Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 23

8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1:
Pamilya: Natural na
Institusyon ng Lipunan
Edukasyon sa Pagpapakatao– Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Pamilya: Natural na Institusyon ng Lipunan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyulna ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jasmin O. Hadjirol at Mary Grace B. Bumongncag
Tagasuri: Cora C. Amaro
Tagaguhit: Efren S. Hoyla at Lovely Delos Santos
Tagalapat:
Tagapamahala: Reynaldo M. Guillena, CESO V
Alma C. Cifra, EdD
Aris B. Juanillo, PhD
Lydia V. Ampo

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI Davao City Division

Office Address : DepEd Davao City Division, E. Quirino Ave.,


Davao City, Davao del Sur, Philippines
Telefax : (082) 224 0100
E-mail Address : info@deped-davaocity.ph
8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1:
Pamilya: Natural na
Institusyon ng Lipunan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Angkop at Inaasahang
Kakayahan at Kilos sa Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis
at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at Kilos
sa Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw,
bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na
kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa
iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.

Tayahin Ito ay Gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

iv
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Kumusta ka? Stay at Home at Keep Safe! Usapang pamilya naman tayo! Ano
ang kahulugan ng pamilya para sa iyo? May ilang taong naniniwalang ang isang
pamilya’y tulad ng isang magandang kahon na puno ng mga bagay na gusto nila:
pagmamahal, katuwaan, pagkakaroon ng kasama at iba pang magagandang bagay.

Tayong mga Pilipino kapag pamilya ang pinag– uusapan ito ay may malaking
puwang sa ating puso. Ang pamilya ang sandalan natin sa mga pagsubok at problema
ng buhay, sa kasayahan man o kalungkutan ang pamilya ay nagdadamayan. Ngunit
sapat na ba ang pagkakilala at pag – unawa mo sa tunay na kabuluhan at saysay ng
pamilya sa iyong sarili at sa lipunan? Bakit sinasabing ang pamilya ay natural o likas na
institusyon ng pagmamahalan at pagtutulungan? Tutulungan ka ng modyul na ito upang
masagot ang mga tanong na to.
Mag-aaral handa ka na ba? Makakaasa kang ang mga gawain sa modyul na ito
ay madali mo lang masasagutan sapagkat bawat konsepto ay maayos na inilahad.
Basahin at unawain mong mabuti ang kahulugan ng kaloob - looban ng iyong pamilya.
Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na
kaalaman, kakayahan at pag – unawa.

A. Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan ng


aral o may positibong pananaw sa sarili.
B. Nasusuri ang pag – iral ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya
sa isang pamilyang nakasama, naobserbahan o napanood.
C. Napatunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan
at pagtutulungan.
Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag ng pagmamahalan at
pagtutulungan sa sariling pamilya

1
Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa iyong kwaderno.

1. Ano ang pinakamaliit na institusyon sa lipunan?


A. Simbahan
B. Paaralan
C. Pamilya
D. Barangay

2. Kasama ko si Mama, Papa at aking mga kapatid sa iisang bahay. Anong uri ng
pamilya ito?
a. Buong pamilya
b. IIsang pamilya
c. Extended na pamilya
d. Nuclear na pamilya

3. Kasama kong nakatira sa iisang bahay ang aking lolo, lola, ama, ina at mga
kapatid. Anong uri ng pamilya ito?
a. Buong pamilya
b. IIsang pamilya
c. Nuclear na pamilya
d. Extended na pamilya

4. Paano nabubuo ang isang pamilya?


a. Dahil sa pera
b. Dahil sa pasisikap
c. Dahil sa pagtitiwala
d. Dahil sa pagmamahalan

5. Sinasabing ang ama ang haligi ng tahanan, sino naman ang ilaw ng tahanan?
a. Lola
b. Tita
c. Ate
d. Ina

2
Aralin
Pamilya: Natural na Institusyon ng
1 Lipunan

Ano nga ba ang pamilya?

Ang pamilya ay itinuturing bilang pinakamaliit na yunit sa isang komunidad o


lipunan. Ayon kay Pierangelo Alejo (2004), ang pamilya ang pangunahing institusyon ng
lipunan na nabuo sa pamamagitan ng pagpapakasal ng isang lalaki at babae dahil sa
kanilang pagmamahalan. Ito ay binubuo ng nanay, tatay, at anak. Ang bawat bahagi ng
pamilya ay kailangan magkaroon ng pagmamahalan at pagtutulungan upang magkaroon
na respeto sa isa’t – isa. Ang pamilya ang siyang bumubuo ng unang hakbang ng ating
pagkatao. Ang pamilya ang siyang gumagabay, nagtuturo ng mga mabubuting asal,
nagbibigay ng pangangailangan at nagmamahal ng walang kapalit.

