Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

TALUMPATI SANAYSAY AT TALUMPATI FLP 2210-1

02 May 2023

ANG MAINIT NA PANDESAL


ni AWAWAWAWAWA
DON’T COPY, JUST IDEAS

Isang mapagpalayang hapon at pagbati sa lahat ng tagapakinig ng aking talumpati. Ako ang
iyong lingkod na may isang katungan: Para kanino ka bumabangon?

Alam ko maraming Pilipino ang bumabangon at kumakain ng almusal. Palaging nariyan


sa hapag-almusal natin ang pandesal. Sisikat pa lamang ang haring araw hinahanap-hanap na ang
tinapay pagkagising ng umaga. Isang tinapay na maliit, maiinit, tostado at malambot ang loob.
Hindi mabubuo ang araw ng sambayanang Pilipino kung wala ang pandesal na itinatambal sa
kape o tsokolate. Ang pagkain ng mainit na pandesal ang pinagkukunan ko ng aking lakas para
sa maghapong pakikibaka sa buhay.

Kasabay ng mainit na panahon at mainit na pandesal ang mainit na pagtunog ng isang


balita tungkol sa pagtaas ng presyo ng pandesal. Ang pagtaas sa halaga ng mga pangunahing
bilihin sa susunod na buwan ay inaprubahan na ng pamahalaan. Tataas ang maraming produkto
at lubhang apektado ang karaniwang Pilipino. Hindi madali ang gagawing paghihigpit ng
sinturon ng mga karaniwang mamamayan sa pagtaas ng mga bilihin. Ang nakakaawa ay yung
wala nang ihihigpit pa ng sinturon sapagkat sagad na. Sakal na sakal na. Nakakulungkot na
maapektuhan ang pang-masang presyo na pandesal. Kalunos-lunog ang sasapitin ng mga
kakarampot ang kinikita.

Bagamat hindi natin maibabalik nang agaran sa dating presyo ang mga bilihin, walang
ibang daan kundi ang sumulong. Sa pagtama ng pasakit na ito sa bayan, nasaksihan ng
mamamayang Pilipino ang kapabayaan at hindi magandang pamamalakad ng gobyerno. Marami
ang namulat, natuto, at nagbago, at nawa ay magsilbi itong aral na sa ano mang kinahaharap ng
ating bansa, manatiling bukas na tumanggap ng katototohanan sa kasalukuyang panahon.
Magsaliksik, makialam, at maging isang matalinong konsumer. Tayo ay parang isang pandesal at
huwag nating hayaan ang ating sarili na lumamig at tumigas ang ating damdamin na magkaroon
ng kibo sa ating bansa.
TALUMPATI SANAYSAY AT TALUMPATI FLP 2210-1
02 May 2023

Gaya ng isang pandesal, manatiling mainit ang pagmamahal natin sa bayan at malambot na puso
na tulungan ang kapwa Pilipino.

You might also like