Ang Kabihasnan Sa MesoAmerica

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Kabihasnan sa MesoAmerica

 Maraming siyentista ang naniniwalang may mga pangkat ng mga mangangaso o ‘hunter” ang
nandayuhan mula sa Asya patungong North America, libong taon na ang nakararaan.
 Hango ang pangalang Mesoamerica sa katagang meso na nangangahulugang “gitna”.
 Sa kasalukuyan, saklaw ng Mesoamerica ang malaking bahagi ng Mexico, Guatemala, Belize, El
Salvador, at kanlurang bahagi ng Honduras.

Ang mga Olmec

 Ang katagang Olmec ay nangangahulugang rubber people dahil sila ang kauna - unahang taong
gumamit ng dagta ng punong rubber o goma.
 Nakaimbento sa kalendaryo at isang Sistema ng pagsulat gamit ang carvings.
 Naunawaan na rin nila ang konseptong zero sa pagkukuwenta.
 larong pok-a-tok na tila kahalintulad ng larong basketbol, subalit ang mga manlalaro ay hindi
maaaring gumamit ng kanilang kamay upang hawakan ang bolang yari sa goma.
 Ang mga Olmec ay kilala rin sa paglililok ng mga anyong ulo mula sa mga bato.
 Sinasamba ng mga Olmec ang espiritu ng jaguar.

Ang mga TEOTIHUACAN (250 B.C.E.-650 C.E.)

 Isa sa mga dakila at pinakamalaking lungsod sa panahong ito ay ang Teotihuacan na


nangangahulugang “tirahan ng diyos”
 Ang mga piramide, liwasan, at lansangan ay nagbigay ng karangyaan, kadakilaan, at
kapangyarihan sa lungsod.
 Nagkarooon ng monopolyo sa mahahalagang produkto tulad ng cacao, goma, balahibo, at
obsidian.
Ang monopolyo ay isang klase ng sistemang pangangalakal kung saan tanging nag-iisang korporasyon ang nagtitinda ng isang produkto.
Ang obsidian ay isang maitim at makintab na bato na nabuo mula sa tumigas na lava. (talim ng kutsilyo, salamin)
 Pinakamahalagang diyos ng Teotihuacan ay si Quetzalcoatl, ang Feathered Serpent God.
pinaniniwalaang sa kaniya nagmula ang iba’t ibang elemento ng kabihasnan at Kinatawan din
niya ang puwersa ng kabutihan at liwanag. Siya rin ang diyos ng hangin.

You might also like