Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 134

FIL182- PAGTUTURO NG FILIPINO

CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

Republic of the Philippines


Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Ikalawang Semestre - Akademikong Taon 2022-2023

PANGALAN:
1. FRANK JEAY P. MONTEBON
2. KRISTINE ASHLEY LITANG
3. LUCILA FATIMA A. OLAIS

Ang Panitikan sa Klaseng Pangwika


Ang panitikan bilang input sa isang klaseng pangwika ay maaaring magdulot ng
kakaibang kawilihan at interes sa mga mag-aaral sa punto ng nilalaman tema, paksa, at
gamit ng wika.
Nagagawa rin ng panitikan na maitaguyod ang kabuuang pag-unlad ng isang mag-aaral
sa mga aspektong sosyal, moral, intelektuwal, estetiko , pagpapahalaga at ang
epektibong paggamit ng wika. Ito ay nagbabadya na kung gagamitin ang panitikan
bilang input sa klaseng pangwika, kailangan ng guro na gumamit ng mga dulog na ang
pinakasentro ng lahat ng pagpaplano ay mga mag-aaral.
Makikita sa dayagram sa ibaba kung ano ang maaaring magawa ng panitikan
bilang input sa klaseng pangwika.
FIL182- PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

Ang Paglinang ng Wika


Ang mga akdang panitikan ay makakatulong nang malaki sa paglinang ng wika bilang:
• Modelo sa mabisang paggamit ng wika;
• Mga istimulo para sa mga gawaing pangwika; at
• Mga konteksto para sa gawaing pangwika.
Bilang modelo sa mabisang paggamit ng wika, maipapakita ng mga akdang
panitikan kung paano ang talasalitaan, bararila at mga huwarang diskurso ay mabisang
magagamit sa iba’t ibang anyo ng pagsulat upang maipahatid ang isang mensahe at
kung paanong magagawa ng panitikang gisingin ang pandamdam upang makapagsigla
sa pagbibigay tugon.
Ang paggamit ng mga tayutay sa mga akdang pampanitikan halimbawa ay
magsisilbing paghimok samag-aaral sa pagbibigay ng masining na paghahambing ng
mga bagay o pangyayari.

Paglinang na Personal
• Malaki ang naitutulong ng panitikan sa pag-unawa sa puso’t kaisipan ng tao.
• Inilahad nito ang mga mithiin, lunggati, pagkatakot, pangamba, pag-asa,
pagmamahal, at pakamuhi sa tao.
• Katungkulan ng guro na akayin ang mga mag-aaral na matuklasan ang mga
damdamin at kaisipang ikinaiiba ng tao sa hayop upang mapabuti ang kanyang
pagkatao.
• May mga manunulat na naniniwala, gaya ng Italyanong si Pirandello, o Hapong
si Mishima at ating kababayan ng si Edgardo Reyes na ang misyon ng panitikan
ay pawiin ang lambong ng pagkukunwaring tumatakip sa mukha ng tao.
• Ayon kay Probst (1981), sinasabing ang Visceral Response o ang malalimang
pagtugon ang pinakamabisang paraan sa pagtuturo nito sapagkat hihimay ang
kaliit-liitang bahagi ng ating pagkatao.
Paglinang ng Sosyal at Moral
• Nagagawa ng panitikan na maranasan at maramdaman ng mambabasa ang mga
pag-iisip at pagdaramdam ng mga taong malayo sa kanyang kinaroroonan.
• Makakatulong sa mga mambabasa na maunawaan ang buhay.
• Ang mga gawaing pangwika na gumagamit ng mga akdang panitikan
bilang konteksto ay makatutulong sa mag-aaral upang malinang ang
kanyang kamalayan sa mga isyung pantao at kabuhayan pati na ang
sistema ng pagpapahalagang kaugnay ng mga ito.
• Magagawa ng panitikan sa isang klaseng pangwika ang katotohanang ang
buhay ay hindi simpleng proseso ng mabuti laban sa masama at ang
kalagayan sa buhay ay hindi rin basta matatakdaan ng itim o puti.
Paglinang ng Estetiko

• Ang salitang “estetiko” ay maikakapit natin sa kaisipang may kaugnayan sa


sining kasama ng rito ang panitikan, sa aspektong “pangkagandahan,”
“panlasa,” “imahinasyon” at “pagpapasya”.
• Kasama sa “estetikong karanasan” sa panitikan ang kahulugang natatamo natin
sa pagbabasa ng isang kwento o nobela; pakikinig sa masining na pagbabasa
ng tula o panonood ng isang dula.
• Nagagawa nitong salingin ang ating diwa at emosyon.
FIL182- PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

• Magagawa rin ng guro ng wika na mapayaman ang estetikong kamalayan ng


mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsasama sa mga programang pangwika
ng mga malikhaing gawain gaya ng pagtatanghal ng dula o sabayang pagbasa.
• Nasa kamay ng guro ang ikagaganda ng pag-aaral ng panitikan- yaong
pagsasamahin ang ugnayan ng sangkap ng isang sining sa diwa o temang
ibig palitawin ng mangangatha.
Pinagsanib na Pamamaraan sa Pagtuturo ng Panitikan at Wika
Sa mababang paaralan at mataas na paaralan man ay ginagamit ang pagtuturo
ng Wika at Panitikan sa mga magkasanib na pamaraan. Kung minsan ang aralin sa
panitikan ang magiging lunsarang aralin sa wika. Kung minsan ang aralin naman sa
wika ay nagwawakas sa pag-aaral ng panitikan. Naririto ang mungkahing mga hakbang
sa paraang pinagsanib na pagtuturo ng panitikan at wika.
1. Panimula (Introduction)
a) Pagganyak- Umiisip ng mabuting paraan na magigising ang kawilihan ng mag-
aaral sa maikling kathang tatalakayin.
b) Paghahawan ng balakid o pag-aaral ng mahihirap na salita na mababasa sa loob
ng katha. Maaaring salita o maikling pahayag.
c) Pag-uusap tungkol sa buhay ng may-akda - Nakakatulong kung minsan sa pag-
unawa ng katha kung may nalalaman ang mag- aaral sa buhay ng awtor. Maaari
ring mapag-usapan kung bakit naisulat ng may-akda ang kathang pinag-aralan.
2. Pagtalakay sa Maikling Katha (Discussion of the Short Story) Ang mga tanong
na pag-uusapan ay kalimitang naibigay na ng sinundang araw bilang takdang-
aralin.
a) Ano ang paksang-diwa ng kuwento?
b) Sino-sino ang mga pangunahing tauhan?
c) Aling bahagi ng kuwento ang kasukdulan? Kakalasan?
d) Anong paraan ang ginamit ng may-akda sa pagsasalaysay? Sa paglalarawan?
e. Pagpapapili sa magagandang pahayag sa loob ng kuwento. f. Pagbibigay ng
mga tanong na nabibilang sa una, ikalawa, ikatlo at ikaapat na dimensyon ng
tanong sa panitikan.
Halimbawa:
➢ Naibigan mo ba ang wakas ng kuwento? Bakit?
➢ Tama ba ang ginawa ng pangunahing tauhan? Patunayan.
➢katuladKung ikaw ang nasa kalagayan ng tauhan sa kuwento, gagawin mo ba ang
ng ginawa niya? Bakit?
➢kahawigMayng karanasan ka ba o may nalalaman ka bang tunay na pangyayari na
banghay ng kuwento? Isalaysay sa klase.
3. Pagbasa (Reading)
a) Pagbasa sa mga talatang may magandang pahayag.
b) Pagbasa sa mga talatang nagpapatunay sa mga sagot.
c) Pagbasa sa mga bahaging madula.
d) Madulang pagbasa ng klase sa buong kuwento.
4. Pagsasanib ng Aralin sa Balarila (Integration of Language and Literature)
Kung ang aralin sa balarila ay pang-uri, maaaring ipapili sa klase ang mga pang-uri sa
loob ng kuwento.
a. Maaaring ang mga ito ay ipasulat sa pisara upang makilalang mabuti at
tuloy masabi kung ano ang pang-uri,
FIL182- PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

b. Matapos maibigay ang katuturan ng pang-uri, ipapangkat ang mga pang-


uring nasa pisara ayon sa kayarian. (Sa pamamatnubay ng guro ay
makikita ng mga mag-aaral ang pagkakaiba ng payak na pang-uri sa
maylapi, sa inuulit o sa tambalang anyo ng pang-uri).
c. Maaari rin namang kung ang mga napiling pang-uri ay nasa isahang anyo,
maipasusulat ng guro ang anyong maramihan ng pang-uri.
d. Ipabigay ang tuntunin kung paano nabuo ang maramihang anyo ng pang-
uri.
e. Bilang paggamit, maaaring magpasulat ng mga pangungusap o talata na
ginagamit ang mga pang-uri. (Ito ay simula ng malikhaing pagsulat ng
mga mag-aaral.)
f. Gawaing Pasulat.
Sa tulong ng mga pang-uring napag-aaralan at sa iba pang mga pang-uring alam
na ng mag-aaral, ganyakin ang mga mag-aaral na sumulat ng paglalarawan
tungkol sa ilang mungkahing paksa gaya ng:
➢ Ang Aming Nayon
➢ Ang Liwasang Bayan
➢ Ang Palengke
➢ Ang Gulayan ng Paaralan
➢ Isang Aklatan
➢ Sariling pili ng mag-aaral
g. Maaari rin namang magkaroon ng malikhaing gawain tungkol sa maikling
kuwentong binasa. Maaaring ito ay isa sa mga susunod pang araw gaya ng:

➢lima o anim
Pagkakaroon ng timpalak sa madulang pagbasa sa kuwento. Bubuo ng
na pangkat sa klase.
➢ Pagpipili ng tauhan sa kuwento at magkaroon ng pagsasatao (Roleplaying).
➢ Ipasadula sa klase ang buong kuwento.
➢ Maaari ring magkaroon ng dulang panradyo.
➢dalawaKung may nagsasalungatang isyu sa loob ng kuwento, hatiin ang klase sa
o higit pang panig. Magkaroon ng pagtatalo.
➢ Maaari rin ang pangwakas na gawain ay pasulatin ng isang talata na
naglalaman ng nais niyang maging wakas ng kuwento. Kung bihasa na sa
ganitong mga gawain ang mga mag-aaral, maaari ring pasulatin sila ng isang
buong kwento.
Paglalahad ng Aralin sa Filipino sa Pamamagitan ng Iba’t ibang Uri ng Panitikan
Ang paglalahad ng aralin sa isang kaparaanang kawili-wili, nakakaganyak
nakakatawag-pansin ay napakahalagang bagay na dapat pag-ukulan ng paglilimi ng
isang guro. Dapat marahil na sikapin ng guro na ang kawilihan at pananabik ng mag
aaral ay nakahabi sa pamamaraang nangangailangan gumamit ng iba’t ibang lunsaran
sa paglalahad ng aralin (Belvez, 106). Ang lunsaran ay magsisilbing pangganyak upang
kalugdan ng mga magaaral ang leksiyong itinuturo
Tula
Likas na sa mga bata at kabataan ang pagiging mahiligin sa mga tugma at tula.
Ang mga bata ay magaling makaimbento ng tugma. Habang sila'y naglalaro,
nakakagawa na sila ng mga tugma, dahil sa kawili wiling karanasan ng mga bata sa
pagbigkas at paglikha ng mga tugma at tula, nagiging aktibo sila sa klase.
FIL182- PAGTUTURO NG
CSSH-ABFIL
FILIPINO
BILANG PANGALAWANG WIKA

Kwento
Likas sa mga bata saan mang dako ng daigdig ang pagiging mahiligin sa mga
kuwento. Sa kanila, ang kuwento ay may paghalina at pang-akit. Kadalasan, ginagamit
ito bilang pangganyak sa iba pang mga gawain. Bilang lunsaran sa paglalahad ng
aralin, dapat alamin ng guro ang uri ng kuwentong nagugustuhan ng mga batang
kanyang tinuturuan. Habang nagkakaedad ang bata ay nagkakaroon ng pagbabago sa
uri ng kuwentong kanyang kinagigiliwan.
Ang mga batang nasa lima hanggang siyam na taong gulang ay mahihilig sa
mga kuwento ng mga hayop at, mga pantasya. Ang sasampuing taong gulang na bata
ay nakikipagsapalaran. Kaya sa paglikha ng kuwentong gagamitin bilang lunsaran ng
aralin ay dapat isaalang alang ang kanilang interes sa mga bagay bagay.
Anekdota
Ang pagtuturo ng aralin ay nagiging napakadali kung ang isang mahusay na
guro ay marubong ng iba’t ibang istratehiya sa pagganyak ng mga mag-aaral.
Ang Pagtuturo ay kabuuan ay hindi lang basta pagsasalita at pagpapaliwanag
sa harap ng mga mag-aaral. Kinakailangang maging madali ang pag-unawa dito. Ang
anekdota ay isang mabisang karanasan ng aralin dahil bukod sa nakaaaliw ay
nakapagbibigay pa ng aral ito
Maiksi lamang ang anekdot. Kinapapalooban ito ng mga detalyeng kinakailangan
sa paglalahad ng mga pangyayari o pagtalakay sa mga pangyayaring naganap tungkol
sa isang tanyag na tao
Alamat
Ang alamat ay isang uri ng kuwentong nagsasaad ng pinagmulan ng isang bagay,
kalagayan, pook at katawagan. Layunin ng alamat na sariwain ang mga pangyayaring
makasaysayan upang mapukaw ang damdamin ng mga mambabasa’t makapagpagunita ng
mga bagay na may kinalaman sa nakaraang panahon. Nasasalamin sa alamat ang
damdamin, pag-iisip, buhay at ugali ng mga tao noong nakaraang panahon.
Dula
Ang dula ay may maraming gamit sa pagtuturo. Ito ay isang mabisang
pangganyak na gigising sa interes ng mga mag-aaral upang pag-aralan ang paksang-
aralin ay maaari rin itong gamitin sa paglalapat ng aralin upang subukin ang antas ng
pagkatuto ng mga mag-aaral pagkatapos ng aralin.
Iminumungkahi ng mga dalubhasa sa wika at panitikan ng gamitin ang ganitong
paglalapat dahil magkasabay na nalilinang dito ang kakayahan ng mag-aaral sa wika at
ang magpahalaga sa dula bilang isang uri ng panitikan.
Dagdag dito, masasanay ang mga mahiyain at kiming mga mag-aaral na
makibahagi at makiisa kung kaya’t nadaragdagan ang tiwala nila sa kanilang mga sarili
na sadyang kailangan para sa isang mabungang pamumuhay sa hinaharap.
Komik Istrip
Mabisang gamitin ang komik istrip sa paglalahad ng aralin. Nakakatulong ito
upang malinang ang kaalaman at maragdagan ang talasalitaan ng mga bata.
Madali itong maunawaan at magaang basahin. Ang sinasabi ng mga tauhan ay
nakapaloob sa mga “balloon.” Payak at maikli lamang ang salitaan sa komik istrip.
Nagsisilbing libangan ng mga bata ang komi strip. Nagaganyak silang basahin ito dahil
sa mga larawang-guhit.
FIL182- PAGTUTURO NG
CSSH-ABFIL
FILIPINO
BILANG PANGALAWANG WIKA

Talumpati
Ang talumpati ay isang sining. Maganda itong lunsaran sa paglalahad ng aralin.
Maraming maitutulong ito sa paglinang ng katauhan ng mga mag-aaral. Natutuhan
nilang bumasa at bumigkas, nararagdagan ang kanilang kaalaman sa paksang
tinatalakay sa talumpati, napapalawak ang kanilang talasalitaan, at nalilinang ang
kanilang tiwala sa sarili sa pagharap sa madla.
Sanaysay
Ang Sanaysay ay pagpapahayag ng kuro-kuro o opinyon ng mayakda tungkol
sa anumang bagay. Sa paggawa ng sanaysay, dalawang bagay ang dapat bigyan ng
pansin: ang nilalaman at istilo ng pagsulat. Ayon kay Rubin, sa anumang pahayag,
mahalaga ang nilalaman o mensahe hindi lamang sa nagpapahayag kundi lalo na sa
nagbabasa o nakikinig.
Balita
Sa pamamagitan ng balita ay nalalaman natin ang nangyayari sa loob at labas ng
bansa. May mga balita tungkol sa pamahalaan, paaralan, lipunan, pananampalataya,
kalakal, agham, sakuna, kalusugan at iba pa. Ang balita'y nagpapayaman ng talasalitaan,
nagdudulot ng dagdag na karunungan, nagpapalawak ng kaalaman tungkol sa paligid,
nakapagpapabatid sa takbo ng panahon, at nagpapatalas ng kakayahang mangatwiran.
Talaarawan
Ang talaarawan ay tala ng mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng tao.
Itinatala ng isang tao ang anumang inaakala niyang mahalaga at makabuluhang
karanasan sa isang tiyak na araw.
Bilang lunsaran sa paglalahad ng aralin, kawili-wili ito sa mga bata dahil
nararamdaman nila at nararanasan din ang nasasaad sa talaarawan lalo na't
kasinggulang nila ang may talaarawan Mabisa itong gamitin sa asignaturang Pagbasa,
Balarila at Wastong Paguugali.

Mga Sanggunian:
https://www.scribd.com/presentation/442880643/Job-Elle
https://www.scribd.com/presentation/488154168/Paglikha-ng-mga-lunsaran-sa-
Paglalahad-ng-mga-Aralin-sa-Filipino
PAGTUTURO BATAY SA (MAKRO)
KASANAYANG KOMUNIKATIBO
Ulat-Papel sa FIL182 – Pagtuturo ng Filipino
bilang Pangalawang Wika

Ipinasa kay: PROP. LOVE BATOON

Ipinasa nina:

Legaspi, Mary Joy

Misel, Vanessa

Rendula, Grace

Tausa, Jingkie

2023
PAGTUTURO BATAY SA (MAKRO) KASANAYANG KOMUNIKATIBO
Ilalahad ng araling ito ang pagtuturo batay sa kasanayang komunikatibo.
Maipapaliwanag ang apat na makrong kasanayan na magagamit sa pagtuturo.
Kasali rito ang pagtuturo ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat.

ANG PAGTUTURO NG PAKIKINIG


Napakahalaga ng kasanayan sa pakikinig sapagkat ito ang Pinakagamiting
kasanayan sa ating pang-araw araw na gawain tulad na lamang sa paaralan o kahit
sariling karanasan bilang tao at mag-aaral. Ito ang naghuhubog sa atin upang
maging maalam na indibdwal. Samakatwid kung ang isang tao ay walang kasanayan
sa pakikinig ay wala rin siyang sa kasanayan sa pag-unawa sapagkat ang pakikinig
ay kabuhol ng pag-unawa.

Ano ang Pakikinig?


Ang pakikinig ay ang kakayahang matukoy at maunawaan kung ano ang sinasabi
ng ating kausap (Yagang, 1993 sipi mula kay Badayos, 1999). Nakapaloob sa
kasanayang ito ang pag-unawa sa diin at bigkas, balarila at talasalitaan, at
pagpapakahulugan sa nais iparating ng tagapagsalita (Howatt at Dakin, 1974, binanggit
kay Yagang na sipi mula kay Badayos, 1999). Ang mahusay na tagapakinig ay may
kakayahang magawa ang apat na ito nang sabay-sabay. Nagtala si Willis, (binanggit kay
Yagang, 1993 na sipi mula kay Badayos, 1999) ng mga kasanayang micro sa pakikinig
na tinawag niyang enabling skills tulad ng mga sumusunod:
Paghihinuha kung ano ang magiging paksa ng usapan.
• Paghuhula ng hindi kilalang salita o parirala.
• Paggamit ng sariling kaalaman sa paksa para sa dagliang pag-unawa.

• Pagtukoy sa mga mahahalagang kaisipan at pagbabalewa ng mga di


mahahalagang impormasyon.

• Pagpapanatili ng mga mahahalagang impormasyon sa pamamagitan ng


pagtatala o paglalagom.

• Pagkilala sa mga diskors marker tulad ng kung gayon, ngayon, sa wakas atb.
• Pagkilala sa mga cohesive devices gaya ng, mga pangatnig, paing halip, at.

• Pag-unawa sa iba't ibang hulwarang intonasyon at paggamit ng diin na


maaring maging hudyat ng mensahe at kalagayang sosyal.

• Pag-unawa sa mga pahiwatig na impormasyorn tulad ng Inteisyo o saloobin


ng tagapagsalita.

Bakit Kailangang Ituro ang Pakikinig


Maraming kadahilanan kung bakit kailangang ituro ang pakikinig tulad ng mga
sumusunod:
• Mahalaga ito sa ating pang-araw-araw na pakikipamuhay. Ayon kay Wilga Rivers
(1981), makalawang beses tayong nakikinig kaysa sa pagsasalita, makaapat na
beses kaysa sa pagbabasa at makalimang beses kaysa sa pagsulat.

• Napakahalaga nito sa paglinang ng Kasanayan sa pagsasalita. Gaya ng sinabi


ni NIda (I975), Ang pagkatuto sa pagsasalita ng isang wika ay nakasalalay
nang malaki kung gaano mo ito napakinggan nang mabuti.

Mga Kategorya ng Pakikinig

1. Marginal o Passive na Pakikinig

Ito'y pakikinig na isinasagawa na kasabay ang iba pang Gawain.

Halimbawa, pakikinig sa isang usapan habang Kumakain, nagsusulat, naglalaba, atb.

2. Masigasig na Pakikinig
Itoy pakikinig na hangga't maaari'y malapit ka sa nagsasalita o nag-uusap para sa
ganap na pag-unawa sa nilalaman ng usapan upang magkaroon ng angkop na
kabatiran sa pangunahing ideya o paglalahat ng tagapagsalita.

3. Mapanuring Pakikinig

Ito'y isang pakikinig na nagsusuri at naghahatol sa kawastuhan ng mensaheng


napakinggan. Naisasagawa ang ganitong uri ng pakikinig kung nasasabi ang
paguugnayan ng mga kaisipan o ideyang napakinggan; nasasabi ang kaibahan ng
katotohanan sa pantasya; ng totoo o opinyon, atb.
4. Malugod na Pakikinig

Ito’y pakikinig na isinasagawa nang may lugod at tuwa sa isang kuwento, dula, tula,
at musika.

Mga Proseso ng Pakikinig


Walang makapagsasabi kung ano talaga ang nangyayari kapag nakikinig at inuunawa
natin ang pinakikinggan. Sa seksyong ito’y titingnan natin ang ilang katangian ng
proseso sa pakikinig na makatutulong sa paglilinang ng kasanayang ito sa pagtuturo.

1. Pagdinig vs Pakikinig
Ang ating mga tainga ay palagi nang may tunog na naririnig. Gayon pa man, hindi
natin binibigyang pansin ang lahat ng ating napakikinggan Nag-uumpisa lamang ang
ating “pakikInig” kapag binibigyan pansin na natin ang mga tunog na napakinggan at
gumagawa na tayo ng pagsisikap upang maunawaan at maipaliwanag ang mga ito.
2. Prosesong Top-Down

Kapag may nadinig ang isang tagapakinig, maaaring may maalaala siyang dating
kaalaman na maiuugnay niya sa napakinggan at ito ang magiging patnubay niya
upang hulaan ang uri ng impormasyong maaari niyang mapakinggan. Kapag
nangyayari ang ganito, masasabing ginagamit niya ang prosesong top-down.

3. Prosesong Bottom-Up
Ang bottom-up na pakikinig ay unti-unting pagbubuo ng kahulugan (building blocks)
sa pamamagitan ng pag-unawa sa lahat ng mga datos linggwistika. Mas mahirap
ang ganitong proseso ng pakikinig. Upang hindi maging suliranin ang ganitong
pakikinig, huwag ipokus ang atensyon ng mga mag-aaral sa mga "building blocks”
pagbigkas, kaalaman sa talasalitaan, atb.
Hindi nakikinig ang mga tao dahil sa magandang pagbigkas ng mga tunog at salita.
Nakikinig sila upang makuha ang kahulugan ng mensahe.
Halimbawa: kailangang pagsikapan nilang mahulaan ang kahulugan ng mga bagong
salita ayon sa kung paano ito napakinggan. Kailangan din silang turuan ng pakikinig
na ang pokus ay “whole-to-part”.

4. Aktibong Proseso ang Pakikinig


Kapag nakikinig ang isang tao, hindi basta na lamang siyang nakikinig Kasabay ng
kanyang pakikinig ay bumubuo na siya ng sariling pagpapakahulugan. Tinutukoy
niya ang mga pangunahing ideya at mga pansuportang detalye kinilala niya ang mga
pahayag na katotohanan sa mga opinion lamang hinuhulaan niya ang kahulugan ng
mga bagong salitang napakinggan, atb.
Ang mga ito ang tinatawag na mga aspektong kognitibo sa pakikinig. Mayroon ding
tinatawag na dimensyong apektib o pandamdam sa pakikinig.

Mga Hakbang sa Epektibong Pakikinig

• Habang ang isang tagapakinig ay patuloy na nakaririnig ng mga tunog o daloy


ng tunog, ang una niyang ginagawa ay tukuyin kung ang mga ito’y makabuluhan
(hal. wika at musika) o di-makabuluhan.
• Susunod niyang gagawin ay ang pagbuo ng Isang balangkas o istruktura sa
daloy ng mga tunog. Sisikapin niya itong isa-isahin bilang mga salita at pangungusap
kung ito’y wika o di kaya’y ang mga katumbas nitong elemento kung ito'y isang musika.
• Pagkatapos ay susuriin niya ang mga tunog sa kanyang isipan at pipiliin niya
ang mga makabuluhang tunog ayon sa kanyang pagtataya. Itatala niya ang mga
mahahalagang impormasyon at isasama ito sa mga nakaimbak na impormasyon sa
kanyang isipan upang kuning muli sa darating na panahon kung kinakailangan.

Mga Layunin sa Pagtuturo ng Pakikinig sa ating Paaralan Elementarya


Nagagamit nang may ganap na kahusayan ang mga batayang Kasanayan sa
pakikinig.
Sekundarya
• Napalalawak ang mga Kasanayan sa pag-unawa, pagpapakahulugan,
pagsusuri at pagbibigay-halaga at mga kaisipan o paksang napakinggan.

• Nahuhubog at napapaunlad ang mga kasanayang mag-isip at kakayaang


mangatwiran sa pamamagitan ng pakikinig tungkol sa mga kaalamang pangwika at
pampanitikan.

• Napalalawak ang nakalaang pagkakataon sa pakikinig sa radyo at mga kauring


talastasan bilang mabilis at matipid na daanan ng impormasyon o komunikasyon.

Dulog sa Pagtuturo ng Pakikinig


Halos lahat ng mga aralin sa pakikinig ay naglalandas sa dalawang magkaugat na
dulog sa pagtuturo ng pakikinig.
• Ang unang landas ay nakapukos sa paglinang ng mga maliliit na katangian ng
tunog tulad ng pag-iiba o pagtatangi-tangi sa mga tunog na napakinggan.

• Ang ikalawang landas ay nakatuon naman sa pakikinig nang may pag-unawa.

Pagkilala at Pagtatangi-tangi sa Pamamagitan ng Pakikinig (Auditory


Discrimination)

Nagagaya ang napakinggang huni/tunog

Halimbawa:
• kalabaw unga-unga

• Ibon twi-twit

• Kampana klang-klang

• Dyip pip-pip-pip

Natutukoy ang iba't ibang huni/ingay na ginagawa ng hayop


Nabibigyang kahulugan ang mga huni/ingay na ginagawa ng iba pang hayop at
mga sasakyan

Nakikilala ang mga titik ng alpabeto


Naiuugnay ang tunog sa titik
Natutukoy ang simulang tunog/huling tunog ng mga salitang napakinggan
Natutukoy ang mga tunog na patinig/katinig sa napakinggangsalita.
Nakikilala ang iba't ibang kombinasyon ng mga pantig na nagbibigay ng tunog.
Bakit Mahirap ang Pakikinig?
Sa pagpaplano ng mga aralin sa pagtuturo ng mga kasanayan sa pakikinig,
mahalagang isaalang-alang ng guro ang ilang katangian ng pasalitang wika (spoken
language). Kailangang bigyan ito ng pansin sapgkat malaki ang magiging
impluwensya nito Sa pagpoproseso ng pinakikinggang salita at maaaring maging
Sagabal lto sa pag-unawa. Sa madaling salita maaaring makapagpahirap ito Sa
pakikinig.

1. Pagkukumpol (Clustering)
Dahil sa limitasyon ng ating memorya habang nakikinig gumagawa tayo ng
pagkukumpol o clustering kung saan ang tekstong pinakikinggan ay Kinumkumpol
natin sa maliliit na pangkat ng mga salita.

Ang ganitong paraan nang pagpoproseso sa napakinggang salita ay


nakatutulong sa pag-unawa. Sa pagtuturo ng pag-unawa sa pakikinig, mahalagang
matulungan natin ang mga mag-aaral sa pagpili ng mga salitang kukumpulin o
pagsasamahin para maging mabilis ang pag-unawa.

2. Pag-uulit (Redundancy)
Ang pasalitang wika ay totoong maligoy. Sa susunod na makikilahok ka sa
isang usapan, pansinin mo ang maraming maling pagpaparirala, pag-uulit,
paglilinaw, at pagsisingit ng “Ito ang gusto kung sabihin,” “Ganito iyon.” Atb.
Ang ganitong pag-uulit ay nakatutulong sa tagapakinig sa pagpapakahulugan ng
napakinggan dahil maaari itong magbigay ng mahabang panahon at dagdag
impormasyon para sa pag-iisip.

Kailangang makita ng mga mag-aaral ang kapakinabangan sa mga pag-uulit ng ito sa


pakikinig sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kamalayan na hindi lahat ng bagong
parirala o pangungusap ay nagtataglay ng bagong impormasyon. At kailangang maging
sensitibo rin ang mga tagapakinig sa mga hudyat ng pag-uulit o paglilinaw.

3. Pinaikling Anyo
Ang pagpapaikli ay maaring ponolohikal, morpolohikal (Tayo na Tena) sintaktik
(kailan ka babalik/ Bukas, siguro.) o di kaya nama’y pragmatic (Nag-ring ang
telepono sa isang bahay, sinagot ng isang bata, tinakpan ang mouth piece ng
telepono at sumigaw sa kalapit na kuwarto, “Ate telepono!

4. Mga Baryabol sa Pagsasalita


Sa pagsasalita, maliban sa pinaghandang diskors (talumpati, lektyur, atb)
mapapansin ang pagiging alangan o pag-aatubili sa sasabihin, pagbibigay ng maling
panimula, paghinto at pagwawasto sa sarili, ng nagsasalita.
Ang ganitong kalagayan ay agad na binabalewala ng taal na tagapakinig subalit
maaaring maging sagabal sa pag-unawa para sa mga mag-aaral ng pangalawang
wika.

5. Paggamit ng mga Kolokyal na Salita

Ang mga mag-aaral na matagal nang nakaririnig o nakababasa ng pormal na anyo


ng wikang pinag-aaralan ay maaaring magkaroon ng problema kapag nakakarinig
sila ng mga kolokyal na salita sa isang diskurso.

Ang mga idyoma, slang, o pinaikling anyo, at mga pahayag na kaugnay ng kultura
ay karaniwang maririnig sa isang usapan. Ang mga kolokyalismo ay maaring marinig
sa mga monolog at dayalog.

6. Bilis ng Pagkakabigkas
Ayon kay Richards (1983) ang bilang at haba ng mga paghinto ng isang
tagapagsalita ay mas mahalaga sa pag-unawa kaysa sa bilis.

Gayon pa man, sa kalaunan, kakailanganin din ng mga mag-aaral na unawain ang


narirnig na maaaring binigkas sa iba’t ibang bilis at sa ilang pagkakataon, ang
pasasalita na halos ay walang paghinto.

7. Diin, Indayog at Intonasyon


Ang katangiang pagkamatulain ng isang wika ay mahalaga sa pag-unawa. Dapat
isaisip ng isang tagapakinig na ang diin, indayog at intonasyon sa pagsasalita ay
maaaring magdulot ng suliranin sa pagpapakahulugan ng isang mensahe.

8. Interaksyon
Ang mga klasrum teknik na saklaw ang komponent ng pakikinig ay kailangang
magtaglay ng pagtuturo at pagkatuto hinggil sa gantihang kilos na dapat maganap
sa pakikinig.

Dapat maunawaan ng mga mag-aaral na ang magaling na tagapakinig (sa isang


usapan) ay magaling ding taga-tugon. Alam nila ang angkop na pakikipag unawaan
sa isang kausap tulad ng pagbibigay ng pidbak, paghiling ng paglilinaw,
pagpapanatili ng usapan upang mabuo ang pagpoproseso ng pag-unawa sa halip na
iwaksi na lamang ito dahil sa kakulangan ng interaksyon.

Mga Patnubay/Simulain sa Pagtuturo ng Pakikinig


Mahirap na kasanayan ang pakikinig. Kaya mahalagang isaisip ang
kahandaan at kawilihan ng mag-aaral sa gawaing ito. Kailangan ding malinang sa
mag-aaral ang lubos na pagtitiwala sa kanilang sariling kakayahan. Maisasagawa ito
ng guro sa pamamagitan ng mga sumusunod:
3. Tiyakin na lubos na nauunawaan ng mga mag-aaral ang kanilang gagawin
bago ito simulan

4. Maglaan ng isang konteksto para sa pakikinig. Halimbawa, kung anong teksto


ang kanilang pakikinggan (isang talumpati, kwento, atb) at kung saan ito naganap
(e.g sa isang bayan sa laguna, o sa isang parti).

5. Maaaring pakinggan nang maraming ulit ang isang input sa pakikinig at


kailangang may layunin sa bawat pakikinig na isasagawa. Linawin sa mga mag-aaral
ang layunin sa pakikinig.
6. Kung ang input ay maririnig sa unang pagkakataon, magbigay ng mga
tuwirang tanong na makatutulong sa pag-unawa sa kabuuan ng teksto. Maaaring
magtanong tungkol sa pangunahing impormasyong nakapaloob sa teksto (Sino ang
tagapagsalita, ano ang kanilang pinag-uusapan, atb.)
7. Maglaan ng maraming gawain bago makinig at tiyaking makatutulong ang
mga ito upang mapagtagumpayan ng mga mag-aaral ang anumang gawain na
ipagagawa sa kanila.
8. Maglaan ng mga tanong o set ng mga gawain na angkop sa kakayahan ng
mga mag-aaral.
9. Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral na basahin ang mga tanong
bago nila pakinggan ang tape. Magbibigay ito sa kanila ng kadahilanan sa pakikinig
at mga hudyat kung ano ang aalamin sa pakiking. Maiiwasan din ang pagbasa sa
mga tanong habang nakikinig sa tape.
10. Maglaan din ng mga gabay na nalilinang sa kanilang mapanuring pag-iisip
bukod sa mga karaniwang tanong sa pag-unawa (e,g, sa aking palagay, mali ang
awtor dahil… ang sumusunod na patotoo ang nagbunsod sa akin na sabihing ang
kuwento ay naganap sa Pilipinas)
11. Tiyaking napakinggan na ang guro ang buong tape bago iparinig sa klase.
Kailagang isagawa ito upang maiwasan ang anumang suliranin bago iparinig ang
tape sa klase.
12. Sikaping gumamit ng mga input at mga gawain na kalulugdan ng buong klase
at tiyakin na matutugunan ng halos lahat ng mga mag-aaral ang mga gawain.
Mahalaga ito upang malinang sa kanila ang positibong saloobin sa pakikinig.

Pagpaplano ng Isang Aralin sa Pakikinig


1. Mga yugto ng isang aralin sa pakikinig

Mga tatlong yugto ang isang aralin sa pakikinig, bago making, habang nakikinig,
pagkatapos making.
Bago Makinig
4. Pagpukaw sa kawilihan ayon sa tekstong pakikingan.

5. Pagtukoy sa ilang dating kaalaman/impormasyon na makatutulong sap ag-unawa


ng tekstong pakikinggan
6. Paglilinaw ng ilang talasalitaan na maaring makasagabal sap ag-unawa
4. Pagtalakay sa layunin ng isasagawang pakikinig

Mga gawaing mailalapat sa yugtong ito ng


pakikinig 1.Impormal na talakayan

e) Pag-uusap tungkol sa isang larawan

f) Pagtatala ng mga mungkahi, opinion, atb.

g) Pagbabasa ng isang kaugnay na teksto

h) Pagbabasa sa mga tanong na kailangang masagutan habang nakikinig

i) Paghula sa maaring mangyari

j) Pagtalakay sa uri ng wikang naririnig sa teksto.

Habang Nakikinig
Ito ang pokus ng aralin. Ang mga gawain sa yugtong ito ay naaayon sa mga
puntos nan ais bigyang-diin ng guro.
Mga gawain na mailalapat sa yugtong ito

a. Pagsagot ng mga tanong na maaring pagpipilian

b. Mga tanong na tama/mali

c. Pagtukoy sa mga maling impormasyon

Pagkatapos Makinig
Sa yugtong ito, maaring bigyan ang mga mag-aaral ng mga gawaing bunga
ng ginawang pakikinig. Halimbawa, pagsulat ng liham sa tagapagsalita bilang
personal na tugon sa sinabi ng tagapagsalita.
ANG PAGTUTURO NG PAGSASALITA

Sa pakikipag-usap, nagagawa ng mga tao na gamitin ang wika sa iba’t ibang


paraan at kadahilanan. Ginagamit nila ito sa pagbati, pagpapakilala,
pagpapaliwanag, pag-aanyaya at pagtanggap ng paanyaya, at iba pa. Ang mga
gamit na ito ng wika ay pinangkat ni Bygate (1987, sipi mula kay Badayos, 1999) at
tinawag niya itong mga karaniwang gawi (routine) sa pagsasalita. Gumagamit din
ang mga tao ng iba’t ibang salita ay balangkas ng pangungusap upang masabi sa
kausap ang mga kadahilanan sa pagsasalita. Pinipili nila ang angkop na salita o
pangungusap na gagamitin sa isang usapan.

Sa madaling salita bahagi ng pagkatuto sa pagsasalita ay ang pag-alam at


angkop para sa isang partikular na usapan. Ito’y nangangahulugan na mahalaga ang
madalas na pakikilahok sa iba’t ibang usapan.

Sa pagkatuturo ng pagsasalita kinakailangang matutunan ng mga mag-aaral


kung ano ang gamit ng wika, tungkulin ng wika at anyo nito at mga paksa sapagkat
ang pagsasalita ay dapat na mag-ugat sa isang paksa. Hindi ito basta nagaganap.
Ang pagkatuto sa pagsasalita ay ito basta nagaganap. Ang pagkatuto sa pagsasalita
ay nangangailangan din ng pag-alam sa angkop na wikang gagamitin para sa
pagtalakay ng iba’t ibang paksa.

