Esp9 q1 Clas4 Wk4 Kapuwa-Ko-Tutulungan-Ko - Rhea Ann Navilla

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

PANGALAN:_____________________________________

9
BAITANG/SEKSYON:___________________________
____

EDUKASYON
SA PAGPAPAKATAO
Kwarter I – Modyul 4
Kapuwa Ko, Tutulungan Ko

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter I – Linggo 4: Kapuwa Ko, Tutulungan Ko
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa
Contextualized Learning Activity Sheets na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit
ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa Contextualized Learning Activity Sheets na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang
anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa

Bumubuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets


Manunulat: Matilde A. Dadosano

Pangnilalamang Patnugot: Robelyn P. Bonilla


Editor ng Wika: Robelyn P. Bonilla
Tagawasto: Robelyn P. Bonilla
Tagasuri: Shirley F. Lilang EPS I-EsP, Armor T. Magbanua PhD
Tagaguhit: Robelyn P. Bonilla
Tagalapat: Analen N. Gerbolingo at Robelyn P. Bonilla
Tagapamahala: Servillano A. Arzaga CESO V SDS
Loida P. Adornado PhD CESO VI ASDS
Cyril C. Serador PhD CID Chief
Ronald S. Brillantes EPS-LRMS Manager
Shirley F. Lilang EPS- EsP
Eva Joyce C. Presto PDO II
Rhea Ann A. Navilla Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR: Ronald S. Brillantes, Mary Jane J. Parcon


Armor T. Magbanua at Joseph Aurello

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Modyul 5
Kapuwa Ko, Tutulungan Ko
MELC: Napatutunayan na:
a. May mga pangangailangan ang tao na hindi niya makakamtan bilang
indibidwal na makakamit lamang niya sa pamahalaan o organisadong
pangkat tulad ng mga pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural at
pangkapayapaan
b. Kung umiiral ang Subsidiarity mapananatili ang pagkukusa, kalayaan at
pananagutan ng pamayanan o pangkat na nasa mababang antas at
maisasaalang-alang ang dignidad ng bawat kasapi ng pamayanan.
c. Kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti ang
uri ng pamumuhay sa lipunan/bansa lalo na sa pag-angat ng kahirapan,
dahil nakasalalay ang kanyang pag-unlad sa pag-unlad ng lipunan(Prinsipyo
ng Pagkakaisa) EsP9 LI d -2.3

Mga Layunin:
1. Natutukoy ang pangangailangan ng tao na matutugunan lamang ng
kinabibilangang organisadong pangkat o pamahalaan.
2. Naiisa-isa ang mga umiiral na prinsipyo sa pamayanan.
3. Naitatala ang mabubuting epekto sa pamumuhay ng tao dulot ng pakikibahagi
nito lipunan.

Subukin Natin
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang letra ng pinaka angkop na sagot
sa iyong sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa pangangailangan ng tao na matutugunan


lamang ng kinabibilangang organisadong pangkat o pamahalaan.
A. Pormal na Edukasyon
B. Matatag na Pangkabuhayan
C. Matatag na Programang Pangkalusugan
D. Walang hanggang kalayaan at kapangyarihan

2. Anong organisadong ahensya ang tumutugon sa edukasyon ng bawat tao.


A. Department of Education (Deped)
B. Komisyon ng Serbisyo Sibil (Civil Service Comission)
C. Pambansang Pulisya ng Pilipinas (Philippine National Police)
D. Departamento ng Kalakalan at Industriya (Department of Trade And Indusrty- DTI)

1
3. Anong prinsipyo ang umiiral sa isang pamayanan kung tinutulungan ng pamahalaan
ang bawat kasapi ng lipunan na paunlarin ang kani-kanilang sarili at pamumuhay.

A. Prinsipyo ng Proportio
B. Prinsipyo ng Solidarity o Pagkakaisa
C. Prinsipyo ng Subsidiarity o Pagtutulungan
D. D. Prinsipyo ng Pagkakapantay-pantay o Equality

4. Alin sa sumusunod ang HINDI mabuting epekto ng pakikibahagi ng tao sa lipunan?

A. Nagkakaroon Libre, de- kalidad na edukasyon ayon sa kaangkupan ng bawat


indibidwal.
B. May matatag na hanapbuhay at maayos na daloy ng pinagkakakitaan
C. Mayroong payapang pamumuhay sa payapang pamayanan
D. Nakakukuha ng malaking kick-back o mga perang mula sa iligal na transaksyon
gamit ang mga proyektong ipigagawa ng pamahalaan.

