Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

EPP ACTIVITY (ANG KOOPERATIBA)

Ano ang “KOOPERATIBA”?


Ang kooperatiba ay isang rehistradong samahan ng labinlima o higit pang
kasapi na may nagkakaisang layunin na mapabuti ang kalagayang pangkabuhayan
at panlipunan ng bawat isa.

Magbigay ng 2-3 halimbawa ng mga uri ng kooperatiba at ipaliwanag?


Marketing Cooperative- nagbibigay o nagbebenta ng mga production inputs sa kaniyang mga
miyembro ang isang marketing cooperative. Kasabay nito binebenta rin nito ang mga produkto ng
mga miyembro sa mga miyembro at di-miyembro ng kooperatiba.

Workers cooperative- binubuo ng mga manggagawa, kasama na ang mga self-employed, ang isang
workers coopertaive. Sila din ang miyembro at ay kamay-ari din ng negosyo ng kooperatiba. Ang
pangunahing layunin ng workers cooperative ay magbigay ng trabaho at business opportunities sa
mga miyembro nito at pangasiwaan ito alinsunod sa mga prinsipyo ng kooperatiba.

Health services cooperative- pangunahing layunin naman ng health services cooperative ang
pagbibigay ng medical at iba pang uri ng health service

Ano ang layunin at magandang benepisyo ng Kooperatiba para sa mga


kasapi at miyembro nito?
Ang layunin ay mapabuti ang kalagayang pangkabuhayan at panlipunan ng bawat kasapi at miyembro
nito.

Ang mga benepisyo na dulot nito ay ang sumusunod:

1. Pinatataas ang kakayahang mamili o purchasing power ng mga kasapi.


2. Matataas na uri ng bilihin sa mas mababang halaga.
3. May patronage fund o dibidendong tinatanggap.
4. Napauunlad ang kakayahang magtipid at mag-impok.
5. Nagbibigay ng pagkakataon at pagkatuto sa pamamalakad ng isang negosyo o pagkakakitaan,
pamumuno at pagkilala sa pananagutan.

You might also like