ANYO NG WIKA

b. Pagbati
Hi!
Hello!
Kumusta ka?
Saan ka pupunta?

b Pagpapakilala
Pare, si Misis…
Ang aking one and only … Si
kumander, pare… Malugod
kong ipinakikilala…

c Pagpapaliwanag
Alam mo, bukas ay…
Ganito kasi iyon pare…
Kung alam mo lamang …

d Pag-anyaya
Punta ka sa bertdey ko…
Sagot kita sa pamasahe…
Huwag mong intindihin ang baon…
Malugod ko kayong inaanyayahan… Kung
wala kang gagawin…

g. Pagtanggap Sigurado
akong darating… Maghanda ka
ng maiinom… Buti naisip mo
ako… Makakaasa kang
darating ako…

Mga Tungkulin ng Wika

1. Tungkuling Transaksiyunal
Ang tungkuling ito ng wika ay nakapokus sa paghahatid ng impormasyon. Ito ay
pokus sa mensahe. Ang pagbibigay ng isang lektyur tungkol sa pamumuhay na
maligaya o paglalarawan ng isang tao upang makilala ito; ang pagkukwento o di
kaya’y paghahambing ng kabutihan at kahinaan ng isang produkto, ang lahat ng ito’y
paraan ng paghahatid ng impormasyon. Samantala, kung ang isang tao’y
nagpapaliwanag o nangangatwiran kung bakit niya ginawa ang isang bagay o di
kaya’y nagbibigay ng ilang prediksyon o palagay kung ano ang magiging kalagayan
ng Pilipinas sa taong 2020 o kung nagbibigay siya ng solusyon kung paano
maiiwasan ang pagkasagupa sa droga, siya ay gumawa naman ng mga ebalwasyon
ng mga bagay. Pinangkat ito ni Bygate sa ilalim ng tungkuling transaksyunal ng wika.

Mga kinaugalian sa pagbibigay ng impormasyon

Ekspositori

Paglalarawan
Paglalahad
Pagbibigay ng panuto
Paghahambing

Ebalwatib

Pagpapaliwanag
Pagbibigay katuwiran
Paghuhula
Pagbibigay ng desisyon
2. Tungkuling Interaksyunal
Sa ganitong layunin ng pagsasalita, ang pinahahalagan ay ang tagapakinig bilang
taong kausap sa halip na pagpapalitan ng impormasyon. Layunin ng ganitong
pagsasalita ang pagpapanatili ng magandang pakikipag-ugnayang sosyal (social
relationship): napapanatili ang pokus ng tagapakinig sa pamamagitan ng pagbati,
pagtatanong at pangungumusta, pagsasabi ng opinion tungkol sa panahon, pagtatanong
tungkol sa pamilya at mga kaibigan ng tagapakinig, atb. Dahil ang impormasyon o
“mensahe” ay hindi masyadong pinahahalagahan sa ganitong usapan, mapapansin na
malimit ang pag-iiba ng paksa at karaniwan nang nakakalimutan ng tagapagsalita ang
nilalaman nang naunang usapan. Ang kalimitang naaalala ay kung kinalugdan ang
pagkikita at kung nasiyahan ang tagapakinig.

Mayroon ding mga pormularyo ang usapang pokus sa interaksyon. Tunghayan ang
ilang karaniwang pamaraan ng pagpapanatili ng usapang interaksyunal.

h. Pagbubukas ng usapan; pabati, pagkatuwa/pagkagulat sa pagkikita; pag-alam sa


kalagayang personal at iba pang araw-araw na bati para sa pakikipag-ugnayan.
i. Pagbibigay ng angkop na tugon.
j. Pagbubukas ng bagong paksa/tapik.
k. Paglinang ng paksa/tapik.
l. Pagbabago/pag-iiba ng paksa.
m. Pagpapalit-palit (paglilipat mula sa paksa patungo sa ibang paksa).
n. Pagsasara ng usapan.

Ang isang usapan ay kinapapalooban din ng iba’t ibang tungkuling


pangkomunikasyon. Tingnan ang mga inilahad sa ibaba.

• Tungkuling Personal – ginagamit ang wika upang ipahayag ang personal na


kaisipan at damdamin. Nagpapahayag ang tao upang mailahad ang kanyang
iniisip at nadarama tulad ng pagkatuwa o pagkalungkot, pagkainis, pagkagalit,
at iba pa.
• Tungkuling Interpersonal – nag-uusap ang dalawang tao upang mapanatili
ang mahusay na rason sa kapwa. Nagbabatian sila, nagpapakilala at
nagkukumustahan upang matukoy ang kalagayan ng isa’t isa.
• Tungkuling Direktiba – ginagamit ng tao ang wika upang maisagawa ang
nais niyang mangyari. Maaari siyang makiusap, mag-utos, tumanggi, o
pumayag sa ipinagagawa o maging masigasig sa nais mangyari.

• Tungkuling Reperensyunal – Ito ang tungkuling malimit gamitin sa


talakayan sa klasrum. Karaniwan dito’y nagtatalakay, nagtatanong, nag-uulat
o nagpapaliwanag ng paksang pinag-aaralan.

• Tungkuling Imahinatibo – Ginagamit natin ang wika upang lumikha ng nais


ipahayag. Maaari tayong magkuwento, tumula, lumikha ng palaisipan,
bugtong o kasabihan.

Narito ang ilang talaan ng mga gamit ng wika batay sa libro ni Badayos (1999) na
makatutulong sa guro sa pagbabalak ng mga gawain sa paglinang nga mga
kasakanayan sa pagsasalita.
1. Mga Pangunahing Gamit ng Wika (Main Functions)

A. Tungkuling Transaksyunal

1. Paghingi ng impormasyon.

2. Pagtatanong kung may nalaman ang isang tao tungkol sa isang

bagay. 3., Pagsasabi na may alam tungkol sa isang bagay.

4. Pagsasabi na hindi alam ang isang bagay.

5. Pagtatanong kung naaalala.

6. Pagpapaalala

7. Pagsasabi ng pag-aalala.

8. Pagsasabing nakalimutan ang isang bagay/pangyayari.

9. Pagtatanong kung tama ang isang bagay.

10. Pagsasabing hindi tama ang isang bagay.

11. Pagsasabing tama ang isang bagay.

12. Pagwawasto sa kamalian ng isang tao.

B. Tungkuling Interaksyunal
13. Pagtatanong kung nakatitiyak ang isang tao tungkol sa isang bagay.
14. Pagsasabing nakatitiyak ka.
15. Pagsasabi ng inaaakala na maari/possible o di maaari/impossible
16. Pagsasabing di ka nakatitiyak.
17. Pagsasabing di maaaring mangyari o imposible ang iniisip
18. Pag-uusap tungkol sa maaaring mangyari
19. Pagtatanong ng damdamin ng isang tao bago mangyari ang isang bagay.
20. Pagsasabi ng pagkasabik.
21. Pagsasabi ng inaasahang mangyayari.
22. Pagsasabi ng gusto/nais.
23. Pagsasabing may inaasahang isang bagay (looking forward).
24. Pagsasabing magandanda ang pananaw (optimistic).

25. Pagsasabing hindi maganda ang pananaw (pessimistic).


26. Pagsasabing nag-aalala o natatakot.
27. Pagtatanong ng nararamdaman ng ibang tao pagkatapos ng isang pangyayari.
28. Pagpapahayag ng pagkagulat.
29. Pagsasabi ng kasiyahan (pleases).

30. Pagsasabi ng di-kasiyahan o galit.


31. Pagsasabi ng paggaan ng loob (relieved).
32. Pagsasabi ng pagkabigo/pagkainis (disappointed).
33. Pagsasabi ng pananabik (excited).
34. Pagsasabi ng pagkabagot.
35. Pagpapayapa o pagpapatibay ng loob sa isang tao.
36. Pagtatanong tungkol sa mga gusto/nais (likes).
37. Pagpapahayag ng mga ayaw.
38. Pagpapahayag ng mga gusto/nais.
39. Pagtatanong tungkol sa mga napupusuan (preferences).
40. Pagsasabi ng nagugustuhan (preferences).
41. Pagtatanong kung sumasang-ayon ang isang tao.

Mga Gawain sa Pagsasalita na Kailangang Ituro

Isang katangian ng pagsasalita na iba sa pagsulat ay ang pagbibigayan sa


pagsasalita (turn taking). Sa isang usapan ay nagbibigayan ang mga kalahok.
Halimbawa, sa usapan o talakayan, sa ilan pang konteksto sa pagsasalita. Kapag
nasa isang panayam o pagkukuwento, ang pagsasalita ay halos nakapokus sa isang
tao.
Mga Gawain sa Pagsasalita sa MGA GAWAING MAILALAPAT
Iba’t Ibang Konteksto
URI NG
TEKSTO
Usapan/Dayalog
1. Pagpuno ng mga gap sa
dayalog.

2. Binalak/binalangkas na usapan
kung saan ay may panutong susundin
ang mga tagapagsalita; halimbawa
batiin. Sabihin, ang taong hinahanap
ay wala, Humingi ng paumanhin.
3. Pagbibigay ng mga impormasyong

personal, halimbawa:

A: Ano ang pangalan mo?

Saan ka nakatira?
Mga Kuwento 1. Pagbubuod ng kuwentong
narinig sa guro, sa teyp, o binasa sa
pahayagan.
2. Pagbuo ng isang katumbas sa
kuwentong narinig o nabasa.
3. Pagkukwento sa tulong ng mga
larawan.
4. Pagkukwento sa tulong ng mga
tala.
5. Pagbuo ng sariling pagtatapos
sa isang kuwento.
6. Pagbuo ng isang dugtungang
pagkukuwento.Halimbawa,
inumpisahan ng guro ang
pagkukuwento at ang bawat
magaaral ay magdadagdag ng isa o
dalawang pangungusap na siyang
lohikal na kasunod ng sinundang
pangungusap.
7. Pagbibigay ng buod ng isang
kuwentong napakinggan o nabasa.

Pagsunod sa panuto 1. Pagbibigay ng isang hanggang


dalawang panuto na maaaring
isagawa ng isang kamag-aral o ng
buong klase. Halimbawa: Tumayo;
Kunin ang bag at ilagay sa mesa ng
guro; atb.)
2. Pag-awit ng mga awiting may
kilos o galaw.
3. Paggamit ng mga serye ng
larawan/tsart sa pagbibigay ng panuto
kung paano isasagawa ang isang
bagay.
4. Pagbibigay ng panuto habang
binubuo ang dayagram o larawan ng
isang tagapakinig.
Paglalarawan 1. Paggamit ng mga
larawan/litrato sa
paglalarawan ng isang tao,
bagay o lunan.
2. Paghahambing ng
mga larawan.
3. Pagpuno ng gap sa isang
impormasyon kung saan may
alam na impormasyon ang
bawat isa na hindi alam ang
kausap.
4. 4. Pagbibigay ng isang
detalyadaong ulat sa isang
pangyayaring nasaksihan,
halimbawa; aksidente sa
daan, isang sunog, atbp.

Talakayan
1. Pakikipagtulungan sa isang
pangkat sa paglutas ng
isang suliranin sa
pamamagitan ng pagbibigay
ng mungkahi/rekomendasyon.
Pag-uusapan sa pangkat
ang mga rekomendasyon
upang makabuo ng isang
consensus.

2. Pagpuno ng gap ng
impormasyon kung saan
may talakayang magaganap
sa pamamagitan ng
pagbabahagi ng sariling
impormasyon upang matamo
ang isang layunin;
halimbawa; pinakamurang
mapapasyalan sa bakasyon,
pinakamagandang paliguan,
pinakamurang palengke, atb.
3. Pagtatakda ng prayoridad,
halimbawa, talakayan ng
pangkat kung alin lamang
ang mahahalagang bagay
ang dapat dalhin sa isang
overnight camping.

4. Pagsasatao – Halimbawa:
gagampanan ang papel ng
idsng pulis, saksi, banggaan
ng isang motorsiklo at isang
taxi.

5. Pagtalakay tungkol sa isang


napapanahong isyu
(halimbawa; maraming
tinedyer ngayon ang
nalululong sa masasamang
bisyo.)

Mga Simulain sa Pagtuturo ng Pagsasalita

1. Isaalang-alang ang buong pagkatao ng bawat mag-aaral.

Sa apat na makrong kasanayang nililinang sa pagtuturo ng wika, ang


kasanayan sa pagsasalita ay higit na nakakaapekto sa personalidad ng mag-aaral.
Ang mag-aaral na may tiwala sa sarili at nakaranas na ng kasiyahan sa pagsasalita
ang siyang may mataas na motibasyon at handang makipagsapalaran sa
pagsasalita. Kaya’t kailangan ng guro na:

a. Maging sensitibo, maunawain at mapangganyak. Kailangan ding palaging


pinupuri ang mga mag-aaral.

b. Pumili ng mga tekstong makakaganyak at makapupukaw sa kawilihan ng mga


mag-aaral. Ang mga kagamitang panturo ay kailangang angkop sa edad, interes,
karanasan at kaalaman ng mga mag-aaral. Kailangang may kaugnayan din ang mga
kagamitang panturo sa sariling interes at buhay ng mga bata.

2. Bawasan ang pagkabahala o pag-aalala ng mga mag-aaral sa pamamagitan


ng paglalahad ng mga aralin mula madali patungo sa mga mahirap.
Kadalasan sa mga mag-aaral ay nininerbiyos kapag pagsasalitain sa harap
ng klase. Kaya ang mga sumusunod ay maaaring gawin upang mabawasan ang
ganitong pag-aalala:
a. Uumpisahan ang gawain sa pagsasalita mula sa maikling usapan patungo sa
mahahabang salitaan sa loob ng klase.
b. Hayaan na ang pakikipag-usap ay magsimula sa taong kapalagayang–loob.
Ang pagsasalita sa harap ng buong klase ay maaaring gawin nang paminsan-
minsan sa mga paksang malapit sa kalooban ng bawat isa tulad ng tanong na “Ano
ang ginawa mo noong nakaraang lingo?”
c. Makatutulong kung ang paksa ng pagsasalita ay hindi alam ng klase at ang
tagapagsalita lamang ang nakaalam. Ang ganitong sitwasyon ay nakpagbibigay ng
lakas ng loob sa tagapagsalita.

3. Panatilihin ang maayos na timbangan ng kawastuhan sa katatasan sa


pagsasalita.
Kailangang bigyan ng guro ang mga mag-aaral nang sapat na pagkakataon
upang mabatid ang dalawang mahalagang aspekto ng pagsasalita, upang malinang
ang kasanayan sa pagsasalita. Una, kailangang maituro sa kanila ang kawastuhan
(accuracy) na may kinalaman sa wastong pagbabalarila at paggamit ng angkop na
salita, kayarian, at pagbigkas ng mga salita. Ikalawa, kailangan ding maituro ang
katatasan (fluency) sa pagsasalita na may kinalaman naman sa pagsasalita sa
normal na bilis: hindi tumitigil nang matagal kapag nauubusan ng salita, atbp.

4. Maging isang magaling na modelo sa mga mag-aaral.


Ang mga mag-aaral na walang naririnig na sinasalitang Filipino maliban doon
sa napapakinggan niya sa loob ng klasrum ay aasa na lamang sa guro bilang modelo
sa pagsasalita. Kaya, kailangang sikapin ng guro na tamang Filipino ang dapat
maririnig ng mga mag-aaral lalo na’t ang guro ay hindi taal na tagapagsalita.

5. Paglalaan ng angkop na istimulo para sa pagtatamo ng wastong pagsasalita.


Kailangang palaging may pagkakataon ang mga mag-aaral sa pagsasalita.
Nang mabigyan sila ng maraming pagkakataon sa pagsasalita at upang matiyak
na ang kanilang sinasabi ay ang gusto nilang sabihin, kailangang kontrolin ng guro
ang kanilang sasalitain. Magagawa ito ng guro sa pamamagitan ng pagbibigay ng
mga input (tala, larawan, at iba pa).

6.Maging sensitibo sa pangangasiwa ng mga pagkakamali sa pagsasalita.

Isang prosesong debelopmental ang pagkatuto ng wika at ang pagkakamali


ay isang integral na bahagi ng pagkatuto. Kailangan tulungan ng guro ang mga mag-
aaral na tanggapin ang ganitong katotohanan upang maging kasiya-siya ang
pagtuturo at pagkatuto.
ANG PAGTUTURO NG PAGBASA

Ano ang Pagbasa?

• Ang pagbasa ay isang “psycholinguistic guessing game" na kung saan ang


nagbabasa ay nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipang hango sa
tekstong binabasa. Goodman (1967, 1971, 1973). Ang gawaing ito ng
pagbibigay kahulugan ay isang patuloy na prosesong siklikal buhat sa teksto,
sariling paghahaka o paghula, pagtataya, pagpapatunay, pagrerebisa, ibayo
pang pagpapakahulugan.

• Sa pagbibigay elaborasyon naman ni Coady (1979) sa kaisipan ni Goodman


sa pagbasa, para sa lubusang pag-unawa ng isang teksto, kailangang ang
dating kaalaman ng tagabasa ay maiugnay niya sa kanyang kakayahang
bumuo ng mga konsepto/ kaisipan at kasanayan sa pagpoproseso ng mga
impormasyong masa-salamin sa teksto.

Fig. Modelo ng Isang Tagabasa (Coady, 1979)

• Ayon kay Coady, ang kakayahang pangkaisipan ay ang panlahat na


kakayahang intelektwal ng isang tagabasa. Ang mga istratehiya sa
pagpoproseso ng impormasyon ay iyong may kinalaman sa paggising ng mga
impormasyong nasa isipan ng tagabasa gaya ng kaalamang semantika
(impormasyon tungkol sa daigdig, halimbawa, mga konsepto, ideya,
karanasan, atb.) kaalamang sintaktika (impormasyon tungkol sa wika,
halimbawa, ang pagbuo ng pangungusap at mga batayang hulwaran) at
kaalaman sa ugnayang graphophonic (halimbawa; pormasyon ng pantiġ,
pagbaybay, atb.) Ang dating kaalaman ay binubuo ng lahat ng karanasan at
impormasyong nasa isipan ng tagabasa na maaaring gamitin bilang pantulong
kung sakaling may kahinaan ang tagabasa sa kaalamang sintaktik.
• Sa aktwal na pagbasa, ginagamit ng tagabasa ang maraming bilang ng mga
impormasyon, ideya, mga saloobin at paniniwala. Ang mga kaalamang ito at
ang kakayahan ng tagabasa na gumawa ng mga prediksyong linggwistik ang
titiyak ng mga inaasahang pangyayari sa binasa na binubuo ng tagabasa
habang nagbabasa siya ng isang teksto. Ang kahusayan sa pagbasa ay
nakabatay sa nagagawa ng tagabasa na epektibong maiugnay ang kanyang
kaalamang linggwistik sa kanyang mga dating alam na.

Iba't-ibang Pananaw sa Proseso ng Pagbasa

1. Ang Teoryang “Bottom-Up”


Tradisyunal na pananaw sa pagbasa na bunga ng impluwensya ng teoryang
behaviorist na higit na binibigyang pokus ang kapaligiran sa paglinang ng pagunawa
sa pagbasa.

Sa teoryang ito, ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na
simbolo (stimulus) upang maibigay ang katumbas nitong tunog (tugon o response).

Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa


yugto-yugtong pagkilala ng mga titik tungo sa salita, parirala, pangungusap ng buong
teksto bago pa man ang pagpapakahulugan sa teksto.
Inilalarawan ng teoryang ito na ang pagbasa ay nagsisimula sa mga input na grapiko
o istimulus, halimbawa, ang mga letra na siyang bumubuo ng mga nakalimbag na salita.
Malinaw na masisilip sa teoryang bottom-up na ang pagbasa ay nagsisimula sa sintesis
ng mga letra upang makabuo ng salita, ng mga salita sa pagbuo ng mga pangungusap
hanggang sa makabuo nang sapat na rami ng teksto na magbibigay-daan sa tagabasa
upang maunawaan kung ano ang isinulat ng isang awtor.

Ang proseso ng pag-unawa ayon sa teoryang ito ay nagsisimula sa teksto (bottom)


patungo sa tagabasa (up); kaya nga ang katawagang “botom-up." Mapupuna na ang
direksyon ng pag-unawa ay isa lamang: mula sa ibaba pataas.

Sa teoryang bottom-up ang pag-unawa sa teksto ay batay sa mga nakikita rito


tulad ng mga salita, pangungusap, larawan, dayagram at iba pang simbolo. Tinawag
ito ni Smith (1983) na outside-in o data driven sa dahilang ang impormasyon sa
pag-unawa ay hindi nagmula sa mambabasa kundi sa teksto.

2. Ang Teoryang “Top-Down”


• Noong mga taong 1920, maraming mananaliksik ang gumawa ng mga pagaaral
tungkol sa kung anong mga prosesong kognitibo ang nagaganap sa isipan
habang nagbabasa at kung paano nauunawaan ang isang nakasulat na
diskurso.

• Napatunayan nila na ang bottom-up ay taliwas sa tunay na prosesong


nagaganap sa pagbasa. Sa halip daw na ang pag-unawa ay nagsisimula sa
teksto, ito raw ay nagsisimula sa isip ng tagabasa (top) tungo sa teksto (down):
kaya nga ang katagawang "top-down." Ang pananaw na ito ay impluwensya ng
sikolohiyang Gestalt na naniniwalang ang pagbasa ay isang prosesong holistic.

• Ayon sa mga proponent ng teoryang ito, ang tagabasa ay isang


napakaaktibong partisipant sa proseso ng pagbasa; na siya ay may taglay na
dating kaalaman (prior knowledge) na nakaimbak sa kanyang isipan at may
sariling kakayahan sa wika (language proficiency) na kanyang ginagamit
habang nakikipagtalastasan siya sa awtor sa pamamagitan ng teksto.

Sina Smith at Goodman ang pinakamasugid na tagapagtaguyod ng teoryang


"top-down." Naniniwala sila na ang mahusay na paghabasa ay iyong
pagpapakahulugan sa teksto na gumagamit ng kakaunting oras at panahon sa
pamamagitan ng pagpili ng mga makabuluhang hudyat (cues)at mga impormasyon
na makatutulong sa pagbuo ng kahulugan sa teksto.
Upang lubos na maunawaan ang pananaw na ito, mahalagang alamin na ang
nakalimbag na teksto ay nagtataglay ng tatlong impormasyon (hudyat):
o Impormasyong Semantika o impormasyong pangkahulugan na kasama rito
ang pagpapakahulugan sa mga salita at pangungusap.

o Impormasyong sintaktik o impormasyon sa istruktura ng wika. ay


impormasyon tungkol sa pagkakaayos at istruktura o kayarian ng wika.

o Impormasyong Grapo-phonic ay impormasyong tungkol sa ugnayan ng


mga letra (grapheme) at mga tunog (phonemes) ng wika. Kasama rito ang
impormasyon tungkol sa pagbaybay na naghuhudyat ng kahulugan.

Taglay ng isang tagabasa ang mga impormasyong semantika, sintaktika at


graphophonic bilang bahagi ng kanyang dating kaalaman (prioi knowledge). Sa
pagbasa, ang mga hudyat na ito na makikita sa teksto ang gumigising sa mga
semantik, sintaktik at grapho-phonic na impormasyon sa isipan ng tagabasa. At sa
interkasyon sa pagitan ng nakalimbag na teksto (impormasyong biswal) at ng dating
kaalaman (non-biswal na impormasyon) na taglay ng tagabasa, nabubuo ang
pagpapakahulugan.
Sa kabuuan, ang teoryang top down ay tinatawag ding inside-out o
conceptually driven sa dahilang ang kahulugan o impormasyon ay nagsisimula sa
mambabasa patungo sa teksto. Ito ay nagaganap kung ang mambabasa ay
gumagamit ng kanyang dating kaalaman at mga konsepto na nabuo na sa kanyang
isipan batay sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Nakabubuo siya ng
mga palagay at hinuha at ito ay inuugnay niya sa mga ideyang inilahad ng awtor sa
teksto.
3. Teoryang Interaktib
• Higit na angkop daw ang kombinasyon ng “bottom-up" at "top-down" sapagkat sa
pagbasa raw, ang proseso ng komprehensyon ay may dalawang direksyon:
ibaba-pataas at itaas-pababa. Bunga nito, lumitaw ang teoryang interaktib.

• Ang teoryang ito'y naniniwala na ang teksto ay kumakatawan sa wika at


kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ginagamit ng mambabasa ang
kanyang dating kaalaman sa wika at sariling konsepto o kaisipan. Dito
nagaganap ang interaksyon ng mambabasa at ng awtor. Ang interaksyong
nagaganap ay may dalawang direksyon (bi-directional).

• Isang malaking kontribusyon ng teoryang interaktib sa pagtuturo ng pagbasa


ay ang pagbibigay diin nito sa pag-unawa bilang isang proseso at hindi isang
produkto.

Sa loob ng mahabang panahon, tinatanaw natin ang komprehensyon bilang


isang produkto. Higit nating binibigyang pansin kung ang sagot ng mga mag-aaral sa
mga tanong sa pag-unawa (comprehension questions) ay tama o mali. Sa
kasalukuyan, dahil ang pag-unawa ay tinatanaw bilang isang proseso, ang tuon sa
pagsusuri ng mga sagot sa pag-unawa ay ang proseso. Kailangang alamin ng guro
kung paano nabuo ng mga maġ-aaral ang kanilang mga kasagutan sa mga tanong,
tama man ito o mali? Sa pamamagitan ng interaktibong prosesong ito, malalaman ng
guro kung paano niya matutulungan ang mambabasa upang lubos niyang
maunawaan ang teksto.
Ano ang metakognisyon? Ang pagkatuto ay itinuturing na isang pangyayaring
kognitib, subalit mahalaga ring banggitin na ito ay isa ring kaganapang metakognitib.
Ang kognisyon ay ang paggamit ng taglay na kaalaman samantalang ang
metakognisyon ay ang kamalayan at kabatiran sa taglay na kaalaman. "Ang
kognisyon ay tumutukoy sa pagkakaroon natin ng mga kasanayan; sa kabilang dako
ang metakognisyon ay ang kamalayan sa angking kasanayan at ang pagkontrol sa
mga kasanayang ito (Stewart at Tei. 1983)

Ang metakognisyon kung gayon ay tumutukoy sa ating kamalayan sa mga


proseso sa pag-iisip habang gumagawa tayo ng pagpapakahulugan (Brown, 1985).
Ang mga istratehiya sa pagmomonitor at pagwawasto sa sarili tulad ng mapanuring
pagbabasa, pagpapatunay sa mga hipotesis, at pagtatanong sa sarili ay mga
ebidensya ng kakayahang metakognitib.

4. AngTeoryang Iskema
• Ang ginagampanan ng dating kaalaman sa pag-unawa ang pangunahing
batayan ng teoryang ito (Barlett, 1992, Rumelhart, 1980).

• Isa sa mga pangunahing simulain ng teoryang ito ay ang paniniwala na ang


teksto, pasalita o pasulat man, ay walang kahulugang taglay sa kanyang sarili.
• Ayon sa teoryang iskema, ang teksto ay nagbibigay lamang ng direksyon sa
nakikinig o mambabasa kung paano nila gagamitin o paano bubuo ng
pagpapakahulugan mula sa kanilang dating kaalaman. Ang dating kaalaman
ay ang tinatawag na sanligang kaalaman ng mambabasa (background
knowledge) at ang kayariang balangkas ng dating kaalaman ay tinatawag na
iskemata (pangmaramihan ng iskema).

• Ang teoryang iskema, ang lahat ng ating natutuhan at nararanasan ay


nakalagak sa isipan at maayos na nakalahad ayon sa kategorya. Ang mga
iskemang ito ay patuloy na nadaragdagan, nalilinang, napauunlad at
nababago (Pearson at Spiro 1982) at ginagamit natin sa pag uugnay ng
anumang bagong karanasan.

Sa kasalukuyang pananaw sa pagbabasa, bago pa man basahin ang teksto, ang


mambabasa ay may ideya na sa nilalaman nito batay sa taglay niyang iskema sa
paksa. Binabasa niya ang teksto upang patunayan kung ang hinuha o hula niya ay
tama, may kulang o dapat baguhin. Dahil sa ganitong kalagayan, masasabi na ang
teksto ay isang input lamang sa proseso ng pagbuo ng kahulugan. Hindi ang teksto
ang sentrong iniikutan para maunawaan ito, kundi ang tekstong nabubuo sa isipan
ng mambabasa. Kaya sa pagtuturo ng pagbasa ang dapat bigyang-pansin ay ang
prosesong interaktibo--ang kombinasyon ng prosesong top-down at bottom-up.
Dapat tandaan na ang hindi pag-unawa sa teksto ay maaaring bunga ng
pagbabalewala sa prosesong dalawahang direksyon (bi-directional) at ang lubos na
pananalig sa prosesong isang direksyon (unidirec. tional) sa pagbasa.

Mga Layunin sa Pagtuturo ng Pagbasa

1. Matulungan ang mga mag-aaral na magkaroon ng kusa sa pagbabasa nang


malaya.
Sa pagtuturo ng pagbasa hindi lamang pag-unawa sa teksto ang dapat
bigyang-diin. Manapa'y ginagamit natin ang teksto upang malinang sa mag-aaral ang
iba't ibang kasanayan sa pagbasa na magagamit niya sa pagbabasa ng iba pang
teksto na kanyang pipiliing basahin sa hinaharap.

2. Idebelop ang kasanayan sa pagtugon sa teksto.


Ito'y nangangahulugan na dapat kilalanin ng guro ang bawat mag-aaral bilang
isang indibidwal at kailangang matutuhan niyang matugunan ang teksto batay sa
kanyang sariling pag-iisip at pagkukuro. Kung hindi ito mangyayari malamang na
mawalan ng interes ang mga mag-aaral sa pagbabasa. Kaya sa pagbasa, kailangan
ang ganitong uri ng mga tanong:

Nagustuhan mo ba si Ginoong A sa kuwento? Sumasang-ayon ka ba sa ikinikilos ni


B? Bakit? Naniniwala ka ba sa sinabi ng awtor?
3.Tulungan ang mga mag-aaral na magbasa nang may sapat na pag-unawa.
Ito'y nangangahulugan na hindi dapat unawain ng mag-aaral ang lahat ng
mga binanggit sa teksto. Ang dapat niyang unawain ay iyon lamang tumutugon sa
kanyang layunin sa pagbabasa. Kung ipipilit sa mag-aaral na dapat niyang
maunawaan ang kabuuan ng teksto, maaaring humantong ito sa isang kahinaan sa
pagbasa na tinatawag na “barking at print." Ito'y maaaring magbunga ng isang
kaisipan na mas mahalaga sa kanilang pag-unawa ang pag-alam sa kahulugan ng
ilang “mahihirap na salita" kaysa sa alam nilang mga simpleng salita na bumubuo sa
teksto. Kaya nga, kung nagtatanong ang isang bata ng kahulugan ng ilang salita,
itanong kung kailangan niya ito para sa kanyang layunin sa pagbabasa.

4. Tulungan ang mga mag-aaral na magbasa nang may angkop na bilis.


Hindi ito karaniwang dinidibelop ng mga guro sa pagtuturo ng pagbasa.
Minsa'y tumatagal nang kalahating oras hanggang apat napu't limang minuto ng
pagbabasa ng isang maikling kuwento. Hindi ganitong klase ng pagbasa ang
dapat umiral sa loob ng klasrum. Ang magaling na mambabasa ay iyong
naiaangkop ang bilis ng pagbasa sa uri ng tekstong kanyang binabasa.
Halimhawa, magkaiba nang bilisang inilalapat natin sa pagbasa ng isang kuwento
at sa pagbasa ng isang legal na dokumento (kontrata, kasunduan, atb). Upang
malinang ang angkop na bilis sa pagbasa, kailangang pumili ang guro ng mga
teksto na babasahin ng mga mag-aaral ayon sa katakdaang bilis nito nang may
pagunawa.

5. Tulungan ang mag-aaral ng epektibong paĝbasa nang tahimik.


Mas mabilis ang pagbasa nang tahimik. Bilang guro ng pagbasa, kailangan
bigyangdiin ang pagbasa nang tahimik sa klasrum.
Ang pagtuturo ng pagbasa ay naglalayong matulungan ang isang mag-aaral na
makapagtamo ng mga kasanayan, istratehiya at mga saloobin na kailangan sa
pagunawa ng isang teksto. Ang mga layunin sa pagbasa ay maaaring nakasentro sa
paglinang ng alinman sa mga sumusunod:

A. Angkop na motibasyon

• pag-alam ng paksa ng teksto


• pagtukoy sa tiyak na impormasyon
• pagsasagawa ng isang task
• paghahanap ng impormasyon

c. Paglinang ng iba't ibang istratehiya sa


pagbasa Halimbawa;
skimming scanning
d. Pagpapabuti ng mga kasanayan sa pag-unawa
Mga Yugto sa Pagbasa

Yugto ng Kahandaan sa Pagbasa


Ang yugtong ito sa pagbasa ay nararanasan ng mga bata sa iba ibang edad. May
mga bata na maagang nalilinang ang kahandaan sa pagbasa (mga 4 na taon
lianggang 6 1/2 taon; may mga batang huli ang pagkalinang nito). Ang kahandaan sa
pagbasa ay depende rin sa kapaligirang nilakhan ng bata, sa pagkakalantad niya sa
iba-ibang babasahin at sa mayamang karanasan niya sa araw-araw. Ang kahandaan
sa pagbasa ay isang yugto sa debelopment ng bata. Ito'y isang pagbabagong-
kalagayan na maaring tumagal nang maraming buwan. Sa yugtong ito, kakikitaan
nang unti-unting pagbabago ang bata mula sa hindi pa marunong bumasa hanggang
sa makakilala at makabasa na siya ng mga nakalimbag na teksto.

Yugto ng Panimulang Pagbasa


Ito ang yugto kung saan nagsisimula ang bata sa pormal na pagbasa na
kadalasa'y sa mga aklat na pre-primer or primer. Dito nagsisimula ang proseso sa
pagkatuto ng pagkilala sa salita at mga simbolo, pag-alam sa kahulugan ng salita o
sa kahulugan ng parirala at pangu-ngusap. Ang mga talasalitaang ginagamit sa mga
babasahin ay kontrolado. Ang yugtong ito ng panimulang pagbasa ay nagaganap sa
unang baitang o sa edad 6 1/2 taon hanggang 7 taon.

Yugto ng Debelopmental na Pagbasa


Ito ang yugto sa program ng pagbasa na nagpapatibay at nagpa-palawak ng
mga kanais-nais na mġa kasanayan sa pagbasa at mga pagpapahalagang natamo
ng mga nagdaang taon at pagdedebelop pa ng mga bagong kasanayan at
pagpapahalaga na kakailanganin sa pag-unawa at pagkalugod sa mga kompleks na
nakasulat/nakalimbag na teksto. Ito ang yugto na nalilinang ang kasanayan sa
mabilis na pagbasa at pag-unawa sa binasa.

Yugto ng Malawakang Pagbasa


Ang yugto ng malawakang pagbasa ay ang panahon ng pagpapapino at
pagpapaunlad ng mga kasanayan sa pagbasa. Ang pagbasa na isang kasanayang
angkin na ng mag-aaral ay isang instrumento para sa pagtuklas ng lalong marami at
malawak na impormasyon, mga kaisipan, pagpapakahulugan o interpretayon.
Sa yugtong ito’y patuloy na nalilinang ang iba-ibang kasanayan gaya ng
komprehensyon, organisasyon, bokabularyo, interpretasyon at iba pa.

Kahandaan sa Pagbasa

1. Kagulangang Pisikal (Physical Maturity). Ang kahustuhan ng isip at ang


pangkalahatang kalusugan ng bata ay mahalaga. Malinaw niyang nakikita ang anyo
at hugis; naririnig nang wasto at maliwanag ang bigkas ng salita at nauulit ang
naririnig na salita kung wala siyang depekto sa paningin, pandinig at pagsasalita.
2. Kagulangang Mental (Mental Maturity). Ang salik sa pangkaisipan o mental
ay mahalaga sa pagkilala ng salita at mga simbolo at pagpapakahulugan sa mga
simbolo; at sa kakayahang makita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga simbolo
at salita. Kailangan din ang talas ng pananda o memori.
3. Kagulangang Sosyal at Emosyunal (Social and Emotional Maturity).
Magkakaiba-iba ang lawak at saklaw ng panlipunang pinagmulan ng mga bata. lyong
mga likas na matatalino ay malamang na galing sa masayang tahanan at maaaring
makadama ng katiwasayan at kasiyahang lumahok sa mga gawaing pangklase at sa
pagsasagawa ng mga payak na gawain. Sa isang kapaligirang ang mag-aaral ay hindi
nagkakaroon ng mga suliranin (gaya ng pagkatakot, pagkapahiya, pangamba, atb.) ay
higit na magiging mabilis ang pagkakalinang ng kahandaan sa pagbasa.

4. Personalidad at Karanasan (personality and experience facttors). Ang


mga unang karanasan sa tahanan at sa kapaligiran ay nakaaapekto sa personalidad
ng mag-aaral at nakaapekto din naman sa kakayahan sa pagbasa at maging sa iba
pang gawain sa pagkatuto. May mga batang lumaki sa tahanan o kapaligirang
marahas, malupit at may lumaki sa isang kaiga-igayang kapaligiran. May mga
batang pagkapanganak pa lamang ay nakalantad na sa iba-ibang aklat at mga
babasahin. Ito'y mga salik na may malaking kaugnayan sa maagang pagkakaroon
ng kahandaan sa pagbasa.

5. Wika (Language Factor). Pagtuntong ng isang bata sa paaralan, tinatayang


mayroon na siyang ganap na pagkontrol sa palatunugan, morpolohiya at sintaks ng
wikang una niyang natutuhan. Mayroon na rin siyang sapat na talasalitaan na
magagamit niya sa pakikipag-ugnayan sa bago niyang kapaligiran. Ang ganitong
mga kakayahan ay nakatutulong nang malaki sa mabilis na pagkalinang ng
kahandaan sa pagbasa.

