FI172 - Written Report PINAL

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 49

PAGSASALING PAMPANITIKAN

CSSH-ABFIL

Republic of the Philippines

Fatima, General Santos City

KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES

DEPARTAMENTO NG FILIPINO

Unang Semestre - Akademikong Taon 2023-2024

MGA PANGALAN Jovie Cerna

(Ikalawang Pangkat)

KURSO FIL172 PAGSASALING PAMPANITIKAN

(Subject)

YUNIT Yunit 2

(Chapter)

PAMAGAT NG PAGSUSURI NG AKDANG PAMPANITIKAN ALINSUNOD SA URI,

ARALIN WIKA, TEORYA AT IBA PA.

(Lesson Title) MGA MODELO NG PAGSASALIN

MGA TEKNIK SA PAGLILIPAT NG SALITA MULA SA

SIMULAANG TEKSTO (SOURCE TEXT) TUNGO SA TUNGUHANG

TEKSTO (TARGET TEXT

LAYUNIN NG Sa loob ng isang linggo, inaasahang matamo ang mga sumusunod:

ARALIN • Matalakay ang pagsusuri ng akdang pampanitikan ayon sa uri,

wika, at mga teorya.

• Mailahad ang mga modelo ng pagsasalin.


PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

• Maipakita ang mga teknik sa pagsasalin mula sa simulaang

teksto tungo sa tunguhang teksto.

• Mailapat ang mga kaalaman sa pagsusuri ng akdang

pampanitikan at maiugnay ito sa pagsasalin.

LAGOM NG Sa yunit na ito, matatalakay ang mga metodo o teknik sa

PANANAW paglilipat ng salita mula sa simulaang teksto tungo sa tunguhang teksto

(Overview/Introduction) na kadalasang makikita at karaniwang ginagawa ng halos karamihang

nagtatangkang magsalin sa mga piling akda, sulatin,pahayag, at

marami pang iba. Kasabay nito ay mailalahad at mabigyan ng

malalimang diskusyon ang mga modelo ng pagsasalin mula sa mga

dalubhasa na may matagal nang karanasan sa larangan ng

pagsasalin. Kalakip din sa yunit na ito ang gawaing pagtalakay sa

pagsusuri ng mga akdang pampanitikan alinsunod sa uri, wika at

teorya upang makita ang implikasyon, kahusayan, pamamaraan ng

pagsasalin sa iba’t ibang uri ng akdang pampanitikan.

HULA’T SURI

Panuto: Magpapakita ang mga tagapag-ulat ng iilang mga kaunting

PAGGANYAK awiting-bayan na may salin sa Ingles. Pagkatapos, mula sa mga

ipinakitang awiting bayan ay suriin kung anong uri ito ng awiting bayan,

maayos ba ang pagkakasalin, ano ang mensahe ng awit at ano ang

simbolismo nito.

1. Magtanim ay di biro – isang uri ng Maluway awit sa sama-

samang paggawa.

2. Si Pelimon - isang uri ng Soliranin awit ng mga mangingisda.

3. Paru – parong bukid – isang uri ng Kutang-kutang awiting

panlansangan.
PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL
PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

PAGSUSURI NG AKDANG PAMPANITIKAN ALINSUNOD SA URI,

PAGLALAHAD WIKA, TEORYA AT IBA PA.

(Abstraction) Ang Panunuring Pampanitikan ay isang malalim na paghimay sa

mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng ibat ibang

dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa mga malikhaing

manunulat at katha. Sa pagsusuri, kinakailangan ang lubos na kaalaman

sa kathang sinusuri tulad ng buong nilalaman ng akda, paraan ng

pagkakabuo nito at ang ginamit ng awtor na pamamaraan o istilo.

Kinakailangan ding ang manunuri ay may opinyong bunga ng obhektibong

pananaw laban man o katig sa katha, kaya mahalagang siya ay maging

matapat. Ang susuriing akda ay kailangang napapanahon, may matibay na

kaisahan, makapangyarihan ang paggamit ng wika at may malalim na

kaalaman sa teoryang pampanitikan.

Ano ba ang mga katangian na dapat taglayin ng isang mahusay na kritiko?

Tulad ng pagiging manunulat ng alinmang akdang pampanitikan,

ang isang kritiko sa panitikan ay dapat ding magtaglay ng magagandang

katangian. Dahil dito, iminumungkahi ng manunulat ang sumusunod na

mga katangiang dapat taglayin ng isang kritiko:

• Ang kritiko ay matapat sa sarili at itinuturing ang panunuri ng mga

akdang pampanitikan bilang isang sining.

• Ang kritiko ay handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng

akdang pampanitikan at hindi manunuring lipunan, manunulat,

mambabasa o ideolohiya. Bibigyang-pokus lamang ang akda at

hindi ang manunulat o ang lipunangkanyang ginagawalan.

• Ang kritiko ay laging bukas ang pananaw sa mgapagbabagong

nagaganap sa panitikan. Nangangailangan ng malawak na kaisipan

at pagtanggap sa mga bagongsimulain sa mundo ng panitikan.


PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

• Ang kritiko ay iginagalang ang desisyon ng ibang mgakritiko na

patuloy na sumasandig sa ibang disiplinagaya ng linggwistika,

kasaysayan, sikolohiya, atbp.

• Ang kritiko ay matapat na kumikilala sa akda bilangisang akdang

sumasailalim sa paraan ng pagbuo okonstruksyon batay sa

sinusunod na alituntunin atbatas.

Ayon kay Alejandro G. Abadilla, kailangan ng isang kritiko ang

tigas ng damdaming naninindigan upang maging tiyak na kapakinabangan

ng panitikan ang kanyang pagmamalasakit, ay ipinakilala ng

mgapangyayari nang mga unang taon ng kanyang pamimili. Buo ang

desisyon at hindi nag-aalinlangan lalo na sa pamumuna at pagsusuri ng

akdang pampanitikan.

Ano ang panitikan?

Sa pinakapayak na paglalarawan, ang panitikan o panulatan ay ang

pagsulat ng tuwiran o tuluyanat patula na nag-uugnay sa isang tao. Subalit

upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walangsaysay na babasahin o

patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na

mayanyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at

gana. Samakatuwid, may hugis,may punto de bista at nakapagpapahaba

ng interes ng mambabasa ang isang sulatingpampanitikan.

Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan,

pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng

damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa,

pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba. Ito ang isang

dahilan kung bakit pinag-aaralan ang larangan ng literatura sa mga

paaralan.

Dalawang Uri ng Panitikan:

PATULA

Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama

ngmaaanyong salita sa mga taludtod na may sukat o bilang ng mga


PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

pantigat pagtutugma ng mga salita sa hulihan ng mga taludtod sa

bawatsaknong. Kabilang dito ang mga sumusunod: tulang liriko, tulang

pasalaysay, tulang pangtanghalan, at patnigan.

TULUYAN O PROSA

Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng malayang pagsasama-sama ng

mga salita sa mga pangungusap. Hindi limitado o pigil ang paggamit ng

mga pangungusap ng may-akda. Kabilang dito ang mga sumusunod:

maikling kwento, nobela, dula, alamat, pabula, talambuhay, sanaysay,

balita at editoryal.

Ano ang Teoryang Pampanitikan?

Ang Teoryang Pampanitikan ay mga perspektiba o paraan ng

pagtingin kung papaano susuriin ang isang akda. Nagbibigay ito ng

paliwanag sa katangian ng isang akda at kung papaano huhusgahan kung

karapat-dapat ba itong basahin, panoorin o tangkilikin. Ang mga Teoryang

Pampanitikan ay nagbibigay ng iba’t ibang anggulo hinggil sa akda batay

sa husay ng nagsusuri at gumagamit ng teorya. Sa huli, kailangang

magpakita ng sapat na ebidensiya ang nagsusuri ng akda upang matiyak

na tama ang paggamit niya ng teorya at angkop ang kanyang pagsusuri.

(Malabanan, 2014)

Ayon sa Makatang si Tomas Agulto Ang mga teorya ay mga punto

de-bista o pananaw na pinagmumulan ng direksiyon ng pagtunghay o

pagtanaw sa sinasabi o kabuluhan ng akda.

AKDANG PAMPANITIKANG PATULUYAN

Pamamaraan sa Pagsusuri ng Maikling Kuwento

Elemento ng Maikling Kwento

1. Tauhan – nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa kwento.

2. Tagpuan – lugar at panahon ng mga pinangyarihan.

3. Banghay – pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.


PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

4. Tunggalian – tao laban sa tao, tao laban sa lipunan, tao laban sa

kapaligiran o kalikasan.

5. Magagandang kaisipan o Pahayag – mga pahayag na nagbibigay

mensahe o aral sa mga mambabasa.

6. Simula at Wakas – paraan ng mga manunulat kung paano niya

sinimulan at winakasan ang kwento. Ito’y maaring may

magandang simula ngunit may malungkot na katapusan.

Paraan sa Pagsusuri ng Tauhan;

• Suriin ang pangunahing tauhan batay sa kanyang anyo,

ugali, at paraan ng pagsasalita.

• Suriin ang tungkuling ginagampanan ng tauhan.

• Suriin kung paano ipinakita ng tauhan ang kagandahang

asal.

• Gamitan ng teoryang aangkop sa gagawing pagsusuri.

Suriin ang Kwento ayon sa Uri:

Mga Uri ng Maikling Kwento

1. Kwento ng Tauhan – inilalarawan ang mga pangyayaring

pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng

kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.

2. Kwento ng katutubong buhay – binibigyang-diin ang kapaligiran at

mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay at

hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.

3. Kwentong bayan – nilalahad ang mga kwentong pinag-uusapan sa

kasalukuyan ng buong bayan.

4. Kwento ng kababalaghan – pinag-uusapan ang mga salaysaying

hindi kapanipaniwala.

5. Kwento ng katatakutan – naglalaman ng mga pangyayaring

kasindak-sindak.
PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

6. Kwento ng madulang pangyayari – binibigyang diin ang

kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba

o nakapagbago sa tauhan.

7. Kwentong sikolohiko – ipinadarama sa mga mambabasa ang

damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at

kalagayan. Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat

sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.

8. Kwento ng pakikipagsapalaran – nasa balangkas ng pangyayari

ang interes ng kuwento.

9. Kwento ng katatawanan – nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman

sa mambabasa.

10. Kwento ng pag-ibig – tungkol sap ag-iibigan ng dalawang tao.

Suriin ito ayon sa paksang nakapalob dito.

Suriin ito ayon sa nilalaman, tauhan, tagpuan at banghay.

Suriin ito ayon sa taglay na bisa

Uri ng Bisang taglay sa Maikling Kwento

1. Bisang Pandamdamin – tumutukoy ito sa naging epekto o

pagbabagong naganap sa iyong damdamin matapos mabasa ang

akda.

2. Bisang Pangkaisipan – tungkol naman ito sa pagbabago sa

kaisipan dahil sa natutunan sa mga pangyayaring naganap sa

binasa.

3. Bisang Pangkaasalan – may kaugnayan naman ito sa

pagkakaroon ng pagbabago sa iyong pananawsa mga kaisipang

nakapaloob sa akda matapos itong mabasa.

Gamitan ng Teorya sa Pagsusuri.

Balangkas ng Maikling Kuwento

I. Uri ng Kuwento – alamin kung anong uri ng maikling kuwento ito

napapabilang.

II. Pamagat – dito nakasaad ang pinapaksa ng Kuwento


PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

III. Nilalaman

A. Tauhan

B. Tagpuan

C. Galaw ng pangyayari o Banghay – dito ibinibigay ang sunod

– sunod na pangyayari sa kuwento.

