Pag Aalsa

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Magát Salámat

(1550 – 1589)

Isa si Magát Salámat sa mga namunò sa unang balak upang


mapatalsik ang mga Español sa Filipinas noong 1571.

Mula sa angkan ng mga namumunò sa distrito ng Tondo,


pinaniniwalaang pinakabatàng anak na lalaki si Magat Salamat ni Raha
Matanda. Kasáma niyang nagplano ng himagsik ang kaniyang mga kamag-
anak na sina Agustin de Legaspi at Martin Panga, gobernadorsilyo ng isang
distrito ng Maynila. Kasáma rin sa plano ang isang Hapones na
mangangalakal na si Juan Gayo, at sina Agustin Manuguit, Felipe Salallila at
Geronimo Bassi. Alinsunod sa plano, pupunta si Magat Salamat sa mga isla
ng Cuyo at Calamianes upang hingan ng tulong ang mga lider doon. Matapos
pumunta sa mga isla, pupunta si Magat Salamat sa Borneo upang hingin ang
tulong ng Sultanato para sa armas na gagamitin sa malawakang digmaan.
Hihimukin din niyang magpadala ng isang barko na maglalayag hanggang
Cavite bago samahan ang barko ng Sultanato ng Sulu na maglayag
papuntang Maynila para ilunsad ang digmaan.
Tamblót
(c. 1622)

Si Tamblót ay isang babaylan na naging lider ng pag-aalsa sa Bohol


laban sa mga Español noong 1621.

Walang gaanong ulat tungkol sa búhay ni Tamblot bukod sa pagiging


babaylan ng Barrio Tupas, Antequera, Bohol. Inibig ni Tamblot na bumalik
sa dáting pananampalataya ang mga kababayan. Napaniwala naman niyá
ang maraming Boholano, lalo sa bayan ng Malabago, na sa tulong ng mga
sinaunang anito at diwata ay magtatagumpay ang kanilang pag-aalsa.
Sinasabing umabot sa 2,000 ang sumáma sa kaniya. Nilusob nilá at
sinunog ang mga simbahan bukod sa pinatay ang nahuling mga
misyonerong Español.
Nagpadala si Don Juan Alcarazo, alkalde-mayor ng Cebu, ng mga
sundalo sa Bohol. Noong 1 Enero 1622, nilusob ng mga sundalo ang kampo
ni Tamblot sa bundok. Kasáma si Tamblot sa mga napatay at nahinto ang
pagaalsa. Sinunog at binura ng mga Español ang bayan ng Malabago mula
sa mapa.
Lapu-Lapu
(1491 – 1542)

Si Lapu-Lapu ay itinuturing na isa sa pinakadakilang pigura ng


sinaunang kasaysayan ng Pilipinas. Si Lapu-Lapu (1491-1542) ay kilala rin sa
pangalan na Kolipulako. Ang bayani ng Mactan at manlulupig ni Magellan,
ay inilarawan bilang strikto, matalino, at hindi nagpapatinag. Siya ay tuluy-
tuloy na nakipagdigma laban sa makapangyarihang pinuno ng Cebu, na noon
ay mas higit na malaking kaharian kaysa sa kanyang maliit na isla ng Maktan.

Ayon sa kasaysayan, ang Isla ng Maktan bagaman maliit ay isang


maunlad na komunidad nang ang dakilang si Magellan ay dumating sa Cebu.
Bilang isang matapang na manlalayag at sundalo ng Espanya, sinunog ni
Magellan ang isang nayon nang malaman na ang ilang mga naninirahan sa
maliliit na isla ng Cebu ay tumangging kilalanin ang Hari ng Espanya. Si
Lapu-Lapu ay isa sa mga katutubong lider na tumangging kilalanin ang
kapangyarihan ng Espanya sa mga isla.
Maria Josefa Gabriela Silang
(1731-1763)

"Joan of Arc of Ilocandia"

