Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

11

Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Filipino
Unang Markahan – Modyul 4:
TUNGKULIN O GAMIT NG
WIKA SA LIPUNAN
Filipino – Ikalabing-isang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Tungkulin o Gamit ng Wika sa Lipunan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Virginia D. Dupio
Editor: Clinton T. Dayot, Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T. Venido, Gelyn I. Inoy,
Melle L. Mongcopa
Tagasuri: Ana Melissa T. Venido, Gelyn I. Inoy, Melle L. Mongcopa, Shem Don C. Fabila
Tagalapat: Romie G. Benolaria
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar Elmar L. Cabrera
Renante A. Juanillo

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
11
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Filipino
Unang Markahan – Modyul 4:
TUNGKULIN O GAMIT NG
WIKA SA LIPUNAN
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 11 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Tungkulin o Gamit ng Wika sa Lipunan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Tungkulin o Gamit ng Wika sa Lipunan!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda
sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

iv
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
ALAMIN

TUNGKULIN O GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

MGA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO

1. Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng


napanood na palabas sa telebisyon at pelikula (Halimbawa: Be Careful with
My Heart, Got to Believe, Ekstra, On The Job, Word of the
Lourd(http://lourddeveyra.blogspot.com))

2. Naipaliliwanag nang pasalita ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan


ng mga pagbibigay halimbawa.

PANIMULA

Magandang araw! Kumusta?


Naranasan mo na bang gamitin ang wika sa iba’t ibang
sitwasyon? Ano ang kapansin-pansin na pagkakatulad at pagkakaiba
sa gamit nito?
Sa araw na ito ay mayroonka na namang bagong aralin
matututuhan. Pag-aaralan mo ngayon ang gamit ng wika sa lipunan.
Ilagay mo ang iyong sarili sa bawat sitwasyon nang maiangkop mo ang
iyong sarili at ang iyong pananalita sa paksang iyong pag-aaralan.

1
MGA LAYUNIN

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na ikaw po ay:


1. Nakikilala at napag – iiba ang bawat gamit / tungkulin ng wika;

2. Naikakapit ang iba’t – ibang tungkulin ng wika sa mga aktwal na


sitwasyong pangkomunikasyon

3. Napahahalagahan ang isang pelikulang Pilipino sa pamamagitan ng


pagsusuri sa gamit ng wika sa mga linya/dayalogo ipinahayag ng mga
tauhan

SUBUKIN

PANIMULANG
PAGTATAYA

A. Basahin ang mga sitwasyon.

Isulat sa iyong kuwaderno kung Panregulatori, Pang-inter-aksiyonal,


Pampersonal, Pangheuristiko, Panrepresentatibo, Pang-instrumental at
Pang-imahinasyon ang gamit ng wika sa bawat sitwasyon.

1. Paghihinuha sa mga pangyayari sa kuwento.


2. Pagsasarbey kung ano ang wikang pambansa ng Pilipinas.
3. Pinauuwi ng ina nang maaga ang anak.
4. Pag-uulat sa klase ng tungkol sa kasaysayan ng wikang pambansa.
5. Paggawa ng liham na nagtatanong kung paano makakukuha ng iskolarsyip sa
isang unibersidad/kolehiyo.
6. Pagsasabi ng “Po” at “Opo” sa matanda habang kinakausap.
7. Pakikisuyo sa kapatid na dalhin ang gamit niya sa kwarto.
8. Pagbibigay direksyon ng guro sa mga mag-aaral kung ano ang gagawin sa
pagsusulit.

2
9. Pagsulat ng pananaliksik.
10. Pakikipanayam sa ilang kabataan kung paano hinahati-hati ang oras sa pag-
aaral.
11. Pagsulat ng sariling tula.
12. Paggawa ng resipe ng isang ulam.
13. Pagpapaalaala ng ina sa mga anak na dapat nakauwin na sila ng alas-10:00
ng gabi.
14. Pag-anyaya sa bisita na saluhan silang kumain.
15. Paglikha ng tauhang kakaiba sa kwentong isusulat.

Magaling! Nasubukan mong gawin ang


panimulang pagtataya. Kumusta ang
naging resulta nito? Upang madagdagan
pa ang iyong kaalaman sa
gamit/tungkulin ng wika sa lipunan, halika
at isagawa ang mga gawaing inihanda
para sa iyo.