Kasukdulan

Pasidhi o Pataas na Pababang Aksyon


Pangyayari

Pangunahing
Pangyayari Wakas

IV. Taglay na Bisa

V. Kamalayang Panlipunan

VI. Teorya

HALIMBAWA NG PAGSUSURING AKDANG PAMPANITIKANG

PATULA

Kalayaaan
Patrocinio V. Villafuerte

sa balintawak ang gumising ay isang sigaw

bumalik ang sagot na tila alingawngaw

KALAYAAN

at sa bawat lugar ay mauulinig

ang dala ng hanging may saliw na awit

KALAYAAN

narinig namin doon sa taniman

narinig namain sa mangangalakal

narinig namin hanggang doon sa karagatan

KALAYAAN

bawat makata awit ang nalilikha

at ang mga titik apoy ang ibinabadya


PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

KALAYAAN

narinig namin sa manggagawa ng niyugan narinig namin sa mangingisda

ng karagatan naring namin sa manininda ng pondohan

KALAYAAN

lahat ng Tao iisa ang sigaw

kahit ang kapalit ay kanilang buhay

KALAYAAN

sa puntod ng alipin at punong mga angkan

iisa rin ang tinig na itinitighaw

KALAYAAN

sa ituktok ng bundok hanggang sa kapatagan

palakas ng palakas palakas ng palakas ang mapapakinggan

KALAYAAN

Narinig naming sa magwawalis na dukha

Narinig naming sa mgahahabing maralita

Narinig naming sa panday nsa yaman ay wala

KALAYAAN

Mula sa Templo,Mula sa Pook dalangina Ang Kris at Gulok nagtagis

parang kidlat Kasabay ang sigaw na ang Hudyat KALAYAAN

Narinig namin sa mga hikbi,hinagpis at panaghoy Narinig naming sa

Pulong di matalunton

Narinig naming hanggang sa Dakong Paroroon

KALAYAAN

A. URI NG TULA

Tulang Liriko o Tulang Damdamin

Ipinapahayag ang mga saloobin at damdamin ng makata. Ang kataga ng

tulang liriko ay ngayon karaniwang tinutukoy bilang ang mga salita sa isang

kanta. Ang Tulang liriko na uri ng mga tula ay hindi nagpapahayag sa isang

kuwento na naglalarawan sa karakter at aksyon. Ang makata ay direktang


PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

sinasabi sa mambabasa, ang kanyang sariling damdamin, iniisip, at

persepsyon.

B. SANGKAP NG TULA

I. TUGMA

Ang tugma ng tula ay salitang pag gamit ng katanig at patinig. Sa unang

saknong ay puro katanig at sa susunod ay patinig naman salitan lamang

ang katinig at patinig sa bawat isang saknong.

II.SUKAT

Ang tula ay may sukat na labing dalawa at labing isa.

III. PAKSA O KAISIPANG TAGLAY NG TULA

Ang tinutukoy ang paksa sa tula ay ang mga ng tao na humihingi ng

KALAYAAN sa kanilang sarili at sa bayan dahil alam naman nating isa sa

mga karapatan natin ang maging Malaya ata gawin ang mga gusto natin

gawin sa buhay at dahil na din ang bansa natin ay isang malayang bansa.

TALINGHAGA

Ang tulang "Kalayaan" ay binuo ng mga salitang di gaano kalalalim kaya

madali maintindihan at makuha kung ano ang gustong ipahiwatig at

iparating sa mga makakabasa nito.

IV. IMAHEN O LARAWANG DIWA

Sa tulang ito naipakita ang kagustuhan ng mga Pilipino na magkaroon ng

Kalayaan sa sarili nila at sa bayang kanilang ginagalawan.

V. ALIW-IW

Sa pagsusuring nagawa ay may indayog na ginamit sa tula. Magpapatunay

dito ay ang pag gamit ng tulang ito sa sabayang pagbigkas para ilaban sa

isang kompitisyon at iba pa.

VI. TONO

Ang tono sa tula ay nagpapakita ng pagpurisigi sa karapatan ng mga

Pilipino na magkaroon ng kalayaan.

VII. PERSONA

Ang persona sa tula ay para sa ating mga Pilipino na gutom sa kalayaan


PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

na hinahanap pa din ang sarili at pagkakakilanlan sa sariling bayan.

VIII TEORYA/DULOG

Ang teoryang ginamit ay Teoryang Eksistensyalismo. Ito'y dahil ang

tula ay nakatuon sa buhay ng manunulat at sa buhay ng mga taong katha

lamang. Malinaw din dito ang proseso ng pagiging at hindi pagkakaroon

ng tamang sistema ng paniniwala tulad ng relihiyon at moralidad ang dapat

bigyang pansin ng tao upang mamuhay siya ng tunay. Laban din ito sa

establisimiyento, at di- kompormista, at sa huli isang teorya ng pagiging

tunay na tao sa kabila ng masasabing impluwensya at pananakot ng

relihiyon at moralidad ng bawat tao.

IX REAKSYON/KOMENTO

Ang tinutukoy sa tula ay ang mga ng tao na humihingi ng KALAYAAN sa

kanilang sarili at sa bayan dahil alam naman nating isa sa mga karapatan

natin ang maging Malaya ata gawin ang mga gusto natin gawin sa buhay

at dahil na din ang bansa natin ay isang malayang bansa.

Mga Teorya sa Panunuring Pampanitikan

1. Klasismo

Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak,

ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan,

karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit

ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.

Binibigyang diin ng pagdulog ang pagkamalinaw, pagkamarangal,

pagkapayak, pagkamatimpi, pagkaobhetibo, pagkakasunud-sunod at

pagkakaroon ng hangganan ng isang akda (Bernales at Villafuerte, 2008).

Klasikong maituturing ang “Florante at Laura” dahil sa taglay na paksa,

nilalaman at paraan ng pagkakasulat.

2. Humanismo

Sa pag-aaral at pagsusuri ng akda sa pananaw ng Humanismo,

pinaniniwalaan na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kaya’t


PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

kailangang ma-ipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag sa

saloobin sa pagpapasya. Naniniwala ang mga humanista na sibilisado ang

mga taong nakapag-aaral dahil kinikilala ang kultura. Ang humanismo ay

nakatuon sa mga tao at ginagamitan ito ng ideya ng mga tao. Ang layunin

ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-

tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento,

atbp.

Isinasaad ng pagdulog na ito na ang tao ay rasyunal na nilalang na

may kakayahang maging makatotohanan at mabuti. Sa pagsusuri ng

panitikan, binibigyang diin ang pagkatao (ng karakter sa akda), tema ng

kuwento, mga pagpapahalagang pantao: moral at etikal, mga bagay na

nakakaimpluwensiya sa pagkatao ng tauhan at pamamaraan ng

pagbibigay solusyon sa suliranin.

3. Imahismo– Naipapahayag ang kalinawan sa mga imaheng biswal,

eksaktong paglalarawan o pagbibigay anyo sa mga ideya. Ang layunin ng

panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga

damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-

akda na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng

karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang maglalahad ng

mga imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob

ng panitikan.

Binibigyang diin ng pagsusuri ang pagpili ng mga tiyak na salita,

kalayaan sa pagpili ng paksa at porma at higit sa lahat, ang paggamit ng

tiyak at eksaktong imahe nang hindi nagmamalabis. Makikita ang estilo ng

“Maalaala Mo Kaya?” na kalimitang ang mga pamagat ay bagay na may

malaking bahagi sa daloy ng kuwento.

4. Realismo

Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa

kagandahan. Sinumang tao, anumang bagay at lipunan ayon sa mga

realista, ay dapat maging makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad.


PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

Karaniwang nakapokus ito sa paksang sosyo-pulitikal kalayaan, at

katarungan para sa mga naapi. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang

mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan.

Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi

tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at

pagkaepektibo ng kanyang sinulat.

Binibigyang diin nito ang pagiging makatotohanan ng mga

nilalaman ng isang akda. Ipinapakita nito na ang isinasaad ng panitikan ay

nagaganap sa tunay na buhay. Nagsisilbing salamin ang akda ng mga

nagaganap sa lipunan.

HALIMBAWA:

Ang susuriin ay ang teleseryeng “Ang Probinsiyano”, ang tuon ng

pagsusuri ay sa mga eksenang nagpapakita ng tunay na nagaganap sa

lipunan sa kasalukuyan. Nagsisilbing dokumentasyon ang akda ng mga

aktuwal na pangyayari sa lipunan na dapat maunawaan ng mambabasa o

manunuod.

5. Feminismo

Ang Feminismo ay tumutukoy sa kalaksan at sa kakayahan ng

tauhang babae sa isang kuwento o akda. Ang layunin ng panitikan ay

magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang

pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang

isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang

pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at magagandang

katangian ng tauhan.

Ginagamit ito upang suriin kung ang isang akda ay nagtataguyod

ng karapatan ng kababaihan. Kinakalaban nito ang konsepto na ang babae

ay libangan. Itinataguyod ng Feminismo ang pakikibaka ng kababaihan

laban sa pagsasamantala at diskriminasyon. Ang mga komersyal sa

telebisyon na gumagamit ng katawan ng mga babae upang maibenta ang

mga produkto gaya ng mga alak at sigarilyo ay bagsak sa pamantayan ng


PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

Feminismo

• Ang pangkalahatang tuon ng mga manunulat na feminista, batay sa

nabanggit na pakahulugan, ay ang pagwaksi sa maling aktitud ng

kalalakihan (ibig sabihin, dominasyon at opresyon) sa kababaihan na

lumilitaw lalo na sa panitikan at wika. Bilang dagdag, sinisikap ng mga

feministang kritiko na bawiin ang mga akda ng mga babaeng manunulat

na nabaon sa limot at muling uriin ang mga ito mula sa isang nirebisang

pagsipat. Ito marahil ang dahilan kung bakit mas maraming teorista at

praktisyoner ng feministang kritisismo, ayon kay Deborah McDowell, ang

kumikiling sa depinisyon nito bilang "pagwawasto, pagtanggal ng mascara

ng mga omisyon at distorsyon ng nakaraan? Ang mga pagkakamali ng

tradisyon ng kritisismong pampanitikan na umangat mula sa at nagsalamin

ng isang kulturang nilikha, pinaiiral at pinanghaharian ng kalalakihan. (Karl

Beckson, 1989)

• Mababasa ito sa mga akda sa panahon ng siglo labingwalo, at hanggang

sa kasalukuyang dekada, na patuloy na gumagamit ng imahen ng

kababaihan bilang pasibo, madaling matakot, hindi gumagamit ng isipan,

kayan-kayanan ng kalalakihan, sentimental, at hindi maaasahan sa

anumang intelektuwal na gawain. Ang kahihinatnan nito ay ang higit na

masigabong feministang pag-uurirat ng mga pamantayan ng

pagpapahalagang estetika at mas radikal na rebalwasyon sa mga

kanonisado. (Soledad Reyes, 1992)

6. Arkitaypal

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi

ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta

masusuri ang mga simbolismo sa akda. Ang layunin ng panitikan ay ipakita

ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo.

Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda.

Pinakamainam na alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng

panitikan sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa akda ay


PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at

konseptong ipinapakilala ng may-akda sa mga mambabasa.

7. Formalismo/ Formalistiko

Ang pagpapaliwanag sa anyo ng akda ang tanging layunin ng

pagsusuri; samakatwid, ang pisikal na katangian ng akda ang pinakabuod

ng teoryang formalismo. ang tunguhin ng teoryang ito ay matukoy ang:

nilalaman, kaanyuan, o kayarian, paraan ng pagkakasulat ng akda. Ang

layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot

gamit ang kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang

sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan ang siyang nais niyang

ipaabot sa mambabasa – walang labis at walang kulang. Walang

simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-

unawa.

