Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 29

Modyul 67

Pananaliksik/Napapanahong Papel

Pananaliksik

Naranasan mo na bang magsaliksik? Naging madali ba para sa iyo ang iyong naging
pananaliksik? Bakit ba natin dapat pag-aralan ang tamang paraan ng pananaliksik?
Makatutulong ba ito sa hinaharap at sa iyong mga tanong?
Maaring sa simula ay mahirap ngunit sa katagalan kung gamay mo na ang pananaliksik
ay kagigiliwan mo na itong gawin.
Ang pananaliksik ay isang komprehensibong gawain. Ito ay bunga ng organisado,
sistematiko at may siyantipikong mga datos na bunga ng pagmamasid, pakikipanayam at sarbey
na nilalapatan ng mga angkop na naunang pag-aaral kaugnay ng nasabing mga paksa, at ito ay
sa dahilang nais nating makatuklas ng mga bagong impormasyong makatutulong upang mas
mapaunlad pa natin ang ating mga pamumuhay.
Halika at simulan mo na ang pag-aaral sa modyul na ito.

55
Aralin 1

“Bawat bata may tanong, ba’t ganito ba’t ganun? Hayaang buksan ang isipan….” Ito ay
isang linya sa isang kanta ng isang serye sa telebisyon, batid naman na natin ngayon na
ang bawat isa sa atin ay naghahanap ng kasagutan sa maraming bagay. Ang kalikasan
ng tao na pagiging matanong ay ‘di lamang nagpapahayag ng kawalan ng kakuntentuhan sa
mga bagay-bagay bagkus nais lamang ng bawat isa sa atin na mas mapaunlad pa ang ating
pamumuhay at iba pang bagay.
Sinubukan mo na bang tumuklas ng ilang bagay na di mo malaman ang sagot? Paano mo
ito nabigyan ng kasagutan? Naranasan mo na bang sumangguni sa iyong mga kaibigan, silid-
aralan o sa anumang babasahin na maaring sumagot sa iyong mga katanungan?
May pormal na paraan ng pananaliksik na dapat matutunan ngunit bago mo ito alamin ay
sagutin mo muna ang pang-unang pagsusulit.

Pang-unang Pagsusulit

Isulat sa unahan ng bawat bilang ang letrang T kung ang pahayag ay naglalarawan ng
kaisipan tungkol sa pananaliksik at letrang M kung hindi o walang kaugnayan sa pananaliksik.

______ 1. Ang pananaliksik ay isang makaagham na pangangalap ng mga datos upang


masagot ang partikular na mga katanungan.

______ 2. Ang pananaliksik ay may kinalaman sa hilig at gawi ng isang tao.

______ 3. Ang pananaliksik ay isang organisadong pamamaraan upang makatuklas ng mga


bagong bagay na magagamit at makapagpapaunlad sa pamumuhay ng isang
indibidwal.

______ 4. Ang pananaliksik ay isang gawain lamang ng isang mag-aaral na nasa kolehiyo.

______ 5. Ang pananaliksik ay di maaring gawin kapag may nauna ng pag-aaral na kaugnay
ng paksa.

Nakuha mo ang lahat ng tamang sagot? Magaling at may kaalaman ka na pala sa


pananaliksik, halika’t pagyamanin pa natin ang iyong mga eskima ukol sa pananaliksik at sabay
nating tuklasin ang mga kasagutan sa iyong mga tanong.

56
Ano ang Riserts, Pananaliksik o Napapanahong Papel? Kailan nga ba
nagsimulang magsaliksik ang mga tao?

Isinilang ang gawaing pananaliksik ng magsimulang magtanong


ang mga naunang mga tao sa mundo hinggil sa mga bagay-bagay at
nagsimula ring maghanap ng mga kasagutan para sa mga katanungang
ito. Halimbawa ng mga ito ang mga lumikha ng gulong at ang mga
nagsipagtala ng mga paggalaw ng mga bituin sa kalangitan. Subalit
nagsimula lamang ang tunay na makabagong gawi sa pagsasaliksik
dahil kay Galileo Galilei noong mga 1500.

Sa paglipas ng panahon, ang mga dalubhasa ay


nagbigay ng pagpapakahulugan sa pananaliksik.
Ayon sa kanila, ang pananaliksik ay ang proseso ng
pangangalap ng mga totoong impormasyon na humahantong
sa kaalaman.

Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-alaman


na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay (o ng hindi-
pagpapatotoo) ng mga panukala (teyorya) o mga pamamaraan (o sistema), at sa pagsubok sa
mas mainam na pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon.
Ang pananaliksik ay isang prosesong mapagsuri, sistematiko o maparaan, organisado o nakaayos,
at walang-kinikilingan (obhetibo). Nararapat na masagot ng prosesong ito ang isang katanungan o
hipotesis. Sa ganitong paraan, dapat itong nakapagpapataas o nakapagdaragdag ng kaalaman
hinggil sa isang hindi nakikilalang bagay na ibig mapag-alaman pa ng mga mamamayan.

Ano ang layunin ng pananaliksik?


Layunin ng pananaliksik ang makahanap ng solusyon sa isang problema o suliranin. Karaniwang
naghahanap ang isang mananaliksik ng mga kaalaman mula sa mga aklatan upang malaman
kung ano ang mga napag-alaman hinggil sa isang bagay, kabilang ang mga maaaring nakalimutan
nang kaalaman.
Maaaring naghahanap-buhay ang isang tagapagsaliksik o tagasaliksik sa isang klinika,
laboratoryo, o kaya isang planetaryo. May mga mananaliksik na naghuhukay ng lupa para
mapag-aralan ang mga guho ng mga sinaunang mga kabihasnan o magsagawa ng mga pag-
aaral hinggil sa mga hubog ng mga bato. Maaari rin siyang maglakbay sa kalawakan para pag-
aralan ang sanlibutan.

57
Narito ang iba’t ibang pagpapakahulugan sa pananaliksik

Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa


pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy
na suliranin tungo sa klaripikasyon at/o resolusyon nito.

Aquino (1974), ang pananaliksik umano ay may detalyadong depinisyon. Ayon pa


sa kanya, ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang
impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.

