Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Masusing Banghay Aralin sa Fillipino

BSED-1 Petsa: Araw/Oras:

I. Mga Layunin:

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Natutukoy kung ang panghalip na panao ay palagyo o paari;


2. Naipakikita ang kahalagahan ng mga panghalip na panaong palagyo at paari ayon sa
gamit;
3. Nakabubuo ng pangungusap gamit ang mga panghalip na panaong palagyo at paari.

II. Paksang-Aralin:
Paksa: Panghalip na panao at ang mga uri nito;
Sanggunian: Youtube at Google mula sa internet.
Kagamitan: Panturong biswal, mga larawan at chalk;
Pagpapahalaga: Mapahalagahan ang gamit ng panghalip sa pangungusap.

III. Pamamaraan:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Paunang Gawain
1. Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa panalangin.

(Magtatawag ang guro ng isang mag-aaral


upang pangunahan ang panalangin)
Panginoon, maraming salamat po sa araw
na ito na ipinagkaloob niyo sa amin,
nawa’y gabayan mo po kami sa mga
gawain na aming gagawin sa araw na ito.
Sana po gabayan niyo rin ang aming mga
guro na siyang mag tuturo sa amin. Amen.
Magandang-araw mga bata! Magandang-araw po!

2. Pagsasaayos ng silid-aralan
Pag tetsek ng liban at hindi liban

Bago kayo umupo pakipulot ang mga kalat na


nasa ilalim ng inyong mga lamesa at paki-
ayos ang inyong mga upuan.

(Magpupulot ng kalat ang mga mag-aaral


at aayusin ang kanilang mga upuan)

Maari na kayong maupo.

Mayroon bang lumiban sa klase ngayong


araw? Wala po !

3. Pagganyak:
Atin awitin ang makabayan na awit:
Ako ay Pilipino

Ako ay Pilipino
Ang dugo'y maharlika
Likas sa aking puso
Adhikaing kay ganda

Sa Pilipinas na aking bayan


Lantay na Perlas ng Silanganan
Wari'y natipon ang kayamanan ng
Maykapal

Bigay sa 'king talino


Sa mabuti lang laan
Sa aki'y katutubo
Ang maging mapagmahal

Ako ay Pilipino
Ako ay Pilipino
Isang bansa, isang diwa
Ang minimithi ko

Sa bayan ko't bandila


Laan buhay ko't diwa
Ako ay Pilipino
Pilipinong totoo

Ako ay Pilipino
Ako ay Pilipino
Taas noo kahit kanino
Ang Pilipino ay ako

4. Balik-Aral: Paksa at Panaguri

Ano ang dalawang bahagi ng pangungusap? Ang pangungusap ay binubuo ng paksa at


(Magtatawag ng isang mag-aaral ang guro) panaguri.

Pakibasa ang pangungusap sa pisara. Ang guro ay isang bayani.


(Magtatawag ng isang mag-aaral ang guro)

Ano ang paksa sa pangungusap?


(Magtatawag ng isang mag-aaral ang guro) Ang paksa ay ang guro.

Ano ang panaguri sa pangunugsap?


(Magtatawag ng isang mag-aaral ang guro)
Ang panaguri sa pangungusap ay ay
isang bayani.

Ano ang kahulugan ng paksa? (Magtatawag


ng isang mag-aaral ang guro)

Ang paksa ay ang pinag-uusapan sa loob


ng pangungusap.
Ano ang kahulugan ng panaguri?
(Magtatawag ng isang mag-aaral ang guro)
Ang panaguri ay ang tumutukoy o
naglalarawan sa paksa.
Magaling!

B. Panlinang na Gawain

1. Activity/ Pagsasanay
Piliin ang angkop na salita na naa-ayon sa
larawan upang mabuo ang pangungusap.

Ako Akin Tayo


amin Ikaw (Inaasahang Sagot)

1. Ako ay mabait na bata.


1. ________ ay mabait na bata.

2. Tayo ay mga Pilipino.


2. _________ ay mga Pilipino.
3. Ikaw ay aking kaibigan.
3. _________ ay aking kaibigan.

4. Akin ang lapis na ito.


4. ________ ang lapis na ito.

5. Sa amin ang bahay na ito.


5. Sa __________ ang bahay na ito.
2. Analysis/ Pagsusuri
(inaasahang sagot)
a. Ano sa tingin ninyo ang tawag sa mga  Panghalip
salitang ginagamit sa loob ng
pangungusap bilang kapalit ng pangalan?

b. Bakit ginagamit ang panghalip sa loob ng  Upang gamiting pamalit o


pangungusap? panghalili o sa pangngalan sa
loob ng pangungusap

c. Ano ang Kahalagahan ng panghalip  Para malaman ang angkop na


bilang bahagi ng pananalita? pamalit o panghalili sa
pangngalan na maaaring magamit
sa pananalita.
3. Abstract (Pagtalakay/Paglalahad)

Ang ating aralin sa araw na ito ay tungkol sa


panghalip na panao at ang dalawang uri nito.

