Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

FILIPINO 6

Written Work No. 1 Quarter 1

Name: ________________________________ Date: ___________ Score: _________

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Mula sa isang pabula na nasa ibaba, sagutin ang mga
tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot bago ang bilang.

Si Togak at ang Gintong Uwak

Noong unang panahon ay may isang ibon na nakatira sa kagubatan na ubod ng itim at may mapupulang mga
mata. Ang pangalan ay Togak. Dahil sa kaniyang anyo ay nahihiya itong lumapit at makipaglaro sa iba dahil baka
pagtawanan lamang siya ng mga ito. Kaya palagi siyang nag-iisa at nagdarasal na sana ay maging maganda ang
kaniyang anyo tulad ng iba.

Isang araw, habang naghahanap ng pagkain si Togak ay may narinig siyang tumawag sa kanya. Agad na
lumapit si Togak at nakita niya ang isang magandang diwata. “Ako si Inang diwata. Ang diwata ng mga ibon. At narito
ako para tuparin ang iyong kahilingan ngunit sa isang kondisyon,” wika ng diwata Kailangan mong magpakita ng
magandang asal at huwag ipagmalaki kung ano man ang iyong kaanyuan. Kung hindi, ikaw ay babalik sa dati mong
anyo,” malinaw na sabi ng diwata. At isang kumpas lang ng kamay ng diwata naging kulay ginto ang kaniyang mga
balahibo at nagging maamo ang kaniyang mga mata. “Maraming salamat!” Masayang sabi ni Togak sa diwata.

Habang naglalaro sina Kalapati, Kuwago at Maya ay napansin nilang napakaliwanag at kulay ginto ang mga
balahibo ni Togak. Inggit na inggit sa kaniya ang mga ito.“Togak, puwede bang makipag-kaibigan?” Sabi nila.

“Ayokong makipag-kaibigan sa mga mabababang uri,” pahambog na sabi ni Togak. “Umalis kayo sa harapan
ko, ayokong makipag-kaibigan sa mga katulad niyo!” Pagyayabang na sabi ni Togak sa mga ito.

“Talagang nagbago na nga si Togak mula ng maging ginto ang kaniyang mga balahibo.” Wika ni Kuwago. “Oo
nga, talagang wala na siyang kinikilalang kaibigan.” Sabi naman ni Maya.

Kaya isang araw habang naglalakad si Togak ay nagpakita muli sa kaniya ang diwata.

“Togak, dahil sa ipinakita mong masamang pag-uugali at pagiging hambog, ikaw ay babalik sa dati mong anyo.” Wika
ng diwata. At sa isang iglap lang ay bumalik nga ang dating anyo ni Togak na sobrang itim at mapupula ang mga
mata. Kaya umuwi si Togak na luhaan at hiyanghiya sa sarili. At ng papauwi siya ay nasalubong niya sina Kalapati,
Kuwago at Maya. “Puwede bang makipagkaibigan sa iyo?” Sabi ni Kuwago. “Kahit na ganito ang anyo ko,”malumanay
na sabi ni Togak.

“Hindi naman panlabas na anyo ang basihan sa pakikipagkaibigan, ang importante ay tanggap ninyo ang isa’t
isa.” wika ni Kalapati. Kaya mula noon ay masayang masaya na si Togak sa mga bago nitong kaibigan. Kahit na ubod
ng itim at mapupula ang mga mata ay wala na siyang ikinahihiya. Dahil tanggap siya ng mga ito ano man ang
kaniyang anyo.

____ 1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?

a. diwata b. kalapati c. Togak d. Maya

____ 2. Bakit umiiwas si Togak sa ibang ibon?

a. ayaw niyang makipaglaro sa ibang ibon at baka masaktan lamang siya

b. nahihiya siyang lumapit sa iba dahil sa kaniyang anyong ubod ng itim at may mapupulang mata

c. ayaw niyang pagtawanan ang kaniyang anyong ubod ng itim at may malalaking paa

d. baka pagtawanan ang kaniyang maputing balahibo at malaking mata

____ 3. Paano binago si Togak sa kaniyang bagong anyo?


a. naging palakaibigan c. sumikat siya

b. palaaway d. hambog at mayabang

____ 4. Kung ikaw si Togak, paano mo dadalhin ang iyong sarili bilang isang batang may ubod itim na balat?

a. hindi ako lalapit sa iba

b. hindi ko ikakahiya at ipagmamalaki ko ang biyayang bigay ng Diyos

c. magtago at iiwas sa ibang bata baka ako ay kutyain

d. sisihin ko ang Diyos dahil ginawa niya akong iba sa lahat

____ 5. Aling talata sa kuwento ang magbibigay inspirasyon sa iba at nagpapakita ng pagkapantay pantay?

a. 5 b. 3 c. 4 d. 2

_____6. Si Togak ay isang ibong ubod ng itim at may mapupulang mga mata. Anong uri ng pangngalan ang
nakasalungguhit?

a. pantangi b. basal c. pambalana d. lansakan

____ 7. Naging kulay ginto ang balahibo ni Togak ngunit ito ay nagpabago sa kaniyang ugali. Tukuyin ang
pambalanang basal sa pangungusap.

