Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 41

9

Filipino
Unang Markahan
Una-Ikapitong Aralin

DO_Q1_Filipino9_Aralin1-7
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Una-Ikapitong Aralin
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Annabelle C. Datulayta, TI, Gen. T. de Leon NHS


Joanna Marie V. Puquiz, TIII, Gen. T. de Leon NHS
Arlyn R. Malda, TI, Polo NHS
Jefrey P. Gajutos, HTIII, Justice Eliezer Delos Santos NHS
Editor: Donna D. Tayer, HTIII, Canumay West NHS
Katuwang na Editor: Dimpol R. Zuleta, HTIII, Vicente P. Trinidad NHS
Tagasuri: Rosarie R. Carlos, Education Program Supervisor
Tagaguhit:
Tagalapat: Raphael A. Lopez, Dalandanan NHS
Tagapamahala: Meliton P. Zurbano, Assistant Schools Division Superintendent, OIC-SDS
Rustica R. Lorenzo, OIC-ASDS
Filmore R. Caballero, CID, Chief
Jean A. Tropel, Division EPS In-Charge of LRMS & ADM Coordinator
Rosarie R. Carlos, EPS-Filipino

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – NCR, SDO Valenzuela City

Office Address: Pio Valenzuela Street,


Marulas, Valenuzuela City, 1440
Telefax: (02) 292 – 32 – 47
E-mail Address: sdovalenzuela@deped.gov.ph

ii
TALAAN NG NILALAMAN

Aralin 1 …………………………………………………………………………… 1
Pagbibigay Kahulugan Batay sa Konotasyon at Denotasyon
Paghahatol at Pagmamatuwid
Paghahambing ng mga Pangyayari
Pagsunod-sunod ng mga Pangyayari
Aralin 2 …………………………………………………………………………… 6
Pagsusunod-sunod ng Pangyayari
Pagsusuri sa mga Pangyayari, Kuwento at Pag-uugnay sa
Lipunang Asyano
Aralin 3 …………………………………………………………………………… 12
Pagbibigay ng Interpretasyon sa mga Pahiwatig
Pagsusuri sa Tunggalian
Pag-uuri sa mga Tiyak na Bahagi
Aralin 4 …………………………………………………………………………… 16
Paggamit ng mga Pahayag sa Pagbibigay ng Opinyon
Pagsusuri sa Pinanood na Teleseryeng Asyano
Pagsulat ng Pangyayari na Nagpapakita ng Tunggalian
Aralin 5 …………………………………………………………………………… 20
Pagtukoy at Pagpapaliwanag sa Magkakasingkahulugang
Pahayag
Pag-uugnay ng Sariling Damdamin
Paglalahad ng Sariling Pananaw
Pagsulat ng Taludtod
Aralin 6 …………………………………………………………………………… 27
Pagpapaliwanag sa Salitang may Higit sa Isang Kahulugan
Pagsusuri sa Paraan ng Pagpapahayag
Paggamit ng mga Pang-ugnay
Pagsulat at Pagbabahagi ng Sariling Opinyon at Pananaw
Aralin 7 …………………………………………………………………………… 33
Pagpapaliwanag sa Kahulugan ng Salita
Pagbuo ng Kritikal na Paghusga
Paggamit ng Ekspresyon
Pagsusuri sa Pagkamakatotohanan ng Ilang Pangyayari

Sanggunian ……………………………………………………………………... 38

iii
Una at Ikalawang Linggo
Aralin * Pagbibigay Kahulugan Batay sa Konotasyon at
Denotasyon
1 * Paghahatol at Pagmamatuwid
* Paghahambing ng mga Pangyayari
* Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari
Alamin
Pagkatapos mong sagutan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
 Nabibigyang kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa akda batay sa
denotatibo at konotatibong kahulugan F9PT-Ia-b-39
 Nabubuo ang sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob
sa akda F9PB-Ia-b-39
 Naihahambing ang ilang piling pangyayari sa napanood na telenobela sa ilang
piling kaganapan sa lipunang Asyano sa kasalukuyan F9PD-Ia-b-39
 Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari gamit ang angkop na pag-ugnay
F9WG-Ia-b-41

Subukin
A. Bilugan ang dalawang salitang magkasingkahulugan sa loob ng pangungusap.
1. Labis ang hinagpis na nadama ng ina sa pagkawala ng kanyang anak. Ang
kalungkutan niya’y nakapagpalimot sa kanya na pangalagaan ang kanyang
sarili.
2. Ang pagmamalasakit ng ating mga kababayan sa panahon ng pandemya ay
damang-dama sa kanilang taos pusong pagtulong na walang hinihinging kapalit
sa iba.
3. Nagsisikap ang lahat na matapos ang kanilang gawain, ang kanilang
pagpupunyagi ay paniguradong aani ng malaking katagumpayan.
4. Tumagal nang mahabang panahon ang kanyang pagluluksa sa yumaong ina.
Araw-araw labis ang kanyang pagdadalamhati sa loob ng kanyang silid.
5. Ang kanyang suliranin sa buhay ay umabot sa sukdulan. Halos tulala siya sa
kanyang bahay habang iniisip-isip ang kanyang mga problema.
B. Gumuhit ng maaaring maiugnay na larawan/simbolo sa mga sumusunod na
salita.
1. babae 2. buhay 3. kamatayan 4. pag-asa 5. parangal

Balikan
Isulat ang sariling pagmamatuwid hinggil sa:
“Bilang isang anak, nararapat lamang na gampanan ko ang tungkulin sa
aking magulang”

1
Tuklasin
Bilugan ang mga salitang pantulong upang maipakita ang pagkakasunod-
sunod ng pangyayari sa bahagi ng kuwento.
Ang Baryo Tahimik

Sinubukan nang marami na hanapin ang nawawalang bata sa baryo Tahimik.


Una, nakipag-ugnayan sila sa kapitan ng baryo na si Ka Leryo. Sinikap ni Ka Leryo
na kalmahin ang nasasakupan at gumawa agad ng aksiyon sa paghahanap sa
batang nawawala. Pagkatapos na tipunin at pulungin ang mga kalalakihan ng baryo
ay sinimulan na ang paghahanap. Saka kinausap na rin ang mga magulang ng bata
sa mga natatandaan nilang pangyayari bago nawala ang kanilang anak. Patuloy ang
ginagawa nila hanggang sa makarating sa kagubatan ng Baryo Tahimik. Dito nila
narinig ang isang paos na pagsigaw ng isang bata. Pagkatapos marinig ay hinanap
nila ang pinagmumulan ng tinig. Sa huli, nakita nila ang batang takot na takot na
nakakubli sa loob ng isang kuweba dahil sa siya raw ay naligaw at di alam ang daan
pauwi sa kanilang tahanan.

Suriin
KONOTASYON AT DENOTASYON
Maraming paraan upang magbigay kahulugan sa mga salita. Makatutulong
sa iyo ang kaalaman sa denotasyon at konotasyon upang mas maging maparaan ka
sa pagpapakahulugan.
KONOTASYON- ang pagpapakahulugan ay iba kaysa sa pangkaraniwang
kahulugan. Ito ay maaaring mag-iba-iba ayon sa saloobin, karanasan at sitwasyon
ng isang tao. Nagtataglay ng mga pahiwatig na emosyonal o pansaloobin ang mga
salita. Mayroong malalim na kahulugan ng salita. Napagaganda nito ang isang
pangungusap.
HALIMBAWA: BAHAY- lugar kung saan may pagkalinga at pag-aaruga, INA – ilaw
ng tahanan
DENOTASYON- ang kahulugan ay karaniwang nakukuha sa diksyunaryo. Ang salita
ay nagbibigay ng isang tiyak na kahulugan.
HALIMBAWA: BAHAY- tirahan ng tao, isang gusali na ipinatayo upang maging
proteksiyon ng tao, INA – Isang babaeng magulang
PAGHAHATOL AT PAGMAMATUWID
Malaki ang naitutulong ng paghahatol at pagmamatuwid sa kung ano ang
nararapat gawin sa mga bagay. Nakapagpapahayag ka rin ng sarili mong
pamantayan kung bakit ganoon na lamang ang iyong magiging hatol o
pagmamatuwid. Tama man o mali, ang bawat indibidwal ay may karapatang
humatol o magbigay ng matuwid sa anomang ideya. Dapat isaalang-alang lamang
na tiyak, walang kinikilingan at hindi pabago-bago ang gagawing paghatol o
pagmamatuwid.
PANG-UGNAY
Pang-ugnay ang tawag sa mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang
salita, parirala o sugnay.
Uri ng Pang-ugnay
1. Pangatnig-ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang
salita, parirala o sugnay na pinagsusunod-sunod sa pangungusap. (Hal: at,

2
datapwa’t, pati, saka, ni, maging, ngunit, subalit, kung, nang, kapag, upang
dahil sa, sapagkat, kaya, para)
2. Pang-angkop-nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.
(Hal: na, g, ng)
3. Pang-ukol-nag-uugnay sa pangngalan at sa iba pang salita sa pangungusap
(Hal: ng, ni, nina, kay, kina, laban sa/kay, tungkol, ayon sa/kay, hinggil sa
kay, ukol sa/kay, alinsunod sa/kay)
Pagyamanin
Basahin ang akdang Mensahe ng Butil ng Kape sa inyong group chat.
GAWAIN 1: Bigyan ng kahulugan ang mga salita batay sa pagkakagamit nito sa
akda. Pagkatapos, gamitin ito sa isang makabuluhang pangungusap.

1. nagmamaktol 3. inilahok

2. pagbubungkal
__________________ __________________

4. kibit-balikat __________________ 5. sigalot

__________________ __________________

GAWAIN 2: Mula sa nabasang akdang “Mensahe ng Butil ng Kape,” sagutin ang


sumusunod:

1. Ano-ano ang 2. Paano dapat 3. Maglahad ng mga


pagkaing binanggit hinaharap ang mga kinakaharap mong
sa akda? Ibigay problema sa buhay? matinding problema
ang katangian at iugnay ito sa
nito. carrot, itlog at butil ng
kape.

Mensahe ng Butil ng Kape

GAWAIN 3: Panoorin ang telenobelang “A Soldier’s Heart”, ihambing ang ilang


pangyayaring may kaugnayan sa paglilingkod sa bayan sa mga
kaganapan sa lipunang Asyano sa kasalukuyan.

GAWAIN 4: Basahing mabuti ang mga pangyayari mula sa ilang telenobela. Isulat
ang mga angkop na isyung panlipunan, paghahatol at pagmamatuwid
na nakapaloob sa ilang piling pangyayari sa telenobela.

TELENOBELA PANGYAYARI ISYUNG PAGHAHATOL AT


PANLIPUNAN NA PAGMAMATUWID
IPINAKIKITA SA
PANGYAYARI

3
1. KADENANG Hindi maayos ang
GINTO pakikitungo ni
Daniela sa mga
taong nakapaligid
sa kanya dahil sa
mataas na
katayuan niya sa
buhay.
2. Temptation of Nalaman ni
Wife Angeline na si
Heidi na
itinuturing niyang
kaibigan ang kabet
ng kanyang
asawang si Marcel.
Matagal na pala
nila itong tinatago.
3. Ligaw na Pinalaya ni Dennis
Bulaklak sa utang si Mang
Roman kapalit ng
kasunduang
ipapakasal siya
nito sa
pinakamagandang
anak niyang si
Marilyn.
4. Make It with Si Billy ay nagiging
You taga-aliw sa mga
lalaking foreigner
upang matugunan
ang
pangangailangan
ng kanyang
pamilya sa
Pilipinas.
5. My Special Nakatatanggap ng
Tatay matinding
panlilibak si Boyet
mula sa mga
kapitbahay dahil
sa pakikisama niya
sa isang babaeng
bayaran na si
Aubrey at sa
kanyang problema
sa pag-iisip.

GAWAIN 5: Lagyan ng bilang 1-5 ang patlang ayon sa pagkakasunod-sunod ng


pangyayari sa akdang “Mensahe ng Butil ng Kape.” Bilugan ang pang-ugnay na
ginamit sa pagkakasunod-sunod.
_____Ipinaliwanag ng ama ang kahulugan ng carrot, itlog at butil ng kape saka
pinangaralan ang anak.

