Column Writing Fil

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Column Writing Fil

PABOR si Senate Committee on Basic Education Chairman Sherwin Gatchalian na


ibalik sa dati ang school calendar o mula sa kasalukuyang Agosto na pasukan ay ibalik
ito sa Hunyo.

PABOR si Senate Committee on Basic Education Chairman Sherwin Gatchalian na ibalik


sa dati ang school calendar o mula sa kasalukuyang Agosto na pasukan ay ibalik ito sa
Hunyo.
Ginawa ng senador ang pahayag kasunod ng insidente sa fire drill sa isang paaralan sa
Laguna na nagresulta sa pagkakaospital ng mahigit 100 estudyante.
Ipinunto ni Gatchalian na binago ang pagbubukas ng school year dahil sa Covid19
pandemic at ngayong bumabalik na sa normal ang sitwayon ay mainam na rin aniyang
ibalik sa dati ang school calendar.
Ipinaliwang ng senador na mas lohikal ang dating school calendar dahil ang panahon ng
tag-init ay pagkakataon sa mga estudyante upang magpahinga at makasama ang kanilang
mga pamilya, gayundin ang election season na laging natatapat sa summer season.
Aminado naman ang mambabatas na mangangailangan muli ng unti-unting transition sa
pagbabalik sa dati ng school calendar pero dapat pa rin itong gawin.
Samantala, panawagan naman ni Gatchalian sa mga principal, maging maingat at
sumunod sa mga protocol sa pagsasagawa ng mga aktibidad ngayong tag-init.
Binigyang-diin ng senador na hindi dapat gumawa ng mga hakbang na maglalagay sa
alanganin sa mga mag aaral.

You might also like