Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

lOMoARcPSD|19536934

AP 6 Week 3 - Araling Panlipunan 6

Design 6 : Site Development Planning (Far Eastern University)

Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by Edward Hunter C. Balaba (hunterkurusaki@gmail.com)
lOMoARcPSD|19536934

ARALING PANLIPUNAN 6
1

Pangalan: _______________________Baitang at Pangkat: _____Guro: ______

ARALIN 3: PANAHON NG HIMAGSIKANG PILIPINO .


Most Essential Learning Competencies:
Nasusuri ang mga dahilan at pangyayaring naganap sa Panahon ng
Himagsikang Pilipino. Code: AP6PMK-Id-6

Magandang araw sa iyo! Kumusta ka na? Handa ka na bang matuto sa araw na ito?
Kung gayon halika na at tuklasin ang mga pangyayari sa himagsikan laban sa
kolonyalismong Espanyol. Tara! Umpisahan na natin

Inaasahan na ang mga mag-aaral ay nakapokus sa araling ito sa pag-


aaral ng mga pangyayari sa himagsikan laban sa kolonyalismong Espanyol.
Ito ay may mga nakahandang gawain upang malaman ang iyong mga
natutunan. Inaasahan na matapos ang modyul na ito:

1.) Mailalarawan ang sigaw sa Pugad Lawin


2.) Maisa-isa ang mahahalagang pangyayari saTejeros Convention
3.) Masusuri ang Kasunduan sa Biak na Bato.

Matapos mong malaman ang mag inaasahan sa modyul nito ay


nais kong sagutan ang paunang pagsusulit upang alamin kung
hanggang saan ang iyong kaalaman sa araling ito. Handa ka na
ba?

1
AP6- Qrt. 1 -Week 3

Downloaded by Edward Hunter C. Balaba (hunterkurusaki@gmail.com)


lOMoARcPSD|19536934

ARALING PANLIPUNAN 6
2

PAUNANG PAGSUSULIT
Direksyon: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin
ang titik ng tamang sagot.

1. Kailan naganap ang “Unang Sigaw sa Pugad Lawin”?


A. Agosto 20, 1896 C. Agosto 23, 1896
B. Hulyo 23, 1896 D. Hulyo 20, 1896
2. Ito ay tanda ng pagkakaalipin ng mga katipunero sa mga Español na
kanilang pinunit.
A. Liham C. Pambalot
B. Sedula D. Karatula
3. Ang Miting sa Tejeros ay naganap noong __________.
A. Abril 22, 1897 C. Marso 22, 1897
B. Marso 12, 1897 D. Abril 12, 1897
4. Sa tulong niya ay nabuo ang Kasunduan sa Biak-na-Bato.
A. Camilo Polavieja C. Pedro Paterno
B. Patricio Montojo D. Reina Cristina
5. Ang Biak-na-Bato ay isang bayan sa _____.
A. Cavite C. Bulacan
B. Laguna D. Pampanga

Alam kong marami kang natutunan sa nakalipas na aralin, kaya naman


ngayon tayo ay magkakaroon ng maikling pagsusulit upang alamin ang
iyong natutunan. Maari lamang na basahin mo ng maigi ang panuto. Tara
Direksyon: Tukuyin kung TAMA o MALI ang bawat pahayag.
simulan na natin.

1. Ang samahang Propaganda ay kinabibilangan ng mga ilustrado.


2. Kartilya ang tawag sa pahayagan ng Propaganda.
3. Si Dr. Jose Rizal ay kabilang sa samahang Propaganda.
4. Si Andres Bonifacio ang ama ng Katipunan.
5. La Solidaridad ang tawag sa pahayagan ng Katipunan.

A AP6Q1WK3 Inihanda ni: Michael A. Hernandez


Mitzel D. Barrientos

Downloaded by Edward Hunter C. Balaba (hunterkurusaki@gmail.com)


lOMoARcPSD|19536934

ARALING PANLIPUNAN 6
3

Kumusta ang iyong naging pagsagot sa mga katanungan sa ating balik-


tanaw? Ikaw ba ay nakakuha ng mataas na marka?

Ngayon, ating pag-aralan ang bagong aralin.


Halika na at samahan nyo ako!

SIGAW SA PUGAD LAWIN, TEJEROS CONVENTION,


KASUNDUAN SA BIAK NA BATO
Naging mabilis ang takbo ng mga pangyayari matapos matuklasan ng mga
Español ang lihim ng Katipunan. Tulad ng
isang kwento, ang kasaysayan ng
pakikipaglaban para sa kalayaan ng mga
Pilipino ay dumating sa kapana-panabik na
yugto.

