Fil8 - Q4 - M4-Final Ok

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

8 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Name of Learner: Filipino


___________________________
Grade & Section: Ikaapat na Markahan
___________________________ – Modyul 4
Name of School: Pagsusuri ng mga Pangunahing Kaisipan at
___________________________
Pagbibigay Kahulugan sa Matatalinghagang
Salita

1
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Zenaida P. Bugas


Editor:
Tagasuri: Elsie V. Malagum, Mary Jill A. Atetio, Thelma P. Opada
Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan:
Tagalapat:
Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI
OIC, Schools Division Superintendent

Visminda Q. Valde, EdD


OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Raymond M. Salvador, EdD, CESE


OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Juliet A. Magallanes, EdD


CID Chief

Florencio R. Caballero, DTE


EPS – LRMDS

Josephine L. Tomboc, EdD


EPS – Filipino

2
Alamin

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Naipamamalas ng mga mag- Ang mag-aaral ay nakabubuo ng


aaral ang pag-unawa sa isang dakilang makabuluhang radio broadcast na
akdang pampanitikan na mapagkukunan ng naghahambing sa lipunang Pilipino sa
mahahalagang kaisipang magagamit sa panahon ni Balagtas at sa
paglutas ng ilang suliranin sa lipunang kasalukuyan.
Pilipino sa kasalukuyan.

Sa modyul na ito, matututunan mo ang pagsusuri ng mga ngunahing kaisipan


at pagbibigay- kahulugan sa matatalinghagang salita (ekspresyon; tayutay at
simbolo).

May mga Gawain akong inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong
kaalaman tungkol dito.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

 Makapagsusuri ng mga pangunahing kaisipan ng mga kabanatang binasa


(F8PB-IVc-d-34)
 Makapagbibigay-kahulugan sa mga matalinghagang salita sa binasang
kabanata.( ekspresyon ; tayutay at simbolo)
(F8PT-IVc-d-34)

PAALALA: HUWAG SULATAN ANG MODYUL NA ITO. MAGHANDA NG SARILING


SAGUTANG PAPEL.

3
Pagsusuri ng mga
Aralin pangunahing kaisipan at
1 Pagbibigay kahulugan sa
Matatalinghagang Salita

Balikan
Sa pagsisimula ng ating aralin, sagutin mo muna ang mga tanong batay sa
iyong dating kaalaman.

Panimulang Pagtataya

Panuto: Unawaing mabuti ang bawat aytem sa ibaba. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ang pinakamahalagang kaisipan na tumutukoy sa diwa o mensahing


Napapaloob sa buong talata/teksto.
A. paksa C. pansuportang detalye
B. pangunahing kaisipan D. Pamagat

Para sa aytem 2-3

Lumipas ang araw na lubhang matamis


At walang matira kundi ang pag-ibig,
Tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib
Hanggang sa libingan bangkay ko'y maidlip.

Halaw sa:
Saknong na sinipi mula sa kabanata 1

2. Ano ang pangunahing kaisipan ng saknong?


A. Matamis na suyuan C. Wagas ang pag-ibig ni Florante
B. Walang kamatayang pag-ibig D. Pag-iibigan nina Florante at Laura.

3. Ang mga salitang nakadiin sa loob ng saknong sa itaas ay isang tayutay na


ang kahulugan nito ay?

4
A. libingan ng bangkay C. mahimbing na pagtulog
B. nahimlay nang lubusan D. pamamahinga

Para sa aytem 4-6

Kung sa biglang tingi'y bubot at masaklap,


Palibhasa'y hilaw at mura ang balat;
Nguni't kung namnamin ang sa lamang lasap,
Masasarapan din ang babasang pantas.