Ilang Mungkahing Istratehiyang Upang Matulungan ang mga Bata sa


Pagkakaroon ng Kahandaan sa Pagbasa

1. Maglaan sa klasrum ng mga gawaing magbibigay ng pagka-kataon sa mga


bata para makapagtamo ng mayaman at kawili-wiling mga karanasan. Gaya ng:
a. Mga larong pambata na kalulugdan ng bawat isa. Maraming magandang karanasan
ang makukuha rito. Marami ring pagpapahalaga ang malilinang dito gaya ng pakikiisa,
pagkamasayahin, pagtanggap ng panalo at pagkatalo sa tamang pananaw, atb.
b. Pagdalhin sa klase ang mga bata ng kanilang paboritong laruan o anumang
paboritong gamit o bagay. Pagsalitain sila sa harap ng klase ng dalawa hanggang
tatlong pangungusap tungkol sa laruan, gamit o bagay.

c. Pabuuin ng iba't ibang anyo o hugis sa pamamagitan ng mod-eling clay, wood


blocks, puzzle, o paguhitin ng mga hugis, larawan at pakulayan ang mga ito.
d. Paawitin ng mga awiting may kilos at pabigkasin ng maikling tugmang bata.
e. Magkuwento o basahan ang klase ng kuwento o dula. Hayaang magtanong ang
mga bata o di kaya'y bigyan ng madadaling tanong sa pag-unawa.

2. Linangin ang matalas na paningin at pakikinig

a. Maglagay ng magagandang display sa paskilan.


b. Lagyan ng leybel o pangalan ang mga bagay sa loob ng klasrum gaya ng
blackboard, pinto, bintana, mesa, desk, silya, atb.
c. Ipagaya ang karaniwang tunog sa paligid, huni ng hayop (para sa diskriminasyon
ng tunog)

3. Linangin ang kasanayang pangwika

a. Isaalang-alang ang wikang dala ng mga bata sa paaralan at gawin itong batayan
ng mga gawain ukol sa pagbasa at pagsulat.
b. Basahan ng kuwento o kuwentuhan ang buong klase. Ipakuwentong muli sa
sariling pananalita.
c. Ganyaking magtanong sa klase o magdagdag ng kabatiran sa bagay na
pinaguusapan.
d. Maglaro ng bugtungan at palaisipan.

4. Linangin ang mga kasanayang sosyal at emosyunal

a .Hikayating lumahok sa mga gawain sa klase, sa mga laro at iba pa. b.


Magtakda ng mga gawaing kalulugdan ng mga bata.
c. Ganyakin lumahok sa mga pagsasadula
d. Bigyan ng kaukulang papuri at pagkilala ang mabuting gawa.

5. Linangin ang mga kakayahang motor o pagkilos

▪ Ganyaking lumahok sa mga gawaing ritmikal gaya ng pagindak,


pagsayaw,atb.
▪ . Pagawain ng mga gawaing kamay tulad ng pagguhit, paggupit,
pagtitiklop ng papel at iba pa.
▪ Pagtunton sa mga guhit, larawan, mga titik at salita sa papel.

Panimulang Pagbasa (Beginning or Initial Reading) P-pantig
na binubuo ng patinig na a, e, i, o, u.

KP-pantig na binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa unahan.

Halimbawa: ba, be, bi, bo, bu


PK-pantig na binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa hulihan.
Halimbawa: ok-ra; lo-ob; is-da; ik-mo
KPK-pantig na binubuo ng patinig na may tambal na ka-tinig sa unahan at hulihan.

Halimbawa: tak-bo; lib-ro; su-lat.


KKP-pantig na binubuo ng patinig na may tambal na klas-ter sa unahan.

Halimbawa: blu-sa; tsu-per; tse-ke; dra-ma.


PKK-pantig na binubuo ng patinig na may tambal na klaster sa hulihan.

Halimbawa: eks-tra; blo-awt.


KKPK-pantig na binubuo ng patinig na may tambal na klaster sa unahan at katinig
sa hulihan.

Halimbawa: plast-tik;trum-po;tren.
KPKK-pantig na binubuo ng patinig na may tambal na ka-tinig sa unahan at
klaster sa hulihan.

Halimbawa: a-part-ment; nars; kard.

KKPKK-pantig na binubuo ng patinig na may tambal na klas-ter sa unahan at sa


hulihan. Halimbawa: tsart; trans-por-tas-yon.
Habang unti-unting nakikilala at nababasa ang mga pantig ay dumarami naman ang
mga salitang nababasa. Bukod sa iba-ibang pormasyon ng pantig, may ipinakikilala
ring paisa-isang salitang pampaningin o “sight word” gaya ng ang, mga, av, at. Ito'y
upang makabasa na sila ng mga parirala at pangungusap.

Ilang mahahalagang bagay na dapat isaalang-alang sa panimulang pagbasa.


1. Motibasyon
Magiging mahirap ang pagtuturo ng pagbasa kung walang kawilihan ang bata sa
gawaing.ito. Kaya nga, tungkulin ng guro ang paglinang ng maganda at positibong
saloobin sa pagbasa. Magagawa ito ng guro sa pamamagitan ng pagsasangkot ng mga
bata sa mga gawaing magbubukas sa kanilang isipan kung gaano kahalaga at kasiya-
siya ang pagbabasa. Halimbawa, pagbabasa ng kuwento (sa halip ng pagkukuwento) at
paglalaan ng maraming aklat na may magaganda at kawili-wiling mga larawan at
naglalaman ng mga kaalamang tiyak na magugustu han ng mga bata.

2. Paglinang ng mga kasanayan


Ang pag-unawa sa sinasalita ng mga tao ay isang batayang kaila-nganin
upang maunawaan kung ano ang nakasulat dahil parehong nangangailangan ang
gawaing ito ng kasanayan sa pag-unawa at sa pag-iisip. Sa klase, kailangang
maglaan ang guro nang sapat na panahon upang mahasa ang kasanayan ng mga
bata sa pagsasalita.
3. Pag-alam sa mga Kombensyon ng mga nakalimbag na aklat/ babasahin Ito'y
may kinalaman sa mga sumusunod:

a. Kaalaman sa mga larawan: ang mga larawan (drawing, ilustrasyon, litrato) ay


maaaring kumatawan sa ideya o kahulugan at maaaring gamitin ang mga larawan
ng isang kuwento sa pagpapaliwanag ng isang ideya.
b. Kaalaman sa limbag: ang mga limbag ay kumakatawan sa mga ideya at mga
pagpapakahulugan sa pamamagitan ng sinasalitang wika. Ang bawat salita ay
binubuo ng mga letra na kumakatawan naman sa mga tunog: ang mga limbag ay
binubuo ng mga salita na makikilala sa pagitan ng bawat salita: ang bawat hanay ng
mga limbag na salita ay binabasa sa isang pahina mula kaliwa pakanan/itaas-
pababa; at gumagamit ng mga pananda bilang hudyat ng pagsisimula (malaking
titik) at pagtatapos ng pangungusap (.), pagtatanong (?), pagbibigay-diin (!), at
paghuhudyat na may nagsasalita (")(").

c. Kaalaman sa pahina ng aklat: ang mga pahina ng aklat ay may itaas at ibaba
at kapag may pahinang magkatabi, ang pahinang nasa kaliwa ang unang binabasa.

d. Kaalaman sa kabuuan ng aklat: ang mga aklat ay may harap at likod; ang mga
pahina ay nakaayos nang mula kaliwa-pakanan; ang mga larawan at limbag sa aklat ay
maaaring gamitin sa pagkukuwento o pagpapaliwanag ng mga bagong ideya.

4. Mga Kasanayan sa Pagkilala ng Salita (Word Recognition Skills)


Ito ang mga kasanayang makatutulong sa mambabasa upang mabigkas at/o
mapakahulugan ang isang teksto. May dalawang kategorya ang mga kasanayan sa
pagkilala ng salita: kasanayan sa mga salitang pampaningin (sight word skills) at
kasanayan sa pag-alam sa salita (word attack skills).

• Mga Kasanayan sa mga Salitang Pampaningin (sight word skills)


Ang mga salitang nakikilala at kagyat na nababasa at hindi na pinag-iisipan pa
kung ano ang mga ito ay tinatawag na mga salitang pampaningin. Sa pamamagitan ng
mga salitang pampaningin, nagagawa ng isang mababasa ang awtomatikong pagbigkas
at/o pagpapakahulugan sa isang salita. Mahalaga ang awtomatikong pagpoprsesong ito
ng mga salitang pampaningin. Mawawalan ng interes ang isang tagabasa kung palagi
niyang pag-iisipan kung paano na lamang ang maigugugol niya sa pag-unawa at
pagpapahalaga sa nilalaman ng kaniyang binabasa. Ang mga salitang pampaningin ay
pinipili ayon sa angkin nitong kahalagahan. Ang kahalagahan ay karaniwang
napagpasiyahan ayon sa kung gaano kadalas nakikita ng isang bata ang salita sa
kaniyang pagbabasa. Sa filipino, ang mga salitang ang, mga, at ng, ay ilan sa mga
salitang kadalasang mababasa sa isang teksto.
• Mga Kasanayan sa Pag-alam ng mga salita (Word Attack
Skills) May limang batayang istratehiya sa pag-alam ng mga salita:
1. Paggamit ng palatandaang konpigurasyon (configuration clues)
2. Paggamit ng mga larawan
3. Paggamit ng palatandaang nagbibigay ng kahulugan
4. Paggamit ng diksyunaryo
5. Pagsusuring pangkayarian

1. Paggamit ng palatandaang konpigurasyon (configuration clues)


Kapag ginamit ng mambabasa ang hugis ng isang salita sa pagbigkas o
pagpapakahulugan sa salita, gumagamit siya ng palatandaang configuration.

2. Paggamit ng mga larawan


Ito ang mga kauna-unahang palatandaan na ginagamit ng mga bata sa
pagkilala ng mga salita. Subalit hindi rin ito nagtatagal lalo nat nagsisimula na ang
batang magbasa ng mga abstrak, at may mga salita na mahirap namang
mailarawan.

3. Paggamit ng mga palatandaang nagbibigay-kahulugan (context clues)


Nagbabasa tayo upang bigyang kahulugan ang nakasulat na teksto at hindi para
makilala ang lahat ng mga salitang ginagamit ng awtor. Ito ay nangangahulugan
lamang na kung maunawaan natin ang mensahe ng isang teksto, kalimitang
binabalewala natin ang ilang di pamilyar na salita na nakapaloob dito. Kung minsan,
maaaring mahalaga ang mga salitang ito ngunit nagagawa nating mahulaan ang ibig
sabihin nito sa pamamagitan ng pagsusuri at pag-uugnay ng mga salitang sinundan o
sumusunod sa di-kilalang salita. Kapag ginagamit ng mambabasa ang mga
palatandaang ito, gumagamit siya ng context clues.

4. Paggamit ng diksyunaryo
Mahalaga ang kasanayang ito ngunit nagagawa lamang maituro ang
kasanayang ito pagkatapos na mamaster ng mga bata ang alpabeto at may sapat
na sila ng talasalitaan para maunawaan ang mga pagpapaliwanag tungkol sa
paggamit ng isang diksyunaryo.

5. Pagsusuring Pangkayarian
Magagawang maunawaan ng mga bata ang isang salita sa pamamagitan ng
pagsusuri ng mga bahagi nito tulad ng salitang ugat, mga panlapi, paraan ng
pagkakabuo ng salita tulad ng pag-uulit ng pantig at pag- uulit ng salita at
pagtatambal.
Ang Pag-unawa/Komprehensyon
Ang pag-unawa ay ang pagbuo ng kahulugan kapag nakikipag-ugnayan sa
teksto. Sa katunayan, ang pag-unawa ay isang kumplikadong proseso ng pag-iisip.
Sa ating pagbabasa, ang ating mga istratehiya sa pag-unawa ay agad na
humahantong sa atin na iugnay ang ating kaalaman at karanasan sa impormasyon
sa teksto upang ating mabigyang-kahulugan. Ang pag-unawa sa teksto ay
naiimpluwensyahan ng kung sino tayo, kung paano tayo nauugnay sa mundo at sa
mga bagay na naroroon, sa pamamagitan ng ating kaalaman (totoo man o
pinaniniwalaan sa ating sarili) na nakaimbak sa ating isipan, at gayundin ang ating
sariling damdamin/situwasyon tungo sa isang tiyak na sitwasyon.

Pag-unawang Literal
Ang pag-unawa ng literal ay nakapokus sa mga ideya at impormasyong
tuwirang nakalahad sa teksto. Ang mga kasagutan sa mga tanong na literal ay ang
simpleng paalala sa mga impormasyon at detalye ng nakapaloob sa babasahin.
Bagama't nangangailangan lamang ito ng mababang antas ng pag-iisip, mahalaga
ito bilang isang pundasyon sa paglinang ng mataas na antas ng pag-iisip. Kaya nga,
kung mga literal na tanong lamang ang ibinibigay ng guro malayong narating ng mga
bata ang mas mataas na antas ng pag-iisip.

Interpretasyon
Ang kategorya ng ito sa pag-unawa ay nangangailangan ng mas mataas na
antas ng pag-iisip. Ang mga sagot sa mga tanong sa kategoryang ito ay hindi
tuwirang nakalahad sa teksto ngunit nakapahiwatig lamang.

Hal.

Pagbibigay-kahulugan sa tulong ng pahiwatig

Pagkuha ng pangunahing ideya

Paghihinuha

Pagbibigay ng kongklusyon

Pagbibigay ng paglalahat

Pagkilala sa sanhi at bunga

Pagkilala ng pagkakatulad/ pagkakaiba

Mapanuring Pagbasa
Ang kritikal o mapanuring pagbasa ay mas mataas ang antas kaysa sa
dalawang naunang kategorya.
Hal.
▪ Napapahalagahan ang kaangkupan, katiyakan at pagkamatotohanan ng
impormasyong nakalahad sa teksto.

• Naibabahagi ang sariling paninindigan ayon sa kaangkupan


pagkamakatotohanan at pagiging kasiya-siya ng akda.
• Naihahambing ang kaisipang ipinapahayag sa teksto sa tulong ng
pamantayang pansarili, pamantayang galing sa guro, sa ibang tao at sa ibang
babasahin.

Malikhaing Pagbasa
Sa kategoryang ito, gumagamit ang tagabasa ng kakaibang kasanayan sa
pag-iisip na lagpas sa antas ng pag-unawa ng literal interpretasyob at mapanuring
pagbasa sa malikhaing pagbasa sinisikap ng tagabasa na makabuo ng bago o
pamalit na solusyon sa inihain ng awtor.

Bukod sa kahalagahan ng dating kaalaman sa pag-unawa sa binasa, tingnan


parin natin ang ilang kaugnay na katawagan na nakatutulong din ng malaki sa pag-
unawa ng komprehensyon.

Kaalaman sa paksa (topic knowledge). Mga impormasyon na dati nang alam, sa


partikular na paksa.

Kaalaman sa interaksyong sosyal (social interaction knowledge). Makatutulong


ang kaalamang ito sa pag-unawa ng mga tauhan at kung gaano sila kumikilos at
nagsasalita.

Kaalaman sa kayarian ng teksto text structure (text structure). Ito ay kaalaman


tungkol sa iba't-ibang kayarian balangkas sa pagkakabuo ng teksto gaya halimbawa
ng tekstong pasalaysay at tekstong expository. Makatutulong ang kaalaman sa
kayarian ng teksto sa pagbibigay ng hinuha o prediksyon sa susunod na pangyayari
at upang mapatunayan ang pag-unawa.

Kasanayang metakognitib sa pagmomonitor ng komprehensyon. Ang


kasanayang ito ay tumutukoy sa kahalagahan sa paggamit ng dating kaalaman. Ang
metakognisyon ay kakayahang mag pasa magpasya kung ano, paano, at kailan
gagamitin ang ating kaalaman upang makatulong sa pag-unawa.

Uri ng Tanong ng Guro


Nakagugulat banggitin na malaking bahagdan ng mga guro ang nakalimot na
sangkot ang mga bata sa aktibong pag-iisip na gumagamit ng mataas na lebel ng
pagproseso ng komprehensyon- komprehensyong lagpas sa paggunita lamang ng mga
impormasyong tuwirang nakalahad sa teksto. Maraming mananaliksik tulad nina Ruddell
at Wiliams, 1972, Durkin, 1978-1979; Guszak, 1967, ang nagpapatunay na humigit
kumulang 70% ng mga tanong ng guro ay nasa literal level lamang ng pag-
unawa. Kung nagbibigay ng guro ng mga tanong na "open-ended", karamihan ay
maaring sagutin lamang ang " oo " at " hindi" (halimbawa, nagustuhan mo ba ang
kuwento?) ang ganitong mababaw na dulog sa pagtalakay ay maaring mag akay sa
mga bata papalayo sa mabisang pag-unawa ng tekstong kanilang binabasa.

Mga Dulog at Istratehiya sa Paglinang ng Komprehensyon

1. Ugnayang Tanong Sagot Ang Ugnayang Tanong Sagot (UTS/QAR sa


ingles) ay binuo ni Raphael (1982, 1986) upang mapataas ang antas ng
kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsagot ng mga tanong sa pag-unawa sa
pamamagitan ng isang sistematikong pagsusuri sa mga tanong. Ito’y nabuo
dahil sa 68 obserbasyon ni Raphael na palaging may pinasasagutang tanong
ang mga guro pagkatapos bumasa subalit hindi man lamang nabibigyan ng
kaunting patnubay ang mga bata kung paano sasagutin ang mga tanong. Sa
istratehiyang ito inaasahang magagawa ng mga batang tukuyin ang iba’tibang
uri ng tanong gaya ng mga nakalahad sa ibaba:
• Nasa teksto mismo - ito’y hudyat na ang sagot ay tuwirang nakalahad sa
“teksto” at nangangailangan ito ng simpleng paggunita o pagtukoy ng mga
impormasyong galing sa binasa.
• Isipin at Hanapin - ito’y hudyat na ang sagot ay nasa “teksto” rin ngunit
kailangang “pag-ugnayin” mula sa mga impormasyong nakapaloob sa teksto.
Ito’y nangangailangan ng pag-iisip na nasa lebel na interpretatib.
• Ikaw at ang Awtor - ito’y hudyat na ang sagot ay wala sa teksto ngunit
kailangang mabuo sa “sarili isipan” mula sa impormasyong inilahad ng awtor at
mula sa dating kaalaman. Ginagamit dito ang pag-iisip sa lebel na na
interpretatib at transaktib.
• Sa aking Sarili - ito’y hudyat na ang sagot ay wala sa teksto at kailangang
mabuo sa “sariling isipan” mula sa dating kaalaman at ginagamit din ang
pagiisip sa lebel na interpretatib at transaktib.

Ang mga simulaing isinaalang-alang sa paggamit ng istratehiyang UTS ay ang


mga sumusunod:
• Pagbibigay ng kagyat na pidbak;
• Pagsisimula sa maikli patungo sa higit na mahabang teksto o seleksyon; •
Paghikayat na maging independent ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng
pagbibigay angkop na gawain; at
• Paghahandaan ang transisyon mula sa madaling gawain na pagtukoy o
pagkilala sa sagot patungo sa higit na mahirap na kasanayan sa pagtuklas ng
kasagutan batay sa iba’t ibang impormasyon.

2. DR-TA (Directed Reading-Thinking Activity) o Pinatnubayang Pagbasa -


Pag-iisip Ang dulog DR-TA (Stauffer 1969, 1976) ay para sa paglinang ng
komprehensyon ng buong kalse/pangkat. Sa dulog na ito, ang mga bata ay
aktibong nakikilahok sa talakayan sa tulong ng mga tanong na nasa mataas
na lebel ng pag-iisip.
Layunin n DR-TA na matulungan ang mga bata sa pagtatakada ng sariling
layunin sa pagbasa, pagbibigay ng sariling hula o palagay na ginagamit ang
dating kaalaman at kaalamang buhat sa teksto, pagbabago ng mga
prediskyon at pagbuo ng konklusyon. Hindi binibigyangpansin ang
bokabularyo sa pagsisimula ng talakayan kung ginagamit ang dulog DR-TA.
May dalawang bahagi ang DR-TA. Ang una ay iyong pagbibigay-patnubay sa
proseso ng pag-iisip 70 sa kabuuan ng kuwento. Ang ikalawa ay ang mga
panubaybay ng gawain batay sa pangangailangan ng mga bata.

Upang magamit ng mabisa ang DR-TA sa klasrum, dapat lumikha ang guro
ng isang kaligirang gaganyak sa mga batang makipagsapalaran at
makapagisip nang malalim. Kailangang malinang nag pagtitiwala sa sarili na
magpapalakas ng loob sa bawat mag-aaral upang makabuo ng sila ng hula at
hipotesis tungkol sa nilalaman ng kwentong babasahin.
Sa dulog na ito, ang mga batang kimi at mahiyain ay makikitang aktibong
makakalahok sa talakayan.
DR-TA: Unang bahagi.
May tatlong siklo;
• Una, pagbibigay ng mga hula na ginagamit ang mga impormasyong
galing sa teksto at mga personal na dating kaalaman;
• Ikalawa, pagbasa upang tiyakin o di kaya’y baguhin ang mga hula
batay sa mga bagobg impormasyon na galing sa teksto at sa dating
kaalaaman; at • Ikatlo, pagbibigay ng mga suporta at patnubay sa ibinigay na
mga hula batay sa tekstong binasa at perosnal na kaalaman.

DR-TA: Ikalawang bahagi:


Ang ikalawang bahagi ay mga panubaybay na mga gawain tulad ng
paglinang ng talasalitaan, pagbibigay ng lagom at konklusyon sa tulong ng
Group Mapping Activity (GMA).

3. DRA (Directed Reading Activity) o Pinatnubayang Pagbasa


Ang dulog na ito sa pagtuturo ng pagbasa at matagal nang ginagamit sa
mga paaralan. Bagamat may ilang modipikayon na ipinasok sa pagdaraan ng
mga taon, nanatili pa rin ang mga pangunahing layunin ng pinatnubayang
pagbasa: maihanda nang husto ang bata sa pagbasa, mabigyang-diin ang
pagkilala sa salita at ang paglinang ng mga kasanayan sa pag-unawa at
mapatnubayan ang mga bata sa pagbasa ng isang itinakdang kwento.

May Limang Hakbang ang DRA


Una: Paghanda sa pagbasa. Sa hakbang na it’oy ginigising ang dating
kaalaman ng mga bata na may kaugnatan sa kwento. Isinasagawa rito ang
paglalahad ng bagong bokabularyo at konsepto at pinupukaw ang insteres at
kawilihan ng mga mag-aaral para basahin ang kuwento.
Ikalawa: Pinatnubayang tahimik na pagbasa. Sa yugtong ito, magbibigay ang
guro ng mga tanong na pangganyak na siyang magiging patnubay ng mga
bata sa pagbasa. Maaaring ipabasa ang buong kwento sa tulong ng mga
pamatnubay na tanong o di kaya’y baha-bahaging pagbasa na may mga
tanong na pamatnubay sa bahaging binasa.
Ikatlo: Pagtalakay. Sa bahaging ito’y sasagutin ang mga tanong na
pangganyak at susundan ito ng pagtalakay ng mga ksagutan sa iba pang
pamatnubay na tanong upang mapaunlad ang malalin ba pagkaunawa sa
banghay, tauhan, paksa, at ibang elemento ng kuwento.
Ikaapat: Makabuluhang Muling Pagbasa. Layunin ng bahaging ito na
mabigyan ng pagkakataon ang mga bata na absahin nang malakas ang
kwento pagkatapos nang tahimik na pagbasa. Ito’y magkapanabay halos na
isinagawa kapag nagbibigay sila ng patunay sa mga sagot sa mga
pamatnubay na tanong o di kayay pagbasa ng naibigang bahagi ng kuwento.
Isinasagawa rin dito ang Readers Theater kung saan pumipili ang mga bata
ng bahaging naibigan sa kwento at babasahin ang dayalog ng mga tauhan.
Ikalima: Panubaybay sa mga gawain at pagpapaunlad ng kasanayan.
Maaaring ilahad sa bahaging ito ang mga gawaing may kaugnayan sa
talasalitaan, komprehensyon o di kaya’y kasanayan sa pagsulat.

4. ReQuest (Reciprocal Questioning) o Tugunang Pagtatanong- Layunin ng


istratehiyang ReQuest na linangin ang aktibong pag-unawa sa pagbasa ng
mga bata sa pamamagitan ng pagbuo ng mga tanong, pagbuo ng layunin sa
pagbasa, at pag-uugnay ng mga impormasyon. Isinasaalang-alang din sa
istratehiyang ito ang pagmomonitor sasarili hinggil sa prosesong isinagawa sa
pag-unawa ng isang teksto. Ang istratehiyang ReQuest ni Manzo (1990) ay
gumagamit ng tugunang pagtatanong kung saan naghahalinhinan ang guro at
mga mag-aaral sa pagganap ng tungkuling tagatanong.

May pitong hakbang ang istratehiyang ReQuest.


Una: Panimula. Sisimulan ang pagkaklase sa pamamagitan ng isang
paglalahad gaya ng nasa ibaba.

Ikalawa: Panimulang Pagbasa at Pagtatanong ng mga Mag-aaral. Babasahin nang


tahimik ng guro at ng mga mag-aaral ang unang talata. Pagkatapos , isasara ng guro
ang kaniyang aklat at hahayaang magtanong ang mga bata tungkol sa talatang
binasa. Sa simula’y mapapansing ang paktwal na tanong ang ibibigay ng mga bata.
Halimbawa: “ano ang sinabi ng tatay?’” “ano ang ibig-sabihin ng ulirang mag-anak?”
ang ganitong uri ng mga tanong ay maaaring masamahan ng ilang matataas na lebel
ng pagtatanong sa pamamagitan ng pamatnubay ng guro.
Ikatlo: Pagtatanong ng Guro at Pagmomodelo. Pagkatapos ng mga bata, ang guro
naman ang magtatanong. Pasasarahan din ang aklat o di kaya’y patatakpan ang
bahaging binasa bago mag tanong ang guro. Bagama’t ang mga tanong ng guro ay
inihanda na, maaari niyang iangkop ang kanyang mga tanong sa itinanong ng mga
bata. Ipaalam din sa mga bata na kailangang sagutimn ang bawat tanong, at ang
mga sagot na “hindi ko alam” ay kailangang bigyan ng paliwanag. Ipapaliwanag din
kung bakit hindi masagutan ang tanong.
Ikaapat: Patuloy na Tugunang Pagtatanong. Basahin nang tahimik ang susunod na
talata o bahagi ng teksto at sundin ang mga isinasagwa sa una at ikalawang
hakbang. Sa pagsisimula ng ikalawang pagpapalitang tanong-sagot, kailangang
ipaliwanag ng guro sa kanyang pagtatanong kung paanong ang mga impormasyon
sa unang bahagi ng teksto ay iniuugnay sa susunod na mga bahagi. Halimbawa:
“Sino ang tinutukoy ni Mang Jose sa sinabi nyang sila na may-ari ng lupa ay wla
namang nagawa?”
Ikalima: Pagtatakda ng Layunin sa Patuloy na Pagbasa. Ipagpapatuloy ang pagbasa
hanggang sa magkaroon ang mga mag-aaral nang sapat na kabatiran upang
makuha na nila ang ideya/kaisipan ng kwento para makapagbigay na sila ng
panghuhula sa kalalabasan ng nga pangyayari. Itanong: ano sa palagay mo ang
maaaring mangyari sa kuwento? Bakit mo ito nasabi? Ipasalin ang hula ng mga bata
sa anyong anong tanong, halimbawa, ang hulang “siguro magkakabati uli sina Jose
at Pedro” ay maaaring maging “paano nagkasundo sina Jose at Pedro?” Iwasang
baguhin o palitan ang mga tanong ng bata ayon sa iyong pagkakaalam sa
kalalabasan ng kuwento. Maaaring ang mga tanong na labas sa mga pangyayari sa
kwento ay makabuluhan din tulad ng ibang may kaugnayan sa kuwento. Maaaring
bigyang-pansin ang mga ito sa mga susunod na talakayan.
Ikaanim: Tahimik na Pagbasa. Ipabasa ang kabuuan ng teksto at alamin kung tama
ang kanilang hula.
Ikapito: Panubaybay na talakayan. Pagkatapos basahin ang buong kuwento,
umpisahan ang talakayan sa pamamagitan ng tanong na hango sa hulang isinagawa
ng mga bata. Mahalaga ito dahil nagpapakita ito na ang patnubay na tanong ang
unang dapat tugunin pagkatapos basahin ang teksto. Kung nagkataong hindi ito
natugunan sa kuwento, tanggapin ito at sabihing “Hindi ito nasagot sa kuwento, alin
ang nasagot? Sige, iyan ang sasagutin natin” at pagkatapos ay ituloy ang talakayan.

5. Story Grammar (Pagsusuri sa Kayarian ng Kuwento)- Mahalaga paras a


pag-uanwa ang pagkakaroon ng kaalanan sa kayarian ng kuwento (story
sense). ito’y makatutulong upang ma-haka ng bumabasa ang proseso kung
paano inilahad ng may-akda ang isang kwento. Ang kaaalamang ito ang higit
na nakapagpapaliwanag na ang kuwento ay binubuo ng sunod-sunod at
magkaugnay na pangyayari. Sa maingat na pamatnubay ng guro, magagamit
ang kaalman sa “kayarian ng kuwento” sa pagsusuri nito: gaya ng ginagawa
natin sa pagsusuri sa bahagi ng isang pangungusap. Ang kasanayan sa
pagsusuri ng kuwento kaugnay ng pagkakabuo ay mahalaga upang maihanda
ang mga mag-aaral kung sakaling nag-iba ang takbo ng mga pangyayari.
Halimbawa: higit na mauunawaan ang inilahad na kuwentong pagbabalik-
gunita (flashback) kung matatalakay ng guro ang teknik na ginagamit ng awtor
na naghuhudyat ng pag-iiba ng landas mula sa karaniwang kayarian nito.
6. GMA (Group Mapping Activity)
- Ang group mapping activity (GMA) ni Jane Davidson (1982) ay isang
istratehiya sa pagtuturo ng mabisa sa paglinang ng pang-unawa o
komprehensyon sa pamamagitan ng integrasyon at sintesis ng mga ideya
at konseptong nakapaloob sa kuwento, ito’y ginagawa pagkatapos ng
basahin ang isang akdang pampaniyikan o isang ekspositoring babasahin
sa agham o araling panlipunan.
Sa istratehiyang ito, ang mga bata ay pabubuuin ng isang grapikong
representasyon ng maglalarawan ng kanilang personal na interpretasyon na
kaugnay ng mga tauhan sa pangyayaring naganap sa isang kuwento o di
kaya nama’y kanilang sariling interpretasyon sa konseptong inilahad sa isang
babasahing ekspositori. Ang representasyon ay katulad ng isang mapa o
dayagram at nakabatay ito sa personal na pagkaunawa ng teksto. Pagkabuo
ng mapa o dayagram, ipalalahad ito at ipaliliwanag sa klase. Ang
pagbabahagi ng isisinagawang mapa/dayagram ang “pangkatan” (group)
dimensyon ng istratehiyang ito. Sa yugtong ito ng pagbabahagi (sharing)
mapapaigting o mapapalawak ang pag-unawa ng mga bata sa kuwento.

7. KKWL (What I know, What I Want to Learn, Where Can I Learn This, What I
Learned)
- Ang KWWL (Jan Bryan, 1998) o AGSN ay isang elaborasyon ng KWL nina
Carr at Ogle (1987). ang A ay kumakatawan sa kung ano na ang alam ng
mga bata sa paksa; G ang gustong malaman; S saan malalaman; at N ano
ang nalaman. Ang istratehiyang KWWL ay naglalayong matulungan ang
mga mag-aaral na gamitin ang dating nalalalaman sa paksa lalo na sa
mga tekstong ekspositori. Tinutulungan nito na magamit ng mga bata ang
dating kaaalaman sa pagbasa ng mga bagong paksa at matulungan ang
mga mag-aaral na suriin at saliksikin ang mga impormasyong nasa loob at
labas ng teksto.

ANG PAGTUTURO NG PAGSULAT

PAGSULAT
Ang pagsusulat ay isang ganap na pangyayari na nakasasanayan at natutuhan
ng isang indibidwal. Ang pagsulat ay iinog sa kung gaano kabisa at kasensitibong
makabubuo ng mga pahayag ang isang mag-aaral upang ang makababasa nito'y
maganyak na mag-isip at kumilos
Ang pagsulat ay isang sistema para sa isang komunikasyong interpersonal na
gumagamit ng simbolo at isinusulat/inuukit sa isang makinis na bagay tulad ng
papel, tela o di kaya'y isang malapad at makapal na tipak na bato. Ang pagsulat sa
Filipino ay gumagamit ng isang sistema na binubuo ng 28 letra (a, b, c, . . . z).

Ang Pagsulat: Isang Kompleks na Proseso


Ang pagsulat ay isang kontinwum (continuum) ng mga gawain sa pagitan ng
mekanikal o pormal na aspekto ng pagsulat sa isang banda at nang mas kompleks
na gawain ng paglikha sa kabilang dulo. Ayon naman kay Rivers (1975) and
pagsulat ay isang gawaing nag-uugat mula sa pagtatamo ng kasanayan (skillgetting)
hanggang sa ang mga kasanayang ito ay aktwal na magagamit (skill-using).

Mga Uri ng Sulatin


1. Personal ng Sulatin - impormal, walang tiyak na balangkas, at pansarili. Ito ang
pinakagamiting uri ng sulatin ng mga hata dahil nagagawa nila iugnay ang anumang
paniniwala, damdamin, pag-iisip, o di kaya'y tungkuling taglay nila sa kanilang sarili.
2. Transaksyunal na Sulatin - pormal, maayos ang pagkakabuo, at
binibigyangpokus ang impormasyon o mensaheng nais ihatid dahil komunikasyon
ang pangunahing layunin ng ganitong sulatin.
3. Malikhaing Sulatin - masining na paglalahad ng naiisip o nadarama at
karaniwang binibigyan - pansin ang wikang ginagamit sa sulatin. Ito’y ginagawa ng
ilang tao bilang midyum sa paglalahad ng kanilang sariling pananaw sa mga bagay
sa paligid o di kaya’y isang libangan.

PAGSULAT
Pagtatamo ng Kasanayan Paggamit ng Kasanayan

Pagsusulat bilang pansuportang Pagsulat bilang isang gawaing


kasanayan komunikatibo

Binibigyang – diin ang pag – unawa kung Binibigyang – pansin ang paggamit ng
paano ginagamit ang wika mga pamantayan sa mabisang
pagpapahayag ng naiisip at nadarama sa
paraang pasulat.
Mga Gawain sa Pagtamo ng Mga Gawain sa Paggamit ng
Kasanayan Kasanayan
a. Mekanikal na pagsulat e.g., a. Pagpapaunlad ng mga gawain – pagtunton,
pagsipi ng mga bagay na pagsulat sa tulong ng mga balangkas, natutuhan -
halimbawa, titik ng alpabeto; mga pagsasanay na transpormasyon, pag – alam ng
mga tuntunin sa pagsasama ng magkakaugnay na
ortograpiya; bantas, balarila at mga pangungusap, pagpapalawak ng
katulad nito pangungusap, atb.
b. Pagsulat sa wika mga b. Malikhaing Pagsulat –
kontroladong gawain at pagsasanay nagsisimula ito sa pinatnubayan patungo
upang mapagtibay ang mga kaalaman sa sa Malayang komposisyon at tumutugon
Sistema ng wika. sa ating mga layunin sa pagulat sa araw –
araw: halimbawa – mga praktikal na
sulatin at mga malikhaing sulatin.
Mga Uri ng Sulatin
Personal na Sulatin na Transaksyunal Malikhaing Sulatin
Sulatin
Shopping (groseri lists) Liham Pangalakal Tula
Tala Panuto Maikling Kwento

Bukod sa mga uri ng sulating inilahad sa itaas, ang mga sulatin ay maari ring uriin sa
anyo.
1. Pasalaysay (Narration)
Pagpapahayag na naglalayong maghayag nang sunud-sunod ng isang
pangyayari, may tauhan at may tagpuan. (maikling kuwento, talambuhay, dyornal,
kasaysayan, kathang-isip, atbp.)

2. Palarawan (Descriptive)
Pagpapahayag na naglalayong magsaad ng larawan ng kabuuan ng isang
bagay, pangyayari o magbigay ng isang biswal na konsepto ng mga tao bagay –
bagay, pook, tao, o pangyayari. (paglalarawan ng mga tao, bagay o konsepto).

3. Panghihikayat (Persuasive)
Pagpapahayag na naglalayong mahika makiayon 0 tanggapin ang pananaw
yat ang mambabasa na ng manunulat. (adbertisment, sanaysay na politikal,
editoryal, brosyur) 4. Eksposisyon (Exposition) Pagpapahayag na may tunguhing
258 ipaliwanag ang pangyayari opinyon, kabatiran at mga kaisipan.
(pagpapaliwanag, impormasyon) .

4. Eksposisyon (Exposition)
Pagpapahayag na may tunguhing ipaliwanag ang nangyayari opinyon,
kabatiran at mga kaisipan. (pagpapaliwanag, impormasyon).

5. Pangangatwiran (Argumentation)
Pagpapahayag ng isang kaisipan, paniniwala o kuru-kuro na naglalayong
mapaniwala ang kausap o bumabasa sa opinyon, palagay at paniniwala ng
nagsasalita o ng sumusulat. (opinyon, talakay, ebalwasyon).

Mga Kailangan sa Pagbuo ng Isang Sulatin


Ang pagsulat ay isang kompleks na kasanayan. Ang isang manunulat ay
kailangang may sapat na kaalaman sa mga salik na mahalaga sa pagbuo ng isang
sulatin, gaya ng mga sumusunod:

1. Tapik/Paksa. Kailangan sa pagbuo ng isang sulatin ang sapat na kaalaman o


impormasyon sa paksang susulatin. Ang mga kaalaman/impormasyon ay
maaring galing sa mga sangguniang aklat, dyornal, atb., o mga impormasyong
nakalap buhat sa mga pagmamasid at/o personal na mga karanasan.
2. Layunin. Dapat na malinaw sa isipan ng manunulat ang dahilan kung bakit
siya nagsusulat. Malaki ang magiging epekto nito sa kanyang paraan ng
pagsulat. Kaya ang kaibahan sa anyo o porma ng isang sulatin ay nakabatay
nang malaki sa layunin.

