Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

p

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION I

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10

I- Pamantayan sa Pagkatuto
a. Nasusuri ang diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan at LGBT.
(AP10KIL-IIId6)

Layunin: Naibibigay ang kahulugan ng salitang diskriminasyon at karahasan.


Natutukoy ang mga diskriminasyon at karahasan sa kababaihan, kalalakihan at LGBT.
Nakapagmumungkahi kung paano maipapakita ang paggalang at pagpapahalga sa
kapwa.

CSE Integration
Pamantayan sa Pagkatuto (CSE)
Explain why discrimination, e.g. bullying, stigma and sexual harassment are violations
of human right that need to be stop.
Show respect for one’s values and the values of others.
Report incidences of discrimination to school authorities.

II- Nilalaman
Paksa: Diskriminasyon sa mga Kababaihan, Kalalakihan at LGBT.

III. Sanggunian: Learning Module in Araling Panlipunan 10


Ikatlong Markahan Modyul 3- Diskriminasyon sa Kababaihan, Kalalakihan at LGBT.
Ikatlong Markahan Modyul 3- Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan

Kagamitan: Laptop, Smart TV

IV. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:

Pagganyak

Gawain I.A Tuklasin natin!


Ipapakita ng guro sa mga mag-aaral ang mga larawan.

Pamprosesong tanong:

1. Ano ang napansin ninyo sa larawan A at B ?


2. Anong konsepto ang iyong nabuo mula?
3. Ikaw ba ay nakaranas na diskriminasyon sa inyong lugar?
B. Aktibiti (5minuto)
Gawain 2: Ikonek Mo!
Ang mga mag-aaral ay magtatala ng mga salitang may kaugnayan sa diskrminasyon sa
pamamagitan ng arrow ng concept map.

Gawain 3: Suri-Larawan/Balita
Susuriin ng mga mag-aaral ang mga larawan at balita kung nagpapakita o
nagpapahiwatig ng Diskriminasyon. Isulat ang Thumb’s Down kung ang larawan ay
nagpapahiwatig o nagpapakita na may diskriminasyong nagaganap at Thumb’s Up
naman kung hindi nagpapahiwatig ng Diskriminasyon. Ipaliwanag ang naging kasagutan.

1. 3.

2. 4.

TRANSWOMAN,
ITINULAK ,SINAMPAL AT
PINOSASAN
5. MATAPOS NA HINDI
PINAYAGANG MAKAGAMIT
NG FEMALE WASHROOM
C.Analisis:
Mga Tanong
1. Ano-ano ang mga salita na may kaugnayan sa salitang diskriminasyon?
2. Ano ang kahulugan ng diskriminasyon?
3. Ano ang kahulugan ng karahasan?
4. Sino-sino ang karaniwang biktima ng diskiminasyon at karahasan?
5.Magbigay ng mga halimbawa ng diskrminasyon sa kasarian at karahasan?
6. Maituturing bang kontemporaryong isyu ang tungkol sa usaping diskriminasyon at
karahasan?Ipaliwanag.

D.Abstraksyon:
1. Basehan ba ang edad,kulay ,oryentsyong seksuwal ang papasukang trabaho? Bakit
2.Bakit kailangang wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan at LGBT bilang
paglabag sa karapatan pantao?
CSE Integrasyon :
Mahalaga na malaman ng mga mag-aaral ang negatibong epekto nito lalo na sa mga taong
nakakaranas ng paglabag sa kanilang karapatan pantao.
E. Aplikasyon:
Gawain 4: Bet Ko To!
Ang mga mag-aaral ay malayang makapipili ng mga paraan kung paano nila gustong
maipahayag at maipakita ang paggalang at pagpapahalaga sa kapwa . Maaring ito ay sa
pamamagitan ng tula, pagsulat at spoken poetry. Bibigyan lamang sila ng 20 (minuto) para
gawin at maibahagi ang gawain. Gamit ang rubriks bilang gabay ng mga mag-aaral sa gawain
at bilang pamantayan ng guro sa pagmamarka.

CSE Integrasyon: Para sa layunin ng integrasyon sa pamamagitan ng gawain ay maikikintal


sa isipan ng bawat mag-aaral ang mga pagsasabuhay ng may pagmamahal sa kapwa at
pagkapantay-pantay.

1.Ano ang iyong naramdaman habang isinasagawa ang gawain?


2.Bakit mahalaga na isabuhay ang mga pagpapalaga na nagtataguyod sa pagkakapantay-
pantay sa lahat ng kasarian?

CSE Integrasyon :Bilang isang mag-aaral, ano ang nararapat mong gawin kapag nakita
mong inaabuso ang iyong kaibigan, kamag-aral o maging sinuman?

F. Pangwakas
Saloobin Mo, Mahalaga!
Tatayahin ng mga mag-aaral kung sila ay sumasang-ayon o hind sa mga pahayag na ibibigay
ng guro at maibigay ang kanilang interpretasyon.

1.” Ang mga lalaki ay hindi kailangang gumawa ng gawaing bahay kung mayroong isang
babae sa bahay.
2.” Ang mga LGBTQIA+ ay maaaring maging mas agresibo upang makakuha ng
pangingibabaw.”
3. “Ang babae ay emosyonal at hindi maaaring humawak ng mga posisyon na may responsibilidad

G. Takdang-Aralin
#ParaSaBayan
#ParaSaKinabukasan

Sumulat ng isang maikling panata kung ano ang magagawa mo upang lubusang wakasan ang
diskriminasyon at karahasan sa ating lipunan.

You might also like