AP 5 Q1 M5 Ekonomikong Pamumuhay NG Mga Pilipino Sa Panahong Pre Kolonyal 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 25

5

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 5:
Ekonomikong Pamumuhay ng mga
Pilipino sa Panahong
Pre-Kolonyal
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Ekonomikong Pamumuhay ng mga Pilipino sa Panahong
Pre-Kolonyal
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Karla Y. De Leon
Editor: Alma G. Pineda EdD
Tagasuri: Leslie D. Pasion
Katherine M. Dela Cruz
Evelyn G. De Guzman
Jerine Michyla D. Ocampo
Liezel M. Gotgotao
Mary Jane P. Mangune
Edquel Reyes
Tagaguhit: Isagani D. Tique
Tagalapat: Armando Deogines A. Garcia
Edquel M. Reyes
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, Ceso V
Ronelo Al K. Firmo PhD, Ceso V
Librada M. Rubio EdD
Ma.Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Elizabeth O. Latorilla PhD
Sonny N. De Guzman EdD
Remedios C. Gerente
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Region III
Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph

ALMA G. PINEDA EdD


5

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 5:
Ekonomikong Pamumuhay ng mga
Pilipino sa Panahong
Pre-Kolonyal
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan Baitang 5 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ekonomikong Pamumuhay
ng mga Pilipino sa Panahong Pre-Kolonyal.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

2
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan Baitang 5 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ekonomikong Pamumuhay ng mga
Pilipino sa Panahong Pre-Kolonyal.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


Subukin ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi
sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

3
Ito ay naglalaman ng gawaing
Isagawa makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay
na sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin
Gawain ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
Susi sa lahat ng mga gawain sa modyul.
Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan


Sanggunian sa paglikha o paglinang ng modyul na
ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

4
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at inilaan para sa iyo upang matutunan ang
konsepto ng pang-ekonomikong pamumuhay ng mga Pilipino sa panahong pre-
kolonyal. Ang paggamit ng modyul na ito ay maari sa iba’t ibang sitwasyon ng
pagkatuto. Ang wikang ginamit ay kinikilala ang magkakaibang antas ng
bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay nakaayos ayon sa pamantayang
pagkasunod-sunod ng kurso. Ngunit ang pagkakaayos kung paano mo basahin ay
maaring magbago para itugma sa iyong aklat na ginagamit ngayon

Nasusuri ang pang-ekonomikong pamumuhay ng mga Pilipino sa panahong


pre-kolonyal a. panloob at panlabas na kalakalan b. uri ng kabuhayan (pagsasaka,
pangingisda, panghihiram/pangungutang, pangangaso, slash and burn,
pangangayaw, pagpapanday, paghahabi atbp) - AP5PLP- Ig-7

Ang araling tatalakayin sa modyul na ito ay tungkol sa:


● Leksyon 1 – Panloob at panlabas na kalakalan ng mga Pilipino
● Leksyon 2 – Uri ng kabuhayan ng mga Pilipino sa panahong pre-kolonyal

Pagkatapos ng pagtalakay sa araling ito, ikaw ay inaasahang:


1. natutukoy ang panloob at panlabas na kalakalan ng mga Pilipino;
2. naiisa-isa ang mga uri ng kabuhayan ng mga sinaunang Pilipino; at
3. nailalarawan ang mga uri ng kabuhayan ng mga sinaunang Pilipino.

1
Subukin

Panuto: Paano namuhay ang mga sinaunang Pilipino noon? Ano-ano ang mga
nakikita mong paraan ng kanilang paghahanapbuhay batay sa larawan
na nasa ibaba? Isulat sa patlang ang iyong mga napansin.

