Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

STUDY GUIDE

GRADE 11 | KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

YUNIT 6

Gamit ng Wika 2
Maraming gamit ang wika sa isang lipunan. Nabubuo ang ugnayan at napatitibay ang samahan
dahil sa interaksiyon at mabisang pagpapahayag gamit ito. Masasabing malaki ang gampanin ng
wika sa kaunlaran sa iba’t ibang aspekto, hindi lamang ng isang indibiduwal, kung hindi pati na rin
ng buong bansa.

Mga Layunin sa Pagkatuto


•• Naipaliliwanag ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng pagbibigay halimbawa
•• Natatalakay ang gamit ng wika bilang personal
•• Naiisa-isa ang gamit ng wika bilang heuristiko
•• Naipaliliwanag ang gamit ng wika bilang representatibo
•• Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa mass media

Balik-Aral
Sa nakaraang aralin ay nabigyan na natin ng kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng
wika sa lipunan. Naipaliwanag na rin natin ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng
pagbibigay halimbawa. Madali nating naisakatuparan ang mga nabanggit na layunin dahil malinaw
nating pinag-aralan ang komunikatibong gamit ng wika sa lipunan at ang gamit ng wika bilang
instrumental, regulatoryo, at interaksyonal.

1
Copyright © 2017 Quipper Limited
STUDY GUIDE

Pag-aralan Natin!
I. Gamit ng Wika Bilang Personal
Ang gamit ng wika bilang personal ay nagbibigay daan para sa pagpapahayag ng mga
emosyon, pagpapamalas ng personalidad o pagiging indibiduwal, at pagbulalas ng damdamin.
Sa personal na kalikasan ng wika, nagsasanib puwersa ang cognition, affection, at culture. Ibig
sabihin nito, nasasalamin ng mga personal na pagpapahayag ang saloobin ng tagapagsalita,
ang kaniyang kaalaman sa mundo, at ang kulturang humubog sa kaniyang pag-iisip.
Nabibigyang katuparan ng gamit ng wika bilang personal ang intensiyon ng tagapagpadala
ng mensahe na makapagpahayag ng personal na damdamin, pananaw, o opinyon. Ang
gamit ng wika bilang personal ay may dalawang tungkulin: impormal at pormal.

Impormal na Tungkulin ng Gamit ng Wika bilang Personal


Kasama sa impormal na tungkulin ng gamit ng wika bilang personal ang mga bulalas ng
damdamin o interjections. Ito ang mga salita o pariralang kagyat na naisasawika dahil sa
reaksyong kaakibat nito. Maiuuri ito sa apat:
•• Exclamation
«« Bunsod ito ng matinding pagkagulat, sakit, at iba pang damdaming may sidhi.
Halimbawa:
ƒƒ pagsigaw ng “Ay! Ipis!” kapag ang isang tagapagsalita na may takot sa ipis ay
nakakita nito
ƒƒ pagbulalas ng “Aray ko po!” kapag naaapakan ng iba
ƒƒ kagyat na pagsigaw na may pagtalon kapag naipasok ng paboritong manlalaro ng
basketball ang bola na siyang ikapapanalo ng kaniyang koponan
•• Curses
«« Bunsod din ang mga ito ng matinding emosyon, ngunit may kasamang pagpapahayag
ng negatibong reaksyon
Halimbawa:
ƒƒ pagsabi ng “Susmaryosep!” kapag ginugulat ng ibang tao
ƒƒ pagsabi ng “Anak ng…!” bilang inisyal na reaskyon na nagpapakita ng galit
•• Hesitation markers
«« Maaari din itong personal na ekspresyon at manerismo gaya ng sumusunod:
Halimbawa:
ƒƒ Ang salitang “like” sa “Gusto ko na sanang like kumain now na.”
ƒƒ Ang salitang “ano” sa “Paki ano nga ang ano nitong ano.”
2
Copyright © 2017 Quipper Limited
STUDY GUIDE

•• Greetings
«« Ang pagbati sa ilalim ng personal na tungkulin ng wika ay nakapagpapamalas ng
idyolek ng tagapagsalita. Ibig sabihin, hindi ito ang kumbensiyonal na pagsabi ng
“Magandang umga!” at “Paalam.” Naipararating ng tagapagsalita ang personal niyang
ugnayan sa kausap.
Halimbawa:
ƒƒ “Beshie! Kamustasa na?”
ƒƒ “Uy! Halika rito. “
ƒƒ “Ba-bye na! Ba-bye na.”

