Spiritual Gifts Updated

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Title: Spiritual Gifts

Text: 1 Corinthians 12

CIT: Ang bawat mananampalataya ay may iba’t ibang kaloob mula sa Diyos, na dapat gamitin sa
ikabubuti ng iglesia sa kapurihan ng Diyos.

Introduction

99 Days na lang pasko na, at isa sa mga nakaugalian ng tradisyon pag dumarating ang pasko ay ang
exchange gifts, dahil dito madaming nag paparticipate sa exchanged gifts ay nag eexpect ng kapalit sa
regalong ibinigay nila kasi nga exchange gifts eh. Pero ang totoo, ang regalo ay freely given, we don’t
demand gifts ito ay freely ibinibigay ng generous giver. Ang mga gifts ay may kinalaman sap ag-aaralan
natin ngayong umaga.

Background of the Study

Kung maalala natin ang Iglesia sa Corinto ay humaharap sa problema kung saan ang mga myembro ay
nagkakabahabahagi. Mayroong division, And the reason sa division sa loob ng iglesia ay payabangan
base kung sino ang mas magaling, si Pablo ba o si Apolos. Para bang kaninong team ka, team Paul ba o
Team Apolo.

Mahilig sila sa spotlight, gusto nila na nakikita ng madla ang kanilang kagalingan kaya ipinagpapalagay
nila na kung sino ang mas magaling kila Pablo, Pedro, Apolo at maging kay Kristo, para bang sila na din
yun, kagalingan na din nila yun kasi yun ang bet nila. Ang kanilang asal ay hayag na hayag mahilig silang
magpagalingan, mahilig silang mag payabangan. At hindi ito limitado sa pagpapalagay nila kung sino ang
magaling sa mga tagapagturo napagdiskitahan din ng iglesia sa Corinto ang mga kaloob, o ang mga
spiritual gifts. Parang mga bata na nagpapagandahan ng mga kaloob ng Diyos, alin ang pinaka
magandang kaloob at kung kanino ang pinaka dakilang kaloob. Parang bata na nagpapaybangan sa
kinakain nilang lollipop. Ginamit kong analogy ang lollipop para bigyang diin ang kanilang immaturity o
pagiging isip bata. Si Paul mismo tinawag silang immature.

Kung matatandaan natin sa 1 Corinto 1:4-5 sabi dun Lagi akong nagpapasalamat sa Diyos dahil sa mga
pagpapalang ibinigay niya sa inyo sa pamamagitan ni Cristo Jesus. Dahil sa inyong pakikipag-isa kay
Cristo, kayo ay naging masagana sa lahat ng bagay, maging sa pananalita at sa kaalaman. Sila ay
pinagpala, sila ay masagana sa lahat ng bagay, at maging sa mga kaloob ng Espiritu ay masagana sila. Sa
kabila nito, pati ang kaloob nila mula sa Diyos nakuha pa nilang ipagmayabang. At dahil dito nag dudulot
na ito ng division sa loob ng Iglesia. Kaya naging concern ng Iglesia ang patungkol sa mga espiritwal na
kaloob, at nagpaabot sila kay Paul ng tanong patungkol sa mga kaloob. At ang pag aaralan natin ngayon
ay patungkol sa issue ng mga taga Corinto patungkol sa mga kaloob. Ang chapters 12-14 ay tugon ni Paul
patungkol sa Spiritual gifts. Sa chapter 12 ang sabi nya now concerning Spiritual gifts. Pasaway talaga
ang Iglesiang ito, ma issue, pati mga kaloob issue sa kanila. Gayun pa man, kahit pagpapagalit o sermon
ang inaabot ng Iglesia sa Corinto ang mga ito ay naisulat para sa benefit ng Iglesia sa kabuuan, kaya nga
kung mayroon mang problema, huwag tayong matakot na ito ay kumprontahin o ito ay harapin, huwag
tayong matakot na ito ay pag usapan, dahil may benefit pa din ito sa atin.
Siguro malinaw na na ang pag uusapan natin ngayong umaga ay patungkol sa Spiritual Gifts. At Ang
mensahe na nais kong ibahagi sa inyo ngayong umaga Ang bawat mananampalataya ay may kaloob mula
sa Diyos, na nararapat gamitin para sa ikabubuti ng Iglesia sa kapurihan ng Diyos.

Dalawang punto

1. Ang Kaloob ng Espiritu


2. Ang layunin ng mga kaloob ng Espiritu

Ang kaloob ng Espiritu

4 May iba't ibang uri ng mga kaloob, ngunit mula sa iisang Espiritu. 5 At may iba't ibang uri ng
paglilingkod, ngunit mula sa iisang Panginoon. 6 May iba't ibang uri ng gawain, ngunit mula sa iisang
Diyos na gumagawa ng lahat ng bagay sa lahat. 7 Ngunit ibinigay sa bawat isa ang kapahayagan ng
Espiritu para sa kapakinabangan ng lahat. 8 May binigyan ng salita ng karunungan sa pamamagitan ng
Espiritu, at ang iba nama'y binigyan ng salita ng kaalaman ayon sa gayunding Espiritu; 9 ang iba'y
pananampalataya sa pamamagitan ng gayunding Espiritu, at ang iba'y mga kaloob ng pagpapagaling sa
pamamagitan ng iisang Espiritu. 10 Ang iba'y binigyan ng kapangyarihang gumawa ng mga himala, ang
iba'y propesiya, ang iba'y kakayahang kumilala ng mga espiritu, ang iba'y kakayahang magsalita ng iba't
ibang wika, at ang iba nama'y pagpapaliwanag ng mga wika. 11 Ngunit ang lahat ng ito ay pinakikilos ng
iisa at parehong Espiritu, na namamahagi sa bawat isa ayon sa ninanais ng Espiritu.