Halaw sa:
Saknong na sinipi mula sa kabanata 2

4. Ano ang pangunahing kaisipan ng saknong?


A. Pagpapaalala sa mambabasa C. Pagpapahalaga sa nilalaman
B. Mga tagubilin sa pagbasa D. Pagsunod sa mga tagubilin

5. Ang nakadiing salita sa saknong ay nangangahulugang ….


A. Hindi gaanong mahal ang halaga C. Hindi Kagandahan ang balat
B. Matigas ang balat D. Mababaw ang anyo

6. Ano ang ibig sabihin ng nakasalungguhit na salita sa huling taludtod?


A. Walang hilig magbasa C. Manunula
B. Mahilig magbabasa D. Mangangatha

Para sa aytem 7-9

Makinis ang balat at anaki’y burok,


Pilik-mata’t kilay mistulang balantok,
Bagong sapong ginto ang kulay ng buhok,
Sangkap ng katawa’y pawang magkaayos.

Halaw sa:
Saknong na sinipi mula sa kabanata 3
7. Ano
pangunahing
kaisipan ng saknong?
A. Si Balagtas ay kabigha-bighani
B. Si Balagtas ay matcho at gwapo.
C. Si Balagtas ay nagpakulay ng buhok.
D. Si Balagtas ay kahanga-hanga.

5
8. Ang salitang nakadiin sa saknong ay isang tayutay na pagtutulad .Ano ang
kahulugan ng mga salitang nakadiin?
A. Hugis arko ang kilay at pilik-mata
B. Maayos ang mga pilik-mata at kilay
C. May pilik-mata at kilay na maganda
D. Matuwid ang kilay at pilik-mata

9. Ang nakasalungguhit na taludtod ay isang tayutay na pagwawangis. Ibigay


ang kahulugan ng mga salitang nakasalungguhit.
A. Kulay ginto ang buhok C. Bagong kulay ginto ang buhok
B. Ginawang ginto ang buhok D. Ginaya sag into ang buhok

10. Ito’y salita o isang pahayag na hindi ordinary o pangkaraniwang salita na


ginagamit upang maging kaakit-akit, malikhain at mabisa ang pagpapahayag ng
kaisipan o damdamin.
A. pangunahing kaisipan C. tayutay
B. palaisipan D. sawikain

6
Tuklasin
Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Pagkatapos, Sagutin ang gawain sa ibaba.

Nagsimula ang tagpo sa isang liblib na gubat na halos hindi


nasisinagan ng liwanag ng araw. Dahil sa malalaking Puno ng Higera na may
malalapad na dahong nagpapadilim sa buong kagubatan. May mga baging din
na namimilipit sa sanga ng kahoy na dumadagdag sa kapanglawan ng
nakasusuka at maba-hong amoy ng gubat. Sa buong kagubatan ay nababalot
ng lagim at habag dahil sa mga gumagalang mababangis na hayop. Sa
kalagayang iyon ay mayroong isang lalaking nakagapos kung ihinalintulad ay
parang si Narciso ang tindig at ang mukha naman ay si Adonis

1. Tungkol saan ang teksto?


A. Tungkol sa gubat C. Tungkol sa lalaking nakagapos
B. Tungkol sa mga halaman D. Tungkol sa mga mababangis na hayop

2. Ano ang pangunahing kaisipan ng teksto?


A. Ang gubat na mapanglaw at mapanganib
B. Ang nakataling lalaki sa gubat ay mamatay.
C. Maraming makikitang halaman at hayop sa gubat.
D. Ang gubat ay mapanganib at mahirap puntahan ng mga tao.

3. Ano ang tinutukoy na madilim at masukal sa teksto?


A. gubat C. halamam
B. bundok D. liblib na pook

4. Ang sumusunod ay naglalarawan sa gubat Maliban sa isa.


A. Hindi nasisinagan ng liwanag ng araw.
B. Maaliwalas at may preskong hangin sa paligid.
C. May mga baging na namimilipit sa sanga ng kahoy .
D. Nababalot ng lagim at habag dahil sa mga gumagalang mababangis na hayop.

5. Ang mga salitang nakadiin sa teksto ay isang matalinghagang salita na ang ibig
sabihin ay?
A. mapanganib C. kalupitan
B. kasamaan D. kapahamakan

7
Suriin

Handa ka na bang pag-aralan ang ating aralin? Basahing mabuti at unawain


ang mga kaalamang nakakahon.