3. Interaksyon at isang pagbuo sa kamalayan ng Awdyens. Dapat isaisip ng


isang manunulat na may nagaganap na interaksyon sa pagsulat. Kung
minsan, ang manunulat ay nag-iinterak sa kanyang sarili, halimbawa, kapag
nagsusulat siya ng dyornal, pero sa maraming pagkakataon ang interaksyon
ay sa ibang tao. Nagsusulat ka para mangamusta (halimbawa, pagsulat sa
mahal sa buhay upang ipaalam na nasa mabuti kang kalagayan). O di kaya'y
pagsulat ng isang maikling paalaala/ menahe o kung may nais ipagawa sa
isang kasambahay. Kailangang linangin din ng isang manunulat ang kanyang
kasanayang interpersonal. Dapat na alamin niya kung sino ang sinusulatan,
ano ang maaaring gusto niyang malaman, ano ang lawak ng kanyang
pagunawa, anong uri ng wika ang angkop na gamitin kung isasaalang-alang
ang kanyang kalagayan sa buhay, antas ng kanyang pinag-aralan, at iba pa.

4. Wika. Ang isang manunulat ay kailangan mayroon ng kaban ng wikang


maaring gamitin ayon sa pangangailangan. Dapat alam niya ang istilo ng
wikang angkop na gamitin sa lahat ng pagkakataon.

5. Kombensyon. Dapat isaalang-alang ang mga kombensyon sa pagsulat sa


pagtangkilik sa isang pamayanan. Halimbawa, may sariling pormat at istilo ng
wika ang pagsulat adbertisment na kaiba sa pagsulat ng isang memorandum.

6. Mga kasanayan sa pag-iisip. Ang isang manunulat ay dapat magtaglay ng


iba't ibang kasanayan sa pag-iisip. Kailangang may taglay siyang kasanayan
sa pagtatangi ng mga bagay at pangyayari upang madesisyunan niya kung
alin ang mahalaga o hindi; kailangan din niya ang kaalaman sa lohika upang
makapangatwiran siya nang mabisa; kailangang alam din niyang pagalawin
ang kanyang imahinasyon at maging malikhain para sa isang kawili-wiling
paglalahad; kailangang mayroon din siyang kakayahan sa pagbibigay ng
sariling pagpapasiya, at iba pa. Anupa't totoong masasabi natin na ang
pagsulat ay isang kompleks na proseso sa pag-iisip

7. Kasanayan sa pagbubuo. Isa sa mga tunguhin ng manunulat ang makabuo


nang maayos na talataan na naglalahad nang malinaw na ideya at mga
pansuportang detalye. Nagagawa rin ng isang mahusay na manunulat na
lohikal na mailahad ang pagkakasunud-sunod ng mga ideya sa pagbuo ng
isang magkakaugnay na teksto sa pamamagitan ng paggamit ng mga angkop
na pang-ugnay.

8. Sariling sistema ng pagpapahalaga. Dapat isaalang-alang sa pagsulat ang


mga pagpapahalagang pinananaligan ng isang manunulat at handa siyang
panindigan ang mga ito. Binibigyang-pansin niya sa pagsulat ang mga
sumusunod:
ano ang mahalaga sa paksa; ano ang

maganda o mahusay na pagsulat;

ano ang angkop na paraan ng pakikipagtalastasan sa isang taong may


edad kaysa sumusulat;

sino ang awdyens o pinaglalaanan ng sulatin;

Ang mga ito at ilang pang personal o pansariling pagpapahalaga ay nakakaapekto


sa pagsulat ng isang tao.

9. Mekaniks (pagkakasulat, pagbaybay, Pagbabantas, konbensyon sa


pagsulat). Dapat isaisip na ang maayos na pagkasulat ng isang sulatin ay
isang kailanganin na dapat isaalang – alang sa pagsulat. Kailangan din na
ang lahat ng salitang gagamitin sa pagsulat ay may wastong baybay. Hindi rin
dapat kaligtaan ang wastong pagbantas at ang angkop na anyo ng teksto ng
gaganitin sa pagsulat.

10. Ang Proseso sa Pagsulat. Dapat mabatid ng isang manunulat ang mga
proseso na sinusunod sa pagsulat: pagpili ng paksa, paglillikom ng mga
ideya, paggawa ng draft o burador, at pagrerebisa, pag – eedit, ibayong
patingin sa buong manuskrito at paglalathala.

Bakit itinuturo ang pagsulat?


Dapat isaisip na ang kakayahang mailahad ang anumang naiisip o nadarama sa
pamamagitan ng pagsulat ay napakahalaga sa ating pag-araw-araw ng
pakikipagugnayan. Ang pagsulat ay maaaring tanawin bilang tugon sa pagpapahayag ng
ating damdaming emosyunal na karaniwan ay mahirap gawin nang pasalita.

Bukod sa katotohanang dapat ituro ang pagsulat para sa pansariling


kapakanan, marami pa ring ibang pangangailangan na dapat tanawin sa pagtuturo
ng pagsulat gaya ng mga sumusunod:

1. Ang mga gawain sa pagsulat ay mahalagang daan upang mapagsama-sama


at mapatibay ang mga kasanayang natamo sa iba pang makrong kasanayan gaya
ng sa pakikinig, pagsasalita at pagbasa.
2. Ang mga gawain sa pagsulat ay iba't iba at ito’y maaaring silbing pangganyak
at maaari ring tanawin bilang tagapamagitan sa mga gawain sa pagbasa o
pagsasalita.

3. Ang mga gawain sa pagsulat ay maaring tagatala ng kung ano ang mga
natutunan sa pagsasalita at nakatutulong din sa pagpapanatili ng mga natutuhang
talasalitaan at mga istruktura ng pangungusap.

4. Ang pag-uugnay ng pagsulat sa iba pang mga kasanayang pangwika ay


magbubunsod sa isang reyalisasyon hinggil sa kahalagahan ng pagsulat sa tunay
na buhay. e.g. pagsagot sa telepono at pagtatala ng mensahe na nais ipahatid ng
kausap sa telepono.

5. Ang pagsulat ay isang mabisang paraan ng pagtataya para sa malaking


bilang ng mag-aaral.

Ang Pagsulat sa Elementarya

1. Pamantayan sa Pagsulat

Magkaroon ng papaunlad na kasanayan sa wasto at maayos na pagsulat at


paggamit ng mga sangkap sa pagsulat.
a. nakasusunod sa mga parnantayan sa pagsulat
b. naisasagawa ang matipid at malinis na paraan ng pagsulat

2. Panimulang Pagsulat
Nagkakaroon ng panimulang kasanayan sa maayos na pagsulat nang
palimbag at sa paggamit ng mga sangkap sa pagsulat.
1. Naisusulat ang mga titik nang may wastong porma o hugis
- nakaguguhit ng mga "stick figures" o
nakasusulat ng iba't ibang guhit
• Hal: tuwid, pahiga, pahilis, pabilog, atb.
- nasisipi ang malaki/maliit na titik o
naiuugnay ang malaki at maliit na titik
2. Nagkakaroon ng kahandaan sa pagsulat nang kabit-kabit
• Nakagagawa ng pataas-pahabang guhit (push and pull), pataas na ikot
(indirect oval) pahabang ikot (direct oval)
• Naisusulat ang mga titik ng alpabeto nang naaayon sa iba't ibang guhit
• Halimbawa: pailalim na kurba-u, ww, i, c, atb.
• paibabaw na kurba- a, n, m, x, atb.
• paikot na kurba-1, h, k, atb.

3. Nagagamit nang wasto ang bantas na tuldok, pananong, at pandamdam na


angkop sa uri ng pangungusap.
4. Nakasusulat ng maikling talata na binubuo ng 3 o higit pang pangungusap.
5. Nagagamit nang wasto ang rnga sangkap ng pagsulat.

Ang Pagsulat sa Sekundarya


Pagkatapos ng apat na taong pag-aaral ng Filipino sa mataas ng paaralan,
inaasahang malilinang sa bawat mag-aaral ang mga sumusunod na kakayahan:

A. Pagsulat

1. Naipapakita ang kakayahang pumili ng pamamaraan at batayang panretorika


upang maipahayag ang sariling kaisipan, ideya, opinyon, damdamin at mga saloobin.

2. Naipakikita ang pagkamasining at pagkamalikhain sa pamamagitan ng mga


anyong pagsulat.

3. Naipamamalas ang kakayahang gumamit ng mga kaalamang paMbalarila sa


tulong ng mga batayang kaalamang pangwika.

4. Naipamamalas ang kakayahang maisulat nang wasto at maliwang ang


damdamin at kaisipan sa mga tiyak na layunin (sosyal, pangangalakal, bokasyunal,
siyentipiko).

Ang Pagsulat sa Tersyarya


Malilinang ang pagsulat batay sa institusyon na pinasukan ng bawat mag-aral
at ayon sa kurso na kanilang pinasukan. Ang bawat institusyon ay may kani-kanilang
prinsipyo na sinusunod upang pagkatapos ng mag-aaral ay siyang matutuhan at iyon
ay nababatay sa libro o materyal na babasahin pagkatapos ng apat na taon sa
kolehiyo.

Mga Yugto sa Pagkatuto sa Pagsulat

Katulad ng pagbasa, mayroon din apat na pangunahing yugto ng pagkatuto sa


pagsulat: kahandaan sa pagsulat, panimulang pagsulat, pagsulat na
debelopmental at ganap na pagsulat. Tatalakayin nang isa-isa sa seksyong ito ang
mga yugtong ito sa pagsulat. Alamin natin ang mga kasanayang dapat linangin at anu -
anong mga kagamitang panturo, mga gawain at mga teknik ang karaniwang ginagamit
sa bawat yugto. Bibigyan nang ibayong pansin sa talakay ang panimulang pagsulat at
debeloprnental na pagsulat dahil ito ang pangunahing tungkulin ng mga guro sa
elementarya kaugnay ng pagtuturo ng pagsulat. Ang ganap na pagsulat ay
karaniwang sa pagkukusa na ng mag-aaral (learner-driven). Malaya nang
makapamimili ang may-edad na mag-aaral kung ano ang gusto niyang matutuhan,
kailan at sa anong lebel ng kawastuhan. Ang yugto sa kahandaan sa pagsulat ay
karaniwang isinasagawa bago pumasok ang mga bata, sa gayong dahilan, ito'y
tungkulin ng mga magulang at mga guro sa kindergarten. Gayunman, maglalaan din dito
ng ilang paliwanag tungkol sa kahandaan sa pagsulat. Ito'y upang maunawaan at
mabigyan ng nararapat na tulong ang mga batang wala pang sapat na kahandaan
sa pagsulat.

Mga Mungkahing Patnubay sa Pagtuturo ng Pagsulat

1. Gawing maluwag ang kalagayang pangklase


Maraming mag-aaral ang parang natitigilan kapag pinasusulat na ng guro.
Maaaring ito’y dahil sa hindi nila alam ang kanilang isusulat o kaya’y alam nilang
hindi magiging maganda ang kanilang susulatin. Ang unang hakbang na dapat
isagawa ng guro upang maiwasan ang ganitong pangyayari ay gawing maluwag ang
kalagayan sa silid-aralan.

2. Linangin ang kasanayan sa pagmamasid sa paligid


Ang mga manunulat ay sumusulat upang mailarawan ang mga bagay tungkol
sa kanilang sarili at sa daigdig na kanilang ginagalawan. Upang maging matapat sa
kanilang paglalarawan, kailangan maging sensitibo sila sa mga detalye-at ito'y
nangangailangan nang masugid na pagmamasid.

3. Maging maluwag sa pagbibigay ng mga nakagaganyak na papuri


Magiging kawili-wili sa mga mag-aaral ang pagsulat kung paminsanminsan ay
nagbibitiw ng mga papuri ang guro. Paano ba ang pamumuri? Paano ito
naisasagawa?

4. Sabihin: "Ipakita! Huwag sabihin."


Tandaan na hindi sinasabi ng magagaling na manunulat ang kanilang naiisip
o nadarama. Ipinakikita nila ito. Pansinin ang pahayag ng ito: "Sa pagsilip ng buwan
sa pinagtataguan nitong ulap ay biglang nagliwanag ang paligid.

Narito ang ilang patnubay sa pagtuturo ng mga gawain para sa panimulang pagsulat:

1. Ilahad ang mga aralin at gawain sa pagtuturo ng mga mekaniks sa


makabuluhang konteksto. Halimbawa, kung sasabihin natin sa mga bata na
ang magandang sulat-kamay at wastong pagbaybay ng mga salita ay
pagbibigay-galang sa tagabasa, maaaring isaalang-alang nila sa kanilang
pagsulat ang kahalagahan ng wastong pagbabalanse sa pagitan ng mga salita.
2. Isaalang-alang ang mga pasalitang komposisyon ng mga bata upang
magkaroon sila ng maliwanag na pagkaunawa sa sining ng pagsulat. Ang mga
bata ay nakabubuo na o maaari nang maturuan ng pagbuo ng komposisyon bago pa
man nila matamo ang mga kasanayang kailangan nila sa pagsasatitik ng kanilang
nais sabihin. Magsilbing tagasulat ng klase. Isulat ang mga maikling kuwento, balita
na ididikta ng mga bata ayon sa kanilang pagkabanggit. Ito'y isang mabisang
pagsasanay sa pagsulat. Kung ipapabasa ang mga idiniktang kuwento sa ibang
bata, unti-unti nilang makikita na ang pagsulat ay ang mga pananalita na
isinulat sa papel. At kung gaganyakin ang mga bata na magbigay puna sa mga
sulatin ng kanilang kamag-aral, unti-unting imumulat ang kanilang kamalayan sa
magiging awdyens ng kanilang mga susulatin.
3. Laging bigyan ng kamalayan ang mga mag-aaral sa kahalagahan ng
pagsulat. Halimbawa, kung may ipadadala kang mahabang talaan ng mga
bagay sa klase, ipakita ang kahalagahan ng pagsulat nito upang hindi
makalimutan kung ano ang mga dadalhin.
4. Ugaliing binabasahan ang klase ng iba't ibang uri ng babasahin. Magkaroon
ng talakayan tungkol sa mga bagay na nagustuhan sa kuwentong binasa. Isama
rin sa talakayan ang istilo sa pagsulat, ang pagpili ng mga salita, atb, kung
kinakailangan. Ang gawaing ito'y magsisilbing modelo sa mga mag-aaral kung
sila ay magsisimula na sa pagsulat.

5. Linangin ang likas na kuryusidud at kasanayan sa pag-iisip ng mga


mayaaral. Mahalaga ang mga ito upang mapayaman ang kanilang isipan para
magkaroon sila ng kamalayan sa mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid.
Kung wala sila nito mahihirapan silang ipahayag ang ibig sabihin, kahit na may
kasanayan na sila sa pagsulat at pagbaybay.

B. Ang Sulat – Kamay (Handwriting)


Ang sulat – kamay ay isang paraan ng pagbuo ng mga simbolo na kapag
pinagtabi ay maaring kumakatawan sa mga salita. Sa kabila bg paglaganap ng mga
makinang word processor, mahalaga pa rin ang kasanayan sa sulat – kamay;
kailangan ito sa pagsulat ng mga draf ng komposisyon o mga liham, sa pagtatala ng
mga mensahe at maikling kalatas.

Mga dapat isaalang – alang sa mga gawaing sulat – kamay:


Ang Simulain ng Unti-unting Pababawas ng Kontrol sa Pagpapasulat
1. Kontroladong Pagsulat

Ito'y binubuo ng mga gawain pagsulat na maglalaan sa mga mag-aaral ng


iba't ihang pagsanay sa pagsulat ng mga ngungusap talata na walang kamalian.
Ito ang unang hakbang tungo sa pagsulat ng komposisyon at tinatayang
makatutulong ng malaki para sa mag-aaral na limitado ang kaalaman sa wika. Sa
kontroladong pagsulat, mas higit ang in-put ng titser kaysa sa mag-aaral.

KONTROLADONG KOMPOSISYON

Para sa mga mag -aaral na limitado ang talasalitaan at kaalaman sa wika

Mas higit ang input ng titser kaysa mag -aaral

Bunga ay walang kamailang komposisyon

1. Ang paggamit ng substitution table


Unang Halimbawa
Panuto: Bumuo ng dalawang talata tungkol sa barbero at panadero sa tulong ng
talahanayan sa ibaba.
Si Mr. Johnrick Ay isang Drayber.

Si martin Ay isang Mananayaw.

Si johnrick Ay nasarapan Sa tinapay ni Kyle.


• Ikalawang Halimbawa
Panuto: Bumuo ng dalawang magkaibang talata tungkol sa mga kasapi sa inyong
mag-anak. Gamitin ang talahanayan sa ibaba. Punan ng angkop na
salita ang bawat puwang.

2. Tumbasang Pagsulat (Parallel Writing)


Ang antas ng pagkontrol sa pagsulat ay maaaring mapag-iba-iba sa
pamamagitan ng tumbasang pagsulat. Sa pinakamahabang antas, maaaring ang
isagawa lamang ng mga bata ay ang pagpapalit ng mga salita (pangngalan,
panghalip atb.). Sa mas mataas naantas ng pagkatuto, dapat ipaalam sa mga mag-
aaral na ang isang pagpapalit ay maaaring mangailangan ng iba pang pagpapalit
upang magkaroon ng kaisahan ang ipahahayag na kaisipan.

Halimbawa
Pag-aralan ang modelo at bigyang-pansin kung paanong ginamit ang mga
impormasyon sa pagsulat ng isang talatang naglalarawan.

Modelo
Pangalan: Aurelio Badayos Si Aurelio Badayos ay aking tatay.
Edad: 67 Siya ay 65 taong gulang.
Taas: 184 sentimetro Siya ay may taas na 184 sentimetro
Kasuotan: itim na pantalon at putting at timbang na 68 kilo.
may polo Siya ay nakasuot ng itim na
Sapatos: itim na sapatos atputing polo, pantalon at sapatos na balat na
kulay itim.

3. Teknik na Tanong at Sagot


Ang teknik na ito ay maaaring mamagitan mula sa kontrolado hanggang
malayang pagsulat. Sa puntong kontrolado, ang mga magaaral ay bibigyan ng mga
tala o di kaya’y tekstong babasahin, pagkatapos ay pasusulatin sila ng mga sagot
para sa isang serye ng mga tanong.

Halimbawa:
Mga tala
6:30 n.u. – paggising
6:35 n.u. – paliligo
6:45 n.u. – pagbibihis ng uniporme
7:00 n.u. – pagkain ng agahan
7:15 n.u. – pagpasok sa paaralan
7:30 n.u. – pagsisimula ng klase
10:00 n.u. – pagpunta sa kantin ng paaralan
10:20 n.u. – pagbalik sa klasrum
12:45 n.u. – pag-uwi sa bahay

Isang Araw sa Aking Buhay

MAARING SAGUTIN NG MGA MAG-AARAL


• Anong oras ka gumigising tuwing umaga?
• Ano ang ginagawa mo pagkagising?
• Anong oras ka nag-aagahan?
• Ano ang kinakain mo sa agahan?
• Anong oras ka pumapasok sa paaralan? Sumasakay ka bao naglalakad
lamang?
• Anong oras nagsisimula ang inyong klase sa umaga? Anong oras ito
nagtatapos?
• Ano ang ginagawa mo tuwing rises?
• Saan ka nagtatanghalian?
• Anong oras ka umuuwi ng bahay?
• Ano ang ginagawa mo pagdating ng bahay?
• Anong oras ka naghahapunan?
• Anong oras ka gumagawa ng homework?
• Nanonood ka ba ng TV sa gabi?
• Anong oras ka natutulog sa gabi?

4. Pagpuno ng mga Puwang


Isang karaniwang teknik sa kontroladong pagpapasulat ay ang pagpuno ng
puwang. Ang mga salitang ipupuno sa puwang ay batay sa mga aralin sa pagsulat o
balarila na natutuhan ng mga bata.

5. Padiktang Pagsulat
Ang teknik na padikta ay mahusay na gawain sa pagsulat sapagkat
mahahantad ang mga mag-aaral sa iba’t ibang halimbawa o modelo ng kayarian ng
mga pangungusap at maayos na pagbubuo ng teksto. Sa gawaing ito’y nahahasa rin
ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbaybay at paggamit ng iba’t ibang bantas.
Ito’y maaaring gamitin sa mga mag-aaral na may iba’t ibang antas ng kakayahan.
Kailangan lamang ang maingat na pagpili ng teksto sa paggamit ng teknik na
padikta. Ilan sa mga salik na dapat isaalangalang sa pagpili ng teksto para sa
pagsulat na padikta ay ang mga sumusunod:

1. Haba - katamtaman lamang ang haba ng teksto at kailangang kawili-wili at


makabuluhan.

2. Antas ng Kahirapan - ang talasalitaan at istilo ng pagkakasulat ay nararapat


na angkop sa lebel ng mga mag-aaral.

3. Uri ng teksto - upang maging makabuluhan ang gawain, ang mga teksto ay
dapat na kumakatawan sa mga bagay na karaniwang idinidikta natin sa tunay na
buhay gaya ng memorandum, liham pangangalakal, mga panuto, at iba pa

4. Ang teksto. Kinakailangang may kaugnayan ang tekstong gagamitin sa mga


paksa o temang binasa o tinatalakay na sa klase.
Mga hakbang sa Padiktang Pagsulat
1. Unang Pagbasa. Basahin ang buong teksto sa normal na bilis upang
magkaroon ang mga mag-aaral ng kabuuang ideya tungkol saan ang teksto.

2. Sa ikalawang pagbasa ng teksto, basahin ito nang may wastong paglilipon ng


mga salita/parirala sa normal na bilis, huminto nang bahagya sa katapusan ng bawat
lipon ng mga salita/parirala upang maisulat ito ng mga mag-aaral. Ulitin kung
hinihiling ng klase upang tanawin ng mga bata na ang padiktang pagsulat ay isang
magiliw ng gawaing interaktivo, at hindi pagsulat.

3. Bigyan ng pagkakataon ang mga bata na basahin ang kanilang isinulat at


hayaang iwasto ang mga kitang-kitang kamalian. Pagkatapos basahin muli ang
buong teksto upang maiwasto ng mga mag-aaral ang anumang pagkakamali.

4. Idikit sa pisara ang orihinal na teksto upang maiwasto ng mga mag-aaral ang
kanilang isinulat. Maaaring magpalitan ng papel dahilminsan ay mahirap makita ang
sariling mga pagkakamali.

6. Pinatnubayang Pagsulat
Ang mga gawain sa pinatnubayang pagsulat ang tumatayong tulay sa pagitan
ng kontrolado at malayang pagsulat. Mas higit ang input ng mga mag-aaral kaysa sa
guro sa pinatnubayang pagsulat. Ang konteksto at anyo ng mga pangungusap ay
hindi kinakailangang itakda ng guro ngunit maaaring likhain nang tulong-tulong ng
buong klase bilang isang gawain bago sumulat. Ang mga bunga ng talakayang
pangklase ay kailangang isulat sa pisara. Ito’y maaaring nasa anyo ng maikling tala,
mga tanong, pagsang-ayon/di pagsang-ayon sa isang isyu. Ang mga talang isinulat
sa pisara ay gagamitin ng bawat mag-aaral sa pagbuo ng sariling sulatin.

Mga Teknik sa Pagsulat ng Pinatnubayang Komposisyon


1. Pagsulat ay mula mamidatsa mga patnubay na binuo ng klase.
2. Pagsulat mula sa mga maikling
tala A. Panuto:

Pagkatapos ng isang mahabang paglalakbay, narating mo rin ang bahay ng


iyong pinsan na pagbabakasyunan mo ng ilang araw. Napansin mo na ibang
traveling bag ang bitbit mo pagpanhik ng bahay.

Sumulat ng isang salaysay kung paano ito nangyari. Gamitin ang mga
tala/tanong sa ibaba at palawakin ang mga ito upang maging kawili-wili ang
iyong sulatin. Bigyan ito ng angkop na pamagat.
Mga Tala
• Paano at kailan mo natuklasan ang pagkakamali?
• Ano ang ginawo mo?
• Ano ang nasa loob ng bag/laman ng bag?
• Ano ang iyong naging pakiramdam?
• Sino ang iba pang kasangkot sa mga pangyayari?
• Paano naapektukan ng mga pangyayari ang iyong bakasyon?
• Ano ang huling pangyayari?

Mga Tala
Paano at kalian mo natuklasan ang pagkakamali?
Ano ang ginawo mo?
Ano ang nasa loob ng bag/laman ng bag?
Ano ang iyong naging pakiramdam?
Sino ang iba pang kasangkot sa mga pangyayari?
Paano naapektukan ng mga pangyayari ang iyong bakasyon?
Ano ang huling pangyayari?

B. Panuto: Sumulat ng isang komposisyon na hindi kukulangin sa 100 salita.


Gamitin at palawakin ang mga talang inilahad sa ibaba. Gawing kawili-wili ang
iyong komposisyon.

1. Gabi-Mrs Cruz-nagmamaneho ng kotse-pauwi ng bahaymay nakitang isang


punong nakaharang sa daan
2. Bumababa ng sasakyan-sinubukang alisin ang puno-hindi nagtagumpay
3. May lalaking dumating-mukhang matulungin-karaka’y nanutok ng patalim-
hiningi ang pera at alahas
4. Natakot-nagsisigaw-narinig ng mga nagdaraan
5. Sumaklolo ang mga tao-nakita ng holdaper-tumalilis nang takbo

3. Dikto-Komp
Ang dikto-komp ay pinagsamang pagdikta at komposisyon. Ito’y ginagamit
upang sanayin ang mga mag-aaral sa pagbuo ng isang tekstong idinikta. Ito’y
ginagamit upang mahimok ang mga magaaral na gumamit ng tiyak na anyo ng mga
pangungusap at upang makabuo ng tiyak na uri ng teksto sa pagsulat-tulad ng
pasalaysay, palarawan, panghihikayat, eksposisyon at pangangatwiran.

Mga Hakbang sa Dikto-Komp


1. Pumili ng isang teksto na nagtataglay ng mga kayariang sintaktik na nais
mong mapagsanayang gamitin sa pagsulat ng mga mag-aaral.

2. Basahin ang buong teksto sa karaniwang bilis sa pagbasa. Hayaang


mapakinggan itong mabuti ng buong klase. Sa ikalawang pagbasa, sabihin sa klase
na kailangan nilang magtala ng mahahalagang salita or parirala.
3. Pagkatapos, hayaang magpares-pares ang mga mag-aaral at ipabuo muli
ang tekstong napakinggan sa tulong ng mga itinalang salita at/o parirala.

4. Mula sa dalawahan, pagpangkat-pangkatin muli ang mga magaaral (4-7


kasapi sa bawat pangkat) at hayaang ilahad ng bawat kasapi sa pangkat ang
binuong komposisyon. Paghambing-hambingin ang mga binuong komposisyon at
pabuuin muli ang bawat pangkat ng isang pinal na komposision.

5. Ipakita ang orihinial na teksto nang buong-buo o di kaya’y isa-isang ilahad


ang mga pangungusap ng buong teksto. Ipahambing ang binuong teksto sa orihinal.

4. Ang Malayang Pagsulat-Isang Multidimensyonal na Proseso


Ang proseso sa pagsulat ay hindi lamang nakapokus sa akto ng pagsulat.
Kasangkot dito ang mga manunulat sa pag-iisip, pagtalakay, pagbabasa,
pagpaplano, pagsulat, pag-eedit at pagsulat muli ng nabuong sulatin. Ang pagsulat
ay isang prosesong paulit-ulit kung saan sinisimulan ang pagsulat at pagkatapos ay
maaaring baguhin ang naisulat, susulat muli hanggang sa mabuo ang sulatin.
Maaaring sa kalagitnaan ng pagsulat ay huminto ang manunulat upang makaisip pa
ng magagandang ideya o di kaya’y sasangguni siya sa isang kaibigan o sa isang
libro lalo na’t hindi nakatitiyak sa kawastuhan ng ideyang nais na ilahad.

Mga Yugto sa Prosesong Pagdulog sa


Pagsulat 1. Bago Sumulat

Ang yugtong ito sa pagsulat ay nagsisimula pagkataposihayag ng guro ang


paksa o di kaya’y pagkatapos mapagkasunduan ng buong klase ang paksang
susulatin; tumatagal ito hanggang sa paglikha at paghahanap ng mga ideya at
nagtatapos kapag isinusulat na ang unang burador (draft). Ang mga gawaing
pangklasrum sa yugtong ito ng pagsulat ay iyong makatutulong sa mga mag-aaral
sa paglinang ng mga ideya o di kaya’yiyong magpapalinaw o magpapayabong ng
kanilang orihinal na mga ideya. Ang talakayang pangklase o pangkatang talakayan
ang mga karaniwang gawain sa yugtong ito. Ang mga larawan, tsart, artikulo mula
sa mga pahayagan at magasin, audio-video recording ay ilan sa mga bagay na
makagaganyak sa mga mag-aaral na mag-isip upang makalikha ng mga
makabuluhang ideya.

Ilan sa mga teknik na maaaring gamitin sa paglika/pagbuo ng mga ideya.


1. Brainstorming. Batay sa paksang susulatin, pagbibigayin ang mga mag-aaral ng
maraming ideya (salita o parirala); lahat ng ideyang ibibigay ng mga mag-aaral ay
tatanggapin at isusulat sa pisara o sa manila paper; ang diin sa gawaing ito’y ang dami.
Inaasahang magbubunga ang gawaing ito ng higit na maraming ideya.

2. Pagtatala. Ito’y isahang gawain. Ang bawat mag-aaral ay hihikayating magtala


ng mga ideyang kaugnay ng paksa hanggang sa makabuo siya ng isang mahabang
talaan. Hindi kailangang isulat ito sa buong pangungusap. Ang pagtatala ay isang
pagtitiyak na may listahan ang mga mag-aaral ng lahat ng mga ideyang nasa kanilang
isipan upang hindi ito mawaglit sa alaala habang naglalahad sila ng iba pang ideya.

3. Mabilis na Pagsulat. Sa tulong ng pamagat at ng pambungad na


pangungusap, pasulatin nang tuluy-tuloyang bawat magaaral sa loob ng limang
minuto. Kung wala siyang maisip na ideya, isusulat niya ang ganito "Ano ang
susunuod kong isusulat?" nang maraming beses hanggang sa may maisip siyang
ideya. Patitigilin sa pagsulat ang klase pagkatapos ng limang minuto. Maaaring
magpalitan ang mga mag-aaral ng kanilang mga isinulat at talakayin ang mga
ideyang ito nang pangkatan.

4. Mind-Mapping katulad ng brainstorming, ang gawaing ito'y maaaring


isagawa nang pangkatan o ng buong klase. Ang gawain ay pasisimulan ng guro sa
pagsulat ng pangunahing salita o ideya sa gitna ng pisara. Ito'y susundan ng
pagsulat ng mga kaugnay na ideya sa paligid ng ulong salita o ideya.

5. Pagbuo ng mga ideya. Ang iba’t ibang teknik katulad ng brainstorming ay


nakatutulong nang malaki upang makapagtipon ang mga mag-aaral ng maraming
ideya para sa kanilang sulatin. Ang susunod nilang dapat gawin ay ang pagpili at
pagbuo ng mga ideya kaugnay ng paksang susulatin. Ipagawa ito nang isahan at
hayaan silang magpasiya kung alin sa mga ideya ang isasama sa komposisyon at
alin ang dapat na ilagay sa unahan, sa gitna at sa katapusan. Sa dakong ito,
ipaplano na ang pagsulat ng komposisyon.
2. Pagsulat
a. Pagsulat ng Burador. Isusulat na ang unang burador batay sa planong
isinagawa. Kailangan sa bahaging ito ang positibong saloobin upang malayang
mailahad ng mga magaaral ang kanilang mga ideya sa paraang gusto nila, hindi pigil
o takot na magkamali. Maaaring masiyahan na sila sa unang burador o di kaya
maaaring gumawa sila ng mga pagbabago habang sumusulat. Paalalahanan ang
mga magaaral na dapat isaisip lagi sa pagsulat ang layunin at kung sino ang target
na tagabasa upang makapili ng angkop na mga salita, istilo at anyo ng mga
pangungusap para sa sulatin.

b. Pidbak/Pakikipanayam. Ang pakikipanayam ay napakahulugang yugto sa


proseso ng pagsulat. Sa yugtong ito’y nabibigyan ng ibayong patnubay ang mga
mag-aaral kung paano nila mapapabuti ang kanilang mga kasanayan sa pagsulat.
Sa pamamagitan ng mga tanong at puna ng guro o ng isang kaklase, matutuklasan
ng isang mag-aaral ang mga kabutihan at kahinaan ng kanyang komposisyon at
daan ito upang mapalinaw at mapadalisay niya ang sulatin

c. Muling Pagsulat/Rebisyon. Pagtatapos, isusulat na muli ng mga mag-aaral


ang kanilang komposisyon na isinasaalangalang ang mga kaisipang natamo sa
pakikipanayam. Hikayatin ang mga mag-aaral na mag-isip habang isinusulat na muli
ang komposisyon at hindi lamang basta kinokopya ang burador.

d. Editing/Pagwawasto. Pagkatapos maisulat-muli ang komposisyon,


maiwawasto na ito na bibigyang-pansin ang nilalaman, pagbubuo, balarila at
kayarian ng pangungusap.

3. Paglalathala (Publishing)
Ang paglalathala ay ang pakikibahagi ng nabuong komposisyon sa mga
target na tagabasa. Kabilang sa gawaing ito ang pagbabasa sa klase ng kanilang
sinulat, pakikinig sa pagbasa ng iba, paggawa ng isang buklet o album ng katipunan
ng mga sinulat o di kaya’y pagdidisplay sa bulletin board ng mga naisulat na
komposisyon. Lalong mabuti kung maipalalathala ang ilang komposisyon sa
pahayagang pampaaralan.

Sanggunian:
Badayos, P. B. (1999). Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika.
Grandwater Publications and Research Corporation.
FIL182 Ikatlong-Pangkat Pagtuturo-batay-sa-Kasanayang-Komunikatibo -
PAGTUTURO BATAY SA KASANAYANG - Studocu
CURRICULUM AND INSTRUCTION: ANG PAGTUTURO NG FILIPINO
(slideshare.net)
PAGTUTURO NG FILIPINO BILANG
PANGALAWANG WIKA
CSSH-EDFIL

Republic of the Philippines


Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Ikalawang Semestre - Akademikong Taon 2023-2024

FIL182: PAGTUTURO NG FILIPINO BILANG PANGALAWANG WIKA

SEKSIYON: O12-3

PAKSA: MGA PAMAMARAAN SA PAGTUTURO NG WIKA

IKALAWANG PANGKAT

Ipinasa nina:
Almonicar, Blessy Kate
Bactol, Jelyn
Cañete, Charlene Faith
Cunanan, Marjenel Quince
Dianga, Danielle
Etulle, Christopher Jhon
Jilong, Hannah Joy
Lacdo-o, Krizel Nicole
Lim, Allysser
Makarunggala, Leonelle
Monsad, Criza
Pamotongan, Ledon John
Patoy, Kaye Kris
Viola, Karen Cate
Yama, Princess Ann

Ipinasa kay:
Propesor Love Batoon

May 2023

1
PAGTUTURO NG FILIPINO BILANG
PANGALAWANG WIKA
CSSH-EDFIL

TALAAN NG NILALAMAN

Paksa Pahina

I. BATAYANG KAALAMAN 3

A. Pagdulog (Approach) 3
B. Pamaraan (Method) 5
C. Teknik (Technique) 6
D. Estratehiya (Strategy) 7

II. PANGUNAHING PAMARAAN 14

A. Pabuod (Inductive) 14
B. Pasaklaw (Deductive) 15

III. KLASIKONG PAMARAAN 17

A. Grammar Translation 17
B. Series 18
C. Direct 19
D. Audio-Lingual 19
E. Community Language Learning 21
F. Suggestopedia 22
G. Silent way 24
H. Total Physical Response 25
I. Natural Approach 27

IV. KASALUKUYANG PAMARAAN 29

A. Komunikatibong Pagtuturong Wika (KWP) 29


A.1. Katuturan 29
A.2. Batayan 30
A.3. Guro, Mag-aaral at ang KWP 31

2
PAGTUTURO NG FILIPINO
BILANG PANGALAWANG WIKA
CSSH-EDFIL

I. BATAYANG KAALAMAN

A. PAGDULOG (APPROACH)

Ang salitang “dulog” sa diksyunaryo ay maaaring mangahulugang daing o paghingi


ng tulong. Ngunit sa wikang Filipino, ang dulog o lapit o sa ingles ay approach, ay:

● Isang set ng pagpapalagay o teorya hinggil sa pagtuturo ng isang wika.


● Isang estratehiyang komunikatibo na naglilinang sa apat na makrong
kasanayan–pakikinig, pagsasalita, pagbabasa at pagsusulat
● Paggamit ng wika ayon sa konteksto, hangarin, sitwasyon at pangangailangan.

Binibigyang-diin ng dulog ang estratehiya o pamamaraan ng wika at paglalarawan at


paggamit nito.

Dulog sa Pagtuturo ng Wika

• Pagtuturong nakapokus sa mag-aaral (Learner-centered Teaching)


Binibigyan ng halaga ang pangangailangan, tunguhin at estilo sa pag-aaral o
pagkatuto ng mga estudyante.

“Ang isang gurong sensitibo at isinasaalang-alang ang estilo sa pag-aaral


ng mga estudyante ay makatutulong upang magkaroon ng isang
matagumpay at mabisang pagkatuto” (Willing 1998; Nunan 1991; Badayos
1999)

Sa kanyang pag-aaral, hinati ni Willing sa apat na pangkat ang mga


estudyante at minungkahi niya ang mga angkop na estratehiya sa bawat
uri.

Uri ng Estudyante Estratehiya

Concrete - Laro, larawan, vcr tapes, pair work, pagsasanay ng wika


sa labas ng klasrum

Analitikal - Pag-aaral ng: gramatika at maraming aklat sa wika,


pagbabasa ng mga pamahayagan, pag-aaral nang mag-
isa, pag-alam sa pagsusuri ng mga kamalian sa wika,
pagtuklas ng mga solusyon sa mga suliraning inilahad ng
guro.

Communicative - Pagmamasid at pakikinig sa mga katutubong


nagsadalita ng wika, pakikipag-usap sa kaibigan na gamit
ang wikang pinag-aralan, panonood ng programa sa TV

3
PAGTUTURO NG FILIPINO BILANG
PANGALAWANG WIKA
CSSH-EDFIL

sa wikang pinag-aaralan, pag-aaral ng mga bagong salita


sa pamamagitan ng pakikinig dito at paggamit ng aktwal
na pag-uusap.

Authority-oriented - Mas gusto ang magpaliliwanag nang lahat tungkol sa


wika, may sariling batayang aklat, isinusulat ang lahat ng
impormasyon sa notbuk, pinag-aaralan ang balarila,
nagbabasa para matuto, at natutuhan ang mga bagong
salita kung makikita ang mga ito.

