Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

TAGUIG CITY UNIVERSITY

Gen. Santos Ave. Central Bicutan


College of Arts and Science

Summary of Events

Name of Event: Buwan ng Wika


Event Period : August 1 – 30, 2023
Location: Taguig City University

Ginaganap palagi sa buwan ng Agosto taon taon ang buwan ng wika. Ang tema ng ating
pagdiriwang ngayong taon ay “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan,
Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan”. Sa buong buwang
nagkaroon ng aktibidad at gawain para ipagdiriwang ang buwan ng wika.

Noong ika 1 ng Agosto ginanap ang paglalahad ng tarpaulin at pagbubukas ng selebrasyon ng


buwan ng wika. Dinaluhan ng mga namumuno ng unibersidad, mga dekana at guro.

Nang ika 14 ng Agosto, 2023 ay ginanap naman ang Flag Raising at Pagkakaroon ng almusalan
na nilahukan ng ibat ibang departamento .

Sa pagitan ng ika 15 – 23 Agosto ay ginanap ang mga patimpalak tulad ng pag gawa ng
sanaysay, pagkanta, talumpati, poster making. Kung saan nagpakita ng talent ang mga kalahok
na estudyante sa ibat ibang seksyon at kurso.

Ika 24 ng Agosto 2023, Nakapagsagawa ng isang kumprensya patungkol sa Buwan ng Wika at


nagkaroon ng panauhing tagapagsalita na si Dr. Jeoffrey Acopra na ginanap sa ikatlong palapag
ng A.B sa silid aklatan

Ika 30 ng Agosto 2023, ginanap ang Pagtatapos ng Program ng Buwan ng Wika na ginanap sa
Auditorium ng TCU, 1:30 - 5:00 ng hapon. Kung saan nagkaroon pag bibigay karangalan sa mga
nanalo ng mga patimpalak.

Inihanda ni:

Prof. Rebecca D. Gabriel


Coordiinator,
Kagawaran sa Filipino

You might also like