Parel (1966), ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng


isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik.

Manuel at Medel (1976), ang pananaliksik bilang isang proseso ng pangangalap


ng mga datos o inpormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang
syentipikong pamamaraan.

E. Trece at J. W. Trece (1973), ang pananaliksik umano ay isang pagtatangka


upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay isang
pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon
at eksplanasyon.

Calderon at Gonzales (1993), ang pananaliksik ay sistematiko at siyentipikong proseso


ng pangangalap, pagsusuri, paglilinaw, pag-oorganisa, pag-unawa at pagpapakahulugan
ng isang datos na nangangailangan ng kalutasan sa suliranin. Ito rin ay isang ekspansyon
sa limitadong kaalaman at pagpapakita rin ng umuunlad na buhay ng tao.

Kerlinger (1973), ang pananaliksik umano ay isang sistematiko, kontrolado,


emperikal at kritikal na imbestigasyon ng mga proposisyong haypotetikal tungkol sa
inaakalang relasyon sa mga natural na pangyayari.

58
Sistematiko ang pananaliksik kapag sumusunod ito sa mga hakbang o yugto.
Ang sistematikong pananaliksik ay kontrolado at ang bawat hakbang ng imbestigasyon
ay nakaplano.

Ayon kay San Miguel (1986), ang pananaliksik ay isang sining tulad din ng pagsulat
ng isang komposisyon sa musika.
Kay Galang, inihambing ang pananaliksik sa isang makaagham na pagsisiyasat ng
penomena, ideya, konsepto, isyu at mga bagay na kinakailangang bigyang linaw, patunay
o pasubali.
Ayon kay Arrogante (1992), ang pagsasaliksik ay isang pandalubhasang sulatin na
nangangailangan ng sapat na panahong paghahanda, matiyaga at masinsinang pag-aaral,
maingat, maayos at malayuning pagsulat para mayari at mapangyari itong maganda,
mabisa at higit sa lahat, kapakipakinabang na pagpupunyagi.

Ang iba’t ibang konseptong ito ng mga dalubhasa ay pagpapakita lamang na ang
pananaliksik ay isang sining. Walang iisang paraan o tamang paraan ng pananaliksik.
Naunawaan mo ba? Halika at sagutin mo ang mga tanong na inihanda ko para sa iyo.

Gawain 1

Basahin at suriin ang dalawang pangungusap sa bawat bilang, isulat sa unahan ng bawat
bilang ang letrang R kung ang unang pangungusap lamang ang tama; O kung ang ikalawang
pangungusap lamang ang tama; N kung parehong tama ang dalawang pangungusap at A kung
parehong mali ang dalawang pangungusap.

______ 1. a. Nagsimulang magsaliksik ang mga tao noong magsimula silang magtanong at
maghanap ng kasagutan hinggil sa mga bagay-bagay.
b. Ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga impormasyong
may sandigan at totoo na nagbubunga ng kaalaman.
______ 2. a. Ang pagiging matiyaga at paki-alamero ay ilan sa mga katangiang dapat
taglayin ng isang mananaliksik.
b. Ang pananaliksik ay isang sistematikong proseso ng pag-iimbistiga, pag-
aanalisa ng mga ebidensyang nakalap at paghuhusga ayon sa mga inilatag na
katibayan.
______ 3. a. Sa loob lamang ng silid-aklatan maaring makakakalap ng mga kaalaman
hinggil sa isang bagay lalo’t higit ang mga nakalimutan ng naunang pag-aaral
na may kaugnayan sa pananaliksik.
b. Taong 1500 sa panahon ni Galileo Galilie nagsimulang magsaliksik ang mga
tao.

59
______ 4. a. Maaaring maging isang guro ang tagapagsaliksik o tagasaliksik.
b. Maaring maging isang ganap na trabaho ng tagapagsaliksik ang paghuhukay
ng lupa upang mapag-aralan ang mga guho ng sinaunang tao o kabihasnan.
______ 5. a. Ang pananaliksik umano ay may detalyadong kahulugan.
b. Ang pananaliksik ay isang gawaing walang sistema, di maaring kontrolin,
emperikal at kritikal na imbestigasyon ng mga proposisyong haypotetikal
tungkol sa inaakalang relasyon sa mga natural na pangyayari.

Gawain 2

Sundin ang sumusunod na panuto.


a. Buksan ang iyong bag, itala ang mga gamit na palagi mong dala.
b. Pagkatapos ay alisin mo ang mga bagay na sa iyong palagay ay di naman gaanong
kailangan sa pag-aaral mo sa araw na ito.
c. Itala mo ang tatlong bagay na iyong napiling itira na sa iyong palagay ay di mo magagawang
iwan, ipahiram o ipamigay upang makapag-aral ka sa araw na ito.
d. Ipaliwanag ang iyong dahilan sa bawat bagay na napili.

Gamit bilang 1: ____________________________


Bakit:
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Gamit bilang 2: ____________________________


Bakit:
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Gamit bilang 3: ____________________________


Bakit:
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Nahirapan ka ba sa pagpili ng gamit na kailangan mong alisin at napaisip ka ba kung


bakit nga ba kailangang natin ang mga gamit na gayon sa panahon natin ngayon?
Tinanong ba ng iyong isip ang iyong damdamin at pinagdudahan mo ba ang iyong
pagdududa? Makatutulong ang pananaliksik upang magkaroon ng halaga ang mga
bagay-bagay sa ating buhay sapagkat hindi lahat ng iyong nasasaliksik ay makabuluhan may mga
pagkakataong sinasala mo rin ang mga ito at pinananatili ang kapaki-pakinabang.

60
Ano ang Layunin ng Riserts o Pananaliksik?
• Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay ang preserbasyon
at pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng tao. Good at Scates
(1972), “The purpose of research is to serve man and the goal is the good
life.”
• Sa pamamagitan ng pananaliksik ay makadidiskubre ng mga
bagong kaalaman. Calderon at Gonzales (1993)
• Makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na
nalulutas ng mga umiiral na metodo at impormasyon. Naglalayon din umano ito ng mga
makabagong tuklas
• Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga bagong instrumento o
produkto.
• Higit na maunawaan ang kalikasan ng mga dati nang kilalang substances at elements.
• Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon,
pamahalaan at iba pang larangan.