• Kooperatib at Kolaboratibong Pagkatuto


Nakatuon ang mga gawain sa sama-sama at tulong-tulong ng guro at
estudyante
Layuning mabawasan ang kompetisyon sa klase at madagdagan ang
kooperasyon ng nga estudyante.

Napatunayan sa pag-aaral ni Kagan, Slavin, at Alport ang mga magagandang bunga


nito:

• Malaking tulong sa paghubog ng pag-uugali at pakikipagkapwa ng mga


estudyante.
• Napatataas ang pagpapahalaga at pagtingin sa sarilinv kakayahan
• Mataas na pagsulong sa pagkatuto
• Malilinang ang matalino at mapanuring pag-iisip
• Pagkaroon ng positibong atityud sa pag-aaral; mataas na motibasyon
• Mabuting relasyong guro-estudyante at estudyante-estudyante

• Interaktibo

Wells (sa Rivers 1987): Kinapapalooban ng tatsulok ang interaksyon sa klase


na nagpapakita ng ugnayan ng tagapaghatid ng mensahe tagatanggap, at ng
konteksto ng sitwasyon: sa guro, kapwa estudyante, at sa teksto/kagamitang
pampag-aaral

• Integratibo
Hango sa nilalaman o paksa ang paglalahad ng wika
Taliwas sa nakagawiang pagtuturo na ang mga kasanayan sa wika ay
itinuturo nang hiwalay at malayo, sa konteksto ng paggamit nito.
Nakapokus sa estudyante at ang integrasyon ng apat na kasanayan.
Ang guro ay tagapagdaloy ng pagkatuto, tagagawa ng iskrip o tagagabay.
Ang estudyante anf nagsasagawa ng gawain, ang sentro/bida, at aktibong
nagsasalita, nakikinig, bumabasa at sumusulat kung kinakailangan.

4
PAGTUTURO NG FILIPINO
BILANG PANGALAWANG
CSSH-EDFIL
WIKA

B. PAMARAAN (METHOD)

Ano ang pamaraan?

Nagbigay si Edward Anthony (1963) ng isang magandang depinisyon ng


pamaraan na tinanggap ng maraming guro sa loob ng mahabang panahon. Ang
kanyang konsepto ng pamaraan ay ikalawa sa tatlong herarkiya ng mga elemento,
alalaong baga’y, dulog, pamaraan, at teknik. Ayon kay Anthony, ang dulog ay isang set
ng mga pagpapalagay hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatuto at pagtuturo. Ang
pamaraan ay isang panalahat na pagpaplano para sa isang sistematikong paglalahad
ng wika at batay ito sa isang dulog. Ang teknik ay mga tiyak na gawain na malinaw a
makikita sa pagtuturo at konsistent sa isang pamaraan at katugong dulog.

DULOG

PAMARAAN

TEKNIK TEKNIK TEKNIK

MGA PAMARAAN SA PAGTUTURO NG WIKA

• Pangunahing Pamaraan
a. Pabuod
b. Pasaklaw

• Klasikong Pamaraan
a. Grammar Translation
13. Series
14. Direct
15. Audio-Lingual
16. Community Language Learning
17. Suggestopedia
18. Silent way
19. Total Physical Response
20. Natural Approach

5
PAGTUTURO NG FILIPINO BILANG
PANGALAWANG WIKA
CSSH-EDFIL

3. Kasalukuyang Pamaraan
a. Komunikatibong Pagtuturong wika (KPW)
a.1. Katuturan
a.2. Batayan
a.3. Guro, Mag-aaral at ang KPW

C. TEKNIK (TECHNIQUE)

Ang teknik ay tumutukoy sa tiyak na mga gawaing makikita sa pagtuturo,


konsistent sa isang pamamaraan at nauugnay rin sa isang pagdulog.

Mga Teknik sa Pagtuturo ng Wika

7. Pakikinig
➢ Pagbasa nang malakas (Reading Aloud)
➢ Pagbasa sa klase ng mga aklat na piksyon at di-piksyon
➢ Sabayang pagbasa

8. Pagsasalita
➢ Usapan/Dayalog
➢ Mga Kwento
➢ Pagsunod sa panuto
➢ Paglalarawan
➢ Talakayan
➢ Pagbibigay ng isang talakay
➢ Mga Dula-dulaan

9. Pagbasa
➢ Ugnayang Tanong-Sagot (UTS-QAR)
Iba’t ibang Uri ng Tanong
Nasa teksto mismo
Isipin at hanapin
Ikaw at ang awtor
Sa aking sarili
➢ Sistematikong pagsusuri ng mga tanong sa pag-unawa

10. Pagsusulat
Mga Teknik
k) Pagsulat mula sa patnubay na binuo ng klase
l) Pagsulat mula sa maikling tala
m) Tumbasang Pagsasalita
n) Teknik na Tanong Sagot
o) Pagpuno ng mga puwang
p) Padiktang pagsulat

6
PAGTUTURO NG FILIPINO
BILANG PANGALAWANG WIKA
CSSH-EDFIL

D. ESTRATEHIYA (STRATEGY)

Ang mga Katangian ng Isang Mabisang Estratehiya sa Pagtuturo

Talaan ng Panukatan sa Pagpili ng Estratehiyang Gagamitin sa Pagtuturo ng Filipino:

c. Angkop sa kakayahan at kawilihan ng mga mag-aaral.


d. Bunga ng pagtutulungan ng guro at ng mga mag-aaral.
e. Nagtataglay ng probisyon para sa pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral.
f. Humahamon sa kakayahan ng guro at mga mag-aaral.
g. Nagtataglay ng maayos na pagkakasunud-sunod ng mga hakbang.
h. Nakaaakit sa aktibong partisipasyon sa klase.
i. Nagsasaalang-alang sa mga nakaraang karanasan ng mga mag-aaral.
j. Bunga ng masusing paghahanda ng gurong nagsasagawa nito.
k. Nakatutulong sa ikatutupad ng layunin.
l. Nagsasaalang-alang sa mga batas o simulain ng pagkatuto.

Midyum ng pagtuturo ng wikang Filipino sa taong 2000

e Sa una, ikalawa at ikatlong baitang ay bernakular ang midyum ng pagtuturo


para sa lahat ng asignatura. Ang Filipino ay hiwalay na subject at wikang
pantulong sa pagtuturo. Patuloy na ituturo ang Filipino bilang hiwalay na
subject hanggang sa ikaapat na taon ng hayskul.
f Sa ikatlong baitang, ipapasok ang wikang ingles bilang hiwalay na subject at
patuloy na ituturo hanggang sa ikaapat na taon ng hayskul.
g Sa ikaapat na baitang, Filipino ang midyum na pagtuturo at patuloy na
magiging wikang panturo para sa lahat ng subject maliban sa subject na
ingles, hanggang sa ikaapat na taon sa hayskul.
h Habang tumatagal, ililipat sa Filipino ang edukasyong teknikal-bokasyonal.
i Ayon sa Academic freedom dapat ipaubaya sa DepEd ang pagpili ng wika ng
pagtuturo sa edukasyong pangkolehiyo.
j Noong taong 2000, lahat ng asignaturang matangi sa ingles at iba pang mga
wika ay ituturo sa pamamagitan ng Filipino.

Ang Makabagong Pananaw sa Pagtuturo ng Wika

Malaki na ang pagbabagong nagaganap sa kalakaran ng pagtuturo ng wika.

NOON - Kaalamang istraktural o kayarian ng wika ang pinagtutuunan ng pansin

NGAYON - Paglinang ng kahusayan sa paggamit ng wika, kasanayan sa


pakikipagtalastasan o ang kasanayang KOMUNIKATIBO.

. Ano nga ba ang kasanayang KOMUNIKATIBO?

7
PAGTUTURO NG FILIPINO
BILANG PANGALAWANG WIKA
CSSH-EDFIL

h. Ayon kay Chomsky, ang kasanayang komunikatibo ay magkasamang


language competence (kaalaman sa wika) at language performance
(kakayahan sa paggamit ng wika).
i. Ayon kay Titons, ang kasanayan sa wika ay hindi lamang kaalaman sa
gramatika o sa mga tuntuning gramatikal kundi gayundin ang kasanayan sa
angkop at matagumpay na pag-unawa at pagpapahalaga ng nais na
ipahayag ng nag-uusap.

Kasanayang Komunikatibo (Canale at Swain)

o. Ang kasanayang komunikatibo ay ang abilidad na magamit ang wika sa


maayos na paraan sa anumang pagkakataon, na isinasaalang-alang ang
gamit at pagkakaiba-iba ng mga wika.
p. Ang kasanayang komunikatibo ay makatutulong sa ating lahat sa pagiging
isang mahusay na tagapagsalita dahil ito ang isa sa pinakamahalagang
kasanayan na pwede mong matutunan dahil ito ay magagamit mo kahit saan
at kahit kailan.

Narito ang mga uri o mga sangkap ng Kasanayang Komunikatibo:

• Gramatikal – ito ang sangkap kung saan nagbibigay- kakayahan sa


nagsasalita kung paano bigkasin sa wastong kaayusan ang mga
salita/pangungusap na kanyang ginagamit at kung angkop ng kanyang
ginagamit na mga salita. Mahalaga ang komponent na ito upang magka-
intindihan kayo ng kausap mo dahil maaaring maging sanhi ng hindi
pagkakaunawaan kapag hindi wasto ang paggamit ng balarila at epektibo ito
sa pagbuo ng salita, tamang pagbigkas, pagbabaybay at maging sa
pagbibigay kahulugan ng salita.

• Sosyo-Lingguwistika – ito ang sangkap na ginagamit ng nagsasalita ang


kalawakan ng kanyang bokabularyo at ang pagpili ng salitang angkop sa
sitwasyon at sa kontekstong sosyal ng lugar kung saan ginagamit ang wika.
Dapat alam ng nagsasalita ang paggamit ng angkop anumang pagkakataon.
Dito makikilala ang pagkakaiba ng isang taong mahusay lang magsalita
kompara sa isang katutubong nagsasalita ng wika.

• Diskorsal – ito ay ang sangkap na nagbibigay kakayahang ng nagsasalita na


ipalawak ang mensahe upang mabigyan ng wastong interpretasyon ang salita
upang mas maunawaan ang salita at mapahayag ang mas malalim na
kahulugan nito.

8
PAGTUTURO NG FILIPINO
BILANG PANGALAWANG WIKA
CSSH-EDFIL

2. Strategic – ito ay ang sangkap na nagagamit ng nagsasalita ang mga berbal


na pananalita upang wasto niyang maipahayag ang kanyang mensahe at
maiiwasan o maisaayos ang hindi pagkakaunawaan o mga puwang sa
komunikasyon. Nakatutulong din ng mga hindi berbal na hudyat sa
pagsasalita kagaya ng kumpas ng kamay, tindig, at ekspresyon ng mukha
upang mailahad ang tamang mensahe.

SPEAKING by Dell Hymes

SETTING at SCENE (Saan Nag-uusap?) Ang setting ay tumutukoy sa panahon at


lugar ng akto ng pagsasalita. Samakatuwid, ito ang pisikal na mga pinangyarihan ng
talastasan. Isang halimbawa nito ang klasrum. Samantala, ang scene ay
psychological setting o cultural definition ng isang senaryo, kabilang na ang mga
katangian gaya ng lawak o saklaw ng pormalidad at pagka-seryoso.

PARTICIPANTS (Sino ang Kausap?) Sila ang ispiker at awdyens. Paglilinaw,


gumawa ng distinksiyon ang mga linggwista sa kategoryang ito.

ENDS (Ano ang Layunin?) Sakop nito ang layunin, hangarin at kalalabasan ng
proseso ng komunikasyon.

ACT SEQUENCE (Takbo ng Usapan). Ito ay anyo ng pagkakasunod-sunod ng mga


pangyayari. May mga usapang nagsisimula sa biruan, napupunta sa asaran,
humahantong sa pikunan at nauuwi sa awayan.

KEYS (Pormal o Impormal?) Tinutukoy dito ang pagiging pormal o di-pormal ng pag-
uusap. Ito'y dumedepende sa gamit ng salita, ayos ng pananamit ng tao at sa
kanilang galaw. Dito rin malalaman kung anong salita ang dapat na gamitin.

INSTRUMENTALITIES (Ano ang Midyum ng Usapan?) Tumutukoy sa tsanel o daluyang


gagamitin ng mga kalahok sa pakikipagtalastasan. Maaari mo bang ikwento sa iyong
kaibigan ang isang telenobelang iyong nabasa sa pamamagitan ng text? Susulat ka ba
sa fire station upang sabihing may sunog na naganap sa inyong lugar?

NORM (Ano ang Paksa ng Usapan?) Mahalagang malaman ng isang indibidwal ang
paksa ng usapan bago siya makisali sa naturang talastasan. Tandaan, minsan mas
mabuting itikom ang bibig kung hindi maka-relate sa usapan kaysa magsimula ka pa
ng kalituhan o kaguluhan.

GENRE (Nagsasalaysay ba? Nakikipagtalo ba? Nagmamatuwid? Naglalarawan?)


Mahalagang malaman ng isang tao ang genre na ginagamit ng kanyang kausap
nang sa gayo’y malaman din niya kung ano ang genre na kanyang gagamitin.

9
PAGTUTURO NG FILIPINO
BILANG PANGALAWANG WIKA
CSSH-EDFIL

Ang mga Paraan/Estratehiya at pagdulog sa pagtuturo ng Wika

B Limang gamit ng wika ang maaaring iugnay sa ideya at kaisipan ng mag-


aaral: personal, interpersonal, directive, referential at imaginative.
C Dahil sa kasanayang komunikatibo, hindi tinatalikuran ang pagtuturo ng
kayarian ng wika kundi binibigyang-diin ang paglinang ng kakayahang
umunawa at gumamit ng mga wastong pananalita sa aspektong pambalarila.

Mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Wika

10
PAGTUTURO NG FILIPINO
BILANG PANGALAWANG WIKA
CSSH-EDFIL

11
PAGTUTURO NG FILIPINO BILANG
PANGALAWANG WIKA
CSSH-EDFIL

12
PAGTUTURO NG FILIPINO BILANG
PANGALAWANG WIKA
CSSH-EDFIL

13
PAGTUTURO NG FILIPINO BILANG
PANGALAWANG WIKA
CSSH-EDFIL

PANGUNAHING PAMARAAN

A. PABUOD NA PAMARAAN (INDUCTIVE METHOD)

Ang pamamaraang ito ay angkop na angkop gamitin sa pagtuturo kaugnay ng


pagbubuo ng tuntunin o pagkakaroon ng isang paglalahat o generalization. Ang
pamamaraang ito, kung minsan ay tinatawag na “Limang Pormal na Hakbang sa
Pagtuturo”, o dili kaya'y ang “Herbartian Method” sapagkat ipinakilala ito sa larangan
ng pagtuturo ni Herbert.

Sinasabi ring ito'y nagsisimula sa nalalaman patungo sa hindi nalalaman.


Nagsisimula sa mga halimbawa patungo sa tuntunin kaya't nasasabing ito ay
“egrule” na pamamaraan (example then rule).

Limang Pormal na Hakbang sa Pagtuturo ng Pamamaraang ito:

7. Paghahanda (Preparation)

Sa bahaging ito ay inihahanda ng guro ang kaisipan ng mag-aaral para sa


araling tatalakayin. Sinasariwa rito ang dating aralin na may kaugnayan sa
bagong pag-aaralang aralin. Ginigising din sa bahaging ito ang kawilihan ng
mga mag-aaral hinggil sa bagong aralin. Kaya't sa ilalim ng hakbang na ito ay
nakikita ang balik-aral at ang pagganyak.

8. Paglalahad (Presentation)

Sa bahaging ito inilalahad ang bagong aralin sa pamamagitan ng pangungusap,


talata, dula, tugma o anumang lunsaran.

9. Paghahambing at Paghahalaw (Comparison and Abstraction)

Sa bahaging ito, nagkakaroon ng paghahambing ang mga mag-aaral sa bagong


aralin at sa mga nakaraang aralin na kanila nang natutunan.

10. Paglalahat (Generalization)

Sa bahaging ito ng pabuod ay pinagbubuo ang mga mag-aaral ng tuntunin o


paglalahat. Tandaan, ang mga mag-aaral ang dapat bumuo ng tuntunin o
paglalahat at hindi ang guro. Sa bahaging ito, susubukin ng guro kung
nalalaman na talaga ng mga mag- aaral ang paksang- aralin. Maaaring
papagbigayin ang mga bata ng pangungusap na ginagamit nang wasto ang
salitang pinag-aralan. Maaari ring magbigay ng maikling pagsubok na pasulat.

11. Paggamit (Application)

14
PAGTUTURO NG FILIPINO
BILANG PANGALAWANG WIKA
CSSH-EDFIL

5. Maaaring bigyan ng pagsusulit na pagpupuno sa puwang o ano mang


pagsusulit ngunit sikaping sa paggamit na ito ng bagong natutuhan ay
magamit nila sa lalong makahulugan at makabuluhang sitwasyon.

8. PASAKLAW NA PAMARAAN (DEDUCTIVE METHOD)

Ang Pamamaraang Pasaklaw ay kabaligtaran ng Pamamaraang Pabuod.


Samantalang ang pamaraang pabuod ay nagsisimula sa mga halimbawa patungo sa
paglalahat o pagbubuo ng tuntunin, ang pamaraang pasaklaw naman ay
nagsisimula sa paglalahad ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa.

At sinasabing ito’y nagmumula sa hindi nalalaman patungo sa nalallaman,


mula sa tuntunin patungo sa halimbawa, kaya may taguring “ruleg” o “rule-example.”

May lima itong hakbang:

2 Panimula (Introduction)

3. Sa bahaging ito, inihahanda ng guro ang kaisipan ng mga mag-aaral para sa


araling tatalakayin. Sinasariwa rito ang dating aralin na may kaugnayan sa
bagong pag-aaralan. Ginigising din sa bahaging ito ang kawilihan ng mga
mag-aaral hinggil sa bagong aralin. Ang Balik-aral at ang Pangganyak ay
nasa ilalim ng hakbang na ito.

3 Pagbibigay ng Tuntunin o Katuturan (Giving Rules/Generalization)

3. Ipinababasa ng guro sa mga mag-aaral ang tuntuning nakasulat sa pisara o


tsart. Ang paglalahad ng tuntunin ay dapat na maging payak. Ang talasalitaan
ay angkop sa kakayahan ng mga mag-aaral.

4 Pagpapaliwanag sa Tuntunin (Interpretation of the Rules)

3. Ipasusuri sa mga mag-aaral ang tuntunin at pabibigyang-paliwanag. Kung


mahaba ang tuntunin, maaaring hati-hatiin sa maliliit na bahagi at masusing
talakayin sa klase ang bawat bahagi. Hayaang ang mga mag-aaral ang
magsuri at tumalakay sa tuntunin. Kung ano ang maging kakulangan sa
pagpapaliwanag ay saka lamang magdaragdag ang guro.

5 Pagbibigay ng Halimbawa (Giving of Examples)

3. Pagkatapos na masuri ang tuntunin at mabigyan ng kaukulang paliwanag ay


pagbigayin ng mga halimbawa ang mga mag-aaral. Kung malinaw ang
pagkakatalakay sa tuntunin, madaling makapagbibigay ng halimbawa ang
mag- aaral.

15
PAGTUTURO NG FILIPINO
BILANG PANGALAWANG WIKA
CSSH-EDFIL

3. Pagsubok (Testing)

1 Katulad ng Paggamit sa pamaraang pabuod, ang hakbang na ito sa


pamaraang pasaklaw ay ang bahaging susubukin ng guro ang kabatiran ng
mag-aaral sa paksa. Maaaring may pagsubok na pasalita at may pagsubok
na pasulat. Maaaring pasulatin ng talata o ng sariling pangungusap na
ginagamit ang bagong araling natutuhan.

Ang Pasaklaw na Pamaraan ay ang angkop para sa mga may edad na. Mas
debelop na kasi ang kanilang kakayahang magsuri ng mga kayariang
panggramatika at higit silang reflective kaysa mga batang mag-aaral.

16
PAGTUTURO NG FILIPINO
BILANG PANGALAWANG WIKA
CSSH-EDFIL

III. KLASIKONG PAMARAAN

Ayon sa inilahad ni Charlotte Angelique M. Meneses (2022), kung susulyapan


natin ang mga nagdaang panahon ng pagtuturo ng wika, makabubuo tayo ng isang
paglalarawan at makikita ang iba't ibang interpretasyon hinggil sa epektibong
pagtuturo ng wika. Dumating at umalis na ang maraming pamaraan sa pagtuturo at
asahang marami pang darating.

Ayon kay Marckwardt (1972:5), ang "pabagu-bagong ihip ng hangin at palipat-lipat


na pananaw" ay isang hulwarang siklikal kung saan ay may lumilitaw na bagong
pamaraan tuwing ikaapat na hati ng isang siglo. Ang bawat bagong pamaraan ay
paghuhulagpos sa luma ngunit dala nito ang mga positibong aspekto ng dating
pamaraan.

A. GRAMMAR TRANSLATION

Naging palasak noon sa mga klasrum na ang pokus sa pagtuturo ay ang


tuntunin sa balarila, pagsasaulo ng mga talasalitaan at iba't ibang impliksyon at
pagbabanghay ng pandiwa, pagsasalin at maraming pagsasanay.

Ayon kay Meneses (2022), bago pa man naging makabago ang estilo ng
pagtuturo ng mga ika-21 siglo na mga guro, mayroon ng metodong ginamit noong
ika-19 na siglo. Mga klasikong metodo na naging palasak sa tawag na "Pamaraang
Grammar Translation" na naging epektibo sa kanilang mga tinuturo. Mga iba't-ibang
pamaraan ang kanilang ginamit upang estudyante nila ay mahubog ng husto at
magamit ang kanilang kaalaman sa kanilang buong pagkatao.

Ang tuon ng pamamaraang ito ay ang pagtuturo ng balarila,baybay, at


pagkakabuo ng isang mensahe.Ang pagtuturo nito ay ibinibigay gamit ang sinusong
wika ngmga mag-aaral.

Maagang pinapabasa ang mga mag-aaral ng mahihirap na


babasahingnasusulat sa nais matutunang wika. Ang kadalasang pagsukat
ngkakayahan ng mga mag-aaral ay base sa paglilipat ng wika mula sasinusong wika
papunta sa wikang nais matutunan.

Ang kahinaan ng pamamaraang ito ay ang kawalang kakayahan ng mgamag-


aaral na gamitin ang wikang ninanais matutunan sa pasalita sakadahilanang ang
kasanayan ng mga mag-aaral ay sa pasulat napamamaraan.

17
PAGTUTURO NG FILIPINO
BILANG PANGALAWANG WIKA
CSSH-EDFIL

Mithiin (Goals)

6. Mabasa ang literature ng target na wika.


7. Maisaulo ang mga tuntuning balarila talasalitaan ng target na wika.

Mga Katangian

c. Ginagamit
wika.
sa pagtuturo ang katutubong wika at bihirang gamitin ang target na

d. Hiwalay na ginagawa ang paglinang ng mga talasalitaan.


e. Binibigyang-diin ang pagbasa at pagsulat at halos hindi nalilinang ang
pakikinig at pagsasalita.
f. Pabuod na itinuturo ang balarila. Ilalahad ang tuntunin, pag-aaralan, at
pagkatapos ay magkakaroon ng maraming pagsasanay at pagsasalin.
g. Ang pagbabasa ng mga may kahirapang teksto ay isinasagawa nang hindi
isinasaalang-alang ang kahandaan ng mga mag-aaral.
h. Kawastuhan sa pagsasalita ang mahalaga. Inaasahan na magaling sa
pagsasalin ang mga mag-aaral mula sa target na wika.

2 SERIES

Si Francois Gouin, Pranses na guro ng Latin ay isa sa mga haliging bato sa


pagtuturo ng wika. Siya ay tinaguriang tagapagtatag ng metodolohiya sa pagtuturo
ng wika at naglathala ng isang aklat noong 1880 na may pamagat na The Art Of
Learning And Studying Foreign Languages.

Series Method

Ito ay isang pamaraan sa pagtuturo na kung saan ang target na wika ay


itinuturo nang tuwiran (walang pagsasalin) at isang serye ng mga magkakaugnay na
pangungusap ay inilalahad sa isang konsepto na madaling maunawaan ng mag-
aaral. Walang pagpapaliwanag sa tuntuning balarila bagama't maaaring mayroong
kayariang balarila na nakapaloob sa mga pangungusap ang dapat linawin.

Ang pamamaraang ito'y naniniwala sa kaisipang ang pagkatuto ng wika ay


ang transpormasyon ng mga pananaw sa wika sa isang konsepto na madaling
maintindihan.

Halimbawa ng isang serye ng mga magkakaugnay na pangungusap na


madaling maunawaan ng mga mag-aaral:

"Papunta ako sa pintuan. Papalapit na ako sa pintuan. Nasa may pintuan na


ako. Huminto ako sa may pintuan. Inabot ko ang doorknob. Iniikot ko ang

18
PAGTUTURO NG FILIPINO
BILANG PANGALAWANG WIKA
CSSH-EDFIL

doorknob. Binuksan ko ang pinto. Itinulak ko ang pinto. Gumalaw ang pinto.
Bumukas ang pinto. Binitawan ko na ang doorknob."

C. DIRECT (PAMARAANG DIRECT NI BERLITZ)

Pangunahing saligan ni Berlitz ay ang Series Method ni Gouin at nanalig din


ito sa kaisipang ang pagkatuto ng pangalawang wika ay kailangang katulad din ng
pag-aangkin ng unang wika- may interaksyong pasalita, natural na gamit ng wika,
walang pagsasalin sa pagitan ng una at pangalawang wika, at halos walang
pagsusuri sa mga tuntuning pambalarila.

Narito ang lagom ng mga simulain:

a Target na wika lamang ang ginagamit.


b Pang araw-araw ma bokabularyo at pangungusap ang itinuturo.
c Ang kasanayang pasalita ay nalilinang sa pamamagitan ng palitan ng tanong
at sagot sa pagitan ng guro at mag-aaral,
d Ang ilang tuntuning pambalarila ay itinuturo sa paraang pabuod.
e Ang bagong aralin ay itinuturo sa pamamagitan ng pagmomodelo at
pagsasanay.
f Ang mga karaniwang bokabularyo ay itinuturo sa pamamagitan ng mga tunay
na bagay at mga larawan samantalang ang mga abstraktong bokabularyo ay
itinuturo sa pag-uugnay ng mga ideya.
g Parehong binigyang-diin ang kasanayan sa pagsasalita at pakikinig.
h Binibigyang-diin ang wastong pagbigkas at balarila.

D. AUDIO LINGUAL

Ang Audio-lingual Method ay isang pamamaraan sa pagtuturo ng wika na


nagbibigay-diin sa pagsasalita at pakikinig. Sa pamamaraang ito, ginagamit ang
mga drill at pattern practice upang mapabuti ang pagkakaroon ng tamang
intonasyon, timpla at gramatika sa pagsasalita ng wika. Ang mga mag-aaral ay
dinidiktahan ng mga guro sa tamang pagbigkas ng mga salita at mga pangungusap
at binibigyan sila ng mga pagkakataong magpraktis gamit ang mga sitwasyon sa
tunay na buhay. Naglalayon ang pamamaraang ito na turuan ang mag-aaral na
magamit ng natural ang wika sa mga komunikasyong pang-araw-araw.

Ayon kay Badayos (2008), ang audio-lingual method o ALM ay batay sa mga
teoryang sikolohikal at linggwistik.

Naging bukambibig ng maraming guro ang ALM sa loob ng mahabang


panahon, subalit naglahi rin noong 1964 sa pangunguna ni Wilga Rivers. Dahil ayon
sa kanya, ang pagkatuto ng wika ay hindi natatamo sa pamamagitan ng maraming

19
PAGTUTURO NG FILIPINO
BILANG PANGALAWANG WIKA
CSSH-EDFIL

pag-uulit at pagsasanay, na ang pagkakamali ay bahagi ng pagkatuto at hindi


itinatakda ang wikang dapat matutuhan.

Ang Audio-lingual method ay hindi gaanong ginagamit sa kasalukuyang


pagtuturo ng wika dahil maraming kritiko ang nagsasabing hindi ito epektibo para sa
pangmatagalang pagkatuto ng wika. Sa halip, ang mga guro sa kasalukuyan ay nag-
aaplay ng iba't ibang mga pamamaraan sa pagtuturo ng wika, tulad ng
Communicative Language Teaching, Task-Based Language Teaching, at Content-
Based Instruction. Ang mga pamamaraang ito ay nakatuon sa pagpapalawak ng
kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral at pagpapakalawak ng kaalaman sa
kultura at konteksto kung saan ginagamit ang wika.

Ang mga katangian ng pamamaraang audio-lingual ay kinabibilangan ng mga


sumusunod:

d. Pagsasanay sa wika: Ang pangunahing layunin ng audio-lingual method ay


mapalawak ang kakayahan ng mag-aaral sa pagsasalita at pakikinig sa wika.
e. Pagtuturo ng bokabularyo: Ang pag-aaral ng mga salita o bokabularyo ay
mahalaga sa audio-lingual method. Kadalasan ay pinapaksa sa pag-aaral ang
mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na komunikasyon.
f. Pagsasanay sa pagbigkas: Dahil ang wastong pagbigkas ay mahalaga sa
pag-unawa at pakikipag-ugnayan sa ibang tao, malaki ang halaga ng
pagsasanay sa pagbigkas sa audio-lingual method.
g. Repetisyon: Sa audio-lingual method, mahalagang magpatuloy sa
pagsasagawa ng mga aktibidad sa loob ng maraming beses upang maging
natural na sa mag-aaral ang pagsasalita ng wika.
h. Mga aktibidad sa klase: Sa audio-lingual method, karaniwang ginagamit ang
mga aktibidad tulad ng pattern drills, role plays, at problem solving para sa
mas epektibong pagkatuto ng wika.
i. Emphasis sa pagtuturo ng grammar: Sa audio-lingual method, hindi itinuturing
ang grammar bilang isang teorya na kailangang unawain ng mag-aaral. Sa
halip, itinuturo ang grammar sa konteksto ng paggamit nito sa pang-araw-
araw na komunikasyon.
j. Pagpapakadalubhasa sa wika: Sa pamamaraang audio-lingual, ang layunin
ay hindi lamang matuto ng wika kundi maging mahusay at natural sa
paggamit nito sa pang-araw-araw na sitwasyon.

Sa Audio-Lingual Method, ang mga drills at pattern practice ay ginagamit upang


mapalakas ang kakayahang pangwika ng mga mag-aaral. Narito ang ilan sa mga uri
ng drills at pattern practice:

5. Repetition drills - Ito ay kung saan ang guro ay magbibigay ng isang modelo ng
pangungusap at ang mga mag-aaral ay kailangang ulitin ito nang paulit-ulit.

20
PAGTUTURO NG FILIPINO
BILANG PANGALAWANG WIKA
CSSH-EDFIL

o Halimbawa: Guro: "I like to eat pizza."


Mag-aaral: "I like to eat pizza."

• Substitution drills - Ito ay kung saan ang mga mag-aaral ay kailangang


magpalit ng mga salita sa isang pangungusap nang hindi binabago ang
kahulugan nito.

o Halimbawa: Guro: "I am going to the mall."


Mag-aaral: "He is going to the mall."

• Transformation drills - Ito ay kung saan ang mga mag-aaral ay kailangang


mag-transform ng isang pangungusap sa ibang anyo o estruktura.

o Halimbawa: Guro: "She is singing a song."


Mag-aaral: "A song is being sung by her."

• Expansion drills - Ito ay kung saan ang mga mag-aaral ay kailangang


magdagdag ng mga salita sa isang pangungusap upang mapalawak ito.

o Halimbawa: Guro: "He is eating."


Mag-aaral: "He is eating pizza."

3. Chain drills - Ito ay kung saan ang mga mag-aaral ay magpapalitan ng mga
pangungusap at magsasagawa ng konbersasyon.

o Halimbawa: Guro: "Do you like pizza?"


Mag-aaral 1: "Yes, I do."
Mag-aaral 2: "I don't like pizza. I like pasta." at iba pa.

Ang mga drills at pattern practice na ito ay naglalayong mapalawak ang


vocabulary at mapaunlad ang kasanayan sa paggamit ng tama at wastong grammar
sa pagpapakatwid ng kahulugan ng mga pangungusap.

E. COMMUNITY LANGUAGE LEARNING

Ang CLL ay isang klasikong halimbawa ng pamaraan na batay sa domeyn na


pandamdamin. Ang paraang ito ay ekstensyon ng modelong Counselling-Learning ni
Charles A. Curran na nagbibigay-diin sa pangangailangan ng mga mag-aaral-kliyente na
nagsama-sama bilang isang komunidad na binibigyan ng kaukulang pagpapayo.

21
PAGTUTURO NG FILIPINO
BILANG PANGALAWANG WIKA
CSSH-EDFIL

Mga Katangian:

a. Isinasaalang-alang ang balarila, pagbigkas, at bokabularyo ayon sa


pangangailangan. Binibigyang-diin ang pag-unawa at pagsasalita.
• Isinasanib sa pagkatuto ng wika ang mga aspekto ng kultura.
• Wala itong tiyak na paraan ng pagtataya. Ginagamit ang mga integratibong
pagsusulit kaysa sa mga obhetibo o tiyak.
• Hinihikayat din ang sariling pagtataya upang mabatid ng mga mag-aaral ang
kanilang pag-unlad.

F. SUGGESTOPEDIA

Ang Suggestopedia ay isang paraan ng pagtuturo ng wika na binuo ng isang


Bulgarian Educator na si Dr. Georgi Lozanov noong 1970s sa Bulgaria. Ito ay
pinagsamang termino ng "suggestion" at "pedagogy".

Naniniwala siya na ang mga tao ay bumubuo ng mga sikolohikal na hadlang


sa pagkatuto sa kanilang mga sarili, na kung saan pakiramdam nila sila ay limitado
sa kanilang kakayahang matuto. Upang mas mahusay na magamit ang buong lakas
ng pag-iisip, ang limitasyon na sa tingin natin ay mayroon tayo ay kailangang
madesuggest. Ang desuggest ay kabaligtaran ng suggest. Ginagamit ito upang
maalis ang negatibong pakiramdam, habang, ang suggest ay ginagamit upang
palakasin ang positibong pakiramdam at ilabas ang buong lakas ng pag-iisip.

Nakatuon ang Suggestopedia sa ideya na ang pag-aaral ay pinahuhusay ng


kalmadong katawan at malinaw na pag-iisip, na nagbibigay-daan para sa mas
mahusay na konsentrasyon, memorya at paggunita. Sinasabi ng mga mananaliksik
na tinutulungan ng Suggestopedia ang mga mag-aaral na makabisado ang mga
wika nang humigit-kumulang tatlong beses nang mas mabilis kaysa sa mga
karaniwang pamamaraan.

Iminumungkahi ni Lozanov na ang utak ng tao ay maaaring magproseso ng


malalaking halaga ng materyal kung bibigyan ng tamang mga kondisyon para sa
pagkatuto. Ang isa sa mga kundisyong ito ay isang estado ng pagrelaks at
pagpapahintulot sa guro na magkaroon ng kontrol. Ipinakita ni Lozanov na sa
pamamagitan ng isang palagay na kapaligiran at espesyal na sinanay na mga guro
ay maaaring mapabilis ang proseso ng pagkatuto.

Mga Katangian
p Ginagamit ang lakas ng pagmumungkahi upang matulungan ang mga mag-
aaral na maging panatag ang kalooban.

22
PAGTUTURO NG FILIPINO
BILANG PANGALAWANG WIKA
CSSH-EDFIL

B. Nasa isang komportable at maayos na kapaligiran ang pagkatuto at may


mariring na mahinang tugtugin.
p Inilalahad at ipinaliliwanag ang gramatika at bokabularyo ngunit di tinatalakay
nang komprehensibo.
q Napapalinaw ang kahulugan sa pamamagitan ng pagsasalita ng katutubong
wika.
r Nangyayari ang komunikasyon sa dalawang dimensyon; ang kamalayan
(conscious) kung saan nakikinig sa isang binabasang diyalogo at ang
kawalang-kamalayang (subconscious) kung saan ang musikang naririnig ay
nagpapahiwatig na ang pagkatuto ay madali.
s Isinasanib sa pagtuturo ang mga sining tulad ng musika, awitin, at drama.
t Walang pormal na pagsusulit o takdang aralin ang ibinibigay.

Proseso ng Pagtuturo

Ang tatlong yugto ay isinasaalang-alang:

p Deciphering: Ipinakilala ng guro ang gramatika at lexis ng nilalaman.


q Concert session (active at passive): Ang klasikal na musika ay pinapatugtog.
o Sa active session, binabasa ng guro ang teksto sa normal na bilis, kung
minsan ay may intonasyon ang mga salita, at sumasabay ang mga mag-
aaral sa pagbasa.
• Sa passive session, ang mga mag-aaral ay nagrerelaks at nakikinig sa
guro na nagbabasa ng teksto nang mahinahon.
5. Elaboration: Tinatapos ng mga mag-aaral ang kanilang natutunan sa
pamamagitan ng mga dula, kanta, at laro.

Nabuo ito sa apat na yugto pagkatapos ng maraming eksperimento:

• Introduction: Itinuturo ng guro ang materyal sa "mapaglalarong paraan" sa


halip na suriin ang lexis at gramatika ng teksto sa paraang direktiba.
• Concert session (active and passive):
2. Sa aktibong sesyon, nagbabasa ang guro nang may intonasyon habang
pinapatugtog ang piling musika. Paminsan-minsan, binabasa ng mga
mag-aaral ang teksto kasabay ng guro, at nakikinig lamang sa musika
habang humihinto ang guro sa mga partikular na sandali.
Sa passive session, ginagawa ito nang mas mahinahon.
e. Elaboration: Tinatapos ng mga mag-aaral ang kanilang natutunan sa
pamamagitan ng mga dula, kanta, at laro.
f. Production: Ang mga mag-aaral ay kusang nagsasalita at nakikipag-ugnayan
sa target na wika nang walang pagkagambala o pagwawasto mula sa guro.

