Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Linangin (Estruktura ng Pamilihan)

Ang mga kaalaman na natutunan ang magiging gabay sa pagpapaliwanag ng mga sagot.
1. Bakit homogeneous products ang pinagbibili sa ganap na kompetisyon?
- Mas maikukumpara o magkakaroon ng patas na kompetisyon kung ang dalawang bagay ay
magkapareho. Kagaya sa pamilihan, kung ang mga produkto o serbisyo ay magkakatulad o
homogeneous, dito nagkakaroon ng ganap na kompetisyon ang bawat prodyuser. Patuloy rin
ang pagbili ng mga konsyumer sa magkakaibang prodyuser dahil pare-pareho lang ang
produkto/serbisyo, dahil dito ay marami ang maaring pagbilhan.

2. Naniniwala ka ba na nalulugi ang mga kompanya ng langis? Bakit?

- Hindi, kadalasan kasi sa mga kompanya ng langis ay nagkakasundo-sundo sa itatakdang


presyo; ito ay dahil ang kompanya ng langis ay isang Oligapolyo kung saan nakabase sa
aksyon na gagawin nila ang presyo at kakaunti lang ang prodyuser. Sa kadahilanang sila ang
nagbibigay ng presyo, normal lamang na ilagay nila ang presyo kung saan sila ay kikita nang
tama. Malaki ang impluwensiya, kapangyarihan at pangangailangan ng konsyumer mula sa
mga kompanya/produktong ito kaya naman tinatangkilik padin ang produkto kahit na mataas
ang presyo. Bagaman may shortage o kakulangan ang supply; resulta para mag-mahal ang
supply na inaangkat ng producer, kasabay naman nito ang pagtaas ng presyo para sa
konsyumer kaya naman kumikita pa rin nang malaki ang langis at hindi nalulugi.

3. Sa yong palagay alin ang mas dapat tangkilikin ang monopolyo o monopolsokong kompetisyon
na pamilihan at bakit?

- Sa aking palagay, mas nararapat tangkilikin ang monopolistikong kompetisyon. Sa


monopolistikong kompetisyon kasi ay may kapangyarihan ang konsyumer ukol sa presyo ng
produkto o serbisyong. Dahil din dito ay mayroong kakayahan ang konsyumer na tangkilikin
ang mas kalidad at murang produkto o serbisyo. Hindi ito kagaya ng monopolyo na iisa
lamang ang prodyuser at ang prodyuser lang ang may kapangyarihan sa pamilihan.\

4. Paano nakikinabang ang mga tao sa promotional gimmick ng mga kompanya?

- Ang promotional gimmick ay isang win-win situation para sa mamimili at sa kompanya.


Parehong nakikinabang ang dalawang sektor dahil nakaka-engganyo sa mamimili ang
promotional gimmick dahilan para dumami ang bibili at makakamura o mas maganda ang
kalidad na mabibili ng konsyumer. Karaniwan kasi ang promotional gimmick ng mga
kompanya ay ang discount, wholesale, loyalty card etc. ang mga ito ay nakatutulong sa
pagbaba ng presyo ng bilihin. Ang promotional gimmick din ay isang uri ng pag-aanunsiyo
upang mas magkaroon ng kaalaman ang mga konsyumer. Sa ganoong paraan
pinakikinabangan ng tao ang promotional gimmick.
5. Bakit tinatangkilik pa rin ang mga produkto sa pamilihan na may ganap na kompetisyon kahit
hindi gamitan ng pag-anunsiyo?
- Ang mga produkto sa mga pamilihan ay pare-pareho lamang; ito ay kadalasang kinakain
kagaya ng gulay, prutas at bigas. Hindi na ito ginagamitan ng pag-aanunsiyo dahil ito ay
pangangailangan. Araw-araw na pangangailangan ang pagkaing gulay at prutas kaya hindi na
kailangan pag-aanunsiyo dahil patuloy itong binibili.

You might also like