4
_____Inilagay ng ama ang carrot, itlog at butil ng kape sa kumukulong tubig
pagkatapos ay pinatignan sa anak ang mangyayari dito.
_____Una, nagmaktol ang bata sa hirap ng pagbubungkal o pagsasaka.
_____Naunawaan ng bata sa huli ang aral ng pagpili sa butil ng kape kung haharap
sa matinding problema.
_____Sumunod, tinawag siya ng kanyang ama upang pakuluan ang carrot, itlog at
butil ng kape.

GAWAIN 6: Bumuo ng tatlong kasabihan na magpapalakas ng loob sa isang taong


nakararanas ng matinding problema. Salungguhitan ang mga salitang
nagpapakilala ng konotasyon at denotasyon.

Isaisip
Punan ang patlang ng iyong natutuhan batay sa araling tinalakay.
Alam ko na ang ____________________________________________________________
Nais kong malaman na/ang ________________________________________________
Nalaman ko na ____________________________________________________________

Isagawa
GAWAIN 1: Bumuo ng isang islogan ukol sa pag-iwas sa pagkitil ng buhay bilang
solusyon sa mga kinakaharap na problema na nagpapakita ng paghahatol at
pagmamatuwid. Gumamit ng mga salitang pang-ugnay.

GAWAIN 2: Suriin ang akda ayon sa mga sumusunod na bahagi.


Mensahe ng Butil ng Kape
BANGHAY

Paglalahad

Pangunahing Pangyayari

Pananabik

Kasukudulan

Kakalasan

GAWAIN 3: Ilahad ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ng “Mensahe ng


Butil ng Kape” gamit ang angkop na pang-ugnay.

5
Tayahin
A. Piliin sa kahon ang kahulugan ng salitang may salungguhit. Isulat ang letra sa
patlang.
_____1. Nadurog ang puso ng dalaga nang iwan ito ng kasuyo.
_____2. Pawang hubad na katotohanan ang kanyang mga sinasabi kaya huwag
na huwag mong mapani-paniwalaan.
_____3. Hindi natin siya masisisi sa kanyang sinapit dahil talagang iyon ang
guhit ng kanyang palad.
_____4. Di-mahulugang karayom ang simbahan sa Baclaran tuwing Miyerkules.
_____5. Itaga mo sa bato itong sasabihin ko: kailanma’y hindi na siya babalik
pa.

A. tandaan C. kapalaran E. maraming tao


B. kaaway D. nasaktan F. kasinungalingan
B. Basahin ang maikling kuwentong “Ang Ama” mula sa Singapore sa link na ito,
http://filipinosiyam.blogspot.com/2015/07/ang-ama-kuwento-singapore.html.
Ilahad ang mga kaganapan mula sa akda na nagpakita ng mga isyung panlipunan
sa kasalukuyan.

Karagdagang Gawain
Bumuo ng paghahatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa
akdang “Ang Ama.”

Aralin Ikatlong Linggo


* Pagsusunod-sunod ng Pangyayari
2 * Pagsusuri sa mga Pangyayari,
Kuwento at Pag-uugnay sa Lipunang Asyano

Alamin
Pagkatapos mong sagutan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
 Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa akda F9PU-Ia-b-41
 Nasusuri ang mga pangyayari at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa
lipunang Asyano batay sa napakinggang akda F9PN –la-b-3
 Nasusuri ang maikling kuwento batay sa:
paksa, mga tauhan, pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, estilo sa
pagsulat ng awtor at iba pa F9PS-Ia-b-41

Subukin
A. Isulat sa patlang ang katangian ng tauhan batay sa kanilang dayalogo.
1. “Susuko na ako, di ko na kaya ang mga nararanasan ko.”____________________
2. “Tutulungan kita kahit walang-wala na rin ako. Kaibigan kita kaya
maaasahan mo ako.”_______________________________________________________

6
3. “Nalulungkot ako, hindi ko kayang harapin ang bukas kung wala ka sa piling
ko Ina!”____________________________________________________________________
4. “Tulungan kita kapatid, para mabilis kang matapos sa iyong gawain.”________
5. “Susubukan kong kayanin, kaya ko ito! Ipagpapatuloy ko!”___________________

B. Pagsunod-sunorin ang mga pahayag. Isulat ang bilang 1-5 sa patlang.


MGA DAPAT GAWIN BAGO UMALIS NG TAHANAN
_____1. Umiwas sa matataong lugar at panatilihin ang social distancing upang
makaiwas sa pagkakaroon ng nakahahawang sakit.
_____2. Iayos ang mga gamit na dadalhin at kakailanganin sa iyong lakad.
_____3. Huwag kalimutang magsuot ng face mask at face shield bago umalis.
_____4. Maligo at mag-ayos ng sarili na aakma sa pupuntahang lugar at
panahon.
_____5. Matulog nang maaga upang hindi mahuli sa nakatakdang lakad
kinabukasan.

Balikan
Isulat ang katumbas na kahulugan ng sumusunod na salita.
1. buwaya KONOTASYON: __________________
2. bola DENOTASYON: ___________________
3. kandila KONOTASYON: ___________________
4. babae DENOTASYON: ___________________
5. ahas KONOTASYON: ___________________

Tuklasin
Bilugan ang mga hudyat na salita sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
DALAGA NA SI NENE
Malaki ang kasiyahang nadarama ni Nene kapag siya’y nakakalabas ng bahay
upang maglaro. Unang ginagawa niya’y lalambingin ang kanyang ina at tutulungan
sa gawaing bahay upang hindi ito tumutol sa kanyang paglabas. Pagkatapos ay
pupuntahan ang kanyang mga kaibigan upang yayain nang maglaro. Maraming
kaibigan si Nene, may babae at may mga lalaki rin. Ang kanilang laro sa araw na
iyon ay Chinese garter kahit hirap sa pagtalon dahil sa kaliitan ni Nene ay sinisikap
niya upang manalo ang kanyang mga kapangkat sa laro. Ngunit nadulas si Nene sa
huling bahagi ng kanilang paglalaro. Nagulat ang mga kaibigan niya dahil pagtayo
ni Nene ay may dugo ang kanyang short. Matapos makita ito, dali-daling umuwi si
Nene at hinanap ang ina. Natawa ang kanyang ina at ipinaliwanag kay Nene na
normal lamang ang kanyang nakita. Ito ay simbolo na siya’y nagdadalaga na. Saka
dinala ng ina si Nene sa banyo upang maglinis ng sarili. Sa huli, nagbago ang mga
kilos ni Nene at interes na gawin.

Suriin
MAIKLING KUWENTO
Ang maikling kuwento ay tinatawag ding maikling katha. Ito ay sangay ng
salaysay na may iisang kakintalan. Mayroon din itong sariling katangian na ikinaiiba
sa mga kasamahang sangay ng salaysay.

ELEMENTO NG MAIKLING KUWENTO


1. Panimula-dito rin kadalasang pinapakilala ang tauhan ng kuwento at
pinangyarihan ng kuwento.

7
2. Saglit na Kasiglahan-naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga
tauhang masasangkot sa suliranin.
3. Suliranin-ito ang problemang haharapin o kinakaharap ng tauhan o mga
tauhan sa kuwento.
4. Tunggalian-ang kalimitang pagtatagpo ng mga komplikasyon sa akda:
Maaaring tao sa tao, sa kalikasan, sa sarili o sa lipunan ang tunggalian.
5. Kasukdulan-pinakamatinding pangyayari sa akda.
6. Kakalasan-ito ang tulay sa wakas ng kuwento.
7. Wakas-ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento.
8. Paksang Diwa-ito ang pinaka-kaluluwa ng maikling kwento. Inilalahad ng
awtor ang pangunahing punto o layunin ng kanyang isinulat.
9. Kaisipan-ito naman ang mensahe ng kuwento.
10. Banghay-ito ay ang mga pangyayari sa kuwento. Ang banghay ay ang
magkakaugnay na pangyayaring lumilikha ng isang tunggalian, pisikal o
sikolohikal na ang pangunahing layunin ay lumikha ng isang kaisahan,
kintal o bisa.
11. ISTILO NG AWTOR-ito ang paraang ginamit ng awtor upang mas maging
masining ang pagkakasulat ng kanyang akda. (Hal. May tayutay, pahiwatig
at iba pa)
PANG-UGNAY NA HUDYAT NG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI
May mga salitang naghuhudyat ng ugnayan ng mga serye ng impormasyon o
pangyayari. Pang-uring pamilang o pang-ugnay na pangatnig ang ginagamit sa
ugnayang ito. Karaniwang ginagamit ang una, sumunod, pagkatapos, saka, pati.
Isa ito sa pinaggagamitan ng salitang hudyat ng pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari.

Pagyamanin
Basahin at unawain ang kuwentong “Walang Panginoon” na nasa inyong
group chat.
GAWAIN 1: Ayusin ang mga pangyayari ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari. Lagyan ng bilang 1-10 ang patlang.
_____A. Lalong nagalit si Don Teong dahil lihim na umibig ang kanyang anak
kay Marcos.
_____B. Kaya maagang namatay ang ama ni Marcos ay dahil sa sama ng loob kay
Don Teong.
_____C. Noong bata pa si Marcos, ang bayad nila sa bawat ektarya ng lupang
kanilang sinasaka ay isang salapi hanggang sa mabaon sila sa utang.
_____D. Gumawa ng paraan si Marcos upang makapaghiganti kay Don Teong.
_____E. Pinangangaralan siya ng kanyang ina matapos ang pagtunog ng agunyas.
_____F. Ayaw niyang marinig ang agunyas. Ayaw niyang mapakinggan ang
malungkot na palo ng bakal sa malaking kampanang tanso.
_____G. Hindi kumibo si Marcos. Ang mga mata niyang galing sa pagpikit ay
nanlabo saka nanlisik.
_____H. Tinakpan ni Marcos ang kanyang tainga nang makita niyang ang orasan ay
malapit nang sumapit sa ika-8.
_____I. Isang umaga’y dumating ang utusan ng bahay pamahalaan upang iparating
ang isang kautusang pinaaalis sila sa kanilang lupang kinatatayuan.

8
_____J. Lalong nagpursigi si Don Teong na mapaalis sila sa kanilang lupain.

GAWAIN 2: Suriin ang mga pangyayari sa akdang “Walang Panginoon” at iugnay ito
sa kaganapang panlipunan sa kasalukuyang sitwasyon.
PANGYAYARI KAGANAPANG PANLIPUNAN
1. Si Marcos ay hindi kumibo. Samantalang
pinangangaralan siya ng kanyang ina, ang mga
mata niyang galing sa pagpikit kaya’t nanlalabo
pa’t walang ilaw ay dahan-dahan sinisiputan ng
ningas saka manlilisik at mag-aapoy.
2. Pinag-uusapan pa lamang ng mag-ina nang
umagang iyon ang malaki nilang kapalaran
sapagkat mabuti ang lagay ng tanim nilang
palay, nang isang utusan sa bahay pamahalaan
ang dumating na taglay ang utos ng hukumang
sila’y pinaaalis sa kanilang lupang tinatayuan
at sinasamsam ni Don Teong na ama ni Anita
ang lahat ng lupa nilang sinasaka.
3. “Inang matalim ba ang itak ko? Ang unang
naitanong ng anak sa ina matapos
matunghayan ang utos ng hukuman. “Anak
ko!” “Bakit ka mag-iisip nang gayon, tayo na
lamang dalawa ang nabubuhay sa daigdig?”
4. Palibhasa wala silang maibayad sa
manananggol, ang pamahalaan ay nagkulang
ng malasakit sa kanilang karalitaan upang
tangkilikin ang kanilang katwiran at
karapatan.
5. Katutubo kay Marcos ang hilig sa pagkatuto
sapagkat sa pag-anib niya sa mga samahang
pambayan ay natuklasan niyang walang
mabuting paaralan kundi ang pahayagan.
Walang aklat, walang pahayagan at lingguhan
sa sariling wika na hindi binabasa ni Marcos.
Kahit manghiram lamang kung wala siyang
pambili.

GAWAIN 3: Sagutin ang sumusunod na katanungan.


1. Itala ang natatanging paksa na tinalakay sa maikling kuwentong binasa?
2. Sino si Don Teong? Ano ang kanyang kaugnayan sa buhay ni Marcos?
Paghambingin ang dalawang tauhan batay sa kanilang kalakasan at kahinaan
sa akda.
3. Ano ang layunin ng may-akda sa ginawa niyang maikling kuwento?
4-5. Ano-ano ang mga istilong ginamit ng may-akda sa pagpapalutang ng layunin
niya sa akdang binasa?