TUKLASIN

GAWAIN 1

A. Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Isulat gamit ang speech balloon
ang maaaring sabihin o dayalogo kauganay nito. Suriin ang sitwasyon at isulat
sa iyong kuwaderno ang mga angkop na pahayag.
1. May dumating na panauhin sa inyong bahay. Paano mo siya kakausapin?
Ano ang sasabihin mo sa kanya?
2. Hindi mo maabot ang iyong bag dahil masikip ang kinalalagyan mo.
Daraan ang isa mong kaklase at makikisuyo kang abutin ito para sa iyo.
Paano mo ito sasabihin?
3. Naniniwala ka na Malaki ang magagawa ng mga kabataang tulad mo sa
pag-unlad ng ating bansa. Paano mo ito ipapahayag?

3
B. Pansinin ang usapan ng dalawang tauhan sa kasunod na dayalogo at ang
pag-uuri ng tungkulin ng wika ng kanilang bawat pahayag.

Malou: Emma, kumusta ka na? (Interaksiyonal, Heuristik)

Emma: Uy, Hi, Malou! (Interaksiyonal) Mabuti naman ako. (Impormatib) Ilang
taon na nga ba nang huli tayong magkita? (Heuristik)

Malou: Maglilima na yata. Nu’ng graduation natin ang huli nating pagkikita.
(Impormatib)

Emma: Ikaw, kumusta naman? (Interaksiyonal, Heuristik)

Malou: Eto, medyo hindi mabuti. (Impormatib) Pinagkaitan yata ako ng


tadhana eh. Hindi na nga pinalad na makilala ang aking prince
charming, Nagbibilang pa ng poste sa ngayon! (imahinatibo)

Emma: Sa palagay ko, sinusubukan ka lang ng kapalaran. Darating din ang


swerte mo. (Personal)

Malou: Teka, Ano na ang trabaho mo ngayon? (Heuristik) Mukhang Big time
ka na ah. Ang ganda ng attire mo eh. Professional na Professiona!
(Personal)

Emma: Naku hindi naman. (Personal) Personnel officer ako ngayon dito sa
Malabon. (Impormatib)

Malou: Uy, tulungan mo naman akong makapasok sa kompanya ninyo.


Please! (Intrumental)

Emma: Ay, tamang-tama. Kailangan naming ngayon ng mga sales


representative ngayon. (Impormatib) Sa palagay ko, Pwedeng-Puwede
ka d’on. (Personal)

Malou: Naku, Emma, Hulog ka nang langit sa akin! Pinagtagpo siguro tayo ng
tadhana ngayon! (Imahinatibo)

Emma: Naks! Ang lalim nun ha. (Personal)

Malou: Paano ba ang pagpunta sa kompanya ninyo? (Heuristik)

Emma: Madali lang. Sumakay ka lang ng jeep mula rito papuntang McArthur
Highway. Sa Barangay Potrero, bumaba ka ng Potrero Elementary
School, tapos, sumakay ka traysikel. Pahatid ka sa drayber sa Mutya
Publishing House. Nasa third floor ako. (Impormatib, Regulatori)

Malou: Sige, sa Lunes ng umaga, asahan mo ako. (Impormatib)

Emma: Sige, ingat ka ha. (Interakisyonal, Regulatori)

Malo: Salamat ha, Emma. ( Interaksiyonal)

4
SURIIN

PAGSUSURI

1. Naliwanagan ka ba sa paksang-aralin na iyong tatahakin sa tulong ng


gawaing iyong ginawa? Paano?
2. Ano ang nag-udyok sa iyo upang mas lalo mo pang pag-aralan ang
nasabing aralin? Pangatwiranan ang iyong sagot?

PAGYAMANIN

PAGLALAHAD

Pasalita man o pasulat, may kani-kaniyang gamit ang wika sa lipunan.


Mahalaga ang nasabing mga tungkulin o gamit ng wika sa epektibong
pakikipagkomunikasyon. Sa pamamagitan ng Graphic Clip, tunghayan ang mga
gamit ng wika sa lipunan.

PANG – INTRUMENTAL
Katangian: Tumutugon sa mga pangangailangan. Nagpapahayag ng pakiusap,
pagtatanong
Pasalita Pasulat
Pakikitungo, Pangalakal, Pag - uutos Liham Pangangalakal

PANREGULATORI
Katangian: Kumukontrol/Gumagabay sa kilos at asal ng iba.
Pasalita Pasulat
Pagbibigay ng panuto/ Resipe, Direksiyon sa isang lugar, Panuto sa Pagsusulit at
Direksiyon, Paalaala paggawa ng isang bagay, Tuntunin sa Batas na
Ipinatutupad