Kahon -A

Ang naging Gawain sa Tuklasin ay tungkol sa pangunahing kaisipan at


matatalinghagang pahayag/salita.

Ano ba ang itong Pangunahing Kaisipan?

 Ang Pangunahing kaisipan - ay tumutukoy sa diwa o mensahing napapaloob


sa buong talata/teksto. Sinasabi nito kung ano ang ibig sabihin ng kabuuang
larawan ng talata/teksto.

Halimbawa mula sa Gawain natin sa TUKLASIN


Ano ang sinasabi sa teksto?

1. Halos hindi nasisinagan ng liwanag ng araw dahil sa malalaking Puno at


malalapad na dahong nagpapadilim sa buong kagubatan.
2. May mga baging na namimilipit sa sanga ng kahoy na dumadagdag sa
kapanglawan ng nakasusuka at mabahong amoy ng gubat.
3. Nababalot ng lagim at habag ang buong kagubatan dahil sa mga
gumagalang mababangis na hayop.
4. Mayroong isang lalaking nakagapos sa puno

Ano ang pangunahing kaisipan ng teksto?

Ang gubat ay mapanglaw at mapanganib


.

Kahon-B

8
Ano ba ang Matatalinghagang Salita?

 Ang matatalinghagang salita /pahayag - ay salitang /pahayag na may


malalim,nakatago o hindi tiyak na kahulugan. Ang kahulugan ng mga salita
ay hindi literal. Ang ilan sa mga ito ay:

1. Tayutay – Ito’y salita o isang pahayag na hindi ordinaryo o pangkaraniwang


salita ang ginagamit upang maging kaakit-akit, malikhain at
mabisa ang pagpapahayag ng kaisipan o damdamin.

Halimbawa:

Tanang mga baging na namimilipit sa sanga ng kahoy ay balot ng tinik –


(nangangahulugang puno ng pasakit)

2. Ekspresyon - Ito’y berbal o di-berbal na pagpapahayag ng kilos o reaksyon.

Halimbawa: (nandidiri)
nakasusulasok ang amoy ng halaman sa gubat.

3. Simbolo

• ito’y salitang nagsasagisag ng isang ordinaryong bagay, pangyayari, tao o


hayop na may nakakabit na natatanging kahulugan.
• Nagpapahiwatig ng isang ideya, larawan, paniniwala, aksyon o kaya naman
ng isang bagay.
• Kinukuha ng mga simbolo ang anyo nga mga larawan, at ginagamit upang
magpahiwatig ng mga kaisipan at paniniwala.

Halimbawa at kahulugan nito:

Adonis – matipuno, magandang lalaki


Tigre- kabagsikan
Leon- katapangan
Tinik – mga pasakit
Luha- kalungkutan
Hayop-kalupitan

9
Pagyamanin
Panuto: Basahin at unawain ang buod ng kabanata 1-2 ng Florante at Laura na
makikita sa susunod na pahina. Pagkatapos sagutin ang mga Gawain sa
ibaba.

Kabanata 1- Kay Selya

Kapag naaalaala ng makata ang nakaraan, iisang babae ang binabalikan


niya sa gunita, si Celia lamang. Matamis ang kanilang pag-iibigan at masaya
sila habang namamasyal sa Ilog Beata at Hilom. Ngunit ngayo’y di mapigilan ng
makata ang pagluha kapag naiisip na baka naagaw na ng iba ang pag-ibig ni
Celia. Dahil sa kalungkutan, natutong magsulat ng tula ang makata.
Inihahandog niya ang tulang ito kay Celia, na ang sagisag ay M.A.R

1. Ibigay ang pangunahing kaisipan ng bawat kabanata. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

A. Pagdurusa ni Florante
B. Kabiguan ng pag-ibig ni Florante
C. Paghihirap ni Florante sa bilangguan
D. Matapat ang pag-ibig ni Florante kay Selya

Kabanata 2 - Sa Babasa Nito

Nagpapasalamat ang makata sa mga babasa ng kanyang awit. Ang


kanyang akda ay parang bubot na prutas sa unang tingin ngunit masarap
kapag ninamnam. Hinihiling ng makata na huwag babaguhin ang kanyang
berso at pakasuriin muna ito bago pintasan. Kung may bahaging di
malinawan, iminumungkahi niyang tumingin lamang ang mambabasa sa
ibaba ng pahina at may paliwanag doon. Ipinakiusap din niya na huwag
babaguhina ng mga salita sapagkat sa halip na mapabuti ay baka sumama
pa ang akda.