1. ____________________________________________________
2. ____________________________________________________
3. ____________________________________________________
4. ____________________________________________________
5. ____________________________________________________
6. ____________________________________________________
7. ____________________________________________________
8. ____________________________________________________
9. ____________________________________________________
10. ____________________________________________________

2
Aralin Ekonomikong Pamumuhay
5 ng mga Pilipino sa Panahong
Pre-Kolonyal
Ang kapuluan ng Pilipinas ay sagana sa likas na yaman. Ang kapaligiran nito
ay nagtataglay ng iba't ibang anyong lupa at anyong tubig na nagbibigay ng
kabuhayan sa mga naninirahan dito. Ang mga sinaunang Pilipino ay natutong
makiangkop sa kanilang kapaligiran. Sa kanilang pagtatatag ng permanenteng
tirahan, natutuhan nilang humanap ng pamamaraan upang matustusan ang
kanilang pangangailangan mula sa kanilang kapaligiran.

Nabuo ang iba't ibang uri ng pamayanan ayon sa uri ng kanilang


ikinabubuhay. Ang mga nanirahan sa mga patag na lugar na may matabang lupain
ay nakapagtatag ng kabuhayan gaya ng pagsasaka at pagtatanim. Samatalang ang
mga nanirahan malapit sa dagat at katubigan ay nagtatag ng pamayanang
pangisdaan. May mga naitatag din sa mga mabundok na lugar tulad ng pangangaso
at pagmimina.

Sa araling ito, ating pag-aaralan ang mga uri ng paghahanapbuhay ng ating


mga ninuno sa panahong pre-kolonyal.

Balikan

Sa nakaraang aralin, ating napag-aralan ang pamumuhay ng mga sinaunang


Pilipino sa panahon pre-kolonyal. Ngayon, sagutin ang sumusunod na tanong bilang
pagbabalik-aral.

Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan at isulat sa sagutang papel ang
letra ng tamang sagot.

1. Ito ang panahon kung saan hindi pa nasusulat sa kasaysayan?

a. Panahon ng Prehistoriko
b. Panahon ng Histrotiko
c. Panahon ng Prayle
d. Panahon ng Mananakop

3
2. Ito ang panahon kung saan umusbong ang sinaunang kultura at gumamit ng
mga kasangkapang bato?
a. Panahon ng Metal
b. Panahon ng Bato
c. Panahon ng Buhangin
d. Panahon ng Putik

3. Saan pinaniniwalaang nanggaling ang mga tanso na ginamit noon?


a. Kapatagan ng Pilipinas
b. Karagatan ng Pilipinas
c. Karatig Bansa ng Pilipinas
d. Kabundukan ng Pilipinas

4. Ito ang panahon kung saan sinasabing ang ating mga ninuno ay gumamit ng
metal sa kanilang mga kasangkapan?
a. Panahon ng Bato
b. Panahon ng Buhangin
c. Panahon ng Metal
d. Panahon ng Putik

5. Saan pinaniniwalaang nanggaling ang bronse ng mga sinaunang Pilipino?


a. sa mga mangangalakal ng Timog-silangang Asya
b. sa mga mananakop na Hapon
c. sa mga dayuhang Amerikano
d. sa mga mandirigmang Prayle

6. Ano ang mga kagamitang natagpuan sa Kalanay, Masbate at Novaliches, Quezon


City?
a. palaso at sibat
b. bangga at palayok
c. bangka at kagamitan sa pangingisda
d. talim ng sibat, kampit, gulok at kusilyo

7. Ito ang panahon na pinaniniwalaang nabuhay ang Taong Tabon sa Palawan at


Taong Callao sa Cagayan?
a. Panahong Neolitiko
b. Maagang Panahon ng Metal
c. Panahong Paleolitiko
d. Maunlad na Panahon ng Metal

8. Ito ang panahon kung saan pinakinis ng mga sinaunang Pilipino ang mga
magagaspang na bato at namuhay sa tabi ng dagat at ilog?
a. Panahong Paleolitiko
b. Panahong Neolitiko
c. Maagang Panahon ng Metal
d. Maunlad na Panahon ng Metal

4
9. Ano ang ginamit na imbakan sa mga sobrang pagkain at sisidlan ng mga yumao
ng mga sinaunang Pilipino?
a. plato at baso
b. timba at tabo
c. kawali at kaserola
d. bangga at palayok