5. Bakit kailangan ng tao ang kaniyang kapwa sa lipunan? Ano ang pinaka dahilan?
A. Mabuti ang tumulong sa kapwa tao.
B. May pangangailangan ang tao na pamahalaan lamang ang maaaring magbigay.
C. Kailangan ding kumilos ng kapwa tao upang matugunan ang isinasaad sa Banal
na Aklat.
D. May mga pangangailangan ang tao na matutugunan lamang ng pangkat o
pamahalaan.

Ating Alamin at Tuklasin

Paghawan ng Balakid
Prinsipyo ng Subsidiarity – Ito ang prinsipyo ng pagtutulungan. Tinutulungan
ng pamahalaan ang bawat kasapi ng lipunan na paunlarin ang kanilang sarili at
pamumuhay.
.

Natatandaan mo pa ba ang iyong nakaraang aralin? Ano ang halimbawa ng Prinsipyo


ng Subsidiarity? Paano ito nakakaapekto sa pamumuhay at ugnayan ng tao sa lipunan?
Bilang isang mag-aaral sa baitang 9, Paano mo maipakikita ang pakikipagtulungan
at pakikipagkaisa sa iyong kapwa at pamayanan?

May mga pangangailangan ang tao na makakamit lamang sa pamamagitan ng


kaniyang kapuwa at ng organisadong pangkat o pamahalaan na kaniyang
kinabibilangan.
Pangangailangan ng Tao na Matutugunan Lamang ng Kinabibilangang
Organisadong Pangkat o Pamahalaan.

1. Pormal na Edukasyon
➢ Ito ay ang organisadong ahensya na tumutugon sa edukasyon ng bawat tao. Halimbawa
nito ang sumusunod:
a. Department of Education (Deped)
b. Commision on Higher Education (CHED)

2
2. Matatag na Pangkabuhayan
➢ Ito ang responsable sa mga pangkabuhayang usapin at gawain. Kabilang sa mga
ahensyang ito ang sumusunod:
a. Komisyon ng Serbisyo Sibil (Civil Service Comission)
b. Departamento ng Kalakalan at Industriya (Department of Trade And Indusrty- DTI)
c. Kagawaran ng Paggawa at Empleyo (Department of Labor-DOLE

3. Pangmatagalang Seguridad at Kapayapaan


➢ Ito ang kapayapaang itinatag at pinapanatili ng estado para sa lipunan. Kabilang sa
mga hensya dito ay ang:
a. Sandatahang Lakas ng Pilipinas (Arm Forces of the Philippines)
b. Kagawaran ng Tanggulang Pambansa (National Defense)
c. Pambansang Pulisya ng Pilipinas (Philippine National Police)

4. Matatag na Programang Pangkalusugan


➢ Ito ang nangunguna sa mga programang may kauugnayan sa kalusugan ng bawat
kasapi ng lipunan. Pinangunguhan ito ng sumusunod na mga ahensya:
a. Department of Health
b. World Health organization

5. Katarungang Panlipunan
➢ Sinisiguro nito na patas at maririnig ang lahat ng panig ng bawat kasapi ng lipunan.
Pangunahing nangunguna dito ang sumusunod na ahensya:
a. Department of Justice
b. Judiciary

6. Paglago sa Teknolohiya
➢ Binibigyan ng pagkaktaon ang bawat kasapi ng lipunan na umunlad at makisabay sa
trend ng makabangong pamamaraan. Pinangunguhan ito ng:
a. Department of Science and Technology (DOST)
b. Department of Information and Comminication Technology

Mga Umiiral na Prinsipyo sa Pamayanan.

