Esp 8 Second Quarterly Assessment

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Administrative
Division of Butuan City
Northwest Butuan District
PAGATPATAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Cigla Village, Pagatpatan, Butuan City

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Ikalawang Markahang Pagsusulit
Taong Panuruan 2022-2023
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang tamang pakikitungo sa kapwa ay _________.


a. Nakabatay sa estado ng tao sa lipunan.
b. Nakasalalay sa kalagayang pang - ekonomiya.
c. Pagtrato sa tao nang may paggalang at dignidad.
d. Pagkakaroon ng kagustuhan na maging mapag- isa.
2. Alin sa mga sumusunod na aspekto ng pagkatao ang higit na napauunlad sa pamamagitan ng paghahanapbuhay?
a. Intelektwal c. Pangkabuhayan
b. Panlipunan d. Politikal
3. Alin sa mga pahayag ang isa sa mga palatandaan na ang tao ay likas na panlipunang nilalang?
a. Kakayahang tugunan ang kaniyang sariling pangangailangan.
b. Kakayahang lumikha ng masasaya at makabuluhang alaala.
c. Likas sa kanyang pagkatao ang pakikipagkapuwa.
d. Mahirap ang walang kasama sa buhay.
4. Ang makabuluhang pakikipagkapwa ay maipakikita sa pamamagitan ng sumusunod maliban sa:
a. kakayahan ng taong umunawa.
b. espesyal na pagkagiliw sa nakaaangat sa lipunan.
c. pagmamalasakit sa kapakanan ng may kapansanan.
d. pagtulong sa mga biktima ng droga at pakikiramay sa kanilang sitwasyon.
5. Alin sa mga sumusunog na pahayag ang nagpapakita ng kahinaan ng mga Pilipino sa pakikipagkapwa?
a. Makiramdam sa kapwa. c. Umunawa sa damdamin ng iba.
b. Pagtanaw ng utang na loob. d. Pagiging emosyonal sa pakikisangkot.
6. Ano ang nakahahadlang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapwa?
a. Ang pagkilala sa sarili na mas matalino kaysa ibang tao.
b. Ang pakikilahok sa mga gawaing panlipunan at pagbabahagi sa sarili.
c. Kakayahang tugunan ang pangangailangan sa pangkabuhayan ng kapwa.
d. Sapat na pagsusuri sa mga bangayan at problema ng mga lideres ng ating pamahalaan.
7. Nalilinang ng tao ang kaniyang _______ sa pamamagitan ng pakikiisa at pakikibahagi sa mga samahan.
a. Sipag at tiyaga c. Talino at kakayahan
b. Kusa at pananagutan d. Tungkulin at karapatan
8. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang sumasalungat tungkol sa diyalogo?
a. Naipakikita ang kakayahang makipag- diyalogo sa pamamagitan ng wika.
b. Nagkakaroon ng pagkakataon ang taong makipag-ugnayan sa kapwa.
c. Naipapahayag ng tao sa kaniyang kapwa ang tunay na pakikitungo.
d. Umiiral ang diyalogo sa sariling pagsasaliksik ng kasanayan.
9. Ang pagkakaroon ng magandang samahan sa lipunan ay inaasahang magtataguyod ng ________ bilang paglilingkod sa
kapwa at para sa kabutihang panlahat.
a. kultura b. pangkabuhayan c. libangan d. pagtutulungan
10. Bakit mahalaga ang makabuluhan at mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa?
a. Mapapatunayan ang sariling kakayahan.
b. Magkakaroon ng magandang relasyon ang pamilya.
c. Ito ay magpapayaman at magpapasaya sa buhay ng tao.
d. Mapapaunlad ang pagkilala at pagtuklas ng sariling kahinaan at kalakasan.
11.Paano matutugunan ang pangangailangan ng tao sa aspektong intelektwal?
a. Makinig sa magulang kahit nakagagawa ng pagkakamali sa buhay nila.
b. Magdasal araw-araw upang maging magaling sa paaralan.