Balikan

Sa kabila ng kinakaharap nating pandemya, hindi lang ng ating bansa maging ng


buong mundo, sa ganitong krisis, iisa lang ang ating sinasandigan, ang tinuturing natin
na pamilya. Sa nakaraang leksyon sa EsP 7, pinag – aralan ninyo ang tungkol sa iyong
sarili, kung ano kayo sa iyong pamilya kasama ang inyong mithiin at adhikain sa buhay.
Sa modyul na ito matututunan ninyo ang mga pagpapahalaga na makukuha sa isang
pamilya. Matapos mong malaman ang iyong mga kakayahan hinggil sa iyong sarili,
ngayon naman ay tutuklasin mo ang mga aral at disiplina hinggil sa iyong pamilya.

3
Tuklasin

Gawain 1: Kanta at Larawang Suri


Suriin ang mga sumusunod na larawan at isulat kung anong pamagat ng kanta ang iyong
maiugnay.

1. 3. S L T
A K
k s
by Freddie Aguilar by Yeng Constantino

2. 4.

I N T N A T K Y

K I Y
T
by Carol Banawa by Carol Banawa

5.

I • G
P A
T O

by Yeng Constantino

4
Mula sa mga salitang naisulat mo, anong isang salita ang maaaring maglarawan sa
mga ito? Isulat ang sagot sa mga kahon:

P A

Pumili ng isang kanta na nagpapaantig ng iyong damdamin na maaring maiugnay mo


sa karanasan ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananmpalataya ng iyong pamilya.
Isulat ang sagot sa kwaderno gamit ang porma sa ibaba.

Pagmamahalan Pagtutulungan Pananampalataya

Suriin

Naging madali ba sa iyo ang pagsagot sa gawain? Nagustuhan mo ba ang mga


mensahe ng mga awitin? Ngayon ay alamin natin ang kailalimlaliman ng iyong pamilya.
Pamilya
Ang pamilya ay itinuturing bilang pinakamaliit na yunit sa isang komunidad o
lipunan. Ang pamilya ang pangunahing institusyon ng lipunan na nabuo sa pamamagitan
ng pagpapakasal ng isang lalaki at babae dahil sa kanilang pagmamahalan.
Uri ng Pamilya ayon sa Kasapi

•Pamilyang Nuclear – ito ay binubuo lamang ng mga magulang at mga anak.


•Pamilyang Extended – kasama ang lolo, lola, mga tiyuhin at pinsan bukod
sa mga magulang at anak na nakatira sa iisang bahay.
Bakit itinuturing na likas/natural na institusyon ang isang pamilya? Basahin at
unawain sa ibaba ang pitong mahahalagang dahilan:
1. Ang pamilya ay pamayanan ng mga tao na kung saan ang maayos na paraan ng
pag – iral at pamumuhay ay nakabatay sa ugnayan.

5
- Ang pamilya ay itinatag bilang isang malapit na komunidad sapagkat ang
pamilya ay isa sa mga bumubuo ng mga importanteng parte ng lipunan. Ang
pamilya ang siyang tumatangkilik sa mga kaganapan ng isang lipunan. Walang
lipunan kung walang pamilyang bumubuo nito.

2. Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng isang lalaki at babaeng nagpasiyang


magpakasal at magsama nang habambuhay (Dr. Mnauel Dy).
- Ikaw ay isang biyaya na ibinigay ng Panginoon sa iyong mga magulang dahil
sa kanilang pagmamahalan na nangangakong magsama habang buhay sa
hirap at ginhawa. Ang buhay mo ay bunga na pagmamahalan ng iyong mga
magulang. Pagmamahalan ang nagbibigkis sa isang pamilya kahit ito ay puno
ng hamon at problema.

3. Ang pamilya ang una at pinakamahalagang yunit ng lipunan. Ito ang pundasyon
ng lipunan at patuloy na sumusuporta dito dahil sa gampanin nitong magbigay –
buhay.
- Nagkakaroon ng iba’t – ibang sektor sa lipunan gaya ng paaralan, munisipyo,
palengke, hospital, simbahan, at iba pang mga sektor o institusyon dahil ang
pamilya ang nagbibigay buhay at tumatangkilik nito.

4. Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahal.


- Dahil sa ikaw ay nabuo sa pagmamahalan ng iyong mga magulang nararapat
lamang na sa inyong mga magulang natutunan mo ang katagang unconditional
love. Binalot ka ng pagmamahal ng iyong mga magulang upang ikaw ay lumaki
ng may takot at higit sa lahat may pagpapahalaga sa sarili at sa kapuwa tao.

5. Ang pamilya ang una at hindi mapapalitang paaralan para sa panlipunang buhay.
- Sa pamilya natutunan mo ang iyong mga unang salita kung ano ka ngayon ito
ay replika ng pagpapalaki ng iyong mga magulang. Sa pamilya rin unang
natutunan kung paano sumulat at bumasa at higit sa lahat sa pamilya rin
natutunan kung paano gumalang at rumespeto. Ito ay bilang paghahanda sa
iyo sa mas malaking hamon ng buhay.

6. May panlipunan at pampolitikal na gampanin ang pamilya.


- Ang pamilya ang bumubuo sa isang lipunan. Bawat kasapi ng pamilya ay may
kanya – kanyang gampanin sa lipunan maliit man ito o malaki na gampanin
ikaw at ikaw pa rin ang maituturing na mahalagang tauhan na siyang
nagbibigay buhay nito. Sa bawat pamilya nakasalalay ang kaunlaran ng isang
bansa. Halimbawa nito ay ang pagpili ng tamang mamumuno sa isang lipunan
sa panahon ng eleksiyon at pagsunod sa mga batas na itinatakda. Bawat
kasapi ng pamilya ay may karapatan na mamili ng tamang lider. Sa ngayon,
ikaw ay may karapatan na pumili ng mamumuno sa iyong klase at sa paaralan.
Pag ikaw ay nasa tamang edad mararanasan mo na ring pumili ng mamumuno
ng ating bansa.

6
7. Mahalagang misyon ng pamilya ang pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa
mabuting pagpapasiya, at paghubog sa pananampalataya.
- Maliban sa pagkakaroon ng anak na may mahalagang misyon ang mga
magulang. Ito ay gabayan ang kanilang mga anak upang lumaki at umunlad ito
sa mga pagpapahalaga at maisabuhay ang misyon ng Diyos para sa kaniya.
Ang pagbibigay edukasyon sa kaniyang mga anak ay isang kayamanan na
maipagmamalaki ng magulang, at ang pananagutang ispirituwal kailanman ay
hindi dapat mawawala sa isang pamilya sa pamamagitan ng paggabay araw –
araw. Halimbawa nito ay pagdadasal at pasasalamat sa mga biyayang
natanggap. Tinutulungan ka ng iyong mga magulang sa tamang pagpapasiya
kahit na ikaw ay may kalayaang pumili. Dahil sa bawat pagpili mo ay may
kaakibat na pananagutan.

Pagtutulungan ng Pamilya

Likas sa ating mga Pilipino ang pagtutulungan lalo na sa ating pamilya. Ito ay isa sa
ating mga kaugalian na sa tagal na ng panahon ay hindi nawawala. Ano nga ba ang
isang pamilyang nagtutulungan? Iniisip ng mga tao na ang miyembro ng pamilya sa
mga pamilyang nagtutulungan ay lubos na nagkasundo at magkasamang nilulutas
ang mga problema habang hinaharap ang hamon ng buhay. Ang pamilyang
“nagtutulungan” hindi nangngahulugan na perpekto ang pamilya. Lahat ng pamilya ay
humaharap sa hamon sa pakikitungo sa kakaibang personalidad ng mga miyembro
ng pamilya. Gayunpaman, ang isang pamilyang nagtutulungan nang husto, kinikilala
ng mga miyembro ng pamilya ang kanilang kahinaan, at nagsisikap silang pagandahin
ang kanilang relasyon sa kabila ng kanilang kahinaan.