23
PAGTUTURO NG FILIPINO
BILANG PANGALAWANG WIKA
CSSH-EDFIL

Mabuting Epekto
2. Pleasant Environment
3. Double-planedness Theory
4. Peripheral Learning

Masamang Epekto
6. Environmental Limitation
7. Use of Hypnosis
8. Infantilization Learning

Konklusyon
“if students are relaxed and confident, they will not need to try hard to learn the
language as learning the language will just come easily and
naturally”. - Larsen and Freeman (1985)
Ang disenyo ng suggestopedia ay may positibong cognitive, motivational,
emotional, at social effects sa mga mag-aaral. Ito ay isang paraan ng pagtuturo na
nakatuon sa pagbuo ng mga intelektwal na kakayahan, sa pamamagitan ng
paggamit ng mga nakakaengganyong pamamaraan. Isinasaalang-alang ng
modelong ito na ang lahat ay magkaroon ng kakayahang kumuha, at magpanatili ng
impormasyon gamit ang lahat ng limang pandama, hindi lamang paningin at tunog.
Naniniwala siya na ang mga mag-aaral ay mas natututo kapag sila ay nasa isang
kapaligiran kung saan sila ay nakakaramdam ng kapalagayan.

G. SILENT WAY

Panghahawakan sa paniniwalang mabisa ang pagkatuto kung ipanauubaya


sa mga mag-aaral ang kanilang pagkatuto (Gattegno, 1972).

Naglahad sina Richards at Rogers (1968) ng isang lagom hinggil sa teorya ng


pagkatuto na pinagbatayan ng silent way.

2. Mas mabilis ang pagkatuto kung ang mga mag-aaral ang tutuklas o lilikha
mga sariling gawain sa halip na ipasaulo o ipaulit nang maraming beses kung
ano ang natutuhan.
3. Napadali ang pagkakatuto sa tulong ng mga kagamitang panturo tulad ng
mga bagay na nakikita at nahahawakan ng mga mag-aaral.
4. Napadadali ang pagkatuto sa pamamagitan ng mga araling kinapapalooban
ng mga gawain na may suliraning tutuklasin ang mga mag-aaral.

Ang pamaraang patuklas naging popular noong 1960 ang nagtaguyod ng


pagkatuto sa pamamagitan ng sariling pagtuklas ng mga kaalaman at simulain sa
halip sabihin ito sa mga mag-aaral. Ang pamamaraang Silent Way ay namuhunan sa
mga hakbang na pagtuklas na pagkatuto. Nananalig si Gattegno (1972) na dapat

24
PAGTUTURO NG FILIPINO
BILANG PANGALAWANG WIKA
CSSH-EDFIL

mayroong tiwala sa sarili ang mag-aaral at naroon din ang pagiging may
pananagutan sa kaniyang sariling pagkatuto. Ang mga nag-aaral sa isang klasrum
na Silent Way ay nagtutulungan sa proseso ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga
suliraning pangwika. Sa ganitong kalagayan, nananatili tahimik ang guro kaya ang
katawagan ay Silent Way. Kinakailangang paglabanan ng guro ang pagtulong sa
sandaling humihingi ng tulong ang mga mag-aaral at kung maaari ay lumabas ang
guro habang bumubuo ng solusyon sa isang suliranin ang buong klase.

May kahirapan ang pamaraang ito lalo't higit sa mga mahihinang mag-aaral. May
mga aspekto sa pag-aaral na kailangang ipinaliliwanag sa mga mag-aaral upang hindi
na sila mag-aaksaya ng oras sa pagtuklas kung paano ang pagkakatuto nito.

Sa kabilang dako, makabuluhan naman ang simulaing pinagbatayan ng


pamaraang ito---hindi dapat ibigay ang lahat sa mga mag-aaral, hayaan silang mag-
isip at tumuklas kung ano ang nararapat na matutuhan. Mas epektibo ito para sa
kanilang pagkatuto.

Mga Katangian

b Pangalawa lamang ang pagtuturo sa pagkatuto. Pananagutan ng mga mag-


aaral ang sarili nilang pagkatuto.
c Tahimik ang guro ng maraming oras ngunit aktibo sa pagbibigay ng sitwasyon
at pakikinig sa mga mag-aaral; nagsasalita lamang siya upang magbigay
hudyats, ( pinapayagan ang interaksyong mag-aaral-mag-aaral.
d Di ginagamit ang pagsasalin ngunit ang unang wika ay itinuturing na
pinagmumulan ng kaalaman ng mag-aaral.

H. TOTAL PHYSICAL RESPONSE (TPR)

Ang Total Physical Response (TPR) ay unang binuo at pinakilala ni Dr.


James J. Asher (1997), isang propesor sa sikolohiya sa San Jose State College,
batay sa kanyang pagmamasid sa kung paano natututunan ng mga maliliit na bata
ang wika.

Ang interes niya sa TPR ay nagsimula noong 1960 subalit naging bukambibig
lamang ang pamamaraang ito pagkaraan ng humigit-kumulang isang dekada. Ang
pamamaraang ito’y humango ng ilang kaisipan sa Series Method ni Gouin na nagsabi
na ang pagkatuto ay epektibo kung may kilos na isinagawa kaugnay ng wikang pinag-
aaralan. Pinatunayan din ito ng mga saykologist sa kanilang Trace Theory ng pagkatuto
na nagsasaad na ang pag-alaala ay napabilis kung may kaugnay na pagkilos ang pag-
aaral. Ang kaisipang ito ang pinagbatayan ni Asher sa kanyang

25
PAGTUTURO NG FILIPINO
BILANG PANGALAWANG WIKA
CSSH-EDFIL

pamamaraang TPR. Naniniwala pa rin si Asher na ang isang klasrum sa wika ay


hindi dapat kabakasan ng pagkabahala at ang mga mag-aaral ay masisigla at
nagagawa ang gustong gawin sa ilalim ng mabuting pamamatnubay ng guro.

Ang isang tipikal na TPR na pamamaraan ay gumagamit ng maraming


kayarian sa pagsasalita na nag-uutos. Ang mga pag-uutos ay payak at madaling
isagawa. Ito’y mabisang paraan upang ang mga mag-aaral ay kumilos at gumalaw
nang may kawilihan.

Halimbawa:

d. Isara mo ang bintana


e. Tumayo
f. Umupo
g. Kunin mo ang libro at ibigay kay Mark Lee

Hindi kailangan sa ganitong mga gawain ang mga pasalitang sagot. Maaari ring
gamitin ang mga kompleks na kayarian ng pangungusap na nag-uutos kung saan ang
kasiyahan sa klase at sa mga gawain ay natural na mararanasan ng mag-aaral.

Iba pang halimbawa:

e. Lumakad nang marahan sa may pintuan at hawakan ang pinto.


f. Gumuhit ng isang rektanggulo sa pisara.
g. Ilagay ang iyong sepilyo sa loob ng iyong bag.

Madali ring maipapaunawa ang mga tanong gaya ng mga sumusunod:

6. Nasaan ang libro


7. Sino si Jaypee?
5. (Nakaturo ang mga mag-aaral sa libro o kay Jaypee).

Mga Katangian

• Nagsisimula ang mga aralin sa pamamagitan ng mga utos mula sa titser na


isinasagawa ng mga mag-aaral.
• May interaksyong guro-mag-aaral o mag-aaral-mag-aaral; nagsasalita ang
guro, tumutugon ang mga mag-aaral sa pamamatnubay ng guro.
• Binibigyang diin ang komunikasyong pasalita, isinasaalang-alang ang kultura
ng mga katutubong tagapagsalita sa pagkatuto ng pangalawang wika.
• Pinalilinaw ang mga kahulugan sa pangalawang wika sa pamamagitan ng
mga kilos.
• Inaasahang magkakamali ang mga estudyante sa pagsisimula nilang
magsalita; mga kamaliang global lamang ang iniwawasto.

26
PAGTUTURO NG FILIPINO
BILANG PANGALAWANG WIKA
CSSH-EDFIL

I. NATURAL APPROACH

Ginagamit sa pamamaraang ito ang mga gawain sa TPR sa panimulang lebel


ng pagkatuto kung saan mahalaga ang mga “comprehensive input” upang
mapasigla ang pagtatamo ng wika. Nilalayon ng Natural approach na malinang ang
mga personal na batayang kasanayang pangkomunikasyon tulad ng gamiting wika
para sa mga pang-araw-araw na sitwasyon gaya ng pakikipag-usap, pamimili,
pakikinig sa radyo at iba pa. Ang guro ang hanguan ng mga input at tagalikha ng
iba’t-iba at mga kawili-wiling gawaing pangklasrum gaya ng laro, maikling dula-
dulaan at pangkatang gawain.

Ang mga teorya ni Stephen Krashen (1992, 1991) hinggil sa pagtatamo ng


pangalawang wika ay naging mainit na isyu nang mahabang panahon.

Ang pinakatampok na bunga ng mga pananaw ni Krashen ay ang pamaraang


Natural Approach na dinebelop ni Tracy Terrel, isang kasamahan ni Krashen.

Naniniwala sina Krashen at Terrel na kailangang komportable at relaks ang


mga mag-aaral sa isang klasrum pangwika.

Nakikita rin nila ang pagsasaisang- tabi muna ng pagsasalita sa wikang


pinag-aaralan hanggang sa sumapit ang panahong naroon ang intensyon at
pagkukusa sa pagsasalita. Kailangang mabigyan sila ng maraming pagkakataon sa
komunikasyon upang ang " Pagtatamo" ay maganap.

Nilalayon ng Natural Approach na malinang ang mga personal na batayang


kasanayang pangkomunikasyon tulad ng gamiting wika para sa mga pang-araw-
araw na sitwasyon gaya ng pakikipag-usap, pamimili, pakikinig sa radyo, at iba pa.

Ang unang gawain ng guro sa pamaraang ito ay maglaan ng mga


comprehensible input o iyong sinasalitang wika na nauunawaan ng mag-aaral o di
kaya'y iyong mataas ng kaunti sa kanilang lebel ng pagsasalita at pag-unawa.

• Hindi kinakailangang magsalita ang mag-aaral sa yugtong ito ng silent


period hanggang sa panahong maramdaman nilang may kahandaan na sila.

Ang guro ang hanguan ng mga input at tagalikha ng iba't iba at mga kawili-
wiling gawainpangklasrum gaya ng laro, utos, maikling dula-dulaan, at pangkatang
gawain.

Ayon kina Krashen at Terrel, sa Natural Approach, ang mag-aaral ay


dumaraan sa tatlong yugto ng pagkatuto:

3. Ang yugtong Preproduction pakikinig.

27
PAGTUTURO NG FILIPINO BILANG
PANGALAWANG WIKA
CSSH-EDFIL

4. Ang yugtong Early Production kung saan nililinang ang mga kasanayan sa
na kakikitaan ng mga pagkakamali habang nagpupumilit ang mga bata sa
paggamit ng wika. Ang mensahe ang pokus ng guro at hindi ang anyo ng
wika kaya nga halos hindi iwinawasto ang mga kamalian maliban doon sa
mga pagkakamali na makahahadlang sa pag-unawa (gross error).
5. Ang huling yugto ay iyong Ekstensyon ng Production sa mahahabang
diskurso at nakapaloob dito ang mga mas mahihirap na laro, role play,
dayalog. talakayan, at pangkatang gawain. Dahil layunin sa yugtong ito ang
katatasan sa pagsasalita, inaasahan na mangilan-ngilan lamang o kaunti
lamang ang mga pagwawasto sa kamalian.

28
PAGTUTURO NG FILIPINO
BILANG PANGALAWANG WIKA
CSSH-EDFIL

IV. KASALUKUYANG PAMARAAN

A. KOMUNIKATIBONG PAGTUTURONG WIKA (KPW)

Ang pagturan ng wika ay nabulabog nang naging bukambiig ng balana ang


Komunikatibong Pagtuturo ng Wika (KPW).

Ano ang KPW? Maraming pagpapakahulugan ng KPW. Kung may binasa


kang limang aklat tungkol sa paksang ito’y maaaring humigit kumulang ganoon ding
karamihang kaisipan ang matamo mo.

Bakit ganoon? Nangyayari ang ganito dahil sa ang KPW ay maaaring bigyan
ng iba’t ibang interpretasyon at paglalapat ayon sa oryentasyon ng sumulat. Ang
ganitong senaryo ay malinawanag na tinatanggap sa larangan ng pagtuturo ng wika.

Lubhang kakaiba at masalimuot ang mga isyung metodolohikal sa


kasalukuyan. Bukod sa mga isyung gramatikal at pandiskurso, patuloy nating
tinutuklas at inaalam ang mga aspektong sosyal, kultural at pragmatic sa kalikasan
ng wika. Sinisikap din nating makatuklas ng mga kaparaanang pedagohikal upang,
mapanatili ang “tunay” na komunikasyon sa loob ng klasrum. Ngunit hindi pa rin
nagbabago ang layunin nating malinang ang katatasan sa pagsasalita ng mga mag-
aaral. Tinitiyak din natin na dapat mag-angkin ang ating mga mag-aaral ng mga
kasanayang tahasan nilang magagamit sa pakikipagtalastasan “sa labas” kapag
sila’y lumabas na sa sinapupunan ng ating mga klasrums. Buhay na buhay din ang
ating malasakit kung paano maipapaangkin sa ating mag-aaral ang habang buhay
na pagkatuto ng wika at hindi lamang iyong mga itinakdang gawaain sa loob ng
klasrum. Tinatanaw din natin ang mga mag-aaral bilang kapartner para sa isang
cooperative venture. Higit sa lahat pinagsisikapan nating matulungan ang mga mag-
aaral upang maraying nila ang pinkarurok ng kanilang kakayahan.

A.1. KATUTURAN

Ang pamaraang ito’y nag-uugat sa “National-functional syllabus” na pinaunlad ni


David Wilkins ng Britanya (Higgs at Clifford, 1992). Noong mga panahong iyon, ang
naging pokus ng pagtuturo ay ang mensahe kaysa sa porma o kayarian ng wika. Ang
purong diin sa mensahe ay hindi naging maganda para sa aspektong gramatika.
Napasaisang-tabi ang gramatika dahil sa higit na naging mahalaga ang mensahe at ang
kamalian sa istruktura ay pansinin-dili ng mga guro. Dahil sa napabayaan nang lubos
ang gramatika, napabalikwas si Wilkins at siya mismo ang nagpabago sa

29
PAGTUTURO NG FILIPINO
BILANG PANGALAWANG WIKA
CSSH-EDFIL

kanyang sariling pamaraan sa pag-aaral ng wika. Mula sa pagtuturong ang pokus ay


mensahe, magkapantay nang isinaalang-alang ang porma at mensahe para sa
pagtatamo ng kakayahang komunikatibo (communicative competence).

Nagbigay si David Nunan (1991) ng limang katangian ng KPW:

▪ Binibigyan-diin ang kasanayan sa pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng


interaksyon sa target na wika.
▪ Gumagamit ng mga awtentikong teksto sa pagtuturo.
▪ Nagbibigay ng pagkakataon sa mag-aaral na bigyang pokus hindi lamang ang
wikang pinag-aaralan kundi pati na rin ang proseso sa pagkatuto.
▪ Itinuturing ang mga personal na karanasan ng mga mag-aaral bilang
mahahalagang input sa pagkatuto.
▪ Sinisikap na maiugnay ang mga pagkatuto sa loob ng klasrum sa mga
gawaing pangwika sa labas ng klasrum.

A.2. BATAYAN

Iba’t iba ang batayang teorya ng communicative competence, ngunit ang


pinakapopular ay ang batayang pinaunlad ni Michael Canale at Merrill Swain. Sang-ayon
sa modelo ni Canale at Swain, may apat na aspekto o element ng communicative
competence. Para masabi na ang isang tao ay may communicative competence sa
isang wika, kailangang magtaglay siya ng linguistic o grammatical competence,
sociolinguistic competence, discource competence at strategic competence.

Ang linguistic competence ay ang kakayahang umunawa at makabuo ng mga


istruktura sa wika na sang-ayon sa mga tuntunin sa gramatika. Ang linguistic
competence ay katayuan ng isang taong may kontrol o masteri sa porma o istruktura
ng isang wika. Sa batayang ito ipinakikita ng isang tao ang kanyang kahusayan sa
paglalapat ng tuntunin sa wika at hindi kahusayan sa pagsabi ng tuntunin nito. Ang
linguistic competence ay sakop ng pag-aaral sa linggwistika.

Samantala ang “sociolinguistic competence” ay isang batayang


“interdisciplinary.” Ang isang taong may “sociolinguistic competence” ay
nakauunawa at nakagagamit ng kontekstong sosyal ng isang wika. Isinasaalang-
alang niya ang tatlong bagay sa pakikipausap: ang ugnayan ng mga nag-uusap
(role-relationship); ang impormasyong pinag-uusapan nila (topic) at ang lugar ng
kanilang pinag-uusapan (place). Bukod sa kaalaman sa tatlong salik na ito, alam ng
mga kasapi sa usapan ang layon (function) ng kanilang pag-uusap.

Sa sociolinguistic competence: nakapaloob ang isang paghuhusga kung


angkop (appropriate) sa tatlong salik ang isang sinabi o sasabihin. Halimbawa, sa
ating kultura, ang mga bata ay hindi dapat sumali sa usapan ng matatanda. At kung

30
PAGTUTURO NG FILIPINO
BILANG PANGALAWANG WIKA
CSSH-EDFIL

ang kausap ng isang nakababata ay may edad at mataas sa posisyon kaysa kanya,
gumagamit siya ng “honorific terms.”

Ang “discourse competence” naman ay may kinalaman sa pag-unawa hindi


ng isa-isang pangungusap kundi ng buong diskurso. Ang isang nakikipag-usap ay
kailangang alam niyang halawin ang paksa, ang layon, (function) at iba pa, ng isang
“discourse.” Hindi niya inuunawa lamang ang kahulugan ng isang yugto ng usapan
kundi ang kabuuang yugto ng isang discourse.

Ang “discourse competence” ay kakayahang bigyan ng interpretasyon ang


isang serye ng mga napakinggang pangungusap upang makagawa ng isang
makabuluhang kahulugan. Ang tagumpay ng pag-unawa sa isang diskuso ay sang-
ayon sa kaalamang taglay kapwa ng nag-uusap, “world knowledge” ng mga nag-
uusap at maging ang kaalamang linggwistika, kaalaman ng istruktura at diskurso, at
kaalaman sa “social setting”.

Ang panghuling element ng “communication competence” ay ang tinatawag


na “strategic competence.” Wala raw taong perpekto ang kaalaman sa kanyang wika
at nakagagamit ng kaalamang ito nang walang dapat alalahanin. Ginagamit natin sa
abot ng ating makakaya kung anuman ang ating nalalaman. Ang mga istruktura na
ginagamit natin upang matakpan ang mga imperpektibong kaalamn natin sa wika
ang tinatawag na “strategic competence.” Kahalintulad ito ng “coping” o “survival
strategies.” Kung hindi ninyo maiisp ang salitang angkop sa sabihin, anong
ginagawa ninyo? Paano ninyo pinananatiling bukas ang usapan habang iniisip ang
susunod na sasabihin?

A.3. GURO, MAG-AARAL AT ANG KWP

• Layunin ng gurong gumagamit ng KPW


Ang gurong gumagamit ng KPW ay naghahangad na malinang ang
kakayahan ng kanyang mag-aaral sa aktwal na paggamit ng wika sa mga
tiyak na pagkakataon. Ninanais ng guro na makapagangkin ang kanyang mga
mag-aaral ng kakayahan sa maayos na pakikipagtalastasan sa iba’t ibang
sitwasyon. Hinahangad din ng guro na madala ng bawat mag-aaral ang
kanilang sarili sa wastong kalagayan sa paggamit ng wika. Isa pang tunguhin
ay ang malinang sa mga mag-aaral na maging mabuting tagapagsalita at
tagapakinig.

• Tungkulin ng Guro; ng Mag-aaral


Sa KPW ang guro ay tagapamatnubay/facilitator sa iba’t ibang gawain sa
klasrum. Siya ay tagasubaybay sa mga interaksyong nagaganap sa mga
mag-aaral. Sa panig ng mga mag-aaral, ang tungkulin nila ay ang aktibong

31
PAGTUTURO NG FILIPINO
BILANG PANGALAWANG WIKA
CSSH-EDFIL

pakikilahok sa iba’t ibang gawaing pangkomunikasyon. Tungkulin nilang


linangin ang kanilang mga kasanayan sa iba’t ibang paksang pinag-aaralan.

2. Ang Proseso sa Pagtuturo/Pagkatuto


Ang mga katangian ng mga proseso sa pagtuturo/pagkatuto sa KPW ay
nauunawaan ng mga mag-aaral ang dahilan kung bakit niya ginagawa ang isang
gawain at kung paano niya ito isinasagawa. Isa pang katangian ay ang
komunikasyon ay daynamiko, ibig sabihin ang pakikipagtalastasan ay nagaganap
nang biglaan, ang tuon ng pagsusuri ay ang makahulugang palitan ng usapan at
hindi ang mga magkakahiwalay o di magkakaugnay na pahayag. Isa pang
katangian ng prosesong ito ay ang pagbibigay ng halaga sa paraan ng
pakikipagtalastasan. Katangian ng pagdulog na ito ang pagbibigay ng sapat na
pagkakataon sa pag-aaral at pagsasanay sa paggamit ng target na wika.

3. Interaksyong Guro- Mag-aaral / Mag-aaral- Mag-aaral


Dati sa interaksyong guro at mag-aaral, ang guro ay malaking bahagdan ng
gawain lalo na sa pagsasalita. Ang guro ang awtoridad at gumagawa ng halos
lahat ng gawain sa loob ng klasrum, samantalang ang mga mag-aaral ay
nananatiling tagapakinig lamang. Sa KPW ang interaksyong guro-mag-aaral
ay nakapukos ang malaking bahagdan ng gawain sa magaaral, maaaring
75% at 25% ang sa guro. Sa ganitong kalagayana masasabing sa loob ng 40
minutong pagkaklase ang pagsasalita ng guro ay 10 minuto lamang
samantalang ang sa magaaral ay 30 minuto. Sa interaksyong mag-aaral sa
kapwa mag-aaral, kailangang mabigyan ng pagkakapantay na pagkakataon
ang bawat isa sa iba’t ibang gawain. Bigyang laya na makipag-interaksyon
ang mag-aaral sa kapwa mag-aaral. Sa balanseng pagbibigyan ng
pagkakataon sa bawat mag-aaral malilinang ang kani-kanilang kasanayan.

4. Lawak at Kasanayang Pangwika sa KPW


Sa KPW ay hindi maihihiwalay ang kaalamang panlinggwistika. Ito ay
tuntungan o batayan para malinang ang kakayahang komunikatibo. Ang
kakayahang panlinggwistika ang instrument upang mapalawak ang
kakayahang komunikatibo. Ang mga kasanayang pangwika na binibigyang-
diin ay ang iba’t ibangtungkuling pangwika. Ilang halimbawa ay ang paghingi
ng impormasyon, pagpapahayag at pag-alam sa pangkaisipang saloobin,
pagpapahayag at pag-alam sa damdamin, pagpapahayag sa pag-alam ng
saloobing moral, pagsasagawa ng gawain, pakikisalamuha at oba pa. Sa
kabuuan, ang lawak na bumubuo sa KPW ay ang: kaalaman sa gramatika,
tuntuning sosyokultural sa paggamit ng wika, tuntunin sa diskurso, paghula sa
maaaring sabihin ng kausap at iba’t ibang istratehiya sa pakikipagtalastasan.

32
PAGTUTURO NG FILIPINO
BILANG PANGALAWANG WIKA
CSSH-EDFIL

• Ebalwasyon sa KPW
Ang ebalwasyon sa KPW at isinasagawa sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t
ibang pagsusulit. Ang pagsusulit ay maaaring pasulat o pasalita. Bagamat nasa
panahon na tayo ng komunikatibong gamit ng wika hindi nangangahulugang wala
nang bisa ang pagsusulit noong unang panahon. Ang pagsasalin, padikta,
pagsulat ng komposisyon/buod ay mga uri ng pagsusulit na binibigyang pansin
sa pagtuturo ng wika ngayon. Ginagamit parin ang objective test sa pagtataya ng
kasanayang natamo ng isang mag-aaral. Isa sa napakaganda at mabisang uri ng
pagsusulit sa wika ay ang cloze test at C-test.

• Pagwawasto ng Kamalian
Ang pagtanggap o pagtugon sa pagkakamali sa dulog na ito ay maaaring gawing
global o panlahat. Maaaring ipaunawa sa mga mag-aaral ang kanyang kamalian
sa isahang komperensya. Dapat na iwasto ang kamaliang global o iyong
nakahahadlang sa komunikasyon o sa pagpapahayag ng mensahe. Kailangang
iwasto rin ang mga kamaliang nagiging dahilan ng di kanais-nais na reaksyon at
iyong kamaliang madalas na nasasambit ng tagapagsalita.

• Ang Mag-aaral na May Kakayahang Komunikatibo


May kakayahang komunikatibo ang isang mag-aaral sa wika kung nagagamit
ng mabisa ang iba’t ibang tungkuling pangwika. Nakikipag-interaksyon at
epektibong nagagamit ang wika. Nakapaghahatid ng mensahe at
nakatatanggap ng kasagutan. Kapag nagamit na ng mag-aaral ang wika sa
epektibong kaparaanan at wastong sitwasyon ang mag-aaral ay masasabing
may kakayahang komunikatibo.

33
PAGTUTURO NG FILIPINO
BILANG PANGALAWANG WIKA
CSSH-EDFIL

SANGGUNIAN:

https://pdfcoffee.com/pamamaraan-at-istratehiya-sa-pagtuturo-pdf-free.html

https://www.academia.edu/40111511/Pamamaraan_sa_pagtuturo_ng_wika?

https://www.coursehero.com/file/97533878/ULAT-PAPEL-MGA-
KLASIKONG-PAMARAAN-NG-PAGTUTURO-NG-WIKApdf/?

https://www.coursehero.com/file/p57uv4m/katangian-ng-Audio-Lingual-Method-o-
ALM-1-Ang-pagkatuto-ng-wika-ay-pagbubuo-ng/

https://www.hltmag.co.uk/apr22/effect-of-suggestopedia-method?

https://www.k12academics.com/education-subjects/language-education/language-
teaching-methods/suggestopedia

https://www.pressreader.com/philippines/sunstar-
pampanga/20220227/281698323196651?

https://www.scribd.com/doc/3152852025/Ang-Mga-Estratehiya-Sa-Pagtuturo-
Ng-Wika#

https://www.scribd.com/document/338749234/Pamamaraan-Estratehiya-at-Dulog-
Sa-Pagtuturo-Ng-Filpino?

https://www.scribd.com/document/454935939/Ang-Pamaraang-Audio-Lingual-
Method-docx

https://www.scribd.com/document/464580596/silent-way-gr-16-banghay-at-report?

https://www.scribd.com/presentation/419591363/Total-Physical-Response-2

https://www.slideshare.net/LuisLoreno1/designer-methods-ng-pagtuturo-d-70?

https://www.tefl.net/methods/suggestopedia? https://www.youtube.com/watch?

v=3rkrvRlty5M https://www.youtube.com/watch?v=9d1k-si-W8

34
FIL182: PAGTUTURO NG
FILIPINO BILANG CSSH-ABFIL
PANGALAWANG WIKA

ANG PAGPAPLANO PARA SA


MABISANG PAGTUTURO
Ulat-papel ng Unang Pangkat

Ipinasa nina:
Danculos, Audrey
Frias, C.J.
Leal, Angel Faith
Moreno, Marielle
Narvasa, Jeralei
Pepito, Josh Nicole
Taguba, Chrystian Feil

Ipinasa kay:
Prof. Love Batoon

ABRIL 2023
FIL182: PAGTUTURO NG
FILIPINO BILANG CSSH-ABFIL
PANGALAWANG WIKA

I. ANG PAGPAPLANO PARA SA MABISANG PAGTUTURO

A. Paano ang Pagpaplano?

Pagpaplano, Pagbuo, at Pagtuturo

Ang mabuting pagpaplano ay ang unang hakbang sa isang epektibong silid-


aralan, at isa sa anim na pangunahing tungkulin ng guro na dapat matuturuan
ng mga mahuhusay na guro. Ang isang mahusay na binalak na klase ay
binabawasan ang stress sa guro at tumutulong na mabawasan ang
pagkagambala. Kapag alam ng mga guro kung ano ang kailangan nilang
gawin at kung paano ito gagawin, mayroon silang mas mahusay na
pagkakataong makamit ang tagumpay sa dagdag na benepisyo ng mas
kaunting stress. Dagdag pa, kapag ang mga mag-aaral ay nakikibahagi sa
buong panahon ng klase, mas mababa ang kanilang pagkakataon upang
maging sanhi ng mga pagkagambala.

Maliwanag, ang pag-uugali ng guro, ang kalidad ng aralin, at ang paraan ng


paghahatid ay naglalaro sa isang epektibong araw sa klase. Gamit ang sinabi,
lahat ng ito ay nagsisimula sa isang mahusay na plano .

Mga Hakbang para sa Pagpaplano ng Pagtuturo

1.Hanapin ang mga pamantayan ng estado at pambansa at ang iyong mga


teksto at pandagdag na mga materyales upang matukoy kung anong mga
konsepto ang kailangan mong sakupin sa taon. Siguraduhing isama ang
anumang kinakailangang test preparation material. Gamitin ito upang lumikha
ng isang plano ng pag - aaral para sa iyong kurso.

2.Gumawa ng isang personalized na plano sa aralin sa aralin . Makakatulong


ito sa iyo na maisalarawan at maisaayos ang iyong pagtuturo.

3.Planuhin ang iyong mga unit gamit ang iyong pangkalahatang plano ng pag-
aaral at ang iyong kalendaryo.

4.Lumikha ng mga detalyadong planong aralin sa unit. Ang mga ito ay dapat
isama ang sumusunod na mga item upang maging epektibo:
 Mga Layunin
 Mga Aktibidad
 Estimates ng Oras
 Mga Kinakailangang Materyales
 Mga alternatibo - Siguraduhin na magplano para sa mga estudyanteng
maaaring wala sa panahon ng iyong mga aktibidad.
 Assessment - Kabilang dito ang mga gawain sa klase, araling-bahay,
at mga pagsubok.
FIL182: PAGTUTURO NG
FILIPINO BILANG CSSH-ABFIL
PANGALAWANG WIKA

Higit pa sa Paglikha ng Mga Plano sa Aralin

Ilipat ang iyong malawak na plano ng unit sa isang planong pagpaplano


upang panatilihing nakaayos ang iyong sarili.

Makakatulong ito sa pagpapatupad at pagtuon. Ito ay kung saan ang lahat ng


mga plano ng yunit ay magkasama upang bigyan ka ng mas malawak na
larawan ng taon.

Sumulat ng pang-araw-araw na balangkas ng aralin at agenda

Ang mga detalye na kasama ay naiiba sa kung paano detalyadong nais mong
maging. Lumilikha ang ilang guro ng isang simpleng balangkas na may mga
oras na nakalakip upang tulungan silang subaybayan habang ang iba ay may
detalyadong mga tala at nakasulat na impormasyon. Sa pinakamaliit, dapat
kang magkaroon ng agenda na inihanda para sa iyong sarili at sa iyong mga
mag-aaral upang lumitaw ka nang organisado at gumawa ka ng makinis na
mga pagbabago. Napakadaling mawalan ng pansin ng mag-aaral habang
naghahanap ka para sa pahina na nais mong basahin o mag-isip ng mga ito
sa pamamagitan ng isang stack ng mga papel.

Lumikha at / o magtipon ng anumang kinakailangang mga item

Gumawa ng mga handout, mga overhead, mga tala ng lektyur, mga


manipulatibo, atbp. Kung magsisimula ka araw-araw na may mainit-init ,
pagkatapos ay nilikha at handa na itong pumunta. Kung ang iyong aralin ay
nangangailangan ng isang pelikula o item mula sa sentro ng media,
siguraduhing inilagay mo nang maaga ang iyong kahilingan upang hindi ka
nabigo sa araw ng iyong aralin.

Pagpaplano para sa Hindi inaasahang Tulad ng napagtanto ng karamihan sa


mga guro, madalas na nagaganap ang mga pagkagambala at hindi
inaasahang pangyayari sa klase. Maaaring saklaw ito mula sa mga nahinto
na mga alarma sa sunog at hindi inaasahang pagtitipon sa iyong sariling mga
sakit at emerhensiya. Samakatuwid, dapat kang lumikha ng mga plano na
tutulong sa iyo na harapin ang mga hindi inaasahang pangyayari.

Gumawa ng mga mini-lesson upang makatulong na punan ang anumang


oras na maaaring iwanang sa dulo ng isang panahon ng klase.

Kahit na ang mga pinakamahusay na guro ay paminsan-minsan na iniiwan na


may dagdag na oras. Sa halip na pahintulutan ang mga mag-aaral na
makipag-usap, gamitin ang oras na ito para sa dagdag na pagtuturo o
posibleng masaya na pang-edukasyon. Dagdag dito, kung ang isang hindi
inaasahang pagpupulong ay tinatawag na umaalis sa iyo ng 15 minuto
lamang ng pagtuturo, ang mga aralin na ito ay maaaring maging isang kaloob
ng diyos.

Ang mga plano sa emergency lesson


FIL182: PAGTUTURO NG
FILIPINO BILANG CSSH-ABFIL
PANGALAWANG WIKA

ay isang pangangailangan para sa lahat ng mga guro. Kung hindi mo


magawa ito sa paaralan sa huling minuto o kailangang umalis upang harapin
ang isang personal na emerhensiya, kailangan mong mag-iwan ng mga plano
sa aralin upang matulungan ang iyong kapalit. Ito ay pinagsama sa iyong
kapalit na folder ay mahalaga upang matulungan ang iyong silid-aralan ay
patuloy na gumana nang hindi mo.

B. Ilang Batayang Teoretikal sa Pagpaplano

Clark at Yinger 1979


 Natuklasan nila na karamihan sa mga guro ay hindi matapat na
sumusunod sa paglalapat ng mga simulaing natutuhan nila sa mga
ekspertong edukador hinggi lsa pagpaplanong pampagtuturo.
Peterson, Max, at Clark 1978
 Natuklasan nila na mas unang binigyang pansin ng mga guro sa
pagpaplano ang nilalaman at mga estratehiya sa pagututro bago ang
mga layunin.
Levin at Long 1981
 Natuklasan nila na maganda ang kalalabasan sa pagkatuto kung may
kabatiran ang mga mag-aaral hinggil sa mga tiyak na layunin na
lilinangin. Pinatutunayan din sa kanilang pag-aaral na ang pagsasabi
ng tiyak na layunin sa mga mag-aaral ay nagbibigay ng direksyon at
seguridad sa pagkatuto.
Clark at Yinger 1980
 Sa kanilang pag-aaral humigit kumulang, 12 oras sa loob ng isang
lingo ang ginugugol ng mga guro sa pagpaplanong pampagtuturo.
Earle 1992
 Bumubuo ang maraming guro ng mga imahen o senaryo sa proseso
ng kanilang kabuuang plano sa pagtuturo.
Westerman 1991
 Mas komprehensibo ang pananaw ng mga bihasang guro sa mga
mag-aaral at sa mga kaalamang kanilang itinuturo. Ang mga baguhan
nama'y nakatutok sa pagtatamo ng layunin sa halip na isaalang-alang
ang dating alam ng mga mag-aaral at iuugnay ang mga ito sa bagong
kaalaman.
Tyson 1991
 Nagagawa ng mga sanay na guro na mapagtagni-tagni ang
mahahalaga at mahihirap na bahagi ng isang paksang-aralin kaya
nabibigyan nila ito ng ibayong diin. Tinitiyak din ng mga sanay naguro
kung naunawaan ng mga mag-aaral ang mga kasanayang nilinang sa
halip na ipalagay na lamang na natutuhan ang mga ito gaya nang nasa
isipan ng maraming guro.
Cooper 1990
 Na ang epektibong guro ay iyong nagagawang maihatid sa mga mag-
aaral ang mga inaasahang bunga ng pagkatuto.

C. Ano ang Aralin/Leksyon?


FIL182: PAGTUTURO NG
FILIPINO BILANG CSSH-ABFIL
PANGALAWANG WIKA
Isang yugto sa pagkatuto kung saan ang mga gawain ay mahusay na
binabahagi sa paglinang ng isang tiyak na layunin. Ang isang leksyon ay
binubuo ng iba’t ibang yugto: may simula, gitna at katapusan. Halimabwa sa
pagbasa, may binabanggit bago bumasa, habang bumabasa at pagtapos
bumasa. Gayon din sa pagsulat: bago sumulat, habang sumusulat at
pagkatapos sumulat.

BAKIT MAHALAGA ANG PAGPAPLANO NG ISANG ARALIN?


Ilang mga kadahilanan ang ilalahad dito kaugnay ng pagpaplano ng aralin.
1. Nabibigyan ng pagkakataon ang guro na pagtimbang-timbanginang
mga bagay na kaugnay ng aralin upang makapamili siyang mabuti
ng mga gawaing angkop ilapat sa bawat episode ng pagkatuto
bago ito ilahad sa klase.
2. May dalawang dimension ang mga gawain ng guro sa
pagbabanghay ng aralin:
a. Mga gawain na isinasagawa bago paman simulan ang
pagtuturo;
b. Mga gawaing sa loob lamang ng klasrum isinasagawa.
3. Nagagawang maihananda ng guro ang kakailanganing software at
hardware sa pagtuturo.
4. Ito’y maaring magiging sangguniin ng guro sa mga darating na
araw upang makakuha siya ng mga impormasyon hinggil sa kung
anong mga gawain ang mabisa o di mabisa sa pagkatuto ng mga
batang kaniyang tuturuan
5. Ang pagbuo ng isang malinaw na desisyon ay isang mahalagang
batayan sa pagpaplano.

Sa tuwing bubuo o magbabalak ang gurong magbanghay-aralin dapat niyang


pag-isipang mabuti ang sumusunod na mga tanong:

a. Ano ang konsepto, tapik o kasanayan ang mahalagang


matututuhan ng mga mag-aaral sa tiyak na oras sa isang
pagkaklase?
b. Dahil sa binubuong silabus, batayang aklat o dating-gawi,
posible bang ipagpatuloy na lamang sa susunod na yunit ang
aralin na wala man lamang pagsaalang-alang kung ito nga ang
pinaka angkop na talakayin?
c. May sapat bang kahandaan ang mga mag-aaral para sa
pagtatamo ng mga layunin para sa isang particular nay unit o
liksyon?
d. Magbubunga kaya ng mataas na antas ng kawilihan ang mga
tapik o yunit?
e. Anong mga istratehiya ang gagamitin sa pagtuturo sa tapik o
yunit?
f. Anong mga teknik ang maaaring gamitin sa pagtataya, pormal o
di pormal man, sa mga pagsisikap o pagtatamo ng kaalaman ng
mga mag-aaral?

