Aralin 8

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ESP 7 Yunit 2

Week 13 & 14 Ang Pag-unlad ng Pagkatao


Aralin 8
Ang Likas na Batas Moral: Batayan ng Kabutihan

Layunin

a. Natutukoy ang kahulugan ng Likas na Batas Moral at kaugnayan nito sa


konsensiya
b. Naipaliliwanag ang halaga ng batas sa buhay ng tao
c. Napatutunayan na ang batayan ng tama at mali ay ang Likas na Batas
Moral
d. Nakagagawa ng angkop na pagkilos ayon sa Likas na Batas Moral

Gawain 1 “Aktibong Pagtuklas”

Panuto: Magbigay ng limang (5) halimbawa ng batas moral. Ilagay ang iyong mga sagot
sa sagutang papel na makikita sa huling pahina ng modyul na ito.

Gawain 2 “Aktibong Pagsusuri”

Mga Panuto: Ilagay ang iyong mga sagot sa kahon na makikita sa sagutang papel para sa
gawaing ito.
1. Tumahimik sandali at ilagay sa iyong imahinasyon sa mga imahe ng mundo at tao
kung sakaling mawala ang lahat ng batas na alam mo.
2. Iguhit sa iyong journal ang mga nakita mo.
3. Sumulat ng journal entry na sumasagot sa sumusunod na mga tanong:
a. Mula sa iyong iginuhit, masasabi mo bang kailangan ng tao ang batas?
Pangatwiranan.
b. Anong batas ang nakikita mong pinakamahalaga sa lahat? Ano ang
pinagbatayan ng batas na ito? Paliwanag.

Pamantayan

Nilalaman/Pagguhit – 10 puntos

Kalinisan – 10 puntos

LIKAS NA BATAS MORAL

Napag-aralan mo sa nakaraang aralin na ang konsensiya ay bahagi ng kaisipan na


humuhusga kung mabuti o masama ang kilos at mahalaga ang paghubog nito upang
magkaroon ng malakas at matatag na impluwensiya sa pagpapasyang moral. Ngunit
naitanong mo ba kung paano ito nalalaman ng konsensiya?

21
Note: This module is intended for 2 weeks!
ESP 7 Yunit 2
Week 13 & 14 Ang Pag-unlad ng Pagkatao
Ang Likas na Batas Moral ang susi sa pagkilala ng konsensiya ng tama o mali. Sa
pamamagitan ng Likas na Batas Moral may batayan ang konsensiya ng pangkalahatang
tama o mali ano man ang iyong lahi, kultura, at personal na pamantayan sa buhay,
maging ikaw ay pagano o hindi naniniwala sa Diyos!
Tulad ng ating konsensiya, ibinigay ng Diyos ang batas na ito upang ipadama na
tayo ay Kanyang kabahagi sa Kanyang karunungan at kabutihan. Ito ay tinawag na likas
dahil kasama na ito sa ating pagkalikha. Hindi mo kailangan ang makapasok sa paaralan
upang matutunan at malaman ang tungkol sa batas na ito dahil ito ay nasa puso ng tao.
Dahil tayo ay binigyan ng malayang kalooban, maaaring gawin o piliin ng tao alin man sa
mabuti o masamang gawin, kaya mayroong batas na ganito. Ngunit, likas din sa kanya na
kumiling sa mabuti at umiwas sa masama. Ito ang tinatawag na rational appetency ni St.
Thomas Aquinas. Ang kalikasang ito rin ang unang mahalagang prinsipyo ng Likas na
Batas Moral.
Unang batas ng Likas na Batas Moral:
“Gawin ang mabuti, iwasan ang masama.”

