Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Kasanayang Komunikatibo

- Ay ang pagbibigay halaga sa paggamit ng wika sa mga angkop na sitwasyon (David Nuna at Tompkins
1998)

- (Canale at Swain) apat ang mahalagang elementong dapat na isaaalnag – alang upang taglayin ang
kasanayang komunikatibo.

1. Kakakyahang Lingguwistiko

2. Kakayahang Sosyo – Ligguwistiko

3. Kakayahang Istratedyik

4. Kkaayahang Pandiskorsal

1. Kakayahang Linggwistiko

- Mahalaganf mabatid ang tuntuing panggramatika upang magamit sa epektibong pagbuo ng salita,
pangungusap, tamang pagbigkas, pagbaybay at pagbibigay kahulugan ng salita.

* ibig sabihin grammar o balarila ang tangin pokus ng kakayahang ito.

Halimbawa:

mahalaga ang pag – aaral ng mabuti upang magkaroon nang magandang kinabukasan.

*kung babasahin natin ito opapakinggan mistulang walang mal isa pangungusap subalit kung ito ay
titingnan na sa paraang pasulat, Ano kaya ang mga lumabag sat untuning panggramatika?

- Mahalaga ang pag-aaral nang mabuti upang magkaroon ng magandang kinabukasan.

2. Kakayahang Sosyo – Lingguwistiko

- tumutukoy sa paggamit ng mga salitang naaangkop sa sitwasyon at sa kontekstong sosyal ng lugar.

- Paggamit ng wika na naaangkop sa iyong kausap (tono, pagpili ng salita, paraan ng pagsasalita).

Halimbawa :

Sandra (tag-Cebu) : Naku Sally! Umalis ka diyan sa upuan mo kasi maraming ibon!

Sally (taga – Maynila): Anong ibong ang sinasabi mo? Eh wala naman akong nakikitang lumilipad.

* Ano ang napapnsin ninyo? Nagkakaunawaan ba ang dalawang taong nag – uusap?

* Hindi sila nagkakaunawaan dahil hindi sila gumamit ng kakayahang sosyo lingguwistiko.

- “Ibon”
Cebu: Langgam

Maynila: Hayop na lumilipad

*isang pang halimbawa kapag kausap mo ang iyong kaibigan ganito mo sya yayain para kumain.

Halimbawa:

Kaibigan- “Tol!” tar ana sabay na tayong kumain!

Guro - “Magandang araw po Bb/Maam/Sir, kain po tay!”

* Sa ganitong pahayag malalaman na ang taong nagsasalita ay gumamit ng sosyo lingguwistiko sapagkat
naiiaayon nya kung sino ang kanyang kausap ganun din ang tono at pati na rin ang paraan ng kanyang
pagsasalita.

3. Kakayahang Istratedyik

- Paggamit ng berbal at di – berbal na mga hudyat upang maihatid nang mas malinaw ang mensahe.

- Di – berbal (nguso, pagkumpas ng kamay, pagtapik, pagkindat at iba pa).

Sitwasyon:

Nagtungon si Edna sa isang lugar para hanapin ang bahay ng kanyang kaibigan na si Myra.

Edna: Magandang umaga po! Saan po ba ang bahay ni Myrna?

Tindera: (Itinuro ang kinaroroonan ng bahay gamit ang daliri)

Saganitong sitwasyon masasabi ba ang tindera ay gumamit ng kakayahang Istratedyik?

Tama! Kasi gumamit sya ng di berbal wika.

4. Kakayang Pandiskorsal

- Dito binibigyan ng wastong interpretastyon ang salita, pangungusap o pahayag nang makabuo ng
malalaim na kahulugan.

- itinuturo kung paano mapagsasama – sama o mapag-uugnay ang mga salita o pahayag tungo sa
maayos na komunikasyon.

*samantala kung pasulat naman maaring makabuo ng isang talumpati, artikulo o di kaya isang
makabuluhang sanaysay pang akademiko.

Halimbawa:

Nelson Mandela, mahusay, pinuno, hinahangaan ng maraming tao.

Paano nyo kaya magpag-uugnay – ugnay o magpagsasama – sama ang mga salitang ito upang makabuo
ng isangmalinaw na pahayag?
Si Nelson Mandela ay isang mahusay na pinuno kaya’t hinahangan siya ng maraming tao.

*sa ganitong paraan mayroon na tayong kakayahang Pandiskorsal sa pagkat nabuo natin ang mga
salitang ito sa pamamagitan ng pag-uugnay ugnay upang makagawa o makabuo ng isang maayos na
pangungusap na mayroon taglay na kahulugan.

You might also like