Professional Documents
Culture Documents
AP LAS Week 3
AP LAS Week 3
AP LAS Week 3
Gawain 1:
Isulat ang DP kung ang pahayag ay paraan ng pakikilahok sa pamahalaan ayon sa Saligang Batas at H kung
hindi.
1. Pagtatayo ng mga samahang sibiko
2. Pagboto sa halalan
3. Pagbibigay ng mga donasyon sa mahihirap
4. Pagsali sa partidong pulitikol
5. Pagreregalo sa mga kawani ng pamahalaan
6. Pagtatayo ng lihim na samahan
7. Paghalal ng mga kinatawan sa party list
8. Pagbabayad ng buwis
9. Pagpigil sa mga ginagawa ng mga politico
10. Pag- aanunsiyo ng di pag- sangayon sa ginagawa ng pinuno ng pamahalaan
Gawain 2: Tukoy-Salita
(Tekstong Sanggunian: Pahina 404- 406, Learners Module)
Tukuyin ang mga salitang inilalarawan sa sumusunod na pangungusap.
__________ 1. Ito ay ang sektor ng lipunan na binubuo ng mga nakikilahok sa mga kilos protesta, mga
lipunang pagkilos, at mga boluntaryong organisasyon.
__________ 2. Ang samahang ito ay naglalayong protektahan ang interes ng mga miyembro nito.
__________ 3. Nilalayon ng samahang ito na suportahan ang mga programa ng mga grassroots organization.
__________ 4. Ipinakikita ng batas na ito ang kahalagahan ng papel na ginagampanan ng mga NGO at PO.
__________ 5. Ito ang uri ng NGO na nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga POs para tumulong sa mga
nangangailangan.
__________ 6. Ito ang nagbibigay suporta sa mga komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng ligal at
medikal na mga serbisyo.
__________ 7. Ito ay binubuo ng mga propesyonal at ng mga galing sa sektor ng akademiya.
__________ 8. Ito ang tawag sa mga PO na binuo ng pamahalaan.
__________ 9. Ang layunin ng konsehong ito ay bumuo ng isang plano para makamit ang kaunlaran ng mga
lokal na pamahalaan.
__________ 10.Dito kabilang ang mga sectoral group na kinabibilangan ng kababaihan at kabataan.
Suriin ang epekto ng sumusunod na paraan ng pakikilahok sa pamahalaan. Isulat ang (-) kung may
masamang epekto sa pamahalaan, (0) kung walang kaugnayan, at (+) kung may magandang epekto ito sa
mamamayan.
1. Pagboto sa halalan - 0 +
2. Pagdaos ng rali - 0 +
3. Pagpuna sa mga maling gawain ng mga pinuno - 0 +
4. Pagbuo ng party list - 0 +
5. Pagbabayad ng buwis - 0 +
6. Pagsali sa mga samahang pansibiko - 0 +
7. Paggalang sa karapatang pantao - 0 +
8. Pagbibigay ng regalo upang mapabilis ang proseso - 0 +
9. Pagiipon ng maraming lagda para sa isang petisyon - 0 +
10. Nepotismo - 0 +
Gawain 4: Compare and Contrast Matrix
(Tekstong Sanggunian: 413- 418, Learners’ Module)
Kompletuhin ang compare and contrast matrix tungkol sa paraan ng participatory governance na ginawa sa
Porto Alegre, Brazil at sa Lungsod ng Naga, Pilipinas. Gamitin ang mga criteria na nasa unang kolum sa
paghahambing sa dalawang paraan ng participatory governance.
Gabay na Tanong
1. Paano nagkakatulad ang paraan ng participatory governance sa Porto Alegre at Lungsod ng Naga?
2. Paano nagkakaiba ang paraan ng participatory governance sa Porto Alegre at Lungsod ng Naga?
3. Ano ang mga kalakasan at kahinaan ng dalawang paraan ng participatory governance?
Gumawa ng Mahabang talaan ng mga paraan ng pakikilahok ng iyong magagawa ngayon at sa darating na
panahon.
Lagyan ng tsek (/) ang hanay batay sa iyong sagot. Ipaliwanag ang inyong nagging tugon.