Ano naman ang gampanin ng isang mananaliksik?


Ang isang mananaliksik ay kinakailangang maging matapat,
tagubilin ni Atienza et al. (1996) Walang nagtitiwala sa isang magnanakaw
at sinungaling. Kung matuklasan na ang isang mananaliksik ay
nangopya at hindi kumilala sa kanyang pinagkunan, sapat na ito para
mabura ang lahat ng iba pa nyang pinagpaguran. Hindi na kapani-
paniwala ang kanyang saliksik at hindi mapagkakatiwalaan pa ang
kanyang gawain.

Ano ang Pladyerismo? Ano-ano ang mga halimbawa nito?


Atienza et al.(1996)
Matatawag itong Pladyerismo...
1. Kung ginamit ang orihinal na termino o mga salita, hindi ipinaloob sa panipi o hindi
itinala ang mga pinagkunan.
2. Kung hiniram ang ideya o mga pangungusap at binago ang pagkakahayag, ngunit hindi
kinilala ang pinagmulan.
3. Kung namulot ng mga ideya o mga pangungusap mula sa iba’t ibang akda at pinagtagni-
tagni ang mga ito ngunit hindi kinilala ang mga pinagkunan.
4. Kung isinalin ang mga termino, ideya, pahayag, at dahil nasa ibang wika na ay inangkin
na at hindi itinala na salin ang mga ito.
5. Kung ninanakaw ang bahagi ng isang disenyo, balangkas, himig at hindi kinilala ang
pinagkunan ng “inspirasyon”.
6. Kung ginamit ng isang mananaliksik ang mga datos na pinaghirapan ng iba at ipinalabas
niyang siya ang nagkalap ng mga datos na ito.
61
TANDAAN:
Maaari ding ihabla ang sinumang nangongopya batay
sa Intellectual Property Rights (Ang copyright o karapatang-
ari ay karapatan ng awtor o may-akda para magparami ng
kopya ng likhang pampanitikan, siyensya o sining. Ang
copyright ay hindi lang isang pirasong karapatan kundi isang
bungkos ng mga karapatan. Ang mga karapatan na ito ay
ipinagkakaloob ng batas sa mga may-akda.
Mahalaga ang IP sa buhay ng tao at sa ekonomiya o
buhay ng isang bansa. lahat ay maaaring sentensyahan ng
multa o pagkabilanggo.

Sagutin mo na ang iba pang gawain.

Punan ang talahanayan upang mabatid ang iyong layunin at pakikisangot sa mga
kaganapan sa iyong paaralang Kolehiyo ng Angelicum.

Mga pangyayari Mga pangyayari Mga pangyayari Mga pangyayari Mga pangyayari
o isyung wala o isyung o isyung naging o isyung o isyung nais ko
akong alam. narinig ko na at kasangkot ako kasangkot pang pagyamin
napag-usapan at OK lang ako, kaming upang maging
na naming naman sa akin magkakaibigan bahagi ako
magkakaklase ang mga ito o kaming ng pagpapa-
magkakamag- unlad ng
aral o ang sambayanang
buong Angelicum.
samabayanang
Angelicum na
nakaapekto sa
akin ng malaki.

62
Nasagutan mo ba? Narito ang isa pang gawain para sa iyo.

Gawain 4

Ayusin ang mga letra sa HANAY B at piliin dito ang bahagi ng pananaliksik na tinutukoy
sa HANAY A, isulat ang letra ng tamang sagot sa unahan ng bawat bilang.

Hanay A Hanay B
_______ 1. Ang bahaging ito ng pananaliksik ay nagpapakita ng A. LAANIUMP
instrumentong gagamiting batayan, dito rin makikita
at makikilala ang respondent sa pananaliksik.
B. UGAYANKNA-
_______ 2. Ang bahaging ito ng pananaliksik ay may tatlong RARAIETTUL
talataan na kung saan ang unang bahagi ay
naglalayong pukawin ang atensyon ng mambabasa,
ang ikalawa naman ay ang maikling background C. NAPARAAAAM-
o kaligirang kasaysayan ukol sa pananaliksik MANGAAAA-
na gagawin at ang huli ay ang paglalahad ng GRLP
pananaliksik mismo o ang layunin kung bakit ito
iminungkahing saliksikin.
_______ 3. Ang bahaging ito ng pananaliksik ay kakikitaan ng D. HADLALAPA-
pagsasama-sama ng pangunahin at makabuluhang GATSURISU-
bagay na natuklasan o kinalabasan ng pag-aaral at PANGTOSDA
sa huli’y nagrerekomenda o nagmumungkahing
makatulong at maging kapaki-pakinabang ang
E. DOUDYONSUL-
isinagawang pag-aaral.
KNOKATSYON-
_______ 4. Ang bahaging ito ng pananaliksik ay nagsasagawa DANEMKOKE
ng paghanap at pagsangguni sa mga aklat, dyornal,
magasin, tesis, dissertation, internet at iba pang
magagamit na batayan ng pagsusuri ng mga teorya.
_______ 5. Ang bahaging ito ng pananaliksik ay kakikitaan
ng mga grap na naglalahad ng mga datos at ang
interpretasyon sa kinalabasan ng pag-aaral na
sinusuportahan ng mga nauna ng pag-aaral upang
suportahan ang resulta ng pag-aaral.

63
Ang isang mananaliksik ay hindi agad-agad nagsasaliksik. Ito ay pinag-iisipan.
Halika at unawain mo ang mga dapat tandaan sa pagpili ng paksa.

Mga dapat tandaan sa pagpili ng paksa

Kailangang ito ay napapanahon


Kailangang ito ay naayon sa iyong interes
Kailangang ito ay kapakipakinabang sa iyo at sa iyong komunidad.
Kinakailangang ito ay sumasaklaw sa iyong karanasan.
Kailangang mayroong mapagkukunan ng mga datos o literature o naunang pag-aaral na
may kinalaman sa pananaliksik.
Iwasan ang mga masaklaw na mga paksa.
Laging isaalang-alang ang panahon o ang limitadong panahon sa pagsasagawa ng
pananaliksik.

