Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

BAUTISMO SA TUBIG

(August 27, 2023)

I. INTRO
- Ano nga ba ang bautismo sa tubig?
- Kailangan pa ba ng bautismo sa tubig para maligtas ang isang tao?

II. PRAYER

III. OUTLINE OF THE TOPIC

Ang dahilan kung bakit kailangan bautismuhan ang isang tao sa tubig:
 Upang sundin o gayahin natin ang panginoong Hesu Kristo.
- Kung ang panginoon Hesu Kristo ay nagpabautismo dapat tayo
din na bilang mga kasunod niya, ay mag magpabautismo sa tubig,
katulad ng ginawa ni Jesus.

Mark 1:9
Nang panahong iyon, dumating si Jesus mula sa Nazareth sa Galilea, at
siya’y binautismuhan ni Juan sa Ilog Jordan.

Matthew 28:19
Kaya’t humayo kayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng
mga bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng
Espiritu Santo.

Ginawa ng panginoong Hesu Kristo ang mapabautismuhan at to rin ay


iniutos niya hindi lang po sa mga alagad kundi sa atin din na mga
naniniwala sa panginoong Hesu Kristo at nananampalataya sa kanya.
- Ang pagbautismo sa tubig ay nangangahulugang pinapakita mo
na ikaw ay sumunod sa panginoong Hesu Kristo.

- At sa pagsunod mo sa panginoong Hesu Kristo, dapat sinasabi mo


sa sarili mo na wala ng balikan. “No Turning Back” once na ikaw
ay sumunod na sa panginoong Hesu Kristo.

- Ang pananampalataya sa Hesu Kristo ay hindi lang dapat tinatago


yan dapat pinapakita natin yan. Dapat maging proud tayo sa mga
nakapaligid satin na tayo ay tagasunod sa panginoong Hesu
Kristo.

Colossians 2:12
Sa pamamagitan ng bautismo, nailibing kayong kasama ni Kristo at muli rin
kayong kasama niya dahil sa inyong pananalig sa kapangyarihan ng Diyos
na muling bumuhay sa kanya.

Romans 6:4
Samakatuwid, tayo’y namatay na at nalibing na kasama niya sa
pamamagitan ng bautismo upang kung paanong binuhay muli si Kristo sa
pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo rin ay magkaroon
ng panibagong buhay.
Mahalaga ang bautismo sa tubig, kapag sinabi mong isa kang kristiyano at
nananampalataya ka sa panginoong Hesu Kristo, napakahalaga na ito po
ay ating gawin.

Matthew 3:16
Nang mabautismuhan si Jesus, kaagad siyang umahon sa tubig. Nabuksan
ang langit at nakita ni Jesus ang Espiritu ng Diyos na bumababang parang
isang kalapati at dumapo sa kanya.

Sa pamamagitan ng pagbautismo sa panginoong Hesu Kristo, Ito ay


nangangahulugan na ganun din dapat ang way ng pagbautismo, na dapat
gawin ng mga kristiyano.

“Baptize” means “Immerse in Water” or “to dip”.

Ang pagbautismo sa Tubig ay hindi lamang isang tradisyon o kadalasang


ginagawa lang ng mga tao dahil sa nakasanayan lang.

Ito ay mismong sinasabi ng Bible at iniutos ng panginoong Hesu Kristo.

Kung titingnang mabuti yung mga unang mananampalataya o yung unang


mga kristiyanong nananampalataya sa panginoong Hesus Kristo. Sila
mismo ay nagpabautismo, patunay na sila ay tunay na nananampalataya
sa panginoong Hesu Kristo.
Mga Gawa 18:8
Si Crispo, na tagapamahala ng sinagoga, at ang kanyang sambahayan ay
nananalig rin sa Panginoon. Marami pang mga taga-Corinto na nakinig kay
Pablo ang sumampalataya at nagpabautismo.
Ang pagbautismo o paglubog sa tubig ay nangangahulugang ikaw ay ligtas
na pamamagitan ng panginoong Hesu Kristo. Eto ang main reason bakit
nagpapabautismo ang isang tao.

Ang tanong kelangan pa ba magpabautismo ng isang tao, para maligtas


siya ay maligtas?
- Ang sagot sa tanong na yan ay hindi sa pagpapabautismo
maliligtas ang isang tao, kundi ay sa pagtanggap mo sa
panginoong Hesu Kristo.

Mga Gawa 16:31


Sumagot naman sila, “Sumampalataya ka sa panginoong Jesus, at
maliligtas ka, ikaw at ang iyong sambahayan.”

1 Pedro 3:21
Ang tubig ay larawan ng bawtismo nagliligtas sa atin ngayon. Hindi nito
nililinis ang dumi ng katawan; ito’y pangako ng Diyos buhat sa isang
malinis na budhi. Inililigtas kayo ng bautismo sa pamamagitan ng muling
pagkabuhay ni Hesu Kristo.

Kaya tayo ay binabautismuhan ay dahil panginoong Hesu Kristo, dahil sa


kanyang buhay at sa kanyang pagkamatay. At higit sa lahat ay dahil sa
kanyang muling pagkabuhay.

Kung kailangan ba talaga ang bautismo para maligtas ka? Gaya ng isang
kriminal na katabi ng panginoong Hesu Kristo.
- Siya ay makasalanang tao, at higit sa lahat, hindi siya
napabautismuhan, pero ng dahil siya ay nanampalataya sa
Panginoong Hesu Kristo, at naniwala sa panginoong Hesu Kristo,
Sinabi ng panginoon na siya’y isasama sa paraiso sa piling ng Diyos.
Ito ang nagpapatunay na ang pananampalataya ang siyang
magliligtas sa tao.
- Ngunit mahalaga pa rin ang bautismo dahil pagkatapos mong
maligtas, kelangan ipakita mo sa lahat, at sundin yung utos ng Diyos.
- Bilang mga Kristiyano, ang bautismo sa tubig ay isang step lamang
sa ating buhay pananampalataya.
- Kung ang unang step ay tatanggapin natin ang panginoong Hesu
Kristo at mananampalataya tayo sa kanya.
- Pagkatapos nun ano na?
- Ang next step ay ang pag bautismo sa tubig.
 Pagpapakita na tayo ay tunay na nananampalataya sa Diyos.
- Ang pagbautismo ang hindi siyang magliligtas sa atin, ang bautismo
ay isa lamang simbolo na nagpapakita na tayo ay ligtas na.
- Patuloy na dapat nananampalataya sa diyos.

You might also like