2. Ibigay ang pangunahing kaisipan ng bawat kabanata. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

A. Mapagbigay si Florante
B. Ang kahilingan ni Florante
C. Ang habilin ni Florante para sa mambabasa
D. Pagpapahalaga ni Florante sa kanyang obra maestra

Para sa bilang 3-5

10
Panuto: Ibigay ng angkop na kahulugan ng mga matatalinghagang salita na
nakasalungguhit sa loob ng loob ng taludtod. Piliin at isulat ang titik
ng tamang sagot sa sagutang papel.

3. pawing kulay-luksa at nakikiayon sa nakaliliyong masangsang na amoy


A. maitim C. malabo
B. madilim D. matingkad

4. Tanang mga baging na namimilipit sa sanga ng kahoy ay balot ng tinik


A. sakit C. hinagpis
B. pasakit D. Hirap

5. Tanang mga baging na namimilipit sa sanga ng kahoy ay balot ng tinik,


A. lumusot C. gumapang
B. lumikos D. bumaluktot

Mahusay! Binabati kita dahil naitawid mo ng tama ang ating Gawain.

Isaisip

Ngayon upang malaman kung lubusan mong nakuha at naintindihan mo


ang ating aralin. Subukan nating sagutin ang nasa ibaba.

Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan, isulat ang sagot sa sagutang


Papel.

1. Bakit mahagang masuri ang pangunahing kaisipan o ideya ng isang paksa?

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

2. Paano nakatutulong ang paggamit ng matatalinghagang salita sa


pagpapahayag ng kaisipan, damdamin at saloobin?

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

11
Tayahin
Panuto: Unawaing mabuti ang mga aytem na nasa susunod na pahina. Piliin at
isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Itoy salita o isang pahayag na hindi ordinaryo o pangkaraniwang salita na ginagamit


upang maging kaakit-akit, malikhain at mabisa ang pagpapahayag ng kaisipan o
damdamin.
A. palaisipan C. sawikain
B. tayutay D. pangunahing kaisipan

2. Ito’y salitang nagsasagisag ng isang ordinaryong bagay, pangyayari, tao o hayop


na may nakakabit na natatanging kahulugan.
A. simbolo C. sawikain
B. tayutay D. ekspresyon

3. Ito’y berbal o di-berbal na pagpapahayag ng kilos o reaksyon.


A. simbolo C. sawikain
B. tayutay D. ekspresyon

Para sa aytem 4- 6 Ibigay ang kahulugan ng salitang nakalimbag ng pahilig sa loob


ng taludtod / pangungusap .

4. May mahahagilap kayang natititik


liban na kay Selyang namugad sa dibdib

A. nakatago sa puso C. laman ng puso


B. nakatanim sa puso D. tinitibok ng puso

5. Nililigawan ko ang iyong larawan


sa Makatang Ilog na kinalagian;
A. Kinakausap
ang larawan C. Pinagtatawanan ang larawan
B. Hinahandugan ang larawan D. Sinusuyo ang larawan

6. Ito’y walang bunga’t daho’y malalapad


Na nakadidilim sa loob ng gubat.

A. Nakatakip sa gubat C. Nakapasikip sa gubat


B. Nakapakapal sa gubat D. Nakapadamo sa gubat

12
Hyena’t tigreng ganid na nagsisila
Ng Abernong Reyno ni Plutong masungit,

7. Ano ang sinisimbolo ng salitang nakadiin sa taludtod?


A. kahayupan C. kabagsikan
B. kalupitan D. Plutong masungit

Para sa aytem 8- 10

Panuto: Ibigay ang pangunahing kaisipan na napapaloob sa bawat saknong.