Mula sa pagpapaliwanag tungkol sa paksa, Umisip ng tatlong paksa na sa palagay mo


ay kapaki-pakinabang.

Pamagat 1 :
____________________________________________________________________________________

Pamagat 2 :
____________________________________________________________________________________

Pamagat 3 :
____________________________________________________________________________________

64
Bukod sa paksa, mahalaga rin na ang pamagat ay nakakatawag ng pansin.

TANDAAN:
Sa pamagat pa lamang ng iyong pananaliksik ay marapat na
mababanaag na ang tatlong bahagi ng pananaliksik na iyong gagawin.
Ang I.P.O. o iyong tinatawag na input, suliranin o layunin ng pananaliksik,
process o iyong pamamaraan na iyong isasagawa upang masagot ang iyong
mga katanungan at sa huli ay ang output o iyong nakikinita-kinita mong
maaring ibunga ng iyong napapanahong papel.

Tingnan mo ang halimbawa:

Suliranin:
• Pag-aalis ng sulating pangwakas, kawalan ng gana ng mga mag-
input aaral na maipahayag o palawakin pa ang kanilang mga paliwanag sa
Wikang Pilipino sa pasulat na pamamaraan.

Proseso:
proseso • Pagmumungkahi ng pagdyodyornal sa blog ng mga mag-aaral

kalabasan:
output • Dyornalistikong Bloggero ng YS 10

Pag-aralan ang halimbawa ng pamagat ng pananaliksik. Sagutin ang mga tanong


ukol dito.

DYORNALISTIKONG BLOGGERO: MUNGKAHING MALIKHAING SANAYSAY NG


MGA MAGA-AARAL NA NASA IKA-10 ANTAS NG KOLEHIYO NG ANGELICUM

65
Sino ang mga respondent ng pananaliksik :
____________________________________________________________________________________

Ano ang mungkahing gawain para sa mga mag-aaral :


____________________________________________________________________________________

Sino ang inaasahang makikinabang sa pananaliksik na ito ?


____________________________________________________________________________________

Naunawaan mo na ba ang dapat tandaan sa pagbibigay ng pamagat? Halika at ipagpatuloy


mo ang pag-aaral sa modyul na ito.

Narito ang halimbawa ng talaan ng nilalaman ng isang pananaliksik. Pag-aralan mo.

Talaan ng Nilalaman:

Pasasalamat ....................................................................................................................................
Talaan ng Nilalaman .....................................................................................................................
Kabanata I SULIRANIN AT SANLIGAN NITO .....................................................................
A. Panimula .............................................................................................................................
B. Paglalahad ng Suliranin/Layunin ...................................................................................
C. Kahalagahan ng Pag-aaral ...............................................................................................
D. Katuturan ng Talakay .......................................................................................................
E. Saklaw at Limitasyon .......................................................................................................
Kabanata II KAUGNAY NA LITERATURA ............................................................................
Kabanata III PAMAMARAAN NG PAG-AARAL ...................................................................
A. Pamamaraan at Teknik ng Pag-aaral ..............................................................................
B. Populasyon at Sample ng Pag-aaral ...............................................................................
C. Instrumento ng Pag-aaral ................................................................................................
D. Proseso ng pagbuo ng mga Datos ..................................................................................
E. Istastikal na tritment .........................................................................................................
Kabanata IV PAGLALAHAD AT PAGSUSURI NG DATOS ..................................................
Kabanata V BUOD, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON ............................................
A. Buod ....................................................................................................................................
B. Kongklusyon ......................................................................................................................
C. Rekomendasyon ................................................................................................................

66
Talasangunian ................................................................................................................................
Dahong Dagdag ............................................................................................................................
A. Sarbey .................................................................................................................................
B. Pansariling Tala .................................................................................................................

Pamilyar ka ba sa Filipiniana section, General Section at Archive section? Saan ito makikita?
Tama! Sa silid-aklatan. Sa pananaliksik sa silid-aklatan, hindi magiging mahirap para sa iyo
kung alam mo na kung anong paksa at kung saang bahagi ng silid-aklatan mo hahanapin ang
librong kakailanganin mo.

May tatlong (3) bahagi ang pananaliksik sa silid-aklatan.


1. Panimulang paghahanap ng kard katalog, sangguniang aklat, bibliograpi, indeks at
hanguang elektroniko o internet.
2. Pagsusuri na kinasasangkutan ng browsing, skimming at scanning ng mga aklat at artikulo
at ng pagpili ng citation mula sa mga babasahin.
3. Pagbabasa at pagtatala mula sa aklat, sanaysay, artikulo, computer printouts at iba pang
sanggunian.

Narito ang halimbawa ng Kard Katalog.


1. Kard ng Paksa – ang dapat hanapin kung ang malinaw pa lamang sa mananaliksik ay ang
kanyang paksang tatalakayin.
Halimbawa:

PHILIPPINE POETRY (FILIPINO)


F
PL
6165.4.R9 Rubin, Ligaya tiamson
P11 Paano Tumutula ang Isang Ina: Tula ng Buhay at Bayan
2000 Ligaya tiamson-Rubin.
Manila: De La Salle UniversityPress, Inc. c2000
179 p. 23 cm
ISBN 971-555-335-4
1. Philippine poetry (Filipino). I. Title

67
2. Kard ng awtor – ang kailangang tingnan kung ang mananaliksik ay may naiisip na agad
na awtor na awtoridad sa kanyang paksa.
Halimbawa:

RUBIN, LT.
F
PL
6165.4.R9 Rubin, Ligaya Tiamson
P11 Paano Tumutula ang Isang Ina: Tula ng Buhay at Bayan
Ligaya, Tiamson-Rubin. -
Manila: De La Salle University Press, INC. c2000
179 p.23cm
ISBN 971-555-355-4
1. Philippine poetry (Filipino). I. Title

3. Kard ng Pamagat – ang pinakalapitin ng mga mananaliksik na hindi pa tukoy ang paksa o
awtor na gusto nilang saliksikin, kung kaya parang naghahanap pa sila ng kanilang paksa
sa mga librong pamilyar na sa iba.
Halimbawa:

Paano Tumutula ang Isang Ina: Tula ng Buhay


F
PL
6165.4.R.9 Rubin, Ligaya Tiamson
P11 Paano Tumutula ang Isang Ina: Tula ng Buhay at Bayan
Ligaya Tiamson-Rubin. –
Manila: De La Salle University Press, INC. c2000
179 p. 23cm
ISBN 971-555-335-4
1. Philippine poetry (Filipino). I. Title

Ngayon naman bago ka kumalap ng mga babasahin na


makatutulong sa iyong kaugnay na literatura marapat lamang na balik-
aralin natin ang iyong kakayahan sa kard katalog Ano-ano nga ba ang
tatlong uri ng kard katalog?