Pormal na Tungkulin ng Gamit ng Wika bilang Personal


Sa pormal na tungkulin, may organisadong pagpapahayag ng opinyon o damdamin sa
pasulat o pasalita mang pamamaraan.
Halimbawa:
•• Pagsulat ng reaksyong papel tungkol sa napanood na pelikula
•• Pagpapahayag ng opinyon tungkol sa pinag-uusapang isyu sa klase
•• Pagsasabi ng damdamin sa loob ng isang debate

II. Gamit ng Wika Bilang Heuristiko


Ang gamit ng wika bilang daan sa pagkatuto ng kaalaman at pag-unawa, ayon kay Michael
Halliday, ay tinatawag na heuristiko. Maaaring gamitin ang wika upang maunawaan ang
iba’t ibang bagay sa daigdig at matutuhan ang kaalaman sa iba’t ibang disiplina.

Heuristikong Gamit ng Wika sa Pormal na Edukasyon


Ang pormal na edukasyon ay isang paraan upang masanay sa heuristikong gamit ng wika.
Mayaman sa iba’t ibang impormasyon ang mga aklat at babasahin bilang lunsaran ng
edukasyon. Sa paggamit naman ng Internet ay mas mabilis ang pagkuha ng mga batayang
kaalaman, bagaman kailangang maging maingat sa pagpili ng mapagkakatiwalaang website o
taong nag-post nito.
Halimbawa:
• Pagbabasa ng mga work text, batayang aklat, encyclopedia,atlas, magasin, diksiyonaryo,
almanac, at diyaryo para malaman ang lagay ng iba’t ibang bansa sa kasalukuyang
panahon.
• Paggamit ng mga social media site upang makakuha ng impormasyon tungkol sa iba’t
ibang sektor ng lipunan tungkol sa pinakahuling isyung panlipunan

3
Copyright © 2017 Quipper Limited
STUDY GUIDE

Heuristikong Gamit ng Wika sa Pananaliksik


Ang heuristikong gamit ng wika ay nakatutulong din sa praktikal na mga sitwasyon.
Isang praktikal na sitwasyong nangangailangan ng heuristikong gamit ng wika ay ang
pananaliksik. Maraming antas ng pananaliksik at umaayon ito sa lebel ng impormasyong
kailangan. Katulad ng pagtatanong ng direksyon, ang pagsasarbey ay pangangalap ng mga
pangunahing impormasyon sa maikli o limitadong oras lamang. Ang pakikipanayam ay
matalinong pagtatanong sa isang tao o mga taong may malawak na karanasan o kaalaman
sa isang tiyak na paksa upang makakuha ng datos na itinatala at isinasadokumento ang mga
pangyayari sa pamamagitan ng maayos na koordinasyon o appointment.
Halimbawa:
• Paggawa ng survey na nagtatanong tungkol sa pinakapaboritong pagkaing ihinahain sa
bahay
• Pagtatanong ng direksyon patungo sa isang lugar
• Pakikipanayam o pag-iinterbyu sa isang kilala o tanyag na tao, manunulat, negosyante,
taong naging matagumpay sa kaniyang larangan, mga lider ng bayan at organisasyon,
mga nagwagi sa timpalak, at iba pa

