Lakbay-Sanaysay-ni-Abellana (1) Revised

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Lakbay Sanaysay ni Abellana , Jomard

Baitang at Seksyon : HUMSS 12-05 Cordiality

“Barangay Kalunasan , Guadalupe: Tree Planting Program”

Sa Barangay Carnasan area ng Guadalupe, pinasakay kami ng sasakyan para hindi kami
mapagod pagkatapos umakyat ng bundok. Maliban doon, tahimik ang lugar, at napakaganda
ng tanawin, lalo na kapag aakyat ka ng bundok. Maraming mapagkaibigang hayop tulad ng
mga aso. Marami ring mga puno ng mangga at maraming katakam-takam na bunga.

Nakaupo kami sa bus at lahat ay naghihintay sa paglalakbay. May mga nagpapa-picture,


nagpopost ng vlogs, kumakain, nagkukuwentuhan, at syempre nang-aasar. Lahat kami ay
nagpapicture dito at doon nang makarating kami sa Guadalupe. May mga lugar kung saan
makikita mo ang lungsod sa kabundukan, at talagang tinatangay nito ang iyong pagod.
Karamihan sa amin ay huminto sa lugar na ito para kumuha ng litrato.Pagdating naming doon
bigla kaming nauhaw ng mga kaibigan ko kaya dumiretso muna kami sa tindahan para bumili
ng makakain , di naming namalayan ang nag simula na pala silang mag pi-picture taking
kasama ang aming iba pang mga kaklase kaya hindi kami nasali sa picture na by seksyon.
Nagdali dali kaming bumalik doon at hinanap si Ginoog Entoma para magsimula na kaming
mag tanim. Naabutan pa naman namin.Pagkatapos naming magtanim ay pumunta agad kami
sa ilalim ng punong manga kase nandoon ang aming iba pang mga kaklase na nag pi-piknik
daw.Kaya nakisali na rin kami. Pagkatapos nilang mag piknik ay agad nadin kaming
naglalakad pauwi. Masaya kami habang nag lalakad pauwi.Nag aasaran pa rin kami habang
kami ay naglalakad papunta sa aming sasakyan.

Masaya kaming maranasan ang mga ganitong aktibidad at programa na kapaki-pakinabang


sa ating kapaligiran at komunidad.Ikinagagalak ko po na binigyan kami ng pagkakataon na
maranasan ito, at nagpapasalamat din ako sa aming guro sa CESC na si Ginoong Entoma
dahil nag-enjoy kami sa ginawa niyang aktibidad di lang para sa amin kundi para rin sa ating
komunidad.

You might also like