Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF LIPA CITY
Lipa City South District
SAN SEBASTIAN ELEMENTARY SCHOOL

MASUSING BANGHAY ARALIN SA MOTHER TONGUE 2

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan.
B. Pamantayan sa Pagganap
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kwento.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar, bagay, at mga pangyayari sa paligid.

II. Nilalaman
Paksa:
Pangngalan

III. Kagamitang Panturo


A. Sanggunian/ Mga Sanggunian
K to 12 Grade 2 Curriculum Guide
https://www.scribd.com/document/319853804/Ang-Pangngalan

B. Iba pang Kagamitang Panturo


TV, PowerPoint Presentation

IV. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
Tayo ay tumayo para sa panimulang panalangin.
(tatayo at mananalangin)

b. Pagsasaayos ng silid
Maaari bang ayusin ang inyong upuan at pulutin ang
basura at itapon ito sa tamang basurahan. (aayusin ang upuan at pupulutin ang mga basura at
itatapon sa tamang basurahan)

c. Pagbati
Magandang umaga mga bata!
Maaari na kayong umupo. Magandang umaga din po!

d. Pagtatala ng Liban
Mayroon bang liban sa araw na ito?
Wala po, Ma’am!
e. Pagbabalik-Aral
Noong nakaraan ay tinalakay natin ang tungkol sa
kasingkahulugan at kasalungat ng mgasalita.
Ang kasingkahulugan ay tumutukoy sa parehong
kahulugan ng salita samantalang ang kasalungat naman ay
Ano nga muli ang pagkakaiba ng dalawa?
ang kabaligtaran ng salita.
Magaling! Magbigay nga kayo ng halimbawa ng

magkasingkahulugan na salita.
mabango-mahalimuyak
tahimik-payapa
Magbigay naman kayo ng salitang magkasalungat.
payat-mataba
masipag-tamad

B. Aktibiti
Ngayon ay inaanyayahan ko na magsitayo ang lahat
upang sabay-sabay tayong umawit at sumayaw. Ang (tatayo ang lahat)
ating aawitin at sasayawin ay pinamagatang “Kung
Ikaw ay Masaya”.
“Kung Ikaw ay Masaya”
Kung ikaw ay masaya tumawa ka, haha
Kung ikaw ay masaya tumawa ka, haha
Kung ikaw ay masaya, buhay mo ay sisigla
Kung ikaw ay masaya tumawa ka, haha!

Kung ikaw ay masaya, pumalakpak


(pumalakpak ng tatlong beses)
Kung ikaw ay masaya, pumalakpak
(pumalakpak ng tatlong beses)
Kung ikaw ay masaya, .
Buhay mo ay sisigla
Kung ikaw ay masaya, pumalakpak!
(pumalakpak ng tatlong beses)

Kung ikaw ay masaya, pumadyak ka!


(pumadyak ng tatlong beses)
Kung ikaw ay masaya,pumadyak ka!
(pumadyak ng tatlong beses)
Kung ikaw ay masaya,
Buhay mo ay sisigla
Kung ikaw ay masaya, pumadyak ka!
(pumadyak ng tatlong beses)

C. Analisis
Mayroon akong babasahing maikling kwento at
kasunod nito ay mga katanungan na inyong
sasagutin.
Ang kwentong ito ay pinamagatang “Ang Palaka
sa Sapa”.
“Ang Palaka sa Sapa”

Ang palaka sa sapa kung humuni ay malakas. “Kokak!


Kokak! Kokak!” ang sabi ng palaka. Noong isang
araw, si Pipo ay pumunta sa sapa upang humuli ng
palaka. Nagtago ang mga palaka. Walang nahuli si
Pipo. Siya ay umuwing kaawa-awa.

Mga Tanong:
1. Saan matatagpuan ang mga palaka? Sa sapa
2. Sino ang pumunta sa sapa? Si Pipo
3. Kailan pumunta si Pipo sa sapa? Noong isang araw
4. Ano ang huhulihin ni Pipo? Palaka

Magaling! Tama ang inyong mga kasagutan.

Ngayon ay isa-isahin natin ang inyong mga naging


kasagutan. Una ay sapa. Ito ba ay ngalan ng isang tao, Ang sapa po ay ngalan ng lugar.
bagay, lugar, hayop o pangyayari?
Tama! Ang pangalawa naman ay Pipo. Ito ba ay Ito po ay ngalan ng tao.
ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop o pangyayari?
Sunod naman ay ang palaka. Ito ba ay ngalan ng tao, Ang palaka po ay ngalan ng hayop.
bagay, lugar, hayop o pangyayari?

Tama! Ano kaya ang tawag sa ngalan ng tao, bagay,


lugar, hayop at pangyayari? May ideya ba kayo Ang tawag sa ngalan ng tao, bagay,
tungkol dito? lugar,hayop at pangyayari ay pangngalan.

Magaling! Ang pangngalan ay isang bahagi ng


pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay,
lugar, hayop at pangyayari.
Narito ang iba pang halimbawa ng mga pangngalan.
Tao Bagay Hayop Lugar Pangyayari

tatay kumot aso parke pasko


guro lapis baka Laguna binyag

D. Abstraksyon
Ngayon ay mayroon ulit akong babasahing maikling
kwento at ito ay pinamagatang “Ang Manika ni
Mika”.

“Ang Manika ni Mika”


Ang manika ni Mika ay luma na. Bigay ito ng kanyang
Mama Mina noong ika-anim na kaarawan niya.
Paborito niya itong laruin kahit ito ay luma na. Maitim
at mahaba ang kulot na buhok ng manika. Ang
pangalan ng manika ay Mila. Lagi niya itong dala
kahit sa labas at kahit saan siya magpunta.

Pagmasdang mabuti ang mga may salungguhit na salita


sa kwento. Tukuyin kung ito ay ngalan ng tao,bagay,
lugar,hayop at pangyayari.

1. manika Bagay
2. Mika Tao
3. Mama Mina Tao
4. kaarawan Pangyayari
5. Mila Tao
6. labas lugar

E. Aplikasyon
Ngayo ay hahatiin ko ang klase sa dalawang pangkat
para sa gagawing aktibidad. Ang aktibiti na ito ay
tinatawag na “Buhay Mo, Ganap Ko”.
Ang bawat pangkat ay bubuong isang maikling
kwento na nakatuon sa tauhan nito. Ang inyong mga
sarili ang gaganap na tauhan sa papel na inyong
nanaisin. Ang kwento na inyong bubuuin ay iaalay
ninyo sa mga magulang ninyo sa pamamagitan ng
pagsasadula upang maipakita ang inyong pasasalamat
sa inyong mga magulang lalo na sa Araw ng mga Ina
at Araw ng mga Ama. Kinakailangang binubuo ito ng
iba’t ibang pangngalan tulad ng tao, bagay, lugar at
pangyayari.

Bibigyan ko ang bawat grupo ng sampung minuto para


sa paggawa ng aktibiti.

V. Ebalwasyon
Panuto: Isulat kung ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari ang mga salita.
1. paaralan
2. lola
3. ibon
4. telepono
5. piyesta

*Susi sa Pagwawasto*
1. lugar
2. tao
3. hayop
4. bagay
5. pangyayari

VI. Takdang-Aralin
Panuto: Sumulat ng isang maikling kwento tungkol sa iyong karanasang hindi malilimutan na binubuo ng mga
pangngalan. Isulat ito sa isang buong papel.
Inihanda ni:
Krissel P. Nepomuceno

You might also like