Heuristikong Gamit ng Wika sa Midya at Pampublikong Panayam


Maaari ding makakuha ng impormasyon at matuto ng kaalaman mula sa iba’t ibang anyo
ng midya. Sa pamamagitan ng pakikinig at panonood ng programa ay nakapangangalap
tayo ng mga bagong impormasyon. Sa pagdalo sa mga seminar at iba pang kagaya nito ay
napalalawak ang ating kaalaman mula sa mga bihasa sa piling larangan.
Halimbawa:
• Pakikinig sa radyo ng mga balita, dokumentaryo, at komentaryo
• Panonood ng mga balita, investigative documentaries, magazine show, educational show,
cooking show
• Pagdalo sa mga seminar, palihan, lecture-forum, symposium, malayang talakayan, debate,
at iba pa

III. Gamit ng Wika Bilang Representatibo


Ang gamit ng wika bilang representatiboay pagpapahayag ng kaalaman at impormasyon.
Maraming paraan para makapagpahayag ng kaalaman o impormasyon ang sinuman.
Mayroon ding mga pamantayang sinusunod sa paggamit ng wika bilang representatibo.

4
Copyright © 2017 Quipper Limited
STUDY GUIDE

Mga Paraan sa Paggamit ng Wika Bilang Representatibo


1. Pagbibigay ng Apirmasyon o Pagtatanggi sa Datos
•• Paggamit ng salitang tulad ng “may,” “mayroon,” at “totoo;” at pagtanggi gamit ang
mga salitang “wala,” at “hindi.”
Halimbawa:
«« “Totoong mayroong buhay sa labas ng planetang Earth.
«« “Walang maaaring mabuhay sa labas ng mundo lalo na kung hindi sapat ang
hangin at tubig.”
2. Paglalarawan o Pangangatuwiran sa mga Katunayan
•• Ang paglalarawan sa katunayan ay paggamit ng mga salitang naglalarawan tulad ng
pang-uri upang mailahad ang mga katangian ng isang bagay, tao, lugar, pangyayari,
o penomenon. Habang ang pangangatuwiran sa katunayan naman ay pagbibigay
ng mga ebidensiyang tumutulong sa pagpapatunay sa isang bagay, tao, lugar,
pangyayari, o penomenon.
Halimbawa:
«« Paglalarawan - Maraming magagandang tanawin sa Pilipinas.
«« Pangangatuwiran - Dahil sa mayabong na industriya ng turismo, na binubuhay ng
mga small-medium scale entrepreneurs, sa malalagong kakahuyang nagpapabuti
sa kalikasan, at naggagandahang anyong tubig; maraming nagagandahan at
napaiibig sa mga tanawin sa Pilipinas.

Mga Pamantayan sa Paggamit ng Wika Bilang Representatibo


May mga pamantayang sinusunod sa paggamit ng wika bilang representatibo para matiyak
na wasto at maayos na naipahahayag ang mensahe.
1. Iwasan ang pag-uulit ng mga salita.
Maaaring hindi paulit-ulit ang mga salita sa pagpapahayag ng mga impormasyon kung
gagamitin ang mga panghalip bilang cohesive devices, pamalit ng mga pangngalan.

2. Siguraduhing naglalaman lamang ng katotohanan ang impormasyong


ipinahahayag.
Maaaring masiguro ang katotohanan ng impormasyong ipinahahayag kung
nakapagsaliksik nang malalim at malawak tungkol sa paksa.

3. Maging malinaw sa pagpapahayag ng impormasyon.


Iwasan ang paligoy-ligoy na paglalarawan ng mga detalye. Tumuon lamang sa kung ano
ang mahahalagang punto ng impormasyong ipinahahayag.

5
Copyright © 2017 Quipper Limited
STUDY GUIDE

IV. Gamit ng Wika sa Mass Media


Ang wika ay midyum upang makakuha ng atensiyon o makabuo ng isang sining. Tulad ng sa
patalastas, dapat ay kaagad na makapukaw ito ng atensiyon ng kaniyang mga manonood.
Ang radyo naman ay dapat makalikha ng isang masining na paglalahad ng mga awit, balita,
at maging kuwentong buhay sa kaniyang mga tagapakinig. Naipamamalas ng mga ito ang
pangunahing layunin ng wika sa mass media—ang maiparating sa higit na nakararami ang
mensahe sa angkop na paraan.