Good Luck & God bless 😊


c. Mag-aral nang mabuti at magbasa ng mga aklat.
d. Maging matapat sa bawat ginagawa.
12. Ang kahirapan sa buhay ay nagpapahayag ng kakulangan sa pag-unlad ng aspektong pangkabuhayan. Alin sa mga
sumusunod ang aspektong naglalarawan nito?
a. Kung walang tiyaga, walang kita
b. Likas sa buhay ng tao ang aspektong pangkabuhayan
c. Ang pangkabuhayan ay kailangan pagsumikapan ng tao upang kumita at labanan ang kahirapan.
d. Ang patuloy na pagnanakaw ng pera sa pamahalaan ay lalong nagpapahirap sa mga mamamayan.
13. Ano ang pangunahing dapat pagyamanin upang mabuo ang malalim na pagkakaibigan?
a. Pagpapaunlad ng kakayahan.
b. Simpleng ugnayang interpersonal.
c. Pagbibigay ng kahit ano sa panahon ng kagipitan.
d. Pagpapaganda ng pisikal na anyo upang magkaroon ng maraming kaibigan.
14.Bakit itinuturing na birtud ang pakikipagkaibigan?
a. Ang lahat ng pagkakaibigan ay mabuti.
b. Ito ay sapat na halaga sa pagkatao ng tao.
c. Ito ay nagpapahalaga sa katarungan at pagbabahagi ng sarili sa kapwa.
d. Makakamit lamang ang tunay na pagkakaibigan sa paulit- ulit na pagdaranas nito.
15.Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng mabuting pakikipagkaibigan maliban sa:
a. pakikitungo sa kapwa at pagbabahagi ng sarili.
b. pagsisikap na patatagin ang ugnayan ng pangmatagalang panahon.
c. inspirasyong nagmumula sa taong naniniwala at nagtiwala sa kakayahan.
d. pagtugon sa personal na intensyon ng tulong o pabor na makukuha sa iba.
16. Ayon kay Aristotle ang pakikipagkaibigan ay _______________.
a. pag-angat ng yaman sa buhay tungo sa positibong ugnayan.
b. pumapanig sa kabutihan ng isang tao para sa kaniyang kinabukasan.
c. natatanging damdamin para sa espesyal na tao na higit ang halaga kaysa sarili.
d. sumisibol mula sa pagmamahal ng mga taong malalim na nakikilala ang pagkatao sa kaniyang sariling
pananaw.
17.Alin sa mga sumusunod ang nagbibigay palatandaan sa ibang tao ng tunay mong damdamin?
a. Opinyon c. Ugnayan sa kapwa
b. Kilos o galaw d. Pagtibok ng ating puso
18.Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan?
a. Gustong maging kaibigan ni Rina si Sandra dahil sa pagiging masayahin nito.
b. Kinakaibigan ni Camille si Marilyn dahil alam niya na matutulungan siya nito sa asignaturang Matematika.
c. May marangyang buhay si Anthony kung kaya’t marami ang gustong makipagkaibigan sa kanya.
d. Madalas na kalaro ni Vincent si Arnel sa paglalaro ng basketbol at sila ay parating nagkakasiyahan.
19. Sa panahon ng kabataan, likas na umuusbong ang pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian kagaya sa kaparehong
kasarian. Upang hindi mabuwag ang magandang layunin sa pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian nararapat na isaalang-
alang ang:
a. paglilinaw sa kanilang limitasyon ng ugnayang maingat na binubuo.
b. pagsuporta sa mga mithiing nais makamit mula sa pakikipagkaibigan.
c. paggalang sa katangian at kahinaang taglay ng kanilang sekswalidad.
d. pagkontrol sa posibling atraksyon na makamit mula sa pakikipagkaibigan.
20. Ang sumusunod ay nagagawa ng pakikipagkaibigan sa pagpapaunlad ng pagkatao maliban sa:
a. nakalilikha ito ng mabuting pagtingin sa sarili.
b. nagkakaroon ng mga bagong ideya at pananaw sa pakikipagkaibigan.
c. natutuhang pahalagahan ang mabuting ugnayan sa pakikipagkaibigan.
d. natutukoy kung sino ang mabuti at di- mabuting kaibigan sa pamamagitan ng obserbasyon sa sariling
ugnayan ng iba.
21.Kinausap ng kaniyang guro si Laila na kailangan niyang dagdagan pa ang kaniyang pagsisikap sa asignaturang EsP
upang makakuha ng mataas na marka sa susunod na markahan dahil hindi naging kasiya-siya ang kaniyang grado sa
nakaraan. Nag-aalala ng lubos si Laila baka hindi siya makapasa sa ganitong pagkakataon. Anong pagpapahalaga ang dapat
pagtibayin upang mapagtagumpayan ni Laila ang pagsubok na ito?
a. Tanggapin na lamang niya ang pangyayari.
b. Sumuko at umulit na lamang sa susunod na taon.
c. Humingi ng paumanhin sa guro sa naging pagkukulang sa klase.
d. Magkaroon ng katatagan ng loob at maniwala na kakayanin niya ito.
22. Paano pagyayamanin ang mga pagpapahalaga sa pakikipagkapwa?
a. Magtiwala kaagad sa kapwa upang masaya ang lahat.

