How Much Do You Love Me

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Prologue

“Ellie!”

Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko at nakita ko si suzette na

tumatakbo papalapit sa pwesto ko.

“Oh Suzy, bakit?” agarang tanong ko pagkalapit nya sakin. Inabot ko sa

kanya ang aking hawak na tubig sa kadahilanang hinihingal ito sa

kakatakbo at halos di pa makapagsalita.

“Salamat Ellie, nga pala pinapatawag ka ni Ma’am Grapes.” Sagot nito

at tumawa ng unti.

“Grapes? Sino? Wala naman akong kilalang teacher na ganyan ang

surname.” Kunot noo kong pahayag.

Tumawa lang ito ng malakas at iiling-iling pa.

“Naku ka talaga. Di mo ba gets? Si Ma’am Uvas yun.” She giggled after

nyang sumagot.

Nanlaki naman ang mata ko ng mapagtanto ang sinabi nya at di ko

maiwasang matawa.

“Suzy! Ano ka ba, asan daw sya at anong kailangan nya sakin?” taka

kong tanong na medyo natatawa parin.

“Nasa 2nd floor ng Madrigal Bldg at aba malay ko kung anong kailangan

nya sayo.” Sabi nito at inikutan pa akong mata. Hay babaeng to talaga.

“Puntahan mo na sya Ellie at baka magwala na yun, tsaka mag-uuwian na.

Alam mo naman yung si Grapes laging atat umuwi” hagikhik nito.


Magtatanong pa sana ako ng bigla nya akong hinila at hinarap sa taong

naglalakad palapit samin.

“Uy Lucas, sinusundo mo ba itong si Ellie?” agad na tanong ni suzy sa

lalaking kaharap na namin.

Tiningnan ko si suzy at pinanlakihan ng mata, ang mahadera tinawanan

lang ako.

“Sige na aalis na ko at may date pa ako ng asukal de tatay ko.” Paalam

nito sabay kindat sakin. Pero bago pa ito umalis ay nilingon muna nya

ako at pinaalala ulit ang tungkol kay Ma’am Grapes.

Nakakaloka talaga ang babaeng yun.

Hinarap ko na ang kanina pang nakatayong lalaki sa aking harapan.

“Oh umalis na si Suzy, anong kailangan mong bakla ka?” Natatawang

tanong ko rito.

Nanlaki ang mata nito at hinila ang buhok ko.

“Gaga ka talaga, baka nakalimutan mong nasa quadrangle lang tayo at

baka may makarinig sayo.” Sabi pa nito habang nanlalaki ang mata. Di

ko maiwasang matawa sa kinilos nito. Hay naku napakasayang ng lahi ng

baklang to.

“Ano ngang kailangan mo Luc?” tanong ko na lang sa kanya.

“Kasi pareho tayong hinahanap ni Grapes, kaloka yung tanders na yun

ah. May date pa kami ng Babyboy ko.” Sagot nitong may pairap-irap pang

nalalaman. Si Allec Allejo ang tinutukoy nyang Babyboy daw nya pero

hindi naman kasi Lalaki yung tao.


“Luhh kadiri naman ng Babyboy, tsaka asa ka namang papatulan ka ni

Allec.” Natatawa kong saad habang sya naman ay inirapan ako.

“Tsaka sabihin mong practice sa volleyball at hindi date, kaloka ka.”

Tiningnan ko ito at napabuntong hininga na lang. Kasali kasi si Allec

sa Volleyball team ng school at ang hindot kong friend ay sumali din

para daw lagi silang magkasama tuwing practice.

Walang nakakaalam na sirena itong si Lucas dahil bukod sa mayaman ito

at nag-iisang anak na lalaki ay against ang pamilya nito sa mga LGBT.

Kawawang Lucas.

“Para saan ang buntong hiningang yun Ellie?” taas-kilay nitong tanong.

“Wala, tsaka lika na puntahan na natin si tanders.” Sagot ko at

mabilis na hinila ito papuntang room ni Ma’am.

Pagkadating naming doon ay nagulat pa kami ng malamang hindi lang pala

kami ang pinatawag kundi may tatlo pa, nang tingnan ko sila ay nabatid

kong kami na lang ni Lucas ang hinihintay.

I cleared my throat and said my greetings then we seated to the

nearest seat para makapagumpisa na si Ma’am.

Madaling natapos ang pagtatagpo namin dahil pinahanap lang naman kami

upang ipaalam na kaming lima ang naqualify sa binigay na examination

ng school at may chance na makapag-aral internationally with the

school that we will choose.


Sobrang saya ang nadarama ko pagkauwi at sinabi kina mama ang

magandang balita. Sa wakas matutupad na ang pangarap ko at makikita ko

na rin SYA.

You might also like