D. Ang Banghay-Aralin
FIL182: PAGTUTURO NG
FILIPINO BILANG CSSH-ABFIL
PANGALAWANG WIKA
d.1. Kahulugan at Kahalagahan nito

Banghay- Aralin- nakasulat ang plano ng isang guro sa kanyang mga


paksang gustong tatalakayin o mga leksyon nito. Kaya naman, tinatawag
itong “lesson plan” sa Ingles. Ito rin ang sinusunod ng guro sa kanyang
isasagawa na pagtuturo.Nakapaloob dito ang mga layunin, paksang aralin,
mga kagamitan, pamaraan, at ebalwasyon.

 Ang banghay-aralin ay itinuturing na mapa o balangkas ng iyong mga


inihandang gawain upang maisakatuparan ang mga layuning nais
mong matamo ng iyong mga mag-aaral.
 Ang banghay-aralin ay maaaring tanawin bilang isang iskrip na
sinusunod ng guro sa pagtuturo ng isang paksa para sa isang tiyak na
oras o panahon.
 Ito' y isang balangkas ng mga layunin, paksang-aralin, kagamitan at
mga hakbang na sunod-sunod na isinasagawa sa pagsasakatuparan
ng layunin at ikatatamo ng inaasahang bunga.
 Ito ay Kalimitang may apat o limang bahagi.
 Mga layunin, paksang-aralin, pamamaraan at takdang-aralin

Heto ang mga halimbawa ng kahalagahan ng Banghay Aralin:

1. Ito ay nagiging gabay ng mga guro para magkaroon ng isang


direksyon sa pagtatalakay ng mga leksyon sa mga estudyante.
2. Minsan, ito ay nagsisilbing iskrip ng guro para sa kanyang pagturo.
3. Dahil dito, natatantya na ng mga guro bago magklase kung gaano
katagal niya dapat talakayin ang mga parte ng kanyang paksang
tatalakayin.
4. Ito rin ay nagbibigay ng kumpyansa sa sarili ang guro at siya ang
nagiging handa dahil sa banghay aralin.
5. Nagiging mabuting halimbawa ang guro sa kanyang mga mag-aaral
kung kaya niyang maging organisado lalo na sa mga leksyon na
dapat tatalakayin.

d.2. 5 Mga Salik na Isinaalang-alang sa Pagbabanghay-aralin

Naririto ang mga salik na dapat isaalang-alang kapag naghahanda ng


banghay-aralin.

1. Katangian ng mga Mag-aaral


 Ano ang antas ng kanilang kawilihan, gayundin ang lebel ng
kasanayang komunikatibo?
 Matatantiya mo ba ang iskema ng kanilang kaalaman at karanasan
kaugnay ng mga paksang tatalakayin mo?

2. Mga Layuning Pampagtuturo


 Angkop ba ang iyong layunin sa kakayahan ng mag-aaral?
 Itinuturing ba itong pangangailangan sa kurikulum?
 Natutugunan ba nito ang mga kahingiang Kognitiv, Afektiv at
FIL182: PAGTUTURO NG
FILIPINO BILANG CSSH-ABFIL
PANGALAWANG WIKA
Saykomotor?

Mga Layunin

a. Cognitive/Pangkabatiran
- Aktibiti/ motibasyon, Analisis, Abstraksyon, Analisis at Pagtataya
Halimbawa: Natutukoy ang kahulugan at elemento ng tula.
 Natutukoy ang Alpabetong Filipino.
 Nakapagtatala ng tumpak -Naipakikilala
 Nakapagbibigay
 Nakapagsasalaysay
 Naipapaliwanag
 Napag-uusapan
 Nailalahad
 Nakapagmumungkahi
 Nakakatalakay ng may katalinuhan- Natutukoy
 Naiisa-isa
 Nakapagsasaayos
 Nakapaglalahad
 Nakapagsisiyasat
 Nakapag-uulat
 Nabibigyang din

b. Affective/Pandamdamin
-Kahalagahang pangkatauhan, Pagpapahalaga, Paglalahat

Halimbawa:

Nakapagbabahagi ng sariling saloobing hinggil sa kahalagahan ng alpabeto.


Nabibigyang halaga ang paggamit ng alpabetong Filipino.
 Nakapagmamasid ng masuri
 Nabibigyang halaga
 Napapahalagahan
 Nakasusunod sa
 Nakapagbibigay sa sarili
 Nakapakikinig nang masuri
 Naisasabuhay/ Nakapagsasabuhay
 Nakapagtatamo ng kasagutan sa
 Nakapapayag na
 Naisasaalang-alang
 Nakatatamo ng kasiyahan

c. Saykomotor
-Aplikasyon (Pangkatan)

Halimbawa:

Naiuugnay ang mensaheng nais iparating ng dalawang alamat na tatalakayin


FIL182: PAGTUTURO NG
FILIPINO BILANG CSSH-ABFIL
PANGALAWANG WIKA
sa realidad ng buhay.

d. Kolaboratib

Halimbawa:

Nakalalahok sa isang masaya at aktibong talakayan.


Nakalalahok nang masaya at aktibo sa klase.
Ang isinulat mo bang mga gawi ay tiyak?
•Ang mga ito ba ay nasusukat?
•Maisasagawa ba ang mga ito?
•May takdang panahon ba kung kailan ito maisasagawa?

3. Paksa at mga Kagamitan- Kawili-wili ba, napapanahon at angkop sa


karanasan ng mga mag-aaral ang paksa?

Halimbawa:

•Nasa antas o lebel ba ng mga mag-aaral ang uri ng wikang ginamit?


•Makatawag-pansin ba ang mga kagamitang instruksyunal na
gagamitin?

4. Istratehiya o mga Gawain at Takdang Panahon

•Kawili-wili ba at napapanahon ang mga gawain?


•Nakaayos ba ang mga hakbang mula madali papahirap?
•Makatutulong ba ang mga gawain sa pagkakamit ng layunin?
•Maisasagawa ba sa angkop na panahon ang mga gawain?
•Kung ikaw ang magtuturo ng aralin, gaanong kahabang panahon ang
iyong itatakda sa pagsasagawa ng bawat bahagi?
•Maaaring gamiting pamantayan ang ibinigay na patnubay ni Gng.
Nenita Papa (1991) sa paglalaan ng oras para sa mga gawain sa pagtuturo
ng Filipino:
•Bahaging Naghahanda-25%
•Bahaging Nagtuturo-50%
•Bahaging Nagtataya-12.5%
•Bahaging Nagbibigay-lunas o Nagpapayaman 12.5

5. Paglinang ng Balyu o Saloobin


Batay sa paksa at mga gawain para sa isang aralin, isipin ang balyu o
mabuting saloobin at pagpapahalagang maaaring linangin sa mga mag-aaral.

d.3. Mga Bahagi

Ang banghay-aralin ay binunuo ng limang mahahalagang bahagi:

1. ang layunin
2. paksang-aralin,
3. pamamaraan,
4. evalwasyon at
FIL182: PAGTUTURO NG
FILIPINO BILANG CSSH-ABFIL
PANGALAWANG WIKA
5. kasunduan.

Ang mga layunin ay dapat na nakatuon sa tatlong aspeto: ang kognitibong


layunin na sumusukat sa pag-iisip ng mag-aaral, ang apektibo para sa
damdamin at saykomotor para sa pagsasagawa ng mga natutunan.

Sa paksang-aralin naman nakalagay ang pamagat ng aralin na tatalakayin,


ang mga sanggunian o referens at ang mga kagamitan upang higit na matuto
ang mga mag-aaral.

Ang pamamaraan ay naglalaman ng mga gagawin ng guro at ng kanyang


mga estudyante mula sa panimulang gawain, motiveysyon, paglalahad ng
aralin, malayang talakayan, paglalahat, paglalapat hanggang sa
pagsasagawa at pangwakas na gawain.

At upang masukat ang natutunan ng mga mag-aaral ay magbibigay ang guro


ng evalwasyon na binubuo ng ilang mga tanong tungkol sa napag-aralan.

Ang huling bahagi naman ay ang pagbibigay ng kasunduan o asaynment para


sa susunod na aralin.

d.4. Mga Uri ng Banghay-Aralin

Mga Uri

Ang banghay-aralin ay isang plano ng mga aralin ng isang guro. Dito


nakalagay kung ano ang magiging takbo ng talakayan sa araw-araw. Ito ay
may tatlong uri: ang detalyadong banghay-aralin na mayroong gawain ng mga
guro at mag-aaral, ang semi-detalyado na mayroong gawain ng guro at ang
banghay-aralin na brif kung saan nakabuod na lamang ang bawat bahagi.

May tatlong uri ng kayarian ang pang-araw- araw na banghay ng pagtuturo:

1. Masusing Banghay Ng Pagtuturo


2. Mala-masusing Banghay
3. Maikling Banghay

1.Masusing Banghay Ng Pagtuturo - ito’y ginagamit ng mga bagong guro at


mga gurong mga-aaral. Ginagamit din ito ng mga datihan nang guro kapag
naatasang magpakitang- turo. Sa ganitong anyo ng banghay, nakatala pati
ang tanong ng guro at ang inaasahang dapat na sagot ng mag-aaral.

2.Mala-Masusing Banghay - ito’y higit na maikli kaysa masusing banghay ng


pagtuturo. Sa halip na mayroon pang bahagi ang Gawaing Guro at Gawaing
Mag-aaral binabanggit na lamang nang sunod-sunod ang gagawin ng guro sa
klase.

3.Maikling Banghay - ito’y talagang maikli lamang . Sa banghay na ito, sapat


FIL182: PAGTUTURO NG
FILIPINO BILANG CSSH-ABFIL
PANGALAWANG WIKA
ng banggitin kung anong pamaraan ang gagamitin ng guro o di kaya’y
banggitin ang sunod- sunod na hakbang sa maikling pangungusap

E. Ang mga Layuning Pampagtuturo

Ang hanguan ng mga layunin ng pagtuturo ay ang mga layunin ng edukasyon


sa iba’t ibang antas: elementarya, sekundarya, at tersyarya. Kaya’t anuman
ang asignatura at guro, dapat niyang isaisip na ang paglinang sa buong
katauhan ng bata na siyang panlahat na layunin ng edukasyon.

Ano ang mga layunin sa pagtuturo? Ang mga ito ay mga tiyak na
pagpapahayag ng mga inaasahang pagbabago sa panig ng mag-aaral. Ang
mga pagbabagong inaasahang magaganap sa katauhan ng bata ay maaaring
mapangkat sa tatlong lawak: pangkaisipan o pangkabatiran (cognitive),
pandamdamin (affective), at pampisikat o saykomotor (psychomotor).

Sa pagbuo ng mga layuning pangkatauhan o pangkagawian (Behavioral


Objective), tandaan ang mga sumusunod na paalala:

1. Banggitin ang gawi o Gawain ng mag-aaral ayon sa pananaw ng mag-aaral


at hindi sa pananaw ng guro. Ang mga layunin sa pananaw ng guro ng
nagsisimula sa matutuhan, maunawaan, maikintal, mapahalagahan, at iba pa,
ay dapat iwasan sapagkat angmga ito ay walang sapat na kalinawan sa kung
ano ang dapat gampanan o dapat ipamalas ng mag-aaral. Ang mga salitang
tulad ng mapaguri-uri, makapagmungkahi. Makabuo, malinawan, at iba pa,
ang higit na mabuti sapagkat ang mga ito ay tahasang nagsasabi ng tiyak na
gagawin ng mag-aaral.

2. Bumuo ng mga layunin sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga tiyak na


gawi o gampanin na maaaring makita, marinig, maisip, maramdaman o
maaaring bunga ng pagkaganap, gaya halimbawa ng, “Magunita ang mga
karanasang may kinalaman sa nagdaang lindol;” “Mabigkas ang mga salitang
pares minimal nang malinaw at tumpak;” o kaya’y “Inaawit ang Lupang
Hinirang ng wasto at may damdamin.”

3. Ang pagdaragdag ng mga salitang nagsasaad ng antas o kasidhiang


pagganap tulad ng “Mailarawang ganap,” “Mabigkas nang may katamtamang
bilis,” ay ang nakapagdaragdag ng kalinawan sa layunin.

4. Banggitin ang kaluwagan o kahigpitang ibibigay sa mag-aaral sa pagganap


sa Gawain. Halimbawa: “Makaguhit ng iba’t ibang anyo ng tatsulok sa tulong
ng ruler;” o kaya’y “Makaguhit ng iba’t ibang anyo ng tatsulok nang hindi
gumagamit ng ruler.”

E.1. Mithiin, Tunguhin, at Layunin

Tatlong Kategorya ng Layuning Pampagtuturo

Mga Mithiin (Goals)


FIL182: PAGTUTURO NG
FILIPINO BILANG CSSH-ABFIL
PANGALAWANG WIKA
 Malawak na pagpapahayag ng direksyon para sa isang programang
pang-edukasyon.
 Binibigyang liwanag ng mga dalubhasa sa pagbuo ng palarong
pambansa.
 Ang mga mithiin ay naglalarawan ng set ng mga pambansang prayoridad
para sa mga programang pang-edukasyon at pampaaralan subalit ito ay
hindi nagbibigay ng mga tiyak na patnubay sa mga guro para mailapat sa
isang pagtuturong pangklase.

Mga Tunguhin (Aims)


 Mas tiyak at may pokus kaysa sa mithiin.
 Nagbibigay ito ng direksyon para sa isang tiyak na aralin.
 Kumakatawan ito para matupad ang isang mithiin at padalisayin ang
pokus upang maiugnay sa mga inaasahang pagkatuto.
Halimbawa:
 Maunawaan kung paano nagiging batas ang isang panukalang-
batas.
 Malalaman kung paanong ang kapangyarihan at pananagutan na
pinaghati-hati sa mga sangay ng ehekutibo, lehislatibo, at
hudisyal sa ating pamahalaan.

Mga Layunin (Objectives)


 Ito ay ang pagpapahayag sa tiyak na pananalita ng mga pagkatuto o
gawain na inaasahang maipapakita ng mga mag-aaral pagkatapos ng
isang pagtuturo.
 Ang mga ito ay dapat na isaad sa isang paraang tiyak, at ang bunga o
kinalasan ay nagsusukat.
Halimbawa:
 Nailalarawan ang mga hakbang na isinagawa sa isang
eksperimento.
 Naipaliliwanag ang paksang-diwa ng isang maikling kwento.
 Nabibigyang-kritik ang binasang aklat o napanood na pelikula.

E.2. Ang ABCD Pormat sa pagbuo ng mga Layunin

Audience-Behavior-Condition-Degree Pormat

Ayon kay Armstrong at Savage (1994), ito ay isang praktikal na lagom ng mga
talakay hinggil sa mga katangian ng isang mahusay na layuning
pampagtuturo. Tinatawag din itong layuning pangkagawian o “pupil
performance objective.”

Audience. Ito’y tumutukoy sa kung kanino nakatuon ang pagtuturo at kung


sino ang gagawa ng mga task o gawain.

Behavior. Ito’y paglalarawan ng mga nakikita o namamasid na gawi o kilos


na inaasahang maipakikita ng mga mag-aaral bilang bunga o resulta ng
kanilang pagkakahantad s aisang pagtuturo.

Condition. Ito’y paglalarawan ng uri ng pagtataya o ebalwasyong gagamitin


FIL182: PAGTUTURO NG
FILIPINO BILANG CSSH-ABFIL
PANGALAWANG WIKA
upang makatiyak kung may masteri sa itinakdang kilis o gawi sa pagkatuto.

Degree. Ito’y paglilinaw hinggil sa pinakamababang sukat o antas ng


pagganap sa gawain bilang ebidensiya ng masteri.

Halimbawa:
(A) Ang bawat pangkat (B) ay nakasusulat © ng isang sanaysay na
naglalahad (D) ng hindi kukulangin s alimang dahilan kung bakit napiling
pambansang bayani si Jose Rizal.

F. Ang mga Domeyn sa Pagkatuto (Domains of Learnings


Benjamin Bloom)

Ang domeyn ng pagkatuto ay nakaangkla sa pag-aaral ni Benjamin Bloom


taong 1958 na kung saan ay inilalarawan na ang kognitibong domeyn ay ang
tampok sa kaniyang pag-aaral na inilambag sa Taxonomy of Education
Handbook.

Pangkabatiran (cognitive)

Mga layunin na lumilinang sa mga kakayahan at kasanayang pangkaisipan ng


mga mag-aaral. Tumutukoy rin ito sa mga pag-iisip na rasyunal, sistematiko
at intektwal. Karamihan sa kabatirang pangkobnitibo ay napapaloob sa
Bloom’s Taxonomy ni Benjamin Bloom.

Anim na lebel ng mga herarkiya ng pag-iisip ayon kay Benjamin Bloom

1. Kaalaman-Tumutukoy sa simpleng paggunita sa mga natutuhang


impormasyon.

2. Komprehensyon -binibigyang diin ang pag-unawa sa kahulugan ng


impormasyong natutuhan at pag-uugnay nito sa mga dating
impormasyon. Nagsasangkot ito ng pagbawi ng mga tukoy at unibersal
na aspeto, ang pagbawi ng mga pamamaraan at proseso o ang
paggaling ng isang pattern, istraktura o pagsasaayos.Pag-unawa Ito ay
tumutukoy sa isang uri ng pag-unawa o pangamba tulad ng alam ng
indibidwal kung ano ang nais iparating. Maaari mong magamit ang
materyal o ideya na nais iparating nang hindi kinakailangang maiugnay
ito sa ibang materyal o makita ang mas buong implikasyon nito.

3. Aplikasyon-paggamit sa natutuhan sa iba’t ibang paraan o teksto. Ito


ay tumutukoy sa paggamit ng mga abstraction sa partikular at
kongkretong sitwasyon.

4. Analisis-pag-unawa sa ugnayan ng mga bahagi at organisasyo ng


natutuhan upang makita ang kabuuan. Kinakatawan ang pagkasira ng
isang komunikasyon sa mga nasasakop na elemento o bahagi, upang
ang kamag-anak na hierarchy ng mga ideya ay malinaw at ang mga
ugnayan sa pagitan ng mga ideyang ipinahayag ay ginawang malinaw.
FIL182: PAGTUTURO NG
FILIPINO BILANG CSSH-ABFIL
PANGALAWANG WIKA

5. Sintesis–kailanang pag-ugnayin ang iba’t ibang impormasyon upang


makalikha ng bagong kaalaman. Ito ay nagsasangkot ng pagsasama
ng mga elemento at bahagi upang mabuo ang isang buo. Bumuo ng
mga paghuhusga tungkol sa halaga ng mga materyales at
pamamaraan para sa mga tiyak na layunin.

6. Ebalwasyon–nangangailangan ng pagbuo ng sariling pagpapasiya sa


liwanag ng mga inilahad na mga krayterya.

Pandamdamin (Affective)

Nauukol ang mga layuning pandamdamin sa paglinang ng mga saloobin,


emosyon, kawilihan at pagpapahayaga ng mga mag- aaral. Ito ay may
limang kategorya:
1. Pagtanggap (Receiving)
2. Pagtugon (Responding)
3. Pagpapahayag (Valuing)
4. Pag-oorganisa (Organization)
5. Karakteresasyon (Characterization).

Saykomotor (Psychomotor)

Nanggaling sa dalawanga salita na: Psycho o mag-iisip at Motor ay galaw.


Napapaloob dito ang mga layuning makalilinang sa kasayang motor at
manipulatibo ng bawat mag-aaral.

Behavioral Term

COGNITIVE
 Nakapagpapaliwanag
 Nakakatalakay ng may katalinuhan
 Nakapagmumungkahi ng iba’t-ibang paraan
 Nakapaglalahad
 Naipakikilala
 Nakapapanukala
 Nakapagmumungkahi ng ideya
 Nakapaglalarawan
 Nakapagsasaysay
 Nakapaghahambing

PSYCHOMOTOR
 Nakaguguhit/naiguguhit.
 Nakasusubok
 Nakapagtitipon
 Nakahahanap
 Nakapagtatamo
 Nakapagtatala
 Nakapagsasayaw
 Nakapagaawit
FIL182: PAGTUTURO NG
FILIPINO BILANG CSSH-ABFIL
PANGALAWANG WIKA
 Nakapaglilinis
 Nakapananaliksik

AFFECTIVE
 Nakapagpapahalaga
 Nakapipigil ng emosyon
 Nakakadama
 Nakatatamo ng kasiyahan
 Nakapagbibigay ng kasiyahan
 Naliligayahan
 Nakakagunita
ANG PAGTUTURO NG PANITIKAN
Panitikan: Makabuluhan at Makataong Pagtuturo

I. ANG PANITIKAN AT PAGBASA NG PANITIKAN

ANG PANITIKAN... ANO ITO?

Si Dr. Jose Villa Panganiban ay may magandang pag-aaral na pansemantikang


salitang panitikan. Ang salitang panitikan, aniya, ay binubuo ng pang- na unlapi, ng
salitang-ugat at ng -an na hulapi. Nagigıng pan- ang pang- kung inuunlapi sa salitang
nagsisimula sa mga titik na d, l, r, s at t. Karaniwan ding kinakaltas ang titik na t kung
saklaw ng tuntuning nabanggit. Kaya't sa halip na pangtitikan ay nagiging panitikan na
ang katumbas sa Ingles ay literature at literatura sa Kastila. Ang salitang titik ay litera
sa Latin, letra sa Kastila at letter sa Ingles na mga salitang-ugat ng kanilang panumbas
na salita sa panitikan.

Hindi sana makagugulo sa iyo ang suring ito sa salitang panitikan. Ang mahalaga
sa panitikan ay ang pagbasa. Oo, ngunit hindi pagbasang kakaiba.

Dalawa ang karaniwang banggit kung bakit nagbabasa ang isang tao. Una,
nagbabasa siya upang makapagtamo ng mahalagang impormasyon. Para makapagluto
ng isang espesyal na pagkain, kailangan ang pagbabasa ng isang resipe. Kung
kailangang kumpunihin ang isang makina o isang telebisyon set, manwal sa
pagkukumpuni ang binabasa. Upang matutuhan ang isang aralin, aklat tungkol dito ang
babasahin. Ang lahat ng ito'y pagbabasa... ngunit pagbabasa na udyok ng
pangangailangan.

May iba pang nagagawa ang pagbabasa. Lalo't higit ang pagbabasa ng
panitikan. Napapatawa ka nito... napapakislot... kakaligkigin ka rito at kung minsa'y
papawisan ka ng malapot. Kung nagbabasa ng panitikan, nagagawa mong maihatid
ang sarili sa isip at diwa ng mga tampok na nilalang. Nabibigyan ka nito ng mga bagong
tainga at mata... bagong kaisipan... bagong damdamin. Ito ang karanasang matatamo
mo sa pagbabasa ng panitikan. Tanawin ito bilang isang nasusulat na tala na
magdudulot sa iyo ng bagong karanasan.. ng bagong pagtanaw sa buhay.

Tandaan.. ang panitikan ay hindi hanguan ng impormasyon. Ikaw ang panitikan.


Nananatiling nakalimbag lamang ang mga salita sa isang babasahing panitikan
hanggang hindi ito binubuhay. Ikaw ang bubuhay.. magbibihis...magbibigay ng bagong
anyo.. sa akda.

Sa pagbibigay ng panibagong hugis, anyo at diwa sa isang akda, dapat ay taglay


mo na ang mga batayang kasanayan at kaalamang pampanitikan na kapag nasa isip at
diwa... di na mawawaglit. Ikaw ang bubuhay.. di na mawawala.

ANG PAGBASA NG PANITIKAN

Ang pagbasa ng panitikan ay hindi lamang nakapokus sa proseso ng pagkuha


ng kahulugan ngunit kasangkot din dito ang pagbuo ng kahulugan. Ang nakukuhang
pagpapakahulugan sa teksto ng isang mambabasa ay katimbang ng dating alam na
nakalagak sa isipan at maayos na nakaimbak ayon sa kategorya. Ang taglay ng
mambabasa ay ang kanyang mga karanasan tuwiran o di tuwiran man (Hal. Natamo sa
pagbabasa at pagkakahantad sa midya). Ang mga babasahing ito'y nagbibigay sa
mambabasa ng kaisipan at sensitibong pananaw sa mga pangyayari, tauhan at mga
sitwasyong inilalahad. Nagagawa rin ng mga taglay na karanasan o dating alam ng
mambabasa na maunawaan, kalugdan at mapahalagahan ang isang akdang
pampanitikan.

Sabi ni Rushdie (1990), bawat isa sa atin ay may taglay na 'laybrari' na imbakan
ng mga kwentong walang kaayusan ang pagkakabuo. Ang mga kwentong ito'y
maaaring magbago at maging bagong bersyon o di kaya nama'y maaari itong idugtong
sa iba pang kwento at maaaring kaiba sa naunang kwento. Ang mag-aaral na may
taglay na maraming karanasan ay inaasahang magkakaroon ng higit na pag-unawa at
pagkalugod sa daigdig ng imahinasyon na nililikha ng mga akdang panitikan.

Samakatuwid, ang pagbabasa ng panitikan ay hindi lamang nakatuon sa pag-


unawa ng isang teksto. Sa pagbabasa ng isang akda, lumilikha ang isang mambabasa
ng isang daigdig na bunga ng dalawang imahinasyon-ang imahinasyon ng mambabasa
at may akda.

ANG PANITIKAN SA ISANG KLASENG PANGWIKA

Para sa mabisang pagkatuto ng wika, kailangang handugan ang mag-aaral ng


mga awtentikong kagamitan sa pagkatuto na abot ng kanilang pang-unawa- mga
kagamitan sa pagkatuto na tinagurian ni Krashen (1982) na comprehensive input.
Samakatuwid, tungkulin ng isang guro ng wika na paglaanan ang mga mag-aaral ng
sapat na dami ng comprehensive input na magsisilbing mga modelo sa paggamit ng
wika tungo sa pagpapalawak at pagpapadalisay ng kaalaman nila sa balarila. Tungkulin
pa rin ng guro na alamin kung paano pinipili at pinag-aayaw-ayaw ang mga salita upang
makabuo ng isang kaisipan, at upang maunawaan nang lubos ang wikang naririnig at
binabasa para sa ganoon ay makalahok ang mga mag-aaral sa mabisang
pakikipagtalastasan. Isang lawak na maaaring paghanguan ng ganitong uri ng input ay
ang mga akdang pampanitikan. Makikita sa mga akdang ito kung paanong ang mga
salita ay maingat na pinipili sa pagbuo ng isang obra na maghahain sa bumabasa ng
isang bagong karanasan. Ang panitikan bilang input sa isang klaseng pangwika ay
maaaring magdulot ng kakaibang kawilihan at interes sa mga mag-aaral sa punto ng
nilalaman, tema, paksa at gamit ng wika. Higit sa lahat, ang panitikan ay maaaring
maging tuntungang bato para sa pagsulong at pag-unlad ng personal na katangian ng
isang mag-aaral.
Nagagawa rin ng panitikan na maitaguyod ang kabuuang pag-unlad ng isang
mag-aaral sa mga aspektong sosyal, moral, intelektuwal, estetiko at pagpapahalaga
bukod pa sa nalilinang ang kanyang kasanayan sa mabisa at epektibong paggamit ng
wika. Ang mga kabatirang ito ay nagbabadya na kung gagamitin ang panitikan bilang
input sa klaseng pangwika, kailangan ng gurong gumamit ng mga dulog na ang
pinakasentro ng lahat ng pagpaplano ay ang mag-aaral.

Makikita sa dayagram sa ibaba kung ano ang maaaring magawa ng panitikan bilang
input sa klaseng pangwika,
1. Ang Paglinang ng Wika

Ang mga akdang panitikan ay makatutulong nang malaki sa paglinang ng wika


bilang:

» modelo sa mabisang paggamit ng wilka;

» mga istimulo para sa mga gawaing pangwika:

» at mga konteksto para sa gawaing pangwika.

Bilang modelo sa mabisang paggamit ng wika, maipapakita ng mga akdang


panitikan kung paanong ang talasalitaan, balarila at mga huwaran; diskurso ay
mabisang magagamit sa iba't ibang anyo ng pagsulat upang maipahatid ang isang
mensahe at kung paanong magagawa ng panitikang gisingin ang mga pandamdam
upang makapagpasigla sa pagbibigay tugon. Ang paggamit ng mga tayutay sa mga
akdang pampanitikan halimbawa, ay magsisilbing paghimok sa mag-aaral sa
pagbibigay ng masining na paghahambing ng mga bagay o pangyayari.

Halimbawa:

Hamog ka at ako'y di mapansin

Nag-aabuloy rin ng ganda sa mundo.

(metapora)

Habang nanunubok ang sinag ng buwan, sa silid na iyong kinahihimlayan.

(personipikasyon)

Ang mga ganitong pahayag ay makakapagpatalas sa pananaw at imahinasyon


ng mga mag-aaral at mag-aakay sa kanila na tanawin ang daigdig sa isang
kaparaanang malikhain at tigib ng imahinasyon.

Nagagawa rin ng mga akdang pampanitikan na matutuhan ng mga mag-aaral


ang mga pormal na kombensyon na ginagamit sa pagsulat. Sa pamamagitan ng
pagbabasa ng panitikan, nahahantad sila sa mga hugis at anyo ng isang akda gaya ng
mga pariralang "Noong unang panahon" at "May ngiti sa labing binagtas nila ang daan
patungong kabayanan," ay magbibigay sa mga mag-aaral ng kamalayan sa pagsisimula
at pagtatapos ng akdang pasalaysay.

Nabubuksan din ang kanilang isipan sa katotohanang ang mga kwento at tulang may
mga bahagi ng pag-uulit ng mga salita, parirala o pangungusap ay nakawiwili sa mga
mambabasa lalo na sa mga bata. Makikita ang ganitong mga pag-uulit sa mga
kwentong-bayan at mga pabula.

2. Paglinang na Personal

Malaki ang naitutulong ng panitikan sa pag-unawa sa puso't kaisipan ng tao.


Inilalahad nito ang mga mithiin, lunggati, pagkatakot, pangamba, pag-asa,
pagmamahal, pagkamuhi ng tao. Katungkulan ng guro na akayin ang mag-aaral na
matuklasan ang mga damdamin at kaisipang ikinaiiba ng tao sa hayop upang mapabuti
ang kanyang pagkatao. May mga manunulat na naniniwala, gaya ng Italyanong si
Pirandello, o ng Hapong si Mishima at maging ng ating kababayang si Edgardo Reyes,
halimbawa, na ang misyon ng panitikan ay pawiin ang lambong ng pagkukunwaring
tumatakip sa mukha ng tao. Sinasabing ang visceral response o ang malalimang
pagtugon ang pinakamabisang paraan sa pagtuturo nito sapagkat hinihimay ang kaliit-
liitang bahagi ng ating pagkatao (Probst, 1981).

3. Paglinang na Sosyal at Moral

Nagagawa ng panitikan na maranasan at maramdaman ng mambabasa ang


mga pag-iisip at pagdaramdam ng mga taong malayo sa kanyang kinaroroon. Ang
malikhaing pananaw na ito sa mga karanasang hindi pa nasusumpungan ay
makatutulong sa kanya upang lubos na maunawaan ang buhay. Ang mga gawaing
pangwika na gumagamit ng mga akdang panitikan bilang konteksto ay makatutulong sa
mag-aaral upang malinang ang kanyang kamalayan sa mga isyung pantao at
kabuhayan pati na ang mga sistema ng pagpapahalagang kaugnay ng mga ito.

Samakatuwid, tuwiran nating masasabi na magagawa ng panitikan sa isang


klaseng pangwika ang katotohanang ang buhay ay hindi simpleng proseso ng mabuti
laban sa masama at ang kalagayan sa buhay ay hindi rin basta matatakdaan ng itim o
puti.
4. Paglinang na Estetiko

Ang salitang "estetiko" ay maikakapit natin sa kaisipang may kaugnayan sa


sining kasama na rito ang panitikan, sa aspektong pangkagandahan," "panlasa,"
"imahinasyon" at "pagpapasya." Kasama sa "estetikong karanasan" sa panitikan ang
kahulugang natatamo natin sa pagbabasa ng isang kwento o nobela; pakikinig sa
masining na pagbasa ng tula o panonood ng isang dula. Nagagawa nitong salingin ang
ating diwa at emosyon. Ang pagkakahantad sa mga mahuhusay na panitikan mula sa
mga tugmang bata hanggang sa mga premyadong akdang pampanitikan ay mag-aakay
sa mga mag-aaral upang tangkilikin at mapahalagahan ang mga ito. Magagawa rin ng
guro ng wika na mapayaman ang estetikong kamalayan ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng pagsasama sa mga programang pangwika ng mga malikhaing gawain
gaya ng pagtatanghal ng dula at sabayang pagbasa. Maikakapit rin ng guro ang
paggamit ng biswal (pagpinta) sa paglalarawan ng mga imahen ng isang tula o di kaya'y
gamiting huwaran para sa kanilang malikhaing pagsulat.

Nasa kamay ng guro ang ikagaganda ng pag-aaral ng panitikan-yaong


pagsasamahin ang ugnayan ng sangkap ng isang sining sa diwa o temang ibig
palitawin ng mangangatha. Sa tula, halimbawa, ang imahen o tayutay ay nag-aambag
sa tayog ng kaisipan. Mailalahad rin ng guro ang hanay ng mg salita, ang indayog ng
mga parirala, ang palagay o tono ng makata, ang lunan, panahon at oras na pinag-
iikutan ng tula, maging ang damdamin nito, upang maipaliwanag ang angking
kakanyahan ng isang anyong sining.

Ang inilahad na mga gawain ay maaaring maging epektibong pangganyak sa mga mag-
aaral upang pag-aralan ang wika at lubos itong mapahalagahan.

II. PROSESO NG PAG-AARAL NG PANITIKAN


Ayon kina Cooper at Purves (1973) may walong pamaraan o prosesong ginagamit ang
mga mag-aaral sa pagbabasa/pag-aaral ng panitikan:
1. paglalarawan;
2. pagtatangi,
3. pag-uugnay,
4. pagsusuri,
5. paglalahat,
6. pagpapahalaga,
7. pagtataya;
8. at paglikha.

Sa paglalarawan, magagawa ng mag-aaral na maipahayag sa sariling pangungusap,


pasalita o pasulat man ang tungkol sa kanilang binasa.

Sa pagtatangi, napag-uuri ng mag-aaral ang mga seksyong binasa, halimbawa,


pagkilala ng genre, pagkilala sa may akda, at pagtukoy sa kaisipan o tema ng binasang
akda.

Sa pag-uugnay, nagagawa ng mag-aaral na maiugnay ang mga sangkap na ginamit sa


isang akda. Halimbawa, bakit may bilang ang mga talatang bumubuo sa kwentong
“Uhaw ang Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo? Bakit palaging sinasambit ang salitang
“mabuti” sa “Kwento ni Mabuti” ni Genoveva Edroza-Matute?

Sa interpretasyon o pagsusuri, puspusang ipinaliliwanag at pinangangatwiranan ng


mga mag-aaral ang temang nais ibahagi ng may-akda sa kanyang mga mambabasa.
Halimbawa, Ano ang ibig sabihin ng pamagat ng dulang “Moses, Moses” ni Rogelio
Sikat at “Walang Panginoon” ni Deogracias A. Rosario?

Ang pagsusuri ng pamagat na ginamit sa isang akda ay makatutulong sa pagtukoy sa


tema ng di mangangaral. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagsusuri sa dayalogo ng
mga tauhan, sa pagpapaliwanag sa mga simbolo at maging sa pagsapo sa tunggalian.
Sa bahaging ito’y makatutulong nang malaki ang kaalaman ng guro sa paglalapat ng
mga teoryang pampanitikan na kanyang napag-aralan.

Sa ikalimang proseso, ang paglalahat, magagawang mailapat ng mag-aaral ang


kanyang natutuhan buhat sa akda sa pagbabasa ng iba pang akda. Katulad rin ito ng
paglalapat ng mga kasanayang natutuhan sa panitikang Filipino sa pag-aaral ng
panitikang Ingles, maging ito’y tula, dula, maikling kwento, sanaysay o nobela.

Sa ikaanim na proseso ay ang pagpapahalaga na karaniwang ginagawa pagkatapos


basahin ang isang akda. Ngunit hindi tuwirang itinuturo ang pagpapahalaga, lilitaw ito
sapagkat hitik na hitik sa pagpapahalaga ang panitikan.

Upang magkaroon ng direksyon ang pagtuturo ng pagpapahalaga sa panitikan,


binanggit ni Alcantara (1987) ang sumusunod na mga tagubilin o patnubay:
1. Dapat tanggaping lahat ang sagot ng mag-aaral sa tanong ng guro. Hindi siya
dapat naghuhusga na ginagamit ang pamantayang galing sa sarili;
2. Hinihikayat niya ang pagbibigay ng iba’t ibang sagot sapagkat batid niyang
walang lubos na tama o maling sagot sa tanong na pagpapahalaga;
3. Ginagalang niya ang karapatan ng mga mag-aaral kung nais nilang lumahok o
hindi sa talakayan;
4. Ginagalang niya ang bawat sagot ng mga mag-aaral;
5. Ginaganyak niya ang bawat mag-aaral na sumagot nang may katapatan;
6. Nakikinig o nagtatanong siya upang malinawan ang nais na mabatid ng mga
mag-aaral;
7. Iniiwasan niya ang pagtatanong na magbibigay ng pagkabahala sa mga mag-
aaral; at
8. Nagtatanong siya nang may pagmamalasakit sa kalooban ng mag-aaral.

Sa pagtataya, mapapahalagan ang kagalingan, kabutihan o kapintasan ng isang


bahagi / uri ng panitikan sa pamamagitan ng paggamit ng mga tiyak na pamantayang
sinusunod sa pormalistiko o estetikong pagsusuri gaya ng pinaglalakip ang mga
paraang ginamit ng may-akda sa pagpapalutang ng mga sangkap o anyo ng kanyang
isinulat, sa lalim ng kanyang tema o pilosopiya, gayon din ang kanyang pananaw
(vision) bilang isang alagad ng sining.

Ang paglikha ang pinakatampok sa proseso ng pagbabasa/pag-aaral ng panitikan dahil


mahalaga dito ang masigasig na pamamatnubay ng guro upang makalikha ang mga
mag-aaral ng sariling kwento, sanaysay, tula o dula.

