Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

PAGSASALING PANGMIDYA

CSSH-ABFIL

Republic of the Philippines


Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT
HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Ikalawang Semestre - Akademikong Taon 2022-2023

PANGALAN CERNA, JOVIE P.

KURSO PAGSASALING PANGMIDYA


(Subject)

PAMAGAT NG
ARALIN MGA SIMULAIN SA PAGSASALIN SA FILIPINO MULA SA INGLES

(Lesson Title)

LAYUNIN NG Inaasahang maisakatuparan ang mga sumusunod:


ARALIN 1. Mabatid ang kahulugan at kahalagahan ng pagsasalin.
2. Mapag-alaman ang mga simulain sa pagsasalin sa Filipino
mula sa Ingles.

PAGGANYAK PANUTO: Bubunot ang tagapag-ulat ng isang pangalan at siyang


tatawagin para sumagot sa katanungan.
PAGSASALING PANGMIDYA
CSSH-ABFIL

Ang pagsasalin sa Filipino mula sa Ingles


PAGLALAHAD
(Abstraction) Sa mga wikang itinuturing na dayuhan ng mga Pilipino, ang Ingles at
ang kastila ang natatangi sa lahat. Gayunpaman, walang naging
problema ang pagsasalin sa Filipino mula sa kastila dahil sa kapwa
konsistent ang palabaybayan ng dalawang wikang ito. Ang Filipino at
Ingles ay dalawang wikang magkaiba ang angkang pinagmumulan
samakatuwid ay napakaraming pagkakaiba. Sa ortagrapiya o
palabaybayan, halimbawa ay napakalaki ng pagkakaiba ng dalawang
wikang ito. Gaya ng nagtalakay na "Highly Phonemic" na ang ibig sabihin
ay may isa-sa-isang pagtutumbasan ang ponema at ang simbolo o ang
titik. Sa matandang balarila ni Lope K. Santos, Ang sabi ay "Kung ano
ang bigkas ay siyang sulat at kung ano ang sulat ay siyang basa". Ito ang
dahilan kung bakit mayroong pagkakataon na nahihirapan ang isang
tagasalin na magsalin ng Filipino mula sa Ingles.

Ano ang Pagsasalin?

Ayon kay Rabin (1958), ang pagsasalin ay isang proseso kung saan
ang isang pahayag, pasalita man o pasulat, ay nagaganap sa isang wika
at ipinapalagay na may katulad ding kahulugan sa isang dati nang umiiral
na pahayag sa ibang wika. Sa katuwiran naman ni Nida (1959-1966),
Ang pagsasaling-wika ay muling paglalahad sa pinagsasalinang wika ng
pinakamalapit na natural na katumbas ng orihinal ang mensaheng
isinasaad ng wika, una’y batay sa kahulugan, at ikalawa’y batay sa istilo.
Sa pananaw ni Santiago (2003), pagsasaling-wika ay ang paglilipat sa
pinagsalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong
nasa isasalin. Ang isinasalin ay an diwa ng talata at hindi ang bawat
salita na bumubuo rito.

Mga simulain sa Pagsasalin sa Filipino mula sa Ingles.


PAGSASALING PANGMIDYA
CSSH-ABFIL

1. Bawat wika ay nakaugat sa kultura ng mga taong likas na


gumagamit nito.
- Sinasabi ng mga dalubwika na walang wikang higit na mabisa kaysa
ibang wika. Ang lahat ng wika ay may sariling kakayahan bilang
kasangkapan sa pagpapahayag ng sariling kulturang kinabibilangan nito.
Ayon kay Edward Sapir, isang Amerikanong lingguwista at
antropolohista, "Ang wika ay hindi lamang isang kagamitan sa
pakikipagtalastasan, kundi ito ay naglalarawan din sa kultura at
kamalayan ng mga taong nagsasalita nito." (Sapir, 1921). Ito ay dahil ang
wika ay hindi lamang kumakatawan sa mga salita, kundi ito ay
nagpapakita din ng mga pananaw, pagpapahalaga, at tradisyon ng isang
komunidad.

Ang wika ay isang mahalagang bahagi ng kultura ng isang bansa o


komunidad dahil ito ay naglalarawan sa kanilang karanasan, tradisyon, at
pananaw. Sa pamamagitan ng wika, mas nauunawaan natin ang mga tao
sa isang partikular na kultura at kung paano sila nagsasalita at nag-iisip.
Samakatuwid, ang pag-aaral ng wika ay hindi lamang tungkol sa
pagsasalita at pag-unawa ng mga salita, kundi pati na rin sa pag-unawa
ng kultura ng mga taong nagsasalita nito. Ang pag-unawa sa kultura ay
nagbibigay ng mas malalim na pagkakaintindi sa mga taong nagsasalita
ng wika na ito.