Wika sa Print Media


Marahil, ang pinakamahalagang katangian ng print media ay ang pagiging isang bagay o
katangiang maaaring hawakan (tangible). Ang pahayagan, magasin, o iba pang babasahing
nagtataglay ng pagbabahagi ng impormasyon tulad ng balita at advertisement ay maituturing
na halimbawa ng print media.
Heuristiko ang gamit ng wika tuwina pagdating sa print media dala ng impormasyon nitong
ibinabahagi sa mga mambabasa. Maaari din itong magkaroon ng imahinatibong aspekto dala
ng mga malikhaing prosa, tula, at sanaysay na nilalaman nito. Higit sa lahat, nagkakaroon
ang mga pahayagan ng representatibong gamit buhat sa pagpapatunay, pagpapaliwanag,
paglalarawan, at pangangatuwiran ng iba’t iba nitong manunulat.
Ang editorial ay bahagi ng pahayagan kung saan naibibigay ng punong patnugot ang
kaniyang opinyon sa isang napapanahong usapin. Isinasaalang-alang ang uri ng wikang
ginagamit sa teksto nito sapagkat ang layunin nito ay makapagbigay ng matalinong opinyon
na makatutulong naman sa mga mambabasa na magkaroon ng patas na pagtingin sa isyu.
Malinaw itong halimbawa ng gamit ng wika bilang heuristiko at representatibo.
Basahin at suriin ang sumusunod na halimbawa ng editoryal.
Editoryal - Ibawal din ang alak
(Pilipino Star Ngayon) | Updated January 17, 2013 - 12:00am
HINDI lamang baril ang dapat ipagbawal sa election time kundi pati na rin ang alak. Kung
gaano kahaba ang gun ban ganundin kahaba ang ipairal sa pagbabawal sa alak. Ito ay para
matiyak na magiging mapayapa ang pagdaraos ng May 13, 2013 elections. Kapag ang alak
ay hindi nailagay nang maayos sa tiyan, gulo ang idinudulot. Marami nang katibayan na ang
alak ay nagiging ugat ng karahasan. At kung ang alak ay isisilbi sa panahong may election,
maaaring maging ugat ng mga kaguluhan.
Ang mahabang pagbabawal sa pagbebenta ng alak ay sinasang-ayunan naman ni Metro
Manila Development Authority (MMDA) chairman Francis Tolentino. Ayon kay Tolentino, ang
pagbabawal sa pagbebenta ng alak ay dapat tumagal ng 45-araw. Sa ganito kahabang araw
na liquor ban tiyak na hindi maaapektuhan ang mga saloobin at opinion ng mga botante
na may kinalaman sa paghahalal ng kandidato. Ang liquor ban ay tumatagal lamang ng

6
Copyright © 2017 Quipper Limited
STUDY GUIDE

dalawang araw at nagsisimula ito sa bisperas ng election. Ayon kay Tolentino, napakaikli ng
liquor ban kaya hinihiling niya sa Comelec na habaan ito.
Pero mayroon na agad “bumabaril” sa ideya ni Tolentino. Dalawang Comelec commissioner
ang nagsabi na hindi maganda ang ideya sapagkat mahaharap sila sa legal problems. Tiyak
daw na uulanin sila ng reklamo mula sa mga malalaking kompanya ng alak. Hindi anila
katanggap-tanggap ang ideyang pahabain ang liquor ban.
Bakit hindi subukan ang ideyang ito? Kung ang Comelec ay nangangarap na maging
mapayapa ang 2013 elections, bakit hindi ipagbawal ang alak sa loob ng 45 araw. Bakit
naman agad nilang naiisip na uulanin sila ng batikos sa hakbang na ito ni Tolentino? Mas
babatikusin sila kung magkakaroon ng karahasan sa election na ang pinagmulan ay ang
kalasingan sa alak.
Magkaroon ng pagsangguni sa iba pang Comelec commissioner kung dapat na pagbigyan ang
petisyon ni Tolentino ukol sa liquor ban. Hindi sapat na may dalawang tutol sa petisyon ay
“babarilin” na agad ito. Anong malay nila baka makatulong ito nang malaki sa inaasam na
mapayapang eleksiyon.
Mula sa http://www.philstar.com/psn-opinyon/2013/01/17/897818/editoryal-ibawal-din-ang-
alak
Sa pagtukoy sa isyung tinatalakay ng patnugot sa editoryal, malalaman na ito ay tungkol sa
pagbabawal ng alak sa panahon ng eleksiyon. Kung susuriin naman ang wikang ginamit,
mapapansing ang wika ay magaan at hindi gaanong pormal sapagkat layunin ng may-akda
na kaagad maunawaan at maiparating sa mambabasa ang opinyon.