Ipinanganak si Gabriela Silang noong ika-19 ng Marso, 1731, sa


Caniogan, Santa, Ilocos Sur. Siya ay ang asawa ng isang bayani ng Pilipinas,
si Diego Silang. Liniberate ni Diego Silang ang Ilocos sa katimpian ng
Castilla. Pero, napatay si Diego Silang noong 1763. Pagkatapos ng
kamatayan niya, naging pinuno ng mga Pilipino si Gabriela Silang. Siya ay
ang ikaisang Filipina na naging pinuno ng mga kawal. Tinuloy niya ang
laban sa Ilocos. Matapang siya at malakas siya sa laban ng Pilipinas at
Castilla. Kasakay siya ng kabayo. Noong 1763, nahuli siya at ang mga
kasama niya. Pinatay ng mga taga-Castilla sila. Pero, naging halimbawa si
Gabriela ng katapangan ng mga loob ng mga babae sa Pilipinas.
Diego Silang y Andaya
(1730 – 1763)

Siya ang pinuno ng matagumpay na pag-aalsa ng mga Ilokano laban sa


mga Espanyol. Si Diego Silang y Andaya (Disyembre 16, 1730 – Mayo 28,
1763) ay isang Pilipinong rebulosyunaryong pinuno na nakippagsabuwatan
sa mga puwersang Britanyo upang patalsikin ang pamamahalang Kastila sa
hilagaing Pilipinas. Ang kanyang ama ay si Miguel Silang at kanyang ina ay
si Nicolasa Delos Santos.
Noong siya ay bata pa, nagtrabaho si Diego bilang katulong ni ---, kura
paroko ng Vigan. Duon siya naging mahusay magsalita ng wikang Kastila.
Siya ay pinadala ni Padre Crisolo bilang mensahero. Dinadala niya ang mga
sulat mula sa Vigan papuntang Maynila sa pamamagitan ng bangka. Sa isa
sa kanyang paglalakbay, ang kanyang bangka ay inatake ng mga katutubong
Zambal sa baybayin ng Zambales. Ang ilang sakay ay nalunod at pinatay ng
mga katutubo. Si Diego naman ay nakaligtas ngunit naging bihag. Siya ay
pinalaya sa pamamagitan ng ransom na pinadala ng mga misonaryong
Rekoleksyonista.
Don Francisco Maniago
(1660)

Si Don Francisco Maniago ang nanguna sa pag-aalsa sa Pampanga


laban sa mga Espanyol. Kasama ang mga katutubo, tinutulan nila ang polo y
servicio (sapilitang pagtatrabaho) at ang sistemang bandala kung saan
sapilitang bibilhin o kukunin ng pamahalaan ang mga ani ng mga
magsasaka. Sinunog nila ang mga bahay ng mga Espanyol. Sinara din nila
ang mga ilog upang mahinto ang komersiyo. Nagpadala rin sila ng liham sa
mga katutubo sa Pangasinan at Ilocos upang hikayating umanib sa pag-
aalsa. Pinilit ni Maniago ang pamahalaang Espanyol na ipawalang-sala ang
mga rebelde at magbayad ng 14,000 libong piso bilang inisyal na kabayaran
sa utang ng pamahalaan. Ang pag-aalsang ito ay nagtagumpay.
Sumúroy
(c. 1650)

Si Juan Ponce (o Juan Agustin) Sumúroy ay pinunò ng pag-aalsa sa


Samar laban sa mga Español noong kalagitnaan ng ika-17 siglo.
Walang gaanong ulat tungkol sa buhay ni Sumuroy liban sa anak siyá ng
isang babaylan sa Ibabaw (ngayo’y Palapag) sa hilagang-silangan ng Samar.
Ipinalalagay na lumaki siyá sa tabing-dagat kayâ mahusay sa paglalayag.
Bilang bangkero ay maganda ang kaniyang kabuhayan bukod sa hindi siyá
pinagbabayad ng buwis ng mga Español.
Gayunman, kapalaran na nagpulong sa kanilang bahay ang mga
manggagawa upang idulog ang kanilang suliranin sa kaniyang ama.
Diumano’y sapilitang pinapupunta ng mga Español ang mga manggagawa sa
Cavite upang gumawa ng mga galeon at barkong pandigma. Binalak ng mga
manggagawa na umakyat na lámang sa bundok, kasáma ang kanilang
pamilya, at doon na manirahan. Iminungkahi naman ni Sumuroy na dapat
mag-alsa ang mga manggagawa at nagprisinta pa siyáng maging pinunò.
Francisco Dagohoy
(sk 1744–1829)

