Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Name: Rhialynn P Jaca Section: 8-Diversity Date: 11/10/2021

EMELIO AGUINALDO – Ang Unang pangulo nang pilipinas

BUDDISMO-Ang buddismo ay ang ika-apat na pinakamalaking relihiyon sa mundo na may higit sa 520
milyong tagasunod

KARAGATAN- Pinakamalawak at pinakamalalim na anyong tubig, maalat ang tubig nito

NILE- Pinakamahabang ilog sa daigdig na matatagpuan sa Africa

MT AVEREST- Pinakamataas na bundok sa daigdig at bahagi ng kabundukan ng Himalayas

KRAKATOA- Isa sa pinakaaktibong bulkan sa asya na matatagpuan sa Indonesia

LIKAS- Mga yaman na may buhay o walang buhay ang mga uri nito at lupa,tubig,Gubat, Mineral at tao

PHARAOH- Ang Pharaoh ang tumatayong pinuno at hari nang sinaunang Egypt

CLEOPATRA-ang huling paraon-reyna ng Sinaunang Ehipto. Namuno siya sa Ehipto mula 51 BK hanggang
30 BK.[1] Siya rin ang huling miyembro ng dinastiya o pamilyang Ptolemy na nagmula sa Masedonya

MUMMIFICATION- Ito ang processo kung saan maaring mapreserba ang katawan nang mga
namayapang tao

ILOG TIGRIS AT ILOG EUPHRATES- Ang dalawang ilog na pumapagitan sa lupain ng Mesopotamia

LAO TZU-Isang pangunahing katauhan sa pilosopiyang Tsino na pinagtatalunan kung totoo siya sa
kasaysayan. Sang-ayon sa tradisyunal na alamat ng Tsino

ARTISANO-Isang manggagawa o mga dalubhasa sa paggawa o paglikha ng mga bagay na gawa sa kamay
na maaaring magagamit o istriktong pang-dekorasyon.

HIEROGLYPHIC-Sinaunang paraan ng pagsusulat sa kabihasnang egypt.

HAMMURABI- Pinuno nang Babylonia

PREHISTORIKO- Bahagi ng kasaysayan bago naimbento ng mga Sumerian ang pagsusulat gamit ang
cuneiform mahigit limang libong taon na ang nakakalipas.

NEOLITIKO-ito ay ang panahon ng bagong bato. Tinatawag ito na neolithic o new stone age sa Ingles. Ito
ang huling bahagi ng panahon ng bato.

HITTITE-Ang mga Hitita o Hitito (tinatawag ding Hetita, Hetito, Heteo, o Hittites,Hittites) ay isang
makasaysayang lahi ng mga sinaunang taong Anatoliano na nagsasalita ng mga Wikang Hitita

DOMESTIKASYON-Ang Domestikasyon ay isang proseso kung saan ang isang populasyon ng mga hayop
o halaman ay nabago sa lebel na henetiko sa isang proseso ng seleksiyon upang palakasin ang mga
katangian na magiging kapakinabangan sa mga tao.
KARAGATANG PASIPIKO- Ang pinakamalaking katawan ng tubig ng mundo, sa silangan ng Asya at
Australasya at kanluran ng mga Amerika

EL FILIBUSTERISMO- Ang nobelang El Filibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang


nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal, na kaniyang buong pusong inialay
sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora.

GINOONG PASTA - Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal at sya rin ang takbuhan ng
nangagaylangan at si ya rin ang pinaka bantog na manananggol sa bayan nila

TANDANG CELO-Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo

ANDRES BONIFACIO-Siya ay isang Pilipinong rebolusyonaryo at bayani na nagtatag ng Kataastaasan


Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan, isang lihim na lipunan na
nakatuon sa pakikipaglaban sa mga Espanyol na sumakop sa Pilipinas.

HENERAL ANTONIO LUNA-Itinuturing na isa sa pinakamatapang at pinakamagaling na heneral sa


panahon ng rebolusyonaryong Pilipino. Isa siya sa pinakahinahangaang bayani ng Pilipinas.

APOLINARIO MABINI-Siya ay kilala bilang Dakilang Paralitiko at Utak ng Rebolusyon. Isa siya sa mga
bumuhay ng La Liga Filipina na siyang nagbigay-suporta sa Kilusang Pang-reporma.

EMILIO JACINTO-Isa siya sa mga pinakamataas na opisyal ng Rebolusyong Pilipino at isa sa pinakamataas
na opisyal ng Katipunan. Kilala siya sa mga aklat-aralin sa kasaysayan ng Pilipinas bilang Utak ng
Katipunan.

FRANCISCO BALAGTAS BALTAZAR-Siya ay kinikilala bilang "Prinsipe ng Manunulang Tagalog" at


itinuturing na William Shakespeare ng Pilipinas para sa kanyang kontribusyon at impluwensya sa
panitikang Pilipino. Ang sikat na romantikong pag-iibigan ng ika-19 na siglo, ang Florante at Laura, ay ang
kanyang pinamainam na likha.

GABRIELA SILANG-Ang matapang na asawa ng lider ng Ilokanong maghihimagsik na si Diego Silang.


Kasunod ng pagkamatay ng kanyang asawa, pinamunuan niya ang grupo sa himagsikan laban sa mga
Kastila.