Wika sa Multimedia
Ang pahayagan, radyo, at telebisyon ay bahagi ng tri-media. Ngunit dahil lumawak na ang
sakop ng tri-media, sa kasalukuyan ay maituturing na ito bilang multimedia sapagkat kabilang
na rito ang social networking sites (SNS) at mga pelikula.
Hindi tulad ng pahayagan at magasin, ang impormasyon, balita, o palabas ay hindi
nahahawakan o nasusulat sa papel. Sa nakalimbag na pahayagan, binibigyang pansin kung
paano makukuha ang atensiyon sa pamamagitan ng mga titik at paraan ng pagkakahanay
ng balita sa loob ng pahayagan. Sa radyo, telebisyon, SNS, at pelikula naman, malaki ang
tungkulin ng panonood at pakikinig. Mahalagang malinaw ang tinig ng nagbibigay ng balita o
patalastas (audio). Bukod pa rito, nararapat ding kaaya-kaya at “may dating” ang mga larawan
o pangyayaring inilalahad (visual). Samakatuwid, ang broadcast media ay kumbinasyon ng
audio at visual. Bukod sa dalawang nabanggit, nakasalalay sa wika kung paanong epektibong
mailalahad ang mensahe.

7
Copyright © 2017 Quipper Limited
STUDY GUIDE

Mas malawak ang sakop ng mga layunin ng multimedia. Ilan dito ay magbigay ng
impormasyon, mag-analisa, mang-aliw. Kung gayon, masasabing hindi lamang ito mayroong
heuristiko at representatibong gamit ng wika na tulad sa wika ng print media. Ito rin ay
maaaring may personal na dimensyon, dala ng malayang pagpapahayag ng mga gumagamit
ng social media. At higit sa lahat, ito ay nagiging interaksyunal dahil agarang nakatutugon ang
mga kalahok nito sa bawat isa.

Pansinin ang isang halimbawa ng tweet sa isang social networking site na Twitter.
Lahat ay inaanyayahan ng aming pamilya na makibahagi sa pag-alala ng ika-40 araw na
pagkamatay ni Sen. Miriam Defensor Santiago.
@senmiriam Nov 2 (https://twitter.com/senmiriam?lang=en)

Ang tweet na ito ay mula sa Twitter website ng pumanawa na senadora.Mahihinuhang pormal


ang estilo nito sapagkat ang impormasyon ay tungkol sa pag-alala sa pagpanaw ng isang
mambabatas sa panahon ng pagluluksa ng kanilang pamilya.
Ang wika sa media ay may mahalagang tungkulin na ginagampanan sa tagapakinig,
manonood, at mambabasa. Ang uri at paraan ng paglalahad ng wika ay nakapagpapabatid
ng mensahe na kailangan at dapat nilang malaman para sa araw-araw napag-iral sa lipunan.
Bukod dito ,malaki rin ang impluwensiya ng wika sa media at kung paano nito hinuhubog
ang kamalayan at kaisipan ng mga tagatangkilik.