8. Karamiha’y sipres at higerang kutad


Na ang lilim niyon ay nakasisindak,
Ito’y walang bunga’t daho’y malalapad
Na nakadidilim sa loob ng gubat.
Saknong 6 ng kananata 3

A. Nakakatakot ang gubat C. Mababangis ang mga hayop ang gubat


B. Nakakalungkot ang gubat D. Maraming puno at halaman sa gubat

9. Nagbabalik mandi't parang hinahanap


dito ang panahong masayang lumipas:
na kung maliligo'y sa tubig aagap,
nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.
Saknong 11 ng kananata 1

A. Paggunita sa masasayang pagsasama


B. Ala-ala ng lumipas na panahon
C. Nakalipas na masasayang panahon
D. Di makalimutang kaligayahan

13
Karagdagang Gawain

Gawain: Malikhaing Pagsulat

Panuto: Sumulat ng tula na may sukat at tugma tungkol sa PAG-IBIG . Gumamit ng


mga matatalinghagang salita ( tayutay ,pahiwatig at simbololismo ) .

Rubrik para sa Gawain:

Napakagaling (10) Magaling Katamtaman Nangangailangan ng


(8) (6) pagsasanay (4)
Napakalalim at Malalim at Bahagyang Mababaw at literal ang
makahulugan ang makahulugan ang may lalim kabuuan ng tula
kabuuan ng tula kabuuan ng tula ang kabuuan
ng tula
Gumamit ng Gumamit ng ilang Gumamit ng Wala ni isang
tayutay tayutay, simbolismo / 1-2 tayutay, pagtatangkang ginawa
Simbolismo pahiwatig na simbolismo / upang makagamit ng
/pahiwatig na bahagyang nagpaisip pahiwatig na anumang
nakapagpaisip sa sa mga mambabasa. nakalito sa tayutay
mga mambabasa. May ilang piling salita mga ,simbolismo/pahiwatig .
Piling-pili ang mga at pariralang ginamit mambabasa.
salita at pariralang Ang mga
ginamit. salita ay di-
gaanong pili.
Gumamit ng May mga sukat at May Walang sukat at tugma
napakahusay at tugma ngunit may pagtatangka
angkop na angkop bahagyang ng gumamit
na sukat at tugma inkonsistensi. ng sukat at
tugma ngunit
halos
inkonsistent
lahat

14
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian

Department of Education. Most essential learning competencies in Filipino. Philippines:


Department of Education, 2020.
Faller, Macky Mac. “Rubric sa pagsulat ng tula.” September 17, 2014.
https://www.slideshare.net/mcwainf/rubric-sa-pagsulat-ng-tula.
Francia, Maricar. “Florante at Laura: Buod ng bawat kabanata.” January 13, 2017.
https://www.slideshare.net/may212015/florante-at-laura-buod.

15
` Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Here the Badjaos roam the seas
Every valleys and Dale
Here the Samals live in peace
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Here the Tausogs thrive so free
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
With the Yakans in unity
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer

One night I had a dream. I dreamed that I was I think that I shall never see
walking along the beach with the LORD. A poem lovely as a tree.
In the beach, there were two (2) sets of footprints – A tree whose hungry mouth is priest
one belong to me and the other to the LORD. Against the earth’s sweet flowing breast;
Then, later, after a long walk, I noticed only one set
of footprints. A tree that looks at God all day,
“And I ask the LORD. Why? Why? Why did you
And lifts her leafy arms to pray;
leave me when I am sad and helpless?”
A tree that may in Summer wear
And the LORD replied “My son, My son, I have
A nest of robins in her hair;
never left you. There was only one (1) set of
footprints in the sand, because it was then that I
Upon whose bosom snow has lain; Who
CARRIED YOU!
intimately lives with rain.

Poems are made by fools like me,


But only God can make a tree.

16

You might also like