Si Francisco Dagohoy (Fran·sís·ko Da·gó·hoy) ang bayani ng Bohol


na namunò ng pag-aalsa laban sa mga Español mula 1744 hanggang 1829,
ang pinakamatagal na himagsik sa kasaysayan ng Filipinas. Isinilang si
Dagohoy sa Inabangan, Bohol. Walang malinaw na ulat tungkol sa kaniyang
búhay noong batà pa. Naging cabeza de barangay siyá ng kaniyang bayan
paglaki. Isinilang siyáng Francisco Sendrijas ngunit nakuha ang pangalang
“Dagohoy” mula sa pinaikling “Dagon sa huyuhoy” sa wikang Boholano. Ang
isa sa dalawang kapatid ni Dagohoy, si Sagarino, ay naging sundalo sa
hukbong Español, at namatay ito sa pakikipaglaban sa mga rebeldeng
ipinahuhúli ng kura ng Inabangan.
Apolinario de la Cruz
(22 Hulyo 1814–4 Nobyembre 1841)

Kilalá si Apolinario de la Cruz (A·po·li·nár·yo de la Krus) sa bansag


na “Hermano Pule” bilang pinunò at tagapagtatag ng Cofradia de San José.
Pinamununan niya ang isang pag-aaklas laban sa mga Español na nakabatay
sa kalayaang panrelihiyon at pagkakapantay-pantay ng mga Español at Indio
sa kaparian.
Isinilang siya noong 22 Hulyo 1814 sa Barrio Pandac sa bayan ng Lucban,
Tayabas (ngayon ay lala- wigan ng Quezon) kina Pablo de la Cruz at Juana
Andres, pawang mula sa pamilyang maykaya at debotong Katoliko.
Pinangarap niyang magpari, at sa edad na 15 ay sumubok sumali sa orden ng
mga Dominiko sa Maynila. Ngunit hindi pa noon tumatanggap ng mga Indio
ang mga ordeng Romano Katoliko, kung kayâ naging donado na lamang
muna siya sa Ospital ng San Juan de Dios at nagtrabaho sa Cofradia de San
Juan de Dios. Sa panahong ito pinag-aralan ni de la Cruz ang Bibliya at iba
pang banal na kasulatan.
Andrés Málong
(sk 1660)

Si Andrés Málong ang namunò ng pag-aalsa sa Pangasinan laban sa


mga Español noong 1660-1661.
Lumaki si Malong sa Binalatongan, Pangasinan at naging
isang maestre de campo. Noong 15 Disyembre 1660 nanguna siyá sa isang
pangkat na pumatay sa alguacil mayor ng Lingayen. Mabilis na dumami ang
kaniyang pangkat at nang salakayin nilá ang nayon ng Bagnotan ay
sinasabing mahigit apat na libo silá. Kumalat ang pag-aalsa sa buong
lalawigan.
May dalawang buwan lámang tumagal ang pag-aalsa ngunit
itinuturing na mahalaga ito dahil sa dami ng mga sumámang Filipino.
Ipinahayag ni Malong ang sarili na Hari ng Pangasinan at ginawang konde
ang kaniyang ayudanteng si Pedro Gumapos. Pagkatapos, nagpadalá siyá ng
mga ulat sa Ilocos at Cagayan na naguutos sa lahat na kumilala sa kaniyang
kapangyarihan at mag-alsa laban sa mga Español. Pati si Francisco Maniago
ng Pampanga ay pinadalhan niya ng ganitong sulat at sinabihang sasalakayin
kapag hindi umanib sa kaniya.

You might also like