Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

UNANG PANGKAT – WEEK 4

Ang Pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig


Sa Germany, nilayon ng pinuno ng Nazi na si Adolf Hitler beterano ng Unang Digmaang Pandaigdig na
muling iaangat ang karangalan ng bansa sa pamamagitan ng pagpapalawak ng teritoryo. Noong tag-
araw ng 1939, nilusobng hukbo ni Hitler ang mga bansang Austria at Czechoslovakia.
Ang Blitzkrieg o Lightning War
Ito ay isang estratehiya na ginamitan ng mga mabibilis na eroplano at tangke na sinundan ng mga
sundalo sa kanilang paglusob. Halimbawa nito ay ang Luftwaffe o mga eroplanong pandigma ng
Germany na nagbagsak ng mga bomba habang ang mga tangke naman ay pumapasok sa mga
hangganan na sinusundan ng mga trak na naglalaman ng libu- libong sundalo para sa pagsalakay.
>Abril 1940, Naglunsad si Hitler ng kanyang blitzkrieg o lightning war (biglaang paglusob na walang
babala) laban sa Denmark at Norway.
Natalo ang Denmark matapos ang apat na oras sapagkat hindi sila lumaban.

Sakabilang dako lumaban naman ang Norway subalit ito ay madaling natalo.
>Mayo 1940, napasakamay ng Germany ang Netherlands, Luxembourg, at Belgium. Binomba ng mga
eroplanong Aleman ang mga bansang ito at sinira
ang mga tulay, paliparan at pahatiran.
>Hunyo 1940, pumanig ang bansang Italy sa Germany at nagdeklarang digmaan laban sa France at
Great Britain. Ang France na umasa sa Maginot Line bilang kanilang depensa ay nabigla nang dumating
sa Paris ang hukbo ng Aleman. Di kalaunan ay bumagsak at sumuko ang France sa Germany.
>Hulyo 1940, ang labanan sa Britanya ay nagsimula sa pamumuno ng Punong Ministro ng Inglatera na si
Winston Churchill. Malakas ang paniniwala ni Hitler na susuko ang Britanya sa Alemanya.
>Mayo 1941, sa halos isang taong pambobomba ng hukbong panghimpapawid ng Alemanya ay
lumaban ang puwersang panghimpapawid ng Britanya. Marami na ang namatay pero hindi sumuko
ang Britanya at
patuloy silang lumalaban. Sa harap ng matatag na puwersa ng Britanya winakasan ni Hitler ang
pagbomba sa Britanya at tuluyan niya ng inabandona
ang planong pananakop sa Great Britain.
Ang Digmaan sa Pasipiko
Naghangad ang Japan na magkaroon ng isang imperyo na pagmumulan ng mga hilaw na materyales
para sa industriya ng kanilang bansa. Ang Germany at Italy ay tumulong sa Japan at naghayag ng
pakikidigma sa Estados Unidos.
● 1931, sinakop ng Japan ang Hilagang Tsina at hindi nagtagal nasakop na rin ang malaking bahagi nito.
● 1940, nakipag alyansa ang Japan sa Alemanya. Nagdulot ito ng tensyon sa pagitan ng Japan at
Estados Unidos.
➢ Upang masugpo ang pagsalakay ng Japan sa Pasipiko, pinatigil ng Estados Unidos ang pagpapadala
ng langis sa Japan.
➢ Ang Punong Ministro ng Japan na si Hideki Tojo ay nagpunta sa Embahador Saburu Kurusu upang
tulungan siAdmiral Kichisaburu Nomura sa pakikipagusap
upang maiwasan ang tensiyon ng Amerika at Japan. Ngunit habang pinag uusapan ang kapayapaan
naghahanda naman ang Japan sa digmaan.
● Disyembre 7, 1941, nilusob ng Japan ang Pearl
Harbor sa Hawaii kung saan naroon ang base militar
ng Estados Unidos.
● Disyembre 11,1941, ang mga eroplano ng Japan ay
sumalakay rin sa Pilipinas, winasak ang hukbong panghimpapawid sa Clark Field. Sa pamumuno sa noo'y
Pangulong Manuel L. Quezon at Heneral Douglas Mac Arthur, magiting silang lumaban sa mga Hapon.
● Enero 2, 1942, nasakop ng Japan ang Maynila.
>Nakamit ng bansang Hapon ang tagumpay sa pananakop sa Pasipiko noong 1942.
>Nagtatag sila ng Greater East Asia Co-Prosperity. Nakabangon muli ang Estados Unidos
mula sa pagkatalo sa Pearl Harbor.
>Muli silang nakagawa ng armas pandigma.
Tinipon nila ang mga puwersang Alyado na pinamumunuan ni Heneral Douglas MacArthur na nagsabi at
nangako sa mga Pilipino ng “I Shall Return”.
MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI SA PAGWAWAKAS NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
Pagbagsak ng Sicily Nabihag ang Sicily noong Hunyo 11, 1945, at matapos ang ilang buwan ay
tuluyan nang sumuko ang Italy noong Setyembre 3, 1945.
Pagkapanalo sa Hilagang Habang maigting na nakikipaglaban sa Egypt si Heneral Montgomery
Africa laban sa mga puwersang Nazi, sinalakay naman ng puwersang
pinamumunuan ni Heneral Dwight. Eisenhower ang Morocco at Algeria.
V-J Day (Victory in Japan Day) Noong Agosto 6, 1945, ibinagsak ng United States ang unang bomba
atomika sa Hiroshima kung saan libu-libong tao ang nasawi. Sinalakay
naman ng puwersang Ruso ang Manchuria, Korea, at Timog Sakhalin
upang bawiin mula sa mga Hapon. Ilang araw matapos ang masaklap na
pagbomba sa Hiroshima, muling nagbagsak ng bomba atomika ang mga
Amerikano sa Nagasaki noong Agosto 9, 1945.

Mga Naging Bunga ng Digmaan


Ayon sa mga tala ng kasaysayan, ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang itinuturing bilang
pinakamagastos na digmaan sapagkat tinatayang umabot sa halos 2 trilyong dolyar ang kabuuang
halagang nagastos dito. Maliban sa napakalaking halagang nagastos, narito pa ang ilan sa mga naging
bunga ng malagim na digmaan:
1. Malaking bilang ng mga namatay at nasirang ari-arian.
2. Natigil ang pagsulong ng pandaigdigang ekonomiya
3. Bumagsak ang mga pamahalaang itinatag nina Hitler, Mussolini, at Hirohito
4. Napagtibay ang simulating command responsibility
5. Isinilang ang mga malalayang bans ana noo’y alipin ng digmaan

You might also like