Sigaw sa Pugad Lawin. Pagkatapos


mabunyag ang lihim ng Katipunan, tinipon ni
Bonifacio ang mga Katipunero sa Balintawak
noong Agosto 23, 1896. Dito napagkasunduan
na simulan agad ang Rebolusyon. Bilang
hudyat ng himagsikan, pinunit nila ang
kanilang mga sedula at sumigaw ng “Ligtas
na tayo sa pagkaalipin”. “Mabuhay ang
Pilipinas! Mabuhay ang Katipunan”. Unang
Labanan para sa Kalayaan Noong Agosto 30,
Ang Lahing Pilipino Sa Nagbabagong
1896, sinalakay ng mga Katipunero ang
Panahon – Pah. 177
polverin ng mga Kastila sa San Juan, Manila.
Ipinag-utos ni Gob. Hen. Jose Blanco na
ilagay sa ilalim ng batas militar ang walong
lalawigan sa Luzon - Manila,

A AP6Q1WK3 Inihanda ni: Michael A. Hernandez


Mitzel D. Barrientos

Downloaded by Edward Hunter C. Balaba (hunterkurusaki@gmail.com)


lOMoARcPSD|19536934

ARALING PANLIPUNAN 6
4

Cavite, Laguna, Batangas,


Ang Lahing Pilipino Sa Nagbabagong Panahon – Pah. 178 Bulacan, Pampanga, Nueva
Ecija at Tarlac.

Marso 22, 1897 –


Ginanap ang Miting sa
Tejeros. Dahil sa pagkakaroon ng dalawang pangunahing pangkat ng mga
Katipunero, ang Magdiwang ni Bonifacio at ang Magdalo ni Aguinaldo,
nagsimulang magkaroon ng hidwaan sa pagitan ng mga rebolusyonaryo.
Upang maiayos ito, ginanap ang isang miting ng mga Katipunero sa Tejeros,
Cavite. Dumating si Bonifacio, ngunit wala si Aguinaldo. Layunin ng miting na
magtatag ng isang pamahalaang rebolusyonaryo na kikilalanin ng lahat. Si
Aguinaldo ang nagwagi bilang pangulo, samantalang si Andres Bonifacio ang
nahalal bilang Direktor ng Interyor. Ito ay tinutulan ni Daniel Tirona sa
pagsasabing dapat ay abogado ang may hawak ng nasabing posisyon.

Disyembre 15, 1897 – Kasunduan sa Biak-na-Bato. Nang mapatay si


Bonifacio, hindi naiwasang maapektuhan ang samahan ng mga Pilipinong
rebolusyonaryo. Magmula rin noon, unit-unting nakaranas ng pagkatalo ang
pangkat ni Aguinaldo. Unti-unting nabawasan ang kaniyang mga sakop na
teritoryo. Sinimulan silang tugisin ng mga pwersang Español.
Marahil, sa pagnanais na matigil na ang kaguluhan sa bansa,
nagpalabas ng alok na kapatawaran ang gobernador heneral na si Primo de
Rivera. Sa tulong ng isang mestisong Pilipino, si Pedro Paterno, nabuo ang
Kasunduan sa Biak-na-Bato.

https://images.app.go
o.gl/2pgdRWz6eSTw
8t5L9
Ang kasunduang nabuo sa pagitan nina Aguinaldo at
Primo de Rivera ay hango sa ngalan ng lugar kung saan ito
ginanap. Ito ang Biak-na-Bato, isang bayan sa Bulacan.
Tumanggap ng pera ang grupo ni Aguinaldo, kapalit ng
pagpayag sa boluntaryong pagpapatapon nila sa Hong Kong.

A AP6Q1WK3 Inihanda ni: Michael A. Hernandez


Mitzel D. Barrientos

Downloaded by Edward Hunter C. Balaba (hunterkurusaki@gmail.com)


lOMoARcPSD|19536934

ARALING PANLIPUNAN 6
5

Gayunpaman, ang mga probisyon ng kasunduan ay hindi


lahat nasunod. Apatnaraang libong piso ₱ 400,000.00) lamang
ang naibayad sa kanila. Tinanggap ito ni Aguinaldo at inihulog
sa bangko. Ang perang kinita nito bilang interes sa bangko ang
ginastos nila sa pang araw-araw nilang gastusin. Hindi naging
matagumpay ang Kasunduan sa Biak-na-Bato sapagkat ang
parehong kampo ay hindi nagtiwala sa isa’t isa at hindi
tumupad sa probisyon ng kasunduan. https://images.app.goo.
gl/2pgdRWz6eSTw8t5
L9

Kumusta ang iyong pagbabasa ng ating aralin? Marami ka bang natutunan?


Kung gayon samahan mo akong sagutan ang mga sumusunod na gawain.

Suriin ang bawat pangyayari. Lagyan ng tsek () ang mga bilang kung ito’y
naganap ayon sa iyong binasa.
Sigaw sa Pugad Lawin
_____ 1. Pagpunit ng sedula
_____ 2. Pagpatay kay Bonifacio
_____ 3. Simula ng himagsikan
Meeting sa Tejeros
_____ 1. Nagkaroon ng halalan
_____ 2. Nahalal si Bonifacio bilang Pangulo ng Pamahalaang Rebolusyonaryo
_____ 3. Pagkadakip kay Dr. Jose Rizal
Kasunduan sa Biak-na-Bato
_____ 1. Pagkamatay ni Emilio Aguinaldo
_____ 2. Pagpapatapon kay Emilio Aguinaldo sa Hongkong
_____ 3. Pagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas

A AP6Q1WK3 Inihanda ni: Michael A. Hernandez


Mitzel D. Barrientos

Downloaded by Edward Hunter C. Balaba (hunterkurusaki@gmail.com)


lOMoARcPSD|19536934

ARALING PANLIPUNAN 6
6

Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari ayon sa kasaysayan. Ilagay ang


letra A – E sa loob ng kahon.