Good Luck & God bless 😊


b. Maging matapang sa bawat tao upang kapani – paniwala ang bawat sinasabi.
c. Iwasan ang makipag-usap sa ibang tao upang hindi makasakit ng damdamin.
d. Pakitunguhan ang bawat isa nang may paggalang at kabutihan sa lahat ng pagkakataon.
23.Paano ka makaiiwas sa pananakit sa taong dahilan ng iyong galit?
a. Suntukin na lamang ang pader.
b. Kumain ng mga paboritong pagkain.
c. Huwag na lamang siyang kausapin muli.
d. Isipin na lamang na sadyang may taong nakasasakit ng damdamin ng iba.
24.Nasaktan mo ang iyong kapatid dahil ginamit niya ang iyong bag nang walang pahintulot. Ano ang naidulot ng iyong
kilos?
a. Hindi na niya uulitin ang kanyang ginawa.
b. Gumaan ang iyong loob dahil ikaw ay nakaganti.
c. Nagkaroon ng suliranin sa ugnayan ninyong magkapatid.
d. Naging masaya ka dahil sa iyong ginawa dahil nasaktan mo ang iyong kapatid.
25.Ito ay madaliang tugon o reaksiyon ng tao sa mga bagay na kaniyang nakikita, nararamdaman, naaamoy, nalalasahan at
naririnig na binibigyan ng interpretasyon ng kanyang pag-iisip.
a. Kilos c. Emosyon
b. Kalooban d. Desisyon
26. Nalilito si Roel kung anong kurso ang kukunin niya sa kolehiyo bagama’t nakapasa siya sa pagsusulit para sa iba’t ibang
kurso. Sa ganitong pagkakataon, ano ang pinakamainam niyang gawin upang mapili niya ang angkop na kurso para sa
kaniya?
a. Magtanong at humingi ng payo sa mga nakatatanda.
b. Pumili alinman sa mga kurso dahil naipasa naman niya ang pagsusulit.
c. Pag-isipan at pag-aralang mabuti ang desisyon na gagawin upang hindi magsisi sa huli.
d. Huwag munang mag-aral sa kolehiyo upang makapaglaan ng mahabang panahon sa pag-iisip.
27. Gabi na nang makauwi si Sara galing sa paaralan, habang naglalakad may narinig siyang kaluskos sa kung saan. Siya ay
nagulat at nakaramdam ng takot. Binilisan ni Sara ang kaniyang paglalakad upang makarating sa kanilang bahay. Ano ang
idudulot nito sakaling maranasan niya muli ang ganitong sitwasyon?
a. Makapag- iingat si Sara.
b. Mapoprotekhan na ni Sara ang sarili.
c. Hindi na muling dadaan sa madilim na kalsada na nag-iisa.