Formalismo – binibigyang diin nito ang panlabas na katangian ng

akda at hindi ang kahulugan o simbolismong nakapaloob dito. Sinusuri nito

kung maganda ba ang pagkakagawa ng akda at kung maayos ba ang

pagkakalahad ng mga kaisipan batay sa wastong gamit ng gramatika at

mga teknik sa pagsulat.

SURIIN ANG TULA GAMIT ANG FORMALISMO

FORMALISMO Kung tula ang susuriin, ang pagtalakay ay nakatuon

sa pagkakaroon o kawalan ng sukat at tugma, paggamit ng mga tayutay at

pagpili ng mga salitang ginamit. Kung kuwento o nobela, ang pokus ay sa

pagiging malikhain at organisadong paglalahad.

8. Sosyolohikal

Ang teorayng sosyolohikal ay may paksang nagbibigay ng

kaapihang dinanas ng tauhan sa kwento. ang akda rin ay nagiging salamin

sa mga tunay na nangyayari sa lipunan. Sa kuwentong “TATA SELO” ni

Rogelio Sikat ay masasalamin ang aktwal na pangyayari sa lipunan. ang

pang aapi sa mga mahihirap at pagturing dito na mababang uri.


PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

9.Teoryang Saykolohikal / Sikolohikal

Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng

pagpapakita ng mga salig (factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-

uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda.

Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng

panibagong behavior dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.

Gumagamit ito ng konsepto ng Psychology at Sociology sa pagsusuri ng

akda. Ipinaliliwanag ng teoryang ito kung katanggap-tanggap ba ang

pagbabago sa kilos at pag-uugali ng mga karakter sa akda batay sa

aktuwal na posibleng maganap sa isang tunay na sitwasyon. Para rin itong

Realismo na nakapokus lamang sa pagiging lohikal o makatotohanan ng

pagkatao ng karakter sa akda.

Sinusuri rin sa akda ang streams of consciousness ng karater batay

sa kung papaano ipinakilala ang tauhan batay sa daloy ng mga pangyayari

at tunggalian. Ito ay ang laman ng isipan ng tauhan sa mga kuwento at

nobela na inilalahad ng awtor sa kanyang akda. Gamit ang sayko-analitik

bilang teorya, kailangang mapanatiling konsistent ang paglalarawan sa

pagkatao ng karakter o kung may pagbabago man, dapat na matugunan

ito ng mga pangyayaring nagtulak sa karakter para magbago ng pag-iisip,

ugali at panig na ipinaglalaban.

10. Eksistensyalismo

Hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng personalidad ng

tao at binibigyan halaga ang kapangyarihan ng kapasyahan laban sa

katwiran. Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na

pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng

kanyang pananatili sa mundo (human existence).

Binibigyang diin nito ang pagpapahalaga sa indibiduwal na

kalayaan ng tao. Magagamit ito sa pagsusuri ng mga akda na may mga

kakaibang karakter. Ang karakter na existentialist ay handang humarap sa

bunga ng kanyang mga ginawa at hindi tumatakas sa kanyang paniniwala.


PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

HALIMBAWA:

Sa Noli Me Tangere, maituturing na existentialist si Pilosopo Tasyo

dahil sa pagtataglay niya ng pananaw na iba kaysa karaniwang

mamamayan ng San Diego. Sa awiting “Alapaap” ni Ely Buendia,

kapansin-pansin ang linyang nagsasabing “andaming bawal sa mundo

sinasakal nila tayo / buksan ang puso at isipan, paliparin ang kamalayan”.

Malinaw na ang persona ay naghahangad ng paglaya mula sa

nakagisnang nakakahong Sistema at paniniwala.

Pasimuno ng Existentialism; Si Jean Paul Sartre (Hunyo 21, 1905-

Abril 15, 1980) ay isang French na pilosoper, nobelista, aktibista at kritiko.

Naniniwala siyang “hindi dapat pahintulutan ng manunulat na siya ay

maging isang institusyon”.

11. Romantisismo

Ang teoryang pampanitikang umusbong sa Europe noong

ikalawang hati ng ikalabingwalong dantaon. Kasalungat ng romantisismo

ang klasismo sapagkat ang higit na pinahahalagahan ng romantisismo ay

ang damdamin at guniguni. Nagpapamalas ang romantisismo ng pag-ibig

sa kalikasan, pagmamahal sa kalayaan ay sa lupang sinilangan,

paniniwala sa taglay na kabutihan ng tao, paghahangad ng espiritwalidad

at hindi mga bagay na materyal, pagpapahalaga sa dignidad hindi sa mga

karangyaan at paimbabaw na kasiyahan at kahandaan magmahal sa

babae/lalakeng nag-aangkin ng kapuri-puri at magagandang katangian,

inspirasyon at kagandahan. Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang

iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang

pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda

na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam

lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.

Sinusuri nito kung ang akda ba ay nagpapakita ng mga sitwasyong

hindi makatotohanan at hindi kapani-paniwala. Kalimitang magagamit ito

sa pagsusuri ng mga akdang may kinalaman sa pag-ibig o sa mga


PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

pangyayaring imposibleng maganap sa tunay na buhay. Ang isang action

movie ay nagtataglay ng romantisismo kung ang bida ay hindi napapagod

at namamatay sa kabila ng napakarami niyang kalaban gaya ng mga

pelikula ni FPJ o ni Jacky Chan.

Romantisismo rin ang makikita sa mga telenobelang ang isang

mahirap ay inibig ng mayaman at sa kabila ng paghihirap ay mabubuhay

nang masaya at mapayapa sa katapusan ng palabas. Ang eskapismo sa

mga pelikula, awit, dula at iba pang uri ng sining ay maituring na

romantisimo sapagkat ipinaghehele ng mga ito ang mambabasa o

manunuod sa ilusyon.

12. Marksismo

Inuuwa ang akda batay sa kalagayan ng mga tauhan. Hinahanapan

ang akda ng patunay ng mga naglalabasang lakas sa pagitan ng mahina

at malakas, matalino at mangmang, duwag at matapang, mahirap at

mayaman. Dito nakapaloob ang mga tauhang bida at kontrabida. May

suliranin ang bida at ang gumagawa nito ay ang kontrabida. Sa teoryang

ito, di padadaig ang naaping tauhan, babalikwas ito upang madapi ang

nangaaping lakas. Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o

sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa

pagdudurusang dulot ng pang-ekonomiyang kahirapan at suliraning

panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa

kalugmukan sa akda ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.

Ito ang ginagamit para suriin ang mga akdang nagpapakita ng

tunggalian sa uri ng mga tao. Binibigyang diin nito na ang isang lipunang

pantay-pantay ay makakamit lamang sa pamamagitan ng sama-samang

pagkilos ng tao at hindi sa pamamagitan ng himala. Magagamit ang

Marxismo sa mga makabayang tula, awit at pelikula lalo pa kung ang paksa

ay tumatalakay sa labanan ng magsasaka at panginoong may lupa o kaya

naman ay ng mga rebelde at sundalo ng gobyerno.

Si Karl Heinrich Marx (May 5, 1818 – Mar 14 1883) ay isang German


PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

pilosoper, ekonomista, sociologist at historian na siyang naglatag ng

pundasyon ng ideyolohiyang Komunismo. Napabilang sa teoryang

pampanitikan ang Marxismo dahil sa ambag ng mga manunulat na

Marxista sa panitikan. Natural na upang higit na maunawaan ang akdang

sinulat ng isang Marxista, makatuwirang gamitin ang lente ng Marxismo sa

pagtalakay sa kabuluhan ng nasabing akda.

13. Historical/Historikal

Ang teoryang ito ay patungkol sa pinagmulan at pag-unlad ng

wikang ginamit sa mga akdang pampanitikan. Kakikitaan ang mga akda ng

mga pagbabago sa paggamit ng mga salitang naaayon sa panahon at sa

kultura na may kinalaman sa mga pagbabagong nagaganap sa ating

bayan, kasama rito ang mga pagbabagong nagaganap sa ating lipunan,

ekonomiya, edukasyon, agrikultura at higit sa lahat ang ating

pananampalataya. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng

isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng

kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay

bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.

Inilalahad ng teoryang ito ang mga pangyayari sa kasaysayan na

matatagpuan sa isang akda. Halimbawa nito ay ang pagsusuri sa Noli Me

Tangere ni Dr. Jose Rizal o sa nobelang “Dekada 70” ni Lualhati Bautista

kung saan patutunayan ng nagsusuri na ibinatay ng may akda sa mga

aktuwal na pangyayari sa kasaysayan ng bansa ang kanilang sinulat.

Kailangang mapalutang ng nagsusuri ang mga aktuwal na

pangyayari sa kasaysayan na tuwirang binanggit sa akda. Mahalagang

maipaliwanag na ang eksena sa akda ay may pinaghalawang

pangyayaring tunay na naganap sa lipunan.

14. Teoryang Moralistiko

Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang

sumusukat sa moralidad ng isang tao – ang pamantayan ng tama at mali.

Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa


PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang

itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay nagkakasunduan

ayon na rin sa kaantasan nito. Binibigyang linaw nito kung ang akda ba ay

nagtataglay ng aral na mapapakinabangan ng mambabasa upang

mapabuti ang kanyang kalgayan. Hinahanap lamang ng pagsusuring ito

kung may matututunan ba ang mambabasa sa akda o wala.

15. Bayograpikal

Ang teoryang ito ay patungkol sa may-akda ng mga akdang

pampanitikan, siya ang nagsusulat o sumusulat ng mga akdang

pampanitikan na ating nababasa magpasahanggang ngayon. Ang

teoryang ito ay tumutukoy sa bakgrawnd ng may akda sa kanyang sinulat

na akda, makababasa tayo ng ilang mga pangyayaring nangyari sa tunay

na buhay ng may-akda upang masmapaganda pa nito ang paghubog sa

kanyang sinulat na akda. Kakikitaan din ito ng pilosopiya ng may akda sa

dahilang kababasaan ito ng kanyang pananaw patungkol sa mga bagay

na nais niyang ihatid sa mga mambabasa.

Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan

sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang

mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya,

pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang

magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karansan sa mundo.

Ginagamit ito upang patunayan na ang isang akda ay may tuwirang

kaugnayan sa karanasan ng awtor. Sinusuri nito ang pagkakatulad ng

karanasan ng may akda sa kanyang nilikhang karakter sa kanyang akda.

HALIMBAWA

Ang mga Nobela ni Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

16.Teoryang Queer

Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng

lipunan sa mga homosexual. Kung ang mga babae ay may feminismo ang

mga homosexual naman ay queer. Kinikilala kung ang akda ay


PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

nagtataguyod ng karapatan ng mga lalaking may piniling kasarian.

Binibigyang diin ang paghahangad ng pantay na karapatan sa lipunan para

sa mga bakla. Tinitingnan sa akda kung ang paglalarawan ba sa isang

bakla sa akda ay naglalayong ipaunawa sa madla na may karapatan din

ang mga gay.

17. Teoryang kultural

Tumutukoy sa mga kuwentong base sa isang kulturang

pinaghanguan ng kwento o tula. Ang layunin ng panitikan ay pakilala ang

kultura ng may-akda sa mga hindi nakakaalam. Ibinibahagi ng may-akda

ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon minana at ipasa mga sunod na

salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi.

18. Structuralism

Binibigyang diin nito ang mga nakasanayan, nakakahon o

nakagisnang pormula sa pagsulat ng akda ng paulit-ulit na ginagamit ng

mga awtor. Kung sa tula, nakapokus ito sa mga nakasanayang

pamamaraang paggamit ng sukat at tugma.

