o argumentantibo at ginagawa ng mga mag-aaral, guro, mananaliksik upang
maipahayag ang mga impormasyon tungkol sa isang paksa. Sa pangkalahatan,
inaasahang ang pagsulat na ito ay tumpak, pormal, impersonal at obhetibo.
Mga halimbawa ng Akademikong Teksto o Sulatin
2
argumento at di-emosyonal nang maging makatwiran sa mga nagsasalungatang
pananaw.
Inihanda ni:
LEVY P.CORONEL
SST-1/ACSCI-SHS
3
FILIPINO 12 (AKADEMIK)
PILING LARANG
UNANG MARKAHAN
Pangkalahatang Panuto:
ØBasahing mabuti ang buong aralin
ØIsulat ang iyong mga kasagutan sa bawat gawain sa yellow paper
ISAISIP
Susing Konsepto
Ang pagsusulat ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag-aaral.
Ayon kay Cecilia Austera, et al., may-akda ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2009),
ang pagsusulat ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng
tao gamit ang pinaka-epektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika. Ayon naman
kay Edwin Mabilin, et al., sa aklat na transpormatibong komunikasyon sa Akademikong
Filipino (2012), ito ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito
ay naipapahayag ng tao ang nais nyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman
sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan.
Mga Halimbawa ng Akademikong Sulatin
May iba’t ibang dahilan ang tao sa pagsusulat. Para sa iba, ito ay nagsisilbing libangan
sapagkat sa pamamagitan nito ay naibabahagi nila sa iba ang kanilang mga ideya at mga
kaisipan sa paraang kawili-wili o kasiya-siya para sa kanila. Sa mga mag- aaral na katulad
mo, ang kalimitahang dahilan ng pagsusulat ay ang matugunan ang pangangailangan sa pag-
aaral bilang bahagi ng pagtatamo ng kasanayan.
Ayon nga kay Mabini (2012), ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang
kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkatito ay maaaring
magpasalin-salin sa bawat panahon.
Mga Gamit o Pangangailangan ng Pagsulat
Madalas marinig sa marami na ang pagsusulat daw ay isang talento at hindi raw lahat
ng tao ay may kakayahang makapagsulat ng isang makabuluhang akda o komposisyon.
Totoong hindi madali ang pagsusulat para sa maraming tao ngunit ito ay maaaring mahubog
o malinang. Upang mangyari ito, mahalaga ang pagkakaroon ng interes at ng wastong
kaalaman kung paano magiging isang mahusay na manunulat. Una sa lahat, dapat mabatid
ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagsusulat partkular ng akademikong pagsulat.
4
Narito ang ilan sa mga ito:
1. Wika – Ang wika ang magsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan,
kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong
nais sumulat. Mahalagang matiyak kung anong uri ng wika ang gagamitin upang
madaling maiakma sa uri ng taong babasa ang akda, komposisyon, o pananaliksik na
nais mong ibahagi sa iba. Mahalagang magamit ang wika sa malinaw, masining, tiyak,
at payak na paraan.
2. Paksa – Mahalagang magkaroon ng isang tiyak na paksa o tema ng isusulat. Ito ang
magsisilbing pangkalahatang iikutin ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda. Ang
pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat ay napakahalaga upang
maging malaman, makabuluhan, at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o
komposisyong susulatin.
3. Layunin – Tulad ng tinalakay sa unahan, mahalagang matiyak ang layunin sa pagsulat.
Ang layunin ang magsilbing giya mo sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong
isusulat. Kailangang matiyak na matutugunan ng iyong isusulat ang motibo ng iyong
pagsusulat nang sa gayon ay maganap nito ang pakay sa katauhan ng mga
mambabasa.