1. Prinsipyo ng Solidarity
➢ Ito ang prinsipyo ng pagkakaisa. Ang pagkakapitbisig ng mga kasapi ng lipunan ay
sandigan ng bawat isa tungo sa kaunlaran at katugunan ng kanilang mga hangarin sa
buhay. Halimbawa:
• Tree Planting
• Oplan Linis
• Bayanihan sa Barangay
• Bahaginan sa Barangay

2. Prinsipyo ng Subsidiarity
➢ Ito ang prinsipyo ng pagtutulungan. Tinutulungan ng pamahalaan ang bawat kasapi ng
lipunan na paunlarin ang kanilang sarili at pamumuhay.Halimbawa:
• Pagpapautang ng puhunan sa mga nais mag negosyo
• Free Livilihood Seminar at Workshop
• Libreng abono at punla para sa mga magsasaka
• Pagpapautang sa mga mangingisda

Mabubuting Epekto sa Pamumuhay ng Tao na Dulot ng Pakikibahagi Nito sa Lipunan.

1. Nagkakaroon Libre, de- kalidad na edukasyon ayon sa kaangkupan ng bawat indibidwal.


2. May matatag na hanapbuhay at maayos na daloy ng pinagkakakitaan
3. Mayroong payapang pamumuhay sa payapang pamayanan
4. May sapat at magandang serbisyong-pangkalusugan
5. Patas kalagayang panlipunan
6. Maunlad at kapakipakinabang teknolohiya

(Pinagkunan: Mary Jean B. Brizuela, et al., Edukasyon sa Pagpapakato 9, Pasig City:Department


of Eduaction, 2015, 287-295.)

3
Tayo’y Magsanay

Gawain 1
Panuto: Tukuyin ang pangangailangan ng tao. Isulat ang tsek (/) sa iyong
sagutang papel kung ang pangangailangan ng tao ay matutugunan lamang ng
kinabibilangang organisadong pangkat o pamahalaan.

1. Pormal na Edukasyon
2. Matatag na Pangkabuhayan
3. Pangmatagalang Seguridad at Kapayapaan
4. Matatag na Programang Pangkalusugan
5.Katarungang Panlipunan

Gawain 2
Panuto: Isa-isahin ang mga umiiral na prinsipyo sa pamayanan. Kulayan mo ng
PULA ang puso kung ang pahayag na nakasulat sa ibaba nito ay nagpapakita ng
Prinsipyo ng Solidarity of Pagkakaisa at ASUL naman kapag Prinsipyo ng
Subsidiarity of pagtutulungan. Gawin ito sa iyong dyurnal.

isa 1.
umiiral 2. s

Pautang sa mga
TREE PLANTING nagnanais magsimula
ng negosyo

3. i

sa umiiral
4. Oplan Linis isa 5.
umiiral

Libreng punla at abono para sa


mga magsasaka Bayanihan sa Barangay

Mayroon ka bang natatandaang gawain sa barangay na nagpapakita


ng pagkakaisa at pagtutulungan

4
Ating Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Itala mo ang mabubuting epekto sa pamumuhay ng tao dulot ng
pakikibahagi nito lipunan. Basahin mo ang mga pahayag sa scroll .Isulat mo sa loob ng
lobo ang letra na ang pahayag ay nagpapakita ng epekto ng pakikibahagi ng tao sa
lipunan.(In any order)

A. Nagkakaroon Libre, de- kalidad na


edukasyon ayon sa kaangkupan ng
bawat indibidwal.
B. Walang matatag na hanapbuhay at
maayos na daloy ng pinagkakakitaan
C. Mayroong payapang pamumuhay sa
payapang pamayanan
D. May sapat at magandang
serbisyong-pangkalusugan Patas
kalagayang panlipunan
E. Maunlad at kapakipakinabang
teknolohiya

Gawain 2
Panuto: Dugtungan mo ang sinimulang pangungusap upang makabuo ng pakikibahagi
ng tao sa pagtugon ng pamahalaan o pangkat pangangailangan. Maaaring pumili ng mga
parirala sa loob ng kahon. Isulat ang letra sa guhit ng bawat bilang.

A. buong-pusong C. mag-aral ng mabuti


B. kalinisan D. pagsunod
E. kosiderasyon.

1. Pagsisikapan kong____________ upang makapagtapos at makapaglingkod.


2. Ang ______________________ paglilingkod ng mga nars at doktor ay napakalaking
sakripisyo para sa kanilang kapwa..
3. Ang ________________sa lahat ng health and safety protocol ang pangunahing
tungkulin ng tao ngayong pandemya upang hindi na makadagdag sa suliranin ng
pamayanan.
4. Ang pandemyang ito ay nagdulot ng labis na pahirap sa pamumuhay ng lahat ng
tao, kaya’t nararapat lamang na pairalin ang higit na _______________ng bawat tao
sa kaniyang kapuwa.
5. Ang pananatili ng __________sa palengke o alinmang pasilidad ay napaka
importante para sa lahat ng mamamayan.

