Likas Na Yaman NG Asya

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 39

Kabanata 3

Hularawan Challenge
Hularawan Challenge
Hularawan Challenge
Yamang lupa- ano mang
kapakinabangan na nakukuha
mula sa lupa.
Halos 1/6 ng lupa sa Asya ay
nagagamit para sa
pagtatanim.
Hindi pantay ang distribusyon ng
lupaing akma para sa pagsasaka
sa bawat bansang Asyano.
banlik
ulan
irigasyon
llan sa mga pangunahing bahaging agrikultural ng Asya ay ang
lambak-ilog ng Huang-Ho, Yangtze, at Xi Jiang sa China; ang
malawak na Indo-Gangetic Plains sa Timog Asya na pinatataba
ng mga ilog ng Indus, Ganges, at Brahmaputra; ang lambak
ilog ng Tigris-Euphrates sa Kanlurang Asya; at ang mga
lambak-ilog sa Timog-silangang Asya na pinatataba ng mga
ilog ng Mekong at Tonle Sap
Shifting agriculture
Subsistence agriculture
Plantation agriculture
Extensive agriculture
pinakamatandang pamamaraan ng
agrikultura.
"slash-and-burn method" na kung
saan nalilinis ang lupasa
pamamagitan ng pagputol at
pagsunog sa mga puno rito,
pagkatapos nito,tinatamnan ang
lupa ng mga butil.
"kaingin system"
Isa itong hindi kanais-nais na
pamamaraan dahil pagkalipas ng
dalawa hanggang tatlong taon,
nawawala ang likas na pagiging
produktibo o pagiging mataba ng
lupa.
Dahil dito, muli na namang maglilinis
ng bahaging kagubatan gamit ang
parehong proseso na nagdudulot ng
pagkakalbo ng kagubatan o
deforestation.
Ang shifting agriculture ay
isinasagawa sa ilang mabuburol sa
rehiyon sa Timog-silangang Asya na
kung saan nakukuha rito ang
maraming pag-ulan dahil sa monsoon
kung kaya mayayabong ang mga puno
rito.
Ang mga produktong agrikultural
tulad ng yam at tapioca ay itinatanim
sa mga bahaging ito ng rehiyon.
isinasagawa ngkaramihan ng mga magsasaka sa Timog at
Timog-silangang Asya.
Sa pamamaraang ito, maliliit
lamang ang mga bukirin at
isinasagawa ang tradisyonal na
sistema ng pagsasaka.
Malaking bahagi ng Asya ay nasa
rehiyong tropiko na may
panahong mainit, basa, at tuyo
kung kaya maaaring makapag-ani
ng dalawang beses sa isang taon.
karaniwang isinasagawa sa India, Sri Lanka, Malaysia, Indonesia,
at Pilipinas.
Sa paraang ito, ang
malalawak na lupain ay
tinatamnan ng iisang
pananim lamang tulad ng
punong goma (rubber
tree), tubo, kape, tsaa,
at saging na
pangunahing iniluluwas.
Isinasagawa sa ilang bahagi ng Hilagang-sentral Asya kabilang
ang Siberia.
Dahil sa lawak ng mga bukirin at maliit na densidad ng
populasyon, hindi posible ang mano-manong paggawa. Ang
mga makinarya ay ginagamit upang magsagawa ng halos lahat
ng gawaing-bukid. Pangunahing itinatanim dito ang trigo.
Tinatayang 2/3 ng mga lupaing nasasaka sa Asya ay
tinatamnan ng mga pananimpara sa pagkain.
Pangunahing pagkain ng mga Asyano ang palay at trigo.
Ang palay ay tropical na pananim ng mga rehiyong monsoon sa
Asya.
Mahigit sa 90% ng produksiyon ng palay sa mundo ay
nagmumula sa China at India.
Ang iba pang malalaking prodyuser ng palay ay ang Japan,
Bangladesh, Myanmar, Indonesia, at Thailand.
Ang trigo naman ay pananim ng mga rehiyong subtropical at
temperate sa Asya.
Ang mga "cash crop" tulad ng bulak,
tubo, tsaá, goma, at jute ay itinatanim
sa China, India, Pakistan, Turkey,
Syria, Nepal, at Bangladesh.
Ang China, India, Pakistan, Turkey,
Syria, at Uzbekistan ay nangunguna
sa produksiyon ng bulak.
Ang India at China ay ikalawa at
ikaapat na nangungunang bansa sa
produksiyon ng tubo.
Ang China, India, Indonesia, Sri
Lanka, at Japan ay mga
nangungunang prodyuser ng tsaá.
Pinakamainam na itinatanim ang mga
jute sa delta ng Gang Brahmaputra
River.
Ginagamit ang mga ito para sa
paggawa ng sako.
Ang Bangladesh ang nangungunang
prodyuser ng jute sa mundo na
sinusundan ng India.
90% ng hilaw na goma
ay namumula sa
Malaysia, Thailand,
Indonesia at Sri Lanka.
Nangunguna ang
Malaysia sa
produksiyon ng goma
sa buong mundo.
Kilala ang Pilipinas bilang isa sa
nangungunang prodyuser at eksporter ng
kopra mula sa puno ng niyog.