4. Pamamaraan ng pagsulat – May limang pangunahing pamamaraan ng pagsulat
upang mailahad ang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin o
pakay ng pagsusulat. Una maaaring gumamit ng paraang impormatibo kung saan ang
pangunahing layunin nito ay magbigay ng impormasyon o kabatiran sa mga
mambabasa. Pangalawa ay ang paraang ekspresibo kung saan ang manunulat ay
naglalayong magbabahagi ng sariling opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon, at
kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa batay sa kanyang sariling karanasan o pag-
aaral. Pangatlo ay ang pamamaraang naratibo kung saan ang pangunahing layunin
nito ay magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at
tiyak na pagkakasunod- sunod. Ang pang-apat ay ang pamamaraang deskriptibo kung
saan ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng mga katangian, anyo,
hugis, ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakita, narinig, natunghayan,
naranasan, at nasaksihan. Panghuli ay ang pamamaraang argumentatibo kung saan
ang pagsulat ay naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa.
Madalas ito ay naglalahad ng proposisyon at mga isyu ng argyumentong dapat
pagtalunan o pag-usapan.
5. Kasanayang pampag-iisip – Sa pagsulat, dapat taglayin ng manunulat ang
kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong
mahalaga, o maging ng mga impormasyong dapat isama sa akdang isusulat.
6. Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat – Dapat ding isaalang-alang-alang
sa pagsulat ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular sa
wastong paggamit ng bantas, pagbuo ng makabuluhang panunugusap, pagbuo ng
makabuluhang pangungusap, pagbuo ng talata, at masining at obhetibong paghabi ng
mga kaisipan upang makabuo ng isang mahusay na sulatin.
7. Kasanayan sa Paghabi ng Buong Sulatin – Tumutukoy ito sa kakayahang mailatag
ang mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos, organisado, obhetibo, at masining
na pamamaraan mula sa panimula ng akda o komposisyon hanggang sa wakas dito.
5
malikot na isipan ng sumusulat na maaaring batay sa tunay na pangyayari o kaya naman
ay bunga ng imahinasyon o kathang-isip lamang.
Inihanda:
7
FILIPINO 12 (AKADEMIK)
PILING LARANG
UNANG MARKAHAN
Pangkalahatang Panuto:
Ø Basahing mabuti ang buong aralin
Ø Isulat ang iyong mga kasagutan sa bawat gawain sa yellow paper
ISAISIP
SUSING KONSEPTO
Ang pulong ay mababalewala kung hindi maitatala ang mga napag-usapan o
napagkasunduan. Ang opisyal na tala ng isang pulong ay tinatawag na KATITIKAN NG
PULONG/ADYENDA. Ito ay kalimitang isinasagawa nang pormal, obhetibo, at komprehensibo
o nagtatataglay ng lahat ng mahahalagang detalyeng tinalakay sa pulong. Higit na
napagtitibay ang mga napag-usapan at napagkasunduan kung ito ay maingat na naitala at
naisulat. Kaya naman napakahalagang maunawaan kung paano gumawa ng isang
organisado, obhetibo, at sistematikong katitikan ng pulong.
9
KATITIKAN NG PULONG/ADYENDA
Ito’y nagpapatibay ng mga napag-usapan at napagkasunduan kaya ito ay maingat na
naitatala at naisusulat. Kaya naman napakahalagang maunawaan kung paano gumawa ng
isang organisado, obhetibo, at sistematikong katitikan ng pulong.
MAHAHALAGANG BAHAGI NG KATITIKAN NG PULONG/ADYENDA
1. HEADING- Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon, o
kagawaran. Makikita rin dito ang petsa, ang lokasyon at maging ang oras ng pagsisimula
ng pulong.
2. MGA KALAHOK O DUMALO - dito nakalagay kung sino ang nanguna sa pagpapadaloy
ng pulong gayundin ang pangalan ng lahat ng mga dumalo kasama ang mga panauhin.
Maging ang pangalan ng mga liban o hindi nakadalo ay nakatala rin dito.
3. PAGBASA AT PAGPAPATIBAY NG NAGDAANG KATITIKAN NG PULONG - dito
makikita kung ang nakalipas na katitikan ng pulong ay napagtibay o may mga pagbabagong
isinagawa sa mga ito.
4. ACTION ITEMS O USAPING NAPAGKASUNDUAN- (Kasama sa bahaging ito ang mga
hindi pa natapos o nagawang proyektong bahagi ng nagdaang pulong). Dito makikita ang
mahahalagang tala hinggil sa mga paksang tinalakay. Inilalagay rin sa bahaging ito kung
sino ang taong nanguna sa pagtalakay ng isyu at maging ang desisyong nabuo ukol dito.