10. Paano namuhay ang mga sinaunang Pilipinong nanirahan sa mga yungib?
a. pangingisda at pagmimina
b. paghahabi at paggawa ng bangka
c. pangangaso at pangangalap ng pagkain
d. pagtatanim at pagsasaka

Mga Tala para sa Guro


Ang sumusunod na aralin ay may kinalaman sa pang-
ekonomikong pamumuhay ng mga Pilipino sa panahong pre-
kolonyal. Mainam na gabayan ang mga mag-aaral sa pagtalakay ng
aralin sa pamamagitan ng paggamit ng modyul na ito.
Maaaring ipaliwanag sa mga magulang kung paano
matutulungan ang kanilang mga anak sa paggamit ng modyul na
ito.

5
Tuklasin

Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang pinapahayag na pangungusap.
Kung ito naman ay MALI, palitan ang salitang may salungguhit upang
maging tama. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

____________ 1. Ang likas na yamang matatagpuan sa kapaligiran ang pinagkunan


ng ikabubuhay ng mga sinaunang Pilipino.

____________ 2. Ang pangingisda ang naging hanapbuhay ng mga naninirahan sa


tabing-ilog at tabing-dagat

____________ 3. Umunlad ang kalakalan ng palitan ng mga produkto o mas kilala


sa tawag na barter sell.

____________ 4. Ang Angat Dam ang isa sa mga naging daan upang madaling
madala ang mga paninda mula Maynila patungo sa iba’t ibang
pamayanan.

____________ 5. Ang tanso ay ginagamit nila sa paggawa ng mga palamuti at


alahas.

____________ 6. Sapat ang likas na yaman ng Pilipinas noon sa mga


pangangailangan ng ating mga ninuno.

____________ 7. Ang bakal ay ginagamit nila sa paggawa ng mga kagamitan sa


pagsasaka, mga sandata at iba pa.

____________ 8. Gumawa ng kagamitan sa pagsasaka ang mga ninuno natin gaya


ng lambat, pamingwit, pana, at iba pa.

____________ 9. Ang mga bundok noon ay sagana sa ginto at iba pang mineral.

____________ 10. Kumukuha at nanghuhuli ng isda at iba pang lamang-dagat ang


ating mga ninuno sa karagatan.

6
Suriin

Ekonomikong Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino


Malaki ang naging kaugnayan ng kapaligiran sa naging hanapbuhay ng mga
sinaunang Pilipino. Ang mga likas na yamang matatagpuan sa kapaligiran ang
kanilang pinagkunan ng ikabubuhay.

Nagsimula umunlad ang pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino nang


matuto ang mga ito na magtanim ng iba’t ibang halaman at mapaunlad ang paraan
ng pagsasaka. Dahil dito, nakapag-imbento sila ng mga kagamitang pansakahan.
Ang pagkakaroon ng sapat na pagkain ang nagbigay daan sa kanilang pamamalagi
sa isang lugar. Nagkaroon din sila ng panahon para sa iba pang mga gawaing
pangkabuhayan tulad ng kalakalan. Dito sila rin mismo ang pumipili ng kanilang
mga pinuno at nakikipag-palitan ng mga produkto sa iba’t ibang pangkat.

Umunlad ang kalakalan ng palitan ng mga produkto o mas kilala sa tawag


na barter change ang ating mga ninuno. Noon, sa maliliit na nayon o barangay
nakasentro ang pakikipagkalakalan ng mga Pilipino sa mga dayuhan. Namimili ang
mga Pilipino nang maramihan o pakyawan sa pamamagitan ng pakikipagpalit ng
produkto. Kalimitang palay, isda, kopra, niyog, troso, ginto at iba pa ang kanilang
kinakalakal.

Tanyag na sentro ng kalakalan noon ang Maynila na kilala sa tawag na


Tondo. Ang ilog Pasig ang isa sa mga naging daan upang madaling madala ang mga
paninda mula Maynila patungo sa iba’t ibang pamayanan. Nang lumaon,
nakipagkalakalan na rin ang ating mga ninuno sa ibang bansa sa Asya gaya ng
India, Indonesia, China at sa iba pang karatig-bansa. Naging madali ang kanilang
pakikipagkalakalan sa ibang bansa dahil sa mainam na paggamit ng
transportasyong pandagat.