5
PANG – INTERAKSIYONAL
Katangian: Nakapagpapanatili, nakapagtatatag ng relasyong sosyal.
Pasalita Pasulat
Pormulasyong Panlipunan Liham Pangkaibigan
• Pangungumusta, Pag – anyayang • Imbitasyon sa isang Okasyon
Kumain, Pagpapatuloy sa Bahay, (kaarawan, Anibersaryo,
Pagpapalitan ng Biro, at marami pang Programa sa Paaralan)
iba

PAMPERSONAL
Katangian: Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.
Pasalita Pasulat
Pormal o Di – pormal na Editoryal o Pangulong – tudling, Liham sa Patnugot,
Talakayan, Debate, o Pagsulat ng Suring – basa, Suring - Pelikula, o Anumang
Pagtatalo Dulang Pantanghalan

PANGHEURISTIKO
Katangian: Naghahanap ng mga impormasyon o datos.
Pasalita Pasulat
Pagtatanong, Pananaliksik, at Sarbey, Pamanahong Papel, Tesis, at
Pakikipanayam Disertasyon

PANREPRESENTATIBO / IMPORMATIB
Katangian: Nagpapahayag ng komunikasyon sa pamamagitan ng mga simbolo o
sagisag.
Pasalita Pasulat
Pagpapahayag ng Hinuha o Pahiwatig sa mga Mga Anunsiyo, Patalastas,
Simbolismo ng Isang Bagay o Paligid at Paalala

PANG – IMAHINASYON / IMAHINATIBO


Katangian: Ang pagiging malikhain ng tao ay tungkuling nagagampanan niya sa wika.
Nalilikha ng tao ang mga bagay – bagay upang maipahayag niya ang kanyang
damdamin.
Pasalita Pasulat
Pagbigkas ng Tula, Pagganap sa Teatro Pagsulat ng Akdang Pampanitikan

6
Mga Gawain

Panuto: Tukuyin kung anong tungkuling pangkomunikasyon / gamit nang wika


ang mga pahayag na nasa ibaba. Titik lamang ang isulat.

A. Pang – interaksiyonal E. Pang – imahinasyon / Imahinatibo


B Pang – instrumental F. Panrepresentatibo / Impormatib
C. Panregulatori G. Pangheuristiko
D. Pampersonal

_____1. Gaano ba kalayo ang buwan sa mundo?

_____2. Pakipulot ang kalat sa sahig.

_____3. Nalungkot ako sa balita dahil isa raw sa aming mga kasamahan ay
lubhang nasugatan sa isang aksidente.

_____4. Ang bundok Apo ang pinakamataas na bundok sa bansa.

_____5. Ang ibig sabihin ng di – mahapayang gatang ay ayaw malampasan.

_____6. Kim, kumusta ang iyong pag – aaral?

_____7. Ikaw ang talang nagbibigay liwanag sa aking madilim na gabi.

_____8. Inumin mo ang gamot tatlong beses sa isang araw.

_____9. Maaari bang kayo ay magsitahimik?

____10. Ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino.

____12. Hindi ko ikinatuwa ang resulta ng patimpalak.

____13. Huwag ninyong susulatan ang test paper.

____14. Bawal ang mag – ingay sa loob ng silid – aklatan.

____15. Bakit magpahanggang ngayon ay hindi pa nag – aasawa si Bb. Laine?

7
ISAISIP

Ang wika ay ginagamit ito sa


pambansang kapayapaan tungo
kaunlaran. Kaya nararapat lang na
gamitin nang tama at pahahalagahan
ang bawat gamit at tungkulin ng wika.

ISAGAWA

PAGLALAPAT

Panuto: Pumili ng isang naibigang pelikulang Pilipino o teleserye na iyong


napanood.. Suriin ang pelikula/teleserye batay sa gamit ng wika sa lipunan. Isulat
ang mga diyalogo at uriin ito batay sa angkop na tungkulin ng wika sa lipunan.
Gayahin ang kasunod na pormat sa iyong kuwaderno.

Pamagat ng napanood na pelikula/teleserye :__________________________

Diyalogo Gamit ng wika

Pamantayan sa Pagsusuri Points


A. Kaangkupan sa paksa 15
B. Pagsaalang-alang sa gamit ng wika sa 20
ginawang pagsusuri
C. Kawastuhang panggramatika 15
Kabuuan 50

8
KARAGDAGANG
GAWAIN

PAGPAPAYAMAN

Panuto: Magbigay ng mga pangungusap sa bawat gamit ng wika sa lipunan. Isulat


sa kuwaderno ang iyong sagot.
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.