Kung sa kuwento, makikita ang mga pagkakatulad ng isang akda sa

mga nauna nang akda pagdating sa istorya, tunggalian at paraan ng

pagtatapos. Kung sa awit, makikita ito sa mga lyrics at tono na madaling

sundan sapagkat parang may katulad na o gasgas na sa ating pandinig

19. Post-structuralism

Ito ang pagsusuri sa mga bagong pamamaraan, teknik at paksa sa

pagsusulat. Humihiwalay ito sa mga nakasanayan pamamaraang at

nagbibigay halaga sa mga eksperimento ng mga manunulat sa kanilang

paglikha. Nahahati ito sa dalawa: Reader’s Response Theory at

Deconstruction

Reader’s Response Theory – nagbibigay patunay na bawat

mambabasa ay may sariling interpretasyon sa akda na hiwalay sa

motibo o iniisip ng awtor. Pinatutunayan nito na walang kinalaman

ang awtor sa pagsusuri sa mensahe ng kanyang akda sapagkat ang


PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

mas mahalaga ay ang opinyon ng mambabasa.

Deconstruction/ Dekonstraksyon - winawasak nito ang

nakagisnang paniniwala hinggil sa mensahe ng akda. Binibigyang

diin nito na palaging may positibo at negatibo sa pagkilala sa

mensahe ng isang akda at ito ay maaaring walang katapusan. Ang

layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo

sa tao at mundo. Pinaniniwalaan ng ilang mga pilosopo at

manunulat na walang iisang pananaw ang nag-udyok sa may-akda

na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais

iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo. Ito ay teoryang

pangpanitikan na pwede mong baguhin ang katapusan at pwede ka

ring mag dagdag ng mga tauhan ngunit hindi mo pwedeng buhayin

ang mga namatay na sa akda!

HALIMBAWA;

Mas Naunang Nagdekonstrak si Balagtas?

“23 Bakit Kalangita’y bingi Ka sa akin Ang tapat kong luhong ay hindi Mo

dinggin Diyata’t sa isang alipusta’t iring Sampung tainga Mo’y

ipinangunguliling? 24 Datapuwa’t sino ang tatarok kaya Sa mahal Mong

lihim, Diyos na dakila Walang mangyayari sa balat ng lupa Di may

kagalingang Iyong ninanasa.”

Pasimuno ng Deconstruction

JACQUES DERRIDA (Hul. 15, 1930 –Okt. 9, 2004) Isa siyang

French pilosoper na nakapagsulat ng 40 aklat na may kinalaman sa

Humanities at iba pa.

20. Naturalismo

Itinuturing itong ekstensyon ng Realismo dahil sa pagkakatulad ng

dalawa ngunit nakatuon ito sa walang katapusang paghahanap ng tao sa

mga kongkretong katibayan at batayan para sa kanyang mga paniniwala

at karanasan. Halimbawa, kung gagamitin sa pagsusuri ng pagkatao ni


PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

Piliosopo Tasyo sa “Noli Me Tangere”, ang paniniwala niya ay nakabatay

sa kanyang masusing pagsusuri sa mga bagay na “natural” na umiiral.

21. Orientalismo

Nakapokus ito sa mga akdang nag-aangat sa pagkatao ng mga

taga-Asya, oriental o taga-Silangan gaya ng mga Pilipino. Iwinawasto nito

ang maling konsepto na superior ang mga tagaEuropa at nilalabanan ang

mga naunang sinulat ng mga Western writers hinggil sa diumano’y

kamangmangan ng mga Asyano.

Pasimuno ng Orientalismo

Edward Said (Nob 1, 1935- Sep 25, 2003) –isang Palestine-

American literary theorist, kinikilala ang ambag sa postcolonial theory at

tagapagtaguyod ng karapatan ng mga Palestino.

Ang theme song ng Pinoy Big Brother na “Pinoy Ako” at ang kantang

“Ako ay Pilipino” ay nagpapakita ng mga elemento ng pagpapahalaga sa

pagkatao nating mga Pilipino na nagmula sa silangan. Katulad rin nito ang

pahayag ni Heber Bartolome na nagtatanong: “Bakit kaya tayo ay ganito?

Bakit nanggagaya meron naman tayo?”

22. Liberation Theology

Ito ang pagsusuri sa mga akdang pinagsanib ang ideolohiya ng

Marxismo at pananampalataya sa Diyos. Binibigyang diin nito na si Kristo

ay naghahangad ng katarungan, kalayaan at kaunlaran at kung nais mong

maging kaisa niya ay kailangang maging instrumento ang iyong

pananampalataya para makamit ang paglaya.

Liberation Theology sa El Filibusterismo “Nasaan ang mga

kabataang naglalaan ng kanilang magagandang sandali, mga pangarap at

kasiglahan sa ikabubuti ng kanilang bayan?” (Padre Florentino Kabanata

39) “Aminin nang ang bayan ay mangmang at mahina sa ngayon--- ganyan

din ang paniniwala ko. Ngunit hindi na iyan magiging totoo bukas o

makalawa man. Bukas o makalawa ay lalakas sila at hindi natin sila

mapipigil tulad din naman ng mga batang pagsapit ng takdang gulang ay


PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

nakatatalos na ng sari-saring bagay” (Padre Fernandez Kabanata 10)

Papaano Ginagamit ang mga Teoryang Pampanitikan?

Ang isang akda ay maaaring suriin sa kahit aling Teorya depende

sa pagnanais ng nagsusuri. Walang akda na maaring suriin sa iisang

teorya lamang. Ang “Ibong Adarna” ay maaaring gamitan ng Structuralism,

Feminismo o Romantisimo depende sa kung ano ang nakikita at

nauunawaan ng nagsusuri. Ang mahalaga ay mabigyang diin ng nagsusuri

ang kanyang pananaw hinggil sa akda at mabigyan niya ng sapat na

katwiran ang kanyang pagsusuri.

Ang obligasyon ng nagsusuri ay patunayan na tama siya bilang

kritiko ng akda. Nakabatay sa paliwanag ng nagsusuri kung kapani-

paniwala ba ang kanyang paglalahad at kung magiging katanggap-

tanggap ito sa babasa ng kanyang pagsusuri. Kung sino ang

makapaglatag ng kapani-paniwalang ebidensya upang patunayan ang

kanyang pagsusuri ang mas paniniwalaan ng mambabasa.

Mga Halimbawa ng Pag-aaral sa Pagsasalin at Pagsusuri ng Akdang

Pampanitikan

Maikling Kwentong Hiligaynon: Isang Pagsasalin at Pagsusuring


Moralistiko at Sosyolohikal1Noeme L. Robante, 2Dolly Ann B. Reyes,
and 2,3Joefel T. Libo-on

ABSTRAK
Ang pag-aaral na ito ay nauukol sa pagsasalin at pagsusuri
ng limang maikling kwentong Hiligaynon. Palarawan - pagsusuri ang
ginamit na metodo sa pag-aaral na ito. Sa pamamagitan ng pamantayang
binuo, pinili ng tatlong hurado ang limang maikling kwentong Hiligaynon
na siyang isinalin sa wikang Filipino at sinuri ayon sa dulog moralistiko
at sosyolohikal. Sa pamamagitan ng talatanungan, tiniyak ng tatlong
tagataya ang kaangkupan ng pagsasalin. Batay sa kinalabasan ng
pagtaya, napakaangkop ng ginawang pagsalin sa wikang Filipino ng
limang maikling kwentong Hiligaynon. Nagtataglay rin ang mga ito ng bisa
sa isip, asal at damdamin. Bilang karagdagan, naipamalas din ang iba’t
ibang kalagayan at suliraning panlipunan tulad ng diskriminasyon sa
PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

pisikal na kaanyuan, maling paniniwala at gawi ng mga tao sa


relihiyon, pagkalulong ng mga kabataan sa ipinagbabawal na gamot,
pagsasamantala sa kahinaan ng kababaihan at kawalan ng hustisya.

Mga Hakbang sa Pagsasakatuparan ng Pag-aaral.

Dulog Moralistiko
Sa dulog moralistiko, inilalahad ang iba’t ibang pamantayang
sumusukat sa moralidad ng isang tao-ang pamantayan ng tama at
mali (Castillo,2019). Sa moralistikong pananaw, makikita sa mga
kwentong sinuri ang maraming pagpapahalagang pangkatauhan at
pagpapahalagang moral ng mga Ilonggo. Dito tinalakay rin ang mga bisang
pampanitikan tulad ng bias sa isip, asal at damdamin.

Sa kwentong Donato Bugtot (Donato Kuba), pinakatema ng


maikling kwento ang pagpapahalaga sa kabutihan. Ang kabutihan ng
isang tao sa kabila ng pag-abandona, pagtakwil at pag-alipusta sa
kanyang pagkatao dahil lamang sa kanyang pisikal na kaanyuan. Ang
kabutihan ay likas sa mga Pilipino/Ilonggo. Ang pagtulong sa kapwa
lalong-lalo na sa gitna ng kagipitan at pangangailangan. Ipinaalala
din ng kwento na huwag nating tingnan ang isang tao sa kanyang
pisikal na kaanyuan kundi tingnan ang kanyang kalooban.
“Demonyo ang batasan ni Jed. Sia nga ginbugayan sang
katahum kag mala-anghel nga hitsura, napun-an sang kalain kag kalaw-
ay. Garuk! Makangilil- ad sia; kag makatalagam, tungod makatiliplang.
Hitsura n’ya lang ang mabuot, apang ang sulod, dukot.”
Demonyo ang ugali ni Jed. Siya ang biniyayaan ng
PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

maganda at mala-anghel na hitsura, pero puno ng kapangitan. Bulok!


Nakakadiri siya; delikado, mapagkunwari. Mukha lang siyang
mabait, pero ang ugali’y napakapangit.

Ang pagiging maka-Diyos ay nakita rin sa kwentong ito.


Ang mga Ilonggo ay naniniwalang may Diyos na siyang lumikha
ng sanlibutan. Lahat ng nangyayari ay naaayon sa Kanyang
kagustuhan. Tulad na lamang sa kwentong ito, si Donato ay iniwan
ng kanyang ina, inalipusta at binalewala ng kanyang kakambal
ngunit may plano ang Diyos para sa kanya. Siya ang Tagapagligtas!
Nagligtas ng kanyang pamilya mula sa kumonoy ng kasalanan. Kasalanan
ng kanyang ina, ng kanyang ama at ng kanyang kakambal.

“Makatilingala ang mga pamaagi sang Dios. Ikaw, ang bato nga gin-
etsa- pwera sang mga manugtukod, ikaw subong ang sadsaran sang
kaluwasan. Ikaw – ang paaman, ikaw subong ang sugpon nga kabuhi
sang imo kapid. Ginhingalanan ka nga Donato, nagakahulugan ‘ginhatag
sang Dios,’ apang ikaw subong ang ginatawag nga maghatag.”
“Nakapagtataka ang pamamaraan ng Diyos. Ikaw, ang batong
binalewala ng mga manggagawa, ikaw ngayon ang daungan ng
kaligtasan. Ikaw – ang dagdag, ikaw ngayon ang dudugtong sa
buhay ng iyong kakambal. Pinangalanan kang Donato,
nangangahulugang “ibinigay ng Diyos”, pero ikaw ngayon ang
tinawag para magbigay.”

Nalakipan din ng positibong pagpapahalaga ang kwento gaya ng


pagiging maunawain, mapagkumbaba, mapagpatawad at pagmamahal sa
pamilya na taglay ng pangunahing tauhan sa akda na dapat tularan ng
lahat. Sa akdang ito malayang nailahad ang katotohanang mahalaga
ang pagkakaroon ng busilak na kalooban sa kabila ng mga masama
at pangit na nangyari sa buhay, pagpapatawad at pagtanggap hindi
lamang sa sariling kahinaan at kalakasan kundi ng kapwa tao.
“Palanggaa sila. Ilabi na gid ang mga nagatamay sa imo.”
“Mahalin mo sila. Lalo na ang umaaapi sa iyo.”