Mga Kabuhayan ng mga Sinaunang Pilipino

Pangingisda

Ang pangingisda ang naging hanapbuhay ng


mga naninirahan sa tabing-ilog at tabing-dagat. Mga
isda at lamang-dagat ang pangunahin nilang
pagkain. Natutuhan nilang gumawa ng mga
panghuli sa mga ito gaya ng lambat, pamingwit,
sibat, patpat, kawayan, pana at iba pa.

Pagsasaka at Pagtatanim

7
Ang pagsasaka at pagtatanim naman
ang ikinabubuhay ng mga sinaunang Pilipino
na nanirahan sa mga kapatagan,
kabundukan at iba pang mga kalupaan.
Naging pangunahin nilang pagkain ang mga
pananim at mga bungang-kahoy. Natutunan
nila ang pagtatanim at pangbubungkal ng
lupa upang maging mataba ang kanilang
pananim. Kalabaw ang ginamit nilang
katulong sa pag-aararo. Marunong din silang
gumawa ng mga patubig. Isang patunay nito
ay ang mahusay na paggawa sa bantog na
Banawe Rice Terraces na likha ng mga magsasakang Ifugao.

Pangangaso

Pangangaso naman ang ikinabubuhay


ng ibang mga sinaunang Pilipino, lalo na ang
mga nakatira malapit sa kagubatan.
Gumamit sila ng sibat, pana at mga patibong
upang makapanghuli ng mga hayop sa gubat.
Pero nang maglaon ay natutuhan din nila ang
pag-aalaga sa tirahan ng kanilang mga hayop
gaya ng baboy, baka, kambing, manok at iba
pa upang hindi na nila kailanganing
mangaso.

Pagmimina
Dumating naman ang panahon ng
matuklasan ng ating mga ninuno ang
kahalagahan ng metal at gamit nito. Natuto sila ng
paraan ng pagmimina ng iba’t ibang uri ng metal
tulad ng ginto, tanso, bakal at pilak. Ang ginto ay
ginagamit nila sa paggawa ng mga palamuti at
alahas. Ang tanso ay ginagawang kagamitan sa
pagluluto tulad ng kawali at kaldero. Ang bakal
naman ay ginagamit nila sa paggawa ng mga
kagamitan sa pagsasaka, mga sandata at iba pa.

8
Pagkakaingin o Pagtotroso
Ito ay ang paglilinis ng ilang bahagi
ng lupa sa mga kabundukan sa
pamamagitan ng pagsusunog ng mga
damo at iba pang ligaw na halaman. Ito
rin ay ang pagpuputol ng maraming puno.
Sinasabi na pagkatapos ng paglilinis, ito
ay tinataniman ng mga halamang pagkain
tulad ng palay, mais, gulay at iba pang
halamang ugat. Ang mga pinutol naman
na puno ay ginagawang sasakyang-dagat
tulad ng barko at bangka na ginagamit sa pakikipagkalakalan.

Ang pagkakaingin ay mga paraang nakatutulong sa pamumuhay ng tao,


ngunit sinasabi ring hindi ito lubos na mabisang paraan sapagkat nagdudulot ito
ng kapinsalaan tulad ng pagbabaha at pagka-kalbo ng kagubatan dahilan upang
mawalan ng tirahan ang mga ibon.

Paghahabi

Ang paghahabi ay proseso kung saan sinasala ang mga sinulid mula sa mga
kulay na nakapahalang at pababa nito upang makabuo ng tela. Ito ay isa sa
pinakakilala sa pagbuo ng tela na may iba’t ibang uri ng disenyo. Gumagamit sila
ng habihan upang makabuo ng magandang disenyo ng tela.