GOMBURZA-Ang Gomburza ay tumutukoy sa tatlong pari ng Katolikong Pilipino (Mariano Gomez, José
Burgos, at Jacinto Zamora), na pinatay noong 17 Pebrero 1872 sa Bagumbayan ng mga kolonyal na
awtoridad ng Espanyol sa paratang ng pagpapabagsak na bunga ng 1872 Cavite mutiny.

GREGORIO DEL PILAR-Isa sa pinakabatang heneral ng Pilipinas noong panahon ng Rebolusyong Pilipino
at Digmaang Pilipino-Amerikano

JOSEFENA LLANES ESCODA-Kilala bilang lider ng sibiko, tagapagturo at tagapagtatag ng Girl Scouts of
the Philippines (GSP). Sa panahon ng pananakop ng Hapon, siya ay pinapatay sa hinala ng pagiging isang
taga-simpatya ng mga gerilya.

Lapu-Lapu-Itinuturing na isa sa pinakadakilang pigura ng sinaunang kasaysayan ng Pilipinas. Isa siya sa


unang lumaban sa pananakop ng Espanya dahilan upang napatay niya si Ferdinand Magellan.
Manuel L. Quezon-Kilala bilang “Ama ng Wikang Filipino.” Tinagurian ding “Ama ng Republika ng
Pilipinas”, siya ang naging unang Pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas sa ilalim ng pamahalaang
Amerikano noong simula ng ika-20 siglo.

Marcelo H. Del Pilar-Isang propagandista at satiristang rebolusyonaryong Pilipino. Sinikap niyang


itaguyod ang makabayang sentimyento ng mga ilustradong Pilipino, o burgesya, laban sa
imperyalismong Espanyol.

Melchora Aquino-Rebolusyonaryong Pilipino na kilala bilang "Tandang Sora" dahil sa kanyang edad. Siya
ay kilala rin bilang "Ina ng Katipunan", "Ina ng Himagsikan" at "Ina ng Balintawak" para sa kanyang mga
kontribusyon.

Miguel Malvar-Kilala bilang huling Pilipinong heneral na sumuko sa mga Amerikano. Matapos mahuli si
Heneral Aguinaldo, siya ang naging bagong commander-in-chief ng mga pwersang Pilipino.

Pio Valenzuela-Isang Pilipinong manggagamot at isang importanteng tao sa panahon ng Rebolusyong


Pilipino laban sa mga kolonyalistang Espanyol. Sumali siya sa bagong tatag na Katipunan at ang
kinomisyon ni Bonifacio upang makipag-usap kay Dr. Jose Rizal tungkol sa plano ng Katipunan na
bumangon laban sa mga awtoridad ng Espanyol.

Ramon Magsaysay-Ang ika-7 Pangulo ng Pilipinas na kilala bilang "Presidente ng Masang Pilipino".
Bilang pangulo, binuksan niya ang pintuan sa mga mamamayan kung saan sila ay binigyan ng
pagkakataong lumapit sa kanya nang direkta at bigyan sila ng higit na kalayaan upang ipahayag ang
kanilang pagdurusa

Teodora Alonzo-Ang ina ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal. Bilang unang guro ni Rizal,
nagkaroon siya ng malalim na impluwensya sa kanyang pag-unlad at naging inspirasyon siya sa pagkuha
niya ng medisina

Sultan Dipatuan Kudarat- Ang ika-7 Sultan ng Maguindanao mula 1619 hanggang 1671. Sa panahon ng
kanyang paghahari, matagumpay niyang nilabanan ang mga pagsalakay ng Espanyol at hinadlangan ang
pagkalat ng Katolisismo ng Roma sa isla ng Mindanao.

Malay-Sa “migration theory”, ang mga Malay ay dumating pagkatapos ng mga Indonesian, mga 2,000
taon na ang nakalipas. Dumating din sila sa pamamagitan ng mga bangka mula sa Timog Silangang Asya.

Negrito-Sa “migration theory”, ang unang dumating na mga tao sa Pilipinas ay ang mga Negrito.
Tinatawag din silang Atis o Actas.

Indonesian-ang mga Indonesian ay ang mga unang dayuhang dumating sa Pilipinas sa pamamagitan ng
dagat

Islam-Ang relihiyong Islam ay dinala ng mga mangangalakal na sina Masha'ika at Magbalu mula Malay
Peninsula patungo ng Sulu.

Fernando de Magallanes-Ang kauna-unahang taga europa ang nakatuklas sa bansang pilipinas

Vladimir Kosma Zworykin-Umimbento si Zworykin ng isang sistemang pantelebisyon na naghahatid at


tumatanggap na gumagamit ng mga tubong pangsinag ng katod. Nagkaroon siya ng gampanin sa
praktikal na pagpapaunlad ng telebisyon mula sa kaagahan ng dekada 1930, kabilang ang mga tubong
may kaurian na imbakan ng karga, mga tubo na pang-imahe ng imprared at ng mikroskopong electron

Philippine Normal University - Ito ang kauna unahang paaralan itinatag ng mga Amerikano noong
Setyembre 1, 1901 at tinawag noon Philippine Normal School o PNS.

Henry Sy- Ang pinaka mayamang tao sa pilipinas

Galeras-Isa sa mga pinaka aktibong bulkan sa buong mundo

You might also like