Naging matagumpay ba ang iyong paglalakbay sa araling ito?


sitwasyon

5
Ang Aking Natutuhan

Panuto:
Kumpletuhin ang talata sa ibaba. Isulat ang tamang sagot sa bawat
patlang upang mabuo ang diwa nito.

kapuwa Prinsipyo ng Pagkakaisa


organisadong kinabibilangan Prinsipyo ng Pagmamahalan
Prinsipyo ng Pagtutulungan

May mga pangangailangan ang mamamayan na makakamtan lamang


niya sa tulong ng kaniyang 1.___________________________ at ng
2.______________. Magiging madali ang katugunan sa pangangailang
ng tao kung iiral sa kanilang pamayanan ang mga prinsipyong katulad
ng 3. _____________________ at 4. __________________________.

6
\
Ating Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag o katanungan. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Anong organisadong ahensiya ang tumutugon sa edukasyon ng bawat tao.


A. Department of Education (Deped)
B. Komisyon ng Serbisyo Sibil (Civil Service Comission)
C. Pambansang Pulisya ng Pilipinas (Philippine National Police)
D. Departamento ng Kalakalan at Industriya (Department of Trade And Indusrty- DTI)

2. Anong prinsipyo ang umiiral sa isang pamayanan kung tinutulungan ng pamahalaan


ang bawat kasapi ng lipunan na paunlarin ang kani-kanilang sarili at pamumuhay.

A. Prinsipyo ng Proportio
B. Prinsipyo ng Solidarity o Pagkakaisa
C. Prinsipyo ng Subsidiarity o Pagtutulungan
D. D. Prinsipyo ng Pagkakapantay-pantay o Equality

3. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa pangangailangan ng tao na matutugunan


lamang ng kinabibilangang organisadong pangkat o pamahalaan.
A. Pormal na Edukasyon
B. Matatag na Pangkabuhayan
C. Matatag na Programang Pangkalusugan
D. Walang hanggang kalayaan at kapangyarihan

4. Alin sa sumusunod ang HINDI mabuting epekto ng pakikibahagi ng tao sa lipunan?


A. Mayroong payapang pamumuhay sa payapang pamayanan
B. May matatag na hanapbuhay at maayos na daloy ng pinagkakakitaan
C. Nagkakaroon Libre, de- kalidad na edukasyon ayon sa kaangkupan ng bawat
indibidwal.
D. Nakakukuha ng malaking kick-back o mga perang mula sa iligal na transaksyon
gamit ang mga proyektong ipigagawa ng pamahalaan.

5. Bakit kailangan ng tao ang kaniyang kapwa sa lipunan? Ano ang pinaka dahilan?
A. Mabuti ang tumulong sa kapwa tao.
B. May pangangailangan ang tao na pamahalaan lamang ang maaaring magbigay.
C. Kailangan ding kumilos ng kapwa tao upang matugunan ang isinasaad sa Banal
na aklat.
D. May mga pangangailangan ang tao na matutugunan lamang ng pangkat o
pamahalaan.

2
Susi sa Pagwawasto
Subukin
1. D 2. A 3. C 4. D 5. D

Tayo’y Magsanay

Gawain 1
1. / 2/ 3. / 4. / 5. /

Gawain 2
1.PULA 2.ASUL 3.PULA 4.ASUL 5. PULA
Ating Pagyamanin

Gawain 1
1.A, C, D, E ( in any order)

Gawain 2
1. C 2. A 3. D 4. E 5. B

Ang Aking Natutuhan


1.kapuwa 2.organisasyong kinabibilangan 3. Prinsipyo ng Pagkakaisa
4.Prinsipyo ng Pagtututlungan ( pwede pong magkabaliktaran ang sagot sa 3 at 3

Ating Tayahin
1.A 2. C 3. D 4. D 5.D

3
Sanggunian

Modyul

Brizuela, Mary Jean B., Patricia S. Arnedo, Goeffrey A. Guevarra, at Earl P. Valdez
Edukasyon sa Pagpapakatao 10.Pasig City: Department of Education,2015.

4
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba at ibang gawain para sa iyong
pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

5
6

You might also like