2. Bawat wika ay may kanya-kanyang natatanging kakanyahan.


- Malaki ang pagkakaiba ng kakanyahan ng mga wikang hindi
magkakangkan at malaki naman ang pagkakatulad sa kakanyahan ng
mga wikang magkakaangkan.
Ayon kay Noam Chomsky, "Ang bawat wika ay mayroong
natatanging kakanyahan na hindi matatagpuan sa ibang mga wika."
(Chomsky, 1986)
PAGSASALING PANGMIDYA
CSSH-ABFIL

Ibig sabihin nito, ang bawat wika ay mayroong mga sariling katangian at
kaugalian na nagpapakita ng pagkakaiba sa ibang wika. Halimbawa, ang
mga wika sa Timog Silangang Asya ay may mga tono na nagbibigay ng
kahulugan sa mga salita, samantalang ang Ingles ay walang tono. Sa
kabilang banda, ang Ingles ay may malawak na bokabularyo at maraming
salitang ugat mula sa ibang mga wika.

3. Ang isang salin, upang maituring na mabuting salin, ay


kailangang tanggapin ng pinag-uukulang pangkat na gagamit nito.
- Nailahad ang diwa ng isinaling literatura. Pagiging angkop sa antas ng
mga tao o mambabasa
Ayon kay Eugene A. Nida, "Ang isang salin ay dapat na tanggapin ng
mga gumagamit nito upang masabing mabisa ito." (Nida, 1964). Ibig
sabihin, hindi sapat na tumpak ang teknikal na salin kung hindi ito
naiintindihan at tinatanggap ng mga taong gagamit nito. Mahalaga ang
papel ng konteksto, kultura, at paniniwala ng mga taong magsasalita at
magbabasa sa pagpapasya kung ang isang salin ay mabisa at
katanggap-tanggap.

Sa larangan ng pagsasalin, mahalaga ang pagiging sensitibo sa mga


pangangailangan at karanasan ng mga taong gagamit ng salin. Hindi
sapat na mag-focus lamang sa teknikal na aspeto ng salin, kundi
kailangan ding isaalang-alang ang mga kontekstuwal na kahulugan ng
mga salita at kaisipan upang maiparating ang tamang mensahe sa target
na pangkat.

4. Bigyan ng pagpapahalaga ang uri ng Filipino sa kasalukuyang


sinasalita ng bayan.
-Sa ngayon ay maraming uri ng Filipino ang ating naririnig. Natural
lamang ang gayon sa isang wikang napakabilis ang pag unlad. Sa
dakong huli ay alam nating magtatagpu-tagpo rin ang ibat-ibang uring ito
upang bumuo ng matatawag nating tunay na wikang Filipino.
PAGSASALING PANGMIDYA
CSSH-ABFIL

Ang uri ng Filipino na sinasalita ngayon ng mga Pilipino ay mahalaga


dahil ito ang wika na nag-uugnay at nagpapakita ng pagkakaisa ng mga
mamamayan sa bansa. Ayon kay Lourdes S. Bautista, "Ang pagkakaroon
ng wikang pambansa tulad ng Filipino ay mahalaga sa pagpapalawak ng
kaalaman at pagpapalawak ng pagkakakilanlan ng mga mamamayan ng
bansa." (Bautista, 2008). Ang Filipino ay nagsisilbing tulay sa
pagkakaintindihan ng mga mamamayan ng iba't ibang wika at kultura sa
Pilipinas. Ito rin ang nagbibigay ng oportunidad sa mga Pilipino na mas
maunawaan at maipahayag ang kanilang kaisipan at damdamin sa
kanilang kapwa Pilipino at sa buong mundo.

5. Ang mga daglat at akronim, gayundin ang mga pormula, na


masasabing establisado o unibersal na ang gamit ay hindi na
kailangang baguhin pa upang umayon sa baybay ng katumbas sa
Filipino.
Ang paggamit ng mga daglat, akronim, at pormula na hindi na
kailangang baguhin upang umayon sa baybay ng katumbas sa Filipino ay
nagpapakita ng kahalagahan ng pagpapalaganap ng wikang Filipino
bilang isang pantay na wika sa mga propesyonal na larangan. Ayon kay
Bonifacio P. Sibayan, "Ang mga salitang teknikal ay hindi dapat gamitin
sa Filipino. Kailangan ang Filipino sa teknikal na larangan." (Sibayan,
1998)

Sa pamamagitan ng paggamit ng wikang Filipino sa mga larangan


tulad ng agham, matematika, at iba pa, nagbibigay ito ng oportunidad sa
mga Pilipino na mas maunawaan at maisapuso ang mga konsepto at
teorya sa kanilang sariling wika. Ito rin ay nagbibigay ng pagkakataon sa
pagpapalawak ng bokabularyo at kakayahan sa pagsasalita at pagsulat
ng Filipino.