Ang paghahabi ay isang sinauna o daan-taon nang tradisyon at bahagi ng


ikinabubuhay ng mga sinaunang Pilipino sa bansa at kadalasan itong ginagawa ng
mga kababaihan.

Ito ay tradisyong pangkabuhayan ng mga


tao mula sa Ifugao, Kalinga, Basilan, Mindanao at
iba pang lugar sa Pilipinas.

Isa sa mga kilalang halimbawa ay ang


tradisyon ng mga Yakan sa probinsya ng Basilan
na tinatawag na "tennun", nagpapakita ito ng
kanilang kakaibang galing sa paghahabi gamit ang
iba’t ibang kulay ng sinulid upang makabuo sila ng kakaibang disenyo ng mga tela.
Ito ay natutunan nila sa kanilang mga ninuno at hindi nawawala bagkus mas lalo
pa nila itong pinagyaman sa pamamagitan ng pagtuturo rin sa kanilang mga anak
at mga nakababatang kaanak upang mapanatili ang pagsasalin-salin sa mga
henerasyon.

Ang mga telang gawa sa tennun ay madalas ginagamit sa paggawa ng iba’t


ibang mga produkto tulad ng mga kasuotan, bag at mga dekorasyon.
Ipinagmamalaking suot ito kadalasan ng mga taga Basilan kapag dumadalo sila ng
ibat ibang mga okasyon dito sa probinsya at maging sa ibang lugar. Anila, isa itong
paraan upang mas maipakita nila at maipakilala ang taglay na talento ng mga Yakan

9
at ipinagmamalaki nila ito bilang simbolo ng kanilang makulay at makasaysayang
tradisyon.

Pakikipagkalakalan

Natuklasan ng mga sinaunang Pilipino


ang kanilang pangangailangan na
makipagkalakalan. Upang magkaroon sila ng
mga gamit na wala sa kanilang lugar,
nakipagpalitan sila ng kalakal sa mga karatig
barangay. Hindi naglaon ay natutuhan na rin
nila ang pakikipagkalakalan sa mga taga-ibang
bansa, bunga ng pagiging malapit ng Pilipinas
sa ilang bansa sa Silangan.

10
Pagyamanin

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang uri ng pamumuhay batay
sa kapaligiran ng mga sinaunang Pilipino. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

____________ 1. Ibinebenta ni Aling Doren ang mga nahuling isda ni Mang Benjie
sa palengke upang may pambili sila ng pagkain sa pang araw-araw.
____________ 2. May malawak na bukirin si Mang Lito sa probinsya kaya naman
minabuti niyang tamnan ito ng sari saring gulay.
____________ 3. Madalas na nagpupunta sina Mang Edgar sa kabundukan upang
maghukay ng mga mamahaling ginto at mineral para may
mapagkukunan sila ng kabuhayan.
____________ 4. Nakatayo ang bahay nina Mang Kiko and Aling Klara malapit sa
dagat kaya hindi nakapagtataka na mahilig sa isda at iba pang
lamang-dagat ang kanilang mga anak.
____________ 5. May taniman ng palay sina Marlon sa probinsya na siyang
pinagkukunan ng pagkain ng kanyang pamilya.
____________ 6. Si Aling Perla ay mahilig maghabi ng mga sinulid upang siya ay
makagawa ng isang magandang tela na kanyang ipinagbebenta sa
palengke.
____________ 7. Si Mang Arnold ay mahilig makipagpalitan ng mga produkto sa
kanyang mga karatig-barangay.
____________ 8. Ang mga kalalakihan sa isang barangay ay mahilig mamutol ng
mga malalaking puno upang gawing bangka.
____________ 9. Si Lolo Toni ay mahilig manghuli ng mga maiilap na hayop sa
kagubatan upang siya ay may makain sa kanyang pang araw-araw.
____________ 10. Sina Joel at Jerami ay palaging may dalang lambat at pamingwit
na kanilang ginagamit sa tuwing sila ay pumapalaot sa karagatan.

