Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Unang Markahan.

Mga Akdang Pampanitikan


Lesson 5: Mga Akdang Pampanitikan- kahulugan at mga katangian nito

AKDANG PAMPANITIKAN
– Ang panitikan ay nag mula sa “pang-titik-an”. Ang kahulugan nito ay ang literatura o mga akdang nasusulat. Ito rin ay
naglalaman ng mga akdang tumatalakay sa pang araw-araw na buhay. Bahagi rin nito ang mga kathang-isip, pag-ibig,
kasaysayan at iba pa. Ito rin ay nagsasalaysay ng kaalaman, damdamin, kultura, at mga ideya nga mga tao.

Mga halimbawa:

Maikling Kwento-Ang maikling kwento ay isa sa mga anyo ng panitikan. Ito ay maiksing salaysay na naglalaman ng
isang kwentong may mahalagang pangyayari.

Nobela-Ang nobela ay isang mahabang likhang sining na nagpapakita ng mga pangyayariing pinagdikit sa pamamagitian
ng balangkas.

Sanaysay - Ang sanaysay ay isang uri ng akda na nasa anyong tuluyan. Ito ay tungkol sa mga kaisipan at bagay-bagay na
maaaring kapulutan ng mga impormasyon na makatutulong sa pagbuo ng sariling pananaw.

Tula-Naglalaman ng ng makahulugang mga paksa. Naglalaman ang tula ng tugma, metro, at talundtod sa isang akda.

Dula- Ito ay itinatanghal sa entablado sa harapan ng maraming manunuod. Kadalasang may paksang pag-iibigan,
panlipunan at pangpamahalaan.

Talumpati-Akda kung saan ito ay itinatanghal sa harapan ng maraming tao gamit ang pagsasalita. Karaniwang may
temang panghihikayat.

Alamat-Akda na ang laman ay ang mga kwentong tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay sa mundong ibabaw.
Pagsasalaysay tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa paligid.

Epiko-Ang epiko ay isang tulang nag kukwento ng kabayanihan ng pangunahing tauhan. Bukod dito, ang ang
pangunahing tauhan ay mayroong mga katangian na higit pa sa ordinaryong tao.

Pabula-Ang mga pabula ay mga kwento na kung saan ang mga pangunahing tauhan ay mga hayop. Ngunit, ang mga
pangyayari sa kwento ay nasasalamin sa totoong buhay.

Talambuhay-Nilalarawan ang buhay ng pangunahing tauhan. Mga nagawa, nangyari at mga katangian nito.

Salawikain- Kawikaan, Kasabihan,Wikain o Sawikain. Mga kasabihan na mapupulotan ng aral.

Parabula-Ang parabula o talinghaga ay mga maikling kuwento na galing sa bibliya na kung saan ang mga importanteng
aral ay makukuha.

Mito-Ang mga mitolohiyang Pilipino ay mga paniniwala na mula sa panahon bago pa dumating ang mga Espanyol at
ipinakilala ang Kristyanismo.

Kwentong–Bayan- Ito ang mga alamat, mito, parabula, o pabula na matatagpuan sa ating bansa.

Anekdota-Ito ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa nakakatawa o kakaibang pangyayari o insidente.

Kahalagahan ng panitikan
1. Upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino, at matalos natin ang ating pinagyaman ng isip at ang angking talino ng ating pinanggalingang
lahi.
2. Tulad ng ibang lahi sa daigdig dapat nating mabatid na tayo'y may dakila at marangal natradisyonng siya nating ginawang sandigan ng pagkabuo
ng ibang kulturang nakarating saating bansa.
3. Upang matanto natin ang ating mga kakulangan sa pagsulat ng panitikan atmakapagsanay na ito'y matuwid at maayos.
4. Upang makilala at magamit natin ang ating mga kakayahan sa pagsulat at magsikap naito'y malinang at mapaunlad.
5. Sa pamamagitan nito ay malalaman,madarama at masusumpungan natin kung paano namulat at namuhay ang ating mga ninuno.

You might also like