Bilang moralistikong pananalig, ipinaalala naman ng maikling


kuwentong Lirio (Lirio) ang labis na pagmamahal ng magulang sa anak.
Ang responsibilidad ng magulang ay hindi nagtatapos sa pagbibigay
buhay lamang sa sanggol. Higit kailanman, pananagutan ng magulang
ang siya’y arugain, bigyan ng pangunahing pangangailangan at higit
PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

sa lahat pagmamahal. Tunay na kailangan ng anak ang pagmamahal ng


magulang lalo na kung ang anak ay may kapansanan.
“Tuman ang pagpalangga kay Lirio sang iya ginikanan apang nagdaku sia
nga wala sang mga abyan.”
Sobra ang pagmamahal kay Lirio ng kanyang mga magulang ngunit
lumaki siyang walang kaibigan.
Apang ayhan, sa ila pagkaapa, mas nahangpan sang mga tigulang ang
nagkalahanabo sa ila pinalangga nga anak. Kag tungod nga luyag nila nga
makahibi si Lirio nga wala sang huya-huya (o kon ano nga ginaulikdan),
ginpunggan na lang nila ang ila pagginhawa tubtub nagtulurong ila
mga kalimutaw.
Ngunit dahil sa kanila ring pagkapipi, mas naintindihan ng mga
matatanda ang nangyayari sa kanilang pinakamamahal na anak.
At dahil gusto nilang umiyak si Lirio nang hindi nahihiya (o may
pinoproblema), pinigilan nila ang paghinga hanggang sa tumirik ang
kanilang mga mata.
Ipinakitanaman sa kwentong Candido (Candido) ang isang
wagas na pag-ibig. Isang pag-ibig na hindi matutumbasan ng anumang
materyal na bagay. Pagmamahal na handang makipaglaban sa hagupit
ng panahon. Isang pag-ibig na kahit ang pagitan ay napakalawak
na karagatan ay paninindigan pa rin ang paghihintay sa taong
minamahal.

“Nalipat ka, Didong. Apang ako, wala. Padayon ako nga naghulat,
padayon nga naglaum.”
“Nakalimot ka, Didong. Ngunit ako, hindi. Patuloy na naghintay,
patuloy na umasa.”

Ipinakita rin sa kwento ang isa pang uri ng pag-ibig, ang pag-ibig sa bayan,
ang pakikipaglaban para sa kalayaan ng ating bansa.
Kag si Andres, Supremo sang Katipunan – ang likum nga hubon nga
nagapakigbato para sa kahilwayan sang mga Pilipino gikan sa mapintas
kag malupigon nga mga Katsila.
At si Andres, Supremo ng Katipunan – ang lihim na samahan
na nakikipaglaban para sa kalayaan ng mga Pilipino mula sa
malupit at mapang-aping mga Kastila.

Sa kabuuan, ang limang maikling kwentong sinuri ay


nagtataglay ng mga pagpapahalagang gumugulo sa mentalidad
at sa kabutihan ng tao kaya maaaring gamitin para sa pagtuturo ng
PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

aral at hitik sa damdamin at emosyon ang mga kwento na


nakapagtuturo ang mga ito ng mga aral sa mambabasa. Pinupukaw nito
ang damdamin ng mga mambabasa sa pagpapahalaga ng mabuti at
masama. May mga hatid na kaalaman at kaisipan na nagdudulot pa rin
ng bagong kaalaman ang mga kwentong sinuri. Nakatitinag rin ng
damdamin ang nilalaman ng akda dahil sa mga tauhang nagbibigigay
buhay rito. Samakatwid, taglay ng mga kwento ang mga bisang
pampanitikan na binanggit ni Rufino Alejandro: ang bisa sa damdamin,
bisa sa isip at bisa sa kaasalan.Bisa sa Damdamin.

Dulog Sosyolohikal
Ayon kina Castillo (2019), Sa dulog na sosyolohikal natatalakay
ang mga kalagayang sosyal, ang kapamuhayan, ang mga sitwasyong
nag-uudyok ng karahasan, nagtutulak sa tao sa ganoon at ganitong
buhay, mga pagkakataong nagiging sanhi o bunga kaya ng mga pang-
aapi at pag-aapi, pagkaduhagi o kaya’y kadakilaan, kagitingan,
kabayanihan ng isang tao o pangkat ng tao. Ang sosyolohikal ay
nagbibigay diin sa mga kalagayan at suliraning panlipunang ipinapahiwatig
ng akda.
Sa sosyolohikal na pananaw, makikita sa kwentong Donato
Bugtot (Donato Kuba) ang dalawang mukha ng tao sa lipunan: ang
taong nagtataglay ng kagandahan sa pisikal na kaanyuan at mga
taong nagtataglay ng kapangitan. Hindi kaila sa lipunang ating
ginagalawan na ang maganda ay hinahangaan at ang mga pangit ay
binabalewala at minsan ay inaalipusta. Sa trabaho ay palaging
kwalipikasyon ang pagkakaroon ng kaaya-ayang personalidad.
Sa kwentong Si Padre Olan kag Ang Dios (Si Padre Olan at
Ang Diyos), gamit ang sosyolohikal na pananaw, hindi nakaligtas sa
mapanuring pagmamasid ng may-akda ang maling paniniwala at gawi ng
mga tao sa relihiyon katulad ni Don Beato, kahit na para sa kapakanan
ng lahat ang inilapit ng don sa pari, alam ni Padre Olan na para sa sariling
negosyo/kapakanan ang totoong nagtulak sa don na lumapit sa
kanya. Inilalarawan nito ang ilang miyembro ng lipunan na
nagkukunwari para makahingi ng pabor para sa ikabubuti ng sarili
at pagprotekta sa kayamanan. Maging ang karaniwang nangyayari sa
paligid ng simbahan kahit saang panig man ng bansa ay ipinamalas rin ng
akda.

Ginhambalan sila ni Padre Olan nga indi paghimuon nga sirkus


ang liturhiya, nga pat-uron nga wala sang may magalibud sang mani
PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

kag baye-baye, o Tru-Orange kag singkamas bisan sa gwa sang


simbahan.
Pinagsabihan sila ni Padre Olan na huwag gawing perya ang
liturhiya, na siguraduhing walang magtitinda ng mani at baye-
baye, o Tru-Orange at singkamas kahit sa labas ng simbahan.
Ang kwentong Ang Kapid (Ang Kambal) ay naglahad ng
suliraning panlipunan sa kasalukuyan, ang pagkalulong ng mga kabataan
sa ipinagbabawal na gamot. Mga kabataang kulang sa pag-
aruga, pagmamahal, pagtingin at paggabay ng magulang. Inilarawan
ito sa pagtatrabaho ni Rafael del Valle sa New Life Therapeutic Center
na sentro sa pagrehab ng mga adik at durugista.
Kag didto sa New Life Therapeutic Center, samtang nagatrabaho sia
sa tunga sang mga adik, daw landong nga nagtubo ang kaakig kag
pangbasol sa dughan ni Rafael. Nanugunan gid sia sa mga kabataan
nga nagguba sang ila buasdamlag paagi sa droga.

Sa New Life Therapeutic Center, habang nagtatrabaho siya


kasama ang mga adik, umusbong ang galit at paninisi sa
puso ni Rafael. Nanghihinayang talaga siya sa mga kabataang
nasira angbuhay at kinabukasan dahil sa droga.

Sinasalamin naman ng kwentong Lirio ang imahen ng


kababaihan sa lipunan, bilang pasibo, madaling matakot, hindi
gumagamit ng isipan, kayan-kayanan ng kalalakihan at sentimental.
Taglay ang ganitong katangian ng pangunahing tauhan sa kwento.
Padayon nga pagpahubog kag pagpanakit sa asawa sang sutil nga si
Itik.(Patuloy ang paglalasing at pananakit ni Itik sa kanyang asawa.)
Apa niya nga ginbaton ang tanan nga kastigo tungod ini sia
makapaathag kon ngaa ginaduaw sia ni Noli nga may dala nga tatlo ka puti
nga liryo.
Tahimik niyang tinanggap ang lahat ng pananakit dahil hindi
siya makapagpaliwanag kung bakit dinadalaw siya ni Noli na
may tatlong mapuputing bulaklak (liryo).

ISANG PAGSASALIN AT PAGSUSURI SA MGA PILING MAIKLING


KUWENTO
Dr. Jeanette Mendoza-Baquing

ABSTRAK
PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa pagsasalin at pagsusuri sa


labinlimang (15) maikling kuwentong hinango sa Philippine Literature.
Sa kabuuan ay nilayong tugunan ng pag-aaral na ito ang mga
sumusunod:Ang kahusayan ng pagkakasalin ng mga maikling kwento
batay sa tuntuning panretorika, kawastuhang panggramatika, gamit ng
matatalinhagang pananalita, kalinawan ng salita at katangiang
pampanitikan. Ang kaangkupan naman ng pagkakasalin ay ibinatay
sa tema, damdamin, kayarian at kaisipan. Pagkatapos maisalin ay
sinuri rin ng mananaliksik ang mga maikling kuwento upang makita
ang teoryang higit na nangibabaw sa bawat akda. Komunikatibong salin
batay sa dayagram ni Newmark ang paraang ginamit at ang naging
patnubay ay ang mga hakbang sa pagsasalin na iminungkahi ni
Santiago (1991). Ang ginamit na metodo sa pag-aaral ay palarawang
pagsusuri (descriptive-analytic). Sa pamamagitan ng talatanungang
ibinatay sa ginamit nina Cabra, Sustento at Cabiling, limang tagataya ang
tumiyak ng kahusayan at kaangkupan ng salin na isinagawa ng
mananaliksik. Batay sa kinalabasan ng pagtataya, ipinahayag ng mga
tagahatol na Napakahusay ng ginawang pagsasalin sa pangkabuuang
katamtamang tuos na 4.52at Napakaangkop din ng pagsasalin na mga
maikling kwento na may pangkabuuang katampatang tuos na 4.62.Sa
pangkabuuang pinagsamang tuos na 4.58 naipakita na taglay ng mga
maikling kwento na Napakahusay/Napakaangkopng pagkakasalin ng
mga ito. Sapagsusuring ginawa, ay nangibabaw ang teoryang
humanismo, romantisismo, feminismo at siko-analitiko ng mga maikling
kuwento. Sa pamamagitan din ng teoryang istrukturalismo ay naipakita
ang kaangkupan ng wikang ginamit sa pagsasalin.Sa kabuuan, mahalaga
ang pag-aaral na ito upang madagdagan ang kakulangan ng mga
babasahing nauugnay sa pagsasalin at pagsusuri ng mga akdang
pampanitikan. Maaari rin itong mapagbatayan ng mga mag-aaral sa
kanilang mga suring-basa upang higit na malinang sa kanila ang mataas
na kakayahan sa pang-unawa ng kontekstwal na kahulugan ng mga
babasahin.

