Professional Documents
Culture Documents
Aralin 1 Ekonomiks
Aralin 1 Ekonomiks
Ayon kay Viloria (2000), ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano
tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong
pinagkukunang-yaman.
Ito ay nagsimula sa salitang Griyego na oikonomia, ang oikos na nangangahulugang bahay at nomos na
pamamahala.
Pinag-aaralan sa ekonomiks ang pamamamaraan kung paano nagbabahagi ang mga mamamayan at
ang bansa ng kanilang limitadong resources.
Pinag-aaralan din kung papaano gagamitin ng tao at lipunan ang limitadong resources upang
makagawa at maipamahagi ang iba’t ibang produkto at serbisyo sa mga tao at iba’t ibang pangkat ng
lipunan.
Ang pamayanan ay gumagawa ng iba’t ibang desisyon katulad ng sambahayan. Lumalabas dito
ang apat na katanungan para matugunan ang suliranin sa pagkakaroon ng limitadong resources.
Ang mga katanungang ito ay ang mga sumusunod:
Anu-anong mga produkto at serbisyo ang gagawin?
Gaano karami ang gagawin?
Paano gagawin?
At para kanino?
Dahil sa may limitasyon ang ating pinagkukunang-yaman ay umiiral ang suliranin sa kakapusan. May
kakapusan sa pinagkukunang-yaman sapagkat walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan
ng tao. Ang likas na yaman ay maaaring maubos at mahirap na palitan. Ang yamang kapital din ay may
limitasyon kaya limitado ang nagagawang produkto at serbisyo para sa tao. Kaya ang kakapusan ay
kaakibat na ng ating buhay sapagkat may limitasyon ang lahat ng bagay sa daigdig.
Sa pag-aaral ng ekonomiks ay mas lalo nating mauunawaan ang pagbuo ng isang matalinong
pagpapasya. Aalamin natin ang kahalagahan ng ekonomiks bilang mag-aaral, bilang bahagi ng iyong pamilya
at bilang bahagi ng lipunan.
Bilang mag-aaral, kapag naunawaan ang kahalagahan ng ekonomiks ay mas lalo kang maging mapanuri
at mapagtanong sa mga nangyayari sa iyong paligid. Nakatutulong ito sa pagbuo ng mga matatalinong
pagpapasya tungo sa kinabukasan. Hinuhubog nito ang iyong pag-unawa sa mga bagay-bagay na maaaring
makatulong sa loob ng tahanan. Nagkakaroon ka ng interes sa mga usaping pang-ekonomiko na nakatutulong
sa mas malawak na pag-uunawa sa buhay mo at buhay ng ibang tao.
Bilang bahagi ng iyong pamilya, ang mga natutunan sa ekonomiks ay magagamit sa mga pagdedesisyon
sa loob ng tahanan. Ang iyong kaalaman ay magagamit sa pagbibigay ng mga makatuwirang opinyon tungkol
sa pagdedesisyon ng iyong pamilya. Ang mga desisyong ito ay may kinalaman sa usapin sa pag-aaral,
pagnenegosyo, paggasta, at pagtugon sa maraming pangangailangan at kagustuhan ng iyong pamilya. Ang
mga sariling pananaw na maibabahagi sa iyong pamilya ay hango sa iyong natutunan sa pag-aaral ng
ekonomiks.
Bilang bahagi ng lipunan, mas mauunawaan mo ang iba’t ibang usaping panlipunan kasama na ang
usaping pang-ekonomiko. Magagamit mo ang mga natutunan mo sa ekonomiks lalo na sa mga batas at
programa na ipinatupad ng pamahalaan na may kinalaman sa pagpapaunlad ng ekonomiya at ng buhay ng tao.
Mas lalo mong lubos na mauunawaan ang mga nangyayari sa paligid at ang mga isyung kinakaharap ng bansa.
Magagamit mo ang iyong mga natutunan sa ekonomiks para makapagbigay ng sariling pananaw sa mga
suliranin na kinakaharap at dinaranas ng bansa