1. __________________________________________________________

2. __________________________________________________________

3. __________________________________________________________

68
Tama ba ang iyong mga sagot, kung gayon ay maaari ka nang pumunta sa
silid-aklatan at gumawa ng sariling kard katalog ng aklat, magazine at maaari ka
ring sumangguni sa internet halimbawa ay ang Britannica online.

Gawain 5

Pumunta sa silid-aklatan at maghanap ng tig-tatlong halimbawa ng Kard Katalog tungkol


sa paksang Wikang Filipino. Isulat sa 1/8 size ng index card ang mga nakalap na impormasyon.

Kard ng may-akda Kard ng pamagat Kard ng Paksa

A. Pumunta ka sa silid-aktan at magsaliksik ng 2 halimbawa ng napapanahong papel o


pananaliksik na isinulat at isinagawa ng mga mga-aaral ng Angelicum College. Punan
ang impormasyong hinihingi sa bawat kahon.

Pamagat ng Pananaliksik Pamagat ng Pananaliksik


_____________________________________ _____________________________________

Mga bumuo ng pagsasaliksik Mga bumuo ng pagsasaliksik


_____________________________________ _____________________________________
_____________________________________ _____________________________________
_____________________________________ _____________________________________
_____________________________________ _____________________________________

Petsa kung kailan ginawa Petsa kung kailan ginawa


_____________________________________ _____________________________________

69
B. Magbukas ng internet at magsaliksik ng napapanahong papel o pananaliksik na isinulat ng
mga mananaliksik sa ibang bansa. Punan ang impormasyong hinihingi sa bawat kahon.

Pamagat ng Pananaliksik Pamagat ng Pananaliksik


_____________________________________ _____________________________________

Mga bumuo ng pagsasaliksik Mga bumuo ng pagsasaliksik


_____________________________________ _____________________________________
_____________________________________ _____________________________________
_____________________________________ _____________________________________
_____________________________________ _____________________________________

Petsa kung kailan ginawa Petsa kung kailan ginawa


_____________________________________ _____________________________________

Ngayong alam mo na ang paraang makatutulong sa iyo sa mabilis na pananaliksik sa


silid-aklatan, pag-aralan naman natin ang skimming at scanning, at ang paggawa ng balangkas.
Tungkol saan nga ba ang mga ito at ano ang maitutulong nito sa isang mananaliksik?

May iba’t ibang paraan ng pagtatala o pagkuha ng datos.

Ang pagtatala ay ang paglilista ng mahalagang datos mula sa nabasa,


narinig o namasid.

1. Ang Skimming at Scanning ay parehong paraan ng pagbabasa, ang


pag-iiscan ay isang paraan ng pagbabasa na dinaraanan lamang ang
mga detalye at ito ay naglalayon lamang na mabatid ang kabuuan ng
seleksyon sa pamamagitan ng pagtukoy sa ilang mahahalagang salita na
maaring sumakop sa kabuuan ng seleksyon.

2. Ang Tuwirang Sipi ay paghango ng mga ideya mula sa orihinal na teksto. Ang mga
pananalita ay ganap na hiniram sa isang aklat o artikulo. Gumagamit ng panipi
upang matukoy na ang pahayag ay hinango lamang mula sa ibang source. Ito ay
tiyak at tuwiran ang pagkuha ng pahayag ng awtor.

70
3. Abstrak o halaw - pinaikling deskripsyon ng isang pahayag o sulatin. Sa mga
sulating pampanitikan maaaring ito ay bahagi ng isang buo at mahabang sulatin,
aklat, diyalogo, sanaysay, pelikula, at iba pa na hinahango ang bahagi upang bigyang
diin ang pahayag o gamitin bilang sipi.

4. Hawig o paraphrase - ito ay muling paglalahad ng ideya ng iba sa sariling pananalita.


Nagkaroon ng pagbabago sa estruktura ng salita at pangungusap ngunit kailangan
hindi ito lumihis sa orihinal na teksto.

5. Pagsasalin o translate - isang napakahalagang kaalaman sa pagbuo ng pananalisik.


Ang pagsasalin ay paglilipat mula sa orihinal sa anyo ng wika patungo sa iba pang
wika.

6. Ang pagbabalangkas ay isang paraan upang may isang sistemang mahati-hati


ang mga kaisipan at maiwasan ang kaguluhan sa pagtalakay ng paksa. Ito ay
nagsisilbing gabay sa pagtalunton sa patutunguhan ng paksang tinatalakay. Ito rin
ay pinakagamiting uri ng pagtatala. May maayos na paraang gamit ng mga mag -
aral kapag nagtatala ng mga mahahalagang impormasyon.

Narito ang halimbawa ng balangkas.


I. Pangunahing Paksa
A. Pantulong na paksa
1. Mahahalagang detalye
2. Mahahalagang detalye
3. Mahahalagang detalye
a. Kaugnay na detalye
b. Kaugnay na detalye
B. Pantulong na paksa
C. Pantulong na paksa
II. Pangunahing Paksa
A. Pantulong na paksa
1. Mahahalagang detalye 3. Mahahalagang detalye
2. Mahahalagang detalye
Halaw sa: Kritikal na pagbasa at lohikal naPagsulat tungo sa pananaliksik. Mutya Publishing House Inc. 2006
Bernales, et.al At Makabuluhang Filipino sa Iba’t ibangPagkakataon: Batyang Aklat sa Pagbasa, Pagsulat,
at Pananaliksik sa Antas Pangkolehiyo (Filipino 2), Elizabeth Morales-Nuncio et.al. C & E Publishing Inc. 2015.,
839 EDSA, South Triangle, Quezon City
71
a. Kaugnay na detalye
b. Kaugnay na detalye
B. Pantulong na paksa
C. Pantulong na paksa
III. Pangunahing Paksa

7. Ang Pagbubuod ay isang paraan ng pagpapaikli ng anumang teksto o babasahin.


Ito ay paglalahad ng mga kaisipan at natutuhang impormasyong nakuha sa tekstong
binasa. Kailangang panatilihin ang mga binanggit na katotohanan o mga puntong
binigyang-diin ng may-akda.

