DepEd - Home Work Issue

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

DepEd, maglalabas ng guidelines sa homework

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - August 29, 2019 - 12:00am


MANILA, Philippines – Inihayag ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na
maglalabas sila ng ‘guidelines sa pagbibigay ng mga guro ng homework o gawaing-bahay
sa mga estudyante tuwing weekdays.

Kasunod ito nang isinusulong na ‘no homework bill’ sa Kongreso, na naglalayong huwag
nang bigyan ng asignatura ang mga estudyante mula Kindergarten hanggang Grade 12.

Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones, isasaad nila sa naturang panuntunan kung
ilang gawaing-bahay lamang ang maaaring ibigay ng mga guro sa mga mag-aaral.

Tutukuyin din aniya nila ang mga isasamang asignatura at kung sino ang mga
estudyanteng masasakop ng naturang polisiya.

Ani Briones, ipapaalala rin nila sa polisiya ang DepEd Memorandum No. 392 (series of
2010) na nagbabawal sa pagbibigay ng homework o assignments sa mga estudyante
tuwing weekends.

Isinasapinal pa aniya nila sa ngayon ang naturang panuntunan para kanyang malagdaan.

“Right now, we are discouraging homework during weekends, but we need to issue a new
directive, pending the approval of the bills, that will regulate or limit the homework given
on weekdays,” paliwanag ng kalihim.

Matatandaang una nang sinabi ni Briones na pabor siya sa ‘no homework bill,’ na
nakabinbin sa Kongreso dahil wala namang garantiya na ang mga bata mismo ang
gumagawa nito.

Masyado na kasi aniyang mahirap ang curriculum at napakaraming asignatura at mga


school activities ng mga bata kaya’t hindi na dapat na dagdagan pa ang kanilang
alalahanin sa pamamagitan ng pagpapauwi ng mga gawaing-bahay.

Naniniwala rin si Briones na dapat na mabigyan ang mga bata nang pagkakataong
magkaroon ng quality time sa kanilang mga magulang at mga kaibigan sa kanilang pag-
uwi sa tahanan, kaya’t una nang ipinatupad ng DepEd ang pagbabawal sa pagbibigay ng
homework sa mga estudyante kapag weekends.
_____________________________________________________________________

Matatandaang una nang sinabi ni briones na pabor siya sa nohomework bill, na


nakabinbin sa kongreso dahil wala namang

garantiya na ang mga bata mismo ang gumagawa nito.

Inihayag ng pamunuan ng department of education (DepEd) na maglalabas sila ng


‘guidelines sa pagbibigay ng mga guro ng homework o gawaing-bahay sa mga estudyante
tuwing weekdays. Tutukuyin din aniya nila ang mga isasamang asignatura at kung sino
ang mga estudyanteng masasakop ng naturang pulisiya
Sinabi ni education secretary Leonora Briones, isasaad nila sa naturang panuntunan kung
ilang gawaingbahay lamang ang maaaring ibigay ng mga guro sa mga magulang.
Kasunod ito nang isinusulong na ‘no homework bill’ sa kongreso na naglalayong huwag
nang bigyan ng asignatura ang mga estudyante mula kindergarten hanggang grade 12
Ani niya briones, ipapaalala rin nila sa polisiya ang deped Memorandum No. 392 (series
of 2015) na nagbabawal sa pagbibigay ng homework o assignments sa mga estudyante
tuwing weekends.

Right now, we are discouraging homework during weekends, but we need to issue a new
directive, pending the approval of the bills, that will regulate or limit the homework given
on weekdays paliwanag ng kalihim.

Isinasapinal pa aniya nila sa ngayon ang naturang panuntunan para kanyang malagdaan.

Masyado na kasi aniyang mahirap ang curiculum at napakaraming asignatura at mga


school activity ng mga bata kaya’t hindi na dapat na

dagdagan pa ang kanilang alalahanin sa pamamagitan ng pagpapauwi ng mga gawaing-


bahay.

Naniniwala rin si Briones na dapat na mabigyan ang mga bata nang pagkakataong
magkaroon ng quality time sa kanilang mga magulang at mga kaibigan sa kanilang pag-
uwi sa tahanan, kaya’t una nang ipinatupad ng deped ang pagbabawal sa pagbibigay ng
homework sa mga estudyante kapag weekends.

You might also like