Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Pagmamahal ng Isang Magulang

Lahat ng magulang ay gustong magkaroon ng magandang buhay ang


kanilang anak. Gusto nilang mapakain ang kanilang anak, makapag-aral,
hindi magkasakit at lalo na walang mangyaring masama sa kanilang
anak.

Ang ating mga magulang ay minsan nagsisinungaling sa atin. Nag-


sisinungaling sila upang maipakita nila sa kanilang mga anak na
kailanman ay hindi nakakaramdam ng pagod at sakit ang isang
magulang, kahit na ang totoo ay gusto na nilang huminto upang
magpahinga pero pinapakita pa din nila na sila ay ayos lang, na sila ay
hindi gutom, na sila ay hindi pagod. Ang mga magulang natin ay
nagsisinungaling para sa atin. Sila ay nagsisinungaling dahil gusto nilang
lumaki tayo ng maayos at hindi makadagdag ng isipin kahit ang dulot
nito ay paghihirap sa kanila. Gusto nilang ibigay ang lahat sa atin kahit
ito pa ay ikasama nila, ang mahalaga para sa kanila ay mabigay ang
lahat ng naisin ng kanilang mga anak, ganito ka dakila ang puso at
damdamin ng isang magulang para sa ikakabuti at ikakasiya ng kanilang
mga anak. Gusto nilang maging maayos ang ating buhay.
Nagsisinungaling sila dahil ayaw nila tayong mag-isip na nahihirapan na
sila, na hindi na nila kaya, na baka hindi na nila magawa ang gusto
nilang gawin para sa kanilang mga anak. Nagsisinungaling sila para hindi
tayo masaktan. Nagsisinungaling sila dahil alam nila ang mangyayari
kung hindi sila magsinungaling. Ganyan kamahal ng magulang ang
kaniyang anak, na isusubo na lang nila, ibibigay pa sa kanilang mga
anak, kun kayat walang sinuman ang maaring manumbat sa kabutihang
ipinakikita ng isang magulang, maging ito ay tama o mali, dahil walang
magulang na magnanais ng masama sa kanyang mga anak. Sila ang
nagsisilbing sandigan ng mga anak sa panahon ng pighati at paghihirap
na daratal sa buhay ng isang pamilya, sila ang inspirasyon ng bawat isa,
ang pinagkukuhanan ng lakas ng loob upang magtagumpay sa agos ng
buhay.

Bilang pagtatapos, nagsisinungaling sila para sa atin, dahil mahal na


mahal nila tayo. Kaya kapag nagsisinungaling ang ating mga magulang
dapat ay hindi tayo magalit sa kanila dahil ginagawa nila kung ano sa
tingin nila ang tama at makakabuti sa atin upang tayo ay magkaroon ng
maayos na buhay. Ang pagmamahal ng magulang ang pinakamasarap
na pangyayari sa buhay ng isang anak, na walang makakatalo dito dahil
ito ay dalisay at walang makakapantay. Mahalin at igalang natin ang
ating magulang dahil sila ang ating kalasag.

You might also like