Pakibasa ang kahulugan ng Panghalip na


panao.

(Magtatawag ang guro ng isang mag-aaral)


Ano ang panghalip na panao?
Tama! ang panghalip panao ay
pamalit o panghalili sa pangalan ng Ang mga panghalip na panao ay pamalit
tao at mayroon itong dalawang uri. o panghalili sa mga pangalan ng tao.
Ang palagyo at paari.

Pakibasa sa pisara ang kahulugan ng


panghalip na panaong palagyo.

(Magtatawag ang guro ng isang


mag-aaral)

Samantala ano naman ang kahulugan Ang panghalip na panaong palagyo ay


ng panghalip na panaong paari? mga panghalip na ginagamit na simuno o
panaguri.
Pakibasa ang kahulugan nito sa Pisara.

(Magtatawag ang guro ng isang


mag-aaral)
Magaling! Ang panghalip panaong paari ay mga
panaghalip na ginagamit upang ipakilala
May tatlong panauhan ang pagmamay-ari.
ang pang halip na panao. Nagsasabi
ito kung sino ang taong kinakatawan
ng mga ito. Tinatawag itong una,
ikalawa at ikatlong panauhan.

Tignan sa talahanayan ang mga


panauhan ng panghalip ng panaong
palagyo.

Panauhan Isahan Maramihan

Unang Ako, Tayo, kami,


Panauhan ko,
Ikalawang Ikaw, Kayo
Panauhan ka,mo
Ikatlong Siya, Sila, nila,
Panauhan niya kanila

Basahin ang unang halimbawa ng


panghalip na panaong palagyo na may
unang panauhan.

(Magtatawag ang guro ng isang


mag-aaral) 1. Ako ay isang Pilipino.

Ako ay isang Pilipino. Ako ang


gagamiting salita kapag ang
taong tinutukoy ay ang iyong sarili.

Basahin ang unang halimbawa ng


panghalip na panaong palagyo na may
ikalawang panauhan.

(Magtatawag ang guro ng isang


mag-aaral) 2. Ikaw din ay isang mamamayang
Pilipino.

Ikaw ay ginagamit naman sa pagtukoy sa


iyong kausap.

Basahin ang unang halimbawa ng


panghalip na panaong palagyo na may
ikatlong panauhan.
(Magtatawag ang guro ng isang
mag-aaral)
3. Sila ang mga bagong guro ng
paaralang ito.
Sila ang mga bagong guro ng
paaralang ito. Ginagamit ang salitang
sila kapag ang tinutukoy ay ang mga
taong pinaguusapan.

Magbigay pa ng mga halimbawang


pangungusap gamit ang mga salitang
panghalip na panaong palagyo na
mayroong ibat-ibang panauhan at isulat
sa pisara.
(inaasahang sagot)
(Magtatawag ang guro ng ilang
mag-aaral)  Ikaw ba ay may matuwid at
maitim na buhok?
 Kayo ay Pilipino kung ang isa o
parehong magulang mo ay
Pilipino.

Mahuhusay!

Sa ating pagpapatuloy, tignan


naman natin sa talahanayan ang mga
panauhan ng panghalip na panaong
paari.
Panauhan Isaha Maramiha
n n
Unang akin, atin, natin
Panauhan ko amin,namin
Ikalawan iyo, Inyo, ninyo
g mo
Panauhan
Ikatlong kanya, kanila, nila
Panauhan niya

Basahin ang unang halimbawa ng


panghalip na panaong paari na may
unang panauhan.

(Magtatawag ang guro ng isang


mag-aaral)

1. Akin ang bag na ito.


Ginagamit ang salitang akin kapag ang
bagay na iyong tinutukoy ay sa iyo.

Basahin ang ikalawang halimbawa ng


panghalip na panaong paari na may
ikalawang panauhan.

(Magtatawag ang guro ng isang


mag-aaral)

Ginagamit ang salitang mo kapag ang 2. Ang damit mo ay nalabhan na.


bagay na tinutukoy ay sa iyong kausap.

Basahin ang ikatlong halimbawa ng


panghalip na panaong paari na may
ikatlong panauhan.
(Magtatawag ang guro ng isang
mag-aaral)
3. Kanya itong panyo.
Ginagamit naman ang salitang
kanya, Kapag ang bagay na tinutukoy
Ay sa ibang tao.