Batayang Teorya ng Pag-aaral


Teorya sa Pagsasalin
Pagbabatayang teorya sa pagsasaling ito ay ang teorya ni
Alfonso O. Santiago. Ayon sa kanya, “Ang pagsasalin ay ang paglilipat sa
pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa o
mensaheng isinasaadsa wikang isinasalin. Idinagdag pa niya na
tungkulin ng isang tagapagsalin na ilipat sa pinagsasalinang wika ang
PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

anumang diwa o mensahe buhat sa isinasaling wika. Ang


pagdaragdag, pagbabawas, pagpapalit o pagbabago sa orihinal na
diwa ng isinasalin ng walang kadahilanan ay maituturing na paglabag
na sa tungkulin ng tagapagsalin. Kailangan na maiparating ng
tagasalin sa bumabasa ang diwang ibig ipahatid ng awtor sa
pamamagitan ng paggamit ng angkop na mga salita at istilo o paraan
ng isang tagasalin, kung gagamit ng maling salita ay para naring
gumagamitng maling kulay o maling guhitat ang pagkakamaliraw sa
dimensyon, sukat at proporsyon ng alinmang bahagi ng katawang
iginuhit ng isang pintor ay katumbas ng pagkakamali sa pagbibigay-
kahulugan sa tunay na diwa ng pangungusap.

Teorya sa Pagsusuri
Ang pagsusuri ay hindi pamimintas sapagkat ang pamimintas
ay paninira at ang pagsusuri ay pagbubuo sapagkat ito’y hindi lamang
tumutukoy sa kahinaan o kaukulan sa isang akda kundi sa mga
positibong katangian o mabubuting aspekto rin naman nito. Layunin
nito na maipakitaang kahalagahan ng isang sining, ayon sa
kagandahan at kapintasan nito. Ayon kina Mabanglo at Baltazar
(1979), ang pagsusuri ay isang masusing pag-aaral na may layuning
mabuo at maitaas ang uri ng panitikan sakapakanan ng
mambabasa, ng manunulat at ng sining. Ito’y isang gawaing pagsukat o
pagtaya sa nilalaman ng panitikan ayon sa isinasaad ng mabuting
panlasa at ng mga simulaing pansining. May mga panunuring
pampanitikan sa wikang banyaga at ilan sa mga manunuri sa wikang
Ingles ay nagbigay ng katuturan ng pagsusuri. Isinulat ni Richards na,
“Ang isang likhang sining ay nararapat hatulan alinsunod sa
kahalagahan ng inihandang karanasang pangkaisipan at sa bisa ng
pagkakatulad sa nasabing karanasan.”Magagawa ng isang mabisa ang
pagtalakay sa isang sinusuring akda kung mailalahad ang tagumpay ng
teoryang pampanitikang ginamit. Isang uri ng tagumpay ang hatid ay
kaalaman at kasiyahan, na siyang tanging layunin sa pagtuturo ng
panitikan”.
PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

Paradaym ng Pag-aaral

Mga teoryang pampanitikang nangibabaw sa bawat maikling


kwento.
Talahanayan Blg. 4 Mga Teoryang Nangibabaw
sa bawat Maikling Kuwento

Maikling Kuwento Teorya


A House Full of Daughters Feminismo
A Night in the Hills Humanismo
Heart of Summer Romantisismo
It Rained Saturday Siko-Analitiko
Afternoon
People of Consequence Humanismo
Servant Girl Romantisismo
The Beetle Humanismo
The Black Monkey Feminismo
The Dog Eaters Feminismo
The Flowers of May Humanismo
The Other Woman Romantisismo
The Quarrel Siko-Analitiko
The Small Key Romantisismo
The Transfer Humanismo
Two Brothers Humanismo

1. A House Full of Daughters - Feminismo

Mababakas sa kuwento ang pagbibigay imahen sa isang babaeng


isinalaysay ang buhay ng pagiging Ina. Walang pagsisisi ang mababanaag
sa kanya gayong nagsilang siya ng pitong anak na babae sa kabila ng mga
paghihirap at pagsasakripisyong kanyang ipinagpalit para sa kanila.
Ipinakita ng pangunahing tauhan ang kalakasang taglay niya bilang isang
PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

indibidwal, isang babae at isang Ina sa pamamagitan ng pagpapakasakit


na tinumbasan naman ng pagpapahalaga ng kanyang mga anak. Siya na
hindi nagpaubaya sa mundong nagkakait ng kasiyahan sa isang babae
upang gawin ang mga bagay na magpapaligaya sa kanya. Ang
maghanapbuhay para sa kanyang mga anak, ang alagaan sila at ang
mapalaki niya ang mga ito nang maayos ay ang mga ilang patunay lamang
na nagpakita sa katangian ng isang babae na hindi lamang nagagawa ng
isang lalake. Hindi man niya inilarawan ang kanyang sarili bilang isang
perpektong Ina ay maaaninag pa rin sa kanya ang mga katangiang tunay
na sumusukat sa pagiging Ina. Na ang isang babaeng itinali ang sarili para
sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang mga anak ay hindi isang hadlang
upang maisakatuparan pa rin niya ang mga sariling pangarap.

2. A Night in the Hills - Humanismo

Ang makuha ang pangarap ng isang tao ang nagbibigay ng


kabuuan ng kanyang pagkatao bagaman may mga bagay pa rin ang tunay
na magpapaligaya sa kanya. Ang katuparan ng pangarap na makapunta
sa mga burol ng pangunahing tauhan na si Gerardo Luna na isang byudo,
ang masasabing natatanging bagay na magbibigay sa kanya ng kasiyahan
ngunit bilang isang tao ay masisilayan pa rin sa kanya ang ibang
kagustuhang mapananatili niya nang matagal. Binigyan man ng pansin sa
akda ang pangarap na yaon ay hindi pa rin maiaalis sa kultura ng isang tao
ang iba pang kagustuhang magbibigay pa sa kanya na tunay na
kaganapan. Labis man ang kagustuhan ng sinuman na matupad ang
kanilang mga ninanais ay patuloy pa rin ang paghahangad ng kanilang
puso’t isipan na hanapin ang tunay na magbibigay ng kasiyahan. Katulad
ng pangunahing tauhan, mababakas sa kanya ang lihim na kagustuhang
maabot ang tunay na kaluwalhatian ng kanyang pagkatao. At iyon ay ang
pagmamahal at pagpapahalagang manggagaling sa ibang tao at sa Diyos
na inaasam ng lahat ng tao sa mundo.

3. Heart of Summer - Romantisismo

Pag-ibig ang lumilikha ng katotohanan, kagandahan at walang


katapusang imahinasyon. Ang pangunahing tauhan na siyang
nagsasalaysay sa akda ay kakikitaan ng labis na pagmamahal para sa
isang babaeng nabuo lamang ng kanyang pag-iisa. Isang ganap na
babaeng maaari lamang niyang ibigin sa likod ng kanyang mga panaginip
at malikot na pag-iisip. Pag- ibig na naging simula ng lahat, at pag-ibig na
nauwi rin sa masaklap na kamatayan. Mababakas sa pangunahing tauhan
ang pagmamahal na lumikha sa kanya ng kalungkutan at pag-iisip na
PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

waring nilunod lamang ng mapaglarong pagmamahal. Hindi niya inalintana


ang katotohanan gayong ang babaeng kanyang lihim na minamahal ay
nakatali na sa iba. Sa kanyang nabuong imahinasyon ay pag-ibig lamang
ang bumalong, hindi siya natakot na ipakita ang kanyang nararamdaman
na naging dahilan din ng kanyang kamatayan. Walang ibang paghahangad
ang naipakita kundi ang pag-ibig na nararamdaman ng pangunahing
tauhan na lumikha sa kanya ng mapaglarong mundo ng katotohanan.

4. It Rained Saturday Afternoon - Siko-Analitiko


Ang kamalayan ng bawat tao ang minsang nagdidikta sa kanya para
takasan ang katotohanang mayroon ang tunay na mundo. Wala mang
makapagsasabi sa tunay na iniisip ng sinuman ay hindi ito maitatago na
bunga ng kanyang ikinikilos. Kung susuriin ang kabanghayan ng kwento,
mula sa tagapagsalaysay ay mababakas na ang mga pangyayaring pilit na
naglalaro sa kanyang isipan. Ang kagustuhan ng pag-iisip na maibigay o
dili kaya’y magawa ang isang bagay na tiyak na magbibigay ng kasiyahan.
Katulad ng iba pang mga tauhan sa kwento, ang paghahangad na
makagawa ng mga bagay na hindi karaniwan sa pang-araw-araw na gawi
ng kanilang buhay ay isang payak na pagnanais na dinidikta lamang ng
kanilang mga isip ngunit ito’y magdudulot ng panandaliang kasiyahan. At
sa bawat paghahangad naman ay may hindi inaasahang pagbabadya ng
pagsusumamo at kagyat na kalungkutan. Sa kabila ng pag-aakalang ang
lahat ay matatapos lamang ay saka rin makikini-kinita at mapagtutuunan
ng kamalayan na mayroong mga taong mas lalong higit na naghahangad
ng tunay na kaligayahan na hindi lamang likha ng guniguni at malikot na
pag-iisip. Katulad na lamang ng tagapagsalaysay sa kwento, mas
napagtuunan ng kanyang pansin ang nakaagaw ng atensyon ng isang
taong pilit na nagtatago sa totoong mundo. Sa kanyang mga nasilayan ay
napagtanto niyang higit pa rin siyang mapalad kumpara sa mga taong
nakikihiram lamang ng sandali na bunga lamang ng walang maayos na
katinuan. Ipinapakita lamang na nagkakaroon ng tunay na kamalayan ang
isang tao tuwing nahaharap o kaya’y nasasaksihan niya ang mga
pangyayaring maaaring bumago sa paraan kung paano siya mag-isip.

5. People of Consequence - Humanismo

Ang katuturan ng buhay ng isang tao ay wala sa pagpag ng kanyang


dila at lalong hindi nasusukat sa estado ng buhay na mayroon siya sa isang
lipunan. Ito ang ipinakita sa akda bilang pagpapahalaga sa tunay na
kabuluhan ng pagkatao ng mag- asawang sina Meding at Camus. Hindi
man sila maituturing na tanyag sa kanilang lugar ay hindi naman
PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

maikakaila ang naiiba nilang paniniwala at paninindigan sa buhay. Na ang


tao bilang sentro ng daigdig ay may iba’t ibang uri rin ng imahen. Ang bawat
pagkilos nila ay naaayon din sa kaasalan ng mga taong maaaring
makasalamuha nila at ng lipunang patuloy na nagbabago. Ang tao mismo
ang gumagawa ng sarili niyang buhay, ikasasawi at ikauunlad. Ang
kahinaan niya minsan ang nagiging kalakasan niya upang siya’y
magpatuloy. Tulad ni Camus na pangunahing tauhan sa kwento, hindi ang
pagkakaroon ng pamilya ang nagbigay sa kanya ng kaganapan bilang
isang tao kundi ang mabuting pakikipagkapwang iginaganti at hinahangad
niya. Isang kultura ng pagiging tao ang paghahanap ng sariling
kagustuahan na magbibigay sa kanya ng sapat na dahilan upang suungin
ang daluyong maaaring makaharap nila sa kanilang paglalakbay. Na
walang sinuman ang nabubuhay para sa kanilang sarili lamang bagkus ay
kinakailangan ang pagpapahalagang nanggagaling din sa iba.