Narito ang mga pamantayan sa pagsulat ng buod


• Basahing mabuti ang buong akda upang maunawaan ang buong diwa nito.
• Tukuyin ang pangungusap na nagpapahayag ng pangunahin at
pinakamahalagang kaisipan ng talata.
• Isulat ang buod sa paraang madaling unawain.
• Gumamit ng sariling pananalita.
• Hindi dapat lumayo sa diwa at estilo ng orihinal na akda.

Sa pananaliksik nararapat lamang na malaman mo kung anong uri ng sanggunian ang iyong
gagamitin at kung paano mo ito aayusin at pagsasama-samahin.

Gawain 6

A. Bumuo ng isang pangkat na may limang myembro. Umisip at magtala ng (5) limang paksa
na gusto ninyong pag-aralan na may kaugnayan sa “Peer Pressure”.

Paksa #1 _______________________________________________________________________

Paksa #2 _______________________________________________________________________

Paksa #3 _______________________________________________________________________

Paksa #4 _______________________________________________________________________

Paksa #5 _______________________________________________________________________

72
B. Mula sa mga naitalang paksa, pumili ng isa at isulat ang inyong posibleng maging layunin
ng pananaliksik.
MgaLayunin :

1. __________________________________________________________________________

2. __________________________________________________________________________

3. __________________________________________________________________________

3. Bumuo ng isang balangkas ng posibleng talakayin tungkol sa Peer Pressure. Gamitin ang
balangkas na may bilang Romano at Arabiko.

Subukin natin ngayon ang iyong kakayahan sa pananaliksik.

Gawain 7

Pumunta sa silid-aklatan at magsaliksik ng mga impormasyong may kinalaman sa Peer


Pressure. Gamitin ang iba’t ibang paraan ng pagtatala. Isulat ang iyong sagot sa loob ng mga
kahon.

Ang Tuwirang Sipi

73
Abstrak o halaw-

Pagsasalin o
translate -

Hawig o
paraphrase-

Nagawa mo ba ang gawain? Ngayon naman ay gamitin mo ang iyong natutunan sa paraan
ng pagsipi ng impormasyon.

74
Gawain 8

A. Gamitin ang paraan ng pagtatala, isalin sa Filipino ang ilang pahayag na maaaring gamiting
impormasyon sa isang pananaliksik.

1. Peers play a large role in the social and emotional development of children and
adolescents. Their influence begins at an early age and increases through the teenage
years.
https://www.aacap.org/aacap/families_and_youth/facts_for_families
/facts_for_families_pages/peer_pressure_104.aspx

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

2. Peer pressure can influence a person to do something that is relatively harmless — or


something that has more serious consequences.
http://kidshealth.org/teen/your_mind/friends/peer_pressure.html

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

3. Try to avoid bad peer pressure by spending time with friends who don’t make you
uncomfortable or try to get you to do things you don’t want to.
http://www.teensforlife.com/hot-topics/peer-pressure

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

75
B. Gamitin ang paraang Hawig o paraphrase upang maibigay ang impormasyong nakapaloob
sa pahayag.
1. Ang paninigarilyo ng kabataan ay maituturing na isa sa mga nangungunang isyung
patuloy na pinagtatalunan at sinusubukang maibsan. Patuloy ang pagtaas ng
bilang ng mga kabataang nalululong sa bisyong ito. Dagdag pa rito ang kaalamang
dumarami at tila pabata nang pabata ang mga sumusubok manigarilyo. Patuloy ang
ganitong paglaganap kahit na marami ng mga solusyon at batas ang isinasagawa at
isinasakatuparan upang labanan o di kaya naman ay mabawasan ang paglaganap ng
gawaing ito.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

2. The youth is the hope of downtown San Jose says. Send Rizal believed that the
young the way of development of a country and the education will be the key to
accomplish a goal. must have a positive outlook youth to achieve his object in life.
young people have the right to live well and independent love but there is a limit
to love, nor could love so much because you might get hurt and can break you plan
on living.
https://www.translate.com/english/ang-mga-kabataan-ay-ang-pag-asa-ng-
bayan-sabi-ni-jose-rizal-naniniwala-si-rizal-na-ang-kabataan-a/29114868

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Natapos mo ba ang mga gawain? Narito ang kabuuan ng isang pananaliksik. Pag-aralan
mo ang ilang batayang dapat sundin sa bawat bahagi.

Kabanata I

A. Panimula
Sa bahaging ito ng pananaliksik makikita ang presentasyon ng riserts, ang ilan sa mga
mananaliksik ay nagsisimula sa pamamagitan ng paglalahad ng masaklaw na kaisipan paliit
hanggang sa pagtuunan ng pansin ang paksang nais talakayin, Sikaping ang iikutan lamang
ng iyong panimula ay di nalalayo sa iyong pamagat. Kabahagi din nito ang presentasyon
ng kaligirang kasaysayan ng paksang napili. Tandaan na sa pagtalakay ng nasabing paksa
mahalagang ilagay ng mga mananaliksik ang natapos at nasubok na ang napiling paksa upang
76
makita ng mambabasa na may sapat na pinagbatayan at ebidensya ang mananaliksik sa paksang
napiling gamitin. Binibigyang linaw din sa bahaging ito ang dahilan sa pagpili ng paksa at
ang kahalagahan nito. Binabanggit din sa bahaging ito ang saklaw ng pag-aaral sa paksang
pagtutuunan ng pag-aaral.