5. PABALITA O PATALASTAS- hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung
mayroon mang pabalita o patalastas mula sa mga dumalo tulad halimbawa ng mga
suhestiyong adyenda para sa susunod na pulong ay maaaring ilagay sa bahaging ito.
6. HEADING- Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon, o
kagawaran. Makikita rin dito ang petsa, ang lokasyon at maging ang oras ng pagsisimula
ng pulong.
7. MGA KALAHOK O DUMALO- dito nakalagay kung sino ang nanguna sa pagpapadaloy ng
pulong gayundin ang pangalan ng lahat ng mga dumalo kasama ang mga panauhin.
Maging ang pangalan ng mga liban o hindi nakadalo ay nakatala rin dito.
8. PAGBASA AT PAGPAPATIBAY NG NAGDAANG KATITIKAN NG PULONG - dito
makikita kung ang nakalipas na katitikan ng pulong ay napagtibay o may mga pagbabagong
isinagawa sa mga ito.
9. ACTION ITEMS O USAPING NAPAGKASUNDUAN - (Kasama sa bahaging ito ang mga
hindi pa natapos o nagawang proyektong bahagi ng nagdaang pulong). Dito makikita ang
mahahalagang tala hinggil sa mga paksang tinalakay. Inilalagay rin sa bahaging ito kung
sino ang taong nanguna sa pagtalakay ng isyu at maging ang desisyong nabuo ukol dito.
10. PABALITA O PATALASTAS - hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung
mayroon mang pabalita o patalastas mula sa mga dumalo tulad halimbawa ng mga
suhestiyong adyenda para sa susunod na pulong ay maaaring ilagay sa bahaging ito.
11. ISKEDYUL NG SUSUNOD NA PULONG - itinatala sa bahaging ito kung kailan at saan
gaganapin ang susunod na pulong.
12. PAGTATAPOS - Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong.
13. LAGDA - mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan
ng pulong at kung kailan ito isinumite.
PAGKATAPOS NG PULONG
• Gawin o buoin ang katitikan ng pulong pagkatapos na pagkatapos ng pulong.
• Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan o organisasyon, pangalan ng komite,
uri ng pulong at maging ang layunin nito.
• Itala kung anong oras ito nagsimula at natapos.
• Isama ang listahan ng mga dumalo at maging ang pangalan ng nanguna sa pagpapadaloy
ng pulong.
• Basahing muli ang katitikan ng pulong bago tuluyang ipasa sa kinauukulan para sa huling
pagwawasto nito.
• Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa kinauukulan o sa taong nanguna sa pagpapadaloy
nito.
Inihanda:
Benjamin M. Tamayo, Ph D
Master Teacher II/SHS
11
FILIPINO 12 (AKADEMIK)
PILING LARANG
UNANG MARKAHAN
Pangkalahatang Panuto:
ØBasahing mabuti ang buong aralin
ØIsulat ang iyong mga kasagutan sa bawat gawain sa yellow paper
Isaisip
Susing Konsepto
Ang unang hakbang sa pagsasakatuparan ang pagbibigay ng solusyon sa isang
suliraning pampamayanan ay ang pagsulat ng Panukalang Proyekto. Ano nga ba ang
panukalang proyekto?
Panukalang Proyekto
• Ito ay nangangahulugang isang kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano
ng gawaing ihaharap sa tao o samahang pag-uukulan nito na siyang tatanggap at
magpapatibay nito
• Ayon kay Besin Nebiu, may akda ng Developing Skills of NGO Project Proposal Writng,
ang panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsiyon ng mga inihahaing
gawaing naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin.
Mga Bahagi
1. Pamagat - kailangang malinaw at maikli.
Hal: Panukala paral sa Tulaan 2021 sa Pagdiriwang ng Buwana ng Wika
2. Proponent ng Proyekto - tumutukoy sa tao o organisasyong nagmumungkahi ng
proyekto. - isinusulat dito ang address, email, cellphone o telepono at lagda ng tao o
organisayson.