Lahat ng tao ay malaya. Malaya silang nakapipili ng kanilang gusto, isipin, o


gawin kaya nararapat silang tumanggap ng batas mula sa Diyos. Kailangan ng tao ang
batas na ito upang maunawaang dakila ang Diyos at makita ang halaga ng limitasyon sa
kanyang mga ginagawa. Ang batas na ito ay tanda na kayang pamahalaan ng tao ang
kanyang mga kilos at paggamit ng kalayaan.
Dapat tandaan na kahit ikaw ay malaya at may isip, kailangan mo ang batas upang
makagawa ng tamang pagpapasya at kilos. Mabuti ang layunin ng batas na ito dahil ito ay
para sa kabutihan ng tao. Ang tao ay matalino at mapamaraan kaya kadalasan ay
nakapananakit siya ng kapwa. Kung susundin ang Likas na Batas Moral, maiiwasan niya
ang paggawa ng masama. Samakatuwid, ang Likas na Batas Moral ang nagsisilbing
gabay at pamantayan ng tama at masamang kilos.
Iba’t Ibang Katangian ng Likas na Batas Moral
 Obhetibo (Objective) – ang pinagmulan ng katotohanan ay ang Diyos. Ito ay
pangkalahatang katotohanan na hindi nilikha ng tao.
 Pangkalahatan (Universal) – sinasaklaw ng batas na ito ang lahat ng tao sa lahat
ng lahi, kultura, lugar, at pagkakataon.
 Walang hanggan (eternal) – hindi natatapos ang hangganan ng batas na ito. Ito
ay permanente at walang kamatayan.
 Di-nagbabago (Immutable) – hindi nagbabago ang ating kalikasan kaya hindi rin
ito magbabago.
Ang Batas Moral ay unibersal dahil angkop ito sa kahit anong relihiyon. Ayon kay
Punsalan (2006) madaling maghusga kapag ang pagpapahalaga ay unibersal ngunit
mahirap ito para sa personal (subhetibong) na pagpapahalaga.
Halimbawa nito ay ang pag-aasawa. Iba-iba ang paniniwala ng mga tao sa pag-aasawa
dahil sa kultural at subhetibong pagpapahalaga.
 Dalawang Batas na ugat ng Batas Moral

22
Note: This module is intended for 2 weeks!
ESP 7 Yunit 2
Week 13 & 14 Ang Pag-unlad ng Pagkatao
Ang mga sumusunod ang nagbibigay ng direksiyon para makarating ang tao sa
patutunguhan sa buhay.
1. Batas ng Diyos (Eternal/Divine) – ang lahat ng bagay ay saklaw ng Diyos. Ang
batas ay ginawa ng Diyos bilang pagpapakita ng Kanyang kabutihan at
pagmamahal sa tao.
2. Batas ng Kalikasan (Natural Law) – ang tao ay binubuo ng katawan (pisikal) at
kaluluwa (espiritwal, konsensiya, at isipan). Ito ang humuhubog sa Batas Moral
upang magabayan ang taong mamili ng tama at mabuti.
Sa pamamagitan ng Batas Moral at konsensiya, natututunan ng tao na gumawa ng
mabuti at igalang ang kapwa at alagaan ang kapakanan ng lahat ng tao. Gamit ang
konsensiya, na pinakamalapit na batayan ng tao ng moralidad, naipamamalas ng tao ang
pamantayan ng moralidad sa kanyang buhay at naisasabuhay niya ang katotohanan.
“Anyone can make a mistake. A fool insists on repeating it.”
- Robertine Maynard

Gawain 3 “Aking Natutunan”

Sagutin ang mga tanong: (3 puntos bawat bilang)


1. Ano ang Likas na Batas Moral? Saan ito nagmula?
2. Ano-ano ang katangian ng Likas na Batas Moral?
3. Bakit mahalaga ang Likas na Batas Moral sa tao?
4. Saan dapat ibinabatay ng tao ang pagpapasya at kilos? Ipaliwanag.
5. Paano nagkakaugnay ang Likas na Batas Moral at ang konsensiya?

Gawain 4 “Pagtataya”

A. Iguhit sa patlang ang kung ang pahayag ay tama at kung mali .

1. Ang konsensiya at ang Likas na Batas Moral ay magkaugnay.


2. Ang isa sa mga katangian ng Likas na Batas Moral ay nagbabago.
3. Ang Batas Moral ang ginagamit bilang personal na pamantayang moral sa
pagpapasya.
4. Lahat ng tao, ano man ang lahi ay saklaw ng Batas Moral kaya ito ay matatawag na
subhetibo.
5. Ang batas ng Diyos ang nagsabi na ang tao ay binubuo ng materyal at espiritwal na
dimensiyon.

B. Gumuhit ng isang larawan na naaayon o may kaugnayan sa Batas Moral at


ipaliwanang ang kahalagahan nito sa iyo bilang isang mag-aaral. Iguhit ito sa loob
ng kahon na makikita sa sagutang papel at isulat ang iyong paliwanag.
Pamantayan
Nilalaman – 15 puntos
Kaugnayan – 10 puntos
Kalinisan – 5 puntos

23
Note: This module is intended for 2 weeks!
ESP 7 Yunit 2
Week 13 & 14 Ang Pag-unlad ng Pagkatao

24
Note: This module is intended for 2 weeks!

You might also like