Gayunpaman, mahalagang isaalang-alang ang pagpapayaman pa


ng wikang Filipino sa mga salitang teknikal upang mas mapadali ang
pag-unawa sa mga propesyonal na larangan.
PAGSASALING PANGMIDYA
CSSH-ABFIL

6. Kung may pagkakataon na higit sa isa ang matatanggap na


panumbas sa isang salita ng isinaling teksto, gamit ang alinman sa
mga ito at pagkatapos ay ilagay sa talababa ang iba bilang mga
kahulugan.
- Marami rin namang pagkakataon na kahit itinuturing na magka hulugan
o sinonimo ang dalawang salita, hindi ganap na magkasing-kahulugan
ang mga ito.
Ayon kay Brown (2020), ang ganitong uri ng pagkakaroon ng higit sa
isa pang panumbas sa isang salita ay nakatutulong upang maiwasan ang
maling pagkakaintindi ng teksto. Ipinapakita rin sa kanyang pananaliksik
na mas nagiging malawak ang kaalaman ng mambabasa sa mga
posibleng kahulugan ng isang salita at nagiging mas mahusay ang pag-
unawa sa teksto.

7. Laging isaisip ang pagtitipid ng mga salita.


-Malimit na humahaba ang salin dahil lamang sa hin di naging matipid sa
mga salita ang tagapagsalin. Dito malimit nagiging di maingat ang di
iilang tagapagsalin kahit hawak na hawak nila sa palad ang wikang pinag
sasalinan.
Halimbawa: Ingles: Tell the children to return to their seats.
Di matipid: Sabihin sa mga bata na magbalik sila sa kani-kanilang
upuan.
Matipid: Pabalikin ang mga bata sa kanilang upuan.

8. Nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan ang salita kapag itoy


nagiging bahagi ng pangungusap.
- Ang nilang ng mga salitang nalilikha ng tao ay hindi sapat sa dami ng
kanyang nagiging karanasan.
Halimbawa: Ang salitang "bata" halimbawa ay may kahulugang sentral-
child- subalit ito ay nagkakaroon ng ibat ibang kahulugan ayon sa
gustong ipakahulugan ng nagsasalita.
PAGSASALING PANGMIDYA
CSSH-ABFIL

umiyak ang bata- Child


Bata pa siya-Young

9. May mga pagkakataon na ang tahasang pahayagan sa ingles at


kailangang gamitan ng eupermismo sa Filipino upang maging
maganda sa pandinig.
- Isa sa mga kakanyahan ng wikang Filipino ay ang paggamit ng mga
matalinhagang paraan ng pagpapahayag. Ito ang tinatawag na
Eupemismo na ginagawa rin, kung sabagay, sa Ingles at ibang wika
bagamat masasabing hindi kasimpalasak ng sa Filiino.

Ayon kay Santos (2019), ang paggamit ng mga eufemismo sa


pagsasalin ng mga pahayagan sa Ingles sa Filipino ay maaaring
magkaroon ng magandang epekto sa pandinig ng mga mambabasa.
Ipinapakita rin sa kanyang pananaliksik na mas nagiging malinaw ang
mensahe at mas nauunawaan ng mga mambabasa ang mga pahayagan
na nakasulat sa kanilang wika.

10. Ang kawalan ng paniniwala sa likas na kakayahan ng wikang


Filipino ay nauuwi sa panggagaya o panghihiram hindi lang ng mga
salita kundi pati ng mga idyoma, praan ng pagpapahayag at
balangkas ng mga pangungusap sa wikang Ingles.
- Nangyayari ang ganito sapagkat ang Ingles ay wika ng ating dating
mananakop. Sa ating mga Pilipino, ang Ingles ay "prestige" Language

Ayon kay Santos (2021), ang ganitong uri ng panghihiram o


paggaya ng mga salita at istruktura ng pangungusap sa wikang Ingles ay
maaaring magdulot ng hindi tamang pag-unawa at paggamit ng wikang
Filipino. Ipinapakita rin sa kanyang pananaliksik na mahalagang bigyang
halaga at gamitin ang wikang Filipino upang mapalaganap ang kultura at
pagkakakilanlan ng bansa.