3. Rationale - ilalahad dito ang mga pangangailangan sa pagsasakatuparan ng proyekto
at kung ano ang kahalagahan nito.
4. Deskripsyon ng Proyekto - isusulat dito ang panglahat at tiyak na layunin. Nakadetalye
dito ang mga pinaplanong paraan upang maisagawa ang proyekto at ang inaaasahang
haba ng panahon.
5. Proseso - ilalahad dito kung paano magsisimula at magtatapos ang proyekto.
6. Badyet-itatala dito ang detalye ng lahat ng inaasahang gastusin sa pagkompleto ng
proyekto.
7. Pakinabang - Ipinahahayag dito akung ano ang benipisyo ng proyekto sa mga direktang
maaapektuhan nito- sa ahensya o indibidwal na tumulong upang maisagawa ang
proyekto.
12
Halimbawa ng Panukalang Proyekto
13
FILIPINO 12 (AKADEMIK)
PILING LARANG
UNANG MARKAHAN
Pangkalahatang Panuto:
Ø Basahing mabuti ang buong aralin
Ø Isulat ang iyong mga kasagutan sa bawat gawain sa yellow paper
Isaisip
Susing Konsepto
Uri ng Talambuhay
14
*Bionote*
Unang Talata: pangalan, araw ng kapanganakan, lugar ng kapanganakan, tirahan, magulang,
kapatid
Ikalawang Talata: mga katangian, mga hilig, paborito, libangan, mga bagay na natuklasan sa
sarili
Ikatlong Talata: mga pananaw sa mga bagay-bagay, pangarap, ambisyon, inaasam sa
darating na panahon, mga iba pang gagawin upang makamit ang tagumpay
15
3. Pagbabalangkas ng mga Kaisipan. Ang mga nakalap na kaisipan ay isasaayos bilang
panimula, katawan at wakas ng talumpati.
4. Paglinang sa mga kaisipan. Ilahad ang mga mahahalagang impormasyon na
sumusuporta sa pangunahing kaisipan ng paksa.
PARAAN NG TALUMPATI
Mga katangian ng isang magaling na mananalumpati
Inihanda:
BENJAMIN M. TAMAYO, PH D
Master Teacher II/SHS
16
FILIPINO 12 (AKADEMIK)
PILING LARANG
UNANG MARKAHAN
Pangkalahatang Panuto:
ØBasahing mabuti ang buong aralin
ØIsulat ang iyong mga kasagutan sa bawat gawain sa yellow paper
LESSON 6: ABSTRAK
ISAISIP
Susing Konsepto
Ang abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga
akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal, lektyur, at mga report. Ito
ay kadalasang bahagi ng isang tesis o desertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik
pagkatapos ng little page o pahinang pamagat. Ito ang naglalaman ng pinakabuod ng buong
akdang akademiko o ulat. Ayon kay Philip Koopman (1997) sa kanyang aklat na How to Write
an Abstract, bagama’t ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay nito ang mahahalagang
element o bahagi ng sulating akademiko tulad ng introduksyon, mga kaugnay na literatura,
metodolohiya, resulta, at kongklusyon. Naiiba ito sa kongklusyon sapagkat ito ay naglalaman
ng pinakabuod ng bawat bahagi ng sulatin o ulat.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak
1. Bilang bahagi ng alituntunin ng pagsulat ng mga akdang pang-akademiko, lahat ng mga
detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat na makikita sa kabuoan ng papel; ibig sabihin,
hindi maaaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binabanggit sa ginawang pag-
aaral o sulatin.
2. Iwasan din ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito
nanganganailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba
ito.
3. Gumamit ng mga simple, malinaw, at direktang mga pangungusap. Huwag maging
maligoy sa pagsulat nito.
4. Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi
dapat ipaliwanag ang mga ito.