III. MGA PAGDULOG SA PAGTUTURO NG PANITIKAN

Nagkakaroon ng malalim na pagpapahalaga sa panitikan ang mga mag- aaral kung ang
gurong umaakay sa kanila upang "maranasan" ang mga akdang panitikan ay may
ganap ding pagkakilala at pagpapahalaga sa iba't ibang genre ng panitikan. Nais nating
makawilihan ng mga mag-aaral ang pagbabasa ng panitikan. Subalit hindi natin
maipamamahagi ang pagkawiling ito sa panitikan kung tayo sa ating sarili ay hindi
kakikitaan ng pagkalugod sa pagbabasa. Kung nais nating laging nasa isipan ng mga
mag-aaral ang panitikan, kailangan handa rin tayong bumigkas ng mga linya ng tula,
kung hindi man ng buong tula sa harap ng klase. Sa madaling salita, kailangang ipakita
natin ang sariling interes sa panitikan kung nais nating gustuhin ito ng ating mag-aaral.
Hindi natin maibigay ang wala sa ating katauhan.
Sa larangan ng pagtuturo, kailangang malawak din ang kaalaman ng guro sa kabuuan
ng teksto; kailangang may kabatiran siya sa iba't ibang pakahulugan ng mga salita,
larawan at tema ng teksto; kung hindi alam ng guro ang papel ng wika at teksto,
maasahan mo bang maiintindihan ang mga ito ng mag-aaral? Tandaan, ang hindi natin
alam ay hindi natin maituturo.

Naniniwala ang maraming kritiko at dalubhasa na maraming paraan ng pagbabasa sa


teksto. Maraming teorya ng panitikan. Maraming pagpapakahulugan at interpretasyon
ang maaaring gawin kahit na iisang teksto lamang ang binabasa. Maraming aspekto na
taglay ang mga teksto bukod sa kwento at aral na mapupulot dito na karaniwang pokus
lamang sa pag-aaral ng panitikan. Samakatuwid, mahalaga para sa isang guro na
patuloy na nagbabasa ng mga artikulo, pananaliksik at mga aklat tungkol sa mabisang
pagtuturo upang laging maisapanahon ang mga nakagawiang mga paraan sa
pagtuturo.

Sa lawak ng pagtuturo ng panitikan ay may iba't ibang pagdulog na maaaring gamitin


ang guro. Datapwat dapat maunawaan sa puntong ito na walang isang pamaraan o
dulog sa pag-aaral at pagsusuri na magbibigay ng tamang pagpapakahulugan sa
binasa. Nasa porma at nilalaman ng seleksyon ang pagpili ng angkop na pamaraan at
dulog.

PagduloG PORMALISTIKO

Sa dulog na ito'y pinagtutuunan ng pansin sa katha o akdang pinag- aaralan ang mga
elementong bumubuo sa katha. Madaling maipapaliwanag ang kabuuan ng mga akda
kung ang mga elementong taglay lamang ng akda ang higit na pinag-uukulan ng
pansin. Pormalistiko ang dulog ng pag-aaral ng isang akda kung inihihiway ang akda sa
buhay o pangyayaring kinasasangkutan ng may-akda, pangkasaysayan man o
panlipunan. Ayon kay Soledad Reyes, "sa paggamit ng pormalistikong pagdulog ay
napagtutuunan ng pansin ang mga detalye at bahagi ng kwento upang itanghal ang
pagiging masining at malikhain ng komposisyong ito." Tinatalakay ang magagandang
pagkakaugnay-ugnay ng mga bahagi ng katha-ang tema, ang tauhan, ang tagpuan at
ang pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari sa dulog pormalistiko.

Pagdulog MORALISTIKO

Ayon sa maraming kritiko, hindi sapat na maipakita at mapatunayan kung bakit at


paano naging masining at malikhain ang isang akda. Dapat ay ipakita ang
pamantayang moral na nakapaloob sa akda. Sa pagdulog moralistiko, pinag-aaralan
ang panitikan at may pagtatangkang gamitin ito bilang instrumento ng pagbabago ng
tao at ng lipunan. Hindi sapat na ilahad ang panitikan bilang salamin ng buhay kundi
manapa'y sa isang malikhain a masining na kaparaanan ng manunulat ay maipakita
ang mga kaisipang moral, ang halaga ng tao, ang kanyang karangalan at kadakilaan.

Sa pag-aaral ng akda ay naroroon ang moralistikong pananaw at binigyang- diin ang


layuning dakilain at pahalagahan ang kabutihan at iwaksi ang kasamaan. Ngunit huwag
ipagkamali na sa pag-aaral ng akda na ng pagdulog moralistiko ay sapat nang itanong
ng guro ang "anong aral nakuha sa akda." Dapat alamin na hindi nilikha ang masining
na panitikan upang mangaral lamang at lantarang "ituro" sa mambabasa ang wasto at
dapat asalin o ugaliin. Hahamunin ng isang mabuting guro ng panitikan ang mga mag-
aaral na matamang magsuri at magtimbang-timbang ng lakas at kahinaan, ng tatag at
karupukan ng tao sa harap ng mga pagsubok sa kanyang pakikipagtunggali sa buhay.
Ang talakay sa dulog moralistiko ay nakatuon sa bisa ng panitikan sa kaasalan,
kaisipan at damdamin ng tao. Sa pamamagitan ng dulog na ito, naisasakatuparan ang
isang mahalagang tungkulin ng panitikan ayon kay Ruskin, ie. itaas ang ating
pagpapasya o panlasa upang makaabot sa kinikilalang matapat at tumpak sa tunay na
buhay. ginagamitan ang

Pagdulog Sosyolohikal O HISTORIKAL

Ang sining ay nagsisimula sa kabuuan, di sa kawalan. Sa mga kritikong gumagamit ng


pwersa ng kasaysayan, mataman nilang pinag-aaralan ang kaugnayan ng may-akda sa
kanyang milieu (kapaligiran o panahon) at kung paano ito tumutugon sa
pangangailangan o mga suliranin nito. Sa paningin ni Scott (1965), hangga't
"mapananatili ng panitikan ang bigkis nito sa lipunan, ang pamaraang sosyolohikal,
mayroon man o walang panghikayat ng isang tiyakang teorya, ay magpapatuloy na
magiging malakas o mabisang puwersa ng kritisismo." Ang tradisyon, halimbawa ng
pakikisangkot ng mga nobelistang Pilipino sa kanilang kapaligiran ay masasalamin
magbuhat kina Rizal, Lope K. Santos, Faustino Aguilar, Amado V. Hernandez, Lazaro
Fransisco, kina Edgardo Reyes, Rogelio Sikat, Liwayway Arceo, Eduardo Drillon at
Lualhati Bautista (Reyes, 1982),

Ito'y mainam na gamitin sa pag-aaral at pagsusuri ng panitikan o akdang pumapaksa sa


mga karanasan ng tao sa iba't ibang kalagayang panlipunan. pampulitika, pangkultura
at pangkabuhayan. Hindi lamang ang mga elemento ng akda ang pagtutuunan ng
pansin sa pag-aaral kundi manapa'y higit na pansin ang luukol sa ugnayang sosyo-
kultural, politikal at kapamuhayan at damdamin, asal, kilos, reaksyon dito ng tao.
Sinasabing ang panitikan ay masining na pagpapahayag ng damdamin, asal at gawi ng
tao batay sa mga kapaligirang sosyo-kultural at panitikan din ang makapangyarihang
lakas na may bahaging ginampanan sa pakikipag-ugnayang sosyo-kultural.
Sa pagsusuri ng mga akda ay tinatalakay ang mga kalagayang sosyal, ang mga
sitwasyong nag-uudyok ng karahasan, nagtutulak sa tao sa ganoon at ganitong buhay,
mga pagkakataong nagiging sanhi o bunga gaya ng mga pang-aapi at pagkaapi,
pagkaduhagi, kaimbihan o dili kaya'y ng kadakilaan, kagitingan, kabayanihan ng isang
tao o pangkat ng tao. Sa ganitong dulog, ang sistema ng pagpapahalaga sa lipunan
ang binibigyang-pokus.

Pagdulog Sikolohikal

Ang sikolohikal na pagdulog ay maituturing na isang susi sa pag-unawa sa mga paraan


ng sining, sa mga nakakubling layunin ng mga manlilikha at mga motibo ng mga tauhan
sa isang akda. Tinatalakay sa mga akda ang mga damdaming namamayani sa mga
tauhan gaya ang pagmamahal, paghanga, pagdakila, gayundin ang mga negatibong
damdamin ng pangamba, takot, galit, pagkabigo at iba pa. Mahalagang masuri ang mga
emosyon at makilala ang tunay na katauhan ng indibidwal. Sa kaisipang Freudian,
sinasabing patuloy na hahanap-hanapin ang nakagawian na o paulit-ulit na kilos o gawi
ng tao. Diyan naglulundo ang pagkalinang ng damdaming emosyunal at diyan din
umuusbong ang mga suliraning sikolohikal.

Sa dulog sikolohikal, malakas ang tulak na ibinibigay ng mga kaisipang inilahad ni


Freud hinggil sa pagkalinang na emosyunal ng isang tao. Sang-ayon kay Freud ang
bukal na mayamang guni-guni ng tao, ng kanyang kaisipan at mga mulaan at sanhi ng
kanyang asal at kilos ay naroroon na at nakaimbak sa bahagi ng isipang di
namamalayan (subconscious). Si Freud ang nagpakilala ng kaisipang Oedipus complex
mula sa dula ni Sophocles na Oedipus Rex, na pagkakaroon ng kakatwang
damdamin/pagmamahal ng anak na lalaki sa kanyang ina. Ngunit sa maayos at normal
na paglaki at pagkakaisip, naglalaho ang ganitong pagnanais, humahanap ang bata (o
ngayon ay bagong tao na) ng ibang pag-uukulan ng ganitong damdamin at nalilinang
ang malusog na pagkatao.

Pagdulog FEMINISMO

Ang Feminismo ay isang pagbalikwas sa patriarkal na sistema ng lipunan- na ang


lalake ang may kontrol ng lipunan, na ang papel na ginagampanan ng babae'y
tagasunod lamang sa lalake sa lahat ng larangang kultural gaya ng relihiyon, pamilya,
pulitika, ekonomiya, lipunan, batas, sining (Mendiola, 1991).

Sa pagdulog na ito binibigyang pansin ang sumusunod: 1) ang mga manunulat na


babae at ang kanilang kakayahang lumikha ng mga obra; 2) mga dahilan kung bakit sila
kulang sa pansin; at 3) ang kanilang mga akda-ang tono, larawang-diwa, kalagayan,
wikang nagtataglay ng sensibilidad at iba pa.
Halimbawa:

Babae Kami
Babae kami
Hindi manikang
Lalaruin, huhubaran
Bibihisan, ikukulong
Hindi pagkaing
Sa mesa ihahain Babalatan, hihimayin
Marra Lannot

Pagdulog HUMANISTIKO O MAKATAO

Binibigyang-diin ng humanistiko o makataong kritisismo ang pagpapahalagang


napapaloob sa panitikan. Pinalulutang nito ang kadakilaan, kagitingan (o ang mga
kabaligtarang katangian) ng tao sa kanyang pagharap sa larangan ng buhay.
Halimbawa, sa mga nobela ni Lazaro Fransisco, lalo na sa "Ama" at Maganda Pa ang
Daigdig, ang pagmamahal sa kapwa tao at pagkatakot sa Maykapal ang lagi niyang
pinaiiral. Si Lualhati Bautista, isang feminista, ay nagsisikap ibahin ang tradisyong
ginagalawan ng Pilipina. Siya ay naghihimagsik na maging kasiping o kapiling lamang
ng kabiyak, ipinaglalaban niya ang kanyang karapatan at kaganapan bilang isang
nilalang na kapantay ng isang lalaki, gaya ng masasalamin sa Dekada '70 at Bata,
Bata, Paano ka Ginawa? Samantala, sa kanluraning panitikan, iginigiit lagi ni
Hemingway na ang tao'y di magagapi ng mga puwersang malawak at malaki sa kanya,
tulad ng paninindigang isinisiwalat sa mga trahedyang Griyego.

Pagdulog Istaylistiko (Stylistic)

Isang magandang pamaraan sa pagsusuri sa istilo at mga devices na ginagamit ng


awtor ang pagdulog istaylistiko. Sa dulog na ito, maaaring suriin ang wikang ginagamit
ng awtor (kolokyal, pormal, balbal, at iba pa); ang paningin o pananaw ng pagkakasulat
ng akda (unang panauhan, ikatlong panauhan, at iba pa); ang paraan ng paglalarawan
ng tauhan at ganapan ng kilos; ang mga tayutay na ginagamit; at iba pang mga
prosodic devices na makapagpapayaman ng kahulugan tulad ng tono, diin, antala at
haba sa pagbasa ng mga salita.

IV. PANIMULANG PALAGAY SA PAGTUTURO NG PANITIKAN

PAGTUTURO NG PANITIKAN... ILANG PANIMULANG PALAGAY


Hindi mahilig sa pagbabasa ng mga panitikan lalo na ng mga panitikang Filipino ang
mga mag-aaral dahil nakatali sila sa mga naidulot ng pananakop ng mga Kastila at
Amerikano. Depende rin ito sa kung papaano pinag-aaralan at tinuturo ang mga ito sa
mga paaralan. Dapat maranasan ng mga mag-aaral ang kabuuan ng akda at hindi
iyong maipakita at maiparamdam lamang ito.

Kaugnayan nito, sinabi ni Widdowson (1975) na "The students need guidance in the
approach to a genuine experience of literature but what I oppose is the kind of passive,
single channel academic spoonfeeding that remove the student from direct, active
participation in discovering the way language is used in literary discourses for the
conveying of unique messages. However, this does not mean that what teachers and
critics say about literature may not reveal a good deal of meaning but only that the full
impact of the work can only be recognized by the individual's direct experience of it."

Kadalasan din nangyayari ang palagay sa pagtuturo ng panitikan na ang lahat ng


panitikan ay "Urbana at Felisa." Nagbabasa lamang upang malaman ang mga aral na
makukuha sa mga akdang ito. Isa pang pamamaraan ay ang pagpapabasa at
pagpapasuri sa mga mag-aaral ng mga elemento ng akda. Naglahad ng ideya si
Torres-Yu (1979) hinggil sa mga obserbasyong inilahad sa itaas: "Ang mga kahinaan ng
mga pamamaraang binanggit ay nag-uugat sa isang bagay: ang pagtuturo ng panitikan
ay hindi umaalinsunod sa tunay na kalikasan at galaw ng panitikan. Ang panitikan
sapagkat salamin, isang anyo ng kamalayan ng manunulat at ng kolektibo ng mga
manunulat at tumutugon sa artistikong repleksyon at reyalidad sa yugto ng pagsulong
nito. Kaya ang panitikan ay may kasaysayan at humahango ito sa lipunang kumakandili
nito. Kung naaalinsunod ang pagtuturo sa tunay na kalikasan ng panitikan, ito'y hindi
kababagutan o kaya'y ilagan sapagkat matutuklasan nila ang dinamikong karakter ng
panitikang Filipino at ang kaugnayan nito sa kanilang buhay."

PAANO ANG PAGTUTURO NG PANITIKAN?

Walang tiyak na pamantayan sa pagtuturo ng panitikan sapagkat ito ay isang sining.


Ang mga pamamaraang ginamit sa pagtuturo ng panitikan ay magkakapareho ngunit
ang tuon ay magkakaiba. Maliban sa mga pamamaraang ginagamit na natin sa
pagtuturo, mag-isip din tayo ng mga bagong pamamaraan mula rito upang ang
pagtuturo ng panitikan ay maging masigla. Narito ang ilang batayang simulain na
maaaring makatulong sa mahusay na pagtuturo ng panitikan.

1. Panitikan ang dapat ituro at hindi ang kung ano pa man.


- Sa simulaing ito malalaman ang mga tunay na nagtuturo ng panitikan. Tandaan na
ang panitikan ay hindi kasaysayan kung kaya't kapag inilalahad ng guro ang
pinanggalingan ng isang akda at ang buhay ng may-akda nito, kasaysayan ang
kanyang itinuturo at hindi ang panitikan. Magiging kawili-wili ang isang akda dahil sa
kaligirang pangkultura at sa mga kalagayan ng panahon kung kailan naisulat ang isang
akda ngunit hindi ito ang sinasabing panitikan. Sa pagtuturo ng panitikan, sinabi ni
Sloan (1975) na "Literature must cast off its Cinderella rags. For too long it has been a
servant in the classroom; used to teach reading skill, inculcate moral values, develop
positive self-concepts, and/or provide insights into the history of other people and other
lands. Of course, it is true that literature is useful in doing all these things and more. But
literature is first of all ang art and should be taught as literature for its own sake and for
its own inherent values. Everything else associated with its study is of secondary
consideration."

2. Ang panitikan ay nagbibigay-hugis sa mga bunga ng makabuluhang karanasan ng


tao.
- Resulta ng mga mahahalagang karanasan ng tao ang panitikan. Nililinang ng
panitikan ang ating mga pangitain sa mga masalimuot na karanasan sa buhay na alam
na natin pero kailangang makita sa mga akdang pampanitikan upang ito ay
maipaliwanag. Ang mga karanasang nalikha sa ating isipan noon ay ipinaparamdam ng
panitikan. Sa pamamagitan din ng panitikan, ang mga hindi na natin natutuhan at
natuklasan na mga bagay sa ating sarili ay ating nalalaman.

3. Isanib ang pagtuturo ng panitikan sa ibang aralin sa kurikulum.


- Maraming paraan upang malaman ng guro kung talagang nauunawaan ng mga mag-
aaral ang isang kwento. Maliban sa tuluyang paglalarawan, maipapakita rin ng mga
mag-aaral ang kanilang pagkaunawa sa akdang binasa o narinig sa pamamagitan ng
dula, larawang-guhit, at iba pang malikhaing paglalahad. Para sa mga mag-aaral sa
elementarya, maipapakita nila ang kanilang pagkaunawa sa kwento sa tulong ng kilos,
pamimilipit na may kasiyahan, pagbubuntung-hininga o di kaya'y ipinauulit ang akdang
nabasa o narinig.

4. Pag-alam sa mga pangkayariang balangkas ng mga akdang pampanitikan.


- Mahalagang malaman ito ng guro upang magabayan siya kung paano niya pag-
uugnayan ang mga ito, maihanay niya ng maayos ang mga gawain sa pagkatuto upang
makapagtanong ang mga mag-aaral, at masubukan ang mga inilahad na mga palagay
at kongklusyon sa pamamagitan ng mga ebidensyang nasa paligid.

a. Ang mga arketipo (archetypes)


- Paulit-ulit na huwarang bahagi na makikita sa mga akdang panitikan tulad ng mga
tauhan, imahen, uri ng kwento, pangyayari at mga simbolo. Ito ay mga bungang isip,
walang hangganan at matatag. Halimbawa: Magkaiba ang panahon ng pagkakalikha
kay Hercules at Superman ngunit parehong silang bayani na may pambihirang lakas.

b. Kombensiyon (Convention).
- Ito'y salita na nagsasabi ng isa pang uri ng pagkakapareho na nasa mga akdang
pampanitikan tulad ng tauhan, banghay, tagpuan, at iba pa. Kailangang maintindihan ng
mga mag-aaral na mayroong mga tauhan sa ganitong uri ng kwento na maaring makita
sa iba pang uri ng kwento ngunit iba na ang anyo nito.

c. Imaheng Siklikal at Dayalektikal


- mga imaheng paulit-ulit na nakikita sa mga akdang pampanitikan

Siklikal - imaheng batay sa mga likas na siklo tulad ng pagbabago ng panahon na


maikokonekta natin sa isang uri o bahagi ng kwento tulad ng tagsibol at tag-init na
maiuugnay sa magandang simula, pag-asa, at iba pa samantalang taglagas at taglamig
naman sa katandaan, kamatayan, pagkalanta at pagkawala.

Dayalektikal - imaheng naglalahad ng pagsasalungatan tulad ng hardin at paraiso na


sumisimbolo sa mga pangarap at mithiin ng tao, ang mga disyerto sa masasamang
panaginip at ang langit at impiyerno na siyang kinakabit sa mga karanasan ng tao.

d. Ang apat na banghay


- mayroong apat na uri ng banghay ang anumang akdang pampanitikan. Ito ay ang
romansa, trahedya, satiriko at komedya.

Romansa - masasalamin ang katuparan ng isang nasa, ang pagtatagumpay ng


kabutihan sa kasamaan, at ang pamumuhay nang sagana. Bagama't may mga
modipikasyong nagaganap dito, sumusunod ito sa isang siklo ng pagbubuo na may
tatlong pangunahing antas: isang mapanghamong paglalakbay, isang tunggalian, mga
pagsubok at pagbabalik sa lugar na pinagsimulan ng paglalakbay.

Trahedya - nagpapakita ng hangganan ng kapangyarihan ng tao na maaaring


magbunga ng kasawian sa kanyang pangarap na kailanma'y hindi gustong maranasan
ng tao ngunit nangyayari pa rin kahit hindi pa ito makatarungan. Binabalanse nito ang
kapangyarihan at kahinaan ng tao at upang matanggap niya na may makapangyarihan
pa pa sa kanya.

Satiriko - nilalayon nitong mangkutya sa mga kahangalan ng tao.

Komedya - mararanasan dito ang wakas na sasabihin nating mahirap mangyari sa


tunay na buhay.
ANG PAGLIKHA NG BAGONG PAGTUTURO NG PANITIKAN

Paano kaya mapapabuti ang pagtuturo ng panitikan kung walang tiyak na pamamaraan
sa pagtuturo nito? Ang paglikha ng mga makabagong pamamaraan sa pagtuturo ng
panitikan ay kailangang nang maisagawa. Ang pagtuturo ng panitikan ay kailangang
makabuluhan at sistematiko. Dapat ding ituro ng mga guro ang mga akdang
pampanitikan bilang isang likhang sining upang ang mga mag-aaral ay gaganahan sa
pagbabasa, makapaglalahad ng kanilang mga binasa at makalilikha ng kanilang
babasahin.

Ang guro ay kailangan na maging malikhain upang ang pagtuturo at pagkatuto sa


panitikan ay maging magaan, mabilis, makahulugan, mabisa at kasiya-siya.
Nagpapahayag ang katangiang ito ng pagiging orihinal ngunit hindi ibig sabihin nito na
ibang-iba ang ating kaisipan sa lahat at hindi rin natin masasabi na atin talaga ang
kaisipang ito sapagkat mayroon talagang itong pinagkukunan.

Upang magkaroon ng isang bagong pamamaraan sa pagtuturo, mahalaga ang


paggunita sa ilang makabuluhang bagay na nakita sa paligid, nabasa sa mga aklat,
mga nalaman sa mga seminar at sa iba pang gawaing kaisipang pampagtuturo. Maaari
ring mag-angkop ng mga hakbang ng isang pamamaraan ayon sa layuning nais
makamit at sa nais maipahatid upang magkaroon ng panibagong anyo at mabigyan ng
naiibang pagtingin ang mga natutuhan na. Panghuli, makalilikha tayo ng mga bagong
pamamaraan mula sa mga pamamaraang ginagamit ngayon upang magkaroon ng
kawilihan ang mga mag-aaral.

V. ILANG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG MGA AKDANG PAMPANITIKAN

Mga mungkahing estratehiya sa pagtuturo ng mga akdang pampanitikan


Makabubuting unawain na hindi tuwirang "maituturo" o " matutuhan" ang panitikan:
mararanasan ito. Sa pag-aaral ng Isang akda, tungkulin ng isang guro na iparanas sa
mga mag-aaral ang akda. Dapat kinikilala ng guro na may sariling pagtanaw sa akda
ang bawat mag-aaral. Ito'y maaring gumulat, magbigay sigla o di kaya't magbigay galak
sa kanya. Ngunit hindi sapat ang mga karanasang ito upang ganap na malaman ang
kabuuan ng akda. Kailangan Makabuo ang bumabasa ng makabuluhang kamalayang
hatid ng karanasan. Pagkatapos "maranasan" ng mag-aaral ang akda , ano pa ang
ating maaaring ituro?

Ang pagtuturo ng Maikling Katha


Nagbigay si Sage (1987) ng mga mungkahing gawain sa pagtuturo/pag-aaral ng
maikling katha.

1. Kilalanin/hanguin sa mga karanasan ng mga mag-aaral ang dating alam sa


pamamagitan ng pagkukuwento o pakikinig nila bago talakayin ang akda. (Pre-reading
activity)

2. Maging holistic o ganap ang pagtalakay ng akda sa pamamagitan ng pagmamasid ng


mga ugnayan sa mga aspekto ng kwento.

3. Isaalang-alang ang natural na daloy ng kwento bilang patnubay sa pagtuturo nito. Ito
ba'y kwento ng tauhan? Tagpuan? Simbolo? Katutubong kulay?

4. Magbigay ng sapat na kaligirang talakay bago pag-aralan ang kwento. Tungkol sa


bokabularyo? Kultura? Mga idyomatikong pagpapahayag? Haba ng pangungusap?
Estilo ng pagkakasulat at iba pa.

Ang pagtuturo ng Tula


Masalimuot at mahirap ang pagtuturo ng Tula dahil sa may iba itong istruktura o
kayariang balangkas. Gaya ng sabi ni Widdowson (1982), "Poetry uses a deviant
language." Ano ang implikasyon nito sa pagtuturo? Dapat mabatid ng guro ang
sumusunod tungkol sa Isang tula.

• Ang bawat tula ay may angking iwing katangian at kabuuan. Lumilikha ito ng sariling
daigdig
• Malaya ang makata na baguhin ang istruktura ng pangungusap. May lisensya siyang
gawin ito.
• gumagamit ang tula ng sariling jargon o talasalitaan
• isipin at unawain ang tula sa iba't-ibang dimension, biswal, pandinig, pandama,
panlasa, at iba pa.
• ang ganda ng tula ay napayayabong ng iba't-ibang pagpapakahulugan. Sino ngayon
ang may tamang interpretasyon? Depende ito sa karanasan, kasanayan, katalinuhan,
saloobin, pagkawili, at pamaraan o pagdulog ng guro.
• ang magandang pagbasa ng tula (ang tula ay tulad ng musika) ay makapagpapagaan
ng pagtuturo nito.

Kahit sinong guro kaya ay maaaring makapagturo ng tula? Madaling sumagot ng "oo"
ngunit magiging mabisa kaya ang kanyang pagtuturo? Sapat na bang ituro ang
kahalagahan ng sukat at tugma, ng daloy o ritmo, at iba pang kalikasan ng tula?
Ang pag-aaral ng tula ay higit pa riyan. Kailangang makita ng mag-aaral ang
kakanyahang sarili ng makata. Ito ay makikita sa pamamagitan ng mga kawing-kawing
na perlas ng kaisipan at karanasan ng Isang pagkatao na iba kaysa Isang laksang
kapangalan niya, ang mga sagisag na sinangkap; salita at parirala tungo sa
pagpapalitaw ng kanyang mga hinagap at damdaming kahit siya (ang makata) ay hindi
alam kung saan nanggaling . Ang magkasamang sagimsim (intuition) at salamisim
(imahinasyon); sa kamay ng makata, nabibigyan niya ng kulay, anyo at hubog ang mga
karaniwang salita. Ang mga nabanggit ay ang ilan sa mga katangian ng Isang tula at ng
makata. Kailangang madama ng isang guro sa pagtuturo ng tula ang lahat ng binanggit
upang magkaroon ng higit na kahulugan at kabuluhan ang kaniyang pagdulog.

Ang sumusunod ay Ilan sa mga patnubay sa pagtuturo ng tula:


1. Pagganyak at pagpukaw sa marangal na damdamin
Ang pagpukaw ng marangal na damdamin ay nag-aangat sa pag-iisip tungo sa Isang
mataas na layunin at pagpapahalaga sa buhay.
Narito ang isang saknong buhat sa:

Ang Bayan Ko'y ito


ni Jose Villa Panganiban

Sa mukhang maragat ng ating daigdig


At kasilanganang
Ang bawat umaga ay laging kayakap
Ng gintong liwanag
Ay may mga pulong tinampok na supling ng nunukang araw.
Mga pulo-pulong parang isinabog na binhi ng palay
At ang pinatira'y mga kayumangging nilipi sa tapang
Na sapul sa mula'y manilaya na sa kabayanihan
Ito ang bayan ko...
Ang bayan Ko'y ito….

2. Ang pagbibigay ng malikhaing guniguni


- Kailangang makita sa ating guniguni ang mga larawang likha ng makata upang
mapukaw ang ating damdamin. Kailangang maantig ang lahat ng ating pandama,
paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy at pakiramdam.
Narito ang taludturan mula sa Florante at Laura:
Sa loob at labas ng bayan Kong sawi,
Kaliluha'y siyang nangyayaring hari
Kagalinga't bait ay nalulugami
Iniinis sa hukay ng dusa't pighati.
Ang magandang asal ay ipinupukol
Sa laot ng dagat ng kutya't linggatong,
Balang magagaling ay ibinabaon
At inililibing nang walang kabaong.

3. Ang pagkakaroon ng marangal na diwa


- Kailangang taglayin ng tula ang marangal at makatotohanang paksa upang
makapukaw ng magagandang damdamin at at makaguhit ng larawan sa guniguni.

4. Ang pagtataglay ng tula sa isang magandang kaanyuan


- Ito'y nauukol sa pamamaraan ng makata sa pagbuo ng kanyang tula. Ito'y nauukol sa
paggamit ng tugma, sukat, aliw-iw, at mga piling-piling salita.
Narito ang tula ni C.M Vega sa kanyang:

Tagpuan ng Araw at Gabi


Taklob na kabibi ang dalawang dibdib,
Habang ang ligaya nila'y magkabigkis;
Papaghiwalayin at mistulang langit
At lupang biniyak ng talim at lintik.

Ang mundo ay isang piitang malungkot


Kung Ako'y ulila sa inyong alindog
Ang Buhay Ko'y tila sanghubkang marupok
Dusa'y tanikalang di-malagot-lagot.

5. Mahahalagang Tayutay
- Ito'y nauukol sa pananagisag (symbolism) ng makata, gaya ng pawangis ( metaphor),
patulad (simile), panawagan (apostrophe), pabaligho (paradox), at padiwang-tao
(personification), at iba pa. Nagpapayabong ang mga ito sa mga larawang diwa na
siyang pumupukaw ng mga mararangal na damdamin ng mambabasa.

Ang pagbasa ng Tula


Nararapat basahin nang malakas ang tula bago lubusang maunawaan ang kaisipan at
damdaming taglay nito. Dapat itong bigyang pansin bago talakayin ang mga katangian
ng tula. Hindi lahat ng guro ay may kakanyahang bumasa ng tula. Iminumungkahing
ipabasa sa Isang mag-aaral na may sapat na kakayahan sa pagbigkas. Maaari rin
namang nasa Isang cassette tape ang Modelo.

Ang tula ay isinusulat upang basahin ng malakas o isaulo at bigkasin kaya, upang
maipadama ang damdamin, nilalaman, at ang kasiningan nito sa mambabasa at
tagapakinig.
Upang maging magaling ang pagbasa o pagbigkas ng tula, narito ang ilang mungkahi at
mga paliwanag:
A. PARAAN
1. Wastong Paghinga
- punuin ng hangin ang dibdib bago simulan ang pagbasa.
2. Ang tinig ay kailangang sa dayapram nanggagaling.
3. Wastong "pagpupukol" nito sa nakikinig
4. Katamtamang lakas ng tinig.

B. URI AT SANGKAP NG TINIG


1. Lakas (Volume)
- dapat na ito'y timplado. Hindi iyong nagpapalahaw.
2. Uri ng Tinig
a. Ang lakas ng bulong (whispering force) - nagpapahiwatig ng malaking takot,
pangamba.
- palihim ng pagsasalita: "Ito ba ang aking mapapala?"
- kahinaan ng katawan: "Kung sadyang wala akong pag-asa, magtitiis Ako!"
b. Ang inimpit na lakas (suppressed force). Ito ay nasa pagitan ng pabulong at
katamtamang lakas.
Basahin natin ang sumusunod na ginagamitan ng inimpit na lakas ng tinig.

3. Ang taas ng tono ng tinig (pitch of voice)


a. Karaniwang tono - nagpapahiwatig ng malamig na damdamin/ ng malaking galit.

b. Pataas na padulas (upward slide)- nagpapahayag ng alinlangan o ng pagkagulat

1. Ano ka? Ano Ako? Sino Tayo?


Sabi nila'y Pilipino...
Ugat natin ay silangan
Galing doon sa malayo...

2. O Mutyang bituin, ako'y nagtataka


Hinahanap na ako'y hahanapin ko pa;
Kung ang bayani ko ay Ikaw Ang pita
Ano't nang mamatay, di kita nakita?

C. Pababang padulas (downward slide) - nagpapahayag ng kapangyarihan at


pagsusumikap.
O mutyang Liwayway, nagkatagpo tayong
Sa akin ang lungkot , ligaya sa iyo;
Kung ang bayani ko'y siyang bayani mo
Bunga ng ligaya'y pagsaluhan ninyo.

4. Ang lundo (wave) ng tinig


May pataas-pababang lundo.

5. Ang bilis ng pagbigkas ay may kaugnayan sa damdamin ng tula.


Binigkas ng mabilis, may mataas na tono at malakas na tinig ang bahagi ng tulang may
mapusok na damdamin. Mabagal, mahina at mababang tono naman sa bahagi ng
tulang may malungkot na damdamin.
Halimbawa:
Malungkot

Sa paa ng krus
ay pikit ang mata na nakayukyok;
May hawak na panyong pandampi
Sa luhang sa pisngi'y nanagos,
Ang mga bulaklak na nagbabanguhang
sa bato nagsabog
ay nanariwa sa dilig na lunang
nagsisilbing hamog
sa lamig ng bato'y buong nanunuot
ang mga himutok.
B. Mapusok na damdamin
Ito ba? Ito ba ang lupang aking aangkinin?
Na tira-tirahan ng apoy at talim?
Ito ba ang manang akong bubungkalin
Na sambuntong buto at nangangang libing?

Ito ba ang mundong hinila kung saan


Ng gulong ng inyong hiwang kaunlaran?
Ito ba ang bunga ng sining at agham?
Ito ba ang aking manang kalinangan?

Ang pagtuturo ng Sanaysay


Tandaan na ang sanaysay ay binabasa, inuunawa at nilalasap (kung baga sa pagkain)
ninanamnam. Upang makuha ang linamnam, binabasa ang kabuuan ng sanaysay,
hinahango ang pangunahing larawan o pangunahing kaisipan. Pagkatapos ay
babasahing muli, sa pangalawang pagkakataon na hindi na kasimbilis ng unang
pagbasa nang sa gayo'y manguyang mabuti, masipsip ang katas. Sa unang
pagbabasa, nakakatulad ang isang mambabasa sa Isang panauhin sa Isang tahanan
na tumatawag pa lamang ng "Tao Po". Sa ikalawang pagbasa, para na siyang
nakatuloy sa loob ng tahanan, unti-unti nang nabubuo sa pangmalas ang kaanyuan ng
loob na unti-unti ring nagkakaroon siya ng pagpapahalaga. At habang nagtatagal siya
sa loob ng bahay, napapalagay ang kanyang loob sapagkat nadama niya ang init ng
pagtanggap at magiliw na pakikipag-usap at pagtuturing ng kausap.

Kung may pagpapahalaga na at kawilihan ang guro sa sanaysay, maaari na niya itong
"maituro". Sinasabing hindi maituturo ang pagpapahalaga, maaari lamang maihawa.
Sabi nga " Appreciation cannot be taught. It can only be caught." Kaya ihahawa lamang
ng guro sa mga mag-aaral ang pagpapahalaga. Aakayin natin ang mga mag-aaral kung
paano nila mapahahalagahan ang isang partikular na sanaysay.

Una, tiyaking may kahandaan na Sila sa gagawing pagpapahalaga. May sanligang


kabatiran ba sila kung bakit isinulat ng awtor ang sanaysay. Ang mga mahihirap na
salita sa loob ng sanaysay ay kailangan munang pag-aralan. Kung hindi, ay magiging
sagwil ito sa pagkaunawa sa NILALAMAN ng sanaysay at makababawas ang sagwil na
ito sa kawilihan ng mag-aaral.

Sumunod, ipabasa ang buong sanaysay at hanapin ang pangunahing diwa o kaisipan.
Ipabasang muli ang sanaysay, at tuklasin ang kaisipang taglay ng bawat talata. Alamin
ang pagkakaugnay ng kaisipan ng bawat talata.

Maaari ring gagawin ng payak na balangkas ang klase at sa tulong ng balangkas na ito
ay lagumin ang diwa ng binasa. Hingan ng reaksyon ang klase batay sa kaisipang
nakalahad sa sanaysay. Akayin ang mga mag-aaral na makabuo ng sari-sarili nilang
palagay at pagkukuro hinggil sa paksang tinalakay sa sanaysay:

Narito pa ang isang mungkahing patnubay sa pagtuturo ng sanaysay:

1. Pagbasa ng sanaysay para sa pangkalahatang impresyon.


- akayin ang mag-aaral na mapansin ang sumusunod:
● Ang tono ng pagsasalita
● Anong salik ng lenggwahe ang nagbibigay ng ganoon at ganitong impresyon?
● Sino ang parang kinakausap sa sanaysay?
● Ano sa palagay mo ang nag-udyok sa awtor upang isulat ang sanaysay?

2. Pag-unawa sa nilalaman
Bahagi sa pagtuturo ng sanaysay ang mga gawaing talakayan, pagpapaliwanagan,
pakikipagtalo. Magandang bunga ng talakayan ang pagbuo ng mga mag-aaral at ng
kanilang guro ng palagay.

Maraming iba-ibang paraang magagamit sa pagtuturo, tulad ng pagbabalangkas sa


suliranin, pagsasanib ng paksa sa tunay na buhay, pagpapasulat ng reaksyon. Maaari
ring gumamit ng semantic webbing, paraphrasing, imagining, valuing, panel discussion,
information mapping at iba pa.

Kung pamilyar o di-pormal naman ang sanaysay na pinag-aralan, maaaring kunin sa


pag-aaral ang sumusunod:
1. Ang pangunahing diwa o sentral ideya
2. Ang paraang ginagamit sa Paglalahad
3. Ang iba pang inilahad na kaisipan
4. Ang estilo ng manunulat
5. Ang kayarian ng sanaysay

Anupa't sa pagtuturo ng sanaysay o anumang sangay ng panitikan, maaaring maakay


ng Isang malikhaing guro ang mga tinuturuan sa dako pa roon sa pamamagitan ng sarili
na rin niyang kaparaanan. Lubos na madarama ng mga mag-aaral ang kariktan ng
seleksyon, at malalasap nang buong kasiyahan ang malinamnam na katas ng panulat
ng malikhaing panunulat.

You might also like