B. Paglalahad ng Suliranin o Layunin


Ang bawat pananaliksik ay may suliranin o layunin kung bakit ito isasagawa, ang suliranin
na napili ay maipakikita sa pangkalahatang suliranin na maaring mapalawak, makikita rin
ang mga tiyak na katanungang kailangang masagot sa pananaliksik. Maaari itong simulan sa
paglalahad ng ganito: “Ang pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito ay______________,
sasagutin din ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na tiyak na katanungan. At sa huli ang
pananaliksik na ito ay magrerekomenda ng ___________________.

C. Kahalagahan ng Pag-aaral
Sa bahagaing ito ipinahahayag at pinangangatwiranan kung ano ang halaga ng mga
inaasahang mapatutunayan sa pag-aaral at kung may maidudulot itong kabutihan
Hal.
Ang pag-aaral na ito ay pinaniniwalaang makatutulong sa mga sumusunod :
Mag-aaral, Ang mga Mag-aaral ay makatutukalas ng mga bagong pamamaraan kung
paanong mapalalawak ang kanilang kaalaman sa wika upang maging handa sa CET

D. Katuturan ng Talakay
Ang mga salita o konseptong ginamit sa pag-aaral na kailangang isa-isahin at ipaliwanag
ang kahulugan upang maunawaan ng mambabasa ang paraan ng pagtalakay nito at sa kung
paano ginamit ang mga salita o konsepto sa paksang pag-aaralan, maaring operasyunal na
pagpapakahulugan ayon sa pagkakagamit sa riserts o konseptuwal na pagpapakahulugan na
hanggo sa diksyunaro o iba pang pag-aaral, tandaan lamang na ang paraan ng pagkakalahad ay
kinakailangang sa paalpabetong pamamaraan.
Hal.
CET o College Entrance Test – ay isang pagsusulit na pinangangasiwaan ng mga propesor sa
kolehiyo upang masukat ang kahandaan ng mga mag-aaral sa paaralang kanilang nais mapabilang.

E. Saklaw at Limitasyon
Tinatalakay sa bahaging ito ang saklaw ng lahat-lahat ng mga nais sakupin ng pag-aaral.,
tulad ng kung saang paaralan ito isasagawa, anong taon at iba pa at inilalahad din sa bahaging
ito kung ano ang mga limitasyon o iyong mga bagay na di naman sasagutin ng pag-aaral na ito.
Hal.
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa mga mag-aaral na nasa antas 10 ng Kolehiyo ng
Angelicum na gumagamit ng mga wikang bernakular….

77
Kabanata II KAUGNAY NA LITERATURA
Dito ginagawa ang paghahanap ng mga aklat, dyornal, magasin, tesis, dissertation at iba
pang saggunian na magagamit na batayan sa pagsusuri ng mga teorya. Nakatutulong ang mga
kaugnay na literatura sa pagpaplano ng paksang aaralin.
Karamihan sa mga pananaliksik ngayon ay gumagamit na ng tuwirang pagtalakay ng
mga pagkakatulad tulad at pagkakaiba-iba ng mga nakaraang pag-aaral.
Ang lahat lamang ng kaugnay na literatura na may kinalaman sa iyong pamagat ang iyong
kalapin. Pagdugtungin ang mga konsepto ng bawat isa gamit ang mga pangatnig.

Kabanata III PAMAMARAAN NG PAG-AARAL


Pamamaraan at Teknik ng Pag-aaral
Ipinaliliwanag sa bahaging ito ang disenyo o metodolohiya sa pagsasagawa ng pananaliksik
na maaring historikal eksperimental at iba pa, sa pananaliksik sa Fil. 10 gagamitin natin ang
palarawang pamamaraan. Ipinapaliwanag din kung bakit ang pamamaraang ito ang ginamit.

Proseso ng pagbuo ng mga Datos


Ipinapakita dito ang pagsasagawa at pagkuha ng sarbey, instrumentong ginamit sa
pagsusuri ng napiling paksa sa suliranin ng riserts. Ang mga paraan ng pagbabalidyet ng
talatanungan o sarbey ay inilalahad din sa bahaging ito.

Instrumento ng Pag-aaral
Sa bahaging ito ipakikita ang sarbey na panguhaning instrumento ng pananaliksik sa
Fil.10

Istastikal na tritment
Inilalahad din sa bahaging ito ang istatistikal na pamamaraan na aangkop sa pag-aanalisa
sa mga datos na makakalap. Sa Fil.10 ang Mean, weighted at average ang ating gagamitin.

Populasyon at Sample ng Pag-aaral


Inilalahad sa bahaging ito kung sino ang magiging respondents ng pananaliksik.

Kabanata IV - PAGLALAHAD AT PAGSUSURI NG DATOS


Tinatalakay sa bahaging ito ang resulta ng pananaliksik. Makikita ito sa pamamagitan
ng paglalahad ng mga datos, paraan ng pagsusuri nito at pagbibigay ng interpretasyon sa
kinalabasan ng pag-aaral. Inilalatag ito sa pamamagitan ng mga grap sa pagpapakita ng mga
datos na siyang makatutulong sa upang masmadaling maunawaan ang mga nakalap na datos.
Sa bahaging ito ay dapat na ihambing ang mga nakalap na datos sa mga nauna ng pag-aaral
upang suportahan ng resulta ng iyong pananaliksik.

78
Kabanata V - LAGOM O BUOD, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
Sa bahaging ito makikita ang mga mahahalagang bahagi ng pananaliksik, dito pinagsasama-
sama ang mga pangunahin at mga makabuluhang bagay na natuklsan o kinalabasan ng iyong
pag-aaral. Matapos maibuod ay maingat na ilalahad ang iyong konklusyon o bunga ng iyong
pag-aaral na iaangkop sa mga tanong na nais matugunan sa isinagawang pag-aaral, at sa
huli’y makapaglahad ng rekomendasyon o mga mungkahing makatutulong sa iniharap ng
mananaliksik upang maging kapaki pakinabang ang isinagawang pag-aaral.