REFLEKSIYON

Panuto: Sumulat ng isang talata tungkol sa makabuluhang natututuhan sa araling


ito. Maaaring isulat ang inyong tunay na karanasan tungkol dito.

TAYAHIN

9
PANGWAKAS NA
PAGTATAYA

Panuto: Tukuyin ang mga gamit o tungkulin ng wika sa mga sumusunod na


pahayag. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel. Pumili ng tamang sagot
mula sa kahon na nasa ibaba.

Interaksiyonal Imahinatibo Instrumental


Heuristik Regulatori
Impormatib
Personal

__________1. Kuya, nasaan ba ng istasyon ng pulis?


__________2. Sa dulo ng daang ito, kumanan ka at matutumbok mon a ang
istasyon ng pulis.
__________3. Kumusta ka naman diyan sa San Francisco?
__________4. Inday, ipaghanda mo ng makakain ang mga bisita.
__________5. Tuturuan ko kayo kung paano gumawa ng pastillas.
__________6. O ilaw, sa gabing madilim, wangis mo’y bituin sa langit…
__________7. Binabalaan ang mga nakatira sa mga mabababang lugar ng
biglang pagbaha dulot nang malakas na pag – ulan.
__________8. Nais ko pong mag – apply bilang empleyado sa inyong kompanya.
__________9. Iuulat ko ngayon ang kasaysayan ng dulang Tagalog.
_________10. Tutol na tutol ako sa ginagawang pagputol sa mga punong – kahoy
ng mga logging company.
_________11. Magandang umaga sa inyong lahat.
_________12. Ano po ba ang tungkulin ng midya sa edukasyon?
_________13. Kaya, tao: matuto kang magmahal sa iyong wika ingatan mong
parang gulok na may talim magkabila…
_________14. Happy Birthday to you… Happy birthday to you…
_________15. Patuloy pong bumibigat ang daloy ng trapiko sa mga oras na ito sa
kahabaan ng EDSA.
_________16. Bagay sa iyo, Luisa, ang bago mong gupit.
_________17. Si Bryan ang nararapat na ibotong pangulo ng ating klase.
_________18. Anne, kalian mo ba ako sasagutin?
_________19. Ryan, sasagutin kita ‘pag pumuti ang uwak ‘pag itim ng tagak!
_________20. Wer n b u? Wat tym dting m?

10
11
12. D Panimulang Pagtataya
13. C 1. panrepresentatibo
14. C 2. panghueristiko
15. G 3. panregulatori
Paglalapat 4. pangheuristiko
(malayang kasagutan na tiyak na naiuugnay at 5. pang - intrumental
pagkilala sa gamit ng wika sa lipunan) 6. pang - interaksiyonal
7. pang - instrumental
Pagpapayaman 8. panregulatori
(malayang kasagutan na tiyak na naiuugnay at 9. pangheuristiko
pagkilala sa gamit ng wika sa lipunan) 10. pangheuristiko
11. pang - imahinasyon
Pangwakas na Pagtataya 12. panregulatori
1. heuristik 13. panregulatori
2. regulatori 14. pang - interaksiyonal
3. heuristik 15. pang – imahinasyon
4. instrumental
5. regulatori Gawain 1
6. imahinatibo 1. (Malayang pagsagot ng mag – aaral
7. impormatib na may paggalang)
8. personal 2. (Malayang pagsagot ng mag – aaral
9. impormatib na may tono ng pakikiusap)
10. personal 3. (Malayang pagsagot maaring
11. interaksiyonal nanghihikayat at may tapang)
12. heuristik
13. imahinatibo Pagsusuri
14. interaksiyonal (malayang kasagutan na tiyak na
15. impormatib naiuugnay sa gamit ng wika sa lipunan)
16. interaksiyonal
17. personal Mga Gawain
18. heuristik 1. G
19. imahinatibo 2. B
3. D
4. F
5. F
6. G
7. E
8. C
9. B
10. F
11. A
SUSI SA PAGWAWASTO
MGA SANGGUNIAN

Jocson M., Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


(Batayang aklat) . Vibal Group
Bernardino, E. et al., Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. MUTYA Publishing House., Inc. 2016
Bernales, R. et al., Komunikasyon sa Makabagong Panahon. MUTYA Publishing
House Inc. 2016

12
VIRGINIA D. DUPIO

Secondary School Teacher III sa Ayungon NHS-Senior High


School, Nakapagtapos ng kursong “Bachelor of Science in
Industrial Education” Major: Home Economics, Minor: Filipino.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like