Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

PANITIKAN NG ILOCOS SUR AT NORTE

Pinaniniwalang pinagmulan ng salitang Ilokos:


“ILOKOS”
Ang mga taong nakatira sa bayan na ito ay matatagpuan sa maliit na baybayin na
tinatawag na “look”. Ang unlaping “I” ay nangangahulugang “mula sa” o “ilog”.
Nagmula sa “loko” na ang ibig sabihin ay “bayan sa kapatagan” at dinagdagan na lamang
ng “I”.
Nagmula naman ito sa tagalog na “iloc”

ILOCANO
Tawag sa lipi ng mga naninirahan sa nasabing lugar.
SAMTOY
Taguri ng mga Ilokano sa kanilang salita.
Mula sa salitang “saomi datoy”.
KURDITAN
Tawag sa kanilang panitikan. Nagmula sa ito sa salitang “KURDIT” na ang ibig sabihin
ay sumulat.

DOCTRINA CHRISTIANA
Sinulat ni Cardinal Berlarmino na isinalin ni P. Francisco Lopez
Kauna-unahang libro ng mga Ilokano
Naglalaman ito tungkol sa unang tulang iloko at mga bahagi naisulat ng mga
katutubong script.

URI NG PANITIKAN NG ILOKO


Ayon kay Leopoldo Y. Yabes, narito ang mgfa uri ng panitikang Iloko:
 Mga simu-simula
 Mga akdang ukol sa pananampalataya sa kagandahang asal
 Mga akda ukol sa wikang Iloko
 Panulaang Iloko
 Maikling kuwento
 Nobela
 Dula

Mga simu-simula
a. Kantahing-bayan
b. Salaysaying bayan
c. Karanungang bayan

Mga Kantahing bayan:


1. Pinagbiag – ito ay awiting nagpapahayag ng kwento ng mga bayani
2. Dallot – isang awiting nagpapahayag ng damdamin. Binaybay itong dal-lot
o dalot. Nahahati sa dalawang uri ng awitin na nagpapahayag ng kaisipan at saloobin.
Dallot ti Pangasasawa – isa sa mga naidokumento at napanatiling buhay
na dallot ang (dallot ng pag-aasawa).
May apat na bahagi:
1.) ang pauli (panliligaw)
2. panangdarakdek ken panang-galot
(pamamanhikan)
3. panang-ikamen (ritwal sa banig) at
4. pammagbaga (paggabay)
3. Badeng – awit pag-ibig na ginagamit ng kalalakihan sa paghaharana.
Halimbawa:
Manaang Biday
Pamulinawin
Naraniag a bulan
4. Dung-aw – Awit sa mga patay. Nangangahulugang pagtangis at tumutukoy
sa pagpapahayag ng dalamhati dahil nawalan ng mahal sa búhay.
Halimbawa:
As-asug daguiti kararrua
Agtig-ab ti lubong
5. Dasal patungkol sa mangmangkik
- ang mga mangmangkik ay Espiritu sa kagubatan na dinadasalan
upang hindi magalit.
6. Arinkenken – paligsahan ng mga lalaki at babae. Ang tema ay tungkol sa
karapatan at responsibilidad.
7. Hele o duayaya – awit na pampatulog sa mga bata.
8. Awit sa pagtatanim, paggapas, pangingisda, at bago tumungo sa digmaan.