a. balahibo b. Togak c. kulay d. ugali

____ 8. Habang naglalaro sina Kalapati, Kuwago at Maya ay napansin nilang napakaliwanang at kulay ginto ang mga
balahibo ni Togak. Anong uri ng pambalana ang nakasalungguhit?

a. lansakan b. tahas c. basal d. pantangi

____ 9. Tukuyin ang pambalanang lansakan sa pangungusap na ito. Isang kahong sardinas ang natanggap ni Lando
mula sa kanilang barangay.

a. kahon b. sardinas c. Lando d. natanggap

____ 10. Namigay ng bigas ang aming gobernador na si Gng. Angging Dimaporo. Anong uri ng pangngalan ang
ngalang Angging Dimaporo?

a. pambalana b. tahas c. basal d. pantangi

II. Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap mula sa isang maikling kuwento na nasa ibaba. Sagutin ang
mga tanong at itik lamang ang isulat bago ang bilang.

Juan Tamad

Isang araw, nagtungo sa ilog si Juan Tamad suot ang kanyang bagong t-shirt at ang kanyang mga kaibigan ay
nagdala ng mga pagkain tulad ng; pizza, keyk at juice.

Ang ilog ay umaagos pababa. Karaniwang naglalaro ng mga bangkang papel ang mga bata sa mababaw na
bahagi ng ilog. Tuwang-tuwa sila sa pagbabantay kung kaninong bangka ang pinakamabilis. Nakatuwaan ang mga
bata na gumawa ng kani-kaniyang balsa na yari sa pinagtabi-tabing katawan ng puno ng saging. Nagtungo sila sa
malalim na bahagi ng ilog at doon nagsimulang magkarerahan. Ang iba ay gumagamit ng tukod bilang sagwan. Lahat
sila ay gustong manalo. Si Juan Tamad? Naku, nahiga siya sa balsa. Tinawanan niya ang mga kaibigan nang makita
silang nagpakahirap sa pagsagwan. At si Juan ay nagsimulang matulog. Pinagtulungan ng tatlong bata ang kanilang
balsa upang mabilis na makarating sa takdang lugar. Ang balsa naman ni Juan ay umayon lamang sa agos ng ilog.
Hindi namalayan ni Juan na ang balsa niya ay naharang ng mga sanga ng kawayan at natigil sa gilid. Alam ng mga
kaibigan na mahuhuli si Juan ng dating sa kanilang tagpuan pagkat di ito gumamit ng sagwan. Hindi nila inalam kung
nakarating ito o hindi. Umalis na sila.
_____1. Sino ang nagtungo sa ilog?

a. Juan Tamad b. Juan Mabait c. Juan Matakaw d. Juan Matapang

____ 2. Anong katangian ang taglay ni Juan?

a. kasipagan b. kabaitan c. katamaran d. katapangan

____ 3. Ano ang ginawa ni Juan habang nagkakera sila?

a. Natulog sa balsa ay nagpaayon lamang sa daloy ng agos ng tubig.

b. Binilisan niya ang pagsagwan upang siya ang mauna makarating.

c. Tiniyak ni Juan na siya ang mananalo sa karera.

d. Tinulak niya ng sagwan ang mga balsa ng kanyang mga kalaro.

____ 4. Saan naharang ang balsa ni Juan?

a. sa katabing balsa b. sa sanga ng kawayan c. sa tulay d. sa puno ng manga

____ 5. Kung kayo ang mga kalaro ni Juan, hihintayin ba ninyo kung makarating ba si Juan o hindi? Bakit?

a. Hindi, na dahil hindi na man siya seryuso sa karera namin.

b. Hindi, na dahil wala kaming pakialam sa kanya.

c. Oo, upang malaman niya na hindi sila ang nanalo sa karera.

d. Oo, upang malaman namin kung makakarating ba siya ng ligtas.

____ 6. Pagsunod-sunurin ang mga sumusunod na mga pangyayari batay sa wastong pagkakasunod- sunod sa
kuwento.

a. Sila ay naglaro ng bangkang papel.

b. Habang naglalaro ang magkaibigan, natulog naman si Juan sa isang balsa.

c. Nagpunta sina Juan sa ilog.

d. Gumawa sila ng balsa gamit ang pinagtabitabing katawan ng puno ng saging

a. 3 1 4 2 b. 3 4 1 2 c. 4 3 1 2 d. 3 1 2 4

____ 7. Nagpunta si Juan na suot ang kanyang bagong t-shirt. Alin dito ang salitang hiram na ginamit sa
pangungusap.

a. Juan b. Suot c. Bago d. t-shirt

____ 8. Nagdala ng mga pagkaing keyk at juice ang mga kaibigan ni Juan. Anong tawag sa mga salitang
sinalungguhitan sa pangungusap?

a. salitang hiram c. salitang klaster

b. salitang diptonggo d. salitang magkatunog

____ 9. Ang balsa ni Juan ay umayon lamang sa agos ng ilog. Anong katangian ng pangngalan ang sinalungguhitan sa
pangungusap?

a. di konkreto b. konkreto c. basal d. lansakan

____ 10. Tukuyin ang konkretong pangngalan sa pangungusap na ito. Nahiga siya sa balsa at pinagtawanan ang mga
naglalaro.

a. balsa b. nahiga c. naglaro d. siya

You might also like