Ang Pamilyang Nagtutulungan


1. Ang pamilyang nagtutulungan itinutuon ng mga magulang ang pagtuturo sa
kanilang anak ng mga wastong tuntunin at tinutulungan silang gamitin ang
kalayaang pumili.
2. Ang pamilyang nagtutulungan ay pinatatatag ng mga magulang ang
kanilang pamilya.
3. Ang pamilyang nagtutulungan, pinapahalagan ang relasyon sa isa’t – isa.
4. Ang pamilyang nagtutulungan itinuturing na aktibong guro ang mga
magulang.
5. Ang pamilyang nagtutulungan, namumuno ang mga magulang sa
pamamagitan ng mga halimbawa.
6. At sa huli ang pamilyang nagtutulungan, tinuturuan ng mga magulang ang
kanilang mga anak na sumampalataya sa Panginoon.

Mahalaga ba ang pamilya para iyo? Sa lipunan? Pangatwiranan.


Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

7
Pagyamanin

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa iyong kwaderno.

1. Ano ang pinakamaliit na institusyon sa lipunan?


a. Simbahan
b. Paaralan
c. Pamilya
d. Barangay

2. Kasama ko si Mama, Papa at aking mga kapatid sa iisang bahay. Anong uri ng
pamilya ito?
a. Buong pamilya
b. IIsang pamilya
c. Extended na pamilya
d. Nuclear na pamilya

3. Kasama kong nakatira sa iisang bahay ang aking lolo, lola, ama, ina at mga
kapatid. Anong uri ng pamilya ito?
a. Buong pamilya
b. IIsang pamilya
c. Nuclear na pamilya
d. Extended na pamilya

4. Paano nabubuo ang isang pamilya?


a. Dahil sa pera
b. Dahil sa pasisikap
c. Dahil sa pagtitiwala
d. Dahil sa pagmamahalan

5. Sinasabing ang ama ang haligi ng tahanan, sino naman ang ilaw ng tahanan?
a. Lola
b. Tita
c. Ate
d. Ina

8
Isaisip

Panuto: Punan ng tamang sagot ang mga sumusunod na pahayg tungkol sa konsepto
ng pamilya. Isulat ang tamang sagot sa iyong kwaderno.
1. Ang ___________ ay ang pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan.
o Ang lipunan ay binubuo ng mga iba’t – ibang institusyon o sektor.
2. Ang pamilya ang nagbibigay _____________ sa isang lipunan.
o May dalawang uri ng kasapi ng pamilya ang 3) ________ na pamilya (ito
ay binubuo lamang ng mga magulang at mga anak) at 4)___________na
Pamilya ( kasama ang lolo, lola, mga tiyuhin at pinsan sa bukod sa iyong
pamilya)
• May mga pitong dahilan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon
ng lipunan.
5. Ang pamilya ay ___________ ng mga tao na kung saan ang maayos na paraan
ng pag – iral at pamumuhay ay nakabatay sa ugnayan.
6. Nabuo ang pamilya sa ______________ ng isang lalaki at babaeng
nagpasiyang magpakasal at magsama nang habambuhay
7. Ang pamilya ang _________ at pinakamahalagang yunit ng lipunan. Ito ang
pundasyon ng lipunan at patuloy na sumusuporta dito dahil sa gampanin
nitong magbigay – buhay.
• Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahal.
8. May panlipunan at ____________ na gampanin ang pamilya.
9. Mahalagang misyon ng pamilya ang pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa
mabuting _______________, at paghubog sa 10) __________________.
Likas sa isang pamilya ang pagmamahalan at pagtutulungan.

9
Isagawa

Gawain 2: Pagsasabuhay ng Karanasan

Panuto: Isa – isahin ang iyong mga karanasan sa pamilya na iyong nakapupulutan
ng aral o nagkaroon ng positibong impluwensiya sa iyong sarili. Upang mas
maliwanangan may mga halimbawa sa ibaba. Isulat ang sagot sa kwaderno

Halimbawa:
✓ Natutuhan kong magpasalamat sa pamamagitan ng pagbibigay at
pagtulong sa kapwa.
✓ Kapag ako ay napagalitan napagtatatanto ko na ito ay para sa aking
kabutihan.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


4. Bakit mahalagang maglaan ng panahon sa pamilya?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5. Ano ang karanasan mo sa iyong pamilya na tunay na nakatutulong sa iyo bilang


anak?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

10
Tayahin

Gawain 3: Punan Mo
Panuto: Punan ng tamang sagot ang mga sumunod na pahayag tungkol sa
konsepto ng pamilya. Hanapin sa loob ng kahon na nasa ibaba ang
tamang sagot at isulat ang tamang sagot sa kwaderno.