Isaisip

11
Ngayong nalaman na natin ang mga kabuhayan ng ating mga ninuno. Anong
uri ng hanapbuhay ang inilalarawan sa ibaba.

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

____________ 1. Ito ay ang pamumutol ng malalaking puno para gawing bangka.


____________ 2. Ito ay ang panghuhuli ng mga maiilap na hayop sa kagubatan
upang sila ay may makain.
____________ 3. Ito ay ang pangunguha ng mga lamang-dagat.
____________ 4. Ito ay ang paghuhukay ng mga ginto, tanso, bakal at pilak.
____________ 5. Ito ay ang pagbubungkal ng lupa upang maging mataba ang
kanilang pananim.
____________ 6. Ito ay hanapbuhay na gumagawa ng tela gamit ang iba’t ibang klase
ng sinulid.
____________ 7. Ito ay hanapbuhay na nakikipagpalitan ng mga produkto o kalakal
sa mga tao sa mga karatig-barangay o maging sa karatig-bansa.
____________ 8. Ito ang hanapbuhay ng mga ninunong naninirahan sa
kapatagan/kabundukan.
____________ 9. Ito ang hanapbuhay na gumagamit ng habihan sa pagsasama-
sama ng mga sinulid upang makabuo ng magandang disenyo ng
tela.
____________ 10. Ito ang hanapbuhay ng mga ninunong nakatira malapit sa
katubigan.

Isagawa

Panuto: Pumili mula sa kahon at isulat kung anong paraan ng paghahanapbuhay


may kaugnayan ang mga sumusunod na salita. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

12
PAGSASAKA PANGINGISDA

PAGHAHABI

PAGMIMINA PAGTOTROSO

1. Tanso - __________________________________

2. Banawe Rice Terraces - __________________________________

3. sibat - __________________________________

4. tela - __________________________________

5. pag-aararo - __________________________________

6. lambat - __________________________________

7. Kalabaw - __________________________________

8. Ginto - __________________________________

9. sinulid - __________________________________

10. kawali - __________________________________

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan at isulat sa sagutang papel ang
letra ng tamang sagot.

13
1. Ang tawag sa pakikipagpalitan ng mga produkto?
a. Barter change
b. Barter chase
c. Better change
d. Butter chase

2. Ang sentro ng kalakalan noon sa Pilipinas?


a. Baguio
b. Tarlac
c. Maynila
d. Batanes

3. Ang sumusunod ay mga bansa sa Asya na nakipagkalakalan, maliban sa isa,


alin ito?
a. America
b. India
c. Indonesia
d. China

4. Ang ilog na naging daan upang madaling madala ang mga paninda patungo
sa iba't ibang pamayanan?
a. Pangasinan
b. Pampanga
c. Palawan
d. Pasig

5. Ang Manila ang naging tanyag na sentro ng kalakalan noon na mas kilala sa
tawag na?
a. Talipapa
b. Tondo
c. Taguig
d. Tanza

6. Ang kabuhayan sa pamamagitan ng paghuhukay ng mga ginto, tanso, bakal


at pilak?
a. paghahabi
b. pangingisda
c. pagtotroso
d. pagmimina

7. Ang kabuhayan sa pamamagitan ng pamumutol ng malalaking puno sa


kagubatan para gawing bangka?
a. paghahabi

14
b. pangingisda
c. pagtotroso
d. pagmimina

8. Tawag sa proseso ng pakikipagpalitan ng iba’t ibang produkto sa ibang


karatig-lugar maging sa ibang bansa sa Asya?
a. pangangaso
b. pakikipagkalakalan
c. pangingisda
d. paghahabi

9. Ang paggawa ng tela gamit ang iba’t ibang klase ng sinulid. Ginagamit ang
habihan sa pagsasama-sama ng mga sinulid upang makabuo ng magandang
disenyo ng tela?
a. pangangaso
b. pakikipagkalakalan
c. pangingisda
d. paghahabi

10. Ang kabuhayan sa pamamagitan ng paghuli sa mababangis na hayop sa


kagubatan?
a. pangangaso
b. pakikipagkalakalan
c. pangingisda
d. paghahabi

Karagdagang Gawain

Panuto: Isulat kung ano ang iyong gagawin sa sumusunod na mga sitwasyon. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.