GAWAIN 4: Isulat sa patlang ang angkop na pang-ugnay upang mabuo ang nais
ipahayag ng sipi ng kuwento.
sumunod una saka pagkatapos sa huli matapos
pati
Hindi mapakali si Rigor sa upuan. ____ niyang hinanap ang panyo sa bag.
_____ naghanap siya ng isang tagong lugar upang mailabas ang matagal na niyang
pinipigil. Nagmamadali na ngunit inunahan siya ng isang babae sa pampublikong

9
palikuran. Sumilip siya sa labas upang tignan kung maraming tao sa
paligid____hinanap ang isang tagong lugar at inilabas ni Rigor ang sama ng kanyang
tiyan. Masaya siya at nakaraos na ngunit pagsilip sa gilid ay may mga bata pa lang
nanonood sa kanyang munting palabas. ____, nahiya si Rigor sa kanyang ginawa.
_____ nito ay dali-daling tumakbo sa kahihiyan.

GAWAIN 5: Iugnay ang mga tauhan sa maikling kuwentong binasa sa mga tiyak na
tao sa kasalukuyan batay sa kanilang naging karakter sa akda.
TAUHAN KATANGIAN NG MGA PAG-UUGNAY SA
PANGUNAHING TAUHAN KASALUKUYAN
1. Marcos
2. Don Teong
3. Anita

Isaisip
Bumuo ng konsepto sa natutuhang maikling kuwento gamit ang graphic organizer.

ESTILO NG
PAKSA
MANUNULAT
Maikling
Kuwento

BANGHAY TAUHAN

Isagawa
Basahin ang maikling kuwento ng Singapore “Ang Ama” sa link na ito
http://filipinosiyam.blogspot.com/2015/07/ang-ama-kuwento-singapore.html.
Suriin ang akda ayon sa mga sumusunod na bahagi.
Ang Ama
BANGHAY
Tauhan
Tagpuan o panahon
Saglit na Kasiglahan
Suliranin o Tunggalian
Kasukdulan
Kakalasan
Wakas
Estilo sa Pagsulat ng Awtor

10
Tayahin

Piliin ang elemento ng maikling kuwento sa sumusunod na inilalahad sa bawat


bilang.
A. PANIMULA B. TAUHAN C. SAGLIT NA KASIGLAHAN D. SULIRANIN
E. TUNGGALIAN F. KASUKDULAN G. WAKAS H. KAKALASAN
I. PAKSANG-DIWA J. BANGHAY

1. Sila ang mga karakter na bumubuhay sa daloy ng kuwento/ akda. Maaaring


mauri bilang bida at kontrabida.
2. Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang
pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kuwento at pinangyarihan ng kuwento.
3. Ito ay may apat na uri. Tumutukoy sa mga pwersang nagtatalo sa akda.
Maaaring tao sa tao, sa lipunan, kalikasan, etc.
4. Ito ang pinakakaluluwa ng maikling kuwento.
5. Nakakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang
ipinaglalaban. Pinakamaigting o matinding pangyayari sa akda.

B. Tukuyin kung ang mga pahayag sa mga sumusunod na bilang ay maiuuri sa


sumusunod na elemento: (Pagbatayan ang akdang “Walang Panginoon”)

A. SIMULA B. TAUHAN C. SAGLIT NA KASIGLAHAN


D. TUNGGALIAN E. KASUKDULAN F. WAKAS G. RESOLUSYON

_____1. Nang malamang kay Marcos ang kalabaw, bawat isa’y nagkatinginan. Hindi
nila malaman kung paanong ang poot ni Marcos kay Don Teong ay natuon sa alaga
niyang Kalabaw. Si Marcos ay nakatingin din sa orasan nang gabing iyon. Tatlong
minuto lamang ang kulang sa ika-8 ng gabi. Hindi siya gumagalaw. Hindi siya
nababahala.
_____2. Subalit isang hapon, samantalang payapang inihanda ng mag-ina ang
kanilang pag-alis, walang iniwan sa putok ng bulkan ang balitang kumalat sa bayan
na si Don Teong ay namatay sa pagkasuwag ng kalabaw.
_____3. Ang huling dagok na ito sa kanya ni Don Teong ay isinama lamang niya sa
talaan ng pagmamalupit sa kanya ng mayamang may-ari ng lupa nilang
binubuwisan. Pang-aagaw ng lupa sa kanila. At saka noo’y pagtatangka pa sa
kanyang buhay. Pinakahuli nga ang pagkamatay nang tuluyan ni Anita, na ayon sa
balita niya’y nalagutan ng hininga na siya ang tinatawag. Saka nitong huli ay
pagpapaalis sa kanilang lupang kinagisnan at pinagyaman sa tulo ng kanilang pawis
na mag-anak.
_____4. Buhat noon ay nagkasakit si Anita. Araw-araw ay tumatanggap si Marcos ng
balita at ng tangkain niyang dumalaw na minsan ay hinarang siya ni Don Teong na
may hawak na rebolber.
_____5. Si Anita ay lihim na naging kasintahan ni Marcos, mahigit nang isang taon
noon. Anak siya ni Don Teong na tutol sa pag-iibigan nila ni Marcos.

Karagdagang Gawain
Sumulat ng isang pagsasalaysay na may pagsisimula, pagpapadaloy ng mga
pangyayari at pagwawakas. Gumamit ng angkop na pang-ugnay.

11
Aralin Ikaapat na Linggo
* Pagbibigay ng Interpretasyon sa mga Pahiwatig
3 * Pagsusuri sa Tunggalian
* Pag-uuri sa mga Tiyak na Bahagi

Alamin
Sa pagtatapos ng pagsagot sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
Nabibigyan ng sariling interpretasyon ang mga pahiwatig na ginamit
sa akda F9PT-Ic-d-40
Nasusuri ang tunggaliang tao vs. sarili sa binasang nobela F9PB-Ic-d-40
Nauuri ang mga tiyak na bahagi sa akda na nagpapakita ng
katotohanan, kabutihan at kagandahan batay sa napakinggang
bahagi ng nobela F9PN-Ic-d-40

Subukin
A. Basahin ang sumusunod na pahayag at bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Ito ay istilong ginagamit ng may-akda upang ipahayag ang kanyang gustong
sabihin sa paraang hindi lantad o hayagan.
A. damdamin B. pahiwatig C. paksa D. tunggalian
2. Ito ay mahabang salaysay sa mga pangyayaring naganap sa buhay ng tao na
nahahati sa mga kabanata at sumasakop ng mahabang panahon. Ito ay
pinakikilos at binibigyang buhay ng maraming tauhan.
A. maikling kwento B. nobela C. sanaysay D. tula
3. Ito ay ang pangyayari sa akda na nagpapakita ng pagiging mabuti o
kahusayan sa isang bagay.
A. kaayusan B. kabutihan D. kagandahan D. katotohanan
4. Ito ay ano mang pangyayari na totoo o ibinatay sa karanasan ng tao.
A. kaayusan B. kabutihan D. kagandahan D. katotohanan
5. Ito ay kondisyon ng mga katangiang nakasisiya sa isipan o pamantayang
moral.
A. kaayusan B. kabutihan D. kagandahan D. katotohanan

B. Suriin ang mga pahayag sa ibaba. Isulat sa patlang ang A-kung ang pahayag ay
nagpapakita ng katotohanan, B- para sa kabutihan at C- para sa kagandahan.
_____6. Hindi nagdalawang isip ang bata na tulungang makatawid ang matanda.
_____7. Mababasa sa resulta ng pananaliksik ang pagbaba ng mga nahahawaan
ng COVID-19.
_____8. Katangi-tangi ang mamamayan ng bansa na sumusunod sa batas na
ipinatutupad.
_____9. Ayon sa Department of Education, wala pa ring face to face na paraan ng
pagtuturo sa susunod na pasukan.
_____10. Tinulungan ng nars na paanakin ang babae sa loob ng sasakyan.

C. Lagyan ng tsek ang (√) ang patlang ng bilang na nagpapakita ng tunggaliang tao
laban sa sarili at ekis (X) kung hindi.
_____11. Kibit-balikat na umalis si Juan sa kanyang kinatatayuan para umiwas

12
sa pang-aasar ng kaklase.
_____12. Nagdadalawang-isip ang mangingisda kung papalaot o magpapahinga
muna.
_____13. Malakas ang ulan kaya’t hindi makaalis ang guro patungo sa kanyang
bahay.
_____14. “Magtatapat na ba ako o hindi ng pag-ibig,” sa isip ni Willian.
_____15. Nais niyang lumaban ngunit nagtatalo ang kanyang kalooban na baka
balikan ang kanyang pamilya.

Balikan
Punan ang patlang upang mabuo ang diwang nais ipahayag nito.
1. Ang ____________ ay ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan sa
kuwento.
2. Ang problemang kinakaharap ng tauhan sa kuwento ay tinatawag na
___________.
3. Ang masining na pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento ay ang
___________.
4. Ang __________ ay resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento.
5. Sa __________ nakakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o
kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

Tuklasin
Salungguhitan ang pahiwatig sa bawat bilang at isulat ang sariling
interpretasyon.
1. “Dahil sa naging kalagayan ni Fak, itinuring niyang mga tinik sa lalamunan
ang mga bumugbog sa kanya.” (Ang Paghuhukom)
__________________________________________________________________________
2. “Ang lahat ng gagawin ay dapat ibatay sa katarungan at tunay na katwiran.
Bulag ang mga taong sumusunod lamang sa pamahalaan at hindi sinusuri
kung ito ay tama. Maaaring makasama sa tao kung ito ay susunod lamang at
di gagamitin ang pag-iisip para alamin kung ito ay makabubuti sa lahat.” (El
Filibusterismo)
___________________________________________________________________________
3. “Gumawa ka nang mabuti, hindi sapagka’t may langit kundi sapagkat mabuti
ang mabuti. Huwag kang gagawa nang masama, hindi sapagka’t may
impiyerno, kundi sapagka’t masama ang masama.” (Maganda pa ang
Daigdig)
___________________________________________________________________________
4. “Ang mundo ay umiikot sa salapi kung saan ang siyang nakaririwasa ang may
kakayahang kumontrol sa mga pangyayari.” (Canal dela Reina)
___________________________________________________________________________
5. "Ang kahirapan ay hindi hadlang upang makamit ang minimithing "langit" o
tagumpay." (Ang Tundo Man May Langit Din)
___________________________________________________________________________

Suriin
Ang nobela ay mahabang salaysay sa mga pangyayaring naganap sa buhay
ng tao na nahahati sa mga kabanata at sumasakop nang mahabang panahon. Ito ay
pinakikilos at binibigyang buhay ng maraming tauhan.

13
Ang pahiwatig ay istilong ginagamit ng may-akda upang sabihin ang kanyang
gustong sabihin sa paraang hindi lantad o hayagan.
Karaniwan ding ipinapakita sa akda ang katotohanan, kabutihan at
kagandahan. Batay sa UP Disyunaryong Pilipino (2010), ang katotohanan ay ano
mang pangyayaring totoo o ibinatay sa karanasan ng tao. Ang kabutihan ay mga
pangyayaring nagpapakita ng pagiging mabuti o kahusayan sa isang bagay.
Samantalang ang kagandahan ay mga kondisyon ng mga katangiang nakasisiya sa
isipan o pamantayang moral.
Isang sangkap ng mga akdang pampanitikan ang tunggalian na humuhubog
sa pagkatao ng tauhan at siyang nagtutulak sa mga pangyayari sa kuwento.

TAO SA SARILI- Ito ay panloob na tunggalian dahil nangyayari ito sa loob ng


tauhan. Karaniwang nagtatalo ang tauhan at ang kanyang isipan kung ano ang
pipiliin – ang tama o mali, o ang mabuti o masama.

Pagyamanin
Basahin at unawain ang akda na mula sa buod ng Nobelang Cambodian
“MABUHAY KA, ANAK KO” ni Pin Yathay, isinalin ni Ruth Elynia S. Mabanglo na
nasa inyong group chat.
GAWAIN 1: Suriin ang binasang buod ng nobela sa tulong ng pagsagot sa mga
tanong.
1. Anong kaugaliang Cambodian ang makikita sa binasang akda?
2. Ano ang nais ipahiwatig ng sumusunod na pahayag
a. Ako mismo’y maraming problemang pansarili.
b. Nalagay sa alanganin ang tradisyonal na niyutralidad ng Cambodia.
c. Mangilan-ngilan nang palatandaan ng kawalang-kasiyahan sa paligid.
3. Tukuyin ang tunggalian na naganap at ibigay ang iyong pagsusuri ukol dito.
4. Paano kinaharap ng tauhan ang problema batay sa binasa?
a. Sihanouk b. Thay (pangunahing tauhan)
5. Kung ikaw ang tauhan, paano mo kakaharapin ang ganitong klase ng problema?