1. Likas sa ating mga Pilipino ang pagmamahalan at ____________ sa bawat


kasapi ng pamilya.
2. Nabuo ang pamilya sa ________________ ng isang lalaki at babaeng
nagpasiyang magpakasal at magsama nang habangbuhay.
3. Ang Pamilyang_____________ ay binubuo ng magulang at mga anak.
4. Ang pamilya ang ______ at pangunahing yunit ng lipunan. Ito ang pundasyon ng
lipunan at patuloy na sumusuporta rito dahil sa gampanin nitong magbigay –
buhay.
5. Ang pamilya ang orihinal na ________________ ng pagmamahal.
6. Ang pamilyang _____________kabilang ang lolo, lola, mga tiyuhin at pinsan
bukod sa mga magulang at anak na nakatira sa iisang bahay
7. May panlipunan at __________________ na gampanin ang pamilya.
8 – 10 . May mahalagang misyon ang pamilya ang pagbibigay _______________, paggabay
sa mabuting ____________________, at paghubog sa __________________.

pampamilya sektor pagmamahalan pagtutulungan panlipunang

paaralan extended edukasyon ikalawa pagpapasiya pagpapakasal

una pananampalataya pamayanan pampolitikal nuclear

11
Karagdagang Gawain

Gawain 4: Pagguhit at Paglalarawan


PANUTO:

Bakit may mahalagang ginagampanan ang bawat kasapi ng pamilya, Maliit man ito
o maliki? Sa pagkakataong ito ay maglaan ka ng panahon upang isa – isahin ang
mga naambag ng mga kasapi ng iyong pamilya para sa sarili, sa pamilya at sa
lipunan.
1. Gumuhit ng isang bahay na nagpapakita ng mga mahahalagang bahagi nito.
2. Gamitin ang mga bahagi o estruktura ng bahay at ilang kagamitan upang ilarawan
mo ang bawat kasapi ng iyong pamilya at ang kanilang mahahalagang
kontribusyon nila sa iyo, sa bawat kasapi ng pamilya, o sa buong pamilya.
3. Ilagay ang sagot sa kwaderno at ilagay sa kahon kagaya ng nasa baba.

Halimbawa

1. Ang aking Ama ay ang bubong ng aming tahanan dahil


______________________________.

12
Matapos ang paglalarawan ng bawat kasapi ng pamilya, sagutin ang sumusunod na
tanong:

a. Ano ang iyong natuklasan sa natapos na gawain? Ipaliwanag.


________________________________________________________
________________________________________________________

b. Bakit mahalagang magampanan ng bawat kasapi ng pamilya ang


kanilang gampanin? Ipaliwanag.
________________________________________________________
________________________________________________________
Karagdagang Gawain Tayahin Isagawa
Maaaring magkakaiba ang 1. Pagtutulungan 1. Nagkakasama sa hapag –
paliwanag ayon sa activity. 2. Pagmamahalan kainan at nagpapasalamat sa
3. Nuclear biyayang natanggap.
4. Una 2. Nagsisimba tuwing linggo o
5. Paaralan sa araw ng pagsamba.
6. Extended 3. Pagkakaroon ng respeto sa
7. Pampolitikal mga nakatatanda. Pagmano
8. Edukasyon at pagsabi ng po at opo.
9. Pagpapasiya 4. Mahalagang maglaan ng
10.Pananampalataya panahon sa pamilya ng sa
gayon ay magkaroon kayo ng
oras para sa isa’t – isa at
makagawa ng mga bagay na
may kabuluhan.
5. Sariling sagot batay sa
gawain.
Isaisip Pagyamanin Tuklasin
1. Pamilya 1. C A.
2. Buhay 2. C
3. Nuclear 3. D 1. Anak
4. Extended 4. D 2. Iingatan Ka
5. Pamayanan 5. D 3. Salamat
6. Pagmamahalan 4. Awit kay Inay
7. Una 5. Isang Pamilya Tayo
8. Pampolitikal
9. Pagpapasiya
10. Pananampalataya B. PAMILYA
C. Ang lahat ng sagot ay
maaring tama basta tugma sa
katanungan.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Alejo, P. (2004). Values Guisado: Learning to love, loving to learn values.


Mandaluyong City: Sibs Publishing House, Inc.

Department of Education. (2017). Edukasyon sa Pagpapakatao Module: Ang


Pamilya Bilang Natural na Institusyon. 11 – 20.

Ano ang ibig sabihin ng Pamilya? Retrieve from https://brain.ph/question/42573, on


May 10, 2020.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like