15
1-2. Nagtapon ang kaibigan mo ng balat ng kendi at iba pang pinagkainan sa
dagat. Ano ang sasabihin mo sa iyong kaibigan?
____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3-4. Nakita mo na may dumating na trak sa inyong lugar upang mamutol ng mga
puno. Ano ang gagawin mo?
____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5-6. Ginaya ng kaklase mo ang paraan ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino
tulad ng pangangaso. Pinapatay niya ang mga alagang manok at bibi ng
kanyang kapit-bahay. Ano ang gagawin mo?
____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
7-8. Nakita mo na ginugulangan ang bunso mong kapatid ng kanyang mga
kalarong bata dahil kinukumbisi siyang ipalit ang kanyang mamahaling
laruan sa isang kendi lamanag. Ano ang gagawin mo?
____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
9-10. Nagkaroon kayo ng pagtatanghal sa klase tungkol sa paraan ng pamumuhay
ng mga sinaunang Pilipino. Pinagtatawanan ng kaklase mo ang isa sa mga
nagtatanghal. Ano ang gagawin mo?
____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

16
17
Tayahin
1. A
2. C
3. A
4. D
5. B
6. D
7. C
8. B
9. D
10. A
Pagyamanin Isaisip Isagawa
1.Pangingisda 1.Pagkakaingin o 1. Pagmimina
2.Pagtatanim Pagtotroso 2. Pagsasaka
3.Pagmimina 2.Pangangaso 3. Pangingisda
4.Pangingisda 3.Pangingisda 4. Paghahabi
5.Pagsasaka 4.Pagmimina 5. Pagsasaka
6.Paghahabi 5.Pagsasaka at
7.Pakikipagkalakan 6. Pangingisda
Pagtatanim
8.Pagtotroso 7. Pagsasaka
6.Paghahabi
9.Pangangaso 8. Pagmimina
7.Pakikipagkalakan
10. Pangingisda 8.Pagsasaka 9. Paghahabi
9.Paghahabi 10. Pagmimina
10. Pangingisda
Subukin Balikan Tuklasin
1. Pangingisda 1. A 1. Tama
2. Pagsasaka 2. B 2. Tama
3. Pangangaso 3. D 3. Change
4. Pagmimina 4. C 4. ilog Pasig
5. Pakikipagkalakalan 5. A 5. ginto
6. Paghahabi 6. D 6. Tama
7. Pagtatanim 7. C 7. Tama
8. Pagtotroso 8. B 8. Pangingisda
9. Pagkakaingin 9. D 9. Tama
10. Pag-aalaga ng Hayop 10.C 10.Tama
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Aklat
Cacho, Filipinas O., and Erlinda F. Ferrer. 2007. Pilipinong Makabayan. Quezon
City: BOOKMAN, INC., pages 25-26
Gabuat, Maria Annalyn P., Michael M. Mercado, and Mary Dorothy dL. Jose. 2016.
Pilipinas Bilang Isang Bansa. Quezon City: Vibal Group Inc., pages 75-79
Hernandez, Vivian Lobaton. 1999. Pamana. Quezon City: Christian Publishing.,
pages 45-46
Palu-ay, Alvenia P. 2010. Makabayan: Kasaysayang Pilipino. Quezon City: LG & M
Corporation., pages 43-45

Elektronikong Hanguan
Delos Reyes, Nilda T. "Tagalog Feature: Tennun: Simbolo ng makulay na tradisyon at
kakaibang talento". Philippine Information Agency.
https://pia.gov.ph/news/articles/1018976 (accessed February 26, 2019)
Saksi Ngayon."PAGHAHABI: TRADISYON AT SINING NG MGA FILIPINO".
http://saksingayon.com/special-report/paghahabi-tradisyon-at-sining-ng-
mga-filipino/ (accessed July 11, 2019)

18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

19

You might also like