Malinaw na mayroong kaloob ang Espiritu at iba’t iba ang uri nito, gaya ng may iba’t ibang uri ng
paglilingkod, may iba’t ibang uri ng gawain. Mayroong binanggit na syam na kaloob dito 1. Salita ng
Karunungan 2. Salita ng Kaalaman 3. Pananampalataya 4. Pagpapagaling 5. Himala 6. Propesiya 7.
Kakayahang kumilala ng mga Espiritu 8. Kayayahang magsalita ng mga wika 9. Magpaliwanag ng mga
wika. Take note mga kapatid at tagapakinig, hindi lamang syam ang kaloob ng Espiritu, mayroong list sa
Romans 12:6-8, sa Ephesians meron din sa chapter 4. The point is madaming gifts, at diverse ang mga
gifts na ito, iba-iba at ang common ng lahat ng ito, ito ay nag mumula sa iisang Espirito, kahit ito ay iba-
iba iisa ang source o pinangalingan ng mga ito.

Hindi na natin iisa-isahin ang mga gifts na ito, dahil ang gustong bigyang diin ni Paul ay ang attitude ng
mga taga Corinto patungkol sa gifts na ito. Kung babasahin natin ang mga susunod na verse sa chapter
12 makikita natin ang mensahe ni Paul ay patungkol sa unity ng katawan dahil sa katotohanan na may
division sa loob ng Iglesia, dahil sa maling kaunawaan patungkol sa mga kaloob, nagkaroon ng
pagkakabahabahagi. Nagkakabahabahagi sila base sa kung anong mga kaloob ang mayrooon sila, o lahat
ng may kaloob na ganito dito kayo, yung ganito ang kaloob dito sa kabila. At yung ganitong attitude
nagiging katisuran sa iba, yung iba ay nananghili sa kaloob na mayroon ang iba na sila ay wala. Feeling
nila ang ganda nung ganung kaloob, Yung iba feeling superior dahil malupet yung kaloob nila, at yung iba
felling inferior dahil ganito lang ang kaloob nila. Ang Paul reminded them na dati sila ay pagano at ligaw
na sumasamba sa piping diyos-diyosan na dahil sa kilos at patnubay ng Banal na Espiritu naipahayag nila
na si Hesus ay Panginoon. At ito rin ay gawa ng Espiritu kaya hindi dapat na ipagmalaki (1 Cor 12:1-3)
Ang lahat ng mananampalataya ay pareparehong kinahabagan lamang, at pareparehong pinagkalooban
lamang, hindi sa sariling kagalingan, kundi sa biyaya ng Diyos kaya walang dapat na ipagmalaki ang
sinuman. huwag kayong magmalaki, huwag nyong hamakin ang kapwa nyo mananampalataya kung
hindi nyo sila kaparehas ng kaloob dahil parehas lang kayo na pinapatnubayan ng Espiritu, parehas lang
kayong kinahabagan at pinagkalooban o niregaluhan ng Espiritu ng Diyos. At ang kaloob na ibinigay sa
inyo ay base sa kapasyahan ng Diyos hind isa inyong kagalingan kaya huwag kayong magmalaki.

Yung ganitong pag-uugali hindi lang ito sa Corinto, nangyayari ito sa ibang Iglesia, for example sa mga
Charismatic na sobra sobra ang emphasis sa Gifts, at ang nagiging basehan ng maturity ng isang
mananampalataya ay ang mga Gifts, at kung sino ang mas dakila ang Gifts mas mature. Ang problema
dito, hindi nila Nakita na may variety ang Gifts, at ito ay ayon sa kalooban ng Diyos hindi sa kagalingan ng
tao.

Kailangan na maging malinaw sa atin na ang kaloob ng Espiritu ay kaloob sa atin, hindi ito pabuya dahil
sa kagalingan natin, it is freely given by God kaya wala tayong dapat na ipagmalaki.

Ang hamon sa atin ngayong umaga mga kapatid at taga-pakinig, ikaw na pinagkalooban ng Diyos, una
hindi mo dapat ipagmalaki ang kaloob sayo, ipagmalaki mo ang nagkaloob sayo, hindi mo dapat angkinin
ang kapurihan sa dakilang nagagawa mo dahil sa dakilang bigay ng Diyos. We must take no credit for
what God has freely given us. Kailangan tama ang attitude natin towards the gifts. And for us to have
right attitude we must know the purpose of the gifts.