Ngayon, Magbigay ng mga halimbawang


pangungusap gamit ang mga
salitang panghalip na panaong paari (inaasahang sagot)
na mayroong ibat-ibang panauhan
at isulat sa pisara.  Akin ang kwadernong pula.
 Kanya naman ang kwadernong
(Magtatawag ang guro ng ilang kahel.
mag-aaral)

Batay sa ating tinalakay:


Ano ang panghalip na panao? Ang mga panghalip na panao ay pamalit
o panghalili sa mga pangalan ng tao.

Ano ang dalawang uri nito?


Ang panghalip na panaong palagyo ay
mga panghalip na ginagamit na simuno o
panaguri.

Ang panghalip panaong paari ay mga


panaghalip na ginagamit upang ipakilala
ang pagmamay-ari.
Magaling!
4. Aplikasyon / Paglalapat

Pangkatin ang klase sa dalawa. Ang unang (Inaasahang sagot)


grupo ay gagawa ng mga tatlong pangungusap  Unang pangkat
gamit ang panghalip na panaong palagyo at 1. Mamamayan ka ng bansa kahit
ang kabilang pangkat naman ay gagawa ng nakatira ka sa Luzon, Visayas o
tatlong pangungusap gamit ang panghalip na Mindanao.
panaong paari. Isusulat ang sagot sa kartolina 2. Tayong lahat ay nga Pilipino,
na aking ibibigay. Isang miyembro ng bawat kahit ibat-iba ang anyo.
pangkat ang magpi-presenta sa harapan upang 3. Kata ay dapat magpasalamat sa
basahin ito. maykapal

 Ikalawang pangkat
1. Ang mga taong unang dumating
sa Pilipinas ay mga ninuno rin
ninyo.
2. Kanya ang mga lapis na nasa
ibabaw ng lamesa
3. Sa iyo ang sapatos na ito.
Pagpapahalaga:
Bakit natin kailangan pag-aralan ang (Ang mga mag-aaral ay may ibat-ibang
panghalip na panao at ang ibat-ibang uri nito? sagot)
Mahalaga ito upang magamit natin ang
mga angkop na salita sa angkop nitong
pag-gamit.

Naintindihan niyo ba ang aralin natin sa araw (inaasahang sagot)


na ito? Opo !

Wala ba kayong mga tanong? Wala po!

Mabuti!
IV. Pagtataya
Kumuha ng isang buong pirasong papel at
sagutan ang mga sumusunod na tanong.

A. Bilugan ang mga panghalip na ginamit sa


mga pangungusap. Isulat sa kahon kung
ito ay palagyo o paari.

1. Iba-iba ang anyo nating mga Pilipino (Inaasahang sagot sa Tanong A)


dahil sa ibat-ibang anyo ng ating mga 1. Paari,nating
ninuno.
2. Ang mga pilipinong tulad ko ay may 2. Paari,ko
kayumangging balat. 3. Palagyo,ikaw
3.
3. Ikaw ba’y may matuwid at maitim na 4. Paari,atin
buhok? 5. Palagyo,silang
4. Ang ating taas ay katamtaman lamang
tulad ng ating mga ninuno.
5. Silang mga Malay ang pinagkukunan
ng maitim na mata ng mga Pilipino.

B. Salungguhitan ang panghalip na dapat


gamitin upang mabuo ang diwa ng mga
pangungusap.
1. Naniniwala (mo, ka, ninyo) ba na mas
maganda at matitibay ang mga (Inaasahang sagot sa Tanong B)
produktong imported? 1. Ka
2. Ibig (mo, ko, kita) rin ba ng 2. Mo
mamulamulang buhok, matangos na ilong 3. Ako
at maputing balat? 4. Natin
3. (Ako, Natin, Kanya) ay nakapapansin 5. ninyo
nakakaunti pa rin ang tumatangkilik ng
mga bagay na sariling atin.
4. Mas ibig kasi (inyo, amin, natin) ng mga
kagamitan at pagkaing gawa ng ibang
bansa.
5. Maging sa pananamit, anyo, at wika ay
ginagaya (ka, ninyo, kanya) ang mga
dayuhan.

V. Takdang-Aralin/ Gawaing Bahay


Magsulat ng tig-limang (5) pangungusap gamit ang panghalip na panaong palagyo at paari.

INIHANDA NINA:
JONATHAN P. ESPELEMBERGO
ANTHONY D. SALUDARIO
TROY RAFAEL G. NG
RENALYN L. NAZAM
JENNYROSE R. SALUDARIO

INAPROBAHAN NI
GNG. ROSELYN E. NAVALLO
GURO

You might also like