Sa pagbuo ng Lagom o buod sundin ang mga sumusunod:


1. Simulan ang lagom sa isang maikling pahayag tungkol sa pangunahing layunin
ng pag-aaral, mga respondente, saklaw, limitasyon at panahon ng pag-aaral,
pamamaraan at instrumentong ginamit sa pangangalap ng mga datos at impormasyon
at ang disenyo ng pananaliksik.
2. Ilahad ang lagom sa paraang tekstwal at numerikal sa pamamagitan ng pagbubuod
ng importanteng datos
3. Ang mga importanteng tuklas at haylayt ng mga datos ang dapat banggitin sa lagom,
lalong-lalo na ang mga pinagbatayan ng mga konklusyon.
4. Gawing maikli at tuwiran ang mga pahayag sa lagom.
5. Huwag magdaragdag ng mga bagong datos o inpormasyon sa lagom.

Sa pagbuo ng konklusyon sundin ang mga sumusunod:


1. Lahat ng konklusyon ay dapat ibatay sa lohika ng mga datos at inpormasyong
nakalap.
2. Dapat masagot nang tumpak at maayos ang mga katanungang tinukoy sa Layunin
ng Pag-aaral.
3. Dapat matukoy sa konklusyon ang mga faktwal na napag-alaman sa inkwiri.
4. Gawing maiikli at tuwiran ang mga konklusyon, ngunit tandaang kailangang
maihayag ang mga kailangang inpormasyong resulta ng pag-aaral na hinihingi ng
mga tiyak na tanong sa Layunin ng Pag-aaral
5. Maging tiyak sa paglalahad ng mga konklusyon.
6. Ang mga konklusyon ay hindi dapat repetisyon lamang ng mga pahayag sa ibang
bahagi ng pamanahong-papel.

79
Sa pagbuo ng rekomendasyon sundin ang mga sumusunod:
1. Ang mga rekomendasyon ay dapat naglalayong lutasin ang mga suliraning
natuklasan.
2. Huwag magrekomenda ng mga solusyon sa anumang suliraning hindi naman
natuklasan o natalakay sa pag-aaral.
3. Bagama’t ang mga rekomendasyon ay maaaring maging ideyal, kailangang ang bawat
isa’y maging praktikal, naisasagawa, nakakamit, makatotohanan at makatarungan.
4. Dapat ipatungkol ang bawat rekomendasyon sa indibidwal, pangkat, tanggapan, o
institusyong nasa posisyong magpatupad ng bawat isa.
5. Kung may mga mabubuting bagay na natuklasan, kailangang irekomenda ang
pagpapanatili, pagpapatuloy at/o pagpapabuti ng mga iyon at/o mga hakbang o
paraan kaugnay iyon.
6. Maaaring irekomenda sa ibang mga mananaliksik ang pagpapatuloy o pagpapalawak
ng isinagawang pag-aaral at/o paggamit ng ibang saklaw, panahon, kaangkupan sa
lugar, at populasyon upang maberipika, maisagawa o mapasinungalingan ang mga
natuklasan sa pag-aaral.

Rekomendasyon

Naunawaan mo ba ang paksang tinalakay?


Ano ba ang nilalaman ng sanggunian o talasanggunian? Alam mo bang ito ay isa sa mga
mahahalagang bagay na hindi dapat kinakalimutan sa isang papanaliksik? Oo, sapagkat sa
talasanggunian mo itinatala ang mga sanggunian o references na iyong ginamit sa pananaliksik.

Talasangunian
Ito ay ang mainggat na pagtatala ng mga sagguniang magagamit sa pagkuha ng mga
impormasyon.
A. Libro-Pangalan ng awtor (nauuna ang apelyido), pamagat ng akda at tala tungkol sa
pagkakalimbag o publikasyon
Castro, Rona. “Pananaliksik para sa makabagong kabataan” REX Publishing House, QC.
2015
Nuncio, Elizabeth M. et.al. “Makabuluhang Filipino sa iba’t ibang pagkakataon” C &
E Publishing, Inc. Edsa South Triangle Q.C. 2015

B. Magasin-isinusulat ang pangalan ng artikulo sa loob ng panaklong at ang pangalan ng


magasin ay sinasalungguhitan.
Castro, Rona. (Ang aking karanasan bilang guro sa Pananaliksik sa makabagong kabataan)
Filipino 10 Angelicum College Nth REX Publishing House, QC. 2015

80
C. Internet-sipiin ng buo ang link at ilagay ang petsa at oras kung kalian ito sinipi.
https://tl.wikipedia.org/wiki/Pananaliksik June 24, 2015, 4:00 pm
http://www.slideshare.net/ReilourdMiranda/pananaliksik-17313402?related=1
http://www.slideshare.net/JuniorPanopio/pananaliksik-1
https://tl.wikipedia.org/wiki/Pananaliksik June 24, 2015, 4:00 pm
http://www.scribd.com/doc/81131352/Ang-Isyu-Ng-Plagyagyarismo#scribd
http://filcols.blogspot.com/2010/08/uri-ng-intellectual-property.html

Naunawaan mo ba ang mahahalagang impormasyong iyong kakailanganin tungkol sa


isang masusing pananaliksik?

Maaari mo nang sagutin ang panghuling pagsusulit.

Panghuling Pagsusulit

Tukuyin ang bawat bahagi ng pananaliksik. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

1. __________________________ 2. __________________________

81
3. ___________________________________________________________

4. __________________________ 5. __________________________

Ngayon ay maaari nyo nang isangguni sa inyong guro ang natapos na napapanahong
papel at maghanda sa pasalitang pagsusulit.

82
Sanggunian :

https://www.google.com.ph/search?q=research&biw=1366&bih=667&source=lnms&tbm=isch&
sa=X&ved=0CAYQ_AUoAWoVChMIlqrOwMqHyAIVhS6UCh0UxwN6&dpr=1#tbm=isch&q=r
esearch+icon&imgrc=WmicmZgcdJMrfM%3A

http://www.scribd.com/doc/53617539/FILIP12-impormasyon-balangkas#scribd

http://wennchubz.blogspot.com

Bernales, Rolando, Atienza, Glecy, Talegon, Vivencio Jr., at Rovira, Stanley. 2006. Kritikal na
pagbasa at lohikal na pagsulat tungo sa pananaliksik. Valenzuela City: Mutya Publishing House
Inc

83

You might also like