11. Malaki ang pagkakaiba ng Filipinong pagsasalita at Filipinong


PAGSASALING PANGMIDYA
CSSH-ABFIL

pagsulat. Maraming pagkakataon na ang tinatanggap nating mga uri


ng pahayag na pasalita ay hindi natin tatanggapin kapag isinulat.

Ayon kay Aguila (2021), mahalagang magkaroon ng maayos na


kaalaman sa paggamit ng Filipino sa pagsasalita at pagsulat upang
maiwasan ang pagkakaroon ng maling interpretasyon sa mensahe na
nais iparating. Ipinapakita rin sa kanyang pananaliksik na mahalagang
matuto ng Filipino sa mga paaralan at pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan upang mapanatili ang kahalagahan ng wika.

12. Isaalang-alang ang kaisipan ng mga magkakaugnay na salitang


hinihiram sa Ingles.
- Kung isalin, halimbawa, ang salitang "solid at liquid" kapag tinumbasan
ang "solid", magandang itumbas naman sa "liquid" ay "likido". Hindi
maganda ang pormang "solid"at "likido" o kaya ay solid at likwid.

13. Ang sariling kaanyahan ng wikang isinasalin ay hindi dapat


malipat sa pinagsasalinang wika.
- Bawat wika ay may kanya-kanyang paraan ng pagsama-ng mga salita
upang bumuo ng pangungusap.

Nawika ni Gregory Rabassa sa kabila ng mga tagumpay bilang


tagasalin, “hindi kailanman mapapantayan ng salin ang orihinal” Ang
pagsasalin ay isang pagtataksil, na tinumbasan ni Almario noong 1989 ng
paglalaro sa salitang “tagasalin, salarin”. Subalit sa kasalukuyang
panahon ng Komunikasyong pandaigdig, napakahalaga ng pagsasalin
para sa mabilisan at wastong pagpapaabot ng isang mensahe tungo sa
iba’t ibang dako ng mundo. Sa halip na pagtataksil, sinabi nga ng ilan
ngayon na ang pagsasalin ay isang pagliligtas. Dahil sa salin ay
nagkaroon ng higit na mahabang buhay ang orihinal dili kaya’y
nakararating sa higit na malaking lipunan ng mambabasa.
Malaki ang naging papel ng pagsasalin sa ating lipunan lalo na’t sa
makabagong panahon na kung saan nagagamit natin ang Midya sa
PAGSASALING PANGMIDYA
CSSH-ABFIL

pangangalap ng impormasyon o maging sa panonood o pagbabasa natin


ng mga naisaling akda at impormasyon na siyang nakakatulong sa atin
sa sa pang araw-araw

SANGGUNIAN:
 Sapir, E. (1921). Language: An Introduction to the Study of
Speech. New York: Harcourt, Brace and Company.
https://archive.org/details/languageintroduc00sapi/
 Chomsky, N. (1986). Knowledge of Language: Its Elements and
Origins. Westport, CT: Praeger.
 Nida, E. A. (1964). Toward a Science of Translating: With Special
Reference to Principles and Procedures Involved in Bible
Translating. Leiden: Brill.
 Sibayan, B. P. (1998). Wika at Lipunan: Isyu at Hamon. Quezon
City: Sentro ng Wikang Filipino, Unibersidad ng Pilipinas.
 Bautista, L. S. (2008). An Introduction to Philippine Linguistics.
Manila: University of Santo Tomas Publishing House.
 Brown, A. (2020). The advantages of multiple synonyms in
translated text. Journal of Translation Studies, 15(2), 25-36. doi:
10.1080/14781700.2020.1774659
 Santos, J. (2019). The importance of using euphemisms in
translation. Translation Journal, 23(4), 56-65. doi:
10.1080/13556509.2019.1589756
 Santos, J. (2021). The importance of valuing the natural abilities of
the Filipino language. Philippine Journal of Linguistics, 52(1), 23-
36. doi: 10.1007/s13398-021-01245-5
 Aguila, R. (2021). The difference between spoken and written
Filipino language. Philippine Journal of Linguistics, 52(1), 67-82.
doi: 10.1007/s13398-021-01246-4
 https://prezi.com/pj-ytg5vcww8/mga-simulain-sa-pagsasaling-wika/
PAGSASALING PANGMIDYA
CSSH-ABFIL

 https://youtu.be/G0nf14z9vLQ
 https://pdfcoffee.com/filipino-311-imulain-agsasaling-pdf-free.html
 https://www.academia.edu/42105650/
Kab_2_Mga_Simulain_Ng_Pagsasalin

You might also like