Teoryang Istrukturalismo
Sa pagsasalin sa mga maikling kuwento ay nagamit nang maayos
ang mga karaniwan at di-karaniwang ayos ng mga pangungusap kung
ihahambing sa orihinal. Higit namang nagamit ang karaniwang ayos ng
mga pangungusap sa mga salitaan sa mga isinaling maikling kwento na
nagpapakita sa mga tiyak na sitwasyon at pagkakataon upang mas maging
magaan ang daloy ng anumang usapan.
Halimbawa ng mga dayalogo: The Other Woman “Nasaan ang iyong
ama?”, “Pupunta siya rito bukas.”, “Mahal niya ako.” The Quarrel “Nagsisisi
ka ba?”, Bumangon ka na riyan.” The Small Key “Patay na Siya.”.
“Tulungan Niyo ako na makalimutan ang mukha ni Indo habang inilalagay
ang maliit na susi sa bulsa.” The Two Brothers “Pinuntahan kita..”,
“Tumahimik ka!”
Sa pagsa-Filipino ng mga maikling kuwento ay hindi naapektuhan
ang diwa ng mga pangungusap kahit na ang mga ito ay nagsimula sa
simuno bago ang panaguri o kaya ay panaguri bago ang simuno.
Halimbawa, sa isinaling kwento na Puso sa Tag-init, ang pangungusap
na “Pumasok siya sa kanyang silid ” ay hindi magkakaroon ng anumang
pagbabago kung ito ay nasa di-karaniwang ayos na “Siya ay pumasok sa
kanyang silid.” Karamihan din ng mga salitang nagamit ay payak, nagamit
din nang maayos ang mga salitang inuulit at tambalan.
PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

Kritikal na Pagsasalin ng Isang Tulang Sosyopolitikal ni Jose Maria


Sison /
A Critical Translation of a Sociopolitical Poem of Jose Maria Sison

ABSTRAK

Konektado ang gawaing pagsasalin sa usaping pampolitika at


kultura. Multidisiplinaryo ito dahil kinakailangan na tingnan ng tagasalin
ang konteksto ng kasaysayan, kultura, at karanasan ng isang manunulat
upang maibahagi sa mga mambabasa ang mensahe na hatid ng mga
akdang pampanitikan. Layunin ng papel na ito na isalin sa Filipino ang
isang tulang sosyopolitikal ni Jose Maria Sison bílang kontribusyon sa
pagpapayabong ng mga teksto sa pambansa at panlipunang kalayaan at
maihatid ito sa kalakhang masang Filipino. Inilapat ang Teorya ng
Manipulasyon ni Andre Lefevere upang maisakatuparan ang kritikal at
ideoholikong pagsasalin ng tula. Bagaman nása kontekstong Filipino na
ang nasabing obra, layunin ng pagsasalin na maipahatid ang mensaheng
magtataas ng kamalayan magpapakilos sa sambayanang Filipino tungo sa
kalayaan.

Kritikal na Pagsasalin sa Obra ni Joma


Ang piniling obra ni Jose Maria Sison na isinalin ng tagasalin ay ang
People’s Cry of Justice, isang tulang tuluyan na iprinesenta ng
PambansaDemokratikong Prente ng Pilipinas as Open Source Tribunal sa
Netherlands noong Nobyembre 23, 2013. Laman nito ang paunang
panayam ng kanilang organisasyon tungkol sa paghagupit ng bagyong
Yolanda sa Pilipinas. Mahalagang maláman na nása kamalayang Filipino,
bagaman politikal ang mensahe, ang nilalaman ng nasabing sosyopolitikal
na tula. Dahil dito, ginamit na lamang ng tagasalin ang pagsasaling
interlingual ni Jakboson. Ito ang pagsasalin ng isang teksto mula sa
simulaang lengguwahe patungo sa isang tunguhing lengguwahe (Bassnett
1988). Sa sitwasyong ito, isinalin ang tula mula sa Ingles patungong
Filipino. Ideolohiko ang ginawang pagsasalin kayâ ginamit ng tagasalin
ang Gabay sa Pagsasalin ng Kilusang PambansaDemokratiko upang
mapanatili at masigurado ang ideolohiko at politikal na mensahe nito.
Binanggit ni Geronimo sa kaniyang pag-aaral na hindi madadaan sa
simpleng literal na pagsasalin o idyomatiko ang ideolohiya ng manunulat.

Sa ikalimang talata, makikita ang panungusapna “In the diversion of public


funds to their private accounts…” Walang direktang pagsasalin ang
PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

salitang “account” sa wikang Filipino, ngunit sa tingin ng tagasalin ay


nangunguhulagan ito bílang mgapersonal na pagmamay-ari ng mga
namumunò sa bángko. Ang pinakamalapit na terminong nahanap ng
mananaliksik sa English-Tagalog Dictionary ay ang Ingles na salitang
“bankbook” na may saling “libretasa bángko” sa Filipino. Nakasaad naman
sa ikapitong talata ang linyang “That condemns the people to lives of want
and misery…” Ang literal na salin nito sa wikang Filipino ay ang salitang
“kagustuhan,” ngunit hindi nito ipinapakita ang mensaheng ihinahatid ng
tula na nagsasabing hindi nakabatay sa pangangailang mabúhay (needs)
at magkaroon ng kasaganahan ang búhay ng mga Filipino. Upang
mabigyan ng diin ang mensaheng ito, ginamit ng tagasalin ang terminong
“panandaliang aliw” bílang salin sa Ingles na salitang “want.” Sa kasunod
na talata, hindi isinalin ng mananaliksikang salitang open pit mining dahil
sa taglay na teknikalidad nito. Ayon kay Byrne (2010), hindi kinakailangang
isalin ang mga teknikal na termino sa tunguhing lengguwahe kung
gagamitin ito sa panitikan.

Pagsusuri sa Kritikal na Pagsasalin ng The People’s Cry for Justice

Gabay ng mga batayang prinsipyo ng Kilusang Pambansa-


Demokratiko at ni Lefevere, naisalin ng tagasalin ang sosyopolitikal na tula
ni Jose Maria Sison mula sa Ingles patungong Filipino. Kakikitahan na ng
pambansa-demokratikong katangian ang orihinal na tula sa Ingles dahil sa
personal na ideolohiya ng tagasalin. Ngunit para maintindihan ito ng
kalakhang masang Filipino at magamit sa mga pag-aaral tungkol sa
pagpapalaya ng bayan, minabuti ng tagasalin na pasimplehin ang mga
komplikadong termino na ginamit ng manunulat.
PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

MODELO NG PAGSASALIN

Nida’s Model of the Transalation Process

Figure 1. Nida’s Model of Translation Process

https://www.researchgate.net/figure/Nidas-Model-of-the-Translation-

Process_fig1_328036003

Ipinapaliwanag sa modelong ito na ang proseso sa gawaing

pagsasalin ay nagsisimula sa tinatawag na Analyzing, kung saan sa

puntong ito nangangailangan ng kakayahang umunawa sa wika upang

wastong mabigyang-kahulugan at maunawaan ang teksto mula sa SLT.

Ang ikalawang yugto sa proseso ng pagsasalin ay ang paglilipat ng

mensahe sa target language text (TLT) o Transfer. Dito, maaaring

gumamit ng diksyunaryo, thesaurus, at anumang iba pang nauugnay na

materyales. Ang kakayahang pumili ng naaangkop na katumbas sa TLT

ay kailangang taglayin upang matiyak na ang mensahe ay maipakita nang

tama sa TLT. Ang isa sa mga hamon na maaaring lumitaw sa yugtong ito

ay ang kakulangan ng mga katumbas sa TLT, halimbawa, kapag

nagsasalin ng teksto mula sa Ingles patungong Filipino, maaaring

mahirapan tayong makahanap ng katumbas sa TLT para sa isang

partikular na terminong pangkultura.

Ang ikatlong yugto ay ang proseso ng muling pagsasaayos o

Restructuring. Dahil ang bawat wika ay may sariling sistema, ang mga

pagbabago sa pagsasalin ay hindi maiiwasan. Ito ay katanggap-tanggap

hangga't ang kahulugan o ang mensahe sa SLT ay tama na maipakita sa

TLT. Ang yugtong ito ay maaari ding ituring bilang isang yugto ng pag-edit
PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

na nagsasangkot ng paggawa ng desisyon. Sa yugtong ito kailangan

magpasya kung aling katumbas ang gagamitin o kung aling diskarte ang

ilalapat, kung gagawing tapat ang pagsasalin tulad ng sa legal na

pagsasalin o upang makagawa ng isang dinamikong pagsasalin tulad ng

pagsasalin ng isang akdang pampanitikan. Bukod sa kinakailangang may

kakayahang linggwistiko sa pag-unawa sa pinagmulang wika, kailangan

din nating maipahayag ang ating sarili sa target na wika. Kailangan nating

magkaroon ng kamalayan sa pragmatic na konteksto at bawasan ang mga

paglitaw ng mga pagkakamali sa gramatika sa TLT. Halimbawa, sa

pagsasalin ng isang teksto mula sa Filipino sa Ingles, dapat nating

maunawaan ang tamang paggamit ng mga panahunan, artikulo, pang-

ukol, mga pandiwa ng parirala, atbp.

Sa modelong ginawa ni Eugene Nida, ipinakita niya ang isang paradym na

proseso sa pagsasalin. Mayroon itong “three-stage system”.

NIDA 3-STAGES OF TRANSLATION

ANALYSIS Surface structure of ST is analyzed into the basic


element of deep structure

TRANSFER These are the ‘transferred’ in the translation process

RESTRUCTU And restructed semantically and stylistically into


RING surface structure of the TT

TATLONG HAKBANG SA PAGSASALING-WIKA

1. PAGBASA AT PAG-UNAWA SA TEKSTO - Basahing maigi ang teksto

ng isasalin at unawain ito. Tinatawag din itong “pagtuklas ng kahulugan”.

2. PAGHAHANAP NG TUMPAK NA ANYO UPANG MULING

MAIPAHAYAG ANG MENSAHE NG AKDA - Paghahanap ng tumpak na

anyo upang maipahayag ang mensahe sa tunguhang lengguwahe.

3. MULING PAGPAPAHAYAG NG MENSAHE NG AKDA -


PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

Pagsasaalang-alang ng tagasalin sa kanyang mambabasa.

Lagumin natin ang mga halimbawang nakalakip sa ibaba;

Miglong ya datu’ The datu said, young lady

matamis ya kakan mu your food is delicious

kaykule

Miglong datu’ matamis Said datu’ delicious food


kakan kaykule young lady

Gkasabutan nengka Do you understand what I’m


su pedtalun ku? saying?

Gkasabutan
Understand I saying
pedtalun ku?

Ginatan-aw ni Nick ang Nick was looking at


daw bukid sang bato nga the rock face Jason
gusto ni Jason ila taklason. wanted them to climb.

Ginatan-aw ni Nick
ang daw bukid sang Nick looks at the
bato ila taklason ni mountain of rock that he
Jason and Jason are going to
cross

Tingnan natin ang halimbawang pagsasalin ng awiting “Ili Ili tulog Anay” ng

mga Hiligaynon ni Hannah C. Comia at susubukan nating isalin gamit ang

modelo ng pagsasalin ni Eugene Nida.

“Ili Ili, Tulog Anay”


Salin ni Hannah C. Comia

Hiligaynon English

Ili ili, tulog anay Sleep a while, little one


Wala diri imo nanay. Your mother is not here.
Kadto tienda bakal She went to the store to buy
papay. bread.
Ili-ili tulog anay. Sleep a while, little one

Mata ka na tabangan mo. You are awake, come and


Ikarga ang nakompra ko. help.
Kay bug-at man sing Carry the things that I bought,
putos ko. Because it is very heavy
Tabangan mo ako anay. Help me for a while, little one.
PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

MGA TEKNIK SA PAGLILIPAT NG SALITA MULA SA SIMULAANG

TEKSTO (SOURCE TEXT) TUNGO SA TUNGUHANG TEKSTO

(TARGET TEXT

Narito ang 18 teknik na inilahad ni Newmark (1988):

1. Transference (Adapsyon)

Nangangahulugan ito ng paglilipat o panghihiram ng mga

salita mula sa simulaang lenggwahe nang hindi na binabago ang

ispeling. Ginagawa ito lalo na kung ang nabanggit na mga salita ay

masyadong katangi-tangi sa simulaang lenggwahe.

Halimbawa:

pizza-pizza

2. One-to-one Translation (Isahang Pagtutumbas)

Halos literal ang pagkakasalin sa teknik na ito na kung saan

nagaganap ang isa-isang tumbasan.