Subukin Natin
1. Magsaliksik ng isang halimbawa ng print media na nagpapakita ng heuristikong gamit
ng wika. Gupitin ang balita, opinyon, o patalastas na ito, saka tukuyin kung ano ang
impormasyong inilalahad.
2. Pakinggan ang iyong bawat kapamilya o kasama sa bahay. Itala ang kanilang mga
natatanging pahayag sa isang talahanayan na nagpapakita ng personal nilang gamit ng
wika.
3. Manood ng kahit anong palabas sa telebisyon o sinehan. Tukuyin ang iba’t ibang eksena
rito na kakatawan para sa iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan. Patunayan.

8
Copyright © 2017 Quipper Limited
STUDY GUIDE

Karagdagang Pagsasanay
Mga Tanong:
1. Ano-anong konseptong pangwika ang natalakay? Ibigay ang kahulugan ng bawat isa.
2. Magbigay ng mga halimbawa kung saan at kailan magagamit nang personal ang wika.
Ipaliwanag ang sagot.
3. Ano-ano ang pangunahing gamit ng wika sa print media?

Mga Sagot:
1. Personal – pagpapahayag ng personal na damdamin o opinyon
Heuristiko – daan sa pagkatuto ng kaalaman at pag-unawa
Representatibo – pagpapahayag ng mga kaalaman o impormasyon
2. Magagamit nang personal na wika sa pagpapahayag ng saloobin o damdamin. Maaari
itong pormal o di pormal. Kapag nagpahayag ng saloobin tungkol sa isang paksa, sa
larangan ng akademiya, nararapat na gumamit ng pormal na wika.
3. Ang tatlong pangunahing gamit ng wika sa print media ay heuristiko, representatibo, at
imahinatibo. Heuristiko ito dahil nakapagbibigay impormasyon. Representatibo ito dahil
nakapagpapaliwanag, nakapagpapatunay, nakapaglalarawan, at nakapangangatuwiran.
Habang masasabi namang ang ilang mga piyesang mababasa sa mga pahayagan na
tulad ng mga tula, maikling kwento, at sanaysay ay may imahinatibong gamit ng wika.

Paglalagom

Personal
Mga Gamit ng Wika

Heuristiko

Representatibo

9
Copyright © 2017 Quipper Limited
STUDY GUIDE

DAGDAG KAALAMAN
•• Ang personal na tungkulin ng wika ay iba pa sa personal na gamit ng wika o
idyolek.
•• Maaari ding ipahayag sa paraang patanong ang gamit ng wika bilang
representatibo.
•• Maging mapanuri sa lahat ng kaalaman o impormasyong nababatid bago
ito ibahagi sa kapwa.

MGA DAPAT TANDAAN


•• Personal ang gamit ng wika kung nakadepende ang kahulugan ng wika sa
intensiyon ng taong gumagamit nito.
•• Heuristiko ang wikang ginagamit ng tao upang matuto at magtamo ng mga
tiyak na kaalaman tungkol sa mundo, sa mga akademiko at/o propesyunal
na sitwasyon. Ito ay ang pagbibigay o paghahanap ng kaalaman. Kabilang
dito ang pagtatanong, pagtugon, pagkatuto, pagbibigay-konklusyon, pag-
unawa, at iba pa.
•• Ang gamit ng wika bilang representatibo ay pagpapahayag ng kaalaman
o impormasyon. Maraming paraan para makapagpahayag ng kaalaman o
impormasyon ang sinuman. Mayroon ding mga pamantayang sinusunod sa
paggamit ng wika bilang representatibo.
•• Ang pangunahing layunin ng wika sa mass media ay ang maiparating sa higit
na nakararami ang mensahe at dapat na makamit ito sa pinakaminam at
pinakaangkop na paraan.

Sanggunian
Halliday, M.A.K. Explorations in the Functions of Language. London: Arnold, 1973.
Paz, C. J., Hernandez, V. V., at Peneyra, I. U. Ang Pag-aaral ng Wika. Quezon City: University of
the Philippines Press, 2003.
Rubin, L. T. (ed). Piling Babasahin sa Wika at Panitikan. Quezon City: InfoQuest, 1998.

10
Copyright © 2017 Quipper Limited

You might also like