Professional Documents
Culture Documents
Document 101
Document 101
Barangay Bagar,
Candon City, Ilocos Sur
September 8, 2023
MAHAL NA TAGAPAMAHALA:
Ako po si Delos Reyes Nuska D. ng Barangay Bagar, tatakbo sa posisyon bilang Sanguniang
Kabataan (SK) Chairman sa aming barangay ngayong darating na election sa octobre sa ilalim po ng
partido ni Jesusa P. Gamoso na tatakbo bilang Kapitang ng Barangay. Ako po ay sumulat upang malugod
na hilingin na mapabilang sa susuportahan ng kaisahan ng Banal na Iglesia.
Sa akin pong pagtakbo bilang SK Chairman sa aming barangay, nais ko ko pong magbigay lingkod
sa mga kabataan at magbigay ng pagbabago sa kanilang mga sarili patungo sa mga bagay at kaalaman na
kailangan din naming ipaglingkod sa mga kapwa namin kabataan at sa aming Barangay.
Kabilang po sa aking mga planong proyekto ay ang mga sumusunod:
Iyan po ang aking mga mahahalagang ipaglilingkod at isasagawa para sa mga kabataan sa aming
barangay, at bilang Political Science Student nais kong ipaalam at gamitin ang batas para sa lahat ng
kabataan sa aming barangay patungo sa tamang disiplina at magandang kinabukasan lalo na sa mga
batang susunod sa magandang impluwensya namin. At kung ako man po ay palaring mahalal bilang
Sangunaning Kabataan (SK) Chairman gagampanan ko po ng taos puso at walang takot ang mga proyekto
na aking gustong isagawa, sa gabay at patnubay ng Panginoong Diyos. Hindi rin po ako gagawa ng
anumag bagay na ikakasira ng repustasyon ko bilang isang indibidwal at hindi gagawa ng mga bagay na
lalabag sa doktrina at tuntunin ng Iglesia ni Cristo.
Umaasa po ako sa inyong positibong pagtugon sa liham na ito at sa inyong mahalagang suporta.
Lubos na gumagalang,