5. Higit sa lahat ay gawin lamang itong maikli ngunit komprehensibo kung saan
mauunawaan ng babasa ang pangkalahatang nilalaman at nilalayon ng pag- aaral na
ginawa.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak
Ang abstrak ang bahagi ng akademikong papel o ulat na pinakahuling isinusulat ngunit
kadalasang unang binabasa ng mga propesor o mga eksaminer ng panel. Kaya naman,
17
napakahalagang maging maingat sa pagsulat nito. Narito ang mga hakbang na maaaring
gamitin sa pagsulat ng abstrak:
1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng
abstrak.
2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin
mula sa introduksiyon, kaugnay na literature, metodolohiya, resulta, at kongklusyon.
3. Buuin, gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi
ng sulatin. Isulat ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito sa kabuoan ng
papel.
4. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, graph, table, at iba pa maliban na lamang kung
sadyang kinakailangan.
5. Basahing muli ang ginawang abstrak. Suriin kung may nakaligtaang mahahalagang
kaisipang dapat isama rito.
6. Isulat ang pinal na sipi nito.
Hangga’t maaari, ang abstrak ay kailangang maisulat gamitin ang isang buong pahina
ng bondpaper, subalit may mga gumagawa na lubhang detalyado kung saan ang mga ito ay
hinabi batay sa pagkakalagom ng bawat bahagi ng sinulat na papel. Kadalasang makikita ang
ganitong uri ng abstrak sa tesis at disertasyon.
Inihanda:
MARY JANE R. DELA CRUZ
SST-II, MALABANIAS IS-SHS
18
FILIPINO 12 (AKADEMIK)
PILING LARANG
UNANG MARKAHAN
Pangkalahatang Panuto:
ØBasahing mabuti ang buong aralin
ØIsulat ang iyong mga kasagutan sa bawat gawain sa yellow paper
LESSON 7: SINTESIS
ISAISIP
Susing Konsepto
Ang Sintesis ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa
tekstong naratibo tulad ng kuwento, salaysay, nobela, dula, parabola, talumpati, at iba pang
anyo ng panitikan. Ang sintesis ay maaaring buoin ng isang talata o higit pa o maging ng ilang
pangungusap lamang. Ito ay makatutulong sa madaling pag-unawa sa diwa ng akda. Layunin
din nitong maisulat ang pangunahing kaisipang taglay ng akda. Sa pagkuha ng mahalagang
detalye, mahalagang matukoy ang sagot sa mga sumusunod: Sino?, Ano?, Kailan?, Bakit?,
Paano?.
Sa pagsulat ng sintesis, mahalagang maipakilala sa mga babasa nito kung anong akda
ang iyong ginawan ng sintesis sa pamamagitan ng pagbanggit sa pamagat, may akda at
pinanggalingan ng akda. Iwasan din na magbigay ng iyong sariling pananaw o paliwanag
tungkol sa akda.
Ayon kay Harper (2016, mula sa akda ni Tabernilla, 2017) ang sintesis ay nagmula sa
salitang Griyegong "syntithenai" na nangangahulugan sa Ingles na "put together" o "combine."
Ito ay isang ebalwasyon o pagsusuri sa ebidensya ng isang partikular na paksa na ginagamit
upang makatulong sa pagpapasaya sa pagbuo ng mga patakaran (Tabernilla, 2017).
Maliban pa dito, ang sintesis ay nagbibigay-alam mula sa iba't ibang hanguan ng
impormasyon gamit ang iba't ibang pangungusap at mga ideya. Ito ay nag-oorganisa ng mga
ideya upang matukoy ang mga nago-overlap na mga impormasyon. Dagdag pa dito, ang
sintesis ay nagbibigay-linaw sa mga napakaraming ideya upang matukoy ang mas malalim
na mga pakahulugan nila.
19
3. Background Synthesis- ito ay ang uri ng sintesis na nangagailangang pagsama-
samahin ang mga saligang impormasyon ukol sa isang paksa at karaniwan itong
inaayos sa tema at hindi sa sanggunian.
4. Thesis-Driven Synthesis- halos katulad lamang ng background synthesis ngunit
nagkakaiba lamang sila sa pagtutuon sapagkat sa ganitong uri ng sintesis hindi lamang
simpleng pagpapakilala at paglalahad ng paksa ang kailangan kung hindi ang malinaw
na pag-uugnay ng mga punto sa tesis ng sulatin.
