Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Zamboanga City ay isang ciudad na siyang tinatawag na Latin City ng Pilipinas, at kilala rin ito

bilang lugar ng mga bulaklak dahil dito kadalasang namumukadkad ang mga tropikal na bulaklak, gaya
na lamang ng bougainvillea at orchids. Gaya na lamang kung paano namumukadkad ang mga ito ay
ganoon din na namumukadkad sa ganda ang Zamboanga. Hindi lang ang mga bulaklak ang nag paganda
dito kundi ay ang mga mala-paraisong tanawin din dito ang dahilan kung bakit napapaibig ang mga
turista sa tuwing dadalaw sila rito. Maraming mga tanawin at bagay bagay sa Zamboanga na sa unang
tingin at pandama pa lamang ay mapapaibig kana, at tiyak na di mapupuknat ang iyong mga mata sa hindi
ubod na kagandahan na nasa iyong harapan. Mga asul na langit, masalimuyak na hangin, mga huni ng
ibon na tila musika sa iyong tainga, at mga tunog ng pag dampi ng alon sa buhangin. At higit sa lahat mga
Vinta o mga bangkang tila papel na umiindayog kasabay ng pag baba at pag taas ng alon sa dagat.
Ang lumaki at maging isa sa mga Zamboangueños ay talagang nakakasaya ng puso at hindi nakakapang-
sisi sapagkat parang isang pribilehiyo ang tumira rito sa mala-paraisong ciudad. Ciudad na kung saan ay
mayroon na lahat kung kaya ay hindi ka mag sasawang tangkilikin ang mga nakapaloob na bagay bagay,
lalo na ang mga pasyalan sa Zamboanga na siyang nakakaakit na kuhanan ng letrato dahil sa taglay nitong
ganda na hindi nakakasawa. Kaya paniguradong samut sari ang mga memorya na tatatak sa puso ng mga
turista rito sapagkat hindi lang ang tanawin ang maganda rito kundi pati na rin ang mga tao na nandirito
na karamihan ay mga mababait at tila ibon kung mag salita sa sobrang lambing na akala mo ay
kumakanta gamit ang lenggwahe nilang Chavacano na kilala bilang Broken-Spanish na kinaaliwan
namang pakinggan at gustong gustong alamin ng mga tao na bumibisita rito sa ciudad ng Zamboanga.

You might also like