SALAYSAYING BAYAN
1. Alamat - Ang alamat ay isang uri ng kuwentong bayan at panitikan na nagsasalaysay
ng mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
Halimbawa:
Ang kauna-unahang unggoy ni Sotero Albano ng Dingras, Ilocos Norte
Ang Alamat ng Pinaupong Bangkay

2. Kuwentong-bayan - o folklore ay mga salaysay, tradisyonal na paniniwala, at


kaugalian sa isang komunidad na napasa sa iba’t ibang henerasyon sa pamamagitan ng
pagbabali-balita nito o pagpapahayag gamit ang kilos.
Halimbawa:
Si Juan Tamad
Ang Tatlong Magkakapatid na Lalaki

3. Epiko - Isang mahabang tula o kuwento na naglalarawan sa mga pakikibaka at


kabayanihan ng mga tauhan sa mga makabuluhang pangyayari sa kasaysayan ng isang lugar o
kultura.
4. Burburtia o Burtia – katumbas ng bugtong sa tagalog, sinusukat nito ang kaisipan ng
mga Ilokano.
Halimbawa:
Adda maysa a prinsesa
Nakatugaw iti tasa
- Kasoy

5. Pagsasao – salawikain sa tagalog. Naglalaman ito ng mga aral na binibigkas ng patula.


Halimbawa:
Ti adda siniglot na isu
Ti adda a bukraen na
Kapag may isinuksok,
May madudukot

II. Mga Akdang Ukol Sa Pananampalataya At Kagandahang Asal


1. Doctrina Christina (Cardinal Bellarmino)
2. Pasion de Nuestra Senora Jesuchristo(1621) ni P.Antonio Mejia
3. Vida de San Barlaan Y Josaphat (P. Agustin Mejia)
III. Mga Akdang Ukol Sa Wikang Iloko
1. Arte de la Lengua Iloca (P. Francisco Lopez)
2. Vocabulario de la Lengua Iloco (P. Lopez)
3. Gramatica Hispano – Ilocano at Diccionario Hispano (1900)
4. Etudios de las Antigua Afabitos Filipino
IV. Ang Panulaang Ilokano
1. Pedro Bukaneg
2. Leonna Florentino
3. Justo Claudio Y Fojas

V. Maikling Kuwento
Sarita – tawag ng mga ilokano sa kanilang maikling kuwento. Nangangahulugan itong
kuwento sa tagalog.
Halimbawa:
Ti Langi titi Innamnamatayo
(Ang Langit ang Pag-asa)

VI. Nobela
1. Matilde de Sipangan (1872) ni Rufino Redondo
- ito ang kauna-unahang nobelang nailimbag.
- umani ang akda ng gintong medalya noong 1892.
2. Biag ti meysa a lakay wenno nakam-ames a bales
- sinulat ni Mariano Gaerlan na ang nobelang yaman ng interpretasyon sa buhat at
kaugalian ng rehiyong Iloko.

VII. Dula
1. Nena Crisologo – pinakadakilang pangalan sa larangan ng dulaang Ilokano.
- Codigo Municipal at Takneng a Panangsalisal - obra maestra.

MGA KILALANG MANUNULAT


1. Leona Florentino
Siya ay isang manunulat ng mga tula sa wikang Ilokano at Espanyol noong
panahon ng Kastila. Ipinanganak siya noong Ika-19 ng Abril 1849 at namatay noong ika-4 ng
Oktubre 1884. Sa taong gulang na 14 ay Nagasawa na siya at nagkaroon ng limang anak.
Tinagurian siyang “Ina ng Philippine Women’s Literature”

2. Isabelo Delos Reyes


Siya ay isang mamamahayag, manunulat, manananggol at pinuno ng mga
manggawa. Siya ang nagtatag ng Iglesia Filipina Independiente.
Anak siya ni Elias delos Reyes at ni Leona Florentino, ang unang makatang babae
ng Ilocos Sur.

3. Jose Bragado
Ipinanganak sa Ilokos, pangulo ng gumil o gunglo daguiti manurat nga Ilokano at
isa sa mga tanyag na manunulat sa Ilocos Sur. Pumapangalawa kay Bukaneg.

4. PEDRO BUCANEG
“Ama ng Panitikang at Panulaang Iloko.” Si Bucaneg ay may kapansanan sa mata mula
pagkabata. Siya ang sumulat sa epikong Biag ni Lam-ang ("Life of Lam-ang") noong ika-17
dantaon

You might also like