Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Rizal’s Life: Higher Education

Pagpunta sa Unibersidad ng Santo Tomas


20th Scene: SALA
NARRATOR: Isang buwan ang nakalipas ng makapagtapos si Rizal sa Ateneo, napagdesisyunan
netong ipagpatuloy muli ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas. Ngunit sa
kabila ng kanyang desisyong mag-aral, hindi pa siya nakakapagdesisyon sa kursong nais kunin.
Kung kaya’t humingi siya ng payo sa mga taong malalapit sa kanya. Maliban sa kanyang ina na
alam niyang tutol sa desisyon niya.
JOSE; Ama, ano po sa tingin niyo ang nababagay na kurso para sa akin?
FRANCISCO: Nababagay sayo ang kurso sa Pilosopiya at Literatura dahil magaling ka sa
pagsulat at malalim ka kung mag-isip. Kung saan ka magaling ay yun ang kunin mong kurso!
------
JOSE: Kuya, ano sa tingin mo ang kursong dapat kung kunin?
PACIANO: Yung kursong mapapakinabangan mo, kaya naman huwag mong kunin ang kursong
abugasya.
JOSE: Bakit naman?
PACIANO: Jose, tinatanong pa ba yan? Malamang dahil hindi mo eto magagamit para magbigay
hustisya, ang hustisya ay para lamang sa mga hespanyol lamang!
------
NARRATOR: Samantalang sa liham humingi ng payo si Pepe kay Padre Pablo Ramon, ang
rekto sa Ateneo na malapit kay Pepe. Ngunit nalaman netong nasa Mindanao pala eto, kung
kaya’t matagal pa bago makakakatanaggap ng tugon si Pepe. Hanggang sa dumating ang araw ng
pag-alis niya at hindi na niya matago sa ina ang planong mag-aral.

TEODORA: Jose! Ano ba ang iniisip mo? Masyado ka nang maraming nalalaman ngunit bakit
nais mo pa etong dagdagan! Cisco! Pigilan mo nga ang anak mo sa pinaplano niya!
(Matapos harapin si Jose ay sa asawa naman ito hihingi ng tulong. Hahawak sa balikat ng asawa
dahil nanghihina eto)
FRANCISCO: Hayaan mo siya Mahal ko, alam na ng anak natin ang kanyang ginagawa. Kung
ayan ang nais niya ay bigyan natin siya ng pagkakataon na magdesisyon para sa sarili niya.
PACIANO: Ina, tama ho si itay. Suportahan natin si Jose sa kanyang kagustuhan.
TEODORA: Ngunit... (Iiyak na lamang sa balikat ng asawa)
RIZAL: Ina, patawad ngunit sana ay maintindihan niyo po ang aking desisyon. Aalis na po ako.
(Maglalakad paalis, ngunit muling lilingon sa kanilang tahanan)
(Scene fading)
NARRATOR: Sa kabila ng pagtutol ng kaniyang ina, tumuloy pa rin sa pag-aaral si Pepe. Sa
unang taon ng kanyang pag-aaral ay kumuha siya ng kursong Pilosopiya at Literatura sa
kadahilanang eto ang kursong nais ng ama na si Don Francisco at dahil hindi pa siya
nakakapagdesisyon sa kursong nais kunin. Ngunit nagbago eto nung dumating na ang
pinakaaantay niyang liham mula kay Padre Ramon Pablo. Kung kaya’t pagtungtong niya sa
pangalawang taon sa kolehiyo, ay kumuha siya ng kursong medisina sa kadahilanang nais netong
mapagaling ang inang may malalabo ng mga mata at dahil eto ang kursong pinayong kunin niya.
Maliban sa kursong medisina, kumuha din siya ng kurso sa bokasyonal

You might also like