5. Synthesis for the Literature- ginagamit sa mga sulating pananaliksik. kadalasang
kahingian ng mga sulating pananaliksik ang pagbabalik-tanaw o pagrebyu sa mga
naisulat nang literaturo ukol sa paksa. karaniwang isinasaayos ang sulatin batay sa mga
sanggunian ngunit maaari rin namang ayusin ito batay sa paksa.
Inihanda:
BENJAMIN M. TAMAYO, Ph D
Master Teacher II/SHS
20
FILIPINO 12 (AKADEMIK)
PILING LARANG
UNANG MARKAHAN
Pangkalahatang Panuto:
ØBasahing mabuti ang buong aralin
ØIsulat ang iyong mga kasagutan sa bawat gawain sa yellow paper
LESSON 8: BUOD
ISAISIP
Susing Konsepto
Ang buod ay hindi nangangailangan ng maraming batis upang makataas ang
pinakalaman ng isang akda o imposmasyon at hindi nangangailangan ng bagong ideya o
opinion ukol sa nabasa o napanood na akda.
Uri ng buod
A. Hawig - Ito ay para paraphrase sa Ingles. Galing ito sa salitang Griyego na
“paraphrasis” na ang ibig sabihin ay dagdag o ibang paraan ng pagpapahayag.
B. Lagom- Ito ay ang pagpapalaki ng pangunahing punto sa isang akda.
C. Presi- Buod ng buod.
Katangian ng Buod
1. Malinaw ang paglalahad.
2. Kompleto ang mga ideya.
3. May kaisahan ang ideya.
4. May pagkakaugnay ang mga ideya.
5. Dalawa hanggang tatlong pangungusap lamang.
Mahalaga ang Buod sapagkat napapadali nito ang pag-unawa ng isang mambabasa
ukol sa isang mambabasa ukol sa isang akda sapagkat hindi na kailangang basahin o
panoorin ang buong akda.
Hakbang sa paggawa ng Buod
1. Kunin ang mahalagang punto.
2. Ipaliwanag ang mga detalye.
21
3. Ayusin sa lohikal na paraan.
4. Gumamit ng third-person.
5. Isulat ang buod.
KATANGIAN NG MAHUSAY NA BUOD
Sa akademikong pagsulat, iba-iba ang lapit na maaaring gamitin upang mailahad nang
maayos ang isangsulatin. Sa kaso ng pagsulat ng buod, dapat tandaan ng gumagawa nito
ang mga sumusunod na katangiang dapattaglayin ng isang mahusay na buod.
1. Nagtataglay ng obhetibong balangkas ng orihinal na teksto. Ang buod ay dapat sumasagot
sa mgapangunahing katanungan tulad ng Sino, Ano, Saan, Kailan, Bakit, at Paano.
2. Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo. Sa pagsulat ng buod, tanging ang mga
impormasyong nasaorihinal na teksto ang dapat na isama. Hindi dapat dagdagan ito ng
pansariling ideya o ng kritisismo ngnagsusulat. Bagama't maaaring tama ang mga ideya
ng kritisismong idaragdag, hindi hinihingi ng buod angganitong mga detalye. Madalas na
ang mga ganitong pagdaragdag ay naisasama sa mga pagsusuri at sintesis.
3. Hindi nagsasama ng mga halimbawa, detalye, o impormasyong wala sa orihinal na teksto.
Ang pagsasama ngmga halimbawa o ilustrasyon upang lalong mapalinaw ang mensaheng
ibinabahagi ng isang sulatin ay isangmahusay na hakbang, subalit sa kaso ng isang buod
ay hindi ito kailangan.
4. Gumagamit ng mga susing salita. Sa pagsulat ng isang buod, dapat gam itin ang mga
susing salita na ginamitsa orihinal na teksto. Ang mga susing salita ay ang mga
pangunahing konsepto na pinagtutuunan ng teksto.
Inihanda:
MARY JANE R. DELA CRUZ
SST-II, MALABANIAS IS-SHS
22