d. Makaiwas sa mga nakakatakot na sitwasyong maaaring mararanasan muli.
28. Sa tuwing tayo ay nakararanas ng krisis sa buhay dala ng negatibong emosyon mahalaga na tayo ay magrelax. Alin sa
sumusunod ang hindi magandang paraan ng pagre-relax?
a. Paglakad-lakad sa parke c. Pagbabakasyon
b. Paninigarilyo d. Panonood ng sine
29. Nagalit ka sa iyong kaibigan dahil nalaman mo na niligawan niya ang iyong kasintahan at nakasalubong mo sila na
masayang magkasama. Pinigilan mo ang iyong sarili at umiwas ka dahil sa iyong palagay hindi angkop ang oras na iyon
para sa pag- uusap dahil matindi pa rin ang iyong galit. Ano ang kabutihang naidudulot ng ginawang pagtitimpi
(temperance)?
a. Napatutunayan ang kabutihan ng sarili sa iba.
b. Nakaiiwas sa pananakit sa sarili at sa kapwa.
c. Nahaharap ang matinding pagsubok sa buhay.
d. Nakakaiwas sa pag-iisip ng solusyon sa suliranin.
30. Pangarap mong maging katulad ng iyong hinahangaang guro. Subalit, sinabi ng iyong mga magulang na kung ikaw ay
magiging accountant ay madali kang aasenso gaya ng iyong pinsan na ngayon ay mayaman na. Nalungkot ka sa di pagsang-
ayon ng iyong mga magulang sa nais mo subalit ngayong nasa unang taon ka na sa kolehiyo sa kursong Accountancy ay
nakita mong angkop ang iyong kakayahan sa kursong ito. Komportable ka sa iyong mga ginagawa. Ano ang nakapagpabago
sa iyong nararamdamang emosyon?
a. Ang aking mood c. Ang pagsubok na naranasan
b. Ang dikta ng isip d. Ang napakaraming naramdaman
31. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kahalagahan ng pamumuno?
a. Natutugunan ang pangangailangan ng bawat kasapi ng pangkat.
b. Nagkakaroon ng direksyon ang pangkat tungo sa pagkamit ng layunin.
c. Nagkakaroon ng kinatawan upang makilala ang pangkat na kinabibilangan.
d. Nakatatanggap ng parangal dahil sa pagkakaroon ng magagandang proyekto
32. Ang mapanagutang pamumuno ay pagkakaroon ng __________________.
a. karangalan pagkatapos na makamit ng pinamumunuan ang layunin ng pangkat.
b. posisyon na magbibigay ng kapangyarihan upang mapakilos ang pamumunuan.