Kaya pupunta tayo sa pangalawang punto

Ang layunin ng mga kaloob ng Espiritu

Malinaw ang purpose sab isa 1 Corinto 12:7 Para sa ikabubuti ng lahat, ang bawat isa'y binibigyan ng
patunay na nagpapakitang nasa kanya ang Espiritu.

Ang purpose ng mga kaloob ay hindi para sa iyong sarili, ibinigay ang kaloob sayo para ikabubuti ng lahat
sa Iglesia. Yung Grace o biyaya ay ibinigay sayo para sa iyong ikaliligtas pero ang Gifts ay ibinigay sayo
para sa advantage ng iba at sa ikaliligtas ng iba. Malinaw po ba? Yung grace para sayo, yung gifts
bagaman binigay sayo ito ay para sa iba. Kaya dapat mong gamitin ang mga kaloob na ibinigay sayo
upang mapaglingkuran ang iba.

Ang mga gifts ay ibinigay para mag benefit ang iba. 1 Corinto 14:1-3 Tungkol pa rin sa mga Kaloob ng
Espiritu Pakamithiin ninyo ang pag-ibig! Hangarín ninyo ang mga kaloob na espirituwal, lalung-lalo na
ang makapagsalita ng mensahe mula sa Diyos. Ang nagsasalita sa iba't ibang wika ay sa Diyos nakikipag-
usap at hindi sa tao, sapagkat walang nakakaunawa sa kanya, ngunit nagsasalita siya ng mga hiwaga sa
tulong ng Espiritu Santo. Sa kabilang dako, ang nagsasalita ng mensahe mula sa Diyos ay nagsasalita sa
mga tao upang patibayin ang kanilang pananampalataya, palakasin ang kanilang loob, at sila'y aliwin.

Bilang mga mananampalataya, hangarin natin ang ikabubuti at ikauunlad ng ating kapwa
mananampalataya, gamitin natin ang mga kaloob sa atin ng Diyos para mapaglingkuran ang Diyos at
ating kapwa. Tayo ay tinawag para maglingkod sa isa't isa. Kagaya ng katawan may iba't ibang bahagi at
ang iba't ibang bahagi ay may iba't ibang gamit. Tandaan mo kapatid, mahalaga ka, mahalaga ang
gampanin mo sa Inglesia, huwag mong ipagkait ang iyong serbisyo sa iba. Kailangan mong mag function
base sa kaloob na ibinigay sayo para sa ikabubuti ng katawan sa kabuuan. If you fail to function as
member of the body, you are depriving the other members. Kunware paa ka, ayaw mong maglakad,
mahihirapang kumilos ang katawan, baka maglakad gamit ang kamay, pahirap yun sa pagpapatuloy.

Isipin nyo kahit ang Corinto sa kabila ng kaguluhan nila, ang challenge sa kanila ay maglingkod sa isa't
isa. Ang challenge ay gamitin ang mga kaloob hindi sa pansariling ganansya kundi sa ikabubuti ng iba.
Tayo din mga kapatid, magalak tayo sa mga kaloob na binigay sa atin, pero huwag nating kalimutan ang
layunin nun, ang maglingkod sa ating kapwa. Dapat hinahasa natin ang ating kaloob sa pamamagitan ng
paglilingkod sa ating mga kapatid. Ang problema ng pagkakabahabahagi ay masusulusyunan kung tayo
ay mamumuhay ayon sa desenyo ng Diyos. Hindi magiging kaingitan ang kaloob dahil yung hindi
pinagkalooban ng specific na kaloob, magbebenepisyo pa din dahil sa paglilingkod nung may kaloob.

Mga kapatid at tagapakinig, mamuhay tayo ayon sa desenyo ng Diyos. Mamuhay tayo ng may
papasakop sa kalooban nya, at isa na nga dito ay ang pag gamit natin sa mga kaloob ng Diyos sa atin sa
pag miministeryo sa kapwa. Kaya ang hamon sa atin, maglingkod tayo sa ating kapwa at sa ating
paglilingkod upang maging tama ang ating motibasyon lagi nating lalakipan ng pag-ibig. Dahil ito ang
paraan upang maging kapakipakinabang ang kaloob sa atin ng Espiritu.

1 Corinto 13:1-3 Ang Pag-ibig Makapagsalita man ako sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel, kung
wala naman akong pag-ibig, para lamang akong kampanang umaalingawngaw o pompiyang na maingay.
Kung ako man ay may kakayahang magsalita ng mensahe mula sa Diyos at umunawa sa lahat ng hiwaga,
kung nasa akin man ang lahat ng kaalaman at lahat ng pananampalataya, anupa't nakakapagpalipat ako
ng mga bundok, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala akong kabuluhan. At kung ipamigay ko man
ang lahat ng aking mga ari-arian at ialay ang aking katawan upang sunugin, ngunit wala naman akong
pag-ibig, wala rin akong mapapala!

Use your God given talent to build up the church, Serve one another with love in that sense we can fully
utilize the Gifts and bring back the Glory to GOD.

You might also like