Sa Israel,
malawakang
itinatanim ang
dalandan bilang
pangunahing
produktong
iniluluwas ng bansa.
Ang Timog-silangang Asya ay nangunguna rin sa
pagpoprodyus ng mga prutas na tropikal tulad ng mangga,
papaya, at pinya.
Ang India ang pinakamalaking prodyuser ng mangga sa buong
mundo na katumbas ng 40% ng pandaigdigang produksiyon
noong 2013.
Ang Thailand at Pilipinas ay mga bansang
nangunguna sa produksiyon ng pinya sa rehiyon.
Isa sa mga pangunahing produktong iniluluwas ng
Pilipinas na kilala sa mundo ay ang Dole Pineapple
Ang mga yamang gubat ay
tumutukoy sa mga punong
mula sa mmga kagubatan
na napapakinabangan
lalong-lalo na sa mga
gawaing industral at
komersiyal.
Malaking porsiyento ng
lupain ng Asya ay
nababalutan g mayamang
kagubatan.
Ang mga hardwood forest ay kinabibilangan ng equatorial
forests, monsoon forests, at temperate deciduous forests.
Ang mga kagubatang ito ay kilala sa mga Punong teak, mahogany,
rosewood, bamboo, sandalwood, at camphor. Samantala,
Ang mga softwood forest tulad ng coniferous forests ay nasa
Siberia.
Ang mga punong ito ay ginagamit sa paggawa ng papel, telang
synthetic, at posporo (match sticks).
HARDWOOD FOREST
SOFTWOOD FOREST
Dahil nakakukuha ng sapat na pag-ulan bunga ng klimang
tropical, isa sa pangunahing yamang-likas ng mga bansa sa
Timog-silangang Asya ang tropical rainforest.
Bukod sa panirahan ito ng iba't ibang uri ng mga hayop at
halaman mayayabong dito ang maraming uri ng puno tulad ng
teak, palm, cinchona,acacia
TEAK CINCHONA

PALM ACACIA
Malaking bahagi ng populasyon ng mga
Asyano ay nakabatay sa pangingisda
bilang hanapbuhay at pinagmumulan ng
kanilang pagkain.
Kumakatawan ang Asya bilang
pinakamahalagang rehiyon para sa
pangingisda at aquaculture sa mundo.
Noong 2013, ang bahaging pangisdan ng
Asya ay nakapagprodyus ng halos 50%
ng kabuuang huli ng isda sa buong
mundo.
Anim sa sampung bansang nangunguna sa produksiyon ng isda ay
nasa Asya :(China, Indonesia, Japan, India, Pilipinas, at Myanmar).
Bahagi ng yamang tubig ang mga karagatan at dagat na nakapaligid
sa mga rehiyong kostal ng Asya.
Kabilang dito ang mga panloob na katubigan ng mg bansang
Asyano lalong-lalo na ang mga ilog tulad ng Indus, Ganges, at
Brahmaputra sa Timog Asya; Huang-ho, Yangtze, at Xi Jiang sa
Silangang Asya; Euphrates at Tigris sa Kanlurang Asya; Ob, Amu
Darya, at Syr Darya sa Hilagang-sentral Asya at Mekong, Tonle Sap, at
Irrawady sa Timog-silangang Asya.
Taglay ng Japan ang pinakamalaki at pinakamodernong industriya
ng pangingisda.
Kilala ang Japan sa produksiyon at pagluluwas nito ng mga de
latang isda at cultured pearl.
Ang iba pang mga bansang
Asyano na nangunguna
sa pangingisda ay ang
China, India, Indonesia,
South Korea, at Pilipinas,
gayundin ang Siberia.
Tanyag ang Hilagang-
sentral Asya sa
produksiyon nito ng caviar
na mula sa isdang
sturgeon.
Ang yamang mineral ay may dalawang:
uri-ang metal at di-metal.
Taglay ng Asya ang pinakamalaking deposito ng iron-ore na
pinakamahalagang mineral para sa pag-unlad ng
modernong industriya.
Ang India at China ang pinakamalaking prodyuser ng iron-
ore sa Asya.
Ang malaking deposito ng karbon ay matatagpuan sa
kanlurang Siberia,hilagang-kanlurang China, at sa bahaging
tangway ng India.
Ang India, Siberia,at China ay malalaking prodyuser ng
manganese sa Asya.
Ikatlo ang India sa pinakamalaking prodyuser ng
manganese sa buong mundo.
Pinakamalaking prodyuser ng tin sa mundo ang Malaysia.
Ang iba pang mahahalagang prodyuser ng tin ay ang China,
Myanmar, Indonesia, at Thailand.
Isa rin ang India sa mga nangungunang prodyuser ng mica sa
buong mundo.
Ang China ay pinakamalaking prodyuser din ng
pinagkukunang aluminum, ginto, at karbon sa buong
mundo.
Ang malaking deposito ng ginto ay nasa Siberia, China,
Mongolia,at India.
Ang mga pangunahing bansa na nagpoprodyus ng pilak sa
Asya ay ang Malaysia, Indonesia, at Myanmar.
Ang pilak ay pinoprodyus din sa South Korea at Thailand.
Ang China ang pinakamalaking prodyuser ng tungsten sa
buong mundo.
Samantala,tila nakalatag naman sa dagat ng petrolyo at
langis ang karamihan ng mga bansa sa Kanlurang Asya.
Nangunguna rito ang Saudi Arabia, Iran, Iraq, at United Arab
Emirates.
Narito ang talaang nagpapakitang mga bansangAsyano
nanangunguna sa pagprodyus ng langismula sa kabuuang
produksiyon sa buong mundo batay sa pag-aaral ng
International Energy Agency (TEA) noong 2014.

You might also like