Good Luck & God bless 😊


c. awtoridad na maipatupad ang mga gawain upang makamit ang layunin ng pangkat.
d. impluwensiya na magpapakilos sa mga pinamumunuan tungo sa pagkamit ng layunin.
33. Mataas ang kamalayang pansarili ng isang tao kung nalalaman niya ang tunay niyang pagkatao, mga pinapahalagahan,
mga talento, layunin sa buhay at kung ano ang nagbibigay ng kahulugan, kapanatagan at kaligayahan sa kaniyang buhay.
Ano ang kanyang angking taglay?
a. Pamamahalaan ang sarili c. Makibagay sa personalidad.
b. Makibagay sa sitwasyon d. Makibagay sa mga tao.
34. Ano ang ibig ipahiwatig ng pahayag na ito ni George Washington,“Ang tunay na pagkakaibigan ay dumadaan muna sa
ilang matitinding pagsubok bago ito ganap na malinang sa malalim na antas ng pakikipag-ugnayan.”
a. Masarap sa pakiramdam na pagkatapos ng pag-aaway ay nagkakabati ang magkakaibigan.
b. Kailangang mag-away muna ang magkakaibigan upang masabing sila ay tunay na magkaibigan.
c. Sa pamamagitan ng pag-aaway ng magkakaibigan ay malalaman ang tunay na ugali ng bawat isa.
d. Hindi natin makikilala nang lubos ang mga kaibigan kung hindi natin mararanasan ang ilang krisis
kaugnay sa pakikipagkaibigan.
35. Ayon sa resulta ng mga pagsasaliksik, alin sa sumusunod ang pangunahing katangian ng lider na pinipili ng mga tao?
a. Nagpapamalas ang lider ng integridad.
b. Magaling ang lider sa pagplano at pagpapasiya.
c. Nagbibigay ang lider ng inspirasyon sa pangkat.
d. Pagkakaroon ng tiwala ng lider sa kaniyang tagasunod.
36. Mas marami ang kuntento sa pagiging tagasunod dahil sa ___________.
a. paggalang sa awtoridad.
b. pakinabang sa tinatanggap.
c. parehong paniniwala at prinsipyo
d. madali ang maging tagasunod kaysa maging lider.
37. Bilang tagasunod, ang isang tao ay masasabing umaayon, kung siya ay kinakitaan ng ___________.
a. Mataas na antas ng kritikal na pag-iisip at mataas na antas ng pakikibahagi.
b. Mababang antas ng kritikal na pag-iisip at mataas na antas ng pakikibahagi.
c. Mataas na antas ng kritikal na pag- iisip at mababang antas ng pakikibahagi.
d. Mababang antas ng kritikal na pag-iisip at mababang antas ng pakikibahagi.
38. Ano ang nililinang ng isang tagasunod kung paiiralin niya ang isang tamang konsensiya na gagabay sa kaniyang
pagtupad ng mga gawain at pagpapaunlad ng pakikipag- ugnayan sa kapwa?
a. Pakikipagkapwa c. Kakayahan sa trabaho
b. Mga pagpapahalaga d. Kakayahang mag- organisa
39. Nagiging makabuluhan ang pagiging lider at tagasunod sa pamamagitan ng sumusunod, maliban sa ___________.
a. pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip
b. pagtataguyod na makamit ang layunin ng pangkat.
c. pagiging magalang at makatarungan sa pakikipag-ugnayan sa iba.
d. pagiging tapat, maunawain at pagpapakita ng kakayahang impluwensyahan ang kapwa.
40. Ang tunay na kahulugan ng pakikipagkaibigan ay ___________.
a. pagsunod sa utos ng kaibigan sa lahat ng pagkakataon upang lumago ang relasyon.
b. pagbibigayan kahit mangutang ng pera basta’t matulungan lang ang kaibigan.
c. pagdamay sa kaibigan kahit anong mangyari lalo na kung may problema.
d. lahat ng kabutihan na naibigay ay may kapalit.
41. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na “nararapat nating mahalin ang ating kapwa tulad sa ating sarili”?
a. Mahalaga na mahalin natin ang ating mga mahal sa buhay.
b. Ang pagmamahal ay nararapat lamang sa mga taong mabait at mayayaman.
c. Kung mahal tayo ng kapwa natin ay nararapat din silang suklian ng pagmamahal.
d. Ang pagmamahal ay walang pinipili, ang lahat ng tao ay nararapat nating mahalin.
42. Paano mapapaunlad ang wastong pamamahala ng emosyon sa iyong sarili at sa iyong pakikipagkapuwa?
a. Kapag maraming problema ay mawawala rin ang tunay na kahulugan ng buhay.
b. Mahalagang harapin ang mga magagandang pangyayari at iwasan ang malulungkot.
c. Matutong tanggapin na hindi sa lahat ng pagkakataon makukuha ang sariling kagustuhan .
d. Ang tagumpay ay nasusukat sa kakayahan na mamuhay nang may pagpapahalaga sa dangal.
43. Mahalaga ang pag-unawa ng isip at damdamin ng iba (empathy) upang _________.
a. mawala ang sakit na nararamdaman.
b. maiwasan ang pagiging magalitin sa kapwa.
c. mapaunlad ang relasyon bilang magkaibigan.
d. maiwasan na baliwalain ang pangngailangan ng iba.

