Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Mga mahal kong magulang, una sa lahat akoy tauspusong

nagpapasalamat sa Poong maykapal dahil binigyan niya ako ng mga


magulang na tulad ninyo. Salamat sa lahat ng sakripisyo at
paghihirap na ginawa ninyo para lang makapag aral ako sa maayos na
paaralan, makakain ng tatlong beses sa isang araw at matustusan ang
pangangailangan namin, habang kayo ay pinagpapawisan sa pagod at
walang pahinga ay inuuna niyo parin ang aming pangangailangan at
kaligayahan. Pasensya napo, kung madalas akong tinatamad at kapag
inuutusan ay nagdadabog at sumisimangot ako. Ma, Pa, masaya
kopong binabalikan ang mga sandali na tayoy magkakasama pa,
sabay tayong kumakain, nagkukulitan, nagsisimba at namamasyal,
akoy nalulungkot na hindi na ito mangyayari sa atin, dahil hindi niyo
na ako kapiling dyan sa tabi niyo. Pero huwag kayo mag-alala dahil
maayos po ang aking kalagayan kina tito at tita na tinuturing ako na
parang kanilang anak. Sisikapin kopong makapagtapos ng pag-aaral
para masuklian ang mga hirap at mga sakripisyo na ginawa ninyo.

Sa lahat ng mga magulang na nandirito ngayon binabati kopo


kayo. Ngayong kami ay magtatapos na, hayaan niyo po kami naman
ang mag-alaga sa inyo at iparamdam kung gaano po namin kayo
pinahahalagahan. Hindi man namin masabi sa inyo harapharapan,
alam naming sa aming sarili na aming nararamdaman ngayon, ay
puno ng kagalakan at pagmamahal, mahal na mahal po namin kayo.

You might also like