PAGBUO SA LINYA NG PANAHON

2. 4.
1. 3. 5.

A. Nabuo ang Kasunduan sa Biak-na-Bato sa pagitan nina Emilio Aguinaldo at


Primo de Rivera.
B. Pagkabunyag ng lihim na samahan.
C. Ginanap ang Miting sa Tejeros.
D. Pagpunit ng sedula tanda ng paglaban
E. Pagkamatay ni Andres Bonifacio

 Ang Sigaw ng Pugad Lawin (kilala din sa orihinal na tawag na (Sigaw


ng Balintawak) ay ipinahayag ng Katipunan at naging simula ng
Himagsikang Pilipino laban sa Imperyong Kastila upang makamit ang
kasarinlan.
 Ang Miting sa Tejeros ay ginanap upang pagkaisahin ang Katipunan
sa pamamagitan ng pagtatatag ng pamahalaang Rebolusyonaryo na
kikilalanin ng lahat.
 Ang Kasunduan sa Biak-na-Bato ay hango sa lugar kung saan ito
ginanap. Ang Biak-na-Bato ay isang bayan sa Bulacan. Ito ay
kasunduan sa pagpayag ng pangkat ni Emilio Aguinaldo sa
boluntaryong pagpapatapon sa Hongkong.

A AP6Q1WK3 Inihanda ni: Michael A. Hernandez


Mitzel D. Barrientos

Downloaded by Edward Hunter C. Balaba (hunterkurusaki@gmail.com)


lOMoARcPSD|19536934

ARALING PANLIPUNAN 6
7

Binabati kita at natapos mo ang araling ito.


Bilang pagwawakas maaari mo bang isalaysay ang iyong mga
natutunan sa araling ito sa pamamagitan ng pagdugtong na pahayag
na nasa ibaba.

Ang aking natutunan


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Hindi ba’t napakaganda ng ating aralin? Natutunan mo ang mga


pangyayari sa himagsikan laban sa kolonyalismong Espanyol.
Alamin ang iyong mga natutunan sa aralin.

Direksyon: Iguhit ang puso ( ) kung ang pahayag ay tama at bituin (


naman kapag mali.
1. Ang probisyon ng Kasunduan sa Biak na Bato ay nasunod.
2. Mas pinili ni Aguinaldo na manatili sa Pilipinas imbes na tanggapin ang alok
sa kasunduan.
3. Tinutulan ni Daniel Tirona ang pagkahalal kay Andres Bonifacio bilang
isang Direktor ng Interyor.
4. Tinipon ni Bonifacio sa Bulacan ang mga katipunero upang punitin ang
kanilang sedula.

A AP6Q1WK3 Inihanda ni: Michael A. Hernandez


Mitzel D. Barrientos

Downloaded by Edward Hunter C. Balaba (hunterkurusaki@gmail.com)


lOMoARcPSD|19536934

ARALING PANLIPUNAN 6
8

5. Nahati sa dalawang pangunahing pangkat ang mga katipunero, ang mga


Magdiwang ni Bonifacio at ang Magdalo ni Aguinaldo na naging ugat ng
hidwaan.

Kumusta ang iyong nakuhang iskor?


Kung ang iyong nakuhang iskor ay 4 hanggang 5, magaling at
mahusay nangangahulugang nauunawaan mo ang ating aralin.
Nangangailang mag-aral pa ng maigi kung ang iskor naman ay 1
hanggang 3.

Ang mga bayani natin ay nagbuwis ng buhay upang ipagtanggol ang


ating bansa laban sa mga mananakop at upang magkaroon tayo ng kalayaan.
Sa panahon natin ngayon may mga Pilipino pa rin tayong matatawag na
bayani, hindi dahil sila ay lumaban at nag buwis ng buhay, kundi sila ay
nagpapakita ng mga kakaibang sakripisyo upang matulungan nila ang
kanilang mga mahal sa buhay at maipakita ang nila ang kanila pagmamahal
sa bansa. Tulad na lamang ng mga
frontliner na silang nangunguna upang matulungan ang ating bansa
upang labanan ang pandemyang Covid-19. Bilang isang mag-aaral paano mo
maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa ating mga makabagong bayani?
Gawin ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng kahulugan sa bawat letra
na nakasulat sa ibaba.
H - _____________________
I - ______________________
M - _____________________
Binabati kita sa matagumpay mong
A- ______________________ pagtugon sa mga gawain sa ating modyul!
G- ______________________ Kumusta naman ang iyong karanasan sa modyul na

S - ______________________ ito? Nagustuhan mo ba ito? Hanggang sa muli!

I - ______________________
K - _____________________
A- ______________________
N- ______________________

A AP6Q1WK3 Inihanda ni: Michael A. Hernandez


Mitzel D. Barrientos

Downloaded by Edward Hunter C. Balaba (hunterkurusaki@gmail.com)

You might also like