Good Luck & God bless 😊


44. Ano ang pinakamabuting naidudulot ng pagkakaibigan sa pagpapaunlad ng ating pagkatao?
a. Nakalilikha ito ng masayang pagpapasya kasama ang mga kaibigan.
b. Napahahalagahan ang mga kaibigan na nilalapitan sa panahon ng kagipitan.
c. Natutuhang pahalagahan ang mabuting ugnayan at magandang relasyon sa kapwa.
d. Natutukoy ang mga kaibigan na may angking kagalingan at may mayamang pamilya.
45. Ang mga sumusunod ay ang pangunahing sangkap sa pagkakaibigan maliban sa _________.
a. Paggawa ng bagay nang magkasama.
b. Pag-unawa sa nilalaman ng isip at damdamin ng iba (empathy).
c. Kakayahang mag-alaga ng lihim (confidentiality) at pagiging tapat (loyalty).
d. Pagtulong sa kaibigan sa lahat ng pagkakataon nang walang pagtatanong.
46. Paano mapatatag ang mapanagutang lider at tagasunod?
a. Pagsuporta sa lahat ng gawain sa lipunan.
b. Pagkakaroon ng komitment sa lahat nang ginagawa.
c. Pagtugon sa lahat ng pangangailangan ng tagasunod .
d. Pakikinig sa lahat ng sinasabi ng bawat kasapi sa lahat ng pagkakataon.
47. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabuting katangian bilang isang lider?
a. Nanalig sa Diyos, sobrang tiwala sa sarili na magaling sa paglilingkod.
b. Naglilingkod, nagtitiwala sa kakayahan ng iba at marunong sumunod.
c. Naglilingkod, pumupuna sa mga maling asal ng tagasunod.
d. Nagmamahal sa tagasunod at umiiwas sa problema.
48. Alin sa mga uri ng damdamin ang tumutukoy sa kasalukuyang kalagayan na naramdaman ng tao?
a. Pandama o sensory feelings
b. Sikikong damdamin o psychical feelings
c. Kalagayan ng damdamin o feelings state
d. Ispiritwal na damdamin o spiritual feelings
49. Ang elemento ng emosyon na tumutukoy sa epekto sa kalagayan ng ating kalooban at pakikipag-ugnayan sa kapwa ay
_____________.
a. pagkilala sa sariling emosyon.
b. pamamahala sa sariling emosyon.
c. pamamahala sa ugnayan at relasyon.
d. pagkilala at pag- unawa sa damdamin.
50. Paano maisasakatuparan ang mga prinsipyo sa pagpapaunlad ng pakikipagugnayan sa kapwa?
a. Paggalang sa pagiging indibidwal ng kapwa.
b. Pagmamalasakit kung kinakailangan ayon sa kagustuhan ng kapwa.
c. Pakikinig at pagsagot nang di- naaayon sa sinasabi ng iyong kausap.
d. Pakikitunguhan ang lahat ng tao upang walang masaktan sa lahat ng pagkakataon.

Inihanda ni:

KIMBERLY CLAIRE BESAS, SPST-I


Guro sa ESP
Sinuri at siniyasat ni:
LEVI D. BALBARINO
Punong Guro

__________________________________________
Signature Over Printed Name of Parent/Guardian

Good Luck & God bless 😊

You might also like