Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Semi-detailed Lesson Plan sa Panitikan ng Pilipinas

PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA

I. Mga Layunin:
 Natatalakay ang mga Pelikulang Filipino sa Panahon ng Ikatlong
Republika;
 Naipapahayag ang iba’t-ibang pahayagan, komiks,magasin, iba pang
babasahin, mga dula at nobela sa panahong ito; at
 Naipaliliwanag and kabuuang tanaw sa panitikan sa Panahon ng Ikatlong
Republika.

II. Paksang Aralin


a. Paksa: Panahon ng Ikatlong Republika
b. Sanggunian: Panitikan ng Pilipinas, pahina 219-255
c. Kagamitan: Visual aids; aklat; mga larawan ng mga akda

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Pambungad na Dalangin
2. Pagtala sa liban at pagsasaayos ng silid
B. Motibasyon
Aktibidad: Bilang pagbabalik-aral, sinu-sino ang mga manunulat sa
panahon ng Bagong Lipunan? Anu- ano ang kanilang mga naisulat
na siyang dahilan sa kanilang pagiging sikat sa larangan ng
pagsulat ng sanaysay? Anu- ano ang kanilang natanggap na
karangalan sa panahong yaon?
C. Paglalahad
1. Pagganyak
Ipakita ang presentasyon sa harapan ng klase.
2. Pagtatalakay
Basahin ang nakasulat sa aklat ukol sa Panahon ng Ikatong
Republika. At itanong ang susunod na mga tanong:
 Kailan nagsimula ang Panahon ng Ikatlong Republika?
 Ano-ano ang mga pahayagan, komiks, magasin, at iba
pang babasahin noong panahong yaon?
 Sino ang may-akda sa dulang pinamagatang “Huling
Gabi sa Maragondon” at ano ang kanyang palayaw?
3. Pagpapahalaga
 Mahalaga bang malaman natin ang kasaysayan ng ating
panitikan?
 Paano mo mapapahalagahan ang kasaysayan ng ating
panitikan? Sa anong paraan?
 Paano mo maipagmamalaki ang kasaysayan ng ating
panitikan?
4. Gawaing Pagpapayaman
Igrupo ang mga estudyante sa apat, ang bawat grupo ay may
tigwawalong miyembro. Bawat grupo ay magsasagawa ng
maikling pagsasadula tungkol sa dula, nobela, pelikula at
pahayagan na nabanggit sa talakayan. Pagkatapos, ay ipakita
ito sa klase at ilahad ang mga natutunan sa ginawang
pagsasadula.
 Unang Grupo – isadula ang dulang pinamagatang
“Huling Gabi sa Marigondon” ni Renato O. Villanueva
 Ikalawang Grupo – isadula at ilahad ang pelikulang
Filipino sa Panahon ng Ikatlong Republika
 Ikatlong Grupo – gumawa ng pagsasadula na ginagamit
ang pahayagang binansagang “Crony Newspapers”.
 Ikaapat na Grupo – gumawa ng pagsasadula sa
ginagamit ang pahayagang tinatangkilik ng maraming
Pilipino dahil nagpapahayag ito ng totoong pangyayari
D. Paglalahat
 Ano ang inyong natutunan sa Panahon ng Ikatlong Republika?
 Ano-ano ang ating itinalakay ngayon?
 Ano- ano ang mga aral na inyung napulot sa ating aralin
ngayon?

IV. Paglalapat
Panoorin at makinig ng mabuti sa pelikulang ipapakita ng guro. Bigyang pag-
unawa ito at ihambing ang mga pangyayaring nagaganap sa pelikula sa
Panahon ng Ikatlong Republika.

V. Takdang Aralin
Magsulat ng sanaysay tungkol sa iyong mga natutunan sa paksang “Panahon
ng Ikatlong Republika”. Isulat ito sa buong papel at dapat ito ay nagtataglay
ng tatlong mahahalagang element ng sanaysay ito ay ang simula, katawan at
wakas.

You might also like