Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

1.

Ano ang iyong reaksiyon sa tinuran ng dating Chairperson ng CHED na si


Patricia Licuanan na : “..After the 12th year, they would presumably better
equipped for the jobs out there. So, they would not have to go to college
anymore.”
- Bilang isang produkto ng K-12 kurikulum, masasabi kong hindi ako sang-ayon
sa pahayag na sinabi ni dating Chairperson ng CHED na si Patricia Licuanan.
Patunay ang mataas na unemployment rate ng Pilipinas na hindi isang daang
porsyentong may kasiguraduhan ang binitawan niya. Patuloy pa din ang
pagdaan ng araw na ang hinahanap ng mga trabahong nasa “minimum
wage” na mismo na ang pangunahing requirements pa din sa trabahong may
mababang sahod ay “college graduate” sa resume na ipapasa. Ano mang
bagay na minamadali ay nawawalan ng saysay. Isang itong operasyon na
kung titingnang Mabuti ay lumalabag sa karapatang makapag-aral,
hinahadlangan nito ang mas Maganda pang oportunidad . Nilalagyan ng
bakod ang mas malawak na karerang maari pang tahakin dahil lamang sa
marumi at bali-balikong Sistema ng edukasyon na kadahilanang hindi na nila
alam kung pano ayusin, pinuputol na lamang nila. Hindi patas ang kurikulum
na ito sapagkat hinahayaan na lamang nito na ang mga pilipinong trabahador
ay magsisilbing dayuhan sa ibat-ibang bansa sa halip sa ating bayan.
Napipilitan ang iba na maging isang Overseas Filipino Worker (OFW)
sapagkat mababa ang pasahod sa atin. Nakakalungkot na dahil sa ganitong
salita, lalong naiingganyo ang mahirap na lalo pang mahing mahirap.

2. Bilang isang mag-aaral na kumukuha ng kursong _____ ano ang iyong


paninidigan kaugnay ng pagpapatupad ng CMO 20, s. 2013 o pagtanggal ng
asignaturang Filipino sa GE Curriculum sa kolehiyo?
- Bilang isang Bueno at mag-aaral na kumuha ng kursong Broadcasting
layunin kong makapagtamo ng kahusayan sa larangan ng siyensiya gayundin
sa ngalan ng reserts, arte, pilosopiya at panitikan kung saan nakapaloob ang
wikang Filipino. Bilang isang Broadcasting student inaaral naming ang medya
at pakikipag-usap sa mga taong nakapalibot sa amin at ang wikang Filipino
ang pinakamabisang medium na daapat gamitin para maibahagi at
maintindihan ang aming natutunang kaalaman sa mga ordinaryong
mamamayanan. Marapat lamang na linaning ko at lahat ng nag-aaral sa
kolehiyo ang ating sariling wika dahil ito ang nagbibigkis sa ating lahat, mapa
ordinaryong tao man o propesyonal. Ang paggamit ng Filipino sa reserts at
pagpapahayag ay nagsisiguro ng madaling transmisyon ng ideya. Ang
pagbaklas ng wikang Filipino bilang asignatra at disiplina sa kolehiyo ay
sadyang ‘di kanais-nais at hindi katanggap-tangap.

3. Ano-ano ang posibleng epekto ng CMO no, 20, s. 2013 sa pambansang


identidad at kaunlaran?
- Ang pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo ay maaring makaapekto
sa mga mag-aaral at guro ng Unibersidad sa paglinang at paggamit ng
wikang Filipino ng wasto lalo na sa pakikipagtalastasan. Maaring magdulot
itop ng kalituhan sa mga estudyante dahil mawawalan sila ng ideya at
impormasyon kung paano ang wastong paggamit ng wika. Mahihirapan din
sila sa pag-intindi ng wika sa paglipas ng panahon dahil maari nilang
makalimutan and wastong paggamit nito at ang mga kahulugan ng ibang
salita.

You might also like