Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

1

Ang angas bilang lakas: Mga kuwento ng kabataang babae ng

Mataas na Paaralang Pambansa ng Muntinlupa (Senior High

School)

Layunin ng pag-aaral na (1) mailatag ang mga kuwento ng angas bilang lakas ng mga kabataang
babae, (2) matukoy ang kalimitang isyu/suliranin, at hamon ng mga kabataang babae ganundin
kung paano nila ito hinaharap, at (3) madalumat ang angas/ o angas bilang lakas. Ang mga
kalahok sa pag-aaral ay nasa edad 18 hanggang 20 taong gulang na naging mga mag-aaral ng
mananaliksik sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Muntinlupa (Senior High School). Gamit ang
pakikipagkuwentuhan bilang metodo ng pananaliksik, sinuri ang mga binalikang alaala ng naging
danas ng kabataang babae, pinagnilayan ang mga isyu/suliranin, hamon, at solusyon nila sa mga
ito, at dinalumat ang angas nilang taglay batay sa kani-kanilang mga kuwento hanggang sa kung
paano nila ito nagiging lakas.

Natuklasan sa pag-aaral na ito na ang konteksto ng angas sa mga nabuong kuwento ng kabataang
babae ay ang pagtingin nila sa kanilang sarili, sa kapuwa, o sa buhay na naipahahayag sa iba’t
ibang pamamaraan bilang pagtugon nila sa kani-kanilang mga isyu/suliranin, at hamon sa mga
sitwasyong pinagdaraanan. Napag-alaman din na ang itinuturing nilang isyu/suliranin ay ang ano
mang sitwasyon na naghahatid sa kanila o sa mahahalagang tao sa kanilang buhay ng lumbay at
kabiguan gaano man ito katagal nang naganap. Nagsisilbing hamon sa kanila na pag-igihan at
magpatuloy sa buhay dahil sa pag-asang hatid ng kani-kanilang sariling paniniwala at/o
pagtitiwala ng mga taong mahalaga sa kanilang buhay. Bukod pa dito, natuklasan din na ang
angas sa konteksto ng kanilang mga kuwento ay ang paraan nila ng pagtugon sa mga
isyu/suliranin, at hamon na tumitingkad sa mga pagkakataong dinadala sila sa mga sitwasyong
kinakailangan nilang protektahan o pangalagaan ang kanilang sarili at/o mga taong mahalaga sa
kanilang buhay. Ang kanilang angas sa kabuuan ay ang lakas at tapang nilang harapin, pasanin, o
tanggapin ang mga sitwasyong hindi nila kayang kontrolin.
2

ABSTRAK

Kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ika-apat na taon

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga


mag-aaral sa ika-apat na taon ng pambansang mataas na paaralan ng
Talevera,Nueva Ecija. Hinangad sa pag-aaral na ito na matanto ang antas ng
kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga sining pangtanghalan
tulad ng pasalitang pagkukuwento, pagtatalumpating impromptu at
ekstemporenyo. Saklaw ng pag-aaral na ito ang labing limang (15) mga
mag-aaral na mag-rebyu sa ika-apat na taon. Nalimita ang pag-aaral sa
kasanayan ng mag-aaral sa pagsasalita sa mga gawaing pasalitang
pagkukuwento at talumpating impromptu,ekstomperenyo. Ang instrumentong
ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral
sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang
Pamana” na ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. Ang paksang
“Ang Pagtatapos” sa impromptu at ang paksang “Global Krisis” sa
ekstemporenyo gamit ang pamantayan o kraytirya sa pagtatalumpati upang
tukuying ang kasanayan sa pagsasalita ay ginamit sa paglikom ng datos.
Lumabas sa pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita
ang mga mag-aaral sa pagkukuwento at pagtalumpating ekstemporenyo
subalit sila’y nabalitaan na kakulangan sa kasanayan sa pagtatalumpating
impromptu. Sa kalahatan, tahasang maipapahayag na kulang sa kasanayan
sa pagsasalita ang mga mag-aaral.
3

Ito ay abstrak tungkol sa mga teknik na ginagamit ng


sangka-estudyantehan para makapag-aaal ng husto. Masdan kung
papaano nagbibigay ang abstrak ng isang maikling buod ng
akademikong sulatin.

Gamit ang isang survey kung saan sumagot ang 250 na lalake at 270 na
babaeng estudyante, nais naming ipakita ang mga iba’t-ibang teknik at
metolohiyang ginagamit ng mga mag-aaral sa Pilipinas upang makapag-aral
ng husto. Ang aming pagsasaliksik ay tumagal ng isang buwan. Kami ay
gumamit ng software gaya ng SPSS upang masuri at maintindihan ng maigi
ang mga datos na nakalap. Base sa ang aming mga nakalap na datos
karamihan sa mga estudyanteng mas nagtatagumpay sa sekondaryang
edukasyon ay hindi gumagamit ng teknik na kung tawagin ay “rote learning”.
Karamihan sa kanila ay gumagamit ng kanya-kanyang proseso upang
makalap ng impormasyon at matandaan ang mga aralin.

You might also like