Halimbawa:

un beau jardin (French) -isang magandang hardin

3. Through Translation (Saling Hiram)

Partikular na ginagamit ito sa pagsasalin ng mga collocation na

binubuo ng dalawa o higit pang salitang pinagsasama.

Halimbawa:

brainwashing -paghuhugas-isip

4. Naturalisation (Naturalisasyon)

Sa teknik na ito, pinagbabatayan ang bigkas ng salita at saka

binabaybay base sa ortograpiya ng tunguhang lenggwahe.

Halimbawa:

computer –kompyuter

5. Lexical Synonymy (Leksikal na Sinonim)


PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

Hinahanapan sa tunguhang lenggwahe ng pinakaangkop na

katapat ang salita mula simulaang lenggwahe.

Halimbawa: old house -lumang bahay

6. Transposition (Transposisyon)

Sa sandaling gamitin ito sa mga ispisipikong pagkakataon,

karaniwan nang nagkakaroon ng “pagpapalit” ng posisyon ang mga salita

mula sa simulaang lenggwahe patungo sa tunguhang lenggwahe.

Halimbawa: stone mill -gilingang-bato (nagpalit ng posisyon)

7. Modulation (Modulasyon)

Isinasaalang-alang ang konteksto ng pagkakagamit ng salita na

nasa simulaang lenggwahe bago ito bigyan ng katapat na salin.

Halimbawa: reinforcement-karagdagang lakas (kung ukol sa military

ang gamit ng reinforcement) pagpapatupad (kung ukol sa batas ang

tinutukoy)

8. Cultural Equivalent (Kultural na Katumbas)

Hinahanapan ng kultural na salita sa tunguhang lenggwahe ang isa

ring kultural na termino mula sa simulaang lenggwahe.

Halimbawa: tea break -merienda

9. Functional Equivalent (Panksyunal na Katumbas)

Sa teknik na ito, itinutumbas ang mas katanggap-tanggap na

salin sa tunguhang lenggwahe para sa kultural ding salita. Sa

pagsasagawa nito, nagaganap ang dekulturisasyon ng kultural na salita

mula sa simulaang lenggwahe.

Halimbawa: uncooked peanuts -hilaw na mani (sa halip na hindi pa

lutong mani)

10. Descriptive Equivalent (Amplipikasyon)

Gumagamit ito ng deskriptibong katumbas para sa salitang

nagmula sa simulaang lenggwahe. Karaniwang natutumbasan ito gamit

ang pariralang pangngalan o sugnay na pang-uri sa tunguhang


PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

lenggwahe.

Halimbawa: kueh -isang uri ng kakanin (mula sa “Doubt”)

11. Recognized Translation (Kinikilalang Salin)

Ginagamit ito sa kaso ng mga institusyonal na termino na kung

saan ang ginagamit na panumbas ay ang kinikilalang salin ng karamihan.

Halimbawa: mayor -mayor o meyor (bihira ang punung-bayan)

12. Addition/Expansion (Pagdaragdag)

Sa teknik na ito, karaniwang nagdadagdag ng salita o mga

salita sa salin para mapalinaw ang nais ihatid na mensahe.

Halimbawa: No money? Oh, I have, I have. (mula sa

“Doubt”)Walang pera? May pera ‘ko. May pera ‘ko.

13. Reduction/Contraction (Pagpapaikli)

Kahit na paikliin o bawasan ng mga salita, naroroon pa

rin ang gustong paratinging mensahe.

Halimbawa: I’ll take them along tomorrow. (mula sa

“Doubt”)Babaunin ko ‘yon bukas.

14. Componential Analysis (Komponensyal na Analisis)

Sa teknik namang ito, nagkakaroon ng segmentasyon ang mga

makabuluhang yunit ng pahayag.

Halimbawa: The beautiful/ rubber doll/ lying/ on the floor/ belongs

to/ SelmaAng magandang/ gomang/ manyika/ na nakahiga/ay kay/ Selma.

15. Paraphrase (Hawig)

Karaniwan nang humahaba ang salin kaysa sa orihinal na

teksto dahil sa nagaganap na malayang pagpapaliwanag ng ilang bahagi.

Halimbawa: Decades have passed since Filipino historians felt

that the initial impulse to rewrite Philippine history from the point of

view of the Filipino. (Mula sa Chapter I ng “The Philippines, A Past

Revisited ni Renato Constantino)Marami nang taon at matagal na ring

panahon simula ng ang mga historyador na Pilipino ay maramdaman ang


PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

pangangailangan na simulan nang isulat na muli ang kasaysayan ng

Pilipinas. Ito raw ay kailangang isulat batay sa pananaw o pagtingin

ng mga Pilipino.

16. Compensation (Kompensasyon)

Kung minsan, may naaalis na salita o bahagi kapag isinalin

na ang partikular napahayag ng simulaang lenggwahe sa tunguhang

lenggwahe. Sa kaso ng teknik na ito, ang naalis na bahagi ay

tinutumbasan ng naidagdag na ibang bahagi. Ginagawa ito kapag ang

kahulugan ng nawalang bahagi ay naipahayag na sa mga naunang

pahayag.

17. Improvement (Pagpapabuti)

May pagkakataong may makikitang mali ang tagasalin sa

orihinal na teksto. Sa ganitong sitwasyon, maaari niyang itama

ang gramatikal o taypograpikal na pagkakamali.

Halimbawa:

...because experience told her that her mother was wont to

scoldpeopleat such moments....dahil alam niyang magagalit ang

kanyang ina kapag may mga gayong pangyayari.

18. Couplets (Kuplets)

Napagtatambal ang gamit ng dalawa o higit pang teknik sa

pagsasalin kapag inilipat ang mensahe mula sa simulaang lenggwahe

patungosa tunguhang lenggwahe.

Halimbawa:Noel is not here. He went to John’s birthday.Wala dito

si Noel. Nagpunta siya sa bertdey ni John. (Gumamit ng transposisyon at

naturalisasyon.)
PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

Pangkatang Gawain:

PAGLALAPAT Isalin ang tulang “Muse” ni Meena Alexander, Suriin ito ayon sa teoryang

pampanitikan, Pumili lamang ng isang teorya na angkop sa tulang ito at

ipaliwanag. Ilagay sa isang buong papel. Ang myembrong hindi tutulong

ay huwag itala ang pangalan!

Rubriks:

Kaangkopan ng salin - 30 puntos

Kaangkopan ng teorya- 25 puntos

Pagpapaliwanang - 30 puntos

Kooperasyon - 15 puntos

Muse
Meena Alexander
1951 –2018
I was young when you came to me.
Each thing rings its turn,
you sang in my ear, a slip of a thing
dressed like a convent girl—
white socks, shoes,
dark blue pinafore, white blouse.

A pencil box in hand: girl, book, tree—


those were the words you gave me.
Girl was penne, hair drawn back,
gleaming on the scalp,
the self in a mirror in a rosewood room
the sky at monsoon time, pearl slits

In cloud cover, a jagged music pour:


gash of sense, raw covenant
clasped still in a gold bound book,
PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

pusthakam pages parted,


ink rubbed with mist,
a bird might have dreamt its shadow there

spreading fire in a tree marram.


You murmured the word, sliding it on your tongue,
trying to get how a girl could turn
into a molten thing and not burn.
Centuries later worn out from travel
I rest under a tree.

You come to me
a bird shedding gold feather,
each one a quill scraping my tympanum.
You set a book to my ribs.
Night after night I unclasp it
at the mirror's edge

alphabets flicker and soar.


Write in the light
of all the languages
you know the earth contains,
you murmur in my ear.
This is pure transport.

Pagsusuri ng akdang pampanitikan alinsunod sa uri, wika, teorya, at


MGA SANGGUNIAN
iba pa.
Robante, N., Reyes, D. A., & Libo-on, J. (2023). Maikling Kwentong
Hiligaynon: Isang Pagsasalin at Pagsusuring Moralistiko at
Sosyolohikal. Romblon State University Research Journal, 5(1),
7–17. Kinuha mula sa https://doi.org/10.58780/rsurj.v5i1.97

Dr. Jeanette Mendoza-Baquing. (2023). ISANG PAGSASALIN AT


PAGSUSURI SA MGA PILING MAIKLING KUWENTO. EPRA
International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR), 9(6),
11–24. Kinuha mula sa
http://www.eprajournals.net/index.php/IJMR/article/view/2173

Espinosa E. (2021). “Teorya pagsusuri panitikan panunuring


pampanitikan” Kinuha mula sa
https://www.coursehero.com/file/p5nbvkt/TeoryaPagsusuriPanitika
nPanunuring-Pampanitikan-Tiyak-nang-naunawaan-mo-ang/

Castillo, P. (2019). “Mga Teorya at Dulog sa Pagsusuring Pampanitikan”.


Powerpoint. Kinuha mula sa
https://www.slideshare.net/PjCastillo2/mga-teorya-at-dulog-sa
pagsusuring-pampanitikan
PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

Desabelle, K. (2017). "Pagsusuri ng akdang pampanitikan –SlideShare."


26
Feb. 2017. Kinuha mula sa
https://www.slideshare.net/kimdesabelle/pagsusuri-ng-akdang
pampanitikan.
Bagsic, A. (n.d). “Panunuring Pampanitikan”.
https://pdfcoffee.com/panunuring
pampanitikanpdf-pdf-free.html#Aileen+Bagsic

Mabait, M. (2014). “Teoryang Pampanitikan”. Powerpoint. Nakuha mula sa


https://www.slideshare.net/GinoongGood/teoryang-pampanitikan
36790003

Mga modelo ng pagsasalin

“Modelo Ng Pagsasalin” Kinuha mula sa


https://dokumen.tips/documents/modelo-ng-pagsasalin.html

Paradigma: Pagpapakita Ng Modelong Ginagamit Sa Pagsasaling-Wika,


(2016). Kuha mula sa
https://www.slideshare.net.GelBagsik/paradigma-pagpapakita
ngmodelong-ginagamit-sa-pagsasalingwika

“Finalpointers – Pagsasalin” Kinuha mula sa


https://www.studocu.com/ph/document/mindanao-state-university-
iligan-instituteof-technology/filipino-sining-ng-komunikasyon/finalpointers-
pagsasalin/41981528

"Theory, Model, Algorithm. Modeling the Process of Translation – ppt


Online." Nakuha mula sa https://en.ppt-online.org/414198.

"Translation Theory in the 20th century - презентация онлайн." Nakuha


mula sa https://ppt-online.org/704877.

Mga Teknik sa Paglilipat ng Salita mula sa Simulaang Teksto (Source


Text) Tungo sa Tunguhang Teksto (Target Text).

“Mga Teknik sa Pagsasalin” Kinuha mula sa


https://www.studocu.com/ph/document/university-of-batangas/bs
psychology/mga-teknik-sa-pagsasalin/25882922
PAGSASALING PAMPANITIKAN
CSSH-ABFIL

“Poets.org” mula sa https://poets.org/poem/muse


https://www.researchgate.net/profile/Jeconiah-Louis

Dreisbach/publication/329167635_Kritikal_na_Pagsasalin_ng_Istang_Tul

ang_Sosyopolitikal_ni_Jose_Maria_Sison_A_Critical_Translation_of_a_S

ociopolitical_Poem_of_Jose_Maria_Sison/links/5bf95539458515a69e386

ecb/Kritikal-na-Pagsasalin-ng-Istang-Tulang-Sosyopolitikal-ni-Jose-Maria-

Sison-A-Critical-Translation-of-a-Sociopolitical-Poem-of-Jose-Maria-

Sison.pdf?_sg%5B0%5D=started_experiment_milestone&origin=journalD

etail

You might also like