GAWAIN 2: Iguhit ang kung ang mga pangyayari ay nagpapakita ng


katotohanan, naman kung kabutihan at kung wala sa nabanggit.

1. Minahal ni Any si Sudath na parang sariling anak.


2. Isang taon siyang nagluksa sa pagkamatay ng asawa at anak.
3. Nag-asawang muli si Thay.
4. Mabuting pinuno ng bansang Cambodia si Sihanouk.
5. Kaugalian sa bansang Cambodia na pag-aralin sa ibang bansa
ang mga iskolar na estudyante.

GAWAIN 3: Pagsusuri sa nobelang DEKADA ’70 ni Lualhati Bautista.


Lagyan ng TS ang patlang kung ang pahayag ay tumutukoy sa tunggaliang TAO vs.
SARILI at X kung hindi.
_____ 1. “Dati naman matiyaga si Jules kay Bingo. Pero lately yata ay lagi siyang may
lakad. Pag nasa bahay naman ay nagkukulong sa kuwarto. Lagi niyang

14
sinasabi pag sinusundan siya ni Bingo: Teka. Mamaya na. Marami akong
assignment.”
_____ 2. “Nag-isip ako. Hindi yata tama ‘yon ano? Uutangin nila ang pera natin,
patutubuan sa atin, ilalabas ng bansa natin. Maghihirap nga tayo pag
ganito nang ganito.”
_____3. “Niyakap ko si Jules. Hindi ko alam kung sinong sila ang tinutukoy niya, ang
naiintindihan ko lang ay patay na si Willy….si Willy na biglang naalala ko
kanina lang…na kaibigan niyang matalik at minsa’y mas kapatid pa kung
ituring kaysa kay Gani…pinatay!”
_____ 4. Sana, ang ginagawa kong ito'y gagawin din ng lahat ng ina sa lahat ng batang
galing sa labanan. Dahil isang araw - h'wag namang mangyari pero isang
araw... maaaring ang anak ko naman ang iuwing sugatan sa bahay ng iba!”
_____ 5. Umiling siya at nagtangkang magkaila. Kinagat niya nang mariin ang labi
para pigilan ang isa pang hikbi. Pero hindi makapagsisinungaling ang latay
ng hapdi sa mata niya.

Isaisip
Buoin ang pahayag batay sa paksang tinalakay.

Natuklasan ko na _______________________________________________
Natutuhan ko na ________________________________________________
Nalaman ko na _________________________________________________

Isagawa

Gamit ang graphic organizer sa ibaba, punan ang kahon batay sa hinihingi
nito mula sa sariling karanasan.

Ako

(Mga pangyayari o karanasan na nagpapakita ng …)

Katotohanan Kabutihan Kagandahan


(pag-aaral) (pamilya) (kapwa)

Tayahin
A. Salungguhitan ang pahayag sa bawat bilang na nagpapahiwatig ng tunggaliang
Tao Vs sa Sarili.

1. Pigil ang paghikbi ni Jessa. Wala naman kasing mangyayari kung maririnig ito ng
kanyang ina dahil sa ipinakikita nitong kawalang pagpapahalaga sa anak.
2. Pigil na pigil si Berto. Ang nagkukuyom niyang palad ay nagpapakita ng matinding
galit na nadarama ngunit napipigilan siya dahil baka mapahamak ang kanyang
mga kapatid.
3. Namumula na ang kanyang mga mata sa pagpigil ng kanyang luha. Kailangan

15
niyang magpakita ng kalakasan sa ganoong kahirap na kalagayan.
4. Gusto niyang sumigaw sa sakit na nadarama ngunit tikom ang kanyang mga labi
dahil matutuklasan ng ina ang kalapastanganan ng ama.
5. Naghuhumiyaw ang kanyang kalooban. Nais na niyang lisanin ang tahanan
ngunit magtitiis siya para sa kanyang mga anak.

B. Isulat ang T- kung ang pahayag ay nagpapakita ng katotohanan, B- para sa


kabutihan at G- para sa kagandahan.
6. Nakatutuwang isipin na ang mga Pilipino ay sumusunod sa patakaran na mag-
ingat at huwag lalabas kung hindi naman kinakailangan.
7. Isinauli ni Mang Nestor ang napulot niyang pitaka sa kapulisan.
8. Naghandog ng munting programa ang mga mag-aaral sa kaarawan ng kanilang
guro.
9. Ayon sa Department of Energy, sapat ang suplay ng kuryente sa buong bansa.
10. Ipinakita ng mga mamamayan ng Brgy. Maaasahan ang pagtutulungan nang
manalanta ang bagyong Rosita.

Karagdagang Gawain
Basahin at unawain ang akdang “Lalaki sa Dilim” buod ng nobela ni Benjamin
Pascual na nasa inyong group chat. Magtala ng limang tiyak na bahagi sa buod ng
nobela na nagpapakita ng katotohanan, kabutihan at kagandahan. Isulat ang iyong
sagot sa Konsepto ng Kaalaman.

KATOTOHANAN

LALAKI SA DILIM KABUTIHAN

KAGANDAHAN

Ikalimang Linggo
Aralin * Paggamit ng mga Pahayag sa Pagbibigay Opinyon

4 * Pagsusuri sa Pinanood na Teleseryeng Asyano


* Pagsulat ng Pangyayari na Nagpapakita ng
Tunggalian

Alamin
Pagkatapos mong sagutan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Nagagamit ang mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay opinyon (sa tingin/


akala/ / pahayag/ ko, iba pa) F9WG-Ic-d-42
Nasusuri ang pinanood na teleseryeng Asyano batay sa itinakdang
pamantayan F9PD-Ic-d-40

16
Naisusulat ang isang pangyayari na nagpapakita ng tunggalian ng tao vs.
sarili F9PU-Ic-d-40
Subukin
Isulat sa patlang ang O kung Opinyon at K kung Katotohanan batay sa teleseryeng
“Descendant of the Sun”.

1. Sa tingin ko, mahirap ang pinagdaanan ng tauhang doktor at sundalo sa


napanood na teleserye.
2. Muling nagkita si Cap. Lucas at si Maxene matapos ang pag-iwas sa isa’t isa.
3. Akala ko hindi sila magkakatuluyan sa pagwawakas ng teleserye.
4. Trabaho ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.
5. Para sa akin, tama ang ginawa ni Cap. Moira na hindi sundin ang kagustuhan
ng kanyang ama sa pipiliin asawa para sa kanya.

Balikan
Tukuyin ang inilalarawan sa bawat pahayag. Piliin ang tamang sagot sa loob ng
kahon.
Tunggalian Tao sa Tao Pahiwatig Nobela Tao sa Lipunan

1. Mahabang salaysay ng mga pangyayaring naganap sa buhay ng tao na


nahahati sa mga kabanata at sumasakop ng mahabang panahon.
2. Istilong ginagamit ng may-akda upang sabihin ang kanyang gustong sabihin
sa paraang hindi lantad o hayagan.
3. Isang sangkap ng akdang pampanitikan na humuhubog sa pagkatao ng
tauhan at siyang nagtutulak sa mga pangyayari sa kuwento.
4. Uri ng tunggalian kung saan ang tauhan ay nakikipagbanggaan sa isa pang
tauhan.
5. Umiiral ang panlabas na tunggaliang ito kapag lumilihis ang tauhan o mga
tauhan sa mga pamantayang itinakda ng lipunan.

Tuklasin
Sumulat ng maikling opinyon batay sa pahayag.
1. Ang paghuhugas ng kamay ay pag-iwas sa sakit na nakamamatay.
_____________________________________________________________________
2. Ang pamilya ay isang regalong nagtatagal panghabambuhay.
_____________________________________________________________________
3. Ang mabigat ay gumagaan kapag nagtutulungan.
_____________________________________________________________________

Suriin
Karaniwan sa mga talakayan ay may isyu o paksang pinag-uusapan. Ang mga
kasali sa talakayan ay kadalasang nagbibigay ng kani-kanilang opinyon o pananaw
tungkol sa paksa. May mga pagkakataon na kadalasang humahantong sa pagtatalo-
talo dahilan sa pagkakaiba-iba ng mga hangarin at paniniwala. Samakatuwid, upang
mas lubos na maging epektibo ang pagbibigay ng pananaw o opinyon ay may mga
pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng opinyon o pananaw:

17
•Naniniwala ako •Sa palagay ko •Ang opinyon ko sa bagay na ito

•Akala ko •Sa tingin ko •Marahil ang bagay na ito ay


•Sa ganang sarili •Kung ako ang tatanungin •Para sa akin

Ang Pamantayan sa Pagsusuri ng Teleserye ay makikita sa Facebook Page.

Pagyamanin

GAWAIN 1. Iguhit sa patlang ang kung ang pagpapahayag ng opinyon ay angkop


at kung hindi.

_____ 1. Sa aking palagay, tama lang na magsama-sama sa isang tahanan ang


magkakapamilya kahit pa ang mga anak ay may asawa na para makapagbigay sila
ng suporta sa isa’t isa.

_____ 2. Hindi ako sumasang-ayon na tumira pa rin ang anak na may asawa na sa
bahay ng kanilang magulang. Dapat kapag nag-asawa na ang tao ay bubukod na
sila at matutong tumayo sa sariling paa.

_____ 3. Mali ka talaga. Kung gusto kong tumira sa magulang ko, may magagawa ka?

_____ 4. Nasa iyo iyan kung hindi ka sumasang-ayon sa aking pananaw subalit
maging sa Bibliya ay sinasabing “Dahil dito’y iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina
at magsasama sila ng kanyang asawa at sila’y magiging isa”.

_____ 5. Kung ako ang tatanungin, mas magiging ligtas tayo kung lahat tayo ay
nagpabakuna na.

GAWAIN 2. Dugtungan ang sumusunod na panandang salita upang makabuo ng


sariling opinyon mula sa mga impormasyong nakalahad sa bawat bilang.
1. Pagdami ng kaso ng Covid19 na nagsimula sa Wuhan, China.
Sa palagay ko _____________________________________________________________
2. Pagbaba ng ekonomiya ng bansa dahil sa pandemya.
Sa tingin ko _______________________________________________________________
3. Pagpaparehistro para sa National ID.
Ang opinyon ko sa bagay na ito ___________________________________________
4. Paghikayat sa mga mamamayan na mabakunahan bilang proteksyon sa
COVID-19. Marahil ang bagay na ito ay ________________________________________
5. Paggamit ng blended learning sa pagkatuto.
Naniniwala akong ________________________________________________________

GAWAIN 3. Sa kasalukuyan ay nauso sa telebisyon ang panonood ng teleserye. May


mga teleseryeng orihinal na Pilipino at may mga teleserye ring mapapanood sa
kasalukuyan na galing sa ibang bansang Asyano gaya ng Korea, Hapon at iba pa.
Pumili ng isang teleseryeng gusto mong panoorin. Suriin ang mga tunggaliang taglay
nito. Magbigay ng suportang detalye o paliwanag sa pagsusuring gagawin. Gawing
gabay ang pamantayan sa ibaba.

Pamagat ng Teleserye:

18
 Panloob
(Tao vs. Sarili)

Patunay: Patunay: Patunay:

Isaisip
Itala ang mga natutuhan sa graphic organizer.

Pamantayan sa Tunggalian
Pagpapahayag
Pagsusuri ng
ng Opinyon Tao vs. Sarili
Teleserye

Isagawa

GAWAIN 1: Panoorin ang teleseryeng asyano na pinamagatang “Train to Busan”


Suriin ito ayon sa mga sumusunod na pamantayan. Aling bahagi ng teleserye ang
makatotohanan/di-makatotohanan?

1. Aling bahagi ng teleserye ang nagustuhan mo? Bakit?


2. Aling bahagi ng teleserye ang hindi mo nagustuhan? Bakit?
3. Naging makabuluhan ba ang teleserye sa iyo? Bakit?
4. Kung ikaw ang magbibigay ng naiibang wakas, ano ito?
GAWAIN 2: Isulat ang pangyayari sa teleserye na nagpapakita ng tungggalian ng
TAO vs SARILI.

Tayahin
A. Isulat sa patlang ang O kung ang pahayag ay isang opinyon X naman kung hindi.
_____1. Kailangan ng tao ang pagkain para mabuhay.
_____2. Para sa akin, lechon ang pinakamasarap na pagkain.
_____3. Sa tingin ko, mas mainam na magpabakuna na tayo laban sa COVID-19.
_____4. Maganda raw ang Bulkang Taal ayon kay Maxene.
_____5. Mas malambing ang mga pusa kaysa sa mga aso.
B. Salungguhitan ang mga pahayag na ginamit sa paglalahad ng opinyon.
6. Kung ako ang tatanungin, pipiliin kong magkaraoon ng kaunti subalit totoong
kaibigan.
7. Sa aking palagay, mas mainam kung papahintulutan ang mga Pilipino na
lumabas ng bahay sa takdang oras para mabawasan ang kaso ng COVID-19 sa
bansa.
8. Sa aking sariling opinyon, mas masaya ang pagpasok sa paaralan kaysa sa
online class.
9. Para sa akin dapat tayong kumilos at magtulungan ng sama-sama.
10. Naniniwala akong darating ang panahon na matatapos din ang pandemya.

Karagdagang Gawain
Panoorin ang teleseryeng “The Generals Daughter” sa link na
https://www.youtube.com/watch?v=8MAul2hfP-Q at suriin batay sa sumusunod.

19
1. Pamagat ng pinanood na teleserye.
2. Mensaheng isinasaad ng teleseryeng pinanood.
3. Ibig ipahiwatig ng may-akda sa teleseryeng pinanood.
4. Aral na napulot sa teleseryeng napanood.
5. Kaugnayan ng napanood na teleserye sa binasang iba pang nobela.
6. Tunggalian ng Tao vs. Sarili.

Ikaanim na Linggo
Aralin * Pagtukoy at Pagpapaliwanag sa
Magkakasingkahulugang Pahayag
5 * Pag-uugnay ng sariling Damdamin
* Paglalahad ng Sariling Pananaw
* Pagsulat ng Taludtod

Alamin
Sa pagtatapos ng pagsagot sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
 Natutukoy at naipaliliwanag ang magkakasingkahulugang pahayag sa ilang
taludturan F9PT-Ig-h-43
 Naiuugnay ang sariling damdamin sa damdaming inihayag sa napakinggang
tula F9PN-Ie-4
 Nailalahad ang sariling pananaw ng paksa sa mga tulang Asyano F9PB-Ie-
41
 Naisusulat ang ilang taludtod tungkol sa pagpapahalaga sa pagiging
mamamayan ng rehiyong Asya F9PU-Ie-43

Subukin
A. Bilugan ang letra ng kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit sa
pangungusap.
1. Si Sisa ay dakila at huwarang ina.
A. ipinagmamalaki B. larawan C. modelo D. wangis
2. Nagunita ko sa aking isipan ang iyong pagnanais na makalaya sa pagdurusa.
A. naalala B. nabighani C. namasdan D. nasabik
3. Ang bantog na manunulat ang panauhing pandangal.
A. nahirang B. nanumbalik C. napaglipasan D. tanyag
4. Ninais niyang makalikha ng saranggolang mataas kung lumipad.
A. mabilis B. marangal C. matayog D. matulin
5. Animo’y pagal na pagong ang usad ng mga sasakyan sa kalsada.
A. pabilisan B. pagandahan C. pagod D. pahinto-hinto

B. Punan ang patlang upang mabuo ang diwa ng mga pahayag. Pumili ng sagot sa
kahon.
Taludtod saknong tula
Di-Tugmaang Taludturan Malayang taludturan
1. Ang isang pangkat ng taludtod sa isang tula na may dalawa o higit pang linya
ay tinatawag na _________.
2. Ang _______ ay isang anyong pampanitikan na nagtataglay ng matingkad na
damdamin o malalim na kaisipan na ipinahahayag sa anyong pataludtod.

20
3. Ang tawag sa isang linya sa bawat saknong ay _____________.
4. Ang isang tula na ________________________ ay isinusulat nang walang
sinusunod na patakaran kung hindi ang anomang naisin ng manununulat.
5. Ang ___________________ ay tulang may sukat ngunit walang tugma.

Balikan
Lagyan ng ekis (X) ang mga pahayag na nagsasaad ng opinyon o pananaw.
____1. Sa aking palagay, hindi niya makakayanan ang pagsusulit bukas.
____2. Nararapat lamang na ituloy ang programa at iyan ang opinyon ko sa
usaping iyan.
____3. Ayon sa pananaliksik, malaki na ang inunlad ng bansang Pilipinas.
____4. Naniniwala ako na malayo ang mararating ng batang iyon.
____5. Mula sa PAGASA ay makararanas tayo ng malakas na ulan mamaya.

Tuklasin
Piliin at ipaliwanag ang mga magkakasingkahulugang pahayag sa mga taludturan.

Sa aking paanan ay may isang batis, Ngunit tingnan ninyo ang aking narating,
maghapo’t magdamag na nagtutumangis; natuyo, namatay sa sariling aliw.
sa mga sanga ko ay nangakasabit Naging kurus ako ng pagsuyong laing
ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig. at bantay sa hukay sa gitna ng dilim.

Sa kinislap-kislap ng batis na iyan, Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,


asa mo ri’y agos ng luhang nunukal; panakip sa aking namumutlang mukha!
at saka ang buwang tila nagdarasal, Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga
ako’y binabati ng ngiting malamlam. ni ibon, ni tao’y hindi na matuwa.

Ang mga kampana sa tuwing orasyon, At iyong isiping nang nagdaang araw,
nagpapahiwatig sa akin ng taghoy, isang kahoy akong malago’t malabay.
ibon sa sanga ko’y may tabing nang dahon, Ngayon, ang sanga ko’y kurus sa
batis sa paa ko’y may luha nang daloy. libingan,
dahon ko’y ginawang korona sa hukay! dahon ko’y ginawang korona sa hukay!

MAGKAKASINGKAHULUGANG PALIWANAG
PAHAYAG

1.

2.

3.

4.

5.

Suriin
Tula - isang anyo ng pampanitikan na nagtataglay ng matingkad na damdamin o
malalim na kaisipan na ipinahahayag sa anyong pataludtod. Ito rin ay

21
madalas na may sukat at may tugma. Ito ay isinusulat sa paraang pasaknong.
Saknong - isang pangkat ng taludtod sa isang tula na may dalawa o higit pang
linya.
Taludtod – tumutukoy sa bawat linya sa bawat saknong.

KAHALAGAHAN NG PAGBIBIGAY NG KASINGKAHULUGAN


NG MGA TALUDTURAN NG TULA
Ang bawat tula ay may iba’t ibang interpretasyon, maaaring ito ay lantad o
marahil ay nakatago, mahalagang matukoy ng mambabasa na mayroong mga tulang
may taludturan na may pagkakatulad ng kahulugan. Layunin nitong mailabas ang
damdamin ng mga tula, ang estruktura o paraan ng pagkakabuo nito habang
ipinauunawa sa mambabasa ang iisang hangarin at ito ang ipaunawa ang nilalaman
nito.
TONO- isa sa mga elemento ng tula na nagpapakita ng namamayaning damdamin
sa loob ng tula. Ito man ay nangungutya, naglalahad o nagtuturan.

Kahalagahan ng Pagbibigay ng Sariling Damdamin sa


Damdaming Ipinahahayag ng Tula
Sa akdang pampanitikang ating nababasa higit lalo ang tula na ginagamitan
ng mga imahe upang hindi maging lantaran ang kahulugan, layunin ng manunulat
na magising ang diwa o kamalayan ng mambabasa sa mensahe ng kanilang
sinusulat. Dito ay ipinakikita ang sitwasyon o mga pangyayari na maaaring kanilang
nakita o naranasan. Sa paraang ang mga akda ay hawak na ng mga mambabasa,
dito ay inaasahan na sila ay nakapagpahayag ng kanilang sariling damdamin.
Layunin nitong magkaroon ng koneksyon sa pagitan ng mambabasa at manunulat
sa damdaming nangingibabaw sa tula. Sa bahaging ito maipakikita ang mas malalim
na layunin ng tula at ito ay upang maipamulat sa mambabasa ang mga pangyayari
at ideya na nagmula sa kanilang bukas at matalinong pag-iisip.
Ang tula ay isang mabisang paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan,
damdamin, imahinasyon at mithiin sa buhay. Sa pamamagitan ng tula napararating
ng may katha sa mga bumabasa o nakikinig ang kanyang nararamdaman at iniisip.
Bunga nito, taglay ng mga tula ang iba’t ibang paksa. Narito ang ilan sa mga
karaniwang nagiging paksa ng mga tula partikular sa Asya.
Maraming tulang Asyano partikular sa Timog Silangang Asya ang nagsasaad
ng maalab na pagmamahal sa bayan. Ang iba naman ay may kinalaman sa
pagmamahalan ng dalawang magsing-irog, maalab na pagsinta ng isang lalaki sa
babaeng kanyang minamahal. May ilang tula rin na nagbibigay-diin sa kahalagahan
ng kalikasan sa buhay ng tao. At ang paksa naman ng ibang tula ay tungkol sa mga
katangian ng buhay sa kabukiran, gayundin sa kagitingan at kadakilaan ng mga
magsasakang matiyagang nagbubungkal ng mga lupa at maging ang kahalagahan
ng pagsasaka sa ekonomiya ng bansa.

IBA’T IBANG PARAAN NG PAGPAPAHAYAG NG EMOSYON O DAMDAMIN


Sa pamamagitan ng mga sumusunod ay naipapahayag natin ang ating emosyon o
damdamin.
1. Padamdam at Maikling Sambitla- Ito’y isang uri ng pangungusap na walang
paksang nagpapahayag ng matinding damdamin. Ginagamitan ito ng bantas na
tandang padamdam (!).
Halimbawa: Galing! Aray! Ay! Yehey!
Sakit! Sarap! Grabe! Naku!
Maaari ring isama ang mga padamdam at maikling sambitlang ito sa parirala
o sugnay upang maging higit na tiyak ang damdamin o emosyong nais ipahayag.
Halimbawa: Yehey! Maganda ang tingin sa akin ng mga tao.
2. Mga pangungusap na nagsasaad ng tiyak na damdamin o emosyon ng isang tao.

22
Padamdam ang tawag sa ganitong uri ng pangungusap. Nagpapahayag ito ng
damdamin gaya ng galit, tuwa, lungkot, inis o gigil. Nagtatapos ito sa tandang
padamdam (!).
Halimbawa: Natutuwa ako at isa akong babaeng Pilipina. (kasiyahan)
Nakakainis talaga ang mga lalaking walang respeto sa mga babae. (pagkainis)
Pasensiya na po, pero hindi ko gusto ang pagtrato ninyo sa inyong kababaihan.
(pag-ayaw)
3. Mga pangungusap na nagpapahiwatig ng damdamin sa hindi diretsang paraan.
Halimbawa: Mas maganda sigurong hindi ka na magsalita. (manahimik na
lamang ang kahulugan)
Isa kang anghel sa langit! (kahulugan: mabait at mabuti ang tao)
Pagyamanin
Basahin at unawain ang tulang “Ang Buhay ng Tao” na isinulat ni Jose
Corazon de Jesus.
Inakay na munting naligaw sa gubat At gaya ng isdang malaya sa turing
Ang hinahanap ko’y ang sariling pugad; Ang langit at lupa’y nainggit sa akin;
Ang dating pugad ko’y noon napagmalas Subalit sa isang mumo lang ng kanin,
Nang upuan ko na ang laman ay ahas. Ako’y nabingwit na’t yaon pala’y pain.

O! ganito pala itong daigdigan, At sa pagkabigo’y nag-aral na akong


Marami ang sama kaysa kabutihan Mangilag sa mga patibong sa mundo;
Kung hahanapin mo ang iyong kaaway; Kahit sa pagtulog, huwag pasiguro’t
Huwag kang lalayo’t katabi mo lamang. Bangungot mo’y siyang papatay sa iyo.

Ako’y parang bato na ibinalibag Ang buhay ng tao ay parang kandila,


Ang buong akala’y sa langit aakyat; Habang umiikli’y nanatak ang luha;
Nang sa himpapawid ako’y mapataas Buhat sa pagsilang hanggang sa
Ay bigat ko na rin ang siyang nagbagsak. pagtanda
Ang luksang libinga’y laging nakahanda.
Mahirap nga pala ang gawang mabuhay,
Sarili mong bigat ay paninimbangan; Ang palad ay parang turumpong mabilog
Kung ika’y mabuti’y kinaiinggitan Lupa’y hinuhukay sa ininug-inog;
Kung ika’y masama’y kinapopootan. Subalit kung hindi ka babago ng kilos
Sa hinukayan mo, doon mahuhulog.

GAWAIN 1: Suriin ang binasang tula sa tulong ng graphic organizer.

5.Anong
1. Ano ang 2. Iugnay ang 3. Ilahad ang
4. Isa-isahin ang aral ang
mga pahayag sariling taludtod na napulot
sariling
na damdamin sa nagpapahalaga mo sa
pananaw ng
magkakasing- damdaming sa buhay ng tulang
paksa.
kahulugan? inihayag sa tao.
binasa?
tula.

GAWAIN 2: Ibigay ang damdaming nangibabaw sa bawat taludtod at bigyan ng


sariling interpretasyon o paliwanag.

Taludtod Damdaming Paliwanag


nangibabaw
O! ganito pala itong daigdigan,

23
Marami ang sama kaysa kabutihan
Kung hahanapin mo ang iyong kaaway;
Huwag kang lalayo’t katabi mo lamang,
Ako’y parang bato na ibinalibag
Ang buong akala’y sa langit aakyat;
Nang sa himpapawid ako’y mapataas
Ay bigat ko na rin ang siyang
nagbagsak.
At sa pagkabigo’y nag-aral na akong
Mangilag sa mga patibong sa mundo;
Kahit sa pagtulog, huwag pasiguro’t
Bangungot mo’y siyang papatay sa iyo.
Ang buhay ng tao ay parang kandila,
Habang umiikli’y nanatak ang luha;
Buhat sa pagsilang hanggang sa
pagtanda
Ang luksang libinga’y laging
nakahanda.
Ang palad ay parang turumpong
mabilog
Lupa’y hinuhukay sa ininug-inog;
Subalit kung hindi ka babago ng kilos
Sa hinukayan mo, doon mahuhulog.

GAWAIN 3: Ayusin ang ginulong letra upang maibigay ang kasingkahulugan ng


salitang may salungguhit na mula sa tulang binasa at gamitin ito sa makabuluhang
pangungusap.
1. ako’y parang bato na ibinalibag- ( b i a i t n o) __________________________
Pangungusap ____________________________________________________________
2. kung ika’y masama’y kinapopootan – (s u k s i u a k n m n a l a) ______________
Pangungusap ____________________________________________________________
3. habang umiikli’y nanatak ang luha – (u m t u o l) ________________
Pangungusap ____________________________________________________________
4. mangilag sa mga patibong sa mundo- (i b a g t) _______________
Pangungusap ____________________________________________________________
5. at sa pagkabigo’y nag-aral na akong – (a p g k a o l a t)________________
Pangungusap ____________________________________________________________

GAWAIN 4: Isulat sa patlang ang damdaming namayani sa tula at ipaliwanag ang


nais ipakahulugan nito.

1. Paalam, bayan kong minamahal


lupa mong sagana sa sikat ng araw; Damdamin _____________________
Edeng paraiso ang dito'y pumanaw Paliwanag:
at Perlas ng dagat sa may Silanganan. _____________________________________
Mula sa “Huling Paalam” ni Jose Rizal _____________________________________
_____________________________________
_______
2. lahat ng tao iisa ang sigaw Damdamin _____________________
kahit ang kapalit ay kanilang buhay
KALAYAAN! Paliwanag:
_____________________________________
_____________________________________
24 _____________________________________
_______
Mula sa” Kalayaaan” ni Pat Villafuerte

3. “Ang ibig ko sana,


Ina’y ikaw aking pasayahin Damdamin _____________________
at huwag nang makita pang
ika’y nalulungkot mandin, Paliwanag:
O, Ina ko, ano po ba _____________________________________
at naisipang hatiin _____________________________________
Ang lahat ng munting yamang _____________________________________
maiiwan sa amin?” _______

Mula sa “Ang Pamana” Jose Corazon de Jesus

4. Bungo't buto akong sa pagkakabao'y


Damdamin _____________________
huling binabawi ng mga panahon
kaya't sa libingan kung ako'y mabunton Paliwanag:
para lang salansang ng bato at kahoy. _____________________________________
_____________________________________
Mula sa “KALANSAY” ni Lope K. Santos _____________________________________
_______
5. Tikis na nga lamang na ang mga tao’y
Mapag walang turing sa tulong mo Damdamin _____________________
Ang kadalasan pang iganti sa iyo Paliwanag:
Ay ang paglimot kundi paglilo. _____________________________________
_____________________________________
Mula sa “KABAYANIHAN” ni LOPE K. SANTOS
_____________________________________
_______
GAWAIN 5: Basahin ang tula at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

“Chingkanshan” ni Mao Zedong


Salin ni Elaine Lazaro

Sa ibaba ng burol, naglipana ang ating mga watawat at bandera,


Sa taluktok ng burol, dumadagundong ang ating mga tambol at trumpeta.
Pinalilibutan tayo ng mga kaaway na isang libo ang tatag,
hindi tayo matitinag, hindi tayo mapapasuko.
Baluting bakal ang ating panangga,
Wangis ng kuta ang paninidigan nating sama-sama
Mula sa Huang yang chieh dumadagundong ang kulog ng ating mga sandata,
Sa gabi tumakas ang kalaban, ayon sa balita.

1. Ano ang kasingkahulugan ng salitang nagkalat na matatagpuan sa unang


saknong?
2. Ano ang dalawang salitang magkasingkahulugan sa unang saknong?
3. Ang salitang magagapi ay kasing kahulugan ng salita na _______na matatagpuan
sa ikaapat na saknong.
4. Ilahad ang damdamin at sitwasyong namamayani sa nais ipahayag ng may-akda.
5. Bakit sinasabi na ang pakikipaglaban ay kapwa walang magandang
kahahantungan? Ipaliwanag.

GAWAIN 6: Bigyan ng sariling interpretasyon ang taludtod sa ibaba.

25
“Tula ay musika ng kaluluwa at damdamin,
Inuukit ang danas kasiyahan man o pighati,”

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________.

Isaisip
Kumpletuhin ang pahayag batay sa paksang tinalakay.

Natuklasan ko na…..

Natutuhan ko na…..

Isagawa
Pumili ng paksa at sumulat ng isang taludtod ng tula. Ilagay sa kahon ang hinihingi
sa graphic organizer.

a. Buhay Estudyante
b. Pandemya
c. Pangarap na Minimithi
PAMAGAT NG TULA

TALUDTOD DAMDAMIN BAKIT MO ITO NAIBIGAN?

Tayahin
A. Bilugan ang salitang HINDI kabilang sa hanay.
1. talim purol talas
2. nanalim nanlisik namungay
3. pagkahabag pagkagalak pagkaawa
4. nagtuloy napitas naputol

26
5. saliwan iwanan akumpanyahan
6. tiningnan tinamo tinanggap
7. namihasa nasanay napilitan
8. natatalo namamayani nalulugami
9. kaaway katipan kasintahan
10.dukha mahirap nakaririwasa
B. Piliin sa kahon ang letra ng wastong emosyon o damdamin.
11. “Nang ang inang ay namaalam, pagluha’y di ko mapigilan”.
12. “Anong damdamin di maihayag, muling pagkikita di ko maipaliwanag?”
13. “Di alam, sino pipiliin kapwa matimbang sa puso’t damdamin.”
14. “Hahayaan ko ang iyong paglisan, pipi’t bingi sa ninais na
kahantungan.”
15. “Dama ko ang sakit na dinanas, sa kamay nitong diyos-diyosan na
walang pagpapala.”
A. pagkaawa D. pagmamatigas
B. pagkalito E. pananabik
C. pagkalungkot F. pagpaparaya

Karagdagang Gawain

Bilang isang mag-aaral na lahing Pilipino, ipakita mo ang iyong pagpapahalaga


bilang bahagi ng lipunang Asyano sa pamamagitan ng pagsulat ng tula na
nagpapakita ng iyong pagmamalaki at pagmamahal bilang bahagi nito.
Pamantayan sa Paggawa:
Sumunod sa wastong pamamaraan ng pagsulat ng tula 10
Paggamit ng kariktan at tono sa tula 10
Nasunod ang layunin ng pagsulat ng tula ayon sa hinihingi ng sitwasyon 10
Kabuoang Puntos: 30

Ikapitong Linggo
* Pagpapaliwanag sa Salitang may Higit sa Isang
Aralin Kahulugan

6 * Pagsusuri sa Paraan ng Pagpapahayag


* Paggamit ng mga Pang-ugnay
* Pagsulat at Pagbabahagi ng Sariling Opinyon at
Pananaw

Alamin
Pagkatapos mong sagutan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
 Nagpapaliwanag ng salitang may higit sa isang kahulugan F9PT-If-4
 Nasusuri ang paraan ng pagpapahayag ng mga ideya at opinyon sa
napanood na debate o kauri nito F9PD-If-42
 Nagagamit ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag ng sariling pananaw
F9PU-If-44
 Naisusulat ang sariling opinyon tungkol sa mga dapat o hindi dapat taglayin
ng kabataang Asyano F9PU-If-44
 Naibabahagi ang sariling pananaw sa resulta ng isinagawang sarbey tungkol
sa tanong na: “Alin sa mga babasahin ng Timog Silangang Asya ang iyong
nagustuhan? F9PB-Ii-j-44

27
Subukin
A. Ikahon ang HINDI kabilang sa pangkat.
1. bihira madalas madalang minsan
2. nangatog nangatal nanginig nagulat
3. pinagalitan pinangaralan pinagsabihan pinapurihan
4. nakalimutan nagunita naalala natanto
5. nahagilap nakuha nadampot nalaman

Balikan
Bilugan ang mga sagot na hinihingi sa bawat tanong.

1. Ito ay isang anyong pampanitikan na nagtataglay ng matingkad na damdamin


o malalim na kaisipan na ipinahahayag sa anyong pataludtod.
2. Tumutukoy sa pagkakatulad ng bilang ng pantig ng mga taludtod sa bawat
saknong.
3. Ang paggamit ng angkop at masining na pananalita na lumilikha ng mga
larawang-diwa.
4. Tumutukoy sa pagkakatulad ng huling tunog ng mga taludtod.
5. Ito ang anyo ng tulang may sukat at tugma.

Tuklasin
Basahin at suriing mabuti ang pahayag. Sagutin ang mga tanong.
“I will not allow the opening of classes na magdidikit-dikit ‘yang mga bata. Bahala na,
di makatapos. For this generation wala na makatapos na doctor pati engineer. Wala
nang aral, laro na lang. Unless I am sure that they are really safe. Para sa akin bakuna
muna. Pag nandyan na ang bakuna, ok na” -Rodrigo Duterte-

Mga Gabay na Tanong:


1. Anong pananda ang ginamit sa pagpapahayag ng opinyon?
2. Magbigay ng iyong opinyon batay sa pahayag?
3. Aling salita ang may higit sa isang kahulugan?
4. Paano ipinahayag ni Pang. Duterte ang ideya at opinyon?

Suriin
MGA SALITANG MAY HIGIT SA ISANG KAHULUGAN
Mga salitang magkatulad ang kahulugan na higit sa isa ang maaaring
ibig sabihin.
HALIMBAWA

28
1. bagyo, unos, sakuna
2. dayuhan, banyaga, taga-ibang bansa
3. aralin, leksiyon, paksa
4. lider, pinuno, tagapanguna
Ang mga salita na magkakatulad ang kahulugan ay maaari ring mabigyan
ng higit sa isa pang kahulugan batay sa tamang gamit nito sa pangungusap.
Halimbawa:
a. Marami sa relihiyosong mga lider ng daigdig ang nagtipon nang
maaga sa taong ito upang manalangin para sa kapayapaan.
b. Mga pinuno sila ng bagong binuong grupo sa bansang Israel.
c. Si Arrianne ang naging tagapanguna sa ginawang patimpalak kagabi.

Ang Pagpapahayag ay paraan ng tao upang maisiwalat ang kaniyang mga


nalalaman at mga paniniwala.
Mga Paraan sa Pagpapahayag
Paglalarawan - binibigyan nito ng kulay ang pagpapahayag gamit ang mga pang-uri
upang bigyang katangian at buhay ang anomang pagsisiwalat ng paniniwala.
Maaring ang paglalarawan ay karaniwan o masining.
Pagsasalaysay - ang pagpapaliwanag o pagsasalaysay ay tumutugon sa tanong na
ano, kailan, saan at sino. Ang pagsasalaysay ay maaaring patalambuhay, maikling
kuwento, alamat, pangyayari, paglalakbay, pangkasaysayan at pagpapaliwanag.
Pangangatuwiran - ito ay pagsisiwalat ng mga ebidensiya o tiyak na mga
impormasyon upang mabigyang linaw ang isang usapin. Ang pangangatuwiran ay
maaring pasaklaw o pabuo.
Paglalahad - pagpapaunawa ng ideyang inilalahad o pagbibigay katuturan. Ito ay
maaaring pagsunod sa panuto, editoryal, balita, ulat, pitak, tala at sanaysay.
OPINYON
Ang isang opinyon ay isang saloobin o damdamin lamang batay sa mga
makatotohanang pangyayari at hindi maaaring mapatunayan kung tama o mali.
Sa isang sanaysay na naglalahad ng opinyon, makatutulong ang paggamit ng
mga pang-ugnay. Narito ang mga halimbawa:
Mga Halimbawa: tulad ng, dahil sa, palibhasa, habang, kahit na, ngunit, subalit,
kasi, kung, kapag, sapagkat, nang, bukod tangi, datapwat, at, ang, si, ni/kay, ayon
sa, ayon kay, tungkol sa, tungkol kay, para kay, para sa, ukol kay, ukol sa, alinsunod
sa, alinsunod kay, hinggil sa, hinggil kay
Ginagamit din ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.
Halimbawa: na, ng, g

Mga Uri ng Pagsulat ng Opinyon


1. Namumuna
Naglalahad ng kagalingan o kahinaan ng isang isyung tinatalakay ngunit
kita pa rin kung sino ang kanino kampi o panig.
2. Nagpapabatid
Ipinaaalam ang isang pangyayari na binibigyang-diin o linaw ang
kahalagahan o ilang kalituhang bunga ng pangyayari.
3. Nanghihikayat
Nagbibigay ng puna sa isang kalagayan, sa isang tao, o sa isang paraan ng
pag-iisip. Naglalayong makuha ang paniniwala ng iba at makapagbunsod ng
pagbabago ngunit ang binibigyang diin ay makahikayat.
4. Nagbibigay papuri
Binibigyang halaga ang isang taong may kahanga-hangang nagawa, katangi-
tanging gawain o nagpaparangal sa isang taong namayapa na, na may nagawang
pambihirang kabutihan.
5. Nagpapahayag ng natatanging araw

29
Ipinaliliwanag ang kahalagahan ng isang natatanging okasyon sa bansa.
6. Nanlilibang
Ang layunin ay makalibang, di pormal, masaya at maikli lamang.
Sa pagsulat ng isang opinyon, mahalagang isalang-alang ang mga sumusunod:
1. Sapat na kaalaman.
2. Paggamit ng mga wastong salita.
3. Nakapagbibigay impormasyon at kaalaman.
4. Nag-iiwan ng mensahe sa mga mambabasa.

SARBEY
Isang pagkolekta ng impormasyon tungkol sa katangian, aksyon o opinyon
ng malaking grupo ng mga tao na tumutukoy sa bilang ng isang impormasyon.
Layunin sa Pagsasagawa ng Sarbey
1. Makatuklas ng mga bagong impormasyon.
2. Makapagbigay ng bagong interpretasyon sa mga dating ideya.
3. Mabigyang linaw ang isang mahalagang isyu o paksa.
4. Makapagbigay ng mungkahing solusyon sa problema.
5. Makapagpatotoo o makapangatwiran sa tulong ng mga dokumento tungkol
sa mga paksang nangangailangan ng paglilinaw.
Paano gumawa ng sarbey?
1. Alamin ang iyong layunin.
Marapat lang na iyong malaman kung ano ang iyong sasaliksikin o pag-aaralan.
Mula rito, bubuo ka ng mga layunin sa iyong gagawing sarbey.
2. Bumuo ng katanungan batay sa layunin.
Ang mga katanungan ng sarbey ay nakabatay lamang sa pangunahing layunin
ng pagsasaliksik upang magkaroon ng direksyon ang isasagawang sarbey.
3. Alamin ang iyong estratehiya ng pagtatanong sa sarbey.
Bumuo ng disenyo ng sarbey na magiging format ng pagtatanong para sa
iyong sarbey form. Maaaring may pagpipiliang sagot o maaari din naman sa
pagkuha ng komento o reaksyon ng sasagot ng sarbey.
4. Pumili ng respondents.
Mahalagang isaalang-alang rin ang pagpili ng mga respondents na sasagot sa
mga nabuong tanong. Ang mga respondents ay dapat lamang na angkop sa
isinasagawang sarbey.
Sa pagbabahagi natin ng pananaw, mahalaga na isaalang-alang natin ang mga
sumusunod:
1. Paglalahad ng opinyon sa maayos na paraan kahit pa salungat ang iyong
pananaw sa iba.
2. Huwag pilitin na sumang-ayon sa iyong pananaw kung may matibay na dahilan.
Makabubuti kung ang iyong ipahahayag ay nakabase sa katotohanan o kaya’y
sinusuportahan ng datos.

Pagyamanin

GAWAIN 1: Bilugan sa loob ng panaklong ang salitang kasingkahulugan ng


salitang may salungguhit sa pangungusap.
1. Si Manny “Pacman” Pacquiao ay isa sa tanyag na manlalaro sa larangan ng
boksing. (kilala, marupok)
2. Ang taong iyan ay isa sa mabuti kong kaibigan. (pusong mamon, mabait)
3. Tunay na makupad kumilos ang mga bata sa umaga. (mabilis, mabagal)
4. Ang dalagang nakilala ko kahapon ay sadyang marikit. (mahinhin, maganda)
5. Ang bago kong tanim na halaman sa hardin ay mahalimuyak.
(mabango, maayos)

30
GAWAIN 2: Punan ng nawawalang letra ang salita upang mabuo ang tamang
sagot. Gamiting gabay ang ibinigay na kahulugan upang makabuo ng
makabuluhang pangungusap.
1. maliit, unano __ A __ D __ ___
2. madaya, mapanlinlang __ U __ O
3. mahirap, anak-pawis D __ __ __ A
4. iyak, pagluha __ A __ G __ S
5. tama, wasto T __ __ P __ K

GAWAIN 3: Isulat sa patlang ang paraan ng pagpapahayag na nangibabaw sa bawat


pangungusap. Isulat ang NAGSASALAYSAY, NAGLALAHAD, NANGANGATWIRAN
O NAGLALARAWAN sa bawat bilang.
__________1. Nakakatakot ang magpatayo ng mga gusali sa lugar na may
malambot na lupa.
__________2. Higit pa sa amoy ng mabahong isda ang mga taong hindi marunong
magmahal sa sariling wika.
__________3. Kung ano ang salapi sa ating pang araw-araw na pangangailangan
ay gayundin ang kagandahang-asal para sa ikabubuti ng ating
lipunan.
__________4. Ang katamaran ng tao ay ina ng kaunlaran.
__________5. Dumadami na ang populasyon sa Pilipinas kaya kailangan nang
magtatag ng batas na sa isang pamilya may dalawang anak lamang.

GAWAIN 4: Gamit ang editoryal kartun ilahad ang iyong sariling ideya gamit ang
mga pang-ugnay.

Isaisip
Gamit ang KWL tsart, itala ang alam na, nais malaman at nalaman sa pag-aaral ng
mga pang-ugnay sa paglalahad ng sariling pananaw.

Alam na Nais malaman Nalaman

Isagawa
GAWAIN 1: Bilang kabataan sa kasalukuyan, paano mo ilalarawan ang iyong
relasyon sa iyong pamilya? Ipaliwanag sa dalawang talata na may tiglilimang
pangungusap sa paraang nagpapabatid.

31
GAWAIN 2: Gamit ang grap sa ibaba, ipaliwanag ang iyong opinyon sa naging
resulta ng isinagawang sarbey tungkol sa tanong na “Alin sa mga babasahin ng
Timog Silangang Asya ang iyong nagustuhan?

mga Mag- Mga Akdang Pampanitikan sa Timog Silangang


Bilang ng

aaral Asya
10
0
Maikling
Maikling KwentoNobela
Kuwento Nobela Tula Sanaysay Dula

Tayahin
A. Bilugan ang salita sa loob ng pangungusap na kasingkahulugan ng salitang
nasa loob ng panaklong.
(kawal) 1. Ang sultana ay nagpadala ng mga sundalo sa lahat ng dako
upang malaman kung may nabubuhay na babaing higit na
maganda kaysa sa kanya.
(pinag-interesan) 2. Pinagnanasaang pasukin ng sultan ang palasyong nakatayo
sa loob ng kagubatan.
(nagtagal) 3. Hindi naglaon, ang madilim na balak ng asawa ay
natuklasan ng sultan.
(layunin) 4. Ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang pakay sa mahal na
hari.
(kinalakihan) 5. Ang mga bata ay lubos na minahal at inaruga ng kanyang
mga kinagisnang magulang.

B. Suriin ang mga pangungusap at isulat sa patlang kung anong paraan ng


pagpapahayag ang ginamit dito.
6. Mahuhusay ang mga karakter ng Moro-moro. __________________________________
7. Nayanig ang lahat sa lakas ng lindol kanina. ___________________________________
8. Papulahin ang asukal sa mantikilya. Ihalo ang hiniwang sibuyas. Lutuin at kung
luto na ang sibuyas, isama ang harina at papulahin din. _______________________
9. Makulit ang batang paslit na si Emilio. ________________________________________
10. Hindi matatawaran ang pag-iibigan nina Florante at Laura. ___________________

Karagdagang Gawain

Magsagawa ng sarbey sa inyong pamilya tungkol sa mga sumusunod na tanong.


Mga Tanong Maikling Sanaysay Tula Nobela Dula
Kwento
1. Anong akdang
pampanitikan ang
pamilyar sa inyo?
2. Ano ang
pinakagustong
basahin?

Isulat ang inyong opinyon batay sa naging resulta ng isinagawang sarbey.

32
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Ikawalong Linggo
Aralin * Pagpapaliwanag sa Kahulugan ng Salita
* Pagbuo ng Kritikal na Paghusga
7 *
*
Paggamit ng mga Ekspresyon
Pagsusuri sa Pagkamakatotohanan ng
Ilang Pangyayari

Alamin
Pagkatapos mong sagutan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
 Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita habang nababago ang estruktura
nito F9PT-Ig-h-43
 Nabubuo ang kritikal na paghusga sa karakterisasyon ng mga tauhan at sa
epekto nito sa pagiging masining ng akda batay sa napakinggang mga
pahayag F9PN-Ig-h-43
 Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan (sa totoo,
talaga, tunay, iba pa) F9PS-Ig-h-45
 Nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari sa isang dula
F9PUIg-h-45

Subukin
A. Bilugan ang angkop na salita sa loob ng panaklong na kukumpleto sa
pangungusap.
1. (Sinilid, Sisilid, Sinilidan) niya ang mga gamit sa kanyang tampipi sa pag-alis.
2. Malayo pa ay (tinanaw, tatanawin, tinatanaw) na ni Intoy si Nene upang
salubungin.
3. (Itinatanim, Nagtatanim, Magtanim) siya ngayon sa kanilang bakuran upang
may maibenta.
4. Kinuha niya ang suklay at (inaayos, umayos, inayos) niya ang kanyang buhok
sa pag-alis.
5. Sinisikap niyang (pakainin, magpakain, ipakain) ang kanyang mga kapatid sa
abot nang makakaya.

Balikan
Punan ng angkop na salita ang sumusunod batay sa tinalakay noong
nakaraang aralin.
Ang _________ay isang akdang pampanitikan na naglalahad ng mga kuro-
kuro at damdamin ng isang tao hinggil sa isang paksa. Hango sa salitang ingles na
essayer na ang ibig sabihin ay ______________. Makatutulong ang paggamit ng mga
____________sa isang sanaysay na naglalahad ng opinyon.

33
Tuklasin
A. Bumuo ng sariling pahayag batay sa sumusunod na larawan.

1. 2. 3. 4. 5.

B. Pumili ng isang palabas sa telebisyon na lubos mong naibigan. Magbigay ng


ilang bahagi na nagpapakita ng makatotohanan at di-makatotohanang pangyayari
mula sa iyong pinanood.

Suriin
Tara na’t tuklasin ang pagbabago ng mga salita dahil sa paglalapi. Mga
salitang nagkakaroon ng pagbabago sa kahulugan batay sa estruktura nito.
SALITANG-UGAT- Ito ay isang salita na walang dagdag na paglalapi.
PANLAPI- ay isa o ilang pantig na idinaragdag sa unahan, gitna o hulihan ng mga
salitang-ugat upang makabuo ng isang panibagong salita.

MGA URI NG PAGLALAPI


1. Inunlapian - kapag ang unlapi ang ikinakabit sa salitang-ugat.
Halimbawa: mag + biro = magbiro um + asa = umasa
2. Ginitlapian - kapag ang panlapi ang inilagay sa gitna ng salitang-ugat.
Halimbawa: takbo+-um- = tumakbo kirot + -um- = kumirot
3. Hinunlapian - kapag isang hulapi ang inilagay sa salitang–ugat
Halimbawa: sayaw + in= sayawin buhat + in= buhatin
4. Kabilaan - kapag isang unlapi at isang hulapi ang sabay na inilagay sa isang
salitang-ugat.
Halimbawa: mag + takbo + han= magtakbuhan pag + tanim + an= pagtaniman
5. Ginitlapian at hinulapian - kapag isang gitlapi at isang hulapi ang ikinabit sa
isang salitang-ugat.
Halimbawa: tawag + -in- + -an = tinawagan sabi + -in- + - han= sinabihan
6. Laguhan - kapag isang unlapi, isang gitlapi at isang hulapi ang inilagay sa isang
salitang-ugat. Halimbawa: ipag + sigaw + -um- + -an = ipagsumigawan

DULA
Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming
tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
Ang mga gumaganap sa dula ang siyang bumubuhay ng kuwento. Mahalaga ang
mga tauhan sa dula dahil sila ang mga aktor na gumaganap sa mga karakter sa dula
upang maipakita ang tiyak na layunin ng may-akda sa kanyang isinulat.
TAUHAN- Isa sa mga sinusuri sa pagbabasa ng mga akdang pampanitikan. Ang
mga tauhan ang nagbibigay kulay sa kasiningan ng akda.

URI NG TAUHAN BATAY SA KARAKTER


Tauhang Lapad (Flat) - Ang tauhang lapad ay walang pagbabago. Stereotype o
karaniwan ang kanyang karakter.
Bilugang Tauhan (Round) - Ibig sabihin siya ang klase ng tauhan na may
pagbabago sa karakter. Maaaring siya ay masama sa umpisa ngunit naging mabait
sa huling bahagi ng akda o mabait na naging masama dulot ng mga naranasan sa
buhay.

34
PANDAGDAG NA KAALAMAN SA TAUHAN
Pangunahing Tauhan- siya ang pinakamahalagang tauhan sa akda. Sa
pangunahing tauhan umiikot ang kuwento, mula sa simula hanggang sa wakas.
Kadalasan sila ang mga Protagonista o bidang tauhan.
Katunggaling Tauhan- siya ang sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan.
Mahalaga ang papel na kanyang ginagampanan sapagkat sa mga tunggaliang ito
nabubuhay ang mga pangyayari sa akda. Kadalasang sila ang mga Antagonista o
kontra sa bidang tauhan.
Pantulong na Tauhan- ang pantulong na tauhan gaya ng ipinahihiwatig ng
katawagan ay karaniwang kasama ng pangunahing tauhan. Ang pangunahing
tungkulin nito sa akda ay ang maging kapalagayang loob o sumusuporta sa tauhan.
Isa pang tawag sa kanila ay Confidant.
Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan
Ang isang pahayag ay makatotohanan kung ito’y may suportadong datos, pag-
aaral, pananaliksik at suportang impormasyong napatunayang tama o mabisa para
sa lahat. Ang ganitong uri ng pahayag ay karaniwang may siyentipikong basehan
gaya ng agham at siyensya.
Sa pagpapahayag ng katotohanan, kailangang maging tumpak at wasto ang
mga pahayag, salita at gramatikang gagamitin sa pagpapahayag. Ang mga
sumusunod ay mga panandang ginagamit sa pagpapahayag ng katotohanan: totoo,
talaga, tunay, sa katunayan, ayon sa, batay sa, alinsunod, mula sa datos na aking
nakalap at marami pang iba.
Ang dula ay isang kathang ang layunin ay ilarawan sa isang tanghalan sa
pamamagitan ng kilos at galaw, ang isang kawil ng mga pangyayaring naghahayag
ng mga kapana-panabik na bahagi ng buhay ng tao. Bagamat sinasabing ang dula
ay “imitasyon ng buhay”, hindi pa rin maikakailang mahirap talagang mailarawan
ang imitasyong ito sa isang dulang nasusulat o sa isang dulang itinatanghal. May
kasangkapang ginagamit ang isang manunulat ng dula bilang pamalit sa realidad o
tunay na buhay at upang tanggapin at paniwalaan ng mga manonood na
makatotohanan ang ipinakikita sa dula kahit na alam nilang hindi ito totoo.
Sa pamamagitan ng dula, nailalarawan ang buhay ng tao na maaaring
malungkot, masaya, mapagbiro, masalimuot at iba pa. Ang dula ay nagpapakita ng
mga makatotohanang pangyayaring nagaganap sa tunay na buhay.

Pagyamanin
GAWAIN 1: Salungguhitan ang angkop na salita upang mabuo ang pangungusap.

1. Inutusan siya ng kanyang ina na (nag-ipon, inipon, ipunin) ang mga


nahalungkat na basura na puwede pang pakinabangan.
2. Ang mga batang palaboy ay (nanguha, kumuha, pinagkunan) ng basura sa
tambakan upang pagkakitaan.
3. (Naawa, Kinaaawaan, Maawain) sila ng mga tao ngunit hindi naman magawang
tulungan sa kanilang kasalukuyang kalagayan.
4. Hindi sila (paghihirap, naghirap, mahirap) dahil gusto nila, ipinanganak silang
ganoon ngunit nagsisikap upang magkaron ng magandang buhay.
5. May ilang pinalad at (baguhin, pagbabago, nabago) ang buhay dahil sa
pagsisikap o di kaya pinagkaloob ng kapalaran.

GAWAIN 2: Sumulat ng limang karapatan na pinagkait sa mga bata sa dulang


“Putik sa Layag ng Bangka” sa link na https://bit.ly/3BcfvLW.

GAWAIN 3: Punan ng angkop na ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan

35
ang bawat bilang. Piliin sa cup cake organizer ang sagot.

Tunay Ayon sa Totoong Alinsunod Batay

1. _______ sa ilalim ng GCQ, patuloy pa ring ipapatupad ang paggamit ng


Quarantine Pass sa Lungsod ng Valenzuela.
2. Ang mga pasaherong sasakay sa mga pampublikong transportasyon ay dapat
na magsuot ng face shield at face mask, ito ay ____________ sa Memorandum
Circular No. 2020-014 ng DOTr.
3. _________ bisa ng Ordinance No. 745 Series 2020, ang mga kabataang
Valenzuelano na 17 taong gulang pababa ay mahigpit na pinagbabawalang
lumabas ng kanilang mga tahanan.
4. Sa ibinigay na paalala ni Mayor Rex Gatchalian, _______ na hindi maaaring
gamitin ng mga senior citizen ang Quarantine Pass maliban kung sila lamang
ang maaasahang lumabas ng tahanan.
5. _________ sa Maynilad, makararanas ng pagkaantala ng tubig ang ilang
barangay sa lungsod ng Valenzuela.

GAWAIN 4: Magtala ng mga pangyayari sa dulang “Putik sa Layag ng Bangka” na


nagpapakita ng pagkamakatotohanan at di-makatotohanan nito.
1. Makatotohanang Pangyayari:
Patunay: ______________________________________________________________________
2. Di-Makatotohanang Pangyayari:
Patunay: ______________________________________________________________________

Isaisip
Dugtungan ang pahayag ng mga natutuhan sa aralin.
Napatunayan ng dulang aking binasa na _________________________________
Mula nang nabasa ko ito, natutuhan ko na ________________________________

Isagawa
GAWAIN 1: Paghambingin ang dulang “Putik sa Layag ng Bangka” at “Ito Pala
ang Inyo” na matutunghayan sa Facebook Page batay sa pagiging makatotohanan
ng ilang pangyayari sa akda. Magbigay ng maikling kongklusyon sa ginawang
paghahambing.
Putik sa Layag ng Bangka Ito Pala ang Inyo
Makatotohang Pangyayari: Makatotohanang Pangyayari:
_________________________________ _________________________________

Kongklusyon:___________________________________________________________

GAWAIN 2: Gumamit ng mga paglalapi sa pagbibigay ng mga solusyon sa mga isyu


o problemang panlipunan.
1. Karahasan
2. Mga Batang Lansangan

36
3. Paglabag sa Karapatang Pantao
4. Basura
5. Kahirapan

Tayahin

A. Isulat ang panlapi at uri nito na ginamit sa sumusunod na salita.


PANLAPING GINAMIT URI NG PAGLALAPI
1. kaginhawahan __________________ _________________
2. maligaya __________________ _________________
3. kinikita __________________ _________________
4. kasamahan __________________ _________________
5. pinahihirapan __________________ _________________

B. Ikahon ang letra ng angkop na katangian ng tauhan sa dula.

1. “Maski na po ako ganito… Honest po ako!...Ayokong manloko! - Pulubi


A. madiskarte B. manloloko C. matapang D. matapat
2. “Tse! Ikaw pala. Naririto ka pala! Magkano ang sweldo mo rito?” –Donya
Dolores
A. mabait B. maluho C. mapagpasensiya D. matapobre
3. “Pag meron ang Ate mo, meron ka rin Boy.” -Fidel
A. mabait B. madiskarte C. masikap D. patas
4. “Pa, sa tingin ko, mas mahal mo pang trabaho mo kaysa sa amin.” –Rosa
A. iyakin B. mabait C. masipag D. matampuhin
5. “Kahit isang milyon, Ate, ayoko pa rin. Kasi sabi ng Lola at ng Mommy
masama raw yung masyadong matakaw sa pera, di ba?” – Boy
A. gahaman B. mabuti C. makatwiran D. takot

Karagdagang Gawain
Suriin ang dula na “Putik sa Layag ng Bangka” ni Servillano T. Marquez Jr.
na makikita sa https://bit.ly/3BcfvLW. Ilahad ang bisang pangkaisipan at
pandamdamin ng akda sa tulong ng mga ekspresyong nagpapahayag ng
katotohanan bilang patunay. Gamiting gabay ang pamantayang ibibigay ng guro sa
pagsagot.

37
Sanggunian
Dayag, A. et al. (2015). Pinagyamang Pluma 9. Quezon City. Phoenix Publishing
House, Inc.
https://philnews.ph/2020/07/10/mga-tula-ni-jose-rizal-poems-of-rizal-english-
tagalog/
http://marebuen.blogspot.com/2014/06/kultura-ang-pamana-ng-nakaraan-
regalo.html
https://images.app.goo.gl/ZZLXY69TBacWWEnK8
http://rosiefilipino10.weebly.com/nobela.html#/
https://gabay.ph/tula/
https://philnews.ph/2019/07/16/sanaysay-kahulugan-uri-bahagi/
https://www.facebook.com/ValenzuelaCityGov
https://iamcarlitorobin.wordpress.com/tag/kasaysayan-ng-dula/.
https://rosiefilipino10.weebly.com/dula.html#/.
https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/bansa/2020/08/23/2037218/paggamit-sa-mga-iskul-bilang-isolation-
facilities-kinontra
https://books.google.com.ph/books?id=Pjxau4qQniEC&pg=PA157&lpg=PA157&dq
=%E2%80%9CPutik+sa+Layag+ng+Bangka%E2%80%9D+ni+Servillano+T.+Marque
z+Jr.&source=bl&ots=LN6VmGGt_m&sig=ACfU3U2gXFHNRi9yAAuIsvA0Ied5EsHUj
A&hl=fil&sa=X&ved=2ahUKEwif9J_1mrDrAhUKBZQKHRMLB08Q6AEwAHoECAEQ
AQ#v=onepage&q=%E2%80%9CPutik%20sa%20Layag%20ng%20Bangka%E2%80
%9D%20ni%20